46
COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND LIFE CHRISTIAN LIFE SEMINAR Session 1: PAG-IBIG NG DIYOS Layunin : Masabi ang katotohanan ng iniibig tayo ng Diyos at may plano para sa ating kapakanan. Partikular na Layunin : Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makagagawa ng: 1. Magpapahayag ng pangangailangan para sa di-karaniwang klase/uri ng pamamagita na maiwasto ang sitwasyon ng mundo. 2. Makilala ang kabutihan ng Panginoong Hesukristo sa pagliligtas ng sangkatauhan. 3. Maibahagi kung paano ang pag-ibig ng Diyos ay napatunayan sa bawat nilalang. 4. Magpasiya ng suriin ang CLS sa bawat modul na natapos. Pinalawak ng Balangkas A. Ang sitwasyon ng mundo ngayon: 1. May malubhang kaguluhan sa mundo ngayon. a. May Digmaan (magbigay ng mga kasalukuyang digmaan na patuloy na nagaganap) b. May karalitaan/kahirapan - pagkagutom sa ibang bahagi ng mundo - mga taong naghihirap maging sa mayamang bansa c. May pagpatay sa tao - lubhang kamuhi-muhi ang pagpapaagas na humahantong sa pagkitil ng milyong batang di-pa isinisilang. d. May kawalan ng kaunlaran sa lipunan 2. Sa sariling katauhan may kalungkutan, pagkatakot, kawalan ng kapanatagan, kawalan ng tiwala at iba pa. 3. Ang bawat isa ay nagkaisa na isang mahalagang bagay ang kailangan para maituwid ang sitwasyon ng mundo. a. Ang tao ay gumawa ng iba’t ibang pagsisikap upang mapabuti ang mundo, subalit ang mga pagpupunyaging ito ay hindi nagtagumpay tulad ng:

COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

COUPLE FOR CHRIST

FOUNDATION FOR FAMILY AND LIFE

CHRISTIAN LIFE SEMINAR

Session 1: PAG-IBIG NG DIYOS

Layunin: Masabi ang katotohanan ng iniibig tayo ng Diyos at may plano para sa ating

kapakanan.

Partikular na Layunin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makagagawa ng:

1. Magpapahayag ng pangangailangan para sa di-karaniwang klase/uri ng pamamagita na

maiwasto ang sitwasyon ng mundo.

2. Makilala ang kabutihan ng Panginoong Hesukristo sa pagliligtas ng sangkatauhan.

3. Maibahagi kung paano ang pag-ibig ng Diyos ay napatunayan sa bawat nilalang.

4. Magpasiya ng suriin ang CLS sa bawat modul na natapos.

Pinalawak ng Balangkas

A. Ang sitwasyon ng mundo ngayon:

1. May malubhang kaguluhan sa mundo ngayon.

a. May Digmaan (magbigay ng mga kasalukuyang digmaan na patuloy na nagaganap)

b. May karalitaan/kahirapan

- pagkagutom sa ibang bahagi ng mundo

- mga taong naghihirap maging sa mayamang bansa

c. May pagpatay sa tao

- lubhang kamuhi-muhi ang pagpapaagas na humahantong sa pagkitil ng milyong

batang di-pa isinisilang.

d. May kawalan ng kaunlaran sa lipunan

2. Sa sariling katauhan may kalungkutan, pagkatakot, kawalan ng kapanatagan, kawalan ng

tiwala at iba pa.

3. Ang bawat isa ay nagkaisa na isang mahalagang bagay ang kailangan para maituwid ang

sitwasyon ng mundo.

a. Ang tao ay gumawa ng iba’t ibang pagsisikap upang mapabuti ang mundo, subalit ang

mga pagpupunyaging ito ay hindi nagtagumpay tulad ng:

Page 2: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

- Sa larangan ng medisina, sa pamamgitan ng ultra sound malalaman ang kasarian

ng bata bago ipanganak subalit maraming tao ay nagpapasyang kitilin ang di-pa sinisilnag na

bata pag natuklasan may kapansanan o kung ito ay hindi kagustuhang pagtatalik.

- ang tao ay hindi ganap na magtiwala na gamiting mabuti ang kalinuhan ng

diyos.

- sa produksiyon ng pagkain, natutuhan nating mabuti ang mga paraan ng

pagpaparami ng produksiyon sa lupa. Subalit milyon tao pa rin ang namamatay sanhi ng

malnutrisyon (Mahinang kundisyon ng pangangatawan sanhi ng di wastong pagkain.) at

pagkagutom.

- Ang sangkatauhan ay di-natutuong ibahagi ang mga biyayang galing sa diyos

para sa mga taong di mapalad.

- Marami ang nag mungkahi ng mga solusyon sa pamamagitan ng relihiyon likha

ng tao at ibang paniniwala tulad halimbawa ng; transoedental meditation, maryisan, new age at

iba pa.

b. Ang tao ay hindi nagtatagumpay sapagkat ang lahat ng pagsisikap ay mula sa

kaalaman ng tao.

- ang kailangan ay kaalaman at pamamaraan na mula sa diyos

Isias 55:8-9

Ang wika ni Yahweh, “ Ang aking isipa’y di ninyo isipan, at magkaiba an gating

daan, kung paanong ang langit higit ng mataas, mataas na lupa ang daa’t isip ko’y hindi maabot

ng inyong akala.

B. Ano ang paraan ng Diyos? May plano ba ang diyos ng maialis tayo sa kaguluhan at pagkalito?

1. Mayroon! Ang simula para malinawan ang plano ng Diyos ay mababasa sa istorya ng

paglikha ng sanlibutan. (Sa Genesis)

a. Gen 1:31, lahat ng nilikha ng diyos ay mabuti

- ang kaguluhan ay di-sangayon sa plano ng Diyos.

b. Gen 1:27 nilikha ng Diyos ang tao na kanyan larawan

- Ang kasamaan at kasalanan ng tao ngayon ay hindi sang-ayon sa kalooban ng

Diyos.

C. Gen 3:8-9 ang tao ay likha para sa pakikipag-ibigan sa Diyos.

Page 3: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

- Ang pagkabuwang n gating ugnayan sa Diyos ay mula sa ating gawa at hindi sa

mga plano ng Diyos.

2. Ang mga pangyayari ay hindi nahayag o nakilala sang-ayon sa plano ng Diyos. Ang dating

kasalanan ay nagbalik at mula noon ang tao ay patuloy ng tumalikod sa diyos at sa kanyang

hangarin.

3. Kahit ng pinarusahan ng Diyos ang tao ay hindi rin sila pinagbigyan ng Diyos.

a. Pinarusahan ng Diyos si Adan at Eva ng sila’y magkasala. Gayunman iginawad sa

kanila ng Diyos ang pagpapahayag ng pagpapala, binigyan sila ng damit na katao (Gen 3:21) ng

Diyos at pinangakuan n gang supling at kanyan supling-dudurigin nito ang ulo ng ahas (Gen

3:15)

- Ang supling ay si Hesukristo at ang babae ay ang inang Maria.

b. Pinarusahan ng Diyos si Cain sa pagpatay sa kapatid ng si Ariel. Gayunman binigyan

si Cain ng isang tatak tanda upang hindi patayin ng sinumang makakita (Gen 4:15)

c. Sa pagpapatuloy sa Genesis (Gen 6) nabasa natin ang tungkol sa pagkakasala ng tao sa

panahon Noe. Nagdadala ng malaking baha ang Diyos upang lipulin ang kasaman sa mundo.

Gayunman mayroon siyang pagkahabag. Sinabihan si Noe na gumawa ng daong ng yari sa

kahoy ng magliligtas sa taong matuwid sa kamatayan.

d. Gayon din sa pagpapatuloy ng matinding galit ang Diyos, inilarawan sa pagtatayo ng

Tore sa babel.

4. Subalit ang pangyayari ng tore sa Babel ay nasundan kaagad ng istorya ni Abraham (gen 21)

na nagging simula ng panunumbalik na gagawin ni Hesus.

5. Sa mga kasaysayan ito, makikita natin kung paano minahal ng Diyos ang sankatauhan. Hindi

pinabayaan ng Diyos ang tao na nag-iisa sa kanyang nagin kapalaran.

a. Ang Diyos ay di-lumalayo siya ay nagmamahal sa atin at naghahangad na magkaroon

ng isang pansariling ugnayan sa atin. Naghahangad malaman ang mga detalye n gating pang-

araw araw ng buhay.

- Isias 48:17

Ito ang sabi ni Yahweh ang inyong manunubos ang bana na Israel; ako si yawing

Diyos mo, ang nagtuturo sa iyo ang daang dapat mong tahakin.

- Jeremias 29:11

Page 4: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

Sapagkat maganda ang balak ko para sa inyo at hindi masama bibigyan ko nga

kayo ng kinabukasan at pag-asaa.

b. Katunayan, ang Diyos ay nagnanaisna maibalik muli tayo sa kanya. Panunumbalikin

an gating pagsasama at pagpapalagayang loob sa kanya.

- Efeso 1:9-10

Ibinunyag niya sa atin ang kanyang mahiwagang balak ang kagandahang – loob na

inilagay na niya kay Kristo. Hinangad nga niyang buuin at pag isahin kay Kristo sa kaganapan

ng panahon tanang bagay sa langit at sa lupa.

c. Ito ang plano ng Diyos. Ito ang pagpapakita ng kanyang pagmamahal.

Ayaw ng Diyos na mamuhay tayo sa kasakitan, kahirapan, at kawalang katarungan,nais ng Diyos

na ang mundo’y maging lugal ng kapayapaan, katarungan at kaligayahan. Isang lugal na siya ang

dapat maghari.

C. Paano matutupad ang plano ng Diyos?

1. Kung titingnan natin ang mundong nakapaligid sa atin mukhang hindi mangayari/imposible.

2. Muli ang kailangan nating bumaling sa karunungan ng Diyos, kailangan natin ang kanyang

paniniwala. Ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa katotohanan ng buhay?

a.) Ang banal na kasulatan ang nagsasabi ukol sa katotohanan ng Diablo.

Efeso 6:12

Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan

at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa sanlibutang ito. Ang mga hukbong

espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.

Tayo ay hindi lamang nahaharap sa mga kasamaan ng lipunan o ng ating sarili. Sa kabila ng lahat

nang ito ay may mga bagay na napakalaki, si satanas ay nagpapalaganap ng mga kasamaang ito.

Kung sa ating sarili, hindi natin mapaglalabanan si satanas.

b.) Sinabi rin ng Diyos na sa ating sariling kakayahan na wala siya ay mawawalan ng kabuluhan.

Juan 15:5

Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nanatili sa akin ,at ako sa kanya, ang

siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.

Sa ating sariling lakas, hindi natin malalampasan ang mga paghamon, pagsubok sa ating buhay

kristiyano.

3. Kaya ano ang kalutasan? HESUKRISTO!

Page 5: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

a.) Si Kristo ang kasagutan.

Siya ang taong espirituwal na mas makapangyarihan kay satanas.

Siya ang puno ng ubas kung saan kumukuha tayo ng buhay, lakas at kapangyarihan.

b.) Katunayan si Kristo ang kapunuan ng pag-ibig ng Diyos.

Juan 3:16

Gayon na lamang ang pag-ibig ng diyos sa sanlibutan kaya ibinigay niya ang kanyang

bugtong na anak upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng

buhay na walang hanggan.

4. Kaya kay Jesus naranasan natin ang pag-ibig ng Diyos at kay Hesus ang planong Diyos para

sa pagbabalik loob ay magsisimulang mangyari/maganap.

D. Ano ang dapat nating gawin?

1. Kailangan na dapat tanggapin natin si Hesus bilang tagapagsalita at panginoon.

Roma 10:9

Kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Hesus ay panginoon at mananalig ka ng buong

puso na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.

a.) Kung ano ang kahulugan nito ay magiging maliwanag habang nagpapatuloy kayo sa CLS na

ito.

b.) Subalit sa ngayon ang mahalagang malaman ay ito:

* Iniibig tayo ng diyos.

* Ipinadala ng Diyos si Jesus na bugtong niyang anak

* Kay Jesus tayo ay maliligtas at manunumbalik an gating ugnayan sa Diyos, sa kapunuan ng

buhay na ninanais nya.

2. Kung gayon nagawa na ng Diyos ang kanyang tungkulin nasa atin na ngayon ang

paggawa/kasagutan.

a.) Ang pagpili ay nasa atin; mamuhay sa ilalaim ng kapangyarihan ng kadiliman, isang buhay

ng kalayaan, kadakilaan, kapayapaan at kaligayahan.

b.) Tanggapin natin si Hesus at ang kaligtasan ng kanyang dinala, mag simula tayo na totoong

maranasan ang pab-ibig ng Diyos.

PURIHIN ANG PANGINOON!

Page 6: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

SESYON NO.2 Ano ang kahulugan ng pagiging isang Kristiyano? LAYUNIN: Mabigyan linaw kung ano ang Kristiyanidad at ipaunawa sa mga tao ang biyaya ng pagiging isang Kristiyano. Partikular na tunguhin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makaunawa na: 1. Tanggapin si Jesus bilang tagapagligtas at Panginoon. 2. Masabi ng maliwanag kung ano ang Kristiyanidad. 3. Maipahayag ang mga biyaya ng pagiging isang Kristiyano. PINALAWAK NA BALANGKAS A. Panimula 1. Noong nakaraang lingo, napag-aralan at natutuhan natin na si Jesus ang kapunuan ng pag-ibig ng Diyos. 2. Nang ating tanggapin si Jesus bilang tagapag ligtaa at Panginoon tayo,y naging Kristiyano. 3. Ngayon maraming natutuhan tayo ukol kay Jesus at kung ano ang kahulugan ng pagsunod sa kanya. B. Ang kaibang katangian ni Jesus 1. Bilang Kristiyano nagmula ang ating pagkakakilanlan sa isang tao, na lubos natin maipagkakapuri, si Jesus ay tunay na kahanga-hanga. a.) Sa ngayon bilyon ang nagpapahayag na kanyang tagasunod, 2000 taon pagkatapos ng kanyang kamatayan. b.) Di-mabilang ang nagging martir sa pnanampalataya sa kanya. c.) Ang aklat tungkol sa kanya ang bibliya, ang nangungunang maipagbili sa mahabang panahon. 2. Itong taong si Jesus ang nagtagumpay para sa ating kaligtasan, ang nagpanumbalik n gating ugnayan sa Diyos, sa kanya maaari tayong magkaroon ng isang bago at ganap na buhay. 3. Bilang Kristiyano dinadala natin ang pangalan ni Jesus kung kaya ngayon hangad natin malamn ang tungkol sa kung ano ang kahulugan ng pagiging isang Kristiyano. C. Maling pakahulugan o hindi pagkaunawa tungkol sa Kristiyanidad. 1. Ang Kristiyanidad ay nabago sa isa lamang sistemang pangrelihiyon.

Page 7: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

a.) Isang itinakdang doktrina na pinaniniwalaan, tulad ng Apostles Creed. * Ang pananalig ay nananatili sa antas ng pangkaisipan b.) Isang itinakdang pangrelihiyon pagsasanay/kaugalian * Pagsimba, pagnonobena at iba pa. c.) Mag-aral o magbasa ng marami ukol sa Diyos d.) gumawa ng marami para sa Diyos Ang mga ito ay maling pagkahulugan kung an gating pinaniniwalaan ay isinasagawa sa ating buhay, tulad n gating kabutihan at pamumuhay ay ibinabatay natin sa mga doktrinang ito, na ating pinaniniwalaan. An gating mga sistemang pang relihiyon ay mga karanasan ng pananampalataya at hindi mga ritwal lamang na ginagawabilang isang bagay na nakaugalian na. 2. Ang Kristiyanidad ay isa lamang sistemang moralidad. a.) Isang sistema ng mga gagawin at hindi gagawin, isang bahagi ng alituntunin ukol sa tama at mali. b.) Iwasan ang mga bagay na ito upang makarating ka sa impiyerno, ito ang mga pang-unawa na di-sapat, sapagkat ang relihiyon ay ginagawang legal at inutil, walang sigla at kagalakan, manapay, ang ating relihiyon ay ating buhay, tayo ay gumagawa o di- gumagawa ng mga bagay hindi sa dahilan sinabi sa kasulatan kundi isang pagpapahayag n gating ugnayan sa Diyos at sa ating mga kapatid. 3. Ang Kristiyanidad ay isang panlipunan, pangsambayanang sistema. a.) Inihahalintulad ang Kristiyanidad sa pagkamakabayan. b.) Ang Kristiyano ay isang taong gumagawa ng mabuti at mabait siya ay maayos na lalaki o babae na lagging nakangiti, magiliw, hindi nagagalit at nagpipilit na mapasaya ang lahat. Isang pang-unawang di-sapat sapagkat kinalimutan ang pagkamaawain ni Cristo, at nalilimitahan ang Kristiyanidad sa pagiging isang mabuting samaritano lamang. Ang totoo ang Kristiyano ay maaring magalit tulad ng dinawa ni Jesus, ang totoo maging ang mga di-Kristiyano at makagagawa ng mabuti. 4. Ang Kristiyanidad ay isang pang-iwas sa mga katotohanan ng buhay, isang opinion ng mahirap at alipin. Ito ay para sa mga mahihina sa mga taong hindi makasapat sa buhay. Isang maling pang-unawa, sapagkat ang mga Kristiyano ay hindi tinuruan na takasan ang mga problema kundi harapin ang mga ito. D. Kung gayon, ano ang Kristiyanidad? 1. Ang katotohanan ng Kristiyanidad ay ugnayan sa Diyos , na naganap sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay ni Jesukristo.

Page 8: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

a.) Ang ating pagiging Kristiyano ay ating pag-ibig, personal na ugnayan sa Diyos, ang buong buhay natin ang nagging pagpapahayag ng ugnayan ito. b.) Ang lahat n gating ginagawa ( mga maling pang-unawa na sinabi )ay pagpapahayag lamang ng ugnayan ito. 2. Mga mahalagang katotohanan tungkil sa Kristiyanidad. a.) Ito ay ugnayan sinimulan ng Diyos, dahil sa kaniyang awa at pag-ibig sa atin. * Efeso 2:4-8 Titus 3:3-7 * Dahilan sa ang Diyos ang pinagmulan ng Kristiyanidad, ang katotohanan ay walang pagmamaliw at walang pagbabago, hindo ito maaring bawasan o tubigan para sa kaalwanan ng tao. * Kailangan nating tangggapin ang salita ng Diyos at iayon an gating buhay dito. b.) Sa Kristiyanidad, tayo ay nagging isang bagong nilalang at nakibahagi sa mismong buhay no Kristo. * 2 Corinto 5:17; Galacia 2:20 * Tayo ay nakibahagi sa walang hanggang buhay ni Kristo, ang ating buhayay hindi natapos sa kamatayan pisikal. d. Tinanggap natin ang katotohanan ng Diyos : Kabanalan * Colosas 3:5-10 E. Tunay na Pahiwatig ng pagiging isang Kristiyano. 1. Kung ang Diyos ay ating ama, pagtiwalaan siya. a.) Ang Diyos ay may plano para sa atin at ito ay mabuti. Jer. 29:11 Sapagkat maganda ang balak ko para sa inyo at hindi masama, binigyan ko nga kayo ng kinabukasan at pag-asa. b.) Ang plano ng Diyos para atin kung anuman ito ay pinakamagaling, hindi tayo umasa ng mga bagay na mabuti, kaya tayo’y kailangang magsikap na alamin ang kanyang plano at mamuhay nang nailing sunod. 2. Alamng Diyos an gating pangangailangan at ito’y ibibigay sa atin. a.) Katunayan, ibinigay na niya ito sa atin ngayon ( sabihin ang mga biyayang nakamtan ) b.) Sino sa akala ninyo ang nagbibigay para sa inyo? Lucas 12:22-31, marami ang pinagmumulan. Buksan ang sarili at marami ang matatanggap.

Page 9: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

3. Dahilan sa lahat tayo’y iisa ang ama, ano ang ibig sabihin niti sa atin na tayo’y magkakapatid kay Kristo. a.) Sa isang masiglang komunidad ( tulad ng CFC-FFL ) nararanasan ng tao ang totoong kapatiran, mayroong paggalang at pagtingin para sa isa’t isa,na di mo matatagpuan kung saan. b.) Bilang magkakapatid, tayo ay nakatalagang tutulong at mangangalaga sa isa’t isa. 4. Bilang mga Kristiyano, natutunan natin ang buhay sa mundo ay pansamantala, kung kaya, huwag mamuhunan dito, naunawaan ni Pablo ito: Filipos 3:8 Itinuring kong walang kabuluhan ang lahat ng iba pa kung ihahambing sa kaalaman kay Kristo Jesus na aking panginoon, Siya ang nagpabale wala sa lahat at itinuring kong ibasursa ang lahat, makamtan ko lamang si Kristo. b.) Ano ang magiging layunin natin? Filipos 3:14 At tumatakbo akong naghahanap ng gantimpala ng makalangit na pagtawag sa akin ng Diyos kay Kristo Jesus. c.) Saan ba tayo totoong kasapi? Filipos 3:20 Nasa kalangitan naman ang ating pagkamamamayan; doon din manggagaling si Jesukristong hinihintay nating manunubos. 5. Kung naniniwala tayo sa lahat ng ito ( banggitin ang 4 ) ano naman ang magiging saloobin natin bilang isang Kristiyano? Isa lamang na saloobin ang maaring may katuwiran: maging mapayapa sa lahat ng oras. a.) Ang alinmang saloobin ay di makatuwiran, sapagkat ang Diyos ay ating ama at siya’y nagmamahal at nangangalaga sa atin. Hebreo 13:5-6 Mamuhay kayo na hindi pera ang hangad, kundi makuntento kayo kung anong meron kayo sinabi nga niya; hindi kita iiwan at di kita pababayaan, at masasabi natin nang may pananalig; tinutulungan ako ng Panginoon, hindi ako matatakot, ano ang magagawa sa akin ng tao? b.) Kung dumating man ang rebolusyon bukas o tuluyang bumagsak ang ekonomiya, o alinmang pangyayari, ang Diyos ay nangakong tutulungan tayo at magkakaloob para sa atin, maging mapayapa!

Page 10: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

F. Pagtatapos 1. Kung tayo’y Kristiyano, tayo ang napakamapalad at binigyang karapatan sa mga tao, sapagkat ang Diyos mismo ay ating ama. Kailangang wala tayo dapat ikatakot sa anuman, sapagkat ang Diyos ang mangangalaga sa atin. 2. Paano natin malalaman ang mga bagay na ito? Ang Diyos ang nagsabi nito, paniwalaan natin ang kanyang salita, ang hindi maniwala sa katotohanang ito ay matatawag na ang Diyos ay sinungaling, subalit ang Diyos ay hindi nagsisinungaling. Pagtiwalaan natin sya ng lubos. 3. Ilagay natin ang ating buhay ng lubusan sa mga kamay ng Diyos, at danasin ang pambihirang kapayapaan ni kristo na dadaloy sa ating mga buhay at sa ating pamilya. PURIHIN ANG PANGINOON!

Page 11: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

SESYON 3: Pagsisisi at Pananampalataya Layunin: Mahikayat ang tao na magsisi sa kasalanan at bumaling sa isang panibagong pananampalataya kay Jesus. Partikular na layunin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makagagawa ng: 1. Pagpapahayag ng kanyang pagkaunawa sa mga kasalanan sa kanilang buhay. 2. Masabi ng maliwanag ang kanilang hangaring magsisi sa kasalanan at manumbalik sa panibagong pananampalataya kay Jesukristo. PINALAWAK NA BALANGKAS: A.PANIMULA 1. Habang nagtatagal, narinig natin ang tungkol sa pagibig ng Diyos at ang ugnayang sinimulan ng Diyos s atin. Ginawa ng Diyos ang lahat para sa atin, ngayon naman ang panahon para tayo’y tumugon. 2. Ang marapat na pagtugon ay pagsisisi at pananampalataya. Marcos 1:14-15 Si Jesus ay nagtungo sa galilea at ipinangaral ang mabuting balitang mula sa Diyos. Dumating na ang takdang panahon at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at magtiwala kayo sa mabuting balitang ito. a.) Kailangan tayo’y magsisi, tulad ng baguhin ang ating buhay, kailangang maniwala tayo sa ebanghelyo, tulad ng pananampalataya kay Jesus at sa mabuting balita na kanyang ipinahahayag. b.) Laging magkasama ang pagsisisi at pananampalataya. Ang mga ito ay Gawain ng pagtugon,hindi maaari na isa lng, kailangan ang isa pa ay kasama. * Ang baguhin lamang an gating buhay ay di-sapat na pagtugon sa Diyos. Kailangan ang paniniwala sa kanya, sa kanyang mga plano at mga pangako. * Ang maniwala na walang ginagawa para baguhin ang buhay upang maging kalugod-lugod sa Diyos ay hindi rin sapat. Lubha itong nangangailangan ng may ugnayan sa moralidad, sa madaling salita ang” pananampalatayang walang gawa ay patay. B. PAGSISISI 1. Sa salitang griego ang pagsisisi ay “ METANOIA’’ na ang kahulugan ay pagbabago ng isipan. a.) Hindi lamang ito karaniwang pagsisisi ng mga kasalanan, kundi isang pagbabago ng direksyon. * Ito’y napakahalagang pagbabago ng daan sa pamumuhay; inaalis ang dating mithiing itinakda sa buhay at sumusunod sa bago.

Page 12: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

* Ang pag-sisisi ay nakasasama sa ating pag-iisip at paggawa sa ating saloobin, layunin, pagpapahalaga at asal. b.) At tiyakin ang pag-sisisi ay nangangahulugan ng pagtalikod sa kasalanan, tukso, kamalian at pagbabago ng sariling buhay. Ito rin ay pagtalima sa buhay ng pagsunod sa Diyos at itinuturing si Jesus na naghahari sa iyong buhay. * Kasama ditto and pagtalikod sa dalawang isipan, malahin, ( pahayag 3:15-16 ), Pagkukulang sa ating tungkulin bilang kristiyano. 2. Ano ang hindi Pag-sisisi.

a.) Hindi ito nababatay sa mga damdamin.

Kundi sa pagpapasiyang ang hangarin ay tangggapin lamang ang pagkamakatarungan ng Diyos sa ating buhay at tanggihan ang anumang hindi katugma nito. b.) Hindi pagsisisi sa kasalanan dahilan sa natatakot tayo sa mangyayari o magiging bunga. * Huwag ipagkamali ang kalungkutan sa pagkilala para sa magiging bunga ng kasalanan. Kailangang kasuklaman ang kasalanang ito. B. Ano ang Dapat nating gawin upng magsisi? a.) Maging matapat, tanggapin na nagkasala tayo sa ating buhay * Tawaging ang ispada na isang ispada, kung ito’y kasalanan tawagin ito na isang “ malaking karanasan’’. b.) Gamitin ang kababaang- loob. * Magkusang magbago at maging bukas ang kaloobang tanggapin ang tulong ng Diyos sa pagbabago, huwag asahang magbabago ang lahat sa sariling kakayahan. c.) Talikdan ang kasalanan, umiwas at magpasiya na hindi muling uulitin. d.) Hilingin ang kapatawaran ng Diyos. 1 juan 1:9 Kung ipahahayag natin an gating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito, at lilinisin tayo sa lahat n gating kasamaan sapagkat siya’y matuwid.

• Istorya ng alibughang anak Lucas 15:11-24

e.) Para sa katoliko, kailangan natin makinabang sa sakramento ng pagkakasundo tulad ng pangngumpisal sa pari. 4. May mga partikular na ang kasalanan na dapat itakwil ito ang mabibigat na kasalanang totoong hindi naayon sa pakikipag ugnayan sa Diyos, hindi ito tumutukoy sa mga sinasabi lamang na “maliit’’/walang bagay” ( tulad ng ugaling magalit) Ang mabibigat na kasalanang ito ay: a.) Pagsapi sa di makakristyanong relihiyon.

Page 13: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

* Kabilang dito ang mga relihiyong Freemaconry, New Age, Transcedental Meditation. b.) Ispiritismo at Kulto * Kabilang dito ang panghuhula, pangkukulam, paglalaro ng ispiritu ng baso at iba pa. c.) Seksuwal na Kasalanan * Kabilang dito ang pangangalunya, pakikipagtalik ng hindi kasal, pagsasama / pagtatalik ng parehong lalaki at parehong babae. d.) mabibigat na krimen tulad ng pagpatay, panggagahasa, pangingidnap, pagnanakaw, katiwalian, at iba pa. e.) walang taros na paglalasing at paggamit ng droga. Tingnan kung alin sa mga nabanggit na mabigat na kasalanan ang ukol sa iyo, makakatulong sa inyo na makipag usap sa facilitator ngayon linggo kung paano makaiiwas sa mga ito. Tandaan na ang hangarin dito ay hindi masamain ang sarili sa mga nagawang kasalanan, kundi pagpasiyahang talikdan ang mga ito. 5. Ang pagsisisi ay magiging ganap lamang matapos na lubusang talikdan ang kasamaan at tanggapin si Jesus bilang panginoon. a.) Ang ating buhay ay kailangang nasa pamamahala ng Diyos. Kailangang si Jesus ang magpatakbo n gating buhay. b.) Ang tanggapin si Jesus at hayaan siyang maging panginoon n gating buhay ay kailangan ang pananampalataya. C. PANANAMPALATAYA 1. Ang pananampalataya ay paniniwala sa ebanghelyo, na mabuting balita ng pagliligtas ni Jesus. a.) Ang pananampalataya ay parehong paniniwala sa tagapagbalita, si Jesus at sa mensaheng dala niya. b.) Ito ay hindi lamang paniniwala n gating isipan (pansarili) na si Jesus ang tagapagligtas, kundi panniniwala sa ating puso na siya’y dumating upang maging ating pansariling tagapagligtas. 2. Ang pananampalataya ay isang pansariling Gawain at pagpapasiya. Ito ay may maraming pananaw. Pahayag 3:20 Nakatayo ako sa labas ng pintuan at tumutuktok. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, ako’y papasok sa kanyang tahanan at magkakasalo kaming kakain.

Page 14: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

a.) Ito ay isang tiyak na gawa, kailangan buksan ang pinto kung nais si Jesus na pumasok sa ating buhay. b.) Ito ay pansariling gawa, kailangan magpasiya tayo sa sarili na bksan ang pintuan, walang ibang magpapasiya kundi tayo. c.) Ito ay isang sinadyang gawa, hindi na kailangan tayo’y maghintay sa isang mahiwagang liwanag na magpakislap sa atin mula sa kalangitan ( tulad ng karanasan ni Pablo ) o isang maramdaming karanasan upang lampas an tayo, alam na natin si Jesus ay dumating sa mundong ito at namatay para sa ating mga kasalanan. Siya ngayon ay nakatayo sa labas n gating pintuan n gating puso at kumakakatok, ang susunod na hakbang ay nasa atin. d.) Ito ay isang madaling gawa, ang hinaharap ay walang katiyakan at ang panahon ay lumilipas. e.) Ito ay isang mahalaga/ kailanganng gawa. * Ito ay bahagi ng dalawang gawain pagtugon. * Ito ay hakbang/daan na kailangan para tanggapin lahat ang mga pangako ng Diyos. Ang pananampalataya ay nakasalalay sa lahat ng sinabi ng Diyos, halimbawa ay ang paglakad ni Pedro sa ibabaw ng tubig. Mateo 14:25-29 At ng madaling araw na’y sumunod sa kanila si Jesus na naglakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig, “multo’’, sigaw nila, ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, ‘’huwag kayong matakot , si JESUS ito! At nagsalita si pedro, panginoon talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig’’ sumagot siya, ‘’halika’’, kaya’t lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tibig, palapit kay Jesus. 3. Ano ang hindi pananampalataya. a.) Ito ay hindi lamang isang damdamin. * Kundi tinaggap natin ang salita ng Diyos sa isang katotohanan, anuman ang ating nararamdaman b.) Ito ay hindi mapagnasang isipan. Hindi ito batay sa mga ilusyon o sariling hangarin, kundi sa salita ng Diyos. c.) Ito ay hindi pagsunod na nabubulagan. * Si Pedro’y lumunsad sa ibabaw ng tubig sapagkat inanyayahan siya ni Jesus. Naniwala siya sa sinasabi ni Jesus dahil sa nagtitiwala siya kay Jesus na di nagsisinungaling at sapagkat alam niya na may kapangyarihan si Jesus na gawin anuman ang sabihin gawin niya.

Page 15: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

4.) Ang Diyos ay nangako sa atin ng panibagong buhay ang pananampalataya at tumatanggap ng ganon buhay at hahayaan ang Diyos na ipakita sa atin kung paano ipamuhay ito. Kailangan tayo’y handang gawin anuman ang nais ng Diyos sa atin at tunay na gawin ito. D. MAGIGING BUNGA NG PAGSISISI AT PANANAMPALATAYA 1. Mga gawa 16:31 “ Sumasampalataya ka sa panginoong Jesus, at maliligtas ka ikaw at iyong sambayanan.” a.) Isang pangako ng kaligtasan sa kasalanan, satanas at kamatayan. b.) Isang pangako ng kapatawaran at buhay na walang hanggan sa Diyos. 2. Lucas 11:9-10 Kaya sinasabi ko sa inyo humingi kayo ng at kayo’y bibigyan, humanap kayo at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo, sapagkat tumatanggap Ang bawat humihingi, nakasusumpong ang bawat humahanap, at binubuksan ang pinto sa bawa’t kumakatok. a.) Isang pangako ng bagong buhay sa espiritu. b.) Makapapanalangin tayo para sa pagpapalaya ng kapangyarihan ng banal na espiritu sa ating buhay. E. PAGTATAPOS 1. 2000 taong nakalipas, si Jesus ay nagbigay alam ng panawagan sa pagsisisi at pananampalataya. Ito pa rin ang panawagan ni Jesus sa atin ngayon, tinawag tayo upang talikuaran ang kasalanan at lahat ng mga hadlang tungo sa Diyos, at tanggapin si Jesus bilang panginoon. 2. Habang tayo’y tumutugon ng ganap, nangako ang Diyos sa atin ng kaligtasan, kapatawaran at pagkakasundo, walang hanggang buhay, at kapangyarihan ng banal na espiritu sa ating buhay. 3. Tanggapin ang paghamon na magsisi at manampalataya kay Jesus, pagkatapos panghawakan ang mga pangako ng Diyos at asahang maranasan ang kapayapaan at kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay. PURIHIN ANG PANGINOON!

Page 16: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

SESYON 4: ANG KRISTIYANONG MITHIIN: IBIGIN ANG DIYOS

Layunin: Maipaliwanag ang kahulugan ng una at pinakamahalagang utos, at maturuan ang

tao kung paano sila magsimulang mamuhay sa kristiyanong mithiin nito.

Partikular na Layunin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makagagawa ng:

1. Maipaliwanag ang kahulugan ng una at pinakamahalagang utos.

2. Magbahagi ng halimbawa kung paano sila magsimulang isabuhay ang kristiyanong

mithiin nito.

Pinalawak na Balangkas:

A. Panimula (maaaring hindi banggitin/baguhin kung nasabi na ng TEAM LEADER.)

1. Sa unang modyul ng ating CLS, napag – usapan ang ukol sa pag – ibig ng diyos at plano

para sa sangkatauhan, ang kahulugan ng pagiging isang kristiyano, at ang panawagan ng

Diyos sa atin na magsisi at manampalataya sa mabuting balita.

2. Ngayon, magsisimula tayo sa ikalawang modyul, at dito magpopokus sa:

a.) Paano mamuhay ng matagumpay bilang kristiyano sa makabagong mundo.

b.) Paano magagawa ang plano ng Diyos upang maranasan ang kanyang kapangyarihan

at kapangyarihan at kapayapaan/kaluwalhatian.

B. Ang Kristiayanong Mithiin: Ibigin ang Diyos:

1. Ang mga mithiin ay mahalaga upang tayo’y magpatuloy umunlad.

a.) Ito ay patnubay sa ating kaasalan at mga plano sa buhay.

Kayamanan? Katayuan/Posisyon? Katanyagan?

b.) Ang ating layunin ay nagiging mithiin ng buhay, nagpapabago ng kalooban, at

nagbibigay-direksiyon sa ating buhay.

2. Bilang Kristiyano sa mundo, ang ang dapat nating maging mithiin?

a.) Maaring ialay ang ating buhay sa paghahangad ng mabuting layunin. (Tulad ng; isang

mabuting lipunan), subalit kung pag-ibig sa Diyos ay hindi nating mithiin, ito’y hindi

sapat.

b.) Nais ng Diyos na siya’y ibigin, na pinakamahalagang mithiin. Kung kaya, ito’y

kanyang ginawang isang kautusan na pinakapangunahin.

Page 17: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

Marcos 12:28-30

Ito ang pinakamahalagang utos, pakinggan mo Israel! Ang Panginoon na ating

Diyos, siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong

puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.

3. Maraming tao ang nagsisikap na maipahayag ang pag-ibig sa Diyos sa iba’t ibang paraan:

a.) Pagsisikap ng pagiging madasalin

b.) Pagsisikap ng pagiging mapagkawanggawa

c.) Paggawa sa pagiging banal

Ang ma gawain o paraan na ito ay hindi mali, datapwat hindi ito sapat sa pagpapahayag

ng pag-ibig sa Diyos.

C. Ano ang kahulugan ng ibigin ang Diyos nang buong puso.

1. Alamin muna natin ang pakahulugan ni Jesus sa puso.

a.) Sa makabagong panahon, ang pagkaunawa sa puso ay damdamin/emosyon.

b.) Sa bibiliya, ang kahulugan ay isang luklukan ng pang-unawa at pagpapasiya, sa

ingles, ginagamin na “pag-iisip” o kalooban”.

Ang puso ay sagisag ng kaibuturan ng tao, kung sino siya, kasama nito ang

matalinong kaisipan at kalooban, kaagapay ng damdamin.

c.) Sa bibliya, ang pagkaunawa ay makatuwiran, sapagkat ang uri ng pag-ibig na nais ng

Diyos ay hindi nababatay sa damdamin na pabago-bago, kundi sang-ayon sa isang

pangako, isang pagpapasiya na magmahal.

2. Ang ibigin ang Diyos nang buong puso ay maging ganap na mangako, magtiwala sa

kanya.

a.) Ito ay katulad ng ating ginawang pangako sa kasal.

b.) Ito ay pangakong unahin hanapin ang Diyos, maging matapat sa kanya, maghari ang

kanyang kalooban at kapakanan nang higit sa atin.

3. Paano natin ilalagay ang Diyos na pangunahin sa ating buhay?

a.) Nangangailangan ito ng isang pagpapasiya na sundin siya.

Juan 14:15

Kung mahal ninyo ako, isasakatuparan ninyo ang mga kautusan ko.

Page 18: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

b.) Kailangan na mayroon isang pansariling ugnayan sa kanya.

Isang ugnayan na masigla at buhay, hindi naayon sa batas.

Isang sariling karanasang nagmula sa ugnayan bilang kanyang mga anak.

c.) Kailangan na maglaan ng panahon sa kanya. Sa pananalangin, sa pagbabasa ng

bibliya.

D. Ano ang kahulugan ng ibigin ang Diyos nang buo mong pag-iisip?

1. Nang lalangin tayo ng Diyos, binigyan niya tayo ng pag-iisip. Ginawa niya ito upang

maunawaan natin kung paano siy iibigin at paglilingkuran.

a.) Ang mabuting kaisipan ay di-nangangahulugan ng matalinong kaisipan.

b.) Ang tanong ay hindi sa kung gaano kagaling paunlarin ang ating kaisipan, kundi

paano matutupad ang tunay na mithiin – ang ibigin ang Diyos.

2. Ang ibigin ang Diyos nang buo mong pag-iisip ay maglingkod sa kanya ng paglaan ng

ating sarili sa ikatutupad ng kanyang layunin.

3. Sa paggamit ng ating kaisipan ay magkaroon ng di-kapani-paniwalang pangyayari sa

lipunan.

a.) Magagamit ito sa kaunlaran ng mundo (tulad ng; siyensiya, neurosurgery)

b.) O ito’y maging kasangkapan para sa distraksiyon (tulad ng; nuclear bomb, biological

warfare).

4. Paano tayo iibig at maglilingkod sa Diyos nang boung pag-iisip?

a.) Panatilihin na ang kaisipan ay malinis at banal

Malaya sa lahat ng masamang pag-iisip. Mateo 5:28

Malaya sa pagsasalita ng di-mabuti sa kapwa. Mateo 7:15

Inaalis ang paghihinala na hahantong sa di-mabuting ugnayan.

b.) Gamitin ang kaisipan ayon sa mga patotoo ng Diyos, at di-sang-ayon sa mga

kalakaran ng mundo.

Ang paraan ng pag-iisip at paggawa ay nagpapakita ng katotohanan na hindi

lamang tayo pansamantalang nabubuhay sa mundong ito kundi para sa

kaluwalhatian ng kaharian ng Diyos.

Ang ating mga pagpapasiya at pagpili ay kailangang may patnubay ng mga

salita ng Diyos sa bibliya.

Page 19: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

Panatilihing ang ating isipan ay malaya sa mga alalahanin, sapagkat ang Diyos

ay nangako na tayo’y bibigyan at pangangalagaan.

c.) Hayaan ang ating pag-iisip ay abala sa mga bagay tungkol sa Diyos.

Paano ka magiging banal, hindi lamang paano ka uunlad sa maryal na bagay.

Paano ka magbibigay-lugod sa Diyos at hindi paano ka malulugod sa mga

papuri ng tao.

d.) Pangalagaan at panatiling maingat ang kaisipan sa mga masamang impluwnsiya para

gamitin ka Diyos sa kanyang mga layunin/hangarin.

Maging maunawain/maingat sa paggamit ng TV at ibang media, na

maglalantad ng ating isipan sa mga bagay na di ayon sa ating buhay

kristiyano.

Punuin ang ating isipan ng mga kabutihan ng Diyos. Basahin ang bibliya,

mga aklat pang kristiyano at ibang panitikan na makatutulong sanayin ang

ating kristiyanong kaisipan.

e.) Gamitin ang ating isipan ng may kasiglahan para sa hangarin ng Diyos.

Sa ating hanapbuhay, pamilya, kasamahan sa komunidad, at iba pa.

Sa maka-kristiyanong paglilingkod.

E. Ano ang kahulugan ng ibigin ang Diyos nang buo mong lakas?

1. Ito’y nangangahulugan ng ibigin ang Diyos ang lahat mong kayaman-panahon/oras,

salapi, lakas, pag-aari, kaloob, kakayahan.

a.) Tayo’y nilikha ng Diyos. Pag-aari niya tayong lahat, ang tinatawag nating “atin” ay

hindi totoong sa atin kundi sa kanya.

b.) Tayo’y hindi dapat magtakda ng limitasyon sa pagbibigay.

2. Ano ang konkreto/tunay na paraang ibigin ang Diyos sa pamamagitan ng ating

kayamanan/kakayahan?

a.) Salapi

Magkaroon ng mabuting saloobin ukol sa salapi

- Ang Diyos ay may gusto sa sa ating salapi, hindi dahils sa kailangan niya

ito, kundi para malaman ang kalooban ng ating puso. Mateo 6:12

- Tayo’y mga tagapamahala, hindi nagmamay-ari nito.

Page 20: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

- Tayo’y may tungkulin na pamahalaan at gamitin mabuti ang mga kayaman

ibinigay sa atin.

- Tayo’y kailangang gumawa ayon sa kalooban/kapakanan ng Diyos.

Konkretong/tiyak na hakbang na gagawin:

- Pagbibigay ng ikasampung bahagi, Malakias 3:7-10

- Pagbabahagi ng kayamanan

- Panlilimos

b.) Panahon/Oras

Magkaroon ng mabuting saloobin.

- Hindi natin pag-aari ang panahon/oras, tayo’y tagapamahala lamang nito.

- Tayo’y kailangan na maging bukas-palad sa ating panahon/oras, gamitin

ito di-lamang sa sarili, kundi para sa iba.

Konkreto/tiyak na gagawin:

- Hilingin ang patnubay ng Diyos kung paano gagamitin ang panahon/oras.

Pagisipan kung ano ang gagawin sa libreng oras, panunood ng sine,

pagbabasa ng nobela, pagtulog? Ang mga gawaing ito’y hindi mali,

subalit ang panahon/oras ay mas mabuting gamitin (sa pagbabasa ng

bibliya, pagbabasa ng mga aklat kristiyano).

- Magkusang gumawa ng kristiyanong paglilingkod

F. Ibigin ang Diyos nang buo mong kaluluwa.

1. Tayo’y kailangan ibigin ang Diyos nang buo natin pagkatao-emosyonal, espirituwal,

mental, pisikal. Ang pag –ibig ng Diyos ay kailangan ganap sa buong pagkatao.

2. Tayo’y nilalang ng Diyos, tinawag para maging banal, hinangad niya na mag-ukol ng

kabilang buhay na kasama siya. Habang nabubuhay sa mundong ito, tayo’y kailangan

ibigin ang Diyos nang buo mong kaluluwa.

G. Ang ibigin ang Diyos ay pinakamataas na mithiin. Si Jesus ang nagpakita ng daan sa

atin, si Jesus ang ating modelo na ibigin ang Diyos.

1. Siya ay nagtalaga para magawa ang kanyang misyon. Juan 4:34

2. Siya ay sumunod hanggang kamatayan. Lucas 22:42

3. Siya ay palaging humuhingi ng kalooban ng Diyos. Marcos 1:35. Mateo 14:23

Page 21: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

H. Pagtatapos

1. Ang ibigin ang Diyos ay hindi isang tiyak at di-magagawa kung ating iisipin, manapa’y

nangangailangan ito ng tiyak, tunay na gawain; mga pagpapasiya at mga pangako.

2. Subalit hindi ito magagawa lamang sa pagpapasiyang gawin ito, magiging

makatotohanan ang ibigin ang Diyos, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng banal na

espiritu.

PURIHIN ANG PANGINOON!

Page 22: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

SEKSYON 5: IBIGIN ANG IYONG KAPWA

Layunin: Maipaliwanag ang kahulugan ng kristiyanong pag-ibig at matulungan ang tao na

gamitin ang kristiyanong pag-ibig sa kanilang buhay.

Partikular na Layunin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makagagawa ng:

1. Paliwanag sa kahulugan ng kristiyanong pag-ibig.

2. Pagsasabi ng kanilang matibay na paniniwalang magawa ang kristiyanong pag-ibig sa sa

mga taong nakapaligid sa kanila.

Pinahabang na Balangkas:

A. Panimula

1. Noong nakaraaang Linggo, napag-alaman natin ang una at pinakamahalagang uto,

ngayon, alamin nating ang pangalawa:

Marcos 12:31

Ito naman ang pangalawa, ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.

Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.

2. Ang ibigin ang iyong kapwa, kasama ang ibigin ang Diyos, ay bumubuo ng buod ng

buhay kristiyano, pinagsama-sama ni Jesus ang lahat ng kautusan sa dalawang

pinakamahalagang utos na ito.

3. Ang dalawa ay palaging magkasama.

1 Juan 4:20-21

Ang nagsasabing “iniibig ko ang Diyos”, at napopoot naman sa kanyang kapatid

ay sinungaling. Kung yaong kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya maibig, paano

niya maiibig ang Diyos na hindi nakikita? Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang

umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang kapatid.

Kaya ito ang maliwanag: walang pag-ibig sa kapwa, walang kristiyanidad.

B. Ano ang hindi kristiyanong pag-ibig.

1. Ang pag-ibig ay di-lamang pagkakaroon ng tunay na damdamin.

a.) Ang pag-ibig ay kalimitan ay nakatuon sa mga damdamin seksuwal, sariling pagsinta,

kasiglahan.

Page 23: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

b.) Datapwa’t ang damdamin ay nagbabago, kaya hindi maaring maging nag-iisang

batayan ng pag-ibig.

c.) Ang mga damdamin ay sumusunod sa tunay na pag-big, subalit ang pag-ibig ay hindi

katumbas ng mga damdamin.

2. Ang pag-ibig ay hindi laging nagsasabi ng “OO”.

a.) Ang maglingkod sa kapwa o unahin sila ay di-nangangahulugan ayaw mo naman.

b.) Tayo ay may maling pagkaunawa sa isang taong umiibig na isang mabuting tao na

nagsisikap mabigyan-kasiyahan ang bawat isa.

3. Ang Pag-ibig ay hindi nagsasanggalang.

a.) Ang Pag-ibig ay isang mapanganib na gawain. Ano kung may nagkanulo sa iyo?

Ano kung ang minamahal mo sa buhay ay namatay? Ang pag-ibig ay para bang

inilalagay ang tao para masaktan.

Kaya ang maingat na pag-ibig ay nagsisikap na ipagtanggol ang sarili sa

kapinsalaan. Pag-iwas sa kasakitan, kahirapan at pagsubok ay naging isang

kondisyong nakakabit sa pag-ibig.

b.) Ang kristiyanong pag-ibig ay hindi garantiya ng walang kasakitan. Subalit ang sakit

ay napagtitiisan sa pamamagitan ng pangako at ang pinsala ay natanggap sa

pagpapatawad, pagtimpi, at iba pa.

4. Ang Pag-ibig ay hindi makasali

a.) Ang pokus ng pag-ibig ay hindi ang ating sarili kundi ang ating kapwa. Sa kautubong

ugali, ang kristiyanong pag-ibig ay handa sa sariling pagpapakasakit.

b.) Ating pinahahalagahan na unahin muna ang iba ay maaring maging kaabalahan sa

atin o kahirapan.

5. Ang Pagi-big ay hindi nangiimpluwensiya.

a.) Nangiimpluwensiya ka habang nag-aalay ng pag-ibig bilang isang gantipala o

kinalilimutan ang pag-ibig bilang kaparusahan.

b.) Sapagkat ang pag-ibig ay napaka-makapangyarihan, ang tao ay natuksong gamitin ito

sa ganitong paraan, subalit ito ay isang may pasubaling uri ng pag-ibig.

C. Ano ang tunay na kristiyanong pag-ibig? Ano ang pakahulugan ng Diyos sa pag-ibig?

1. Ang kasagutan ay sa Juan 15.

Page 24: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

a.) Si Jesus ay nagwika ng pag-ibig na may kaugnayan sa pananatili ng mga kautusan ng

Diyos. Juan 15:9-10

Wala nang ibang kristiyanong pag-ibig bukod sa pagkatuwiran. Ang pag-ibig

ay hindi kaugma ng paggawa ng kasalanan.

Sa karanasan ng mundo ay makikita na ang pag-ibig na hiwalay sa Diyos ay

naging hantungan ng pagkakasala (Hal. Pakikipagtalik sa hindi asawa).

b.) Si Jesus ay tiyakan nagsabi kung paano iibigin ang isa’t isa. Juan 15:12.

Hindi tayo malayang baguhin ang direksiyon ni Jesus.

c.) Paano umibig si Jesus? Juan 15:13. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit sa sarali.

Hindi lamang paglalaan ng ating panahon/oras, pagbabahagi ng ating

kaalaman, pananalangin sa iba, at iba pa, kundi ang kusang-loob na mamatay

para sa iba.

2. Datapwat marami ay hindi tinawag na mag-alay ng buhay para sa iba. Kung gayon,

paano maisasalin ang pag-ibig sa araw-araw ng gawain?

a.) Ang kasagutan ay nasa Juan 13:1-5 (ang paghuhugas ng paa ng mga alagad ni Jesus).

Ang ginawa ni Jesus ay hindi pangkaraniwan, dahil sa ito ay gawain ng isang

alipin, kung kaya tumutol si Pedro.

b.) Kaya ang pagkamatay sa krus ay hindi lamang isang halimbawang ginagawa ni Jesus,

pinatutunayan niya na kristianong pag-ibig ay isang paglilingkod.

c.) Nang matapos hugasan ang paa ng mga alagad, sinabi niya sa kanila na gawin din ang

kanyang ginawa. Juan 13:14-15.

Pagkatapos, inutusan niya na mag-ibigan ang isa’t isa batay sa kanyang

halimbawa. Juan 13:34.

d.) Ang kristiyanong pag-ibig, kung gayon ay ipinangangakong paglilingkod, Galacia

5:13b-14.

3. Sino ang inyong kapwa? Mapipili mo ba kung sino ang iibigin?

a.) Ang sagot ay nasa talinhaga ng mabuting samaritano, lucas 10:19b-37.

Kinamumuhian ng mga Judio ang mga samaritano, na nag-aasawa sa mga

hentil. Kaya ito’y isang di-pangkaraniwan sa samaritanong ito na tulungan

ang Judio na pinagnakawan at pinahirapan.

b.) Ang pahiwatig sa atin: lahat ng tao na nangangailangan ng tulong ay ating kapwa.

Page 25: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

D. Paano tayo iibig sa pang araw-araw na buhay?

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi nananaghili, nagmamapuri, o

nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o

mapagtamin sa kapwa, hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama, ngunit ikinagagalak

ang katotohanan, ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala puno ng pag-asa ay

nagtitiyaga hanggang wakas.

a.) Matiyaga – hindi kaagad nagagalit, nagbibigay ng paraan sa pagkukulang ng iba.

b.) Magandang-loob – walang saloobin ng pamumula, ang postura at pananalita ay

nagbibigay-sigla at nagpapalakas ng loob.

c.) Hindi nananaghili – hindi nag-iimbot sa pag-aari ng iba o naiinggit sa iba na

nagkaroon ng mga bagay na wala siya.

d.) Hindi nagmamapuri o nagmamataas – mababang-loob, hindi nag-iisip ng pansariling

kahalagahan, mas kinikilala ang sariling pagkukulang kaysa kabutihan.

e.) Hindi magaspang ang ugali – nag-uukol ng hangal at paggalang sa isa’t isa.

f.) Hindi makasarili – hindi tinitingnan ang natamong karangalankundi sa iyong

katungkulan.

g.) Hindi magagalitin – may kakayahang magpigil ng emosyon at damdamin.

h.) Hindi mapagtanim sa kapwa – hindi naghihinanakit o nagagalit

i.) Hindi ikinatutuwa ang gawaing masama – laging naghahanap ng kabutihan ng iba,

maging ito’y kaaway?

j.) Ikinagagalak ang katotohanan – nagsasabi ng totoo sa isa’t isa.

k.) Mapagbata – kayang tiisin ang panglalait, pasakit, kabiguan nang hindi humahadlang;

mayroong pagtitimpi sa sarili.

l.) Mapagtiwala – naniniwala sa kagalingan ng ibang tao.

m.) Puno ng pag-asa – may mabuting saloobin sa buhay at mga suliranin; nananatiling

masaya at mapayapa sa anumang pangyayari.

n.) Nagtitiyaga – kayang tiisin ang mga bagay, hindi tumututol subalit may katatagan ang

loob.

E. Pagtatapos

1. Ang kristiyanong pag-ibig ay isang kautusan, at ito’y mahalaga sa kristiyanidad.

a.) Nakikita natin kung ano hindi karapat-dapat (sabihin)

Page 26: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

b.) Nakita natin kung ano ang karapat-dapat (sabihin)

c.) Nabigyan-pansuri din natin ang mga katangian ng mga pag-ibig.

2. Kung dumating sa inyo ang pagpapasiya na ang kristiyang pag-ibig ay mahirap o

imposible, kayo’y tama.

a.) Sa mga ibinigay na katangian ng pag-ibig at pati ang ating makataong limitasyon, sa

ating kakayahan lamang ay hindi magtatagumpay. Ito’y magagawa sa tulong ng

Diyos.

b.) Subalit si Jesus ang nag-utos sa atin na umibig at nagbigay rin sa atin ng

kapangyarihang umibig. Upang magawa nating umibig, ginawa tayo ng Diyos na

templo ng banal na espiritu.

Roma 5:5

Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay

ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espritu Santo na ipinagkaloob na sa

atin.

PURIHIN ANG PANGINOON!

Page 27: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

SESYON 6: ANG BUHAY SA BANAL NA ESPIRITU.

Layunin: Pakilusin ang inaasahang pananampalataya at ang masidhing hangarin para sa

mabuting gawain ng Diyos sa buhay ng tao, sa pamamagitan ng banal na espiritu.

Partikular na Layunin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makagagawa ng:

1. Maipahayag ang pagkaunawa sa siyam (9) na kaloob ng banal na espiritu.

2. Masabi ang kanilang mithiin para sa mabuting gawain ng Diyos sa kanilang buhay sa

pamamagitan ng banal na espiritu.

Pinalawak na Balangkas:

A. Panimula

1. Ang ating paksa, ang buhay sa banal na Espiritu ay napakahalaga sapagkat ito ang uring

buhay na nais ng Diyos para sa atin.

a.) Ang buhay na ito sa Espirutu ay normal sa mga Kristiyano noong una. Naranasan

nila nang ganap ang pagkilos ng banal ng espiritu.

Sa aklat ng mga gawa, nakita nating gumanap ang banal na Espiritu sa kanila,

gumabay, nagwika at nagbigay ng mga kaloob.

b.) Kailangang malinawan pa ang banal na espiritu ay di-lamang isang doktrina, kundi

isang tao na totoong nagpabuti ng ating buhay.

Bagamat alam nating ang tungkol sa ama at sa anak, marami ay di-alam ang

tungkulin ng banal na Espiritu.

Ang kabutihan ng Espiritu ay binigyan-diin ni Jesus.

Juan 16:7

Ngunit dapat rin yong malaman ang katotohanan: ang pagalis ko’y sa

ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang patnubay kung hindi ako

aalis. Ngunit kung umalis ako, susuguin ko siya sa inyo.

2. Ang Kristiyanidad ngayon ay makikitang mahina, kulang sa lakas at bisa.

a.) Subalit hindi naman malimit na walang kabuhay-buhay ang mga Kristiyano. Ang

mga Kristiyano noong una, ay matatag, masigasig at mapang-akit.

Page 28: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

Nagsimula sila sa isang maliit na secta, hanggang sa masakop ang romano

emperyo.

b.) Ang kalakasang iyon ay ginagamit din natin ngayon, iyon ay ang lakas ng banal na

Espiritu.

3. Ano ang mga dapat mangyari? Dapat malinawagan natin na ang tunay na buhay

Kristiyano ay di-lamang lakas ng kalooban ng tao, kundi isang bagong puso, isang

bagong buhay mula sa Diyos.

a.) Hindi nating magagawa ito sa sariling kakayahan ang banal na Espiritu ang

nagkaloob na maranasan ang Diyos, isang buhay na ugnayan sa kanya, at ang ginawa

niya sa ating buhay.

b.) Sa banal na Espiritu, natamasa natin;

Pakikiisa sa Diyos. Efeso 2:18

- Isang bagong relasyon sa Diyos bilang ama, nataimtim at pansarili.

Isang bagong nilalang. 2 Corinto 5:17

- Tayo’y mayroon ng lakas Espiritwal para ipamuhay ang buhay Kristiyano.

Lakas para maglingkod bilang mga saksi ni Jesus. Gawa 1:8.

4. Nais ng Diyos na lahat ng tao’y magkamit nitong bagong buhay, ang bagong buhay na ito

sa banal na Espiritu ay maaari sa lahat na tumalikod sa kasalanan at tinanggap si Jesus

bilang Tapagpagligtas at Panginoon.

B. Pagtanggap sa Banal na Espiritu (Ano ang ibig sabihin nito).

1. Ang karanasan ng mga unang disipulo.

a.) Ipinangako ni Jesus ang banal na Espiritu.

Lucas 24:49

Tandaan ninyo: Susuguin ko sa inyo ang ipinangako ng aking ama, kaya’t huwag

kayong aalis sa Lungsod hanggang hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihan

mula sa itaas.

b.) Ang mga disipulo ay sumunod sa sinabi sa kanila ni Jesus, sila’y tumigil sa Jerusalem

at naghintay.

c.) Ang araw ng pentecostes (araw ng mga Judio), mga gawa :2

Talata 1-4

Page 29: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

Nang sumapit ang araw ng pentecostes, nagkatipon silang lahat sa isang

lugar, at biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animo’y hagunot na

malakas na hangin at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May

nakita silang wari’y mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila at

silang lahat ay napuspos ng Espiritu.

- Isang kagulat-gulat na pangyayari, isang ugong tulad ng isang malakas na

hangin, mga dilang apoy, nagsalita sa ibang wika ang mga tao.

Talata 5-13

- Ang nangyari ay gumawa ng isang malaking kaguluhan.

Talata 14-21

- Ipinaliwanag ni Pedro na ang mga tao ay hindi laging manapay totoo ang

sinabi ni Propeta Joel sa lumang tipan.

Talata 22-36

- Ipahayag ni Pedro ang mabuting Balita.

Talata 37-39

- Sinabi ni Pedro sa kanila ang pagtugon na dapat gawin.

Talata 40-41

- Ang mga disipulo ay nagbagong-anyo mula sa pagkamatakuting tao sa

pagiging matapang, malakas ang loob, tatlong libo (3,000) tao ang

nagpabautismo!

Talata 42-47

- Ang banal na espiritu ay lumikha ng matinding pag-iibigan at pagkakaisa

sa lahat ng bagong kristiyano, ang sambayanan ay isinilang.

d.) Ang iba ay tumanggap din ng banal na espiritu.

Gawa 8:14-17 (Samaritano)

Gawa 10:44-46 (Hentil)

Gawa 19:6 (Efeso)

Ang lahat na tumanggap ng banal na Espiritu ay kinilala ang Diyos ng

higit sa ganang sarili at nagtamo ng mga karanasan.

2. Ano ang kahulugan ng pagtanggap sa banal na Espiritu (o pagkabautismo sa Espiritu)

para sa atin, ngayon?

Page 30: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

a.) Ating mararanasan ang dating lakas at kaloob ng Espiritu na ginawa ng mga

Kristiyano noong una.

Dating ugnayan kay Jesus

Dating pagbabagong-lakas

Dating mataimtim na panalangin at pagpupuri

Dating lakas sa pagpapahayag ng mabuting balita

b.) Ating matatanggap ang dating mga Espritwal na kaloob, 1 Corinto 12:1,4-11.

c.) Isang paalaala tungkol sa kaloob ng pagsasalita sa ibang wika.

Ang pagsasalita sa ibang wika ay isang karaniwang karanasan sa bautismo ng

Espiritu, katulad ng sa mga gawa.

Ito ay isang kaloob mula sa Diyos kaya ito’y mahalaga.

Di-tulad ng ibang ispiritwal ang pagsasalita sa ibang wika ay kaagad nakikita.

Ang pagsasalita sa ibang wika ay may mabuting bunga sa isang buhay

Espiritwal lalo na sa panalangin at pagpupuri. 1 Corinto 14:2,14

Ito ang unang hakbang na mahalaga, at kalimitan ay nagiging daan patungo sa

isang buhay na puspos ng Espiritu.

3. Paano natin matatanggap ang Bautismo ng Espiritu?

a.) Ipinangako ng Diyos sa atin ang banal na Espiritu. Lucas 11:9-13

b.) Kaya maniwala tayo sa Diyos sa kanyang pangako, hilingin natin sa ama na lukubin

tayo ng banal na Espiritu.

Tayo’y makaaasa na matatanggap ang Espiritu sapagkat sinabi niya ito.

Kailangan lamang na tayo humiling nang may pananampalataya.

4. Ano ang kahulugan ng mabautismuhan sa Espiritu, para sa atin.

a.) Para sa mga Kristiyano, ito’y hindi unang pag-tanggap ng banal na Espiritu

natatanggap na natin ang Espiritu ng tayo’y binyagan at kumpilan.

b.) Kundi, kung ano ang naranasan ay isang puspos na pagpapala ng kapangyarihan ng

banal na Espiritu sa ating buhay.

c.) Magbigay ng isang maikling pagpapatunay o karanasan.

Nang makilala ang Diyos ng higit sa ganang sarili.

Panalangin sa ibang paraan (higit na nakasentro sa Diyos, higit ang pasalamat

at papuri kaysa paghiling, at higit sa pakikinig).

Page 31: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

Ang bibiliya ang nagbigay-buhay.

Mabuting relasyon (sa asawa, mga anak, sa kapwa).

Isang bagong kagalakan sa kabila ng mga problema.

Mas lalong higit; ang kapayapaan, mga panalanging nasagutan, paggabay at

iba pa.

5. Mga balakid sa pagtanggap ng mga kaloob ng Diyos.

a.) Ugaling di-nagsisisi. Ayaw tanggapin ang kasalanan na isang kasalanan.

b.) Pakiramdam na di-karapatdapat.

c.) Takot sa kung anong iisipin ng iba, na magmukhang loko, na malampasan ng iba.

d.) Pagdududa.

e.) Kapalaluan, ugaling di-kailangan ang mga kaloob ng Diyos.

f.) Pagiging mapili sa kung ano ang mga kaloob na gusto.

C. Ano ang gagawin sa sesyon ng panalangin sa susunod ng Linggo?

1. Wala ng iba, tayo’y mananalangin, magkakaroon tayo ng sama-samang panalangin, at

pagkatapos ipananalangin ng namumuno sa grupo ang bawat isa.

2. Ang panalangin ay sisimulan sa “kasunduan kay Cristo”, maging handa sa panalangin sa

susunod na Linggo. Bigyan ng panahon na basahin ito at pag-aralan ang mga sinasabi

para maipanalangin ito nang may katapatan.

3. Ang bawat isa sa grupo ay kailangan makipagkita sa namumuno, bago sumapit ang

susunod na linggo ng sesyong pananalangin. Ito ang pagkakataon na maliwanagan ang

mga tanong at tanggaping mas malinaw sa bautismo ng banal ng Espiritu.

4. Mangumpisal.

D. Pagtatapos

1. Isang mahalagang paalala: dahilan sa mabuti ang ginawa ninyong pagtugon sa Diyos

(natapos na ninyo ang 2/3 ng CLS na ito), ginagawa ninyo malungkot si Satanas.

Nawalan na siya ng paghawak sa inyo, subalit hindi siya titigil.

a.) Kaya, mag-iingat sa mga tukso ngayon Linggo, o sa mga di-makatuwirang

pagaalaala o sa mga pangyayaring kakaiba na maaring gawin ni Satanas para hindi

kayo makadalo sa susunod na Linggo.

b.) Hindi kayo dapat matakot, tawagin lamang ang pangalan ni Jesus upang

mapaglabanan si Satanas at ang kanyang mga gagawin.

Page 32: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

2. Magkaroon ng panahon na repasuhin ang inyong mga intensiyon at mga inaasahan sa

CLS na ito. Ano ang iyong hinahanap? Ang iniaalok ba ng Diyos sa iyo ay malinaw?

Paano ka tutugon?

3. Ang Diyos ay nag-aalok sa inyo ng isang bagong buhay.

a.) Ang bagong buhay na ito sa Espiritu ay ang karaniwang buhay Kristiyano. Hangarin

ng Diyos ito para sa lahat.

b.) Maging bukas sa bagong buhay na ito sa Espiritu, mas mabuting hangarin ito. At

magkaroon ng pananampalataya na ito’y matanggap mo, sapagkat ipinangako ito ng

diyos.

PURIHIN ANG PANGINOON!

Page 33: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

SEKSYON 7: PAGTANGGAP SA KAPANGYARIHAN NG BANAL NA ESPIRITU

Layunin: Pangunahan ang tao na tanggapin ang bautismo ng banal na Espiritu at ang kaloob ng

pagsasalita sa ibang wika.

Partikular na Layunin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makagagawa ng:

1. Patuloy na maging bukas sa pagtanggap ng kapangyarihan ng banal na Espiritu.

2. Pagpupuri sa pamamagitan ng Espiritu.

3. Pagkilala sa kahalagahan ng kaloob ng pagsasalita sa ibang wika.

Pinalawak na Balangkas:

A. Ano ang sinasabi sa bibliya ukol sa banal na Espiritu?

1. Maraming tao noong panahon ni propeta Ezekiel ay nalulong sa kasalanan at walang

sigla ang buhay espiritwal, tulad ng maraming Kristiyano ngayon. Ito ang sinabi ng

Diyos sa kanila:

a.) Ezekiel 26:36. Ang Pangako ng Diyos ukol sa banal na Espiritu.

Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong Espiritu ang masuwayin ninyong

puso ay gagawin kong masunurin.

b.) Ezekiel 26:37

Binigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga

tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.

Nangako ang Diyos ng pagtulong at ng kapangyarihan makagawa kung ano

ang tama, ang banal na Espiritu ang nagbigay sa atin ng kapangyarihan.

2. Ang banal na Espiritu na ipinangako ng Diyos sa pamamagitan ni Ezekiel, ibinigay ni

Jesus sa kanyang Disipulo. Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, magtatamasa tayo:

a.) Isang bagong pagkatao, kapangyarihang Espiritwal (Gawaing Panloob) Galacia 5:16-

23. Kalikasan ng tao.

b.) Kapangyarihan na maglingkod, gawa 1:8 (Gawaing Panlabas)

3. Nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay magkaroon nitong bagong buhay. Ipinadala ng

Diyos ang kanyang anak sa mundo upang mabigyan tayo ng pinagmumulan ng bagong

buhay, ang banal na Espiritu.

Page 34: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

B. Panimulang paliwanag bago sa panalangin para sa bautismo ng banal na Espiritu.

1. Tayo’y narito upang angkinin ang pangako ng Diyos ukol sa banal na Espiritu, Lucas

11:9-13. Ang turo ni Jesus tungkol sa panalangin (basahin).

2. Anong mangyayari sa sesyon ng panalangin (patakaran/pamamaraan)

a.) Pangako kay Cristo.

b.) Paano ipananalangin ang mga kalahok.

3. Mga mahalagang puntos:

a.) Ito ay hindi ikalawang pagbibinyag (para sa katoliko), kundi isang pagbibigay-laya sa

kapangyarihan ng banal ng Espiritu.

b.) Si Jesus ang magbibinyag sa pamamagitan ng banal na Espiritu.

Ipapatong ang aming kamay sa inyo at ipinanalangin kayo, pero ito ay

pamamagitan sa inyo at sa Diyos. Kami ay mga instrumento lamang. Kaya,

hilingin ninyo sa Diyos kung ano ang kanyang ipinangako at asahan ito ay

mangyayari.

c.) Kakaibang bagay ang mangyayari sa iba’t ibang tao.

Huwag hilingin ang isang karaniwang uri ng karanasan.

Bumaling lamang sa Diyos at tanggapin ang bagong buhay sa banal na

Espiritu mula sa kanya.

C. Pagtanggap sa mga kaloob ng Diyos.

1. Alam ninyo ang inyong pangangailangan, hilingin ito.

a.) Higit na lakas ng loob na isagawa ang buhay kristiyano, lakas na labanan ang tukso,

maraming kaalaman ukol sa Diyos, at iba pa.

b.) Gayundin, ang Diyos ay nag-aalay ng iba’t ibang kaloob. 1 Corinto 12:4-11.

Maging bukas sa kung anuman ang nais ibigay sa inyong Diyos.

2. Mga mahalagang saloobin dapat gawin.

a.) Huwag mabalisa, mas higit na relaks ka, mas madaling matatanggap ang kaloob ng

Diyos. Mahirap ilagay ang isang bagay sa nakaikom na kamay kaysa sa isang relaks

at bukas na kamay.

b.) Huwag matakot, ang Diyos ay sa ating piling, at lubos niya tayong minamahal. Nais

niyang maranasan ninyo ang kanyang pagmamahal sa isang bagong paraan. Huwag

mabahala ukol sa kung paano ka kikilos habang tumutugon sa paglukob ng Espiritu.

Page 35: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

Huwag iisipin na ikaw ay magmumukhang loko kung simula mong papurihan

ang Diyos sa bagong paraan, sa pagtataas ng mga kamay o sa pagbabalita ng

ibang wika.

Hindi namin kayo tatawanan. Kami ay malulugod at magiging masigla sa

inyo minamahal namin kayo.

3. Pagtanggap sa kaloob na pagsasalita sa isang wika.

a.) Ang pagsasalita sa ibang wika ay isang kaloob ng pagpupuri, ito ay isa sa mga kaloob

ng Diyos. Kung kaya ito ay mahalaga. Nais ng Diyos na magkaroon tayo ng kaloob

na ito.

b.) Pagsunod sa Kaloob.

Matapos na kayo’y na humiling na mabautismuhan sa banal na Espiritu (at

ang nananalangin sa iyo na hilingin ito), hilingin ang pagsasalita sa ibang

wika.

Sumunod sa patnubay at paglukob ng Espiritu.

Magsimula lamang sa pagpuri sa Diyos sa iyong sariling salita. Tapos,

magsalita sa ibang wika. Kung kailangan simulang magwika ng mga walang

kahulugan tinig (tulad ng la-la-la). Ang banal na Espiritu ang magbubuo ng

mga tinig ito para magsalita ng ibang wika. (Paghahambing: mas madaling

ibaling ang manibela ng isang sasakyan habang ito’y tumatakbo kaysa

nakatigil.

Huwag susuriin ang mga tinig o nakapokus sa karanasan, ipokus lamang ang

sarili sa Diyos sa Diyos at alayan siya ng iyong pagsasalita bilang isang

panalangin ng pagpupuri.

Iwasan ang pagnanasang isipin na ikaw lamang at hindi ang banal na Espiritu

Santo na g bumuo ng mga tinig.

c.) Kaya sa pagbubuo: Unahin muna sa lahat ang hanggang hangaring nagsasalita sa

ibang wika, dahil sa ito ay isang kaloob mula sa Diyos; pagkatapos. Hingin ito nang

may pananampalataya; at makipagtulungan sa Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng

pagbubukas ng inyong bibig at pagwiwika.

4. Matapos na kayo’y naipanalangin bumalik sa iyong upuan, magkakaroon ng huling

pananalita at sabay-sabay tayo magtatapos.

Page 36: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

a.) Habang naghihintay, magpatuloy ng taos sa pusong panalangin. Ipagdasal din ang

mga kapatid na kasama dito.

b.) Nais nating manatili ang katahimikan habang nanalangin at may pagpapakundangan,

huwag gagawa ng bagay na makaaabala sa mga ipinanalangin.

5. Katapusang Salita:

a.) Nais ng Diyos na magkaroon ka ng kanyang kaloob sapagkat minamahal ka niya at

nais mamuhay sa iyo sa pamamagitan ng banal na Espiritu, mithiin ang mga kaloob

ng Diyos!

D. Ang Sesyon ng Panalangin

1. Ipaliwanag ang alituntunin ng madali.

2. Umawit ng isang kata (Create in me)

3. Gawin ang panalangin ng “pangako kay Cristo”.

4. Panalangin para sa bautismo ng Espiritu.

5. Matapos lahat ay maipanalangin, magdaos ng isang maikling oras ng pagpupuri (kasama

ang pag-awit sa pagsasalita ng ibang wika).

E. Panghuling tagubilin

1. Iba’t ibang tao may iba’t ibang karanasan

a.) Ang damdamin ay hindi mahalagang bagay, manapa’y humanap ng bagong paraan

na ang Diyos ay makagawa sa iyo at tumugon dito (tulad ng, isang bagong hangarin

para sa panalangin, para sa bibliya, at iba pa).

b.) Kung hindi ka nagsalita ng ibang wika, huwag malungkot ukol dito, huwag mong

ihambing ang pagka bautismo sa Espiritu sa pagkakaroon ng nagsasalita sa ibang

wika.

c.) Magpatuloy na maging bukas ang sarili sa Diyos na bumuo ng inyong pagpuri ng

pagsasalita sa ibang wika.

2. Maging handa na tutuksuhin ka ni Satanas upang magduda.

a.) Hangad ni Satanas na makuha sa bawat isa ang mga kaloob ng Diyos. Para sa kanya

ang susunod na mabuting bagay para hindi makamit ito hadlangan kayo na gamitin

ito.

b.) Huwag hayaan ang mga damdamin ng pagdududa ay guluhin ka, tandaan lamang ang

katotohanan na ipinangako ito ng Diyos at hiniling ninyo ito.

Page 37: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

3. Huwag asahang lahat ng problema ay mawawala lahat kaagad, bagamat marami maaring

maganap ang banal na Espiritu au gagawa ng malaking pagbabago sa inyo at makikita

ninyo ito, subalit hindi lahat ay magbabago, maraming bagay ang nangyayari sa

sandaling panahon upang magawa ito. Sa ngayon, may bagong kapangyarihan na kayong

magagamit sa pagsasakatuparan nito.

4. Maging tapat sa regular na oras ng araw-araw na panalangin, gamitin ang isang bahagi ng

inyong panalangin sa pagpupuri at pasalamat sa sariling salita. Manalangin sa pagsasalita

ng ibang wika araw-araw.

5. Ang nangyari ngayon ay simula pa lamang

PURIHIN ANG PANGINOON!

Page 38: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

SESYON 8: PAG-UNLAD SA ESPIRITU LAYUNIN: Maituro ang mailalagang kasangkapan sa pag-unlad at kaganapan sa gulang bilang Kristiyano. Partikular na Layunin: Sa katapusan ang mga kalahok ay makagagawa ng: 1. Pang-unawa na sa kabila ng pagtanggap sa kapangyarihan ng banal na espiritu, nangangailangang umunlad dito. 2. Pasalamatan ang bawat isa sa mga kasangkapan ipinagkaloob ng Diyos para sa pag-unlad at simulang gamitin ang mga ito. Pinalawak na Balangkas A. Panimula 1. Ang bautisimo sa espiritu ay umpisa pa lamang, ngayon kailangan tayong umunlad sa bagong buhay na ito sa pamamagitan ng espiritu. 2. Upang umunlad kailangan nating gamitin ang mga mahalagang paraan ng pag-unlad na ipinagkaloob ng Diyos sa atin, ang mga ito ay; panalangin, pag-aaral, pag-lilingkog, pag-sasama sama, at ang mga sakramento. a.) Ang buhay Kristiyano ay mailalarawan bilang isang gulong ng isang sasakyan. Ito ay may tatlong bahagi: * Panlabas na gilid ( rim) – ito ay bahagi ng gulong na katagpo ng daan, ito’y gumaganap ng pang- araw araw na buhay Kristiyano. * Ang Masa ( HUB ) – ito ay bahagi ng gulong kung saan ang kapangyarihan ay nagmumula sa gilid, ito ay ang magdadala sa gulong ng sama-sama. Ang masa ay ang ating Panginoong Jesukristo na siyang pumapagitna sa ating buhay, ang kapangyarihan ay ang banal na espiritu. * Ang mga Rayos – ito ay nagdadala ng kapangyarihan at direksyon mula sa masa patungo sa panlabas na gilid, sa Kristiyanong kabanas an ang mga rayos ay mga paraan na mailagay ang ating buong pagkatao patungo kay Cristo, upang an gating buhay ay mabago ng kanyang kapangyarihan at patnubay. B. Ang unang kasangkapan: Panalangin 1. Ang panalangin ay pangunahing paraan sa pagtatayo at pagpapanatili ng isang malalim at mapagpamahal na ugnayan sa pagitan natin at Diyos. 2. Ang isang matagumpay na buhay panalangin ay kinapapalooban ng tatlong(3) mahalagang alituntunin: a.) Ang ating panalangin ay kailangan matapat * Magpasiyang gugulin ang panahon para sa panginoon araw-araw.

Page 39: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

* Magpasiya sa mga detalyeng praktikal - kailan? Magpasiya sa isang tiyak na oras sa bawat araw na iyong mapapanatili. - saan? Mateo 6:6 humanap ng isang lugar kung saan di ka maabala o magugulo. - gaano kahaba? Simulang sa 5 hanggang 10 minuto, at dagdagan sa susunod. * Pagtibayin ang isang pormat sa simula. - ACTS, pagpupuri, paghingi ng tawad, pasasalamat, paghiling - gamitin ang pang-araw araw na patnubay na panalangin ( daily prayer guides ) b.) Ang ating panalangin ay kailangang pangunahan ng banal na espiritu. * Ang nakatakda at maayos na panalangin ay makatutulong, subalit maaring maging walang sigla at walang damdamin, maging bukas ang sarili sa pagbabago ng pormat habang pinangungunahan ng espiritu. c.) Ang ating panalangin ay kailangang naka sentro sa ugnayan kay Jesus. hindi “ manalangin” o kaya’y “ manalanging mahusay’’ kundi umunlad ang ating ugnayan sa Diyos. * Ang tao’y maaring mahaling sa mga sistema, bagama’t ito’y makatutulong, ang panalangin ay totoong napakasimple, ito ay isang bagay ng pag-ibig sa Diyos at sa pag-ibig niya sa atin. * Pag-isiping mabuti ang Diyos hindi ang panalangin. 3. Sa kaugalian ng katoliko, ang pamamagitan ni Maria at mga santo ay isang mabuting kasangkapan sa panalangin. Ang debosyon kay Maria at mga santo ay bahagi ng pananalig ng mga katoliko; ang panalangin ng banal na rosary ay isang kasangkapan rin. C. Ang ikalawang kasangkapan: Pag-aaral 1. Kailangang makilala natin ang Diyos at maunawaan siya at kanyang mga paraan. Ang pag-aaral ay isang sinadya, pagsasanay ng pag-iisip, hindi tumutukoy una sa mataas na pinag-aralan kundi sa malawak na sistema ng pang-unawa ukol sa Diyos upang tayo’y magmahal at higit na maglilingkod sa kanya. 2. Tatlong (3) paraan upang mas higit na mapag-aralan ang ukol sa Diyos. a.) Ang Bibliya * Ito ang pinakamahalaga, sapagkat ito ang mismong salita ng Diyos, nagtuturo ito kung sino ang Diyos.Kung ano ang kanyang nagawa, at kung ano ang nais niyang ipagawa sa atin. * Kailangang magbasa ng bibliya araw-araw. - magsimula sa sampu ( 10) hanggang labing lima (15) minute - ituloy ang kusang pag-aaral sa mga bahagi ng bibliya. -kailangang maging layunin natin na basahin ang buong bibliya. b.) Babasahing espiritwal * matapos basahin kung ano ang sinabi ng Diyos sa kanyang sarili sa bibliya, basahin natin kung ano sinabi ng mga tao ukol sa Diyos. Makagagawa tayo ng espiritwal na kaalaman at pag-aaral sa buong buhay ng simbahan, * Isinasama dito ang pagbabasa ng mga aklat espiritwal, magasin, artikulo at iba pa.

Page 40: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

c.) Mga pagtuturo at pangangaral * ang ating sa pagtuturo at pangangaral sa CFC-FFL * ang salita ng Diyos na binasa sa lingguhang homilya, sa mga Gawain ng simbahan, sa mga komperensiya, at iba pa. * simulang maging ugali na magtala ng nota. D. Ikatlong Kasangkapan: paglilingkod 1. Si Hesus sa pamamagitan ng banal na espiritu ay gumagalaw sa atin, hindi lamang para sa ating sariling pag-unlad kundi para bigyan tayo ng mabuting paglilingkod para sa kanya at sa kanyang sambayanan. 2. Kailangang magkaroon na kaisipang maglingkod upang makita ang buong buhay natin na ibinibigay sa mga Gawain ng Diyos. Kailangang magkaroon tayo ng saloobin sa ating puso ng isang naglilingkod, tulad ni Jesus. Mateo 20:26-28 Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo, sa halip, ang sinimulan sa inyo na maging dakila ay dapat maging lingkod. At sa sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng anak tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami. a.) At habang inilalagay natin ang Diyos ng una sa ating buhay, tinawag niya tayo na paabutin ito sa iba. b.) Ang paglilingkod ay nagpapalago sa atin sapagkat hinihipo nito ang pinakamabuting saloobin mayroon tayo at sa ating pagkamalaya, ang maglingkod sa ibang tao ay pagiging mababang loob. 3. Mga paraan upang tayo’y maglingkod. a.) Una naglilingkod tayo sa Diyos sa paraang tayo’y nabubuhay. * araw-araw na pananalangin at pagbabasa ng bibliya. * pagagawa ng kabutihan at kabanalan. b.) Naglilingkod din tayo sa pagtupad ng mahalagang ibinigay ng Diyos sa ating pang araw araw na buhay. * tulad ng; bilang asawa, bilang magulang, bilang empleyado at iba pa. c.) tapos, naglilingkod tayo sa ating kapwa sa pagkilala ng mga pagkakataong nagawang paglilingkod sa pang araw-araw na buhay. * tulad ng kagandahang loob, pag-aalok ng pagsakay, pag-aalaga ng bata, pagbisita sa may sakit, at iba pa. d.) tayo ay nagbibigay saksi sa pananalig kay Jesus sa ating pang-araw- araw na buhay. Nagiging handa sa mga pagkakataon maibahagi ang pananampalataya ng pagsalita sa pamilya, mga kaibigan , kapitbahay, kasama sa trabaho at sa mundo sa pangkalahatan.

Page 41: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

e.) Ipagkaloob ang sarili at ang kakayahan sa Gawain ng Diyos, an gating panahon, talent, kayamanan. * Gumawa ng mabuting gawa Santiago 2:14-17 Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin niyang siya’y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya mapatunayan sa gawa? Maililigtas ba sya ng gayong pananampalataya? Halimbawa, ang isang kapatid ay walang maisuot at walang makain, kung sabihin ng isa sa inyo, Patnubayan ka nawa ng Diyos, magbihis ka’t magpakabusog ngunit hindi naman siya binibigyan ng kanyang kailangan, may mabuti bang maidudulot sa kanya iyon? Gayon din naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.

• Tumulong sa pamamagitan ng panalangin at pagbibigay pinansyal upang maipahayag ang mabuting balita.

• Humanap ng pagkakataon maibigay ang oras at kakayahan na maglingkod sa mga Kristiyanong komunidad sa isang karaniwang batayan.

E. Ikaapat na kasangkapan : Pagsasama-sama 1. Ang pagsasama-sama ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ginawa ng mga Kristiyano na nagkasama bilang isang katawan, ito ang pagpapatibay ng katotohanang espiritwal, na tayo ay magkakapatid na nabibilang sa isang pamilya. 2. Tayo ay hindi nagiging ganap na Kristiyano sa ating sarili, kailangan na sumama tayo sa iba upang maranasan ang kaganapan ng buhay Kristiyano. a.) kailangan natin ang tulong ng iba. Kailangan ang kanilang katalinuhan at kalakasan. b.) kailangan gawin ang mga Gawain ng sama-sama. Ang pagsasama-sama ay hindi obligadong dagdag na Gawain. 3. Mga paraan para maranasan ang Kristiyanong pagsasama-sama. a.) panalangin sa liturhiya, pagpupulong at conperensiya at iba pa. b.) pagtitipon para mag-aral at pormasyon. c.) paglilingkod ng sama-sama ( tulad ng team CLS). d.) panlipunang pagsasama 4. CFC-FFL ang magiging daan para tamasahin ang Kristiyanong pagsasama-sama, marami pa sa susunod na lingo. F. Ikalimang kasangkapan: Mga sakramento ( para sa Katoliko). 1. Sa kristiyanong kaugalian, ang pinakamahalagang ksangkapan para sa espiritwal na pag-unlad ay ang mga sakramento, ito ang pangunahing pinagmumulan ng mga biyaya ng Diyos sa ating buhay.

Page 42: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

2. Ipinapayo ang malimit na pangngumpisal at pagkokomunyon. a.) Bagama’t ang pangngumpisal ay kailangan lamang minsan sa isang taon, ating sasamantalahin ito ng mas malimit. b.) Bagama’t ang komunyon ay minsan sa isang taon lamang kailangan tanggapin ito ng mas madalas, may tamang disposisyon. G. Pagtatapos 1. Itong CLS, ag inyong pangako kay Cristo ang Bautismo sa banal na espiritu lahat ng ito ay simula pa lamang ng isang panibagong buhay, tayo’y mga “ supling kay Cristo” at kailangan umunlad/lumago. Gamitin ang mga kasangkapan ibinigay ng Diyos. 2. Kung ikaw ay sumasampalataya, hindi ka mabibigo. PURIHIN ANG PANGINOON!

Page 43: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

SESYON NO.9 : ANG BUHAY AT MISYON NG CFC-FFL: PAGBABAGONG – “ANYO KAY CRISTO”. LAYUNIN: Maipalawanag ang buhay at misyon ng CFC-FFL at magbigay sigla sa tao na may hangarin na maging isang bahagi nitong mangakong grupo ng mga Kristiyano. Partikular na layunin: Sa katapusan ng sesyon ang mga kalahok ay makagagawa ng:

1. Pagpapahayag ng kanilang pagkaunawa at pagpapahalaga sa buhay at misyon ng CFC-FFL.

2. Pagpapakita ng kanilang kagalakan na maipamuhay ang kanilang bagong buhay sa banal na espiritu.

3. Tingnan pasulong kung ano ang maiaalay ng CFC-FFL, simula sa naranasang sambayanan.

Pinalawak na Balangkas A. Noong nakaraang lingo napag-usapan ang tungkol sa mahalagang kasangkapan sa pag-

unlad ng buhay Kristiyano, ang isang kasangkapan ay ang pangangailangan na maging aktibo sa regular na pagsasama-sama at ugnayang pagtulong sa ibang Kristiyano, ngayon ipaliliwanag sa inyo ng detalyado kung paano natutuhan nating iangkop ang kaalaman at kapangyarihan ng Diyos para sa atin at buhay pamilya habang pumapasok tayo sa isang ipinangakong ugnayan sa isa’t-isa bilang mga kristiyano.

B. Ano ang Couples for Christ Foundation for Family and Life (CFC-FFL)?

1. Ang CFC-FFL ay komunidad ng mga Kristiyano magpapahayag ng ebanghelyo at

misyon na nangako sa pagbabago ng buhay pamilya. a.) Nagsimula ng Hunyo 1981 sa Maynila, Philippines, 16na magasawahan. b.) CFC-FFL ay may mga ministeryo para sa mga miyaembro n pamilya na naiiba sa

mga magasawahan, simula ng 1993, CFC-FFL sa may minsteryo para sa mga Kids, Youth, Singles, Widow/ Separated, widower/ separated, CFC-FFL ay may “Womb to Tomb” ministeryo.

c.) CFC-FFL ay abala rin sa pagpapahayag ng ebanghelyo, mayroon tayong Gawain para sa mahirap, Gawain para sa katarungan at Gawain para sa buhay.

2. Ano ang ating gagawing pagtugon? a.) Basahin ang CFC-FFL statement of vision and mission. b.) Basahin ang CFC-FFL statement of philosophy. c.) Basahin ang CFC-FFL core values.

Sa mga binasang Gawain 3. Makikita natin ang kahalagahan ng misyon ng CFC-FFL ngayon.

Page 44: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

Ang pamilya bilang mahalagang bahagi ng lipunan ay plano ng Diyos, gayon pa man, maraming puwersa sa mundo ngayon ang nagmimithing was akin ang pamilya.,ang CFC-FFL ay itinayo ng Diyos upang ipaglaban ang kanyang gawa. An gating tungklin ay patibayin ang buhay pamilya. Ito an gating dahilan para dito. a.) Paano matutupad an gating misyon?

• Sa paggawa para sa pagbabago ng bawat isa, mga pamilya at ng simbahan sa pangmundong batayan.

• Sa pagbibigay ng isang matibay na tulong panlabas para sa ating kasapi. C. Paano magtutulungan ang isa’t isa sa CFC-FFL?

1.Sa ating pinangakong Ugnayan-

a.) Naniniwala tayo na may tungkulin na magbigay-sigla at tumulong sa isa’t isa sabuhay kristiano, kaya nangako tayo na uunlad na sama-sama bilang mga kristiano, b.) Mayroon tayo apat (4) na puntos pangako na nakapaloob sa ating kasunduan.

• Basahin “Ang kasunduan ng CFC-FFL” at ipaliwanag sa ilang salita. 2. Sa pamamagitan ng mga sambahayan(House holds). Lahat ng miyembro CFC-FFL ay kasama sa isang maliit na grupo,tinatawag na “Households”. Kasunod kaagad matapos itong CLS, inaanyayahan kayo ng maranasan na mapasama sa isang Household.

a.)Ang layunin ng Household Group ay magkakaroon ng isang maliit at mas higit na ugnayan parasa personal na pagtulong sa buhay kristiano, at mabigyan ng paraan sa pagpapasigla at mabilis na pagunlad bilang isang kristiano.

• Dito makapagbabahagi ka ng iyong mga karanasan bilang kaalaman mula sa Diyos.

• Makabubuo ka ng tunay na pagkakaibigan at pagkakapatiran na kung wala ito, ang ating buhay Kristiyano ay magkukulang sa pagpapahayag ng kasiyahan.

b.)Ang sambahayan ay binubuo ng 4 hanggang 7 mag-asawahan. c.) Ang sambahayan ay nakikita minsan sa isang lingo, sa dating araw ng lingo na pag kasunduan ng bawa’t miyembro.

• Kulang ang minsan sa isang linggo ay hindi sapat na magkita para magkaroon ng suporta at pagbibigay sigla sa buhay Kristiyano.

• Sobra ng minsan sa isang lingo ay magiging isang dalahin at maaring mangailangan g panahon na mas higit na maibibigay sa trabaho, pamilya, pansariling kailangan o kristiyanong paglilingkod.

d.)Ang sambahayan ay ginaganap sa tahanan ng mga miyembro ( hanggat maaari) sa sistemang paiko’t ikot kada linggo, ang pagdaraos ng sambahayan sa ating tahanan ay may mga kabutihan:

• Ang pagpupuri sa Diyos sa ating tahanan ay ang nagpatunay na ang tahanan ay ginagawang munting simbahan isang pagpapatotoo, at ang mga biyaya ng Diyos ay tiyak na bababa sa tahanan kung saan nagkakatipon

Page 45: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

ang mga anak ng diyos, nagpupuri sa kanya ng sama-sama at umuunlad sa pananampalataya ng magkakasama.

• Amg mga taong nakatira sa tahanan ang ating anak marahil an gating mga magulang, kasambahay, mga taong malapit sa atin ay magkakaroon ng kamalayan kung ano ang ating kinasangkutan at ano an gating ginagawa kada linggo para sa kanila tayo magiging tao na ipinamumuhay ang kanilang Kristiyanong pananampalataya nang hayag at napakabisa.

• Kung ano ang ginagawa sa ating tahanan ay magagamit ng Diyos bilang isang mabuting kasangkapan sa pag-ebanghelyo, lalot higit sa ating mga kamag-anak, kapitbahay at kaibigan.

e.)May tatlong (3) sangkap sa isang sambahayan pagpupulong na naranasan natin dito sa CLS. * ang pnahabang oras ng panalangin at pagpupuri * oras ng pagbabahagio pagtatalakayan * ilang oras ng pagsasama-sama

3.Sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral at pormasyon a.) May pormal na unang taon programa ng pag-aaral * Covenant Recollection ( 2 buwan matapos ang CLS ) * Marriage Enrichment Retreat ( 3 buwan matapos ang CR ) * Evangelization training ( sa katapusan ng taon ) b.) lampas ng unang taon maraming kurso at iba’t ibang pag-aaral para sa mga taong nagbibigay ng serbisyo sa CFC-FFL. c.) Iba’t- ibang pag-aaral ang ibibigay sa pamamagitan ng pastoral formation office (PFO), sa mga prayer assemblies at sa ibang okasyon, mayroon din mga aklat tungkol sa ebangelisasyon, buhay may asawa, Gawain para sa mahihirap at iba pa. 4. Sa pamamagitan ng ibang gawaing regular n gating komunidad.

a.) Buwanang prayer assemblies ( kapalit ng household meeting). b.) Annibersaryo araw ng pamilya, evangelization rallies,leaders conferences at iba

pa. c.) Panlabas na Gawain. d.)

D. Ano Ngayon? 1. Sa buong CLS maraming bagay ang nangyari:

a.) Ang inyong pagsisisi, pansariling pagbabago at panibagong pananampalataya sa Diyos.

b.) Ang pagtanggap kay Jesus bilang tagapagligtas at Panginoon. c.) Ang pagbabagong sigla sa Bautismo ng banal na Espiritu.

2. Ngayon kailangan natin hayaan ang diyos na magpatuloy n gating pagbabagong loob kay Kristo. Ang banal na espiritu ay kumikilos upang kayo’y umunlad na maunawaan, magmahal at maglingkod sa Diyos ng higit.

Page 46: COUPLE FOR CHRIST FOUNDATION FOR FAMILY AND · PDF fileEfeso 6:12 Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang

3. Dumating na tayo sa pagtatapos ng CLS, subalit ang totoo, hindi pa ito ang katapusan. Ito ay simula pa lamang, nakamit na natin ang panibagong buhay sa pamamagitan ng Diyos at sa isa’t isa. Totoong ito’y kapanapanabik.

4. Tayo’y magalak na si Jesus ay ating Panginoon.

PURIHIN ANG PANGINOON!