Pang uring panlarawan

Preview:

Citation preview

Ano ang gusto mo sa isang

tao?

Gusto ko mabait, mapagmahal, at maunawain.

E, ano naman ang ayaw mo?

Siyempre, ayaw ko ng salbahe, makasarili, at palaaway.

Anong mga salita ang ginamit sa usapan?

mabait

mapagmahal

maunawain

salbahe

makasarili

palaaway

Pang- uring Panlarawan

Ang mga pang- uri ay mga salitang naglalarawan ng isang bagay, tao, lugar, o pangyayari.Pang- uring panlarawan ay tumutukoy sa kulay, hugis, katangian o pisikal na kaanyuan.Halimbawa:

Ang rosas ay kulay pula.

Bilog ang bola ni Jose.

Maganda at matapang si Elsa.

Ilan sa mga salitang naglalarawan o pang- uri:

Puti mataas malinis siraPayat maganda tuyo butasBilog mabuti singkit pahaba

Ilarawan ang mga sumusunod na larawan gamit ang angkop na pang- uri.

Si Inay ay larawan ng isang babaeng Pilipina. Siya ay may mahaba at maitim na buhok. Bilog ang kaniyang maningning na mga mata bagama’t hindi katangusan ang kaniyang ilong. Siya ay may mapupula at maninipis na labi. May pantay at puting- puting mga ngipin. Bagama’t medyo maliit siya, balingkinitan ang kaniyang katawan. Kulay morena ang kutis niya. Larawan siya ng isang tunay na Pilipina.

Siya ay may mahaba at maitim na buhok. Bilog ang kaniyang maningning na mga mata

bagama’t hindi katangusan ang kaniyang ilong. Siya ay may mapupula at maninipis na labi. May pantay at puting- puting mga ngipin.

Bagama’t medyo maliit siya, balingkinitan ang kaniyang katawan.

Kulay morena ang kutis niya.

Gumawa ng talata na may paksang: “Ang Aking Idolo”. Gumamit ng mga pang- uring panlarawan.

Subukan mo!

Takdang- aralin:Punan ng angkop na pang- uring naglalarawan ang bawat tugma. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.Tutubi, tutubi, huwag magpahuli Sa batang ______________________.2. Ang sabi ng maya sa puno ng akasya, Maraming kaibigan ang batang _________________.3. Ako’y si Palaka, Anak ni Kondeng _________________. Sa batang _____________ Ako’y natutuwa.

4. Ako’y si Bubuyog,Anak ni Kondeng ________________;Ang batang __________________Aking iniirog.

5. Putak, putakBatang ____________________;Matapang ka’tNasa pugad.