12
Ano ang Diabetes MGA SANHI AT RESULTA (Bersiyon sa Filipino) Che cos’è il diabete (LINGUA FILIPPINA)

Ano ang Diabetes - · PDF fileSa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ... Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang

  • Upload
    hakhanh

  • View
    239

  • Download
    12

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ano ang Diabetes -   · PDF fileSa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ... Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang

Ano ang DiabetesMGA SANHI AT RESULTA

(Bersiyon sa Filipino)

Che cos’è il diabete(LINGUA FILIPPINA)

Page 2: Ano ang Diabetes -   · PDF fileSa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ... Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang

Ano Ang Diabetes

Ang Diabetes MELLITUS ay isang madalas na panghabambuhay na sakit.

• Sa Italya, may 3.5 milyon ka tao ang may Diabetes, at malapit sa 1.5 milyong karagdagang tao ang may katulad na kondisyon ngunit hindi nila nalalaman.

SA SIMPLENG PAGKAKASABI, IKAW AY MAY DIABETES KUNG ANG DALOY NG IYONG DUGO AY NAGLALAMAN NG NAPAKARAMING ASUKAL (GLUCOSE: KAYA ANG TERMINO NA “GLUCOSE NG DUGO”).

• Ang glucose ay isang mahalaga at kinakailangang mapagkukunan ng enerhiya para sa buong katawan. Napakahalaga ng asukal kaya likas itong nililikha ng ating katawan, kahit na ang karamihan ay nagmula sa mga pagkaing kinakain natin.

Bilang bunga ng Diabetes, ang asukal ay naiipon sa dugo: ang sitwasyong ito ay maaaring ihambing sa isang ilog na umaapaw ang tubig at mga sustansiya (asukal) ngunit hindi makakarating sa destinasyon nito (pananim, iba pa). Nagaganap ito dahil ang mga daanan ng akses sa taniman ay depektibo; katulad nito, sa Diabetes ang glucose ay hindi wastong makakapasok sa mga selyula dahil sa depektibong aksyon ng insulin

Page 3: Ano ang Diabetes -   · PDF fileSa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ... Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang

ANG GLUCOSE NG DUGO AY KINOKONTROL NG INSULIN, ANG HORMONE NA INILALABAS NG MGA SELYULA NG LAPAY.

• Tumutulong ang insulin na makapasok ang glucose sa kalamnan, atay at mga selyula ng tissue ng taba.

• Kapag hindi sapat ang insulin, naiipon ang glucose sa dugo: ang kondisyong ito ay Diabetes.

Ang mga gamot, at higit sa lahat ang tamang uri ng pamumuhay, ay nagpapahintulot sa mga taong may Diabetes na makaabot sa normal na dami ng dugo, nagtitiyak sa wastong paggana ng lahat ng metabolismo at sa pagpigil sa pagkasira ng parte ng katawan na pangmatagalan.

Kapag walang sustansiya mula sa ilog, ang buhay sa pampang nito ay nagdudurusa; kapag may tubig at sustansiya, nabubuhay itong muli. Ito ay katulad sa ating katawan: nagdudurusa ito kapag mataas ang antas ng glucose, ngunit bubuti ang kondisyon ng kalusugan nito kapag may tamang mga paggagamot

Page 4: Ano ang Diabetes -   · PDF fileSa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ... Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang

Mga Uri ng Diabetes

• Ang TYPE 1 Diabetes ay sanhi ng pagkawala o di-paggana ng mga selyula na lumilikha ng insulin sa lapay (beta cells). Ang uring ito ng Diabetes ay palaging ginagamot ng itinuturok na insulin upang mapanatiling nasa kontrol ang asukal ng dugo.

• Sa TYPE 2 Diabetes, ang iyong katawan ay lumalaban sa epekto ng insulin kung saan, bukod pa, ay nililikha ng lapay sa hindi sapat na dami. Ang uring ito ng Diabetes ay nagagamot sa pamamagitan ng balanseng diyeta, ehersisyo at pagkawala ng sobrang timbang. Ang paggagamot ay ibinabatay rin sa paggamit ng mga gamot, pati na rin ng insulin kung kailangan. Ang mga sintoma na kasama ng Diabetes ay pangunahing naoobserbahan sa type 1 Diabetes, at ang kanilang pagsisimula ay malamang na biglaan. Sa kabaligtaran, sa type 2 Diabetes ang mga palatandaang ito ay wala o napaka-kaunti, at ang sakit ay dahan-dahang lumalala sa paglipas ng mga taon. Sa katunayan, ang type 2 Diabetes ay kadalasang di-sinasadyang natutuklasan.

May ibang mga uri rin ng Diabetes:

• GESTATIONAL DIABETES (sa panahon ng pagbubuntis).

At ilang mga hindi karaniwang uri:

• GENETIC DIABETES;

• DIABETES NA SANHI NG ILANG PRODUKTONG GAMOT (halimbawa mga cortisone);

• DIABETES NA SANHI NG ILANG MGA SAKIT SA LAPAY.

Page 5: Ano ang Diabetes -   · PDF fileSa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ... Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang

Mga Palatandaan at Sintoma ng Diabetes

Ang mga sintomang ito ay pangunahing naoobserbahan sa type 1 Diabetes, at ang kanilang pagsisimula ay malamang na biglaan.

Ang mga palatandaan at sintoma ng Diabetes ay mga resulta ng sobrang glucose (mataas na glucose ng dugo). Maaaring kabilang sa pinaka-mahalagang mga sintoma ng Diabetes ang:

MADALAS NA PANGANGAILANGANG UMIHI

PAGOD

SUMUSOBRANG PAGKA-UHAW

PAGKAWALA NG TIMBANG

MGA PROBLEMA SA PANINGIN

Sa kabaligtaran, sa type 2 Diabetes ang mga palatandaang ito ay wala o napaka-kaunti, at ang sakit ay dahan-dahang lumalala sa paglipas ng mga taon. Sa katunayan, ang type 2 Diabetes ay kadalasang di-sinasadyang natutuklasan.

Page 6: Ano ang Diabetes -   · PDF fileSa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ... Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang

Ang ilang mga sanhi ay maaaring dadagdag sa panganib ng pagkakaroon ng type 2 Diabetes, partikular na ang:

Kaya, ang type 2 Diabetes ay nagdedepende sa mga panlabas na sanhi (di-tamang diyeta, kakulangan ng ehersisyo), pati na rin ang mga sanhi na may kaugnayan sa katawan (genetic predisposition).

Mga Sanhi ng Panganib ng Type 2 Diabetes

PAGIGING SOBRA ANG TIMBANG

KAKULANGAN NG EHERSISYO

EDAD

KASAYSAYAN NG PAMILYA ng type 2 diabete

MATAAS NA PRESYON NG DUGO

PAGBUBUNTIS pagkakaroon ng Diabetes sa panahon ng pagbubuntis

PINAGMULANG ETNIKO Ang mga taong nabibilang sa ilang grupong etniko ay may mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng type 2 Diabetes (Asyano, mga katutubo ng Hilagang Amerika, mga populasyon ng Gitna at Timog Amerika, mga katutubo ng Indian peninsula, mga pulo ng Pasipiko, at mga Aprikano-Amerikano)

Sa alinmang mga kaso, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng hakbang na may kaugnayan sa uri ng pamumuhay, ang type 2 Diabetes ay

maaaring maiwasan o maipagpaliban.

Page 7: Ano ang Diabetes -   · PDF fileSa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ... Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang

Sa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ang Diabetes ay maaaring makasasama sa ating katawan. Ang puso, ang mga bato, ang sirkulasyon ng dugo sa utak at mga paa, pati ang mga mata ay maaaring mapinsala o di-gagana dahil sa sumusobrang glucose.

Ang paggagamot ng Diabetes ay dapat nakatuon sa pagpapanatili ng asukal ng dugo na nasa kontrol, at dapat na kabibilangan ng pagkokontrol ang lahat ng mga sanhi na maaaring makasasama sa ating katawan.

• Bukod pa sa pagpapanitili ng glucose ng dugo na nasa kontrol, ang mga may Diabetes ay kailangang hindi maninigarilyo at kailangang subaybayan ang kanilang presyon ng dugo at cholesterol. Tutulungan ka ng iyong doktor sa usaping ito.

Ang pinaka-mainam na gawin ay sundin ang tamang uri ng pamumuhay, dahil nagtuturo ito sa iyo na sundin ang mga tuntunin ng malusog na asal, na sa paglipas ng panahon ay isang puhunan sa iyong sariling kalusugan.

Ang tamang paggagamot ay makakapaglimita sa pinsala ng Diabetes. Gayundin, kakailanganin mong sasailalim sa pana-panahong pagsusuri, halimbawa, upang subaybayan ang kondisyon ng iyong puso, mga mata at mga paa.

Bakit kailangang panatilihing nasa kontrol ang Diabetes?

Page 8: Ano ang Diabetes -   · PDF fileSa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ... Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang

Paano ko malalaman kung nasa kontrol ang aking Diabetes?

Isang mabuting paraan upang makontrol ang iyong Diabetes ay sukatin ang substansiyang kaugnay ng glucose sa dugo, na tinatawag na glycated hemoglobin A1c (HbA1c).

Sasabihin sa iyo ng HbA1c ang karaniwang dami ng glucose sa huling 2-3 buwan; sa ibang salita, ipinapaalam nito kung ilang “polusyon ng asukal” ang nasa ating “ILOG” sa loob ng panahong ito.

Page 9: Ano ang Diabetes -   · PDF fileSa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ... Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang

Paano ko malalaman kung nasa kontrol ang aking Diabetes?

Mahalaga rin na subaybayan ang glucose ng dugo sa pamamagitan ng paggamit ng GLUCOSE METER (isang kasangkapan para sa pagsukat ng glycaemia sa bahay) upang sukatin ang patak ng dugo sa isang strip, dahil nagpapakita ito kung paano nagbabago ang glucose ng dugo sa buong araw, na siyang dahilan na posibleng maisapersonal ang paggagamot at maharap ang anumang pang-emerhensiya at/o di-pangkaraniwang sitwasyon.

Ang glucose ng dugo ay dapat, siyempre, masubaybayan gamit ang ilang mga pamantayan at pamamaraan at sa pinagkakasunduang panahon,

papasyahan kasama ng iyong doktor.

Page 10: Ano ang Diabetes -   · PDF fileSa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ... Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang

Ilang mga mahahalagang numero...... upang mai-diagnose ang Diabetes.

Sa mga taong walang Diabetes, ang asukal ng dugo sa pag-aayuno ay dapat mababa sa 100 mg/dl, at ang glycated hemoglobin ay mababa sa 42 mmol/mol (6%). Kapag ang glucose ng dugo sa pag-aayuno ay mataas sa 126 mg/dl o ang glycated hemoglobin ay mataas sa 48 mmol/mol (6.5%) sa dalawa o higit pang mga pagsusuri, ang tao ay may Diabetes.

ASUKAL NG DUGO SA PAG-AAYUNO

mg/dl

mg/dl

mg/dl

mg/dl

Higit sa 126 mg/dl Kung makumpirma, mai-diagnose ang Diabetes

100 - 126 mg/dl Nabagong glucose ng dugo, susuriing muli

70 - 100 mg/dl Normal na glucose ng dugo

Mas mababa sa 70 mg/dl Hypoglycaemia: sa mga taong may Diabetes, lalo na sa matatanda, ang napakababang antas ng glucose ng dugo ay makasasama.

GLUCOSE NG DUGO NANG WALANG PAG-AAYUNO: Nag-uusap lang tayo tungkol sa Diabetes kahit na ang isang tao ay paminsan-minsan lang nagkakaroon ng napakataas na glycaemia (higit sa 200 mg/dl), kung may kasama itong mga sintoma.

American Diabetes Association. Standards of Medical Care in Diabetes 2012. Diabetes Care 2012; 35 (supll. 1)

Page 11: Ano ang Diabetes -   · PDF fileSa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ... Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang

Ilang mga mahahalagang numero...... upang wastong makontrol ang Diabetes.

GLYCATED HEMOGLOBIN (HBA1C)

Ang pinaka-mapagkakatiwalaang paraan upang malaman kung ang iyong Diabetes ay wastong nakokontrol ay ang pana-panahong pagsukat ng iyong HbA1c.

mg/dl

mg/dl

mg/dl

mg/dl

Mas mababa sa 53 mmol/mol (7%)

mahusay na pagkakontrol na Diabetes.

53-64 mmol/mol (7-8%)

di-sapat na pagkakontrol na Diabetes.

64-75 mmol/mol (8-9%)

di-nakokontrol na Diabetes.

Higit sa 75 mmol/mol (9%)

Masamang pagka-kontrol na Diabetes

Katanggap-tanggap na dami ng glucose sa mga taong may Diabetes:Ang glucose ng dugo sa pag-aayuno ay nasa hanay na mula 70 hanggang 130 mg/dl

Ang glucose ng dugo 2 oras pagkatapos kumain ay mababa sa 180 mg/dl

Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang isang persentahi o sa mmol/mol. (Tingnan ang talaan na naghahambing sa ibaba).

% 4,0 5,0 6,0 6,5 7,0 7,5 8,0 9,0 10,0

mmol/mol 20 31 42 48 53 59 64 75 86

American Diabetes Association. Standards of Medical Care in Diabetes 2012. Diabetes Care 2012; 35 (supll. 1)

Page 12: Ano ang Diabetes -   · PDF fileSa pamamagitan ng pagdudulot ng nabagong dami ng asukal ng dugo, ... Ang value ng glycated hemoglobin ay maaaring ilahad sa dalawang paraan: bilang

ABC ng insulinANO ITO AT PAANO ITO GINAGAMOT

(Bersiyon sa Filipino) L’ABC dell’insulina

(LINGUA FILIPPINA)

Tamang uri ng pamumuhayMGA REKUMENDASYON SA NUTRISYON AT EHERSISYO

(Bersiyon sa Filipino)

Il corretto stile di vita(LINGUA FILIPPINA)

SAKIT, BIYAHE AT MGA BAKASYON

Diabetes at natatanging mga sitwasyon

(Bersiyon sa Filipino)

Situazioni particolari(LINGUA FILIPPINA)

Mga Komplikasyon

ANO-ANONG MGA KOMPLIKASYON, BAKIT NAGAGANAP

ANG MGA ITO, AT PAANO MAIWASAN ANG MGA ITO

(Bersiyon sa Filipino)

Le complicanze

(LINGUA FILIPPINA)

Mababang

glucose ng dugo

PAANO ITO MAKILALA AT ANO ANG GAGAWIN

(Bersiyon sa Filipino)

L’ipoglicemia

(LINGUA FILIPPINA)

Ano ang

Diabetes

MGA SANHI AT RESULTA

(Bersiyon sa Filipino)

Che cos’è il diabete

(LINGUA FILIPPINA)

Ang kumpletong linya ng mga brochure na itinataguyod para sa Diabetes ay maaaring mai-download mula sa

www.lillydiabete.it

Makukuha rin sa sumusunod na mga wika:

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong doktor o tumawag nang walang bayad sa

Araw-araw mula 8:30 ng umaga hanggang 9:30 ng gabi

Ingles Pranses Espanyol

IntsikHindi ArabeItalyano

Aleman Ruso Rumano Albanian

Ano ang Diabetes

Mababang glucose ng dugo

Mga komplikasyon

Diabetes at natatanging mga sitwasyon

Tamang uri ng pamumuhay

ABC ng insulin

800-117678

Cop

yrig

ht ©

201

2, E

li Li

lly It

alia

SpA

. Tut

ti i d

iritt

i ris

erva

ti.IT

DB

T002

55c