38
Sumisibol na Gramatika sa Filipino: Ilang Obserbasyon sa mga Bagong Kalakaran/Pagbabago sa Wika ni Aurora E. Batnag, Ph.D.

Sumisibol na gramatika sa Filipino

Embed Size (px)

Citation preview

Sumisibol na Gramatika sa

Filipino: Ilang Obserbasyon sa mga

Bagong Kalakaran/Pagbabago sa

Wikani Aurora E. Batnag, Ph.D.

Ipindot mo, Ihinto ko.Anong ginagawa mo rito? Sagot: Dito

kaya ako nakatira.Masaya ako, kasi kikitain ko na bukas

ang matagal ko nang ka-chatIpinatawag siya ni Senate Finance

Committee Chair Juan Ponce Enrile. Noon kasi, although kilala na siya, hindi

raw siya tinitilian. So nagsikap siya para mas sumikat pa.

Matatalino ang mga students ko ngayon.

Ang mga pangungusap na nakita nyo sa taas ay ilan lamang sa mga pahayag na karaniwang naririnig ngayon. Kung ikaw gramaryan, isasama mo na ba sa iyong paglalarawan ng wikang Filipino ang mga pangungusap na ito?

May mga nagsasabing may nabubuo nang mga pagbabago sa gramatika, na hindi pa naitatala sa mga aklat ng gramatika, o hindi pa napag-uukulan ng pagsusuri. Tinawag itong emerging gramar ng ilan, na maaaring tumbasan sa Filipino ng “sumisibol na gramatika.” May nagtanong: hindi ba sumusupling? Mas malaki ang supling kaysa sibol. Kung baga sa tao, ang sibol ay nasa sinapupunan pa, pinalalaki pa bago ilabas. Samantala, ang supling ay naianak na. Ang sumisibol na gramatika ay nasa sinapupunan pa, bago pa lamang nabubuo. Kaya nga may sub-title ang papel na ito: ilang Obserbasyon sa mga kalakaran/mga pagbabago sa wika.

Ang sumisibol na gramatika

Pumasok na kaya ang ponemang F at V kahit lamang sa mga pantanging ngalan? Batay sa pakikinig sa mga balita at usapan sa radyo at telebisyon, at sa pakikinig sa mga usapan ng mga tao sa paligid, lumalabas na ang mga Pilipino ay hindi conscious sa pagbigkas ng nasabing mga ponema kahit sa mga pangalan.

Narito ang ilang piling salita at kung ano ang obserbasyon kung paano binigkas ang mga ito.Pangalang pantangi

Vic Lima - Bik LimaTed Failon - Ted PaylonRicky Velasco - Riki Belasco

Ilang Obserbasyon sa mga bagong kalakaran/pagbabago sa wika

Vietnam - ByetnamRodolfo - RodolpoVicente - BisenteQuezonBlvd. - BolebardDave - DeybBayani Fernando - Bayani PernandoSamakatuwid, kung minsan ay binibigkas ang F

at V sa mga pantanging ngalan ngunit kadalasan ay hindi.

Pangalang pambalanaHousing Fair`- hawsing peyrchief of police - tsip op polisseven - sebenFour - por

Batay sa mga nakalap na datos, hindi pa conscious ang mga Pilipino sa pagpapatunog ng F. kung sakali man, hindi labio-dental ang F na nabubuo kundi bilabial.

Lumabas noong 1972 ang Tagalog Reference Grammar nina Schachter at Otanes. Sa nasabing libro, ang F ay nakakulong sa paretheses dahil marginalized pa lamang, ayon sa mga sumulat ng aklat.

Ang “pilipit” na R. may ilang kabataang tagapagbalita sa radyo at TV na kapansin-pansing naiiba ang pagbigkas ng R? medyo nakakiling.

Lawakan ang pagmamasid at pakikinig at mapapansin ang dumadaming kabataan na ganito kung bumigkas ng R. ito kayay isang fad, o kaya namay isang kaartehan?

Noong panahon ng panunungkulan ni Lito Atienza ng Maynila, makikita sa lahat ng sulok ng lungsod ang ganito: Maynila: Atin siya. Pansinin kung paano ginamit ang panghalip na panao na siya, ginamit sa pagtukoy sa isang lugar.Iba pang mga halimbawa:

“Masarap siya.”(Mula ito sa sa isang TV komersiyal tungkol sa pamahid sa tinapay)“akala nami’y matibay ang pader, pero sa biglang buhos ng ulan ay agad siyang bumigay.(ito ang sinabi ng isa sa mga nabiktima nang gumuho ang isang mataas na pader at matabunan ang ilang bahay ng iskwater)

Kontrobersiya

“Bago mo siya pindutin, tiyakin mo munang nakasaksak na ang computer”(ito ang turo ng guro sa kanyang estudyante sa computer.)

Ayon sa Balarila ng Wikang Pambansa (1939) ni Lope K. Santos, ang salitang siya ay isahang panghalip panao sa pangatlong panauhan. Katumbas ito ng Ingles na he,she. Ito ang gamit ng siya na alam ng lahat, maging guro o estudyante ng wikang Filipino.

Ngunit sa isang seminar sa isang prestihiyosong Unibersidad sa Maynila, isang propesora ng Filipino ang ang paulit-ulit at konsistent na gumamit ng panghalip na siya para tukuyin, hindi lamang mga tao, kundi pati mga bagay na tulad ng libro, letra, problema sa ispeling atbp.“Panahon na para baguhin ang dating tuntunin sa pagbabaybay; iangkop natin siya sa ating mga tao, kundi pati mga pangangailangan sa ngayon.”

Ngunit, hindi lamang bilang panghalip panao ang gamit ng salitang siya. Maaaring hindi na napapansin ng marami sa atin na ang salitang ito ay gamit sa pagbubuo ng ilang salita.

Ano ang pasiya mo?Masiyahan kaya ang mga bisita natin sa ating handa?0, kasiya ba sa iyo ang damit?Siyanga? Baka naman binobola mo lang ako.Siya nawa.

Mahalaga sa kulturang Pilipino ang pangatlong panauhan, ang siya, gaya ng ipinapakita ng mga halimbawa sa itaas. Ang pasiya ay desisyon o hatol. Kapag nasiyahan, maligaya o kontento. Kung kasiya ang isang bagay, ito’y kasukat o sapat batay sa pamantayan ng siya. Ang siyanga ay katumbas ng “Oo nga, tlaga.” ang huli, siya nawa, ay “amen, mangyari sana.”

Tlagang palasak na ngayon ang ang siya sa pagtukoy sa mga bagay na hindi tao. Bata’t matanda, propesyonal o manggagawa, ginagamit ito. “Tawag ako nang tawag sa iyo kanina pa, ring lang siya ng ring pero walang sumasagot.”“Tinakpan ko na nga siya pero nabungkal parin ng pusa.”

Isang kilalang awtoridad sa gramatika ang nagsabing mismong siya ay gumagamit ng salitang siya para tukuyin hindi lamang mga tao kundi pati mga bagay. Talagang uso na. Marahil, ito ay dahil ginagawang malinaw o explicit ang pagtukoy sa isang bagay na implicit o nauunawaan.

Sadyang patuloy ang na nagbabago ang isang wikang buhay. Ang mali ngayon ay maaaring maging katanggap-tanggap bukas. Kaya walang dapat ikatakot ang mga bantay ng wika. Kailangang maging bukas ang isip natin sa pagbabago.Sabi ni Lope K. Santos, ang “bibig ng bayan” ang may panghuling pasiya,

Matagal nang pinagtatalunan kung alin ang dapat ulitin – ang salitang ugat ba o ang panlapi? Nilutas ang problema noong 1987 sa tuntunin sa bagong alpabeto at tuntunin sa pagbabaybay na ipinalabas ng noo’y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (KWF) sa pamamagitan ng noo’y DECS, nilutas ang problema sa pamamagitan ng pagtanggap sa dalawang anyo: kapawa tama ang nakakahiya at ang nakahihiya. Ngunit hindi ipinaliwanag kung bakit kapwa tama ang dalawang anyo.

Ayon sa tuntunin sa mga aklat sa gramatika, sa pagbabanghay ng pandiwa, inuulit ang unang pantig ng salitang ugat. Upang ipakitang mali ang tuntunin, ibinibigay na halimbawa ang nagpaplantsa. Ang unang pantig ay plan, kung gayon, magiging nagplanplantsa – na wala namang gumagamit. Iniwasto ito sa kalaunan: ang inuulit ay unang katinig at unang patinig ng salitang ugat.

Nakakahiya o nakahihiya?

Balikan natin ang nakakahiya/nakahihiyaSalitang ugat : hiyaWord base : kahiyaPanlapi : ma-

Sa ganitong pagsusuri, ano ang inuulit? Di ba hindi ang salitang ugat kundi ang unang katinig at unang patinig (ung K at unang P) ng base (tinatawag ding word stem), hindi salitang ugat.Itinuro noon sa mga lumang aklat ng balarila na ang mga panlapi ay ma-, mag-, maka-,maki-, makapag-, at iba pa. sa makabagong pananaw hinahati-hati ang mga ito: ma-+ ka-+ pag-+ at ang pinakahuling pantig lamang ang itinuturing na panalaping makadiwa.

Kapag ganito ang pagsusuri, mas magiging malawak ang saklaw ng tuntunin at makikita nating pumapasok sa tuntunin ang iba pang mga halimbawa.Nakikipaglaban, at hindi nakipaglalabanNakikigamit, at hindi nakigagamitNagsisipag-alisan, hindi nagsipag-alisan

Gayon man, malawakan nang ginagamit lalo na sa pasulat na komunikasyon ang pag-uulit ng unang K at unang P ng salitang ugat. Ganito ang obserbasyon sa mga salitang kinakabitan ng ma-+ka-+:Kapwa ginagamit ang dalawang anyo:Nakakahiya nakahihiyaNakakalungkot``nakalulungkotNakakadismaya nakadidismayaNakakatanda nakatatanda

Ngunit dahil sa siguro bihira at di gamitin, iisa lamang ang anyo ang naobserbahan; nakasusulasok(walang nakakasulasok at nakaririmarim (walang nakakarimarim)Kapag naman may pa-, ganito ang naobserbahanNaipapadala naipadadalaNaipapaliwanag naipaliliwanagNaipapahayag naipahahayag

May dalawang anyo, kung gayon, kapag may pa- sa word base. Sa kaso ng “ipinapalagay” at “ipinalalagay.” masasabing may pagkakaiba sa kahulugan ang dalawang salita: ipinapalagay (opinyon); ipinalalagay (dalhin sa isang lugar ang isang bagay. Ngunit sa nakararaming tagagamit, walang distinksyon and dalawa. Ganito naman tlaga ang sa isang maodernisadong wika – nagiging mas malawak ang kahulugang saklaw ng iisang salita.

Kongklusyon: ang anyo ng salita na unang K at unang P ng salitang ugat ang inuulit ay karaniwang nakikita sa pasulat na anyo, lalo na sa mga teksbuk at iba pang porml na sulatin. Samantala, sa pagsasalita mas gamitin ang anyo ng salita na ang inuulit ay ang unang pantig ng word base.

Masasabing talagang may divided usage sa pag-uulit ng mga panlapi at salita ugat. Kung ang ang kabataan ang tatanungin, mas pabor silang ulitin ang ka- Kakakain ko pa lamang nang dumating siya.Kakabili ko ng damit para sa parti na di na pala

matutuloy.Kakakitakits lang namin kanina.

Ito na ba ay aspektong kakatapos?

Nagsimula ang pagtatangkang pag-ibahin ng gamit ng nang at ng sa Balarila ng Wikang Pambansa noong 1939. Bago ito, makikita sa mga lumang teksto na hindi istandardisado ang gamit – karaniwang nang ang ginangamit ngunit paminsan-minsan makikitang may gumagamit di ng ng.

Ngayon, ayon sa tuntunin ng wastong gamit, may kani-kaniyang gamit ang dalawang salita. Ngunit sa aktwal na gamit ng nakararaming mamamayan laging nagkakabaligtad ang dalawa.Naghahanap buhay ng patasSumigaw ng malakas linggo nang tanghaliMakita nang samabayanan

Ang Nang at Ng

Kaya nga ba noon pa ay may maungkahi na ang mananaliksik na ito na pag-isahin na lamang ang gamit ng nang at ng. Gamitin na lamang ang nang. Ngunit hindi siguro ito tatanggapin ng ating mga kababayan dahil ang mas gusto nilang gamitin ay ang matipid na ng.

May sariling kahulugan ang mga panlapi kaya posibleng magbago ang kahulugan ng mga salita batay sa panlaping ginamit. Halimbawa: bumuli at magbili.

May mga panlapi rin naman na pwedeng magkapalitan, tulad halimbawa ng i- at –in. may mga pandiwang magkatulad ng kahulugan o parehong resulta rin ang makukuha alin man sa dalawa ang gamitin.Mga halimbawa:Iluto lutuinIprito prituhinIihaw ihawinIgisa gisahin

Paggamit ng panlapi

Ngunit, posible ring magbago ang kahulugan dahil iba nag magiging resulta depende sa panlaping ginamit.Iakyat akyatinIbili bilhin

Ang mga di taal na tagapagsalita ay natututo rin kapag nakipamuhay sa komunidad ng mga taal na tagapagsalita at natututuhan kung paanong ginagamit ng mga tao ang kanilang unang wika.

May mga nakatakda nang mga panlapi sa bawat salitang ugat upang maipahayag ang gustong kahulugan. Sa dami ng gumagamit ng Filipino na hindi taal na nagsasalita ng wikang ito, maraming pumapasok na ibang gamit.Irespeto nyo naman, ako!Italakay natin ngayon ang mga bagong panlapiIpindot mo. Ihinto ko

Makikita rito ang paglawak ng saklaw ng gamit ng panlaping i-. Idagdag pa na mas karaniwan ang paggamit ng unlapi kaysa hulapi kapag hiram na salita ang nilalapian.

i-computer hindi computerini-discuss hindi discuss-ini-challenge hindi challenge-ini-xerox hindi xerox-in

May mga bagong estrukturang hiram sa Ingles na pumapasok na:Isinilang sa Cavite, nakatira na siya ngayon sa Maynila. (Born in Cavite, he now resides in Manila.)Sina Pinoy Dream Academy Season 2 Grandstar Dreamer Laarni Lozada at First Runner-up Bugoy Drilon...(Dati: Sina Laarni Lozada, Pinoy Dream Academy Season 2 Grand Dreamer, at Bugoy Drilon, First Runner-up...)

Paunti-unti ay may pumapasok nang impluwensiya ng Ingles sa sintaks, Maaari ring idagdag ang paggamit ng siya upang tukuyin ang mga bagay na walang buhay, na natalakay na.

Paghahanay ng mga salita

Karaniwan ang pagpupungos o pagkakaltas ng mga pantig sa unahan ng salita. Karaniwang nasasaksihan ang ganitong pagkakaltas sa kaso ng unlaping i-(i) Pininta(i) Nirekomenda(ii) Pinasasagot(i) Tinatanong

Kadalasang hindi alam ng gumagamit na dapat pala’y may i- sa unahan ng mga salita sa itaas. Posible ring natural na bilis ng pagbigkas ay tlaga namang nalalaglag ang i- sa unahan, na sa katagalan ng panahon ay itinuring na ng karaniwang mga tagagamit na wala nang i- doon

Pagkakaltas ng unlapi

Naiiba ang kaso ng (i)hatid, dahil ito lamang ang binabanghay na nang walang i-:Ihatid inihatidIhatidhinatidInihahatid ihahatidHinahatid ihahatid

Parang apoy na lumalaganap ngayon ang paggamit ng kaya sa ganitong mga sitwasyon:Dito kaya ako nakatira, ano?Busog na ko, kumain na kaya ako!Dating saklaw ng gamit ng kaya:1. Nagmumungkahi: Lumunok ka kaya nito, baka

makabuti sa iyo.2. Nagdududa: Ipinuslit nga kaya niya ang P670M

fertilizer fund.May bagong gamit ang kaya sa mga halimbawa sa itaas.

Mga Bagong Pahayag

Palasak na rin ngayon ang mga sumusunod:Huli kasi siyang dumating so nahuli rin ako.Sige na nga, payag na ako, although hihingin pa rin natin ang opinyon niya.Sasabihin na ba natin na ang mga ito ay mga bagong pang-ugnay?Sumisibol na mga bagong pananaw sa pagsusuri ng gramatika.

Sinasabi sa mga umiiral na aklat ng gramatika na may dalawang ayos ng pangungusap sa Filipino, ang karaniwan at ang di karaniwang ayos. Ayon sa marami, ang isa ay dinamiko at ang isa ay hindi. Ang isang ayos, ang walang ay, ay tinatawag na “karaniwang ayos.” Samantala, di karaniwang ayos naman ang tawag sa pangungusap na may “ay.”

May kanya-kanyang gamit ang bawat ayos ng pangungusap. Narito ang mga halimbawa.

Si Matabagka. Tulad niya’y ang mataas na damong dansuli na mabining sumasayaw sa ihip ng hangin.

Ayos ng Pangungusap

Si Matabagka at si Imbununga. Ang pag-iibigan nila’y patuloy pang inaawit ng matatandang Talaandig ng Gitnang Bukidnon.

Subukin kung ano ang magiging epekto kapag inilagay sa karaniwang ayos ang lahat ng pangungusap na may “ay.” Magiging iba na ang dating, iba na ang epekto sa mga mambabasa

Ayon kay Santiago sa kanyang Makabagong Balarilang Filipino, ang di karaniwang ayos (may ay) ay “karaniwang ginagamit na mga pormal na pagkakataon, tulad ng mga pulong, paglilitis, atb., hindi sa “mga pang-araw-araw o kolokyal na gamit.” Ang ay raw ay “nagsisilbing panando na nagpapakilalalang nauuna ang paksa kaysa sa panaguri.”

May ilang naniniwala na ang salitang sinusundan ng “ay” ay ang paksa ng pangungusap. Halimbawa

Bukas ay pistaManiniwala ka bang ang paksa ng pangungusap ay bukas?

Sa Tagalog Reference Grammar nina Schachter at Otanes na lumabas noong 1972, tinawag nilang “ay inversion” ang pangungusap na may “ay” at samakatuwid ay nauuna ang argumento (o paksa) sa panaguri. Para sa kanila, sa inversion constraction ay inililipat sa unahan ng pangungusap ang ilang bahagi na wala sa ganitong posisyon sa batayang pangungusap.

Para sa maraming linggwista, iskolar ng wika at guro ng Filipino, pareho lamang, walang pagkakaiba, ang dalawang ayos ng pangungusap at maaaring pagpalitin.

Kaya naman, karaniwan na ang ganitong pagsasanay sa mga teksbuk sa Filipino:

A. Isulat sa patlang K kung ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos. DK naman kung di karaniwan._______1. Ang mga butanding ay malapit nang maubos._______2. Pangalagaan natin sila.

Kay Lope K. Santos, ang “ay” ay pandiwang walang banghay. Kina Schachter at Otanes, ang “ay” ay hudyat na nauuna ang argumento (o paksa) sa panaguri. Ngunit ang “ay” ay may gamit sa pangungusap hindi lamang upang ihudyat na nauna ang simuno.

Ang gamit ng ay

a. Kapag gustong bigyang pansin ang argumento o paksa

Hal. Ang kapistahan ng Nuestra Senora dela Paz ay ginugunita tuwing Enero 24.

Ang Nuestra Senora dela Paz ay Patron ng Congregation of the Sacred Heart of Jesus and Mary na itinatag ni Peter Coudrin sa Paris noong French Revolution

b. Kapag gustong bigyan diin sa unahan ng pangungusapMadilim pa’y ginising ako ng sunod-sunod na tahol ni Ruben.Sa Camiguin ay masarap ang lansones.

c. Kapag may ipinapakilalang bagong paksa.Ang mga parusang maaaring ipataw alinsunod sa Kodigong ito ay iyong napapaloob sa mga sumusunod.

d. Para ipakita ang kontruksyong paralelAng bantay ko’y tala/ang tanod ko’y bituin.

e. Sa pagbubuod ng naunang pahayagIto ay parang silakbo ng damdamin sa katatapos lang na impeachement process

Mga bagong panlapi?May bago na raw panlapi, ayo sa ilan.

Ito ay –ibo, -al, -er, at iba pa. Halimbawa:Kontemplatibo, kontemplativNasyonalKomisyoner

Maituturing bang mga bagong panlapi sa Filipino ang mga nabanggit? Hindi!Dahil ang mga hiniram ay ang buong salita at hindi lamang ang mga panlapi.

S bilang pamparami ng pangngalan?Palasak ngayon ang panghihiram ng mga

salitang Ingles na may S sa dulo.

Halimbawa: mga girls, mga boys, students, administrators, friends, at iba pa.

Ibig bang sabihin nito’y pluralizer na sa Filipino ang S tulad sa Ingles?

Hindi.Dahil gaya sa naunang paliwanag tungkol sa mga “bagong panlapi” hindi S lamang ang hinihiram kundi ang buong salita. Masasabi lamang na pamparami na ng pangngalan ang S kung tinatanggap na ang babaes, lalakis, sanggols, atb.

Ponemang MorpemaAng o at a ay mga ponemang morpema na

nagbabadya ng kasarian? Hindi pa rin.Hiniram nang buo ang mga salitang tulad ng abogado/abogada. Maestro/maestra, at iba pa.

Kailanan at kasarian ng PangngalanItinuturo nito sa mga paaralan ang kailanan ng pangngalanIsahan: isang bulaklakDalawahan: dalawang bulaklakMaramihan: maraming bulaklak

Nagbago ba ang anyo ng “bulaklak” sa iba-ibang bilang? Hindi, di ba? Alin ang naiba, hindi ba ang panuring?

Naipapakitanang dalawan at maramihang anyo ng pangngalan sa pamamagitan ng paglalapi.Isahan: inaDalawahan: mag-inaMaramihan: mag-iina

Ilan ang ina sa mag ina? Sa mag-iina? Di ba isa lamang? Paano natin masabi na dalawahan at maramihang anyo ng pangngalan ang mag-ina at mag-iina gayong hindi naman nagbago ang bilang ng ina?

Isa pang tanong. Ano ang kasarian ng pangngalang ina? Pambabae, panlalaki di tiyak o walang kasarian.

KongklusyonSino ang nagpapasiya kung anu-anong mga

tuntunin ang ilalagay sa isang aklat ng gramatika ng isang partikular na wika? Ang taong bayang tagagamit ba ng wika o ang iskolar ng wika at linggwista. Sa paggawa ng diksyunaryo, itinatala ng leksikograper ang lahat ng salitang naobserbahan niya, pati na rin mga neolohismo, mga slang, mga bagong uso atb. at nilalagyan ito ng angkop na label. Sa gramatika, hindi ganito ang nangyayari. May mga pamantayan ng kawastuhan na nakatala sa balarila, at dapat itong sundin. Preskripto ang tawag dito. Ang descriptive linguist, sa kabilang dako, ay nagmamasid at naglalarawan ng wika batay sa aktwal na gamit na naoobserbahan niya.

Salamat po!