Upload
lyhuong
View
315
Download
6
Embed Size (px)
Citation preview
1
ANG HADLANG Tagalog Translation of The Barrier
By R. B. Thieme Jr. Translated by Blas A. Oblefias
MGA NILALAMAN Paunang Salita Ang Dios at ang Kanyang Plano Balangkas ng ANG HADLANG Kasalanan at Katubusan Ang Multa ng Kasalanan at ang Kaluguran Kamatayang Pisikal at Muling Kapanganakan
Ang Talambuhay ni Nikodemus Sinansala si Nikodemus
Tubig at Ispiritu Saan Nagmula ang Hangin Si Cristo ang Tunay na Isyu Paano Isilang Muli Hambing na Katuwiran ng Tao Tatlong Tipo ng Di-Mananampalataya Mga Mabuting Gawa Bilang Hadlang Pagpapataw Ang Bahaging Pakinabang sa Talaan Ang Hungkag na Paghahanap ng Katuwiran Pagbibigay Katarungan Ang Karakter ng Dios Pagbibigay Kasiyahan Kalagayan kay Adan Kalagayan kay Cristo Pakikipagkasunduan Ang Lakad sa Ibabaw ng Guhit Isang Layunin sa Buhay Mga Karagdagan Hadlang Isinalarawan Doktrina ng Pagpapataw Doktrina ng Pagpapawalang Sala Doktrina ng Pagbibigay Kasiyahan Doktrina ng Kalagayan sa Katotohanan Doktrina ng Pakikipagkasunduan
PAUNANG SALITA
Ang aklat na ito ay sinipi mula sa nakalimbag na pagtuturo ni R. B. Thieme Jr., 1961
Mga panimulang aralin bilang 3. Ang sinumang tumatanggap ng mga tapes ay gamay na
sa uring ito ng sunod-sunod na aralin, at ngayon sa unang pagkakataon ay ibinibigay na
nakalimbag. Ang mga araling ito ng Biblia ay nagbibigay ng batayang kaalaman para sa
mas malalim na aralim. Ang salin sa King James ng Biblia ang ginamit, ngunit kapag
hinahalaw ang kasulatan, may ilang pagbabago ang isinasagawa ayon sa salin sa orihinal
na wika.
2
Bago mo simulan ang pag-aaral ng Biblia, bilang mananampalataya sa Panginoong
HesuCristo, tiyakin lamang na nailahad mo na nang sarilinan sa Dios ang mga
kasalanang nagawa salig sa 1John 1:9 upang magkaroon ka ng pakikipag-ugnay sa
ilalim ng gabay ng nananahanang Banal na Ispiritu upang maging handa ka na
matutunan ang doktrina mula sa Salita ng Dios.
Kung hindi mo pa alam ang bagay na ito, ang paglalahad ng kasalanan ay hindi kailangan. Ang paksa ay
pananampalataya kay Cristo: “Siya na nanampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan: ngunit
siya na hindi nanampalataya sa Anak ay hindi makakatagpo ng buhay; kundi ang poot ng Dios ay
mananatili sa kanya” (John 3:36).
ANG DIOS AT ANG KANYANG PLANO
Inilagay ng Dios ang unang lalake at babae sa perpektomg kapaligiran ng
Halamanan ng Eden. Si Adan at Eva ay may araw-araw na pakikipagniig sa Panginoon
hanggang ang kasalanan ng pagsuway ay nagtatag ng isang Hadlang sa pagitan nila at sa
Dios. Ang Dios na nakakaalam ng lahat ay tuwinang nababatid na ilalayo ng kasalanan
ang tao mula sa kanyang manlilikha: dahil dito, dumisenyo Siya ng isang Plano noon
pang nakalipas na walang hanggan na makapag-aalis ng Hadlang. Isang kapahayagan sa
Biyayaa ng Dios, ang plano ay payak na nahahati sa tatlong bahagi: Unang bahagi,
Kaligtasan; Ikalawang bahagi, mananampalataya sa kapanahunan; Ika’tlong bahagi, ang
mananampalataya sa darating na walang hanggan.
Ang Dios Ama, ang Unang Persona ng Trinidad, ang Nag-akda ng Plano; ang
Dios Anak, ang Ikalawang Persona, ang nagsakatuparan ng Plano; samantalang ang Dios
Banal na Ispirito, ang Ika’tlong Persona ang nagpahayag ng Plano. Mula sa pananaw ng
Dios, ang unang bahagi ay nagpasimula pa sa nakalipas na walang hanggan sa
pagbalangkas ng Tadhanab ng Dios nang ang bumubuo ng Kadiosan, na nakikita ang
napipintong kabiguan ng tao ay bumuo ng kalutasan sa problema ng kasalanan. Ang
Ikalawang Persona ng Trinidad ang naatasang magsagawa sa bahaging ito ng Plano ng
Dios. Sa tala ng kasaysayan, ang unang bahagi ay nagsimula sa panganganak ng birhen at
nagtapos sa Krus, muling pagkabuhay, pag-akyat at pakikipag-ugnay ni HesuCristo. Para
sa mananampalataya, ang unang bahagi ay ang sandali ng pananampalataya niya sa
Panginoong HesuCristo bilang tagapagligtas. Ikalawang Bahagi; para sa
mananampalataya ay dagliang nagsisimula matapos ang kaligtasan na isinasagawa naman
ng Banal na Ispiritu sa buhay ng mananampalataya. Ang Ika’tlong Bahagi ay
pangunahing isinagawa ng Dios Ama patungkol sa mananampalataya sa sandali ng
kamatayang pisikal o ang Rapture, alinman ang mauna sa dalawa (1Thess. 4:13-17).
Ang pag-aalis ng Hadlang ay tanging gawain ng Dios lamang, na malibang
makialam ang Dios, haharapin ng tao ang walang hanggang kahatulan. Kahit na ano ang
ating tinataglay sa larangan ng kakayahan, katalinuhan o ano mang inaangking
kayamanan, wala tayong ganap na kakayahan na iligtas ang ating sarili o makamit man
ang pakikipag-ugnay sa Dios. Walang sinuman ang makapagtatanggal ng Hadlang sa
pamamagitan ng sariling pagsisikap o karapatan.
3
BALANGKAS NG ANG HADLANG
Para sa isang pagsasalarawan, ipalagay natin na ang Hadlang ay isang pader na
binubuo ng mga tisa. Ang una ay KASALANAN: “Sapagkat ang lahat ay nangagkasala
at hindi nakaabot (sumablay sa puntirya) sa kaluwalhatian (sangkap) ng Dios” (Rom.
3:23). Ang ikalawang “tisa” ay ang MULTA SA KASALANAN; “Sapagkat ang
kabayaran ng kasalanan ay kamatayan...” (Rom. 6:23). Ang ikatatlo ay KAMATAYANG
PISIKAL. Ang tao ay isinilang na buhay sa pisikal, ngunit kasabay nito ay patay sa
ispiritu – nangangahulugang, walang pakikipag-ugnay sa Dios (Eph. 2:1). Ang sumunod
na tisa ay ang KARAKTER NG DIOS o ang Kanyang banal na sangkap. Ang tao ay
payak na walang kakayahang pantayan ang banal na katangian ng perpektong Dios!
Walang sinuman na kasingbuti ng Dios! Samakatuwid, ang sumusunod na tisa ay
HAMBING NA KATUWIRAN ng tao, ang kanyang makataong katuwiran ay
nananatiling kapos (Isa. 64:6). Tinatawag ko itong MINUS-R. Sa huli ang tao ay nasa
KALAGAYAN KAY ADAN: “Kay Adan lahat ay namatay...”(1Cor.15:22). Ang
Pagbagsak ni Adan at ang kaukulang kamatayang ispirituwal ay hindi lamang nag-alis ng
karapatan ng sangkatauhan na makipag-ugnay sa Dios kundi naging sanhi din naman ng
pag-ikli ng pisikal na buhay ng lahi ng tao.
KASALANAN AT KATUBUSAN
Sa kadahilanang ang kasalanan at ang MULTA NG KASALANAN ay lubusang
natalakay sa aklat na PAMILIHAN NG ALIPIN NG KASALANAN, babalangkasin na lang
natin ang mga prinsipyo. Ang unang kasalanan sa lahi ng tao ay isang kapahayagan ng
negatibong kapasiyahan – pagsuway sa itinadhanang kalooban ng Dios; “Ngunit sa puno
ng kaalaman ng mabuti at masama, huwag mong kakainin ito...”(Gen.2:17a). Ang
pagsuway ni Adan ay nagdulot ng malawakang kapahamakan ng sangkatauhan: ang
kanyang kasalanan ay ipinataw sa kalahatan ng lahi ng tao – ibig sabihin, napabilang tayo
sa kahatulan na ipinataw kay Adan! “Dahil sa pagsuway ng isang tao ay marami ang
naging makasalanan...(Rom.5:19). Dahil si Adan ang pangunahin sa lahi ng tao, tayo ay
tumatayo o natutumba na kasama niya, at namana rin natin ang kasalanang likas ni Adan.
Naging makasalanan si Adan, samakatuwid, tayo ay ISINILANG na makasalanan. Wala
tayong mapagpipilian sa ganitong kalagayan gaya din naman na wala tayong magagawa
kung isilang tayo na lalake o babae.
Sa kadahilanang ito, gaya ng orihinal na kasalanan ni Adan na pumasok sa sanlibutan at kamatayang
ispirituwal na dulot ng kasalanan ni Adan, kaya nga humawa ang kamatayang ispirituwal sa lahat ng tao,
dahil lahat ay nagkasala (nung sandali na nagkasala si Adan) (Rom.5:12 itinumpak na salin).
“Lahat ay nangagkasala” sapagkat lahat tayo ay may lumang kasalanang likasc at
sapagkat ipinataw sa atin ang kasalanan ni Adan! Ipinanganak tayo sa loob ng “Pamilihan
ng Alipin ng Kasalanan” at mananatiling alipin ng ating kalikasang makasalanan
hanggang tayo ay nabubuhay maliban na lamang kung tatanggapin natin ang solusyon ng
Dios – KATUBUSAN.
Ang salitang “tubos” ay nangangahulugang “bayaran, bilihin.” Sa kalagayan ng
isang alipin, ito’y nangangahulugang “bayaran ang kanyang kalayaan mula sa pamilihan
4
ng mga alipin.” Kabilang sa Katubusan ay kapatawaran ng lahat na kasalanan (Heb.9:22)
na nagkaloob ng basehan ng pagpapawalang sala at dagliang paglilinis ng kasalanan sa
sandali ng kaligtasan (Rom.3:24).
Ang Doktrina ng Di Limitadong Kapatawaran ay lumutas sa suliranin ng pang-
sanlibutang kasalanan. Hinatulan si Cristo sa lahat na kasalanan ng bawat isa sa
sanlibutan na naisagawa na at sa lahat na magagawa pa (1Jn.2:2). Ang Katubusan at Di
Limitadong Kapatawaran ay makakamit ng buong lahi ng tao, ngunit ito’y matatanggap
ninoman sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo.
Subalit sa kanila na nanampalataya, binigyan sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa bawat isa
na nanampalataya sa kanyang pangalan (Jn.1:12).
ANG MULTA NG KASALANAN AT KALUGURAN
Nang ilagay ng Dios ang tao sa daigdig, naglakip Siya ng pagsubok ukol sa
kalayaan niya sa pagpapasiya (bolisyon). Ipinagbawal ang isang puno at ang MULTA na
ipapataw sa pagsuway sa babala ng Dios:”..at sa araw na kainin mo ito, sa kamatayan ay
mamamatay ka (kamatayang ispirituwal)”(literal na salin ng Gen.2:17b), sapagkat hindi
maaaring makitungo ang Katuwiran ng Dios sa kasalanan. Ang Kanyang Katarungan ay
nagtatakda ng multa o kabayaran para sa KAMATAYANG ISPIRITUWALd. “Sapagkat ang
kabayaran ng kasalanan ay kamatayan...”(Rom.6:23). Nang gamitin ni Adan ang kanyang
kalayaang magpasiya na salungat sa tagubilin ng Dios, namatay siya sa ispiritu.
Maraming taon ang lumipas, bilang resulta ng kamatayang ispirituwal, si Adan ay
namatay sa pisikal (Gen.5:5).
Ang utang na nadala ng unang tao at nasalin sa kabuoan ng lahi ng tao ay
nagdulot ng napakabigat na pasanin! Kung walang kaligtasan, lahat tayo ay masasadlak
sa walang hanggang hatol; ngunit hindi itinulot ng Dios na hayaan na lang tayo sa
kawalang pag-asa. Sa Kaluguran, ang ispirituwal na kamatayan ni Cristo ang nagbura ng
napakaraming pagkakautang laban sa atin.
Binura ang mga alituntuning nakasulat laban sa atin, na salungat sa atin, na inalis ito sa landas,
ipinako lahat sa kanyang krus (Col.2:14).
“Magbigay Lugod” ay nangangahulugan na magbayad para sa o kaya ay
pagdusahan ang mga kamalian na iyong naisagawa. Ang isang kriminal ay
kinakailangang patawan ng karampatang pagdurusa sa kasalanan na kanyang ginawa.
Kapag nagugol na niya ang takdang kaparusahan, itinuturing na nabayaran na niya ang
kanyang pagkakautang sa sambayanan. Ang tao ay may utang sa perpektong Katuwiran
ng Dios, kagaya rin naman na may pananagutan tayo na ganap na sumunod sa batas ng
bansa. Ngunit sa nakikita natin, ang ating mga kasalanan, ang ating kalikasang magkasala
(namana mula kay Adan) at ang multa laban sa atin ay nagdala sa atin sa kawalang pag-
asang mabayaran ang utang. Ang BIYAYA lamang ang makapagbibigay ng kalutasan!
Umako bilang ating Kapalit, tinanggap ni HesuCristo ang kaparusahang nauukol
sa ating mga kasalanan, nang ang mga ito ay hinatulan ng Dios Ama sa Kanyang katawan
5
doon sa Krus (1Pet.2:24). Ang parusa sa kasalanan ay ISPIRITUWAL NA KAMATAYAN:
ang kabayaran ng kasalanan ay ISPIRITUWAL NA KAMATAYAN! Ang ispirituwal na
kamatayan ni Cristo ay naganap nang layuan ng Ama at Banal na Ispiritu ang Anak
habang binabata Niya ang mga kasalanan ng sanlibutan. Nang sa huli ay winika ni Hesus,
“Natapos na,” lubusan Niyang nabayaran ang ating pagkakautang. Ang Kaluguran ay
naisagawa na.
KAPANGANAKANG PISIKAL AT MULING PAGSILANG
Ang kalagayan ng ating pagsilang sa pisikal ay pahiwatig ng limitadong
kalagayan, bilang taong may kaluluwa. Si Adan ay nilalang na trikotomo na nagtataglay
ng katawan, kaluluwa at ispiritu. Ang katawan ay isa lamang tahanan na nagkaloob sa
atin ng pagkakataon na mabuhay sa mundo. Ang lumang kasalanang likas, na dumating
nang magkasala si Adan, na naninirahan sa katawan ay siya ring pinagmumulan ng
kamatayang ispirituwal. Ang kaluluwa, ang tunay na persona sa loob ay nagbigay sa atin
ng kakayahang umunawa at tamasahin ang kamangha-manghang bagay sa katauhan. Ang
iyong kaluluwa ay nagtataglay ng pagka-alam sa sarili (nauunawaan mo ang iyong
pagiging tao), kaisipan (kakayahan na umunawa), bolisyon (kalayaan sa pagpapasiya),
emosyon (tagatugon) at konsensiya (pamantayan at sukatan). Ang ispirito ng tao na may
kakayahang umunawa at magkategoriya ng mga ispirituwal na bagay ang tangi lamang
kaparaanan na kung saan ang tao ay makapapanumbalik ng relasyon sa Dios.
Nang siya ay nagkasala, naiwala ni Adan ang kanyang ispiritong pantao at ang
kanyang kakayahan na makitungo sa Dios. Siya ay naging dikotomo, nagtataglay lamang
ng katawan at kaluluwa. Simula noon, lahat ng sangkatauhan ay isinilang sa kahalintulad
na kalagayan – buhay sa pisikal ngunit patay sa ispirito. Ang kaisipan at lumang
kasalanang likas ay nabubuo bago pa isilang: ito ay minana natin sa ating mga magulang
(ang lumang kasalanang likas mula sa tatay – Gen.5:3). Nang ang kaluluwang buhay na
ibinigay ng Dios ay sumanib sa kaisipan sa sandali ng pagsilang ay dagliang nagkaroon
ng pisikal na buhay. Ang ilang sangkap ng kaluluwa ay natanggap sa sandaling ito. Sa
sandali na matanggap mo ang pisikal na buhay, ang kasalanan ni Adan ay ipinataw sa
iyong kalikasan na makasalanan na nasa katawan na sa simula pa na nagdulot ng
kamatayang ispirituwal. Tayo ay patay sa Dios.
Upang magkaroon ng pakikisalamuha sa Dios, upang maging buhay sa Kanya,
kailangan nating isilang na muli. Ang Dios ay naglaan ng kaparaanan dito sa
pamamagitan ng MULING KAPANGANAKAN – isang kababalaghang gawa ng Dios na ang
buhay na walang hanggan ay naibahagi ng Ama sa mga nanampalataya kay Cristo sa
pagkilos ng Banal na Ispiritu. “At ikaw na binuhay niya (ginawang buhay), na isang
(nagpapatuloy na) patay sa (ang larangan ng) mga pagsuway at mga kasalanan”(Eph.2:1).
Ang Talambuhay ni Nikodemus
May isang lalake sa mga Pariseo na nagngangalang Nikodemus, isang pinuno ng mga Hudyo (Jn.3:1).
6
Ang Doktrina ng Muling Kapanganakan ay isinalarawan sa Juan 3 sa isang tanyag
na pangyayari kay Nikodemus. Isang haripoy ngunit di-ligtas, si Nikodemus ay kabilang
sa Sanhedrin, ang kalipunan na namumuno sa mga Hudyo, binubuo ng mga Eskriba,
Saduseo at Pariseo. Ang mga Eskriba ang tagapangalaga at mga paham sa kasulatan ng
Lumang Tipan; ang mga Saduseo ay mga aristokratang mangangatwiran na nagkakaila sa
lahat na kababalaghang kaganapan kagaya ng muling pagkabuhay o ang kaisipan ng
buhay na walang hanggan; ang mga Pariseo ay mga relihiyosong legalista. Halimbawa,
nananalangin sila ng pitong beses sa isang araw at “nagsisimba” tatlong beses bawat
araw. Sila’y gumagawa ng kabutihan at, taos puso man o pakunwari, nakapag-iipon sila
ng napakaraming bilang ng mabubuting gawa. Nagtatrabaho sila ng sobrang oras sa
paggawa ng MABUTI sapagkat sinisiguro nilang makapasok sa “lagusang hitik ng perlas”
sa pamamagitan ng kanilang kapurihan. Sa mga palatuntunan tuwing mahal na araw na
kailangang isagawa, tinutupad nila ito ayon sa letra na nakasulat! Naglilimos sila sa mga
dukha, ngunit ibinabando nila ito sa harap ng marami nang may pag-arte at pagpapasiklab
upang makalikha ng isang kahanga-hangang tanawin. Sa kanilang mukha ay may
pagbabadya ng napakataas na antas ng kabanalan na ang mga bagay na kanilang
ginagawa ay nagpapakita ng silahis ng inilaang buhay. Sa mga gawain sa templo,
nangunguna sila sa hanay, sumisigaw nang pinakamalakas, nananalangin ng
pinakamahaba at nagsasagawa ng banal na rituwal sa nakaakdang pamamaraan na
makaakit ng pinakamaraming tagahanga! Isang pagkakamali, naniniwala sila na
pahahalagahan sila ng Dios sa kanilang ginagawa.
Si Nikodemus ay isang tipikal na Pariseo – malaking ulo, relihiyoso,
mapagmatuwid sa sarili, mayabang, hungkag, ipokrito at legalistiko. Isa siya sa mga di
mananampalataya na binabanggit ni Hesus sa Mateo 23:37 “pinakintab na nitso” –
maganda ang panlabas na anyo (isa sa mga pangangailangan upang maging Pariseo ay
ganap na kagandahang panlabas), ngunit sa loob ay “puno ng kalansay.”
Ito ang uri ng mga di-mananampalataya na napakahirap mapaniwala sa
Katotohanan, kung ang kaligtasan din lamang ang isasa alang-alang. Pipiliin ko pa na
makipag-ugnay sa ibang uri ng tao kaysa mga relihiyosong nilalang dahil tahasang
binulag sila ng kanilang kaparaanan sa paggawa ng mabuting bagay. Hindi niya
maunawaan ang kaganapang buktot kundi nag-iisip na ang kasamaan ay ginagawa
lamang ng mga taong tambay sa bangketa. Sa ilang mga pagkakataon, may mga tambay
sa bangketa na kagalang-galang pa kung ihahambing sa kanila. Ang mga kasalanan ng
mga relihiyosong tao ang pinaka-nakaririmarim sa lahat na kasalanan: halimbawa, ang
kasalanan ng pagiging mayabang, na talamak sa kanilang lahat! Isiping pasiklaban ang
Dios sa mga bagay na ginagawa MO sa halip na humanga sa GINAGAWA NG DIOS SA
PAMAMAGITAN NI CRISTO!
Ang pangalang “Nikodemus” ay isang payak na katawagang Griyego ukol sa
isang pinuno ng mga tao. Kahit na sa anumang pagsaliksik mauunawaang si Nikodemus
ay isang napakaimportanteng nilalang. Bagaman puno ng mabubuting gawain ang buhay
niya at maraming rituwal na nagampanan na pinaglalagakan niya ng pag-asa ukol sa
kaligtasan ay mayroong kumakanti sa kanyang kaisipan na maaaring walang katuturan
ang lahat na ito. Maaaring sa sarili niyang pagmamasid o sa mga sabi-sabi ay nalaman
niya ang mga kapangyarihan ni Hesus at nahihiwagaan siya sa pinagmulan nito.
7
Siya nga na pumunta kay Hesus isang gabi at nagsabi sa kanya, Rabbi, nalalaman namin na ikaw
ay guro na nagmula sa Dios: sapagkat walang sinuman na makagagawa ng ganitong
kababalaghan na iyong ginagawa, malibang sumasakanya ang Dios (John 3:2).
Bagaman maraming haka-haka sa dahilan ng pakikipagkita ni Nikodemus kay
Hesus sa gabi, ako’y naghihinala na sobra siyang abala sa pagtupad ng mabubuting
gawain, sa pag-usal ng mahabang panalangin, abalang-abala sa pag-sunod sa mga
nakatakdang rituwal (lahat ay ginagawa sa lakas ng laman) na naging dahilan ng kawalan
ng panahon na katagpuin si Hesus sa araw. Magkaganon man, si Nikodemus ay hindi
nahihiya – hindi ito isang “pagtatagpong lihim.”
Sa pagsambit ng titulong “Rabbi”, pinahalagahan ni Nikodemus ang kagalang-
galang na kalagayan ng Panginoon. Sa kanyang palagay “nalalaman namin,” ay
ipinahiwatig ni Nikodemus na tahasan siyang humahanga sa kaalaman ng mga Pariseo –
lalo na sa kanyang sarili. Bagaman kinilala niya ang kakayahang akademiko ng
Panginoon, hindi naman siya interesado sa mga “NALALAMAN” ni Hesus, kundi doon
lamang sa Kanyang GINAGAWA. Nadinig man niya ang mga himala o nakita man sa
sarili, ay may pagkamangha at pagnanais siya sa sandaling ito sa mga ginagawa ni Hesus
at hindi sa Kanyang mga salita. Sa totoo lang, ang tunay na layunin ng mga himala ay
upang makuha at maituon ang pansin sa mga pahayag. Sa kalagayan ni HesuCristo, ang
mga himala na Kanyang ginagawa ay pagpapakilala lamang sa Kanya bilang “ang Anak
ng Dios na may kapangyarihan”(Rom.1:4). Datapwat, kung ang mga himala ay ginagawa
lamang upang maalis ang mga paghihirap, kung ganoon ay nabigo si Hesus dahil hindi
niya napagaling ang bawat isa sa daigdig. Ngunit ang panahon ay isang patak lamang
mula sa timba kumpara sa kawalang hanggan at ang walang hanggang kaligtasan ng
kaluluwa ay higit na mahalaga kaysa kalusugan ng katawan. At sa inaakala niyang
mataas na kaalamang akademiko, inilatag lamang ni Nikodemus ang kanyang kamang-
mangan sa mahalagang katotohanang Biblikal.
Kinilala ni Nikodemus si Hesus bilang “gurong mula sa Dios,” batay sa kanyang
pagpapahayag “walang sinoman na makagagawa ng mga himala na iyong ginagawa
malibang sumasakanya ang Dios.” Ngunit walang naunawaan si Nikodemus sa mga
bagay na ito: ang Gurong mula sa Dios ay NAGTUTURO; ang Gurong mula sa Dios ay
NAGPAPAHAYAG. Kung may nagaganap na pagbabago, ito ay sa puso ng bawat isa na
tumutugon sa nilalaman ng MENSAHE; ngunit hindi ito ang himala na tinutukoy ko dito.
Maraming pambihira at kamangha-manghang pangyayari ang naisagawa, bumuhay si
HesuCristo ng mga patay (resusitasyon); nagawa Niyang makakita ang bulag, nakarinig
ang bingi, napalaya ang inaalihan ng demonyo at ang ketongin ay gumaling. Nang
kilalanin ni Nikodemus si Hesus bilang Guro mula Sa Dios, kapansin-pansin ang
kanyang pagkalito: ang guro ay NAGTUTURO; ganon pa man, ni isang prinsipyo sa mga
itinuturo ni Hesus ay wala siyang nabanggit – naalala lang niya ang mga himala!
“Walang sinoman ang makagagawa” ay present linear aktionsart: ibig sabihin, “walang
sinoman na patuloy na makagagawa ng mga himala gaya ng ginagawa mo.” Sa dahilang
ito, ay sinabi niya: “Ang Sanhedrin, at lalo na ang mga Pariseo, ay nagtangkang
ipaliwanag ang mga kamangha-manghang bagay na nagaganap; ngunit natanto namin na
napakahirap itong gawin dahil ang mga himala ay nagpapatuloy. Maaari naming ipalagay
8
na ang mga ito ay nagkataon lamang o di kaya ay isang kilos ng kalikasan: maaari
naming ipaliwanag ang ilan; ngunit nang patuloy Mong isinasagawa ang mga himalang
ito, wala na kaming masasabi. Samakatuwid, kinailangan naming aminin na Ikaw nga ay
Guro na nagmula sa Dios!”
Sinansala si Nikodemus
Sumagot si Hesus at sinabi sa kanya, katotohanan, katotohanan, sinasabi Ko sa iyo, Malibang
ipanganak muli ang tao, hindi niya makikita ang kaharian ng Dios (John 3:3).
Ang pagsansala ay akma sa pagkakataon, dahil si Nikodemus ay matagal nang
nalalabuan at nagkukulang sa pang-unawa ukol sa mga ispirituwal na kaalaman, na
kagaya naman ng nakararaming Pariseo. Batid namin ito mula sa kanilang mahahabang
panalangin na sinasadya upang makakuha ng pansin! Kung may anumang bagay na
nakapanlulumo sa ispirito, ito ay ang mahaba at paikot-ikot na panalangin. Ang
panalangin sa gitna ng kapulungan ay may takdang layunin na humingi ng pagpapala ng
Dios ukol sa gawain. Sa Sermon sa Kabundukan binigyang diin ni Hesus ang
kahalagahan ng pagdako sa ninanais! Sa tuwinang may nag-aalay ng mahabang
panalangin sa kalakhan, malamang na mayroon siyang pinasisiklaban maliban sa Dios.
Parati kong naaala-ala ang isang pangyayari na naganap sa simbahan noong nag-
aaral pa ako sa seminaryo. May isang nag-ukol ng napakahabang panalangin, at
pagkatapos ng mga sampung minuto, isang naiiritang tao sa likod ang hindi nakatiis at
nagpahayag nang malakas “Naghahabol siya sa kanyang debosyonal na ginagamit ang
ating panahon!” Dahil dito ang pananambahan ay nagulo – at karampatan lamang ito! Sa
pansariling pananalangin ay magagawa ng sinoman na manalangin nang mahaba ayon sa
pangangailangan; ngunit ANG MGA PANALANGIN SA PUBLIKO AY KINAKAILANGANG
MAIGSI AT DIRETSO SA PUNTO! Kung humihingi ka ng pagpapala ng Dios sa
pananambahan, gawing payak at magpatuloy! Sa magkatulad ding kaparaanan, lumapit si
Nikodemus kay Hesus na naglalayon na pasiklaban Siya. Nagbigay si Hesus sa atin ng
isang makahulugang pagpapaliwanag nang sansalain Niya si Nikodemus at hinarap ang
tunay na pangangailangan.
Narinig ko sa iba na nagtuturo ng aralin sa pamamaraan ng pagpapatotoo ukol kay
Cristo na sinasabi nila, “Ngayon, kailangan ganito ang gagawin mo: kapag sinabi nila ito,
ito naman ang iyong isasagot; at kapag ganito ang sinabi nila, ito naman ang sabihin mo!”
Pinutol ni Hesus ang lahat na kalabuan at diretsong ipinahayag ang Gospel. Tahasan
Niyang sinabi, “Hindi ka makaparoroon sa kaharian ng Dios malibang ipanganak ka
muli.” Nagsasalita si Hesus sa isang tao na nagtataglay ng napakaraming bagay na
maipagmamalaki! Ang isang ito ay gumawa ng lahat na pangangailangan na kanyang
kayang gawin; patuloy siyang nananalangin, sumasamba siya nang walang sablay; at para
sa mabuting gawa, nakamit na niya ang maraming papuri. Sa madaling sabi, maaaring
angkinin ni Nikodemus ang lahat na papuri; ngunit nainsulto lamang siya ni Hesus sa
pagsasabing, “ Hindi ka makapupunta sa langit malibang ipanganak ka muli.”
Para sa isa na ginawa na niya ang lahat na pangangailangan upang makamit ang
kanyang adhikain na makapasok sa langit sa pamamagitan ng mabubuting gawa, ito ay
9
isang nakakabiglang bagay. Nais kong ihambing dito ang isang prinsipyo; ang suliranin
ay ang kanyang kapanganakan. Si Nikodemus ay isinilang sa pisikal, ngunit ito lang ang
lahat. Nagtataglay siya ng katawan na may lumang kasalanang likas at kaluluwa ngunit
patay sa ispirito! Hindi sinabi ni Hesus kay Nikodemus, “Ang pintuan ng langit ay
nakabukas nang lubusan dahil nakagawa ka ng 1,280 mabubuting gawa, 3,642 panalangin
at ilang libong medalya dulot ng iyong pagsamba – pasok ka na.” Sa kabaligtaran, sinabi
ni Hesus, “Hindi ka makakapasok sa kaharian ng Dios malibang ipanganak ka muli!”
Maliban sa Dios at ilan sa Kanyang banal na anghel, ang langit ay nakahanda lamang sa
kanila na nagtataglay ng buhay na walang hanggan, na ang mga kasalanan ay napatawad
at nabura na at siya ay tumanggap ng katuwiran ng Dios. Kapag ang tao ay ipinanganak
na muli – at ito lamang ang tanging kaparaanan – “makikita” na niya ang kaharian ng
Dios (2Cor:418). Si Nikodemus, bagaman napakatindi ng kanyang moralidad, ay hindi
makaagapay sa mga kaalamang pang-ispirito at kapansin-pansin ang kanyang tugon.
Sinabi ni Nikodemus sa Kanya, papaanong isisilang muli ang isang tao kung siya ay matanda
na? Makakapasok pa ba siyang muli sa sinapupunan ng kanyang ina upang isilang (John 3:4)?
Ito ay isang lantay na larawan ng isang relihiyosong tao na bulag sa ispirituwal na
katotohanan. Kung walang ispiritu ng tao, wala siyang kakayahang maunawaan ang
ispirituwal na hiwaga.
Ngunit ang likas na tao (di-mananampalataya) ay walang kakayahang
tanggapin ang mga bagay ng Ispiritu ng Dios: dahil kalokohan lamang ang mga ito para sa kanya; ni
maunawaan man lang ang mga ito, sapagkat wala silang ispiritu (1Cor.2:14).
Inaakala ni Nikodemus na muling isisilang ang tao sa pisikal na katawan at gusto
niyang malaman kung papaano. At nagpanukala pa mandin siya (at medyo may pagkaka-
hiya, sa pinaka-abang pananalita at maaaring nang-iinsulto) ang muling pagpasok sa
sinapupunan. Ang kanyang panukala ay waring kataka-taka kay Hesus; ngunit sa
paggalang sa dignidad ng mga Eskriba at mga Pariseo, pinigilan Niyang tumawa at
nagpatuloy sa Kanyang pagpapaliwanag ng mga bagay ukol sa kalangitan. May
kakayahan si Hesus na tingnan ang kanyang saloobin at nakita Niya ang tunay na pakay
kundi ay maaaring hindi na siya lumapit pa. Walang pasubali, malayo pa siya sa
katotohanan nang sambitin niya, “Kailangan mo bang pumasok muli sa sinapupunan ng
iyong ina?” Upang patunayan kay Nikodemus na hindi Niya tinutukoy ang pisikal na
pagsilang kundi ispirituwal na pagsilang ay gumamit si Hesus ng batayang larawan na
makahulugan sa Hudyong ito na pinuno ng relihiyon.
Tubig at Ispiritu Sumagot si Hesus, katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa iyo, malibang Ipanganak ang tao sa
tubig at Ispiritu, hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios (John3:5).
Sa bawat pagkakataon na makita ng ilang tao ang salitang “tubig” sa Kasulatan,
agad nilang pinapalagay na ito ay – bautismo! Ang tubig minsan ay nangangahulugang
H2O; ngunit kapag ang literal na tubig ang tinutukoy, isasaad ito ng nilalaman. Hindi
tinutukoy ang literal na tubig sa linyang ito sapagkat hindi ipinaliliwanag ni Hesus ang
literal na kapanganakang pisikal. Mayroon ding dalang kahulugang ispirituwal ang tubig.
10
Ito ang tinutukoy ni Hesus sa salitang ginamit; at si Nikodemus, na hasa sa paaralan ng
mga Pariseo ay may kakayahang ihambing ito sa isa sa tatlong pagsasalarawan.
(1) Kaligtasan, sa Isaiah 55:1 – “Hoy! Bawat isa na nauuhaw, lumapit kayo sa tubig...”
Ang makasalanan ay isinalarawang nauuhaw at lumapit kay Cristo upang maligtas (c.f. John
4:14). “At ang Ispiritu at ang dalaga ay nagsabi, lapit... at siya na nauuhaw ay lumapit... hayaang
kunin niya ang tubig ng buhay nang may kalayaan” (Rev.22:17).
(2) Ang Biblia o ang Salita ng Dios, gaya sa Ezekiel 16:9, ihambing sa Epeso 5:26. Ang
paggamit ng Salita ng Dios bilang ispirituwal na panlinis. Pinatatamis nito ang mapapait na
karanasan (Exodo 15:25) at nagbibigay ng kapahingahan at kaginhawahan (Psa.23:2).
(3) Ang Banal na Ispiritu gaya sa Isaiah 44:3, ihambing sa John 7:37-39: “...mula sa
kanyang sikmura (kaibuturan ng katauhan) ay aagos ang ilog ng tubig na buhay (ngunit tinutukoy
Niya ang Ispiritu...).
Yamang binanggit ni Hesus ang tungkol sa ispirituwal na pagsilang, alin sa
tatlong gamit ispirituwal ng tubig ang angkop dito? Maaalis natin ang kaligtasan sapagkat
hindi pa ito ipinapahayag hanggang mapaniwala ni Hesus ang Pariseo na tinutukoy Niya
ay ispirituwal na pagsilang. Ang Banal na Ispiritu ay inaalis sa kadahilanan ng pag-uulit
na siya naman ay binanggit sa sumunod na talata. Matutuklasan natin samakatuwid, na
ang tubig ay tumutukoy sa “Tubig ng Salita.” Sa bandang huli, bawat isa na naligtas ay
tumanggap ng impormasyon tahasan o hindi man mula sa Salita ng Dios. Ang alituntunin
ng bagong kapanganakan, ang kaparaanan, ang pangangailangan – ang Gospel – lahat ay
matatagpuan sa Salita ng Dios (Psa.119:50; 1Cor.4:15; Jas.1:18; 1Pet.1:23).
Ang “Ispiritu” ay tumutukoy sa Banal na Ispiritu, ang tagapagpatupad ng muling
kapanganakan (Tit.3:5). Katungkulan na Banal na Ispiritu na dalhin ang Gospel at
“boom” sa kaisipan ng di-mananampalataya. Walang sinuman ang naligtas at walang
sinuman ang makakaunawa sa plano ng kaligtasan na malayo sa paglilingkod ng Banal na
Ispiritu. Minsang manampalataya ang tao kay Cristo, nakakatanggap siya ng ispiritu ng
tao (1Thess.5:23), ginagawa ng Banal na Ispiritu na Kanyang tahanan ang katawan ng
mananampalataya (1Cor.6:19): at sa sandaling puspusin ng Banal na Ispiritu na sa
makatuwid ay ginagabayan ang kanyang kaluluwa, ang mananampalataya ay may
kakayahan na na matutunan ang hiwaga ng Ispiritu (John16:13-15).
Na siya na isinilang sa laman ay laman nga at siya na isinilang ng Ispiritu ay ispiritu nga (John 3:6).
Ang una nating kapanganakan ay nagbigay sa atin ng katawan at dugo pati na
kaluluwa at napabilang tayo sa pamilya ni Adan, ngunit upang makapasok sa kaharian ng
Dios (walang hanggang kaugnayan sa Kanya), kailangan nating mabuhay sa ispiritu.
Samakatuwid, hindi dapat na nabigla si Nikodemus na malamang ang tao ay kailangang
isilang sa ispiritu.
Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, kailangan mong ipanganak muli (John 3:7).
Sa salita ni Hesus na “Huwag kang magtaka,” ipinapanukala ang pagtugon ni
Nikodemus. Napanganga siya sa pagkakatayo, kumukurap ang kanyang mga mata at
11
marahil ay namumula ang kanyang mukha. Tahasan siyang nabigla! Walang sinumang
tao na nagsasalita nang ganito sa isang pinuno ng mga Hudyo. Ngunit mariing ipinahayag
ni Hesus, “Huwag kang magulat nang sabihin ko sa iyo – ikaw na kagalang-galang,
relihiyosong Pariseo – na kailangan mong ipanganak muli!” Sa kabila ng lahat niyang
naisagawa, si Nikodemus ay ganap na nalito. Sa ikatatlong pagkakataon, inulit ni Hesus
ang pangangailangan ng ikalawang pagsilang; ngayon ay isinaayos niya ito sa isang
pagsasalarawan.
Saan Nagmula ang Hangin?
Umiihip ang hangin kung saan nito gusto, at nadidinig mo ang kanyang ugong, ngunit hindi
mo maturol kung saan ito nagmula at saan ito patungo: gayon ang sinumang ipinanganak sa Ispiritu (John
3:8).
Saan nagmula ang hangin, at saan ito humihinto? Nadidinig mo ito at alam mo na
narito ngunit hindi mo alam kung saan ito nagsimula at kung saan ito patungo. Gaya ng
pag-ihip ng hangin, “Gayon din naman ang bawat isa na isinilang ng Ispiritu.” Ito ang
nagpalinaw! Ang pagsasalarawan ay nagpaliwanag na ang hangin ay di nakikita, ang
epekto lang nito ang nakikita. Nalalaman mong may hangin dahil dumadampi ito sa
iyong mukha, gamagawa ng alon, pinayuyukod ang kawayan at nililipad ang dumi na
sanhi ng pagkapuwing mo. Ngunit alam mo ba kung paano ito nakarating at saan ito
patungo? Kaya ganito rin ang pagsilang sa ispiritu: hindi ito nakikita, ngunit ito ay totoo.
Pagkatapos nitong matinding pagpapaliwanagan, si Nikodemus, isang malaking
tao sa relihiyon, ay nagkaroon ng kaunting masasabi. Pansinin ang di kapani-paniwalang
kababawan ng kanyang kaluluwa. Bilang Pariseo ang taong ito ay mataas ang pinag-
aralan, bihasa sa kaalaman at ismarte! Ngunit makikita mo na ang lahat niyang nalalaman
ay nasa kaisipan lamang ng kanyang kaluluwa. Kapag ginamit ito sa pang-unawang
ispirituwal, siya ay ignorante at bobo sapagkat wala siyang kakayahan na maintindihan
ang inpormasyon; ni hindi niya kayang unawain maliban na lamang kung siya ay
isisilang na muli sa ispiritu. Wala nang mauurungan si Nikodemus; hindi niya kayang
bigyang kahulugan ang mga kaisipang ispirituwal sapagkat wala siyang mapagkukunan.
Sa ngayon, di kaginsa-ginsa ay may nahayag na mas mabigat siyang suliranin: hindi siya
nagtataglay ng ispiritu ng tao; siya’y “patay!” Matapos ang kapanganakan sa Ispiritu, ang
ispiritu ng tao ay idinaragdag na kalakip nito bilang bagong kasangkapan,
makapaninimula ka na na umunawa ng mga katotohanang ispirituwal.
Sumagot si Nikodemus at sinabi sa Kanya, paano magaganap ang mga bagay na ito (John 3:9)?
Ang Pariseo ay takang-taka. “Saan mo nalaman ito? Wala akong natutunan na
ganitong kaisipan hanggang tapusin ko ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Wala akong
nabasa kahit na isang tuldok man lamang tungkol sa pagsilang na muli. Mula sa simula
ay tinuruan na kami na gumawa, gawa, gawa! At ngayon, sa unang pagkakataon, may
isang nagsasabi ng bagay tungkol sa pagsilang! Paano ba ito?” Nakaramdam si
Nikodemus ng matinding panliliit. Napakalawak ng kanyang napag-aralan na anupa’t
nanakit na ang kanyang mga mata sa pagsasaulo ng Talmud, ng Mishnah at iba pa; ngunit
wala siyang nauunawaan. Narito ang isang tao na dumaan sa napakaraming pag-aaral na
12
anupa’t makapagsasalita siya nang maganda sa Templo at makikipagdebate sa mga
katanungang nauukol sa Dios nang may mataas na antas ng kakayahan. At sa di
inaasahan ay napaharap sa isang bagay na nagpapula ng kanyang ilong at nasaktan siya!
“Paano mangyayari ang mga bagay na ito?”
Ang ganitong pananalita ay nagbukas ng pintuan sa mas malalim na paliwanag at
nais ko na pansinin ninyo na gumamit si Hesus ng mga salitang pang-uuyam sa tamang
pagkakataon. Itong piling pang-uuyam ay kapara ng isang tungkod na ipinanghampas sa
ulo na nagdulot ng bukol.
Sumagot si Hesus at sinabi sa kanya, ikaw ba ay isang dalubhasa (may antas bilang doktor) ng
Israel, at hindi mo nalalaman ang mga bagay na ito (John 3:10)?
Hinamon ni Hesus si Nikodemus, “Ibig mo bang sabihin sa akin na may Ph.D. ka
sa pilosopiya at teolohiya at hindi mo napag-uunawa ang aking mga sinasabi?” Sa
katotohanan, ni minsan sa anumang pagsusulit, sa alinmang seminar, sa alinmang silid
aralan, ni sa anumang pagkakataon ay hindi nakatanggap si Nikodemus ng kaalaman na
katulad nito. Ang kurikulum ay kapos sa hiwaga ng ispiritu! Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa iyo, kami [ang Trinidad] ay nagsasalita ng aming
nalalaman, at nagpapatotoo sa aming nakita; at hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo (John 3:11).
Dahil si Nikodemus ay binulag ng kanyang legalismoe na dahil dito ay
nananatiling litong-lito, nagpatuloy si Hesus: “Alam ko ang aking sinasabi, kahit hindi
mo ito nababatid!” Nasabi na kay Nikodemus na kailangan niyang ipanganak muli,
ngunit hindi niya maunawaan ito. Ang mga salita at mga kaisipan ay nadinig na niya
ngunit ang prinsipyo na nakapaloob dito ay nananatiling malabo pa rin sa kanya. Sinabi
ni Hesus, “Tingnan mo! Nalilito ka na; pero hindi ako nalilito!” Nagbibigay ito ng
pamamaraan sa pagpapatotoo! Kapag nagsasalita ka sa mga tao tungkol kay HesuCristo,
kailangan mong magsalita nang may pagtitiwala, at ang pagtitiwalang ito ay nagmumula
sa pagkaunawa ng Gospel.
Kung ang sinabi ko sa iyo ay mga bagay na pangsanlibutan at hindi ka naniwala, papaano ka
maniniwala kung magsabi ako sa iyo ng mga bagay na panlangit (John 3:12)?
Sa Griyego, itong salitang “Kung” ay isang termino ng mga dabatista na nasa
unang antas na kalagayan. Sinabi ni Hesus, “Ipalagay muna natin sumandali na ako ay
nagsasabi sa iyo ng mga bagay na pangsanlibutan at hindi ka makapaniwala; papaano ka
makakapaniwala kung magpahayag ako ng mga pang-ispirituwal o panlangit na mga
katotohanan? Minsan pa nating ulitin ang bagay na ito Nikodemus at ito ang ating
gagawin!”
Si Cristo ang Tunay na Isyu
Walang sinuman ang umakyat sa langit, kundi siya na bumaba mula sa langit, ito nga ang Anak
ng tao na nasa kalangitan (John 3:13).
13
Sa panahon na binabanggit ito ni Hesus, wala pang tao ang nakakapasok sa ika-
tatlong langit, ang luklukan ng Dios. Bagaman bilyon ang bilang ng mga
mananampalataya sa panahon ng Lumang Tipan, pagkamatay nila ay naninirahan sila sa
Paraiso hanggang ang Kinatawan ng Tao ay muling nabuhay, umakyat at tinanggap ng
Ama. Ang unang Tao na pumasok sa langit ay si HesuCristo. Ang “Anak ng Tao” ay
isang titulo ni Cristo, na pinatutungkulan ang Kanyang pagiging tao. Na ipinahayag ni
Hesus na Siya ay nasa langit sa mga sandaling iyon ay isang nakakapanabik na palaisipan
na kailangang pag-ukulan ni Nikodemus ng sapat na panahon upang pag-aralan. Maaari
din naman na isa ito sa dalawang bagay na naging dahilan ng kanyang pagiging
mananampalataya.
Si HesuCristo ay Omnipresent: Siya ay nasa lahat ng dako. Habang Siya ay nasa
langit, ay nakatayo siyang nakikipag-usap kay Nikodemus! Nakita ninyo, ang dahilan na
Siya ay nasa lupa at nasa langit nang sabay (bilyong liwaon* ang layo) ay sapagkat Siya
ang Dios-Tao, di-kumupas na kadiosan at wagas na katauhan sa isang Persona
magpakaylanman – ang naiibang Persona ng sanlibutan. Samantalang Siya ay Dios na
kapara ng Ama at ng Banal na Ispiritu, ay hindi Siya katulad ng Ama at Ispiritu sapagkat
naritong nakatayo Siyang nakikipag-usap kay Nikodemus bilang tao. Ganon pa man
naiiba Siya kay Nikodemus at sa lahat na kabilang sa lahi ng tao sapagkat Siya ay Dios.
NAIIBA SIYA. Sa kapahayagan ng Gospel†, ang Personalidad ni HesuCristo ang tangi
lamang isyu. Kung nauunawaan ni Nikodemus ang Personalidad ni Hesus, tatanggapin
niya ang mga Salita ni Hesus. At kailangan din niyang tanggapin ang gawa ni Cristo.
Paano Isilang Muli
Kung paanong itinaas ni Moises ang ulupong sa ilang, ganon din naman na kailangang itaas ang
anak na Tao (John 3:14).
Isang huling panawagan ang isinagawa ni Hesus mula sa mga bagay na
nauunawaan ni Nikodemus. Upang maging Pariseo, kailangan niyang sauluhin ang Torah
(ang unang limang aklat ng Lumang Tipan) at sumailalim sa mahigpit na pagsusulit,
samakatuwid, nauunawaan niya ang Numbers 21. Ang lahat na kinakailangan ay isang
balangkas, isa lamang pagbalik tanaw at makaka-agapay na si Nikodemus sa prinsipyo.
Ang paghahambing sa tansong ulupong ay isang paghihintay sa pag-akyat; ngunit ang
“pag-tataas” ay nagsisimula sa Krus. Ang ulupong na itinaas sa isang tagdan ay
paghahambing sa gawaing pagliligtas ni Cristo sa Krus.
Na sinumang manampalataya sa kanya ay hindi mapapahamak, bagkus magkakaroon pa ng
buhay na walang hanggan (John 3:15).
Ang salitang “Na” ay nagsusulong ng isang layuning saknong na nagbibigay ng
dahilan kung bakit kailangang itaas si HesuCristo sa Krus. Itong maliwanag na
kapahayagan ay nagsasaad kay Nikodemus, at sa bawat isa na makakabasa o makakarinig
ng Kasulatan, kung papaano isilang muli: MANAMPALATAYA sa Panginoong HesuCristo!
Ang pananampalataya ay kawalan ng gawa o karampatan ng tao. Ang kahalagahan ng
* Liwaon: Distansiya o layo na nalalakbay ng liwanag sa loob ng isang taon.
† Gospel: Magandang Balita ng Kaligtasan
14
pananampalataya ay nakasalalay sa pinananaligan. Tungo sa kaligtasan, ang punto ng
pananampalataya ay si Cristo! “Sinuman” ay nangangahulugang bawat isa sa lahi ng tao
– relihiyoso, walang relihiyon, kontra sa relihiyon, moral, imoral, amoral – KAHIT NA
SINO!
Nang manampalataya ka kay Cristo, ikaw ay naging trikotomong nilalang.
Nanatili ka sa iyong katawan, na may lumang kasalanang likas at kaluluwa, ngunit
natanggap mo ang nananahanang Banal na Ispiritu at ispiritu ng tao. Tinanggap ni
Nikodemus si Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas, na maaaring naganap nang gabi
ring iyon. Hindi natin batid ang oras, ang alam natin ay ang naganap. Si Nicodemus ay
isa sa dalawang nagdala sa bangkay ng ating Panginoon; ang isa ay si Jose na taga
Arimathaea. Isang kapansin-pansin! Pareho silang Pariseo; pareho silang mariwasa at
kinikilalang tao. Sa isang panahon, pareho silang patay sa kasalanan at hiwalay sa Dios.
Minsan pa, tunghayan natin ang suliranin ng Hadlang sa pagitan ng tao at Dios.
Kung kikilalanin ng tao ang Dios, ang Hadlang ay kailangang maalis. Ang mga tisa ng
kasalanan at ang multa nito ay natanggal ng katubusan at kaluguran sa pamamagitan ng
kamatayang ispirituwal ni Cristo doon sa Krus. Ang suliranin ng kapanganakang pisikal
ay nalutas sa pamamagitan ng muling kapanganakan. Kung anuman ang nawala sa ating
pisikal na pagsilang – ang pakikiugnay sa Dios – ay nasa atin na ngayon sa bisa ng
bagong kapanganakan. At karagdagan pa, napabilang tayo sa Maharlikang Pamilya ng
Dios (Gal. 3:216), tayo ay naging mga anak ng Dios (John 1:12) na ang Dios ang ating
Ama (2Cor. 6:18).
HAMBING NA KATUWIRAN NG TAO
Ang kasunod na bahagi ng Hadlang ay, para sa iba, pinaka-nakakalito sa lahat –
ang problemang dulot ng katuwiran ng tao. Hindi natin maitatanggi na ang ilang tao ay
tunay na napakabuti, sa pantaya nating mga tao. Ang ilan sa mga kahanga-hangang tao na
aking nakikilala ay hindi mananampalataya, maraming kadahilanan ang ganitong
kalagayan. Una sa lahat, ang mga di-mananampalataya ay nananatili sa payak na sistema
ng buhay; wala sila sa ilalim ng masalimuot at mahihirap na panloob at panlabas na lakas
(ang sanlibutan, ang laman at ang demonyo) na nakakaepekto sa buhay ng mga
mananampalataya. Kaya nga, dahil ang mga di-mananampalataya ay namumuhay ng
kasing simple ng Model-T Ford, napakadali para sa kanila na umagapay sa sistema ng
buhay sa lahat ng siglo ng kasaysayan. Sila ay nagtataglay din ng mga di-kanais-nais at
kapuri-puring katangian; mayroon silang kakayahan na ikubli ang kanilang mga
masamang pag-uugali at mailihim ang kanilang mga pansariling suliranin. Sa
kabaligtaran, napansin ko na napakaraming mananampalataya na ipinaparada ang
kanilang mga suliranin.
Narito, katunayan lamang, ang isyu ng katuwiran: mapapansin na ang ilang tao ay
napakabait, ang ilan ay napakabuti, at ang ilan ay mas mabuti kaysa iba – at ito ang tunay
na suliranin. Malimit nating masasabi na ang ilang tao ay MAS MABAIT kaysa iba. Ang
ilang tao ay marunong itikom ang kanilang bibig, iniintindi lamang ang kanilang sariling
gawain at hindi tumatalikod sa kanilang pananagutan. Mahirap silang kalabanin! Pino
ang kanilang pamumuhay, masayahin at magandang pakisamahan. At bakit sila ay
15
waring “mabubuti” para sa akin? Dahil inihahambing ko sila sa mga magugulong tao,
mga mapanirang puri, tsismoso at manloloko – mga taong hindi pinahahalagahan ang
pananagutan. Sinasabi ko, “Ang mga taong ito ay kahanga-hanga at sa kabila naman ay
mga taong kasuklam-suklam.” Kaya, ayon sa aking pamantayan, ang isang grupo ay
“mabuti” at ang kabila ay “masama.”
Ngunit ihambing natin ang sistemang ito ng moralidad sa pamantayan ng Dios.
Ang taong aking hinahangaan ay may kagalang-galang na katangian at nalulugod ako sa
pakikisama sa kanila, ngunit ang lahat nilang kapuri-puring katangian ay nananatiling
MINUS-R. Wala siyang anumang naibigay sa Dios! Ang Dios ay PLUS-R – sukdol na
katuwiran. Nagtataglay Siya ng perpektong kakanyahan – perpektong katuwiran,
katarungan, pag-ibig, buhay na walang hanggan. Hindi tumatalikod ni minsan ang Dios
sa Kanyang pananagutan – ang Dios ay hindi nagbabago; pinapahalagahan Niya ang
Kanyang salita. Kaya, kapag inihambing ko ang mga taong ito sa Dios wala akong
magagawa kundi tanggapin na sila ay hindi makakapantay sa Dios.
Ito ang pananaw ng Dios sa atin: “Sapagkat ang lahat ay nangagkasala, at hindi
nakaabot sa kaluwalhatian (kakanyahan) ng Dios” (Rom. 3:23). “Sapagkat walang isa
mang matuwid na nilalang sa sanlibutan, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala”
(Eccl. 7:20). “Kagaya ng nasusulat, Walang isa man ang matuwid, wala, wala kahit isa:
Walang sinuman ang nakakaunawa, walang sinuman ang naghahanap sa Dios”
(Rom.3:10, 11). “Subalit tayong lahat ay kapara ng maruming bagay, at lahat ng ating
mga katuwiran ay pawang maruruming basahan ...” (Isa. 64:6).
Tatlong Tipo ng mga Di-Mananampalataya
Maraming uri ang mga hindi nananampalataya sa sanlibutan; ngunit sa
pangkalahatan, nabibilang sila sa tatlong kategoriya: mga ralihiyosong tao na katulad ni
Nikodemus; mga moral at mga taong matuwid sa kanilang sarili; at mga imoral na tao.
Ang mga moral na tao ay yung “mababait,” mga iginagalang na persona sa sosyedad,
sila na walang ginagawang kalokohan o kasalanan. Sila ay maawain at magalang at
nagkakaloob para sa layuning makatao. Ang problema sa mga taong ito ay
nanghahawakan sa kanilang ginagawa upang makapasok sa kalangitan. Kanilang iniisip
na napakabuti nila na hindi nila kailangan ang kaligtasan.
Sumunod ay ang mga imoral na tao. Mapapansin na wala sila sa kaayusan ng
buhay, at nalalaman ito ng lahat; wala siyang pakialam sa mga bagay na ito. Maaaring
siya ay nakakariwasa na laging “nagmamatyag”, nang-iingganyo at nanggagantso; o
maaari din naman na sila yaong mga haragan na parating lasing, nagnanakaw na ang
kinasasapitan ay nakabulagta sa bangketa sa kalasingan o sa bilangguan. Ang kaibahan sa
mga moral at imoral na tao ay nakasalalay sa isang katotohanan na ang mga kasalanan ng
mga imoral na tao ay tanyag, samantalang sa mga nagmamatuwid at tipong relihiyoso ay
nakatago ang kanilang mga kasamaan sa likod ng pagiging kagalang-galang.
16
Mga Mabuting Gawa Bilang Hadlang
Ang mga kabutihang ginagawa ng tao ay nagtatatag ng matibay na hadlang tungo
sa Dios sapagkat kalimitang naghahatid ito sa pagiging relihiyoso at sa pagaanyo ng
kabanalan. Ang ilang naliligaw na gumagawa ng kabutihan ay nag-iisip ng, “Ako’y
tatanggapin sa langit dahil ako’y mabait. Pupunta ako sa langit dahil marami na akong
nagawang kabutihan.” Ang mga taong ito ay hindi magtatagumpay sapagkat ang lahat na
kabutihan na kanilang pinagsikapang gawin ay MINUS-R (katuwirang pangtao), at ang
MINUS-R ay hindi kailanman puwedeng makisama sa PLUS-R (katuwiran ng Dios). Ang
pagkakaroon ng lumang kasalanang likas at ang kawalan ng ispiritu ng tao ay naghatid sa
isang kalagayan na imposibleng makisalamuha sa Tahasang Katuwiran. Ang tangi
lamang paraan upang maligtas ay sa pagkakaroon ng katuwirang katulad ng katuwiran ng
Dios.
Kung tinatanggihan mo si Cristo, mas makabubuting tigilan mo na ang
pakikipaglaro ng paggawa ng kabutihan at gugulin mo na ang kakaunti mo nang panahon
sa iyong buhay sa pagpapakaligaya dito sa daigdig, sapagkat may naghihintay na
“pagbabayad sa impiyerno” sa hinaharap. Ang relihiyon at moralidad ay walang
magagawa dito! Sinabi ni Hesus, “... malibang LUMAMPAS ang katuwiran mo sa mga
katuwiran ng mga Skriba at Pariseo, ay hindi mangyayaring makapasok ka sa kaharian ng
langit” (Matt. 5:20). Ngayon papaano ang gagawin natin dito sa harang sa daanan, itong
hadlang, na maialis sa ating landas? Ang kasagutan ay matatagpuan sa Doktrina ng
Pagpapataw at Pagbibigay Katarungan.f
PAGPAPATAW
Ang Bahaging Pakinabang sa Talaan
Pagsulat lamang ng lapis ay mapapalitan ang MINUS-R ng PLUS-R, ngunit
kailangan ang kawalang hanggan upang ang ating kasamaan ay mapalitan ng katuwiran
ng Dios.
Sapagkat siya [Dios Ama] ay itinakda siya [HesuCristo] na maging kasalanan para sa atin, siya
ng hindi nakakaalam ng kasalanan; upang tayo ay maging katuwiran ng Dios sa kanya
[HesuCristo](2Cor. 5:21).
Ang Dios Ama ang Nag-akda ng Plano ng Kaligtasan para sa lahi ng tao. “Na
itinakda” ay nasa anyong pangkapanahunan: “minsan para sa lahat, ang Ama ay ginawa
si HesuCristo na maging kasalanan,” na tumutukoy sa katubusan.
Nang Siya ay nakabayubay sa Krus, lahat na kasalanan ng buong lahi ng tao ay
ipinataw sa Panginoong HesuCristo! Ito ay naaayon sa Doktrina ng DI-LIMITADONG
PAGPAPATAWAD (1John 2:2). Ito ang pagtatanggal sa unang tisa ng Hadlang. “Sapagkat
ginawa siyang kasalanan para sa atin, siya na walang kasalanan.” Si Cristo ay may
kakayahang mamatay para sa ating mga kasalanan sapagkat Siya ay walang kasalanang
nagawa sa Sarili at samakatuwid ay may kakayahang Umako ng Kasalanan. Kaya,
17
bilyon-bilyong kasalanan – sa katotohanan nga, ang bawat kasalanan na nagawa natin sa
nakalipas, kasalukuyan at sa hinaharap – ay dinala Niya sa Kanyang sariling katawan
doon sa Krus.
Ang ating mga kasalanan ay ipinataw kay Cristo, ngunit bago pa ang kaligtasan,
nagtataglay tayo ng MINUS-R. Nasa bahaging pananagutan tayo sa “kwentahan” dahil
isinilang tayong patay sa ispiritu: ang kasalanan ni Adan ay ipinataw sa ating lumang
kasalanang likas sa sandali ng ating pagsilang. Upang matanggap natin ang PLUS-R, ang
katuwiran na tinataglay ni Cristo, isinasagawa lamang natin ang walang meritong
positibong bolisyon na manampalataya sa Panginoong HesuCristo (Rom. 3:22). Kapag
ang PLUS-R ay naitala na sa ating pananagutan, ito ay tinatawag na PAGPAPATAW, isang
lumang terminong pagbibilang na nangangahulugang “isama sa bahaging pakinabang ng
talaan.” Ang KALUGURAN ay inaalis tayo sa “pulang tinta”, samantalang ang
PAGPAPATAW ay inilalagay tayo “sa itim na tinta.” Hindi natin ito pinagsikapan, wala
tayong karapatan dito. Ang ginawa ni Cristo doon sa Krus ang naglipat sa atin mula sa
“maruming basahan” tungo sa kasaganaan ng Kanyang biyaya!
Ang Hungkag na Paghahanap ng Katuwiran
Ano nga ang sasabihin natin ngayon? Na ang mga Hentil, na hindi sumusunod [naghahanap] ng
ayon sa katuwiran, ay nagawang makaabot sa katuwiran, doon nga sa katuwiran dulot ng
pananampalataya (Rom. 9:30).
Libo-libong Hentil ang naligtas sa kapanahunan ng Lumang Tipan katulad din
naman sa Bago. Hindi ba ito kapana-panabik? Marami sa mga Hudyo ang nag-iisip na
makapunta sa langit sa paglalatag ng kanilang sariling katuwiran at sa pagsunod sa
Kautusan ni Moises; ngunit gaano man katindi ang kanilang pagsisikap, lahat nang ito ay
naiipon lamang bilang MINUS-R. Marami namang mga Hentil , sa kabilang dako, na hindi
nagsisikap na sumunod sa Sampung Utos para sa kaligtasan; hindi nila ito hinanap ayon
sa katuwiran; ngunit nakamit nila ito. Papaano? “Nakaabot [pangkapanahunang
kalagayan – minsan para sa lahat] sila sa katuwiran, kagaya ng KATUWIRAN sa
PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA.” Sa ibang pananalita, ang mga Hentil ay
nanampalataya kay HesuCristo.
Sa sandali ng kaligtasan, PLUS-R – Katuwiran ng Dios - ay ipinataw sa atin dahil
sa pananampalataya. Subalit, ang mga Hudyo na nagsisikap maligtas sa pagsunod sa
Sampung Utos, pagpapatuloy sa paggawa, nagsisikap, nagpapakahirap; at lahat nang
kanilang pinagsikapan ay nauwi lamang lahat sa MINUS-R! Sa mas matinding
pagsisikap na ginagawa ng mga Hudyong ito na makamit ang langit, mas lumalaki at
lumalalim ang butas na kanilang ginagawa patungo sa pangangailangan; at gawa sila
nang gawa, ngunit wala namang naaabot (Rom.4:4). Lahat nang ito ay MINUS-R
lamang!
Ngunit ang Israel, na sumusunod ayon sa batas ng katuwiran, ay hindi nakamit ang hinihingi ng
katuwiran. Bakit nga ba? Sapagkat sinundan nila ito hindi sa pamamagitan ng pananampalataya , kundi sa
pamamagitan ng mga pakunwaring paggawa ng mga iniuutos. At sila nga’y napatid sa batong
katitisuran (Rom. 9:31,32).
18
“Ang batas ng katuwiran” ay PLUS-R, nakakamit sa pamamagitan ng
pananampalataya kay Cristo. Wala silang PLUS-R sapagkat hindi nila ito hinahanap sa
pamamagitan ng pananampalataya; hindi sila naniwala kay Cristo. Nagsikap silang
maligtas sa pagsunod sa Batas. Samakatuwid, silay nadapa sa Batong katitisuran, na dilit
iba ay si Cristo.
PAGBIBIGAY KATARUNGAN
Ngayon, saan sa larawan matatagpuan ang pagbibigay katarungan? Hayaang
maipaliwanag ko ito ng ganito: PAGPAPATAW ay paglalakip sa ating pananagutan ang
katuwiran ni Cristo; PAGBIBIGAY KATARUNGAN ay paghahayag o pagpapakilala na tayo
ay matuwid. Sa batayan na ang katuwiran ni Cristo ay ipinataw sa isang nanampalataya,
ay idiniklara siya ng Dios isang makasalanan na matuwid, pinawalang sala, katanggap-
tanggap sa Kanya. Ang Dios ay may kalayaang ipahayag siyang malaya sa kasalanan
sapagkat ang naniniwala ngayon ay nagtataglay ng katuwiran ni Cristo! Sa simpleng
kalagayan, ang pagtanggap ng katarungan ay nangangahulugan na nagtataglay ng PLUS-
R; HINDI nangangahulugang “parang hindi nakagawa ng pagkakasala!”
Yamang nalalaman na ang tao ay HINDI pinaging-matuwid sa pagsunod sa kautusan, kundi sa
pamamagitan ng pananampalataya sa [kay] HesuCristo katulad natin na nanampalataya kay HesuCristo,
upang tayo ay maging matuwid dahil sa pananampalataya kay Cristo, at hindi sa pamamagitan ng mga
pagsunod sa kautusan: sapagkat sa pagsunod sa batas ay WALANG sinuman na magiging matuwid (Gal.
2:16)
Na malayang pinapaging-matuwid ng kanyang habag sa pamamagitan ng katubusan na nakay
CristoHesus (Rom. 3:24).
Paano ka napawalang sala sa mga mata ng Dios? Sa “pagpapakabuti?” Hindi
kaylanman! “Sa pamamagitan ng Kanyang habag.” Sa ngayon ay kailangan mo nang
maging bihasa sa habag. “Habag” ay ang kabuuan ng Plano ng Dios. Habag ay
nagangahulugan na nagkakaloob ang Dios ng mga bagay nang wala tayong karapatan.
PLUS-R ay hindi isang pases; ito’y biyayang regalo na ipinagkaloob nang sagana sa
kaligtasan!
Gaya sa katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay HesuCristo para sa lahat
at tungo sa lahat na naniwala: sapagkat ditto ay walang pagkakaiba (Rom. 3:22).
Sa sandali na mabasa mo ang saknong na, “katuwiran ng Dios,” malalaman mo
kapagdaka na tumutukoy ito sa PLUS-R. Ito ang katuwiran na tanging ang Dios
(pinagmulan ng pag-aari) lamang ang nag-aangkin. Paano mo natatanggap ang PLUS-R?
Sa pananampalataya – hindi sa pagsunod sa kautusan! “Sa pamamagitan” ay nasusulat sa
italics sa King James Version na hindi naman matatagpuan sa orihinal na kasulatan.
Idinagdag ito ng tagapagsalin upang magandang basahin; ngunit hindi ito kailangan sa
puntong ito. “Gaya sa katuwiran ng Dios SA KAPARAANAN NG pananampalataya...” “Ng”
ay isang pinagmumulan ng layunin na ang tamang salin ay “pananampalataya SA
HesuCristo.” “Para sa LAHAT...” Bakit ang katuwirang ito ay nakalaan sa bawat isa?
Sapagkat nang hatulan si Cristo sa Krus ukol sa kasalanan, binayaran Niya ang multa
para sa bawat isa (di-limitadong kapatawaran). Binata Niya ang mga kasalanan ng bawat
19
nilalang na nabuhay at mabubuhay pa. Ang saknong na “ukol sa lahat” ay
nagpapahiwatig ng kalagayan. Sino ang tumatanggap ng PLUS-R? Lahat na naniwala!
Walang ginagawang pagkakaiba kung kayo man ay moral o imoral, walang Dios o
relihiyoso, sa paningin ng Dios “lahat ay nagkasala” (Rom. 3:23); samakatuwid, lahat ay
puwedeng maligtas.
Na ipahayag, sinasabi ko, sa panahong ito ang kanyang katuwiran: na siya ay manatiling
matuwid, at ang nagpapawalang sala sa kanila na naniwala kay Hesus (Rom. 3:26).
Bakit nagawa ng Dios Ama na iligtas ang makasalanan na hindi naisasantabi ang
Kanyang PLUS-R? Sapagkat ang Kanyang katarungan at katuwiran ay natugunan sa
Krus. Ang Dios ay perpektong makatarungan sa pagpapatawad sa atin dahil kay Cristo,
siya na sukdulan ang katuwiran, ang naging Kahalili natin. Ang Nagpapawalang sala ay
yaong Isa na namimigay ng PLUS-R sa bawat maniniwala sa Panginoong HesuCristo.
Ang prinsipyong ito ay nagpapatuloy na totoo mula pa sa Pagbagsak ni Adan. Kunin
natin si Abraham bilang halimbawa mula sa Lumang Tipan. Papaano naligtas si
Abraham? Gagamit tayo ng isang prinsipyo sa mga kaparaanan ng mga debatista at
ipalagay natin sumandali na napawalang sala si Abraham sa pamamagitan ng kanyang
mabubuting gawa.
Ano ba ang masasabi natin tungkol kay Abraham na ating ama, na patungkol sa laman, ano
ba ang nakita? Na kung si Abraham ay napawalang sala dahil sa mabubuting gawa, makapagmamapuri
siya [mga bagay na maipagyayabang]; ngunit hindi sa Dios (Rom. 4:1,2).
Kung si Abraham AY napawalang sala sa pagtatrabaho o mabubuting gawa, tunay
na makapagmamalaki siya, ngunit hindi sa Dios!
Ngayon nasaan ang pagmamapuri? Hindi ito kabilang. Sa anong batas? Ng paggawa? Hindi: kundi
sa batas ng pananampalataya. Samakatuwid mauunawaan natin na ang tao ay napawalang sala dahil sa
pananampalataya na walang paggawa ng kautusan (Rom. 3:27,28).
Kung ginawa ni Cristo ang lahat na trabaho, saan mailalagay ang pagmamapuri?
Anong mangyayari sa mga pinagsisikapan ng tao? Anong mangyayari sa “operation good
works?” Lahat nang ito ay HINDI KABILANG! Ang daan ng kaligtasan ay nananatiling
nagiisa, bago at pagkalipas ng Krus.
Ano nga ba ang sinasabi ng kasulatan? Naniwala si Abraham sa Dios [sa Panginoon – Gen.
15:6], at ipinataw ito sa kanya [ibinilang sa kanyang pakinabang] bilang katuwiran (Rom. 4:3).
Ang PLUS-R ay isinama sa pakinabang ni Abraham dahil sa pananampalataya sa
Panginoong HesuCristo. Ngunit paano naman ang mga nagsusumikap na “gumawa”
upang makamit ang langit?
Ngayon para sa kanya na gumagawa [patuloy na nagsusumikap para sa kanilang kaligtasan] ay
umaasam ng kapalit na hindi isinasa-alangalang [basehan ng pagtanggap] ang biyaya, kundi [base sa]
sa pagkakautang (Rom. 4:4).
Sa madaling salita, habang pinagsisikapan mo, lalo kang nababaon sa utang.
20
Ngunit sa kanya na hindi nagsisikap kundi nanampalataya sa kanya na nagpapawalang sala ng
mga makasalanan, ang kanyang paniniwala ay ibinilang [isinama sa kanyang pakinabang] na
katuwiran (Rom. 4:5).
Ang pagpapataw ng katuwiran ng Dios ay nagbubunga ng pagiging matuwid para
sa isang nanampalataya kay Cristo, at ang Hadlang dulot ng hambing na katuwiran ay
natanggal.
ANG KARAKTER NG DIOS
Kapag binabanggit sa Biblia ang kaluwalhatian ng Dios, ito ay tumutukoy sa
kanyang karakter o kakanyahan – itong magkahalong katangian ang nagpapakilala sa
bawat nilalang. Ang Dios ay isang kakanyahan ngunit Tatlo sa Personalidad. Ang Ama,
Anak at Banal na Ispiritu nay nagtataglay ng magkakatulad na katangian – soberenya,
sukdol na katuwiran, katarungan, pag-ibig, buhay na walang hanggan, alam lahat, nasa
lahat ng dako, magagawa lahat, hindi nagbabago at katotohanan. Kapag ang Dios ang
isasa-alangalang ating tinutunghayan ang mga kasukdulan. Ito ang dahilan kung bakit
hindi pinahihintulutan ng Dios ang mga kasalanan at mga kabiguan. Nagtataglay siya ng
perpektong pamantayan na anuman ang maging kulang ay hindi aabot sa Kanyang
kaluwalhatian.
Ang kasalanan ay isang paglaban sa kaluwalhatian ng Dios (Kanyang katuwiran
at katarungan) isang pagsalangsang at isang pang-iinsulto sa Kanyang kaganapan. Dahil
lahat tayo ay nagkasala, lahat tayo ay hindi katanggap-tanggap sa Dios. Hindi maaaring
pawalang saysay na lamang ng Dios ang ating mga kasalanan at mga kasamaan. Ang
Kanyang katuwiran ay humihingi ng kahatulan sa kasalanan. Ang Kanyang katarungan
ang nagsasagawa ng mga karampatang hatol na hinihingi ng katuwiran: ang kasalanan ay
kailangang hatulan. Dito lumalabas ang suliranin; ang pagpapala ng Dios ay hindi
makadadaloy sa “biyayang tubo” tungo sa tao hanggang ang katuwiran at katarungan ay
hindi natutugon. At PAANO sila matutugunan?
Bumalik tayo sa Pagpupulong ng Walang Hanggang Buhay. Bilyon-bilyong taon ang
nakalipas, nagsagawa ang Dios ng pinakamakapangyariang pagpapasiya na katagpuin
ang tao sa biyaya – ang ganap na kapahayagan ng katarungan ng Dios. Ang Ama ang
21
nagsagawa ng plano kung saan ang tao ay makakapanumbalik ng pakikipag-ugnay sa
Kanya magpakaylanman. Ang Dios Anak, ang ikalawang Persona ng Trinidad ang
nagkusa na halinhan ang makasalanan at bayaran ang multa ng kaniyang kasalanan.
Bilang sukdol na katuwiran, tutugunan ng Anak ang hinihingi ng makatuwiran at
makatarungang Dios. Nang binabata Niya ang mga kasalanan ng sanlibutan doon sa
Krus, natugunan Niya ang katuwiran ng Ama. Ngayon, sa halip na sumpa, maaari nang
makadaloy ang mga pagpapala sa biyayang tubo tungo sa tao. Ngayon ang pagibig ng
Dios ay makadadaloy na patungo sa tao na sa likod ng pagibig na ito ay buhay na walang
hanggan. Nagkakaloob ang Dios ng buhay na walang hanggan sa sinuman na katagpuin
ang Kanyang Anak doon sa Krus.
PAGBIBIGAY KASIYAHAN
Ang gawa ni Cristo sa Krus na tumugon sa kabanalan ng Ama ay tinatawag na
PAGBIBIGAY KASIYAHANg. Ito ang bahagi ng Krus na kaugnay sa Dios.
Siya [HesuCristo] na itinakda ng Dios [iladlad sa publiko] na maging kasiyahan sa pamamagitan
ng pananampalataya sa kanyang dugo, na ipahayag ang kanyang katuwiran ukol sa katubusan ng
mga kasalanan na nagsilipas, sa pamamagitan ng kahabagan ng Dios (Rom. 3:25).
Pagbibigay kasiyahan ay katulad ng salitang Griyego na [HILASTERION] sa
“luklukan ng habag” sa Hebreo 9:5 at nangangahulugan na “isang plantsa” o “isang lugar
ng pagkukubli.” Ang luklukan ng habag ay isang plantsa sa ibabaw ng Kaban ng Tipan sa
bahaging Kabanal-banalan ng Tabernakulo. Ang Kaban, ay isang kahon na gawa sa
kahoy na akasya at napaliligiran sa ibabaw ng ginto, isinasalarawan ang kakaibang
Persona ni Cristo: ang kahoy ay naghahayag ng Kanyang katauhan; ang ginto, Kanyang
Pagkadios. Ang kahon na ito ay naglalaman ng talaan ng mga Kautusan, tungkod ni
Aaron na nagdahon at ang palayok [urna] ng manna – lahat nang ito ay naglalarawan ng
iba’t-ibang kalagayan ng mga kasalanan ng Israel sa pagtanggi sa probisyon ng Dios.
Ang luklukan ng habag na purong ginto ay tumakip sa lahat na sagisag ng kasalanan.
Magkaharap sa bawat isa sa magkabilang dulo ng luklukan ng habag ay dalawang
cherubim – ang isa ay kumakatawan sa katuwiran at ang isa naman ay katarungan. Sa
kanilang pagtungo na tinitingnan ang luklukan ng habag, hindi nila nakita ang mga
kasalanan ng tao na kinakatawan ng mga nilalaman ng kaban kundi ang dugo na iwinisik
sa ibabaw ng gintong plantsa
Minsan sa isang taon, sa Araw ng Katubusan, ang Punong Saserdote ay
pumapasok mag-isa, nilalampasan ang ikalawang kurtina tungo sa Kabanal-banalan, dala
ang isang mangkok, una ang dugo ng bisiro ukol sa sarili niyang mga kasalanan,
sumunod ay ang dugo ng inialay na kambing ukol sa mga kasalanan ng mga tao, at
isinaboy sa ibabaw ng luklukan ng habag (Lev. 16:14-17). Ang “Katuwiran at
Katarungan” na tumingin sa ibaba ay nakita ang dugo mula sa pinatay na sakripisyong
hayop doon sa tansong dambana. Ang rituwal na ito ay nag-anino at kumatawan sa Krus,
na sa kasaysayan ay natugunan na ang katuwiran at katarungan.
22
“Dugo” sa Roma 3:25 ay tumutukoy sa pagbibigay kasiyahan na ginawa ni Cristo
sa Krus, na naging kaluguran naman ng Ama (Isa. 53:11). Bago dumating ang Krus,
ipinagpaliban ng Dios ang paghatol sa kasalanan hanggang dumating ang sandali na si
Cristo ay naging kalugurang Alay. Ngayon ipinahayag Siya ng Dios sa kalahatan bilang
ating Luklukan ng Habag SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA –
pananampalataya sa Kanyang ginawang pagliligtas sa Krus! Ipinakita Niya ang Kanyang
katuwiran sa pagkakaloob ng PLUS-R sa bawa’t isa na manampalataya kay Cristo.
Nalugod ang karakter ng Dios at hindi na naging hadlang sa Kanyang
pakikisalamuha sa sangkatauhan. Ngayon, kung ang gawa ni Cristo sa Krus ang lahat na
kinakailangan upang malugod ang Ama, bakit nag-iisip ang iba na kailangang dagdagan
pa nila ito! Ang gawaing pagliligtas ay natapos na (John 19:30). Hindi mo na kailangan
pang magmakaawa o makiusap sa Dios na maging mahabagin Siya sa iyo. Siya ay
nagpapatuloy na nalulugod dahil sa mga ginawa ni Cristo sa Krus!
KALAGAYAN KAY ADAN
Narating na natin ang panghuling bahagi ng Hadlang sa pagitan ng tao at Dios –
ang ating KALAGAYAN KAY ADAN. Ang unang tao, si Adan, ang pangunahing
kinatawan ng lahing tao. Kagaya ng ating nakita, lahat na hinaharap na kaganapan sa lahi
ng tao ay nakasalalay sa kanya maging sa pagtayo o pagbagsak. Sa kanyang kagustuhan
na sumuway, ang kasalanan at kamatayang ispirituwal ay dumating sa kabuoan ng lahing
tao; kaya nga, “kay Adan lahat ay namatay” (1 Cor. 15:22). Tayo ay naging “napalayo
mula sa buhay ng Dios” (Eph.4:18). Habang tayo ay nananatiling “nakay Adan,” ang mga
limitasyon ng ating katauhan at umigsing buhay ay nagdulot ng hadlang sa pakiki-ugnay
sa Dios, siya na Walang hanggang Buhay.
May dalawang bagay na dapat makamit ng bawat tao kung mabubuhay siyang
kasama ng Dios magpakaylanman. Ang una ay PLUS-R, at ang sumunod ay buhay na
galing sa Dios – walang hanggang buhay. Bago natin maunawaan ang ganitong
kalagayan, kailangan muna tayong pumasok sa isang tamang kaugnayan sa Dios Ama sa
pamamagitan ni HesuCristo. Ang bagong kaugnayan natin ay sa pamamagitan ng
pansariling pananampalataya sa Kanya, at ito ang nagpapatibay sa bagong kalagayan:
“kay Cristo ang lahat ay nagkaroon ng buhay” (1Cor. 15:22b).
KALAGAYAN KAY CRISTO
Si Adan ang unang miyembro ng kanyang uri – Homo sapiens (Rom. 5:14). Si
HesuCristo ang HULING ADAN, ang ulo ng “bagong uri” – mga mananampalataya na
may kaugnayan sa Kanya: “Samakatuwid kung ang sinuman ay NAKAY CRISTO, siya
ay bago nang nilalang [uri]: ang lumang mga bagay ay nagsilipas na; narito, lahat nang
mga bagay ay pawang mga bago”(2Cor.5:17). “Lahat na mga bagay” ay hindi
nangangahulugang mga lumang ugali; ang masamang pag-uugali ay nanatili kasama ng
kasalanang likas. Ang mga ito ay mababali; ngunit ito ay isang kasaysayan na tinatalakay
sa aklat na, Lumang Kasalanang Likas vs. Banal na Ispiritu. Ang mananampalataya ay
isang bagong nilalang, hindi sanhi ng mga bagay na kanyang ginawa o mga bagay na
23
hindi ginawa, kundi dahil sa mga bagay na ginawa ng Dios sa kanya sa sandali ng
kaligtasan. Ang mga “lumang bagay” ay mga basura na naitapon at naiwan sa likod ng
Hadlang. Ang mga “bagong bagay” ay yaong mga kahanga-hangang bagay na natanggap
sa kabila ng Hadlang sa pamamagitan ng KALAGAYAN SA KATOTOHANANh.
Sa sandali na tayo ay nanampalataya sa Panginoong HesuCristo, ang Banal na
Ispiritu ay “nilalabit tayo sa batok” at inilalagay sa isang lugar ng pakikisama ni Cristo –
ang bautismo ng Ispiritu (1Cor. 12:13). Mula sa araw na yaon, tayo ay kasama na Niya.
Ang ating pisikal na pagsilang, na siyang kalagayan natin kay Adan, ay hindi na
suliranin, dahil sa kapanganakang muli, ang buhay ni Cristo ay naging ATING BUHAY!
Ang Cristiyanismo ay isang relasyon – HINDI relihiyoni. Ang ating bagong kalagayan
ang nagbibigay ng katiyakan ng walang hanggang kaugnayan kay HesuCristo.
At ito ang nakasulat, na binigyan tayo ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito
ay nasa kanyang Anak. Siya na pinanahanan ng Anak ay ay may buhay; ngunit siya na hindi
pinanahananng Anak ng Dios ay walang buhay (1 John 5:11, 12).
Sa ngayon ay gamay ka na sa mga bilog na nasa itaas at nasa ibaba. Maaaring
nasa loob ka o nasa labas ng ilalim na bilog, ayon sa ating pag-gamit ng 1 John 1:9.
Ngunit sa kabila ng maaari nating ginawa o hindi ginawa, hindi tayo maaaring maalis sa
itaas na bilog. Ang ating pakikiisa kay Cristo ay walang hanggan at nakasalalay lamang
sa kung sino at ano ang Dios at sa kanyang ginawa – hindi sa iyo o sa akin man. Sapagkat
ginawa na ng ating Panginoon ang lahat para sa atin, malaya Siyang imungkahi sa atin
ang buhay na bahagi ng karakter ng Dios – buhay na walang hanggan – buhay na
nagbigay sa atin ng kakayahan na makipagniig sa Dios ngayon sa kapanahunan at sa
darating na walang hanggan.
PAKIKIPAGKASUNDUAN
Sa pagkaalis ng huling tisa, wala na ngayong Hadlang sa pagitan ng tao at Dios!
Ang pag-aalis ng Hadlang ay tinatawag na PAKIKIPAGKASUNDUAN.j
Na sa panahong iyon na wala kayong Cristo, na isang dayuhan mula sa bansang Israel, at
malayo mula sa mga tipan ng pangako, mga walang pag-asa, at walang Dios dito sa sanlibutan:
Ngunit ngayong nakay CristoHesus kayo na noong una ay malayo ay pinaging malapit sa
pamamagitan ng dugo [kamatayang ispirituwal] ni Cristo. Sapagkat siya ang ating kapayapaan
[pakikipagkasundo], siya na ginawa ang magkapareho bilang isa, na giniba ang namamagitang
24
pader sa pagitan natin; Na pinawalang bisa sa kanyang katawan ang pag-aaway, kagaya ng mga batas
ng kautusan na nilalaman ng mga alituntunin; upang mapagsama sa kanyang sarili ang dalawa
bilang isang bagong tao, na gumawa ng kapayapaan; At upang maipagkasundo silang dalawa sa
Dios sa isang katawan sa pamamagitan ng krus, na dito naman ay giniba ang pagiging magkaaway (Eph.
2:12-16).
Ang Pakikipagkasundo ay ang bahaging pantao ng Krus. Ito ang kabuoang total
ng lahat na ginawa ni Cristo sa Krus sa pagaalis ng Hadlang. Ang Dios ay nalugod; ang
tao ay naipagkasundo! Hindi pumarito si HesuCristo upang manawagan ng kapayapaan
sa pagitan ng mga bansa; pumarito Siya upang magkaloob ng kapayapaan sa pagitan ng
Dios at sa atin na noong una ay Kanyang mga kaaway (Rom. 5:10). “Ang Dios ay nakay
Cristo na ipinagkakasundo ang sanlibutan sa kanya ...” (2 Cor. 5:19). Hindi ito
nangangahulugan na ang lahat ng tao ay ligtas na kundi LAHAT AY MAY PAGKAKATAON
NA NA MALIGTAS. Ang kasalanan ay hindi na pinag-uusapan – si Cristo ang! Na noong
una ay nakatayo ang Hadlang, si Cristo na ngayon ang nakatayo – ang tanging
Tagapamagitan sa gitna ng Dios at tao (1 Tim.2:5).
Ang Lakad sa Ibabaw ng Guhit
Ibinigay ni HesuCristo ang Kanyang sarili upang madala ka sa Dios. Samantalang
bago dumating ang Krus ang Punong Saserdote lamang ang makapapasok sa dako ng
Kabanal-banalan, ngayon ang daan ay nabuksan na minsan at para sa lahat tungo sa
kinalalagyan ng Dios. Sinabi ni Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay:
sinoman ay hindi makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko” (John 14:6). Ang
natitirang hadlang lamang ay ang iyong paniniwala patungkol sa Persona ni Cristo. Ano
ba ang gagawin mo sa Kanya? Ang lahat na kailangan mo ay lumakad sa ibabaw ng
guhit; Mananmpalataya ka sa Panginoong HesuCristo at ikaw ay maliligtas” (Acts
16:31). Sa mga salita ni Apostol Paul,
Ngayon nga tayo na mga sinugo para kay Cristo, at ang Dios ay tumatawag sa atin,
ipinanalangin namin kayo sa pangalan ni Cristo, makipagkasundo kayo sa Dios (2 Cor. 5:20).
hindi pumarito si HesuCristo upang palawigin ang kanyang paanyaya. Sa halip, sinabi
Niya sa Kanyang mga Salita, “Lumapit kayo sa akin, lahat kayo na napapagal at
nabibigatang lubha, at pagkakalooban ko kayo ng kapahingahan” (Matt. 11:28). “... siya
na lumalapit sa akin ay hindi ko itataboy” (John 6:37). Hindi lahat ay nakapagbabasa ng
Bibliya, kaya ang mga mananampalataya ay kailangang tumayo sa kalagayan ni Cristo
bilang Kanyang mga kinatawan na may salita ng pakikipagkasundo.
At lahat ng mga bagay ay sa Dios, na nakipagkasundo sa atin sa pamamagitan ni HesuCristo, na
ipinagkaloob sa atin ang katungkulan ng tagapag-kasundo (2 Cor. 5:18).
Ang Dios Ama ang nagplano ng pakikipagkasundo: ang Dios Anak ang
nagsakatuparan nito: Ang Dios Banal na Ispiritu ang nagpahayag nito. Tinatanggap
lamang ng tao ito.
25
Isang katunayan, na ang Dios ay nakay Cristo, ipinagkakasundo ang sanlibutan sa kanya, na
hindi ipinataw sa kanila ang kanilang mga pagsalansang; na ipinagkatiwala sa atin ang salita ng
pakikipagkasundo ( 2 Cor. 5:19).
Bakit hindi ibinilang ng Dios ang mga pagsalansang ng sanlibutan sa kanilang
pananagutan? Sapagkat binatang lahat ito ni Cristo sa Krus. Ang Kasalanan ay hindi na
pinag-uusapan: si Cristo lamang! Mailalagay ng tao ang mga gawa bilang sariling
hadlang. Sa bawat pagkakataon na subukan niyang gumawa upang makamit ang langit sa
pamamagitan ng mabubuting gawa, nagtatayo siya ng kanyang sariling hadlang.
Samakatuwid, katungkulan ng mga mananampalataya na ipaliwanag ang mga bagay na
ito.
Isang Layunin ng Buhay
Sa sandali na tumawid kayo sa guhit at nanampalataya kay Cristo, nagkaroon ka
ng bagong layunin sa buhay: mayroon kang mensahe, isang paglilingkod, isang
kalagayan – isang ambasador para kay Cristo. Anuman ang iyong hanapbuhay, anuman
ang iyong mga ginagawa o kalagayan sa buhay, ay naglilingkod ka bilang Kristiano sa
lahat nang sandali kapara ng mga pastor-titser. Totoo, ito’y isang piling kaloob; ngunit
ang bawat mananampalataya ay isang maharlikang saserdote kay Cristo!
Pinagkatiwalaan tayo ng Dios ng isang mensahe na kapaki-pakinabang na
ipahayag: nilutas na ni Cristo ang suliranin ng kasalanan (1 Cor. 15:3,4) at gumawa ng
kapayapaan sa pagitan ng tao at Dios.
At lumikha ng kapayapaan sa pamamagitan ng dugo sa kanyang krus [naka- lulugod na hain],
upang sa pamamagitan niya ay maipagkasundo ang lahat na bagay tungo sa kanya . . . At kayo, na
noong una ay mga dayuhan at kaaway sa kaisipan dahil sa masasamang gawa, ngunit ngayon kayo
ay naipagkasundo niya sa pamamagitan ng kamatayan [ispirituwal] ng katawan, upang iharap ka na
banal at walang kapintasan at hindi maaakusahan sa kanyang paningin (Col. 1:20-22).
Pananagutan natin sa sanlibutan na ihayag ang Mabuting Balita ng Kaligtasan (Rom.
1:14-16). Ipinahayag ni Paul, “Ako’y kahabag-habag [at dito ay kasama tayo] kung hindi
ko ipangangaral [ipahayag] ang gospel!” (1 Cor. 9:16). Ito ay ating pananagutan; ngunit
isang mas mahalaga, “ang pag-ibig ni Cristo ay nag-uudyok sa atin .
na sila [mga mananampalataya] na nangabubuhay ay hindi mangabuhay para sa sarili,
kundi para sa kanya na namatay para sa kanila at muling nabuhay” (2Cor. 5:14,15).
Habang natututunan mong mahalin si HesuCristo sa pamamagitan ng araw-araw na pag-
aaral ng doktrina, lalo kang nagkakaroon ng kakayahang mabuhay ng isang buhay na
lalugod-lugod sa Kanya.
Tandaan na hindi mo kayang mahalin si HesuCristo o mamuhay man para sa
Kanya kung walang Bible doctrine na nananahanan sa iyong kaluluwa; o maipaliwanag
man lang nang malinaw ang kaligtasan kung walang kaalaman sa doktrina. Ito ang
layunin ng aklat na ito – upang palinawin ang doktrina tungkol sa kaligtasan upang
maisagawa mo ng TUMPAK ang iyong pagiging kinatawan. Ang iyong una at
pangunahing layunin ay magaral ng Bible doctrine sa ilalim ng pagtuturo ng iyong
tamang pastor-titser at maabot ang paglago sa ispiritu (2 Pet. 3:18)! Sa ganito lamang
magagampanan mo ang iyong layunin na iniatang sa iyo ng Dios dito sa mundo!
26
ANG HADLANG
a BIYAYA : Lahat na ginawa ng Dios na malayang ipinagkakaloob sa tao base sa Krus. Ang katawagan
sa plano ng Dios para sa lahing tao. b TADHANA ng DIOS: Ang kabuoang total sa plano ng Dios Ama para sa lahi ng tao, ngunit patungkol
lamang sa mananampalataya (Psa. 148:6). Binalangkas noong nakalipas na walang hanggan
na ipinapagitna ang Persona ni HesuCristo bilang Tagapagligtas (Eph.1:4-6; 1 Pet. 1:20);
base sa panuntunan ng biyaya (Eph. 2:8,9). c LUMANG KASALANANG LIKAS: Ang lumang kasalanang likas ang pinagmumulan ng kasalanan,
kabutihan at kasamaan. Naapektuhan ang mga selula, nagsimula ito bilang resulta ng unang
kasalanan ni Adan, at nanahanan sa lahat ng selula ng katawan ng tao (Rom. 6:6, 7:5, 18).
Samantalang ang lalake at babae ay parehong nagtataglay nito, ang kasalanang likas ay nasa-
salin lamang sa 23 chromosomes sa sperma ng lalake lumalakip sa ovum ng babae (Gen. 5:3).
Sa pagsilang ng bawat tao, ang orihinal na kasalanan ni Adan ay ipinataw dito sa lumang
kasalanang likas (Rom. 5:12), na nagbunga ng parehong kamatayang ispirituwal at ang pang-
aalipin ng kasalanang likas sa buhay ng tao (Rom. 6:12). d KAMATAYANG ISPIRITUWAL : Ito ay tuwinang paghatol ng Dios. Para kay Cristo, nang dinala Niya
ang ating mga kasalanan doon sa Krus: “ang kabayaran [multa] ng kasalanan ay kamatayan
[ispirituwal]” (Rom. 6:23). Para sa lahi ng tao: pagkahiwalay sa Dios sa kapanahunan (nang
isilang ng ina]; kawalan ng kaugnayan sa Kanya (Eph. 2:1). e LEGALISMO: Bigong pagsisikap ng tao na makamit ang kaligtasan, pagiging ispirituwal o ang
Pagtanggap ng Dios sa pamamagitan ng kabutihan ng tao. f Appendix – Doktrina ng Pagpapataw at Pagpapawalang sala.
g Appendix- Doktrina ng Pagbibigay Kasiyahan
h Appendix – Doktrina ng Kalagayan sa Katotohanan
27
i RELIHIYON: Ang sistema na kung saan ay gumagawa ang tao sa sarili niyang kaparaana at mga
pagsisikap na makamit ang kaligtasan o ang pagtanggap ng Dios. Inilalagay ng Relihiyon
ang tao sa pang-aalipin ni Satanas, at samakatuwid ay ang pambato ng demonyop. j Appendix – Doktrina ng Pakikipagkasunduan
DOKTRINA NG PAGPAPATAW
1. Si Abraham ang huwaran ng pagpapataw ng katuwiran ng Dios (Gen. 15:6)
2. Ang katuwiran ng Dios ay ipinapataw lamang base sa pananampalataya kay
Cristo (Rom. 3:22).
3. Maraming Hentil sa panahon ng Lumang Tipan ang nakatagpo ng katuwiran ng
Dios sa paniniwala kay Cristo, samantalang napakaraming Hudyo, na nananganan
sa Kautusan ang hindi nakaranas ng pagpapataw (Rom. 9:30-33).
4. Ang pagpapataw ang basehan ng pagpapawalang sala (Rom. 4:22; 5:1).
5. Ang pagpapataw ay nagsusulong ng pananampalataya kay Cristo (Rom. 4:24, 25).
6. Ang pagpapataw ay isang gabay na magamit ang biyayang makinarya ng pagka-
intindi ( ang biyayang kaparaanan ng pagunawa at paggamit ng doktrina;
Phil. 3:8, 9).
7. Ang pagpapataw ay nakasalig sa gawa ni Cristo sa Krus (2 Cor. 5:21).
DOKTRINA NG PAG-PAPAWALANG SALA
1. Kahulugan: Ang pag-papawalang sala ay nangangahulugan ng “nahatulang
walang kasalanan”; samakatuwid, ito’y isang kapasiyahan ng hukoman ng Dios
na kung saan ay ipinataw Niya ang Kanyang katuwiran sa bagong mananam-
palataya sa sandali ng kaligtasan na nagpawalang sala sa kanya.
2. Ang kahulugan ay hinalaw mula sa tatlong salitang Griyego:
a. DIKAIOO: “ipawalang sala, ipahayag na matuwid.”
b. DIKAIOSOS: “pagpapawalang sala, pinaging matuwid.”
c. DIKAIOMA: “ipinahayag na walang kasalanan o pinatunayang matuwid.”
3. “Unang Bahagi” ang pagpapawalang sala o paghahayag na matuwid ay
nagaganap sa sandali ng pananampalataya kay Cristo (Rom. 3:28; 5:1; Gal. 3:24).
4. Ang Unang Bahagi ng pagpapawalang sala ay base sa prinsipyo ng doktrina ng
biyaya (Rom. 3:24; Tit. 3:7).
5. Samakatuwid, ang Unang Bahagi ng pagpapawalang sala ay hindi nangyayari sa
pagsunod sa Kautusan ni Moises (Rom. 3:20, 28; Gal. 2:16).
6. Ang kaparaanan ng Unang Bahagi ng pagpapawalang sala ay ang pagpapataw ng
Katuwiran ng Dios sa isang naniniwala kay Cristo (Gen. 15:6; Rom. 3:22; 4:4, 5,
11b; 9:30-32).
7. Ang gawain na pagpapawalang sala ay naisakatuparan ni Cristo doon sa Krus
(Rom. 5:8, 9).
8. Sapagkat ang gawa para sa ating pagpapawalang sala ay naisakatuparan doon sa
Krus, ang pagkabuhay muli ni Cristo ay naghambing sa ating pagpapawalang sala
sa tagumpay ng pagsakop (Rom. 4:25).
9. Ikalawang Bahagi (pamumuhay ng Kristiano) ang pagpapawalang sala o
kapahayagan na matuwid ay ang pamumuhay o pamumunga ng buhay na
super-grace (Jas. 2:21-25).
28
10. Ang kaparaanan ng Ikalawang Bahagi ng pagpapawalang sala o kapahayagan na
Matuwid ay ang pangaraw-araw na paggamit ng biyayang makinarya sa pagka-
intindi: ang katalinuhan ay ang pagkakaroon ng doktrinang nananahanan sa
Right lobe (Matt. 11:19; Luke 7:35).
DOKTRINA NG PAGBIBIGAY KASIYAHAN
1. Kahulugan: Ang kaligtasan sa bahagi ng Dios kung saan ang esensiya ng Dios
ay ginawang akma para sa kaligtasan ng tao sa pamamagitan ni HesuCristo.
a. Pagbibigay kasiyahan ay nangangahulugan ng “kaluguran.” Ang Dios Ama ay
nalugod sa gawa ng Dios Anak doon sa Krus. Siya ay nalugod sa Kanyang
Persona (impeccability ni Cristo) at sa Kanyang ginawa (tinanggap ni Cristo ang
hatol para sa ating mga kasalanan).
b. Salitang Griyego, HILASTERION, ay nangangahulugan “luklukan ng
kahabagan” (Rom. 3:25).
2. Ang Pagbibigay Kasiyahan ay itinuro sa Israel sa pamamagitan ng luklukan ng
Kahabagan (Ex. 25:17-22; 37:6-9).
3. Ang Pagbibigay Kasiyahan ay natatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya na ito
naman ang basehan ng pagpapataw ng katuwiran ng Dios (Rom.3:25, 26).
4. Ang Pagbibigay Kasiyahan ay kaugnay sa ginawa ngi Cristo sa Krus
(Lev. 16:13-16).
5. Ang luklukan ng kahabagan ay kumakatawan sa presensiya ng Dios (Ex. 25:22;
Lev. 16:2; Num. 7:89).
6. Ang Bagong Tipan ang nagpatunay sa kahalagahan ng luklukan ng kahabagan
(Heb. 9:5).
7. Ang Pagbibigay Kasiyahan ay kaugnay sa di-limitadong kapatawaran
(1 John 2:2).
8. Ang Pagbibigay Kasiyahan ay kaugnay sa anthropopathism na pag-ibig
(1 John 4:10).
9. Samakatuwid, ang Pagbibigay Kasiyahan ay ginagamit upang ipahayag ang
pagiging bida ni Cristo (Rom. 3:25).
DOKTRINA NG KALAGAYAN SA KATOTOHANAN
1. Kalagayan sa katotohanan ay isa sa limang paglilingkod ng Banal na Ispiritu na
nagaganap sa kaligtasan.
a. Muling pagsilang (John 3:1-16; Tit. 3:5).
b. Pagtatatak (2 Cor. 1:22; Eph. 1:13; 4:30).
c. Pananahanan (John 7:37-39; Rom. 8:9; 1 Cor. 6:19, 20; Gal. 3:2; 4:6).
d. Bawtismo (1 Cor. 12:13).
e. Mga kaloob ng Ispiritu (1 Cor. 12:11).
2. Ang bawtismo ng Ispiritu ang kaparaanan ng kalagayan sa katotohanan (Acts 1:5;
1 Cor. 12:13; Eph. 4:5). Inilalagay ng Banal na Ispiritu ang mananampalataya sa
pakikipag-ugnay kay Cristo.
3. Ang kalagayan sa katotohanan ay pag-aari ng karnal at mga ispirituwal na
mananampalataya; sa mga reversionist (taliwas na mananampalataya) gayon din
naman sa mga super-grace (malago) na mananampalataya (1 Cor. 1:2, 30).
29
4. Ang kalagayan sa katotohanan ay nagiingat sa mananampalataya mula sa hatol
ng Dios sa darating na walang hanggan (Rom. 8:1).
5. Ang kalagayan sa katotohanan ay nagbigay kakayahan sa mananampalataya na
mabuhay na kasama ng Dios magpakaylanman.
a. Buhay na walang hanggan (1 John 5:11, 12).
b. Pagpapataw ng Katuwiran ng Dios (2 Cor. 5:21).
6. Ang kalagayan sa katotohanan ang susi sa pagpili at pagtatalaga (Eph. 1:3-6).
7. Ang kalagayan sa katotohanan ang gumawa ng bagong nilalang (2 Cor. 5:17;
Eph. 2:10). Ayon sa kung sino at ano si Cristo; samakatuwid, kung ano ang
natapos ng biyaya – hindi sa kung ano ang ating binago nang tayo ay naligtas
at sa mga sumunod pa.
8. Ang kalagayan sa katotohanan ay nagpapatibay sa walang hanggang kaligtasan
ng mga mananampalataya (Rom. 8:38,39).
9. Ang kalagayan sa katotohanan ay ipinaliliwanag sa ilalim ng dalawang kategorya:
a. Sa nakalipas pa – ipinakilala na kasama ni Cristo sa Kanyang kamatayang
ispirituwal, na nagpahayag ng pagtanggi sa makataong kabutihan at kasamaan, at
ipinakilalang kasama ni Cristo sa Kanyang kamatayang pisikal at libing, na
ipinahiwatig ang pagkahiwalay mula sa makataong kabutihan at kasamaan (Rom.
6; Col. 2:12; 3:3).
b. Sa kasalukuyan – ipinakilala na kasama ni Cristo sa Kanyang tagumpay:
muling pagkabuhay, pag-akyat at pakikisama
10. Ang Pangkasalukuyang kalagayan sa katotohanan ay nangangahulugan na ang
mananampalataya ay kabahagi sa mga tiyak na bagay bunsod ng pakikisama ni Cristo:
a. Buhay na walang hanggan (1John 5:11, 12).
b. Katuwiran ng Dios (2 Cor. 5:21).
c. Pagpili (Eph. 1:4).
d. Kalalagyan (Eph. 1:5).
e. Pagiging anak (John 1:12; 1 John 3:1, 2).
f. Tagapagmana (Rom. 8:16, 17).
g. Pinaging banal (1 Cor. 1:2, 30).
h. Kaharian (2 Pet. 1:11).
i. Pagkasaserdote (Heb. 10:10-14).
11. Ang katunayan ng kalagayan sa katotohanan anim na beses ipinahayag:
a. Hindi ito karanasan – wala sa emosyon o pangangarap
b. Hindi ito lumalago; hindi mababago sa kapanahunan at sa hinaharap na walang
hanggan.
c. Hindi ito kaugnay sa karapatan ng tao, kakayahan o pantaong kabutihan. Ang
nakalipas ng kalagayan sa katotohanan ay nagpapatibay na walang puwang sa
Plano ng Dios ang pantaong kabutihan at kasamaan.
d. Ito ay nasa kalagayang walang hanggan; hindi ito mababago ng Dios, anghel o
tao man.
e. Nalalaman lamang ito sa pamamagitan ng Salita ng Dios.
f. Natatanggap ito nang lubusan sa sandali ng kaligtasan.
DOKTRINA NG PAKIKIPAGKASUNDUAN
1. Kahulugan: Ang pakikipagkasunduan ay ang pag-aalis ng Hadlang sa pagitan ng
30
Dios at tao, o kapayapaan sa pagitan ng Dios at tao. Samantaslang ang katubusan ay
tungo sa kasalanan at ang kasiyahan ay tungo sa dios, ang pakikipagkasundo ay tungo sa
tao (2 Cor. 5:18, Eph. 2:16; Col. 1:20, 21).
2. Ang pakikipagkasundo at ang dugo ni Cristo.
a. Ang dugo ni Cristo ay kahalintulad ng gawaing pagliligtas ni Cristo sa Krus at
ang basehan ng pakikipagkasundo (Col 1:20).
b. Kaya nga, ang gawa sa Krus ay kasama ng pakikipagkasundo (Eph. 2:16).
3. Pakikipagkasundo at lahi ng tao: sa ilalim gn kaisipan ng pakikipagkasundo, ang
lahi ng tao ay itinuturing na kaaway ng Dios (Rom.5:10; Col. 1:21).
4. Kapayapaan, isang kahalintulad ng pakikipagkasundo: ang pakikipagkasundo ay
naglagay sa tao bilang kaaway ng Dios, ngunit ang gawaing pagliligtas ni Cristo doon sa
Krus ay nagpahiwatig na nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Dios at tao (Eph. 2:14,
cf. 2:16, cf. Col. 1:20).
5. Ang pakikipagkasunduan ay isinalarawan sa alay Levitico; ang alay ukol sa
kapayapaan sa Leviticus 3 ay nagpapahayag sa Doktrina ng Pakikipagkasunduan o ang
pag-aalis ni Cristo sa Hadlang sa pagitan ng Dios at tao (Lev. 7:11-38; 8:15).
6. Ang gamit ng pakikipagkasundo sa Maharlikang Pamilya ng Dios: bawat kasapi
ng Maharlikang Pamilya (mananampalataya sa Kapanahunan ng Iglesia) ay isang
ambasador na kinakatawan si Cristo sa daigdig. Samakatuwid, bawat kasapi sa
Maharlikang Pamilya ay may ipaglilingkod na pakikipagkasundo (2 Cor. 5:18-20)
7. Ang propesiya ng pakikipagkasunduan (Isa. 57:19)
8. Ang mga kaparaanan ng pakikipagkasunduan: ang pag-aalis ng Hadlang.
a. KASALANAN tinanggal ng DI-LIMITADONG KAPATAWARAN
(2 Cor. 5:14, 15, 19; 1 Tim. 2:6; 4:10; Tit. 2:11; Heb. 2:9; 2 Pet.2;1; 1 John
2:2). KATUBUSAN (Gal. 3:13; Eph. 1:7; Col. 1:14; 1 Pet. 1:18, 19).
b. MULTA NG KASALANAN tinanggal ng KATUBUSAN (Psa. 22:1-6;
Col. 2:14).
c. Suliranin ng PISIKAL NA PAGSILANG tinanggal ng MULING
KAPANGANAKAN (John 3:1-18; Tit. 3:5; 1 Pet. 1:23).
d. HAMBING NA KATUWIRAN o makataong kabutihan tinanggal ng
PAGPAPATAW (Rom. 3:22; 9:30-10; 2 Cor. 5:21; Phil. 3:9; Heb. 10:14)
at PAGPAPAWALANG SALA (Rom. 4:1-5; 4:25; 5:1; 8:29, 30; Gal. 2:16; Tit. 3:7).
e. Ang hadlang na PERPEKTONG KARAKTER NG DIOS tinanggal ng
KASIYAHAN (Rom. 3:22-26; 1 John 2:1, 2).
f. Suliranin ng KALAGAYAN KAY ADAN tinanggal ng PINAGING
BANAL NA KALAGAYAN (1 Cor. 15:22; 2 Cor. 5:17; Eph. 1:3-6).
Translated January 9, 2007 by Blas A. Oblefias with permission.
This article is posted at: www.JRCBDM.com
Or click this link: http://blasoblefias.jrcbdm.com/index2.htm