Click here to load reader

Mga Pananaw at Saloobin Ng Mga Kabataan Sa Mga Pelikulang Pilipino

  • View
    7.949

  • Download
    35

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga Pananaw at Saloobin ng mga Kabataan sa mga Pelikulang PilipinoDOOMA, Roxanne, GABA, Sarah, PAGUYO, Inna Bianca, PANGANIBAN, Danica Marie, PARREÑAS, Michelle Angelique mula sa I NUR 2, UST Kolehiyo ng Nursing T.A. 2008-2009 sa Patnubay ni Gng. Zendel Rosaria M. TarucAng pananaliksik na ito ay may layuning maglahad ng impormasyon magbibigay linaw sa tunay na pananaw ng mga kabataan sa panahon ngayon ukol sa mga pelikulang Pilipino na naisasagawa sa kasalukuyan. Gusto malaman ng mga mananaliksik kung pumapatok ba talaga sa panlasa ng mga kabataan ang mga pelikulang Pilipino sa ngayon dahil karamihan sa mga naipalalabas na pelikulang Pilipino sa kasalukuyan ay ibinabatay ng mga producers sa mga inaakala nila na hilig ng mga kabataan. Nais din matuklasan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito kung mulat ang mga kabataan sa mga pagbabagong pinagdadaanan ng pelikulang Pilipino, partikular na ang mga pagbabago sa pelikula noon at ngayon. Ang mga kabataang may edad 16-20 taong gulang ang mga respondente sa pananaliksik na ito sapagkat karamihan ngayon sa mga naipapalabas ay teen-oriented.

Text of Mga Pananaw at Saloobin Ng Mga Kabataan Sa Mga Pelikulang Pilipino

Kolehiyo ng Narsing Pamanahong Papel sa Filipino II

Mga Pananaw at Saloobin ng mga Kabataan sa mga Pelikulang PilipinoDOOMA, Roxanne, GABA, Sarah, PAGUYO, Inna Bianca, PANGANIBAN, Danica Marie, PARREAS, Michelle Angelique mula sa I NUR 2, UST Kolehiyo ng Nursing T.A. 2008-2009 sa Patnubay ni Gng. Zendel Rosaria M. Taruc Panimula Ang pelikula sa Pilipinas ay ang pinabago sa Philippine arts. Ngunit sa kabila nito, naging tanyag pa rin ito at naging pinakapopular sa lahat ng art forms. Sa buong bansa, mayroong 1000 movie theather. At sa 1980s, mayroon ng higit-kumulang na 2.5 milyong Pilipinong moviegoer, at sa Metro Manila lamang iyan. Bilang isang art form, nasasalamin nito ang kultura at ang paniniwala ng mga taong nanonood nito. (http://www.aenet.org) Ang mga Pilipino, kung pakaiisipin, ay hindi lamang gusto ang mga pelikula, napalapit na din ito sa kanilang mga puso. Ang panonood ng pelikula ay ginagawang libangan ng mga pamilya, mag-babarkada, at ng mga magsing-irog. Ang panonood ng pelikula ay nagsisilbing panahon ng kanilang pagkakabuklod-buklod. Makikita rin kung paano na nagging bahagi ng buhay ng mga Pilipino ang pelikula sa pagkahilig nila sa pagbili o paghiram ng Betamax, VHS, VCD at sa panahon ngayon, ay ang DVD. Lokal man o foreign ang pelikula ay dinadagsa pa rin ito ng mga Pilipino. (Tan, 2008) Layunin Ang pananaliksik na ito ay may layuning maglahad ng impormasyon magbibigay linaw sa tunay na pananaw ng mga kabataan sa panahon ngayon ukol sa mga pelikulang Pilipino na naisasagawa sa kasalukuyan. Gusto malaman ng mga mananaliksik kung pumapatok ba talaga sa panlasa ng mga kabataan ang mga pelikulang Pilipino sa ngayon dahil karamihan sa mga naipalalabas na pelikulang Pilipino sa kasalukuyan ay ibinabatay ng mga producers sa mga inaakala nila na hilig ng mga kabataan. Nais din matuklasan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito kung mulat ang mga kabataan sa mga pagbabagong pinagdadaanan ng pelikulang Pilipino, partikular na ang mga pagbabago sa pelikula noon at ngayon. Ang mga kabataang may edad 16-20 taong gulang ang mga respondente sa pananaliksik na ito sapagkat karamihan ngayon sa mga naipapalabas ay teen-oriented.

I.

Mga Kaugnay na Babasahin

A. Mga Pelikula sa Pilipinas Sa panahon natin ngayon, malayo na ang narating ng pelikulang Pilipino. Mas naging malawak at halo-halo ang sakop ng nilalaman ng mga pelikula. Dahil sa mga pagbabagong naganap, nagkaroon ito ng ibat ibang uri ng pelikula. Ang mga pelikulang Pilipino ay may ibat ibang klase ng genre. Ang mga kailimitang genre ng mga pelikula ay aksyon, romansa, katatakutan at komedya. Ang inobasyon ng lokal na industriya ng pelikula sa Hollywoodang pagsasalin ng kolektibong ethos sa pribadong karakter at bida sa pelikula. Sa pamamagitan ng melodrama na matatagpuan sa lahat ng genre ng pelikulamula social melodrama hanggang aksyon na ang bida ay lalake, sa bomba film hanggang sa horror filmang anxiedad ng kolektibo ay natutunghayan, mapapalawig pero sa katapusan ng pelikula, magkakaroon lamang ng rekurso, tulad sa panlipunang antas, sa indibidwal na resolusyon. Mabigat ang mga pelikulang Filipinokung bomba, ito ay ukol sa gahasa at kahalayan ng babaeng bida; sa aksyon, ang pang-aabuso sa moral na lalake, at ang kanyang panunumbas at paghahanap ng katarunganna sa kabigatan nito, o ang kapasidad na ilahok ang historikal sa indibidwal na problema, ay hindi kailanman lubos na natutumbasan ng pagwawakas ng pelikula. Ilan lang ito sa mga pelikulang Pilipino ng nakalipas na dekada. Malaki ang ipinagbago ng mga pelikula sa ngayon. Nagsimula sa mga aksyon films hanggang sa mapunta sa mga patok na patok na romance films. Ang mga romance films ay pinangungunahan sa ngayon ay naglalayon na mahuli ang kiliti ng mga teenagers sa pamamagitan ng mga popular na loveteams. (Capino, 2008) B. Ang Kabataan: Karaniwang target ng Pelikula Isinasaad sa Youth in Nation-Building Act na ang mga mga kabataan ay ang mga mamamayan na 15 hanggang 30 taong gulang. Ang mga kabataan ang bumubuo sa 40% ng buong populasyon ng Pilipinas. Sila ang nangunguna sa pagbibigay direksyon sa pag-unlad ng lipunan. Ang kanilang mga pananaw, prioridad at pag-iisip ang magbibigay daan sa kaunlaran at kinabukasan ng bansa. At dahil sa kanila iniatang ng lipunan ang responsibilidad na ito ay dapat lang na maglahad ng mga positibong pananaw tungkol sa mga kabataan na magpapatnubay sa kanilang daan patungo sa kaunlaran. (Voicemaster, 2003) At dahil sa nailatad ni Voicemaster, nagbibigay ito ng ebidensiya kung bakit ang karaniwang pelikula sa ngayon ay umiikot at sumesentro sa realidad ng buhay bilang isang kabataan. Naging malaking salik ang bilang ng populasyon ng mga kabataan sa paggawa ng movie industry ng mga pelikulang angkop kanilang edad. Kasalukuyan, mas nakakaimpluwensya sa mga kabataan ang media kumpara sa kanilang mga tahanan at paaralan (Lanuza, 2001). Ngunit kahit na ganito ang kalagayan ng mga kabataan at ng media sa ngayon, sinasabi na sila ang pinakamapanuri sa kanilang mga napapanood kung ihahambing sa ibang pangkat sa lipunan. May isang pag-aaral noong taong 2001 na ipinakita na ang kabataan ay nanonood ng telebisyon ng sampu hanggang labing-apat na oras sa isang linggo. Ang tanyag na programa sa mga kabataan ay ang mga local drama series o teleserye dahil sa nauugnay nila ang storya at mga karakter sa kanikanilang buhay. Mayroong naisagawang pagaaaral na sumusuporta dito ukol sa impluwensya ng pamilya sa pamumuhay ng kabataang Pilipino. Naipakita dito na ang mga kabataan ngayon ang higit sa nagkokonsume ng mass media. (Arnett, 2007)

C. Kabataan at Pelikulang Pilipino(http://winwab.com/wpcontent/uploads/2009/02/youchan Ayon gedmylife.jpg)

Mga Kabataang Nanonood ng Pelikulang Pilipino sa isang sarbey, ang pagpunta sa mga sinehan para manood ng pelikulang Pilipino ay nakaugalian na sa mga mahilig manood ng local films. Tunay na ang masang Pilipino ay tanging sinehan ang isa sa mga libangan o pampalipas oras na maituturing na kinagawian na natin. Ayon kay Atienza, nakita sa isang sarbey na 63.4% sa 7% na mga tao na nanonood ng mga pelikula ay parte ng educated classes. Mahigit 50% ng mga lokal na moviegoers ay ang mga nagkapagtapos ng hayskul at mga nagaaral kolehiyo, samantalang 14% naman ang nakapagtapos na ng kolehiyo at mga post-graduate students. (Cruz, 2008) Tema ng mga Pilipinong Pelikula na Patok sa Kabataan Mayroong lumalaganap na pagkahilig sa mga lokal na media na patok pati na rin sa mga kabataang may mas mataas na kalagayan sa buhay. Ito ay nagsasaad na ang mga kabataan ngayon ay nagkakaroon ng pagkakapare-parehong kagustuhan sa mga naibibigay ng media. Ang pinakapatok sa mga kabataan ay ang mga komedy, variety shows, romansa at mga drama. Ang mga karaniwang nanonood ng mga ito ay ang mga kababaihan na sa siyudad nakatira (Arnett, 2007). Dahil sa malaking populasyon ng kabataan sa Pilipinas, ang karaniwang nagiging tema ng pelikula ay tungkol sa pang araw-araw at kadalasang pangyayaring nagaganap sa mga teenagers. Ang mga ganitong uri ng pelikula ang siguradong papatok sa masa at magiging mabenta sa mga teenagers. Tulad na lamang ng mga pelikulang When I Met You, You Changed My Life, at When There Was You na pinagbibidahan ng sikat na sikat na loveteams nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, KC Concepcion at Richard Guitterez. Sa industriya ng Philippine entertainment, ang mapunta sa box office list ay hindi nangangahuluga n na ang pelikula na ito ay maganda. Ang mga pelikulang Pilipino na romans ay isang halimbawa. Ang mga storya ng genre na ito ay nagamit noong golden age ng Pilipinas ilang dekada na ang nakalipas at pwedeng ibuod sa sumusunod: (1) isang lalake at isang babae ang magkakakilala, (2) ang babae at lalake ay mahuhulog sa isat isa, (3) may mangyayari na susubok sa kanilang samahan, (4) pero sa huli ay mamumuhay sila ng masaya at walang problema. (Ahab, 2009) Ito ang karaniwang dinadayo ng mga kabataan sa mga sinehan upang mapanood. Ayon naman kay Javier at Moralde, ang dahilan kung bakit dinadayo ng mga kabataan ang mga ito ay dahil sa storya, pati na rin sa itsura ng mga tauhan nito. II. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral

A. Metodolohiya Sa paggawa ng aming pamanahong papel, gumamit kami ng dalawang paraan upang makakuha ng mga datos. Ang isa sa mga ito ay ang pagsasagawa ng personal na panayam.

Nagsagawa rin kami ng pananaliksik upang makakalap ng mga dokumento makapagbibigay suporta sa aming datos na nakuha mula sa pakikipanayam.

na

Sa pagsasagawa nitong pag-aaral, naging malaking tulong ang internet at mga libro para sa aming pananaliksik. Gumamit kami ng questionnaire para sa aming panayam. Ang aming pag-aaral ay naglalayong alamin ang mga pananaw ng kabataan sa pelikulang Pilipino kung kayat ang aming mga respondente ay kabataan. Sakop ng aming panayam ang kabataan mula 16-20 taong gulang. Ang mga respondenteng napili ay mga kabataang madalas manood ng mga pelikula, partikular na ang mga pelikulang Pilipino. Sa ganitong paraan namin masisiguro na may kakayahan silang magbigay ng pahayag tungkol sa kalagayan ng pelikulang Pilipino sa ngayon. Ang aming mga respondente ay ang mga sumusunod:

Marie Louise Sanchez. 18 yrs. old. BS ND. UST. Roberto Paolo Mendoza. 17 yrs. old. BS Food Tech. UST. Jomar Hebreos Resano. 18 yrs. old. College of Education. UST. Nicole Abracosa. 16 yrs. old. 4th yr. High School. HSAM. Windsor Guadalupe. 16 yrs. old. BS Nursing.CEU. Anna Michaela Cortex. 16 yrs. old. AB Journalism.UST. Roseanne Diwa. 20 yrs. old. BS Tourism.UST. Stephanie Lorraine Zuniga. 17 yrs. old. BS Nursing. MADOCS. Angela Turano. 17 yrs. old. BS Accountancy.UST. Rachel Napa. 17 yrs. old. BS Med. Tech. UST. Christine Ma. Grace Salina. 17 yrs. old. AB Asian Studies. UST.

Gemery Mae Dela Cruz. 17 yrs. old. BS HRM. FEU.

B. Presentasyon, Interpretasyon at Pagsusuri ng Datos

Preperensya ngK abataan31% Rom ansa Horror 53% Kom edy Fam ily-oriented 8% 8%

Search related