2
ROOTS OF EQUALITY RESOURCES Kids Help Phone: http://www.kidshelpphone.ca Assaulted Women's Helpline: www.awhl.org Ontario Women’s Directorate: www.ontariowomensdirectorate.gov.on.ca Springtide Resources: www.springtideresources.org Elementary Teachers’ Federation of Ontario: www.etfo.ca 10 Mungkahi para sa mga Magulang ROOTS OF EQUALITY The Elementary Teachers’ Federation of Ontario (ETFO) undertook this project in partnership with Springtide Resources and the Ontario Women’s Directorate. Ontario, Ontario Women's Directorate KT:05/07:5M Funded by ETFO and the Government of TAGALOG

10 Mungkahi para sa mga Magulang ROOTS OF …...tatanggap ng paggalang, pagtitiwala at pakikipagkaibigan. Hindi kailanman magiging maaga. Simulan g turuan ang inyong mga anak tungkol

  • Upload
    others

  • View
    5

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 10 Mungkahi para sa mga Magulang ROOTS OF …...tatanggap ng paggalang, pagtitiwala at pakikipagkaibigan. Hindi kailanman magiging maaga. Simulan g turuan ang inyong mga anak tungkol

ROOTS OF EQUALITY RESOURCES

Kids Help Phone: http://www.kidshelpphone.ca

Assaulted Women's Helpline: www.awhl.org

Ontario Women’s Directorate: www.ontariowomensdirectorate.gov.on.ca

Springtide Resources: www.springtideresources.org

Elementary Teachers’ Federation of Ontario: www.etfo.ca

10 Mungkahi para sa mga Magulang

ROOTS OF EQUALITY The Elementary Teachers’

Federation of Ontario (ETFO)

undertook this project in

partnership with Springtide

Resources and the Ontario

Women’s Directorate.

Ontario, Ontario Women's Directorate

KT:05/07:5M

Funded by ETFO and the Government of

TAGALOG

Page 2: 10 Mungkahi para sa mga Magulang ROOTS OF …...tatanggap ng paggalang, pagtitiwala at pakikipagkaibigan. Hindi kailanman magiging maaga. Simulan g turuan ang inyong mga anak tungkol

Bilang magulang, atin ang pagkakataong maging pinakamalaking impluwensya sa buhay ng ating mga anak, maging anilang pinakang mahusay na guro at magandang halimbawa. Matutulungan natin silang magtaguyod ng maayos, at magandang pakikipag kaibigan at pakikipag kasintahan na walang karahasan o byolensya. Ang bawa’tisa sa atin ay may kayang gumawa ng mga bagay na makapagdadala ng pagbabagong pang habang buhay.

Para sa higit pang kaalaman tungkol sa maayos na relasyon at byolensya laban sa mga kababaihan, magtungo sa: www.springtideresources.org; www.ontariowomensdirectorate.gov.on.ca; atwww.equalityrules.ca .

Magkaroon ng kaalaman. Kausapin ang inyong mga anak tungkol sa kanilang mga relasyon. Alamin ang mga katangian ng maayos at pantay na relasyon. Maari ninyo silang maturuan na ang bawa’t isa ay may karapatang magkaroon ng maayos na relasyon kung saan ikaw ay makapagbibigay at tatanggap ng paggalang, pagtitiwala at pakikipagkaibigan.

Hindi kailanman magiging maaga. Simulang turuan ang inyong mga anak tungkol sa maayos na pakikipagrelasyon sa pinakamaagang panahon. Ipakita sa kanila na ang babae at lalaki ay magkasing halaga. Sabihin sa kanila na ang kalalakihan ay maaring maging maramdamin at ang kababaihan ay maaring maging independente o hindi umasa sa iba. Sa halip na mag-utos base sa kanilang kasarian, ibase sa kanilang gulang o maturity.

Gumawa ng pagkakataon. Lumikha ng ligtas at tapat na lugarpara ang inyong anak ay makapagsalita tungkol sa kanilang pakikipagkaibigan o pakikipagrelasyon. Magbigay ng panahon na makinig at sumagot sa kanilang mga tanong at maghandang magbigay ng opinyon. Ang iyong pagbibigay ng atensyon ay magsasabing sila’y mahalaga sa inyo. Talakayin ang mga isyu, sa halip na mangaral. Makinig ng mabuti at mahinahon at hayaang dumating sila sa sariling konklusyon, kahit na may gawin o sabihin silang hindi ninyo gusto. Pakita ninyong kayo ay naniniwala at nagtitiwala sa kanila.

Mas madalas ninyo silang kausapin Patuloy na makipag-usap. tungkol sa maayos at pantay na relasyon, mas magiging komportable silang makipag-usap sa atin. Kausapin sila tungkol sa nakikita sa TV, internet o sa mga sine. Maaring makakarinig sila ng hindi magandang bagay na magdadala sa kanila sa hindi maganda, hindi pantay at kung minsan at marahas na relasyon. Hingan sila ng halimbawa ng kanilang nakitang maayos at hindi maayos na relasyon.

Magkaron ng interes. Makinig sa kanilang musika. Panoorinkasama nila ang paborito nilang palabas sa TV. Tumingin sa mgawebsite at makipaglaro ng video games sa kanila. Alamin kung anong kanilang ginagamit sa internet (chat, e-mail, web, etc). Subukang makipag-internet kasama nila, gawing masaya at kapakipakinabang ang inyong panahong magkasama. Sabihan silang magsalita kapag may nakita sa internet na nakakatakot o nakagugulo sa kanila, kapag nakaramdam ng hindi maganda, pagkatakot o pakalito habang nasa internet. Sabihan silang maglagi sa bahay kasama ang mga kaibigan. Igalang ang kanilang mga kaibigan at kilalanin ang kanilang mga magulang.

Pakita sa kanila. Maging halimbawa sa inyong mga anak kung paano magkaroon ng maayos at pantay na relasyon. Kapag mayroon kayong hindi pagkakaintindihan, maayos ninyong pagusapan ng walang sigawan at paggamit ng masasakit na salita. Makinig kayong mabuti at magbigay galang kapag may problemang nilulutas kasama nila o ng inyong asawa. Susunod sila sa iyong pangunguna.

Mag-plano at mag-isip. Mahalagang malaman ng ating mga anak kung anong kanilang gagawin sa gitna ng mahihirap na sitwasyon bago ito mangyari. Turuan ninyo silang magkaroon ng tiwala sa sarili para sila ay mapakag desisyon ng hindi nai-impluwensya ng kanilang mga kaibigan. Paanong sasagot ang inyong anak kung turuan siya ng kanyang mga kaibigan na supilin at huwag igalang ang mga kababaihan? Anong gagawin ng inyong anak na babae kung pilitin siyang makipag-sex? Gumawa kayo ng iba’t-ibang sinaryo at pag-usapan kung ano ang dapat nilang gawin. Sila’y magkakaroon ng praktikal na kaalaman at magkakaroon ng tiwala sa sarili.

Magbigay Pansin. Abangan ang mga babala na ang inyong anak ay nasa isang relasyong hindi maayos. Alalahanin ninyong maaring makaranas ng abuso sa isang relasyon ang mga kabataan anu man ang kanilang pinanggalingan. Ang byolensya ay maaring dahilan sa kanilang kasarian, lahi, relihiyon, kultura, abilidad, kasariang sekswal, pinagmulang etniko, bansang pinanggalingan, o kabuhayan. Kung sila’y pinapayagang makipagtipanan o date, alamin kung sino ang kanilang katipanan o ka-date. Obserbahan o bigyang pansin ang pakikisalamuha ng inyong anak sa kanilang boyfriend o girlfriend. Magmasid at bantayan kung may pagseselos, pamimintas at pandodomina. May mga babaeng nade-depress at malungkutin, o nagiging balisa kapag nasa masamang relasyon. Maaring tigilan nila ang paggawa ng mga bagay na gusto nila. May mga lalaking madaling magalit, maginit ang ulo at nagiging sumpungin.

Alamin ang dapat gawin. Magtanong kung ano ang nararamdaman nila sa kanilang relasyon at makinig ng hindi nanghuhusga. Mag-ingat at iwasan ang pagpula sa kanyang kaibigan nang sa ganon ay hindi niya kailangang ipag tanggol ito. Paalam sa kanila na kayo ay handang tumulong sa kanila. Kung may hinala kayo na ang inyong anak ay nasa isang masamang relasyon, wag kayong matakot na kausapin sila tungkol rito. Sabihin kung anong inyong inaalaala. Kung hindi sila komportableng makipag-usap sa inyo, tulungan silang makakita ng ibang mapagkakatiwalaang may sapat na gulang. Bigyan sila ng iba’t ibang pamamaraan gaya ng kompidensyal na pagpapayo o counseling o ang Kid’s Help Phone: 1800-668-6868. Maari kayong tumawag sa Parent Help Line 1888-603-9100 para humingi ng tulong.