4
Gamitin ang mga sumusunod na mungkahi upang maitatag ang proyekto para sa kaligtasan sa trapiko sa inyong komunidad: - Laging kausapin ang samahan sa inyong komunidad tungkol sa pagsimula ng proyekto. Bakasakaling meron na silang mga boluntaryo at mga mapagkukunan ng mga pangangailangan upang makatulong. - Makipagkoordinasyon sa lokal na mga paaralan at mga grupo ng kabataan at isama ang maraming mga tao hangga't maaari. -Kapag nakapag-ugnayan ka na sa mga taong interesado, magsimulang magplano ng lupon. - Makipagugnayan sa tagapangasiwa ng Pangkomunidad na Libangan (Community Recreaon Coordinator) sa Lungsod ng Calgary. - Magsaliksik at humiling ng pahintulot na kailangan sa Lungsod ng Calgary. - Magsaya! Ang Pederasyon ng mga Komunidad ng Calgary Ph: (403) 244 4111 ext. 225 Fax: (403) 244 4129 Web: calgarycommunies.com E: [email protected] Federaon of Calgary Communies @FedYYC Photo Aribuons Page 1: Cauon Sign— Flickr User State Farm Centre Street Calgary– Flickr User Thank you for vising my page. Bicyclist– Flickr User John Luton Page 2 and 3: Paint the Pavement— Acadia Community and Garden Society Traffic Crossing Flags– Flickr User Bre VA Poster Party– Flickr User 41st Field Arllery Brigade Playground Zone—Flickr User JMacPherson Page 4 and 5: Shiſting gears– Flickr User State Farm Cars on Street– Flickr User Darryl Darwent Page 6 and 7: Pace Cars— Marda Loop Communies Associaon Mobility School Bus– Flickr User Woodleywonderworks Classroom– Flickr User New York City Department of Transportaon Mga kapaki-pakinabang na mga website at mga mapagkukunan : Ang Pederasyon ng mga Komunidad sa Calgary: Virtual Resource Centre calgarycommunities.com/our-services/building- safe-communities/tip-sheets-and-resources/ Lungsod ng Calgary 3-1-1 calgary.ca/311 Mga batas kaugnay sa mga tanda: http://www.calgary.ca/CSPS/ABS/Pages/Bylaws- by-topic/Signage.aspx Mga Daang Ligtas sa Alberta Plano para sa Kaligtasan sa Trapiko saferoads.com Kaligtasan sa Trapiko para sa mga Bata Paligsahan para sa Paggawa ng Poster tungkol sa Kaligtasan sa Trapiko www.tsk.capsc.ca Ang Teorya ng Hinihinalang Panganib Ang polyetong ito ay nag- aalok ng maraming paraan upang ang mga komunidad ay kayang harapin ang mga isyu tungkol sa ligtas na trapiko habang natawag ang pansin ng mga naninirahan at makabuo ng pagmamalaki sa komunidad gamit ang Teorya ng Hinihinalang Panganib. Inilalahad ng Teorya ng Hinihinalang Panganib na kung ang drayber ay may hinihinalang posibleng panganib, siya ay malabong magmaneho ng matulin o hindi maingat sa pagmaneho. Ito ay hindi nangangahulugan na lumilikha ng tunay na panganib sa mga drayber ngunit binabago nito ang tanawin o palibot ng daan upang mapanaling mapagmatyag ang mga drayber sa kanilang paligid. Ang pagbabago ng tanawin ay nagbibigay ng babala sa mga drayber na merong mga taong naglalakad at iba pang posibleng panganib upang sila ay kailangang mag-ingat. Ang pagmamaneho ng matulin sa mga lugar kung saan may mga paaralan, pagsisikip ng trapiko, mga sasakyan na nakakaligtaang tumigil sa mga lugar na may hudyat ng paghinto (stop sign), at mga panganib sa kaligtasan ng mga taong nagla- lakad ay natukoy ng mga komunidad sa buong Calgary na ito ang mga problema sa trapiko na kailangan harapin. Tingnan ng masinsinan ang polyetong ito para sa mga ideya sa paglutas ng mga problema sa trapiko sa inyong komunidad.

Mga kapaki-pakinabang na mga website at mga mapagkukunan :

  • Upload
    dothuy

  • View
    347

  • Download
    16

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga kapaki-pakinabang na mga website at mga mapagkukunan :

Gamitin ang mga sumusunod na mungkahi

upang maitatag ang proyekto para sa

kaligtasan sa trapiko sa inyong komunidad:

- Laging kausapin ang samahan sa inyong komunidad tungkol sa pagsimula ng proyekto. Bakasakaling meron na silang mga boluntaryo at mga mapagkukunan ng mga pangangailangan upang makatulong.

- Makipagkoordinasyon sa lokal na mga paaralan at mga grupo ng kabataan at isama ang maraming mga tao hangga't maaari.

-Kapag nakapag-ugnayan ka na sa mga taong interesado, magsimulang magplano ng lupon.

- Makipagugnayan sa tagapangasiwa ng Pangkomunidad na Libangan (Community Recreation Coordinator) sa Lungsod ng Calgary.

- Magsaliksik at humiling ng pahintulot na kailangan sa Lungsod ng Calgary.

- Magsaya!

Ang Pederasyon ng mga Komunidad ng Calgary

Ph: (403) 244 4111 ext. 225 Fax: (403) 244 4129 Web: calgarycommunities.com E: [email protected]

Federation of Calgary Communities @FedYYC

Photo Attributions

Page 1: Caution Sign— Flickr User State Farm Centre Street Calgary– Flickr User Thank you for visiting my page. Bicyclist– Flickr User John Luton

Page 2 and 3: Paint the Pavement— Acadia Community and Garden Society Traffic Crossing Flags– Flickr User Brett VA Poster Party– Flickr User 41st Field Artillery Brigade Playground Zone—Flickr User JMacPherson Page 4 and 5: Shifting gears– Flickr User State Farm Cars on Street– Flickr User Darryl Darwent

Page 6 and 7: Pace Cars— Marda Loop Communities Association Mobility School Bus– Flickr User Woodleywonderworks Classroom– Flickr User New York City Department of Transportation

Mga kapaki-pakinabang na mga website at mga mapagkukunan :

Ang Pederasyon ng mga Komunidad sa Calgary:

Virtual Resource Centre calgarycommunities.com/our-services/building-

safe-communities/tip-sheets-and-resources/

Lungsod ng Calgary 3-1-1

calgary.ca/311

Mga batas kaugnay sa mga tanda:

http://www.calgary.ca/CSPS/ABS/Pages/Bylaws-

by-topic/Signage.aspx

Mga Daang Ligtas sa Alberta

Plano para sa Kaligtasan sa Trapiko

saferoads.com

Kaligtasan sa Trapiko para sa mga Bata Paligsahan para sa Paggawa ng Poster tungkol sa Kaligtasan sa Trapiko www.tsk.capsc.ca

Ang Teorya ng

Hinihinalang Panganib

Ang polyetong ito ay nag-aalok ng maraming paraan upang ang mga komunidad ay kayang harapin ang mga isyu tungkol sa ligtas na trapiko habang tinatawag ang pansin ng mga naninirahan at makabuo ng pagmamalaki sa komunidad gamit ang Teorya ng Hinihinalang Panganib.

Inilalahad ng Teorya ng Hinihinalang Panganib na kung ang drayber ay may hinihinalang posibleng panganib, siya ay malabong magmaneho ng matulin o hindi maingat sa pagmaneho. Ito ay hindi nangangahulugan na lumilikha ng tunay na panganib sa mga drayber ngunit binabago nito ang tanawin o palibot ng daan upang mapanatiling mapagmatyag ang mga drayber sa kanilang paligid. Ang pagbabago ng tanawin ay nagbibigay ng babala sa mga drayber na merong mga taong naglalakad at iba pang posibleng panganib upang sila ay kailangang mag-ingat.

Ang pagmamaneho ng matulin sa mga lugar kung saan may mga paaralan, pagsisikip ng trapiko,

mga sasakyan na nakakaligtaang tumigil sa mga lugar na may hudyat ng paghinto (stop sign), at

mga panganib sa kaligtasan ng mga taong nagla-lakad ay natukoy ng mga komunidad sa buong Calgary na ito ang mga problema sa trapiko na kailangan harapin. Tingnan ng masinsinan ang polyetong ito para sa mga ideya sa paglutas ng mga problema sa trapiko sa inyong komunidad.

Page 2: Mga kapaki-pakinabang na mga website at mga mapagkukunan :

Ang mga sumusunod ay ilang mga malikhaing paraan para sa inyong komunidad upang hulihin ang mga mabibilis magmaneho at himukin ang ligtas na kasanayan sa pagmamaneho na hindi magdudulot sa malawakang pagbabago sa imprastraktura. Ang mga proyektong ito ay nagbibigay ng babala sa mga drayber ng komunidad na ito ay aktibo at dapat nilang asahan na maraming mga taong naglalakad dito. Siyasatin ang mga proyektong pang sining ng komunidad na nalikha upang bagalan ang pagmamaneho.

Mga Pangkomunidad na Tanda sa Pasukan ng

Ramsay

Ang proyektong ito ay nag-umpisa bilang isang pagkukusa sa trapiko upang mabawasan ang bigat ng trapikong dumdaloy sa Ramsay bilang alternatibong ruta. Sa pamamagitan ng pagdiwang sa pasukan ng komunidad, ang mga drayber ay higit na magkakaroon ng kamalayan sa mga taong naglalakad, at mga madadaanang mga paaralan at mga palaruan. Sa karagdagan, ito ay pinakamainan na paraan upang ipakita ang kanilang pagmamalaki.

‘Pinturahan ang Daan’ sa Montgomery at

Acadia

Ang mga proyektong ito ay pinangunahan ng Montgomery’s Community Pride at Revitalization Committee at ang Komunidad ng Acadia at Garden Society upang bagalan ang pagmamaneho ng mga drayber sa kanilang kapitbahayan at tumawag ng pansin sa mga positibong katangian ng komunidad kagaya ng hardin sa paaralan o komunidad. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng nakikitang imahe sa daan, ang mga drayber ay likas na babagalan nila ang pagmamaneho at malabong malalakaran ito ng mga tao. Ang proyektong ito ay haharap sa napakaraming isyu sa trapiko habang ginagawang maaliwalas at natatangi ng inyong komunidad.

Mga Sona para sa

"Hug ‘N’ Go"

Bago at pagkatapos ng oras ng paaralan, ang paninikip ng trapiko ay isang isyu sa maraming komunidad. Isang paraan kung paano hinaharap ng Huntington Hills ang problemang ito ay ang pagbuo ng sona para sa "Hug n Go". Ito ay mga lugar na natukoy ng mga paaralan para sa mga magulang na magparada ng isang minuto habang binababa ang mga estudyante sa paaralan. Ang mga sona para sa "Hug n Go" ay nagbibigay ng ligtas na lugar para sa mga magulang upang huminto ng sapat upang matulungan ang mga bata sa paglabas sa saksayan, at pagkatapos nito ay agad na magmaneho paalis upang hindi sagabal sa mga susunod na saksakyan ng ibang mga magulang. Sinumang mga magulang na ayaw sumali sa "Hug n Go" na programa ay pwedeng sabihang pumarada sa ibang lugar upang mapanatiling maayos ang trapiko. Upang matagumpay ang diskarteng ito, ang pakikipagtulungan sa mga paaralan at organisasyon sa komunidad ang susi. Ipunin ang ilang interesadong mga magulang at miyembro ng komunidad upang kausapin ang paaralan tungkol sa potensyal na pagsimula ng sona para sa "Hug n Go" sa inyong komunidad!

Page 3: Mga kapaki-pakinabang na mga website at mga mapagkukunan :

Ang mga Pace Car sa Marda Loop

Ang Pace Car ay gumaganang parang isang kumikilos na sasakyan na nagpapabagal sa takbo ng mga ibang sasakyan (mobile speed bump), at tumatakbo ito sa mas mababa sa limitasyon ng tulin ng sasakyan upang itakda ang tulin ng ibang sasakyan para sa trapiko. Ang Samahan ng mga Komunidad sa Marda Loop (Marda Loop Communities Association -MLCA) ay nag-umpisa ng sarili nilang programa sa Pace Car sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga magneto ng Pace Car at hinihiling na kumuha ng ‘Pace Car Pledge' ang mga motorista. Sa pamamagitan nito, ang MLCA ay hinihimok ang ligtas na pagmamaneho.

Ang ‘Pace Car Pledge’ ay isang paraan upang manatiling ligtas ang mga daan. Gumawa ng inyong sariling pang komunidad na Pace Car Pledge o gamitin ang mga sumusunod na ehemplo.

Ako ay nanunumpa na: Gawing ligtas ang mga kapitbahayan para sa lahat, kasama na ang mga bata, mga alaga, mga nagbibisiketa at mga taong naglalakad.

Ipakita sa mga tao sa likod ko at magsilbing halimbawa para sa mga motorista na nasa tabi ko sa pamamagitan ng pagmamaneho ng li-mang kilometrong (5km) mas mababa sa limita-syon ng tulin lalo na sa paaralan.

Maging magalang sa mga ibang gumagamit ng

kalsada.

Sundin ang Batas ng Alberta sa ‘Distracted

Driving’.

Tumigil upang makatawid ang mga taong nagla-

lakad.

Magmaneho ng ligtas sa aking komunidad at sa

komunidad na binibisita ko sa lahat ng oras.

Ipakita ang aking sticker o tanda sa aking sasa-kyan upang ipalaganap ang pagmamaneho ng ligtas para sa ibang motorista.

Limitahan ang paggamit ng sarili kong sasakyan upang mapanatiling mas konti ang mga sasa-kyan nasa daan kung ito ay posible.

Unawain na meron akong pagpipigil sa aking mga kilos; hindi ako responsable sa pagpupulis sa iba sa aking komunidad.

Sabihin ang Pace Car Pledge!

Mga Poster para sa Kaligtasan sa Trapiko at Salu-salo

Imbitahin ang mga pamilya at mga kabataan upang makalikha ng mga poster para sa ligtas na trapiko sa isang pagtitipon sa paggawa ng poster. Ang mga poster ay pwedeng ipaskil sa palibot ng komunidad upang makapukaw ng kamalayan sa mga isyu ng kaligtasan sa trapiko. Pwedeng himukin ang mga taga gawa ng poster mula sa salu-salo upang sumali sa isang malawakang pang-lungsod na paligsahan sa paggawa ng Poster tungkol sa Trapiko (www.tsk.capsc.ca). Pagkatapos ng salu-salo, magplano ng isang paglilibot upang ipaskil ang mga poster sa palibot ng komunidad. Isaalang-alang ang pagsali ng isang lokal na pulis o tagapagsalita upang magsalita sa mga bata at mga pamilya tungkol sa kaligtasan sa trapiko. Siyasatin din ang mga Batas ng Calgary sa mga Hayop at mga Serbisyo para sa mga lokasyon ng mga palatandaan. Ang kaganapang ito ay mababa ang halaga, masaya para sa mga pamilya at nagdadala ng kamalayan tungkol sa kaligtasan sa trapiko.

Bandila sa Tawiran

May mga sangangdaan ba sa inyong komunidad na kilalang-kilala ng mga drayber na hindi tumitigil sa mga taong naglalakad? Kung meron, isaalang-alang ang pag-umpisa ng Programa para sa Pan-trapikong Bandila sa Tawiran (Traffic Crossing Flag Program). Kumuha ng grupo ng mga boluntaryo na maluwag sa kanilang kalooban na subaybayan ang mga Pantrapikong Bandila sa Tawiran. Ang susunod na trabaho ay mangolekta ng dalawang timba, isa para sa kabila ng kalsada, na may bandilang matingkad ang kulay at may taas na lima hanggang anim na talampakan. Kapag tuma-tawid ang mga taong naglalakad, pwede nilang buhatin ang mga makitang bandila upang makita ng mga sasakyan. Kapag naiayos na ang mga estasyon, ang mga boluntaryo ay ilalagay ang mga timba sa tawiran sa parehong oras na gumagana ang oras ng palaruan.

Ang pakakaroon ng kapansin-pansin na mga palatandaan

sa kaligatasan sa trapiko ay magpapa-alala sa mga motorista na

bagalan ang pagmamaneho at tingnan ang mga taong naglalakad.

Laging baguhin ang mga palatandaan upang patuloy na pumukaw sa interes

Page 4: Mga kapaki-pakinabang na mga website at mga mapagkukunan :

Ang pananatiling edukado at alam ang mga karaniwang isyu sa trapiko ay isa sa mga pinakamadaling paraaan upang maiwasan ang mga isyu sa trapiko sa inyong komunidad. Ang Daang Ligtas sa Alberta (Saferoad Alberta ) ay tumutukoy sa mga paksa tungkol sa ligtas na trapiko upang ipalaganap ito bawat buwan. Isaalang-alang ang paglagay ng mga artikulo sa pangpahayang kasulatan ng samahan ng inyong komunidad para sa buwanang paksa o lumikha ng isang Edukasyon para sa Kaligtasan sa Trapiko (Traffic Safety Education) sa gabi ng bawat buwan upang manatili ang inyong komunidad na matuto sa mga isyu ng trapiko.

Ehemplo ng Artikulo sa Pangpahayagang Kasulatan

Ang paksa para sa kaligtasan sa trapiko ay Bilis (Speed)! Karamihang mga motorista sa Canada ay tinatanggap na mabilis silang magpatakbo paminsan-minsa at marami ang naniniwala na ang pagpapatakbo ng mabilis ay hindi ito sanhi ng aksidente. Ngunit, kapag mas mabilis ang takbo mo, mas mahaba ang oras na kailanganin upang huminto. Ang bilis ay nagdadagdag ng probabilidad at grabe ng aksidente sa sasakyan. Ang mga eksperto ay nakita na ang bilis ay isang dahilan ng halos ikatlo sa nakamamatay na aksidente at labingdalawang porsyento ay aksidente sa kotse. Sa mga kabahayan at sa mga pangunahing mga kalsada (highways), ang bilis ay malaking sanhi ng aksidente sa kotse na nagdudulot sa kamatayan. Ayon sa website ng Alberta Transportation, ang probabilidad ng kamatayan sa aksidente ng isang taong naglalakad kung saan ang mga sasakyan ay mabilis ay:

dalawampung porsyento (20%) ay nagmamaneho ng may bilis na apatnapung kilometro kada oras (40km/)-ang motorista ay mabilis na nagmamaneho sa palaruan at paaralan

walumpung porsyento (80%) ay nagmamaneho ng animnapung

kilometro kada oras (60km/h)-ang motorista ay mabilis na nagmamaneho sa kabahayan

Halos isang daang porsyento (100%) ay nagmamaneho ng may

bilis na walumpung kilometro bawat oras (80km/h)-ang motorista nay mabilis na nagmamaneho sa mga pangunahing daan ng mga mananakay

Ang mga numero ay mas malala sa mga bata na nabangga ng mga sasakyan. Habang ang tulin ay hindi sanhi ng halos lahat ng aksidente, ito ay isang sanhi ng mga aksidente na merong mas maraming kapinsalaan. Gawin ang inyong bahagi sa pagpanatili ng kaligatasan sa mga lansangan sa inyong komunidad sa pamamagitan ng pagmamaneho ng mas mababa ng konti sa limitasyon ng tulin lalo na sa mga lugar kung saan may mga taong naglalakad. Tingnan ang saferoads.com para sa karagdagng impormasyon!

Ang pananatiling edukado at alam ang mga karaniwang isyu sa trapiko ay isa sa mga pinakamadaling paraaan upang maiwasan ang mga isyu sa trapiko sa inyong komunidad. Ang Daang Ligtas sa Alberta (Saferoad Alberta ) ay tumutukoy sa mga paksa tungkol sa ligtas na trapiko upang ipalaganap ito bawat buwan. Isaalang-alang ang paglagay ng mga artikulo sa pangpahayang kasulatan ng samahan ng inyong komunidad para sa buwanang paksa o lumikha ng isang Edukasyon para sa Kaligtasan sa Trapiko (Traffic Safety Education) sa gabi ng bawat buwan upang manatili ang inyong komunidad na matuto sa mga isyu ng trapiko.

Kalendaryo para sa Pagtaguyod ng Kaligtasan sa Trapiko sa Alberta

Bawat buwan , ang Daang Ligtas ng Alberta (Saferoads Alberta) ay ipinapalaganap ang iba't ibang paksa sa kaligtasan. Enero-Kaligatasan sa Tawiran Pebrero-Nagambalang Pagmamaneho (Distracted Driving) Marso-Pagpigil sa mga Naka-okupa (Occupant Restraint) Abril-Tulin Mayo-Mga Batang Motorista Hunyo-Kaligtasan ng mga Nakasakay Hulyo-Kaligatasan sa Motorsiklo Agosto-Walang kakayahang magmaneho ng ligtas (Impaired Driving) Setyembre– Balik-Eskwela Oktubre- Pagpigil sa mga Naka-okupa Nobyember-Kaligtasan ng mga Taong Naglalakad Disyembre-Walang kakayahang magmaneho ng ligtas

Tingnan ang saferoads.com para sa karagdagng impormasyon!