94
KWF Manwal sa Operasyon

KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

KWF Manwalsa Operasyon

Page 2: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t
Page 3: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

KWFManwal

sa Operasyon

Page 4: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

KWF Manwal sa Operasyon

Karapatang-sipi © 2015 ng Komisyon sa Wikang Filipino.

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.

Inilathala ng

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO Gusaling Watson, 1610 JP Laurel St., San Miguel, Maynila 1005 Tel.02-733-7260•02-736-2525 Email: [email protected] Website: www.kwf.gov.ph

Page 5: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

Nilalaman

Panimula 1

Bisyon at Misyon ng Komisyon sa Wikang Filipino 7

Ang Kalupunan ng mga Komisyoner 11

Lupong Tagapamahala 21

Ang Sekretaryat 33

PRIME-HRM 41

Lupon sa Proyekto, Monitoring, at Ebalwasyon 45

Patnubay hinggil sa Sentro ng Wika at Kultura ng KWF 68

Fultaym Deliveri Yunit 76

Sistema ng Pagsasagawa ng Programang Kasarian at Kaunlaran (GAD Focal Point System) 78

Panloob na Patakaran hinggil sa May-edad at Maykapansanan 82

Mga Pangkalahatang Patakaran

Mga Pormularyo

Page 6: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t
Page 7: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

Pambungad

Hinihingi ng panahon ang bagong KWF Manwal sa Operasyon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sapagkat unti-unti nang nadaragdagan ang mga kawani nito. Bukod dito’y tinipon ang mga prosesong ginagawa sa bawat sangay, yunit, o lupon, at isinaayos upang maging patnubay ng mambabasa. Ang ilang patakaran ay dumaan sa, at aprobado ng, Kalupunan ng mga Komisyoner, samantalang ang iba ay nabuo mula sa mga memorandum, kautusan, at iba pang pahayag ng Tagapangulo o Lupong Tagapagpaganap.

Nakatuon ang malaking bahagi ng KWF Manwal sa Operasyon sa panig ng mga administratibong gawain, at sa pagpapatnubay sa mga bago o kahit dati nang kawani. Ang mga patnubay na nakasaad dito ay maaaring may katumbas na bersiyon mula sa ibang ahensiya o organisasyon, subalit ang higit na mahalaga’y ginawa ang mga ito alinsunod sa kasalukuyang pangangailangan ng KWF. Mapapansin kung gayon na ang mga patakaran ay pumapaksa sa mga pakikipag-ugnayan o pagtutulungan, at sa paghahanap ng ikahuhusay ng pagtatrabaho ng mga kawani.

Inaasahang madaragdagan pa ang mga lahok sa manwal na ito. Tinatanggap ng KWF ang mga mungkahi, puna, at dagdag na lahok, ngunit habang hindi pa iyon pinagtitibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner o Lupong Tagapamahala ay hayaan munang maipatupad ang nilalaman ng manwal na ito.

ROBERTO T. AÑONUEVODirektor Heneral

Page 8: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t
Page 9: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

1KWF ManWal sa OperasyOn

Panimula

Nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 na pinagtibay noong 14 Agosto 1991. Ang nasabing batas ay sinusuhayan ng Seksiyon 9, Artikulo XIV ng Konstitusyong 1987 na nagsasaad na:

The Congress shall establish a national language commission composed of representatives of various regions and disciplines which shall undertake, coordinate, and promote researches for the development, propagation, and preservation of Filipino and other languages. 1

Nalathala ang “Mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad ng Batas Republika Blg. 7104 sa Journal ng KWF noong 1996 bagaman hindi nailathala sa Philippine Gazette sa kung anong dahilan. Malalathala lamang sa Philippine Gazette ang “Binagong Mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad sa Batas Republika Blg. 7104” noong 15 Abril 2013, makaraang talakayin ito ng mga komisyoner at hingan ng payo ang mga piling eksperto sa ginanap na pambansang konsultasyon sa Indah Hotel, Maynila.

Estruktura ng KWF

Ang KWF ay sumailalim sa tatlong pagbabago ng estruktura simula nang itatag ito noong 1991. Ang unang estruktura, sa ilalim ng administrasyon ni Tagapangulong Ponciano B.P. Pineda, ay binubuo ng Tanggapan ng Tagapangulo, Sangay ng Lingguwistika, Sangay ng Leksikograpiya, Sangay ng Impormasyon at Publikasyon, at Iba pang Katutubong Wika at Panitikan.

Noong 2008, nang ipatupad ang Rationalization Plan ng KWF, alinsunod sa kautusan ng DBM, nabawasan ang mga kawani, bukod sa muling nabago ang estruktura ng KWF. Tinanggal ang Sangay ng Iba pang Katutubong Wika at Literatura at ipinalit ng iba. Ang ikalawang estruktura ay binubuo ng Tanggapan ng Tagapangulo, Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi. Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwiistika, Sangay ng Pagsasalin, at Sangay ng Impormasyon at Publikasyon.

1Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.

Page 10: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

2 KWF ManWal sa OperasyOn

Ang KWF, na binubuo ng limang pakilusang sangay at tinatawag na Sekretaryat, ay ginagabayan ng 11 komisyoner. Bawat komisyoner ay may kinakatawang pangunahing wika, at hangga’t maaari ay kumakatawan din sa isang partikular na disiplina o lárang. Ang Direktor Heneral ang bisig-tagapagpaganap ng mga programa at proyektong itatakda ng kalupunan. Noong 2013, sa ilalim ng bagong administrasyon ni Tagapangulong Komisyoner Virgilio S. Almario, nabago nang bahagya ang estruktura at nagkaroon ng kapangyarihan ang Lupong Tagapagpaganap [Executive Committee] hinggil sa pagpapasiya sa pagpapatakbo ng Sekretaryat, batay sa itinatadhana ng Seksiyon 12-f ng Binagong Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad sa Batas Republika Blg. 7104. Ang “Lupong Tagapagpaganap” ay siya ring “Lupong Tagapamahala” na tinutukoy ng Binagong Tuntunin.

Samantala’y ang Kalupunan ng mga Komisyoner ay isang lawas kolehiyado, na ang mabibigat na kapasiyahan ay dapat may pagsang-ayon at batid ng nakararaming komisyoner.

Nagtatag ang KWF ng mga panrehiyong sentro sa iba’t ibang panig ng Filipinas at tinawag na “Sentro ng Wika at Kultura” (SWK). Ang bawat sentro ay itinatag sa tulong ng mga estadong unibersidad, kolehiyo, at paaralan na pawang lumagda sa kasunduan ng pagtutulungan. Bawat sentro ay may isang direktor na pinili ng nasabing unibersidad, kolehiyo, at paaralan, at ang direktor na ito ang magiging katuwang ng KWF upang maibaba nang mabilis sa pamayanan ang mga patakarang pangwika o programang nabuo ng Kalupunan ng mga Komisyoner. Ang Tagapangulo ay may direktang awtoridad na makipag-ugnayan sa mga SWK, alinsunod sa kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner.

Page 11: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

3KWF ManWal sa OperasyOn

Estruktura ng Komisyon Sa Wikang Filipino (1991- 2007)

Kalupunan ng mga Komisyoner(11 Komisyoner)

Tanggapan ng Tagapangulo

Direktor Heneral

SangayPampangasiwaan

Sangay ngLingguwistika

Sangay ngLeksikograpiya

Sangay ngImpormasyon

atPublikasyon

Sangay ngIba pang Wika

at Panitikan sa Pilipinas

Page 12: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

4 KWF ManWal sa OperasyOn

Estruktura ng Komisyon Sa Wikang Filipino (2008- 2013)

Kalupunan ng mga Komisyoner(11 Komisyoner)

Tanggapan ng Tagapangulo

Direktor Heneral

SangayPampangasiwaan

Sangay ng Lingguwistika at

Applied Linguistics

Sangay ngPagsasalingwika

Sangay ngImpormasyon

atPublikasyon

Sangay ng Leksikograpiya

at Korpus ng mga Wika sa Pilipinas

Page 13: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

5KWF ManWal sa OperasyOn

Kasalukuyang Tsart ng Organisasyon (2013- )

Kalupunan ng mga Komisyoner(11 Komisyoner)

Tanggapan ng Tagapangulo

2 Fultaym Komisyoner

Sangayng Pangasiwaan

at Pananalapi

Sangay ng Salita

at Gramatika

Sangayng Salin

Sangayng Edukasyonat Networking

Sangayng Literatura

at AralingKultural

Direktor Heneral

LupongTagapamahala

Sekretaryat

Page 14: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t
Page 15: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

Bisyon at Misyon ng Komisyon sa Wikang Filipino

Page 16: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

8 KWF ManWal sa OperasyOn

Bisyon

Wikang Filipino: Wika ng Dangal at Kaunlaran

Misyon

Itaguyod ang patuloy na pag-unlad at paggamit ng Filipino bilang wikang pambansa habang pinangangalangaan ang mga wikang katutubo ng Filipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng sambayanang Filipino.

Batayang Deskripsiyon ng Filipino

Ang salitang “Filipino” ay unang ipinakahulugan sa Resolusyon Blg. 92-1 na may petsang 13 Mayo 1992 sa ilalim ng Administrasyon ni Ponciano B.P. Pineda, at pagkaraan ay sinusugan ng Resolusyon Blg. 96-1 na may petsang 28 Agosto 1996. Binago muli ang sinusugang resolusyon sa bisa ng Kapasiyahan Blg. 13-39 ng Kalupunan ng mga Komisyoner sa ilalim ng administrasyon ni Tagapangulong Virgilio S. Almario at may petsang 5 Agosto 2013, na nagsasaad:

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Filipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pabigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buháy, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa.

Apat na Adhika ng Batay sa KWF Medyo Matagalang Plano 2013-2016

Adhika 1(Pagpapalaganap at Pagpapaunlad ng Wikang Filipino)Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang larang ng karunungan at sektor ng lipunan.

Adhika 2(Networking at Pakikipag-ugnayan)Mapalawak at mapatibay ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, mga organisasyong pribado, at mga sektor ng lipunan para sa pagpapalaganap ng wikang Filipino .

Page 17: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

9KWF ManWal sa OperasyOn

Adhika 3(Pagpapataas ng Serbisyong Panloob/Institusyonal)Makapagtatag ng mga mekanismo para sa pagsaaayos ng organisasyon at panloob/internal na pamamahala ng KWF.

Adhika 4(Saliksik at Patakarang Pangwika)Makapagbuo ng patakarang pangwika batay sa malalim at malawak na pananaliksik pangwika at dokumentasyon ng mga katutubong wika sa bansa.

Papel ng Lupon

Maaaring baguhin ng Kalupunan ng mga Komisyoner ang bisyon ng KWF alinsunod sa pangangailangan ng mga Filipino sa loob at labas ng pamahalaan. Ngunit anumang pagbabago na ipasiya nito ay kailangang umaayon sa umiiral na tsarter nito – ang Batas Republika Blg. 7104 – at Konstitusyong 1987.

Page 18: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t
Page 19: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

Ang Kalupunanng mga Komisyoner

Page 20: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

12 KWF ManWal sa OperasyOn

Patnubay hinggil sa Kapangyarihanng Kalupunan ng mga Komisyoner

1. Batayan. Ang panuntunang ito ay batay sa Batas Republika 7104 at Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 13-01, Serye ng 2013, at iiral hangga’t walang itinatadhanang salungat at nagpapawalang bisa sa naturang kapasiyahan.

2. Kapangyarihan ng Kalupunan. Samantala’y ang Kalupunan ng mga Komisyoner ay isang lawas kolehiyado, na ang mabibigat na kapasiyahan ay dapat may pagsang-ayon at batid ng nakararaming komisyoner. Tinukoy sa Batas Republika Blg. 7104, Seksiyon 14 mga kapangyarihan, gawain, at tungkulin ng Kalupunan:

Mga Kapangyarihan, mga Gawain at mga Tungkulin ng Komisyon. – Ang Komisyon, ayon sa mga pertinenteng tadhana ng Konstitusyon, ay may mga kapangyarihan, mga gawain at mga tungkuling gaya ng mga sumusunod:

a. magbalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa upang matiyak ang higit na pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas

b. maglagda ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang isakatuparan ang mga patakaran, mga plano at mga programa nito; magsagawa o makipagkontrata ukol sa mga pananaliksik at iba pang mga pag-aaral upang isulong ang ebolusyon, pagpapaunlad,

c. pagpapayaman at sa dakong huliý istandardisasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas. Saklaw nito ang pagtitipon at pagsasaayos ng mga akda para sa posibleng paglalakip nito mula sa multilinggwal na diksyunaryo o ng mga salita, mgaparirala, mga idyom, mga koteysyon, mga salawikain at iba pang mga wika na sa kasalukuyan ay karaniwang ginagamit o nakasama na sa lingua franca;

d. magpanukala ng mga patnubay at mga istandard para sa mga anyuing lingguwistiko at mga ekspresyon sa lahat ng opisyal na mga komunikasyon, publikasyon, teksbuk at iba pang materyales sa pagbasa at pagtuturo;

e. ganyakin at itaguyod, sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo, mga grant at award, ang pagsulat at paglalathala sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas, ng mga obrang orihinal, pati na mga teksbuk at mga materyales na reperensya sa iba-ibang disiplina;

Page 21: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

13KWF ManWal sa OperasyOn

f. lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng pagsasaling-wika na gaganyak sa pamamagitan ng mga insentibo, magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas ng mahahalagang akdang historikal at tradisyong kultural ng mga grupong etnolinggwistiko, mga batas, resolusyon at iba pang mga aktang lehislatibo, executive issuances, mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga dokumentong opisyal, mga teksbuk at mga materyales na reperensya sa ibaibangdisiplina at iba pang mga dayuhang materyales na maaaring ipasyangkinakailangan sa edukasyon at para sa iba pang mga layunin;

g. tawagan ang alin mang department, byuru, opisina, ahensya o alin mang kasangkapan ng Pamahalaan o ang alin mang pribadong entity, institusyon o organisasyon para sa kooperasyon at tulong sa pagtupad ng mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan nito;

h. mangasiwa, sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal, ng mga pagdinig publiko, mga komperensya, mga seminar at iba pang mga talakayang panggrupo upang alamin at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas;

i. bumalangkas at maglagda ng mga patnubay, mga istandard at mga sistema para sa pagmomonitor at pagrereport ng tungkol sa pagganap nito sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal; at isumite sa Opisina ng Pangulo at sa Kongreso ang taunang progress report tungkol sa implementasyon ng mga patakaran, mga plano at mga programa;

j. humirang, sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na mga batas, ng mga opisyal at mga empleado nito at ng iba pang mga tauhang kakailanganin para sa mabisang pagganap ng mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan nito; at itiwalag sila dahil sa malubhang kadahilanan;

k. organisahin at reorganisahin ang istruktura ng Komisyon, lumikha o bumuwag ng mgaposisyon, o magpalit ng designasyon ng umiiral na mga posisyon upang matugunan angnagbabagong mga kondisyon o kailanman at dumarating ang pangangailangan; Sa Pasubali,Na ang naturang mga pagbabago ay hindi makaaapekto sa istatus ng mga nasa pwesto,ibaba ang kanilang mga ranggo, bawasan ang kanilang mga sahod o magresulta sa kanilang pagkatiwalag sa serbisyo; at

l. gampanan ang iba pang mga aktibidad na kinakailangan sa epektibong paggamit ng naturan sa unahan na mga kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan.

Page 22: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

14 KWF ManWal sa OperasyOn

3. Termino. Ang kapangyarihan ng Kalupunan ng mga Komisyoner ay mananatili sa buong termino ng mga kasapi, at hangga’t walang itinatadhanang salungat hinggil dito ay iiral hanggang sa mga susunod pang Kalupunan ng mga Komisyoner.

4. Pagbibitiw. Sinumang komisyoner na nais magbitiw sa kaniyang tungkulin ay dapat sumulat sa Kalupunan, at sa Tanggapan ng Pangulo, bilang pagsunod sa protokol at nang makapagbigay-galang sa Pangulo na humirang sa nasabing komisyoner. Ang mga tungkulin ng nasabing komisyoner na nagbitiw ay isasalin sa laong madaling panahon sa ibang komisyoner, alinsunod sa kolektibong kapasiyahan ng Kalupunan, nang walang mabalam na trabaho.

Page 23: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

15KWF ManWal sa OperasyOn

Patnubay sa Paraan ng Pagpupulong ng Kalupunan ng mga Komisyoner

1. Batayan. Alinsunod sa Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 15–03, at bilang pagsunod sa itinatadhana ng Seksiyon 10 ng Batas Republika Blg. 7104, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nagpapatibay ng sumusunod na mga alituntunin ng paraan ng pagpupulong na gagabay sa Kalupunan ng mga Komisyoner sa mga regular at espesyal nitong pulong tungo sa pagbubuo ng mga panloob at panlabas na patakaran.

2. Tungkulin at Gawain ng Tagapangulo. Bukod sa mga kapangyarihan, tungkulin, at gawaing likás sa kaniyang katungkulan bilang Tagapangulo ng KWF, tungkulin at gawain niya ang mga sumusunod:

2.1. Tawagan ang mga Komisyoner sa lahat ng pulong at panguluhan ang mga pulong na ito, sa pasubali, na maaaring mangulo nang pansamantala ang sino man sa dalawa pang Komisyoner na naglilingkod nang fultaym at itatalaga ng mga nagsidalong mga Komisyoner na sa mga pangyayaring kinakailangan ang ganitong pag-aayos (tingnan Seksiyon 6, Batas Republika Blg. 7104).

2.2. Ipatupad ang mga pasiya ng Komisyon at subaybayan kung ang mga patakarang pinagtibay nito ay sinusunod sa lahat ng paaralan, tanggapang pampahalaan, at sektor na gumagamit ng Filipino;

2.3. Magharap sa Pangulo ng Filipinas ng kinakailangang ulat ng mga nagawa ng mga Komisyoner, ayon sa itinatakda ng BR Blg. 7104 (I);

2.4. Lumagda sa lahat ng akta, alituntunin, regulasyon, kapasiyahan, at mosyong pinagtibay ng Komisyon;

2.5. Lumikha ng mga lupong maaaring kailanganin sa pagsasakatuparan ng mga patakaran, programa, at proyekto ng KWF; at

2.6. Tuparin ang iba pang gawaing kaugnay ng katungkulan ng Tagapangulo ng isang asamblea o kabuuang kolehiyado.

3. Tungkulin at Gawain ng Kalihim. Sa atas ng Tagapangulo ng KWF, tungkulin ng kalihim ng KWF ang mga sumusunod:

3.1. Maghanda at magpadala sa mga Komisyoner ng patalastas tungkol sa gaganaping pulong;

3.2. Maghanda ng adyenda ng pulong sa atas ng Tagapangulo;

Page 24: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

16 KWF ManWal sa OperasyOn

3.3. Irekord at itranskrayb ang prosidings ng alinman at lahat ng prosibleng deliberasyon ng KWF;

3.4. Itala at sertipikahan ang katitikan ng mga pulong;

3.5. Ingatan ang lahat ng kasulatan at talâ ng Kalupunan at mga lupon, at ipaloob ang mga mga kasulatang ito sa Yunit ng Kasulutan ng KWF upang maging opisyal;

3.6. Sertipikahan ang lahat ng kapasiyahan at iba pang akta ng Kalupunan ng mga Komisyoner; at

3.7. Gampanan ang iba pang gawaing maaaring iatas sa kaniya ng Tagapangulo at/o mga Komisyoner.

4. Mga Pulong

4.1. Pook. Ang mga Komisyoner ay magpupulong sa tanggapan ng KWF o sa alinmang pook na maaaring itakda ng Tagapangulo o ng nakararaming Komisyoner.

4.2. Mga Regular na Pulong. Ang mga regular na pulong ay minsan isang buwan at magaganap sa petsa at oras na itatakda ng Tagapangulo.

4.3. Patalastas hinggil sa Pulong. Ipatatalastas nang pasulat ang mga regular na pulong, kalakip ang sipi ng adyenda, na dapat ipadala sa mga Komisyoner sa loob ng isang linggo man lamang bago sumapi ang iskedyul ng pulong sa araw at oras na maaaring matanggap ng kinauukulan.

4.4. Mga Espesyal na Pulong. Ang Tagapangulo o ang nakararami sa mga Komisyoner ay maaaring tumawag ng espesyal na pulong. Isang nakasulat na patalastas tungkol dito, kalakip ang adyenda, ang ipadadala ng Kalihim sa mga Komisyoner sa petsa at oras na maaari nilang tanggapin limang araw man lamang bago sumapit ang pulong maliban sa mga di-karaniwang pangyayari.

4.5. Korum. .Ang korum ay bubuuin ng payak na mayorya ng mga Komisyoner. Ang pagkakaroon ng korum sa ilalim ng tuntuning limampung porsiyento at isa pa (50%+1), hindi kasama ang mga Komisyoner na nasa labas ng bansa, maysakit o nabalda, o may opisyal na pahintulot na makaliban mula sa Tagapangulo, at kailangang pagpasiyahan kapag nagkaroon ng kuwestiyon tungkol dito sa alinmang pulong.

4.6. Kapag walang korum. Kapag walang korum, ang mga Komisyoner na dumalo ay magpupulong bilang komite lamang upang pag-usapan ang ilang

Page 25: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

17KWF ManWal sa OperasyOn

suliranin, lalo na ang nangangailangan ng kagyat na pagsasaalang-alang; at gumawa, bunga ng talakayan, ng mga rekomendasyon at/o pagpapasiya na mangangailangan ng ratipikasyon ng mga Komisyoner.

4.7. Kapag walang tatlong Komisyoner. Kapag wala ang Tagapangulo at ang dalawang fultaym komisyoner, ipapasiya ng mga Komisyoner na dumalo, kung sila’y makabuo ng korum, na pumili ng isa sa kanila ng Pansamantalang Tagapangulo para panguluhan ang pulong.

4.8. Ayos ng mga Gawain. Ang ayos ng mga gawain ng pulong ay gaya ng sumusunod:

Katunayan ng pagkakapadala ng patalastas tungkol sa pulongRolkol at pagpapahayag ng korumPagpapatibay ng adyendaPagbasa at aksiyon sa katitikan ng nakaraang pulongUsapin mula sa KatitikanDi-natapos na gawainMga ulatMga bagong paksang tatalakayinIba pang bagayPagtitindig

Ang anumang usaping hindi natalakay ay dapat isangguni sa Robert’s Rules of Order hangga’t walang itinatadhanang taliwas ang Kalupunan.

4.9. Reperendum. Kung sakali’t may suliraning nangangailangan ng kagyat na pagpapasiya ngunit hindi maaaring magpulong ang Kalupunan ng mga Komisyoner bunga ng mga pangyayaring hindi maiiwasan, ang suliranin ay ihaharap sa mga Komisyoner sa uri ng reperendum na gagawin sa pamamagitan ng mensahero o iba pang espesyal na kaparaanan ng Kalihim, gaya ng sulatroniko (email), sa atas ng Tagapangulo; sa pasubali, na ang kinalabasan ng reperendum ay raratipikahan kung hindi man kukumpirmahan ng Kalupunan sa susunod na pulong nito at ilalakip ang katotohanang ito sa katitikan ng pulong.

4.10. Pagboto. Ang botong pasang-ayon ng payak na mayorya ng mga Komisyoner ay sapat sa pagpapatibay ng isang kapasiyahan; sa pasubali, na kapag may pagpapatas ng halal, ito’y titikwasin ng Tagapangulo.

5. Katitikan ng mga Pulong

5.1. Nilalaman. Tataglayin ng katitikan ng mga pulong ng Komisyon ang mga sumusunod:

Bilang at serye ng pulongOras, petsa, at pook na pinagdausan ng pulong

Page 26: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

18 KWF ManWal sa OperasyOn

Indikasyon kung regular o espesyal ang pulongTala ng pagdalo o paglibanDeklarasyon ng korum ng Tagapangulo at pagbubukas ng pulongBuod ng prosidyur, kasama ang paglalahad ng buong teksto ng lahat ng resolusyong pinagtibay ng mga KomisyonerIba pang bagay na maaaring hilinging maisingit ng sino mang KomisyonerPagtitindig ng pulong

5.2. Mga Kopya ng Katitikan. Ang mga Komisyoner ay pagkakalooban ng tig-isang kopya ng katitikan sa loob ng di kukulangin sa isang linggo bago idaos ang susunod na pulong.

5.3. Mga Halaw at Sertipikasyon. Sa atas ng Tagapangulo, ang Kalihim ng Komisyon ay maaaring magpalabas ng mga kopya ng mga halaw ng katitikan, kalakip ang kaniyang sertipikasyon sa kawastuan nito, at may patibay ng Tagapangulo.

5.4. Mga Kapasiyahan. Ang mga pasiya ng mga Komisyoner ay isasagawa sa uri ng mga kapasiyahan at dapat lagdaan ng mga dumalong Komisyoner. Saikagagaan ng reperensiya o identipikasyon, kinakailangang ukulan ng sunurang bilang.

5.5. Ang ano mang talakayan sa pulong hinggil sa isang maselang paksa ay dapat manatiling kumpidensiyal o panloob lamang hangga’t hindi napagpapasiyahang salungat ng mga Komisyoner. Matapos maging pinal ang desisyon sa paksa ay sakâ pa lamang maaaring ipalabas ang atas ng mga Komisyoner. Bukod sa pagpapasok ng desisyon sa Katitikan ng pulong, iyon ay ilalathala sa bulitin ng impormasyon ng KWF. Maaari rin itong isapubliko kung makabubuti sa gawain ng KWF.

5.6. Bibigyan ng sipi ng katitikan, kapasiyahan, at iba pang kaugnay na papeles o dokumento ang Yunit ng Rekords upang mapangalagaan at magamit sa hinaharap ang naturang rekords.

6. Pagsususog

6.1. Ang anumang panukalang susog sa “Mga Alituntunin ng Paraan ng Pagpupulong” na ito ay maisasagawa kailan man sa pamamagitan ng nakasulat na kahilingan ng kalahati man lámang ng bílang ng mga Komisyoner. Dapat ilakip sa kahilingan ang probisyong dapat susugan pati na teksto ng panukalang susog.

6.2. Pagkatanggap ng Tagapangulo at/o Kalihim sa kahilingan, itatakda nito ang pagtalakay sa paksa sa pinakamalapit na pulong regular, o kapag kailangang-kailangan, sa isang espesyal na pulong para roon. Padadalhan

Page 27: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

19KWF ManWal sa OperasyOn

din, kalakip ng patalastas, ng kopya ng panukalang teksto ng susog ang lahat ng Komisyoner.

6.3. Upang maging balido ang susog sa sinusundang talata, kinakailangan ang boto ng tatlong-kapat (3/4) man lámang ng kabuuang bilang ng mga Komisyoner na dumalo sa pulong.

Page 28: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t
Page 29: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

Nagsisilbing kabalikat at kasangguni ng Tagapangulong Komisyoner ang Lupong Tagapagpaganap ukol sa pagpapatakbo ng ahensiya sa araw-araw na gawain. Ang Lupon, na binubuo ng Tagapangulo, dalawang Fultaym Komisyoner, at Direktor Heneral, ang bumubuo ng kolektibong pasiya at hakbang ukol sa maseselang usaping may kaugnayan sa programa at proyekto hanggang tauhan at pasilidad ng ahensiya.

Ayon sa Binagong Tuntuin at Regulasyong Nagpapatupad sa Batas Republika Blg. 7104 na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino, Seksiyon 13-F hinggil sa tungkulin at pananagutan ng Tagapangulo ng KWF:

(f) Gumawa ng mga bagong pasiya at hakbang kung kailangan at sa kapakanan ng Komisyon at ng Wikang Filipino, sa panahong hindi nagpupulong ang Kalupunan, ngunit pagkatapos ng kaukulang pagsangguni sa Lupong Tagapamahala na pangungunahan niya at kasáma mga Komisyoner na full-time at ang Direktor Heneral; at

Ang Kalupunan ng mga Komisyoner ay maaaring magtadhana ng mga patakaran, tungkulin, restriksiyon, at kapasiyahan kung paanong higit na magiging epektibo ang Lupong Tagapagpaganap sa paggugol ng pondo, pagpapahusay ng mga kawani at pasilidad, at pagpapaunlad sa panloob na sistema ng KWF.

Tinutukoy ding Lupong Tagapagganap ang Lupong Tagapamahala.

LupongTagapamahala

Page 30: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t
Page 31: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

23KWF ManWal sa OperasyOn

Ang Tanggapan ng Tagapangulo

Kinikilala ng KWF ang bisa ng pagiging lawas kolehiyado ng Kalupunan ng mga Komisyoner, ngunit pinahahalagahan din nito ang Tagapangulo, bilang pangkalahatang tagapamahala ng ahensiya, sa ngalan ng mga kasapi ng Kalupunan. Ang Tagapangulo ang iiral na punò ng ahensiya, at siya ay binibigyan ng kapangyarihan, alinsunod sa Seksiyon 12, Tuntunin I ng Binagong Mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad ng Batas Republika Blg. 7104, gaya sa sumusunod:

1. Mangasiwa sa pagpupulong ng Kalupunan ng mga Komisyoner;2. Mamahala sa Sekretaryat at patnubayan ang mga gawain ng Direktor Heneral;3. Kumatawan sa Komisyon sa mga gawain at aktibidad na nangangailangan ng paglahok ng Komisyon;4. Gumawa ng mga kaukulang rekomendasyon hinggil sa organisasyon o reorganisasyon, at katulad na mga usapin hinggil sa Sekretaryat;5. Tumiyak na wastong ipinatutupad ng Direktor Heneral ang anumang kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner;6. Gumawa ng mga bagong pasiya at hakbang kung kailangan at sa kapakanan ng KWF, sa panahong hindi nagpupulong ang Kalupunan, ngunit pagkatapos ng kaukulang pagsangguni sa Lupong Tagapamahala na pangungunahan niya at kasáma ang mga fultaym Komisyoner at ang Direktor Heneral; at,7. Tumupad sa anumang tungkuling itatakda ng Kalupunan.

Ang Tagapangulo rin bilang punò ng ahensiya ang gumaganap na Kampeon ng KWF -Strategic Performance Management System (SPMS), Tagapangulo ng GAD Focal Point System (GFPS), at Head of Procuring Entity (HOPE), maliban na lamang kung may itatalaga siyang kahilili niya.

Mga Patakaran

Ang mga kapangyarihan ng Tagapangulo na itinakda ng Binagong Mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad ng Batas Republika Blg. 7104, ay may sumusunod na katumbas na patakaran:

Ukol sa mga Pulong

1. Kalupunan. Regular na isinasagawa ng Kalupunan ang mga pulong nito tuwing ikalawang Biyernes ng bawat buwan. Gayunman, maaari itong magbago alinsunod sa availability ng mayorya ng mga Komisyoner. Maaari ding magpatawag ng mga espesyal na pulong ang Kalupunan kung mayroong mahigpit na pangangailangan.

Page 32: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

24 KWF ManWal sa OperasyOn

Ipinababatid ang pulong ng Kalupunan sa pamamagitan ng isang pormal na patalastas sa mga regular na kasapi ng pulong: Komisyoner, Tagapangulo, mga Konsultant, at Sekretaryat ng Kalupunan. Maaari itong sa anyo ng isang liham o memorandum na nilagdaan ng Tagapangulo at ipinadadala sa email ng mga kinauukulan. Ipinadadala din ang kopya ng adyenda, katitikan, at kapasiyahan sa pamamagitan ng email.

Sa mga espesyal na pagkakataon, bukod sa mga regular na kasapi sa pulong, naaanyayahang dumalo sa pulong ang mga Puno ng Sangay, Planning Officer, Proponent ng isang proyekto, o sinumang opisyal at kawaning mayroong gagampanan sa adyenda ng pulong.

Ang sekretaryat ng Opisina ng Tagapangulo ang nagsisilbing mga tagatala ng katitikan ng pulong. Pinagtitibay ang naturang katitikan sa susunod na pulong ng Kalupunan.

2. Lupong Tagapagpaganap. Regular na nagpapatawag ng pulong para sa Lupong Tagapagpaganap isang beses bawat buwan, o higit pa depende sa pangangailangan ng administrasyon.

Ipinababatid ito sa pamamagitan ng memorandum na nilagdaan ng Tagapangulo o sa pamamagitan ng text message mula sa sekretaryat ng Opisina ng Tagapangulo. Ang Executive Assistant IV para sa Tagapangulo ang nagsisilbing opisyal na tagatala ng katitikan ng pulong. Ipinadadala sa pamamagitan ng email ang sipi ng naturang katitikan sa Lupong Tagapagpaganap.

Itinuturing din ang pulong ng Lupong Tagapagpaganap bilang pagtupad sa mga atas ng Kalupunan at/o bilang pagpapasiya sa pangangasiwa ng KWF sa panahong hindi nagpupulong ang Kalupunan.

3. Mga Sangay. Regular na pinupulong ng Tagapangulo ang mga Puno ng Sangay tuwing Lunes, pagkaraan ng pagtataas ng watawat. Itinuturing na espesyal ang pulong tuwing una at/o huling Lunes ng buwan dahil dito inilalatag ang mga accomplishment at target sa sumunod na buwan. Sa pangangailangan ng pagkakataon, pinupulong ng Tagapangulo ang isang partikular na sangay kung mayroong espesyal na usapin gaya ng mga paghahanda para sa Buwan ng Panitikan at sa Buwan ng Wika.

Ipinababatid ito sa pamamagitan ng memorandum na nilagdaan ng Tagapangulo o sa pamamagitan ng text message mula sa sekretaryat ng Opisina ng Tagapangulo. Ang Executive Assistant IV para sa Tagapangulo ang nagsisilbing opisyal na tagatala ng katitikan ng pulong. Ipinadadala sa pamamagitan ng email ang sipi ng naturang katitikan sa mga kasapi ng pulong.

Itinuturing ang pulong ng mga sangay bilang pagtupad sa mga atas ng Kalupunan at/o bilang pagpapasiya sa pangangasiwa ng KWF sa panahong hindi nagpupulong ang

Page 33: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

25KWF ManWal sa OperasyOn

Kalupunan.

4. Mga Di-inisyatiba ng Tagapangulo. Maaaring humiling ng pulong sa Tagapangulo ang sinumang empleado o opisyal ng KWF sa pamamagitan ng isang pormal na liham sa Tagapangulo o sa pabatid sa email o sa cellphone sa sekretaryat ng Opisina.

Ukol sa mga Komunikasyon

1. Incoming. Ang mga komunikasyong incoming para sa Opisina ng Tagapangulo ay ipinararaan sa Yunit Sinupan. Pagkaraan ay ipinatatanggap ito ng Records Officer sa sinuman sa sekretaryat ng Opisina ng Tagapangulo upang matatakan at maihapag sa Tagapangulo.

Ang mga liham na ipinadaan sa koreo at/o email, gayundin ang mga mula sa sangay, ay pinatatanggap sa Yunit Sinupan, na ipatatanggap naman ng Records Officer sa Opisina ng Tagapangulo. Ang mga komunikasyong dumaan sa e-mail ng Executive Assistant ay maaari nang tanggapin sa Opisina ng Tagapangulo at hindi na ipatanggap sa Yunit Sinupan, maliban kung iniatas ng Tagapangulong maitala ito sa Sinupan.

Hindi tatagal sa 20 minuto ang pagproseso sa mga komunikasyong incoming, maliban kung ang liham ay mayroong kaugnayan sa mga proyektong patuluyan ang pagpapatupad at nangangailangan ng mabusising pagproseso.

2. Outgoing. Ang mga komunikasyong outgoing na kinakailangan ng lagda ng Tagapangulo ay ipinararaan para sa inisyals ng Proponent, Puno ng Sangay, at Direktor Heneral at/o Full-time na Komisyoner. Pagkaraang malagdaan ng Tagapangulo, itatala ito ng sekretaryat sa record book at sakâ ire-release sa Yunit Sinupan.

Tatanggapin lamang sa Opisina ng Tagapangulo ang mga dokumentong para sa lagda ng Tagapangulo na wasto, masinop, at kompleto sa inisyals ng mga kinauukulan. Ibig sabihin, ibabalik ang anumang dokumentong hindi wasto, hindi masinop, at hindi kompleto ang mga inisyals sa mga kinauukulan. Hindi tatagal sa 20 minuto pagkaraang matanggap ng Opisina ang pagre-release sa Yunit Sinupan ng mga dokumentong outgoing.

3. Paanyaya sa Tagapangulo. Ang mga paanyaya sa Tagapangulo ay mangangailangan ng isang pormal na liham mula sa tagapag-anyaya. Kinakailangang taglay ng naturang liham ang petsa, oras, venue, layunin ng gawain, at ang hinihiling na uri ng paglahok ng Tagapangulo. Maaari itong ipadala sa pamamagitan ng koreo o sa email ng sekretaryat ng Opisina ng Tagapangulo.

Ang mga paanyayang ipinadala sa pamamagitan ng koreo o sa email ng sekretaryat ng Opisina ng Tagapangulo ay kagyat na tatawagan at/o aabisuhan ng sekretaryat matapos itala ng Tagapangulo ang kaniyang pagtanggap o di-pagtanggap sa paanyaya. Hindi ito

Page 34: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

26 KWF ManWal sa OperasyOn

kailangang tumagal sa 20 minuto pagkaraang makomentaryuhan ng Tagapangulo.

4. Mga Ulat. Regular ang pagsusumite ng ulat ng mga gawain at targets ng mga sangay tuwing huling Miyerkoles ng bawat buwan, o mas maaga pa depende sa iskedyul ng itinakdang pulong. Ipinadadala sa Opisina ng Tagapangulo ang mga ulat nang nakalimbag habang ang sipi para sa bawat sangay ay ipinadadala sa pamamagitan ng email. Ang mga ulat ng mga sangay ay tatanggapin mula 8nu hanggang 3nh, tuwing huling Miyerkoles ng bawat buwan, sa Opisina ng Tagapangulo.

Bukod sa mga ulat ng sangay, lingguhan ding isinusumite ang budget advisory at supply advisory sa Tagapangulo. Habang ang mga ulat terminal ng isang proyekto at/o ulat sa isang insidente ay itinuturing na komunikasyong incoming at kinakailangang iparaan sa Yunit Sinupan.

5. Memorandum. Nag-iisyu ng mga memorandum ang Tagapangulo para sa mga opisyal na lakad, opisyal na gawain, pakilusang lupon, pabatid, at mga katulad. Madalas na isinasagawa ng Executive Assistant IV ang draft ng mga memorandum para sa lagda ng Tagapangulo.

Gayunman, maaari din itong manggaling mula sa sinumang empleado o opisyal na mangangailangan ng opisyal na atas sa Tagapangulo. Sa ganitong pagkakataon, kakailanganin ang mga inisyals ng Puno ng Sangay at Direktor Heneral at/o Full-time na Komisyoner para sa mga memorandum na ito bago ang paglagda ng Tagapangulo.

Hindi tatagal sa 10 minuto ang paglagda at pagre-release ng memorandum mula sa panahong tinanggap ito sa Opisina ng Tagapangulo hanggang sa pagtatala nito sa Yunit Sinupan.

6. Mga Dokumentong Panlohistika at Pampangasiwaan. Ang mga dokumentong panlohistika at pampangasiwaan ay kinakailangang magtaglay ng mga inisyals ng Puno ng Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi at Direktor Heneral, bago lagdaan ng Tagapangulo. Bukod sa mga inisyals, mahalagang taglay din ng mga dokumentong ito ang kaukulang routing slip.

Hindi tatagal sa sampung minuto ang paglagda at pagre-release ng dokumento mula sa panahong tinanggap ito sa Opisina ng Tagapangulo hanggang sa pagtatala nito sa Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi. Priyoridad ng Opisina ng Tagapangulo ang mga dokumentong panlohistika para sa sahod ng mga regular na empleado at contract of services, gayundin ang mga cash advance para sa mga proyekto.

7. Routing slip at marginal notes. Sa mga pagkakataong nais magkomentaryo at/o magtalaga ng Tagapangulo kaugnay ng mga komunikasyong incoming sa Opisina, gumagamit siya ng routing slip at/o marginal notes sa dokumento. Itinuturing na opisyal na atas ang mga aksiyong ito at mayroong bisà na tulad din sa isang memorandum.

Page 35: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

27KWF ManWal sa OperasyOn

Sa kabilang banda, maaari pa ding hilingin ng inatasang empleado at/o opisyal na isaanyong memorandum ang gayong pagtatalaga ng Tagapangulo.

Hindi tatagal sa 10 minuto ang paglagda at pagre-release ng mga dokumentong nagtataglay ng routing slip at marginal notes mula sa panahong tinanggap ito sa Opisina ng Tagapangulo hanggang sa pagpapatanggap nito sa kinauukulan.

Ukol sa Panukalang Proyekto

1. Aprobasyon ng Panukalang Proyekto. Kinakailangang napagtibay at nalagdaan na ng Lupon sa Proyekto, Monitoring, at Ebalwasyon, ng mga opisyal na tagapaglaan ng pondo, at ng Full-time na Komisyoner para sa mga proyekto ang Pormularyo sa Aprobasyon ng isang proyekto bago ito lagdaan ng Tagapangulo.

Hindi tatagal sa 20 minuto ang aprobasyon ng panukalang proyekto para sa lagda ng Tagapangulo. Gayunman, maaari niyang ibalik ang isang panukalang proyekto kung, pagkaraan ng kaniyang pagsangguni sa Lupong Tagapagpaganap at ilang kinauukulan, ay nakitang hindi makapag-aambag ang proyekto sa mandato ng ahensiya.

2. Pagsangguni sa mga Proyekto. Mahalaga ang mahigpit na pagsangguni at paglilinaw sa Tagapangulo kaugnay ng mga hakbang sa pagsasakatuparan ng proyekto. Mahalaga ding pormal itong ipinababatid sa pamamagitan ng liham para sa komentaryo ng Tagapangulo. Gayunman, sang-ayon sa pangangailangan, pinahihintulutan ang mga pagsangguning berbal. Sa gayong pagkakataon, mahalagang sangguniin ang Tagapangulo sa harap ng kaniyang Executive Assistant.

Sa pamamagitan ng isang pormal na liham maaaring pormal na sangguniin ang Tagapangulo hinggil sa pagsasakatuparan ng mga proyekto. Ituturing ang ganitong liham bilang komunikasyong incoming at dadaan sa parehong proseso ng gayon. Sang-ayon sa pangangailangan ay pinahihintulutan ang mga pagsangguning berbal, at mangangailangan ng presensiya ng Executive Assistant ng Tagapangulo.

Ukol sa Sentro ng Wika at Kultura (SWK)

1. Komunikasyon. Sinusunod ng Opisina ng Tagapangulo ang isinasaad sa seksiyon ng Manwal hinggil sa komunikasyon para sa Sentro ng Wika at Kultura.

2. Proyekto. Sinusunod ng Opisina ng Tagapangulo ang isinasaad sa seksiyon ng Manwal hinggil sa proyekto para sa Sentro ng Wika at Kultura.

Page 36: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

28 KWF ManWal sa OperasyOn

Ukol sa Organisasyon/Reorganisasyon

1. Pinagtibay ng Kalupunan. Sinasangguni ng Tagapangulo ang mga empleado hinggil sa reorganisasyon sa pamamagitan ng isang memorandum. Tinatalakay naman ng Lupong Tagapagpaganap ang usaping ito at pagkaraan ay magsusumite ng rekomendasyon sa Kalupunan para sa pagpapatibay nito.

Pagkaraang ilabas ng memorandum ng Tagapangulo na sumasangguni sa mga empleado ukol sa reorganisasyon, ipapaskil ito sa bulletin board ng KWF at/o bibigyan ng sipi ang mga sangay. Mahalagang ang lahat ng empleado ay tumugon sa gayong patalastas. Pagkaraan ay tatalakayin ito sa Lupong Tagapagpaganap upang magsagawa ng kaukulang rekomendasyon para sa Kalupunan. Ang Kalupunan naman ay maglalabas ng isang kapasiyahan para sa reorganisasyon.

2. Pinagtibay ng Tagapangulo. Sa panahong hindi nagpupulong ang Kalupunan, mayroong kapangyarihan ang Tagapangulong reorganisahin ang Komisyon, pagkaraan ng kaukulang deliberasyon ng Lupong Tagapagpaganap, sa pamamagitan ng isang memorandum.

Sa panahong hindi nagpupulong ang Kalupunan ay magpupulong ang Lupong Tagapagpaganap upang talakayin at pagtibayin ang isasagawang reorganisasyon. Ang pinagtibay na reorganisasyon ay ilalagay sa isang memorandum na lalagdaan ng Tagapangulo. Ipababatid sa lahat, sa pamamagitan ng bulletin board, ang rigodon ng mga empleado.

Ukol sa Iba Pang Tungkulin

1. Ang Tagapangulo ay nagsasagawa ng iba pang tungkuling pampangasiwaan na itinatakda at iniaatas ng mga pertinenteng batas sa bansa. Kabilang dito ang pagiging kampeon ng Strategic Performance Management System (SPMS), puno ng full-time delivery unit ng procurement, at iba pang katulad na gawain. Ang tungkulin ng Tagapangulo para sa mga naturang gawain ay alinsunod sa itinakdang responsabilidad ng batas na lumikha ng mga espesyal na lupong pampangasiwaan. Isinasakatuparan ng Sekretaryat ng Kalupunan ang sumusunod na daloy gawain kaugnay ng pulong ng Kalupunan ng mga Komisyoner:

Page 37: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

29KWF ManWal sa OperasyOn

Linggo Gawain/Dedlayn

Linggo 1

Lunes hanggang Miyerkoles Pabatid sa mga Komisyoner at sekretaryat ng tiyak na petsa at lugar ng pulong.Reserbasyon para sa akomodasyon, travel, pagkain, at iba pang kaugnay na lohistika.Pagbuo ng katitikan ng huling pulong.Pagtukoy sa mga usapin mula sa nakaraang katitikan.Pagsumite ng Lupon sa Proyekto, Monitoring, at Ebalwasyon ng mga proyekto para sa aprobasyon ng Kalupunan.

Huwebes hanggang Biyernes Pag-follow up ng Sekretaryat para sa kumpirmasyon ng pagdalo ng mga Komisyoner.Pagpapadala sa mga Komisyoner ng mga tiket sa eroplano.Pagtukoy at pagbuo sa mga kapasiyahan.Pagbuo ng panukalang adyenda.Pagribyu ng Tagapangulo ng adyenda, katitikan, at kapasiyahan.

Linggo 2

Lunes hanggang Martes Pagwawasto at pagsasapinal ng adyenda, katitikan, at kapasiyahan.Pagpapadala ng kit ng pulong sa mga email ng Komisyoner.

Miyerkoles hanggang Huwebes

Reproduksiyon at pagsasaayos ng mga materyales at dokumento ng kit.

BIYERNES ARAW NG PULONG

Linggo 3

Lunes hanggang Miyerkoles Pagsasaayos ng mga bayarin at/o likidasyon para sa akomodasyon, pagkain, at travel.

Huwebes Pagwawasto ng katitikan sang-ayon sa pinagtibay ng Kalupunan.Paglagda ng Direktor Heneral at Tagapangulo sa katitikan.

Biyernes Pagsusumite sa Yunit Sinupan ng mga nilagdaang kapasiyahan at ng nilagdaang katitikan.

Linggo 4

Lunes Pag-uulat sa Pagtataas ng Watawat hinggil sa mga natalakay sa pulong ng Kalupunan at sa mga pinagtibay na kapasiyahan.

Martes hanggang Miyerkoles Pagtukoy at pag-aksiyon sa mga usaping nangangailangan ng kagyat na tugon ng Kalupunan at/o Lupong Tagapagpaganap.

Huwebes hanggang Biyernes Pagsasaayos ng mga bayarin at/o likidasyon para sa akomodasyon, pagkain, at travel.Paghingi ng mga ulat sa mga Komisyoner, Direktor Heneral, at mga sangay.Pagtukoy sa susunod na petsa at lugar ng pulong.

Page 38: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

30 KWF ManWal sa OperasyOn

Ang mga Fultaym Komisyoner

Ang mga fultaym Komisyoner ay kabalikat ng Tagapangulo sa pangangasiwa ng KWF. Kabilang sa tungkulin at pananagutan nito, gaya ng nasasaad sa Seksiyon 14, Tuntunin I ng Binagong Mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad ng Batas Republika Blg. 7104, ang gumanap ng anumang tungkuling iatas ng Tagapangulo at ng Kalupunan, at magiging kasangguni ng Tagapangulo, kasama ang Direktor Heneral, sa paggawa ng mga hakbangin sa panahong hindi nagpupulong ang Kalupunan ng mga Komisyoner.

Mahalagang gampanin ng mga fultaym Komisyoner, kasama ang Direktor Heneral, ang pagiging kasapi ng Lupong Tagapagpaganap [Executive Committee] na mamamahala sa mga gawain ng Komisyon, gaya sa pagpaplano, pagsasagawa, pagsubaybay, at pagpapalawig ng mga programa at proyekto nito.

Dalawa ang fultaym na at may kani-kaniyang tungkulin, bukod sa pagiging kabahagi ng Lupong Tagapamahala. Ang isa’y nagsisilbing patnubay sa pangangasiwa ng mga programa at proyekto; samantalang ang isa pa’y gumaganap na patnubay kung hindi man tagapayo sa pang-araw-araw na administratibong gawain, partikular ng Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi. Nag-uulat din sila sa Tagapangulo, at nagpapayo kung hindi man nagrerekomenda kung ano ang matuwid na pasiya hinggil sa mga bagay-bagay sa opisina.

Page 39: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

31KWF ManWal sa OperasyOn

Ang Tanggapan ng Direktor Heneral

Ang Direktor Heneral, ayon sa Seksiyon 16 ng Tuntunin I ng Binagong Mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad ng Batas Republika Blg. 7104, ang pinuno ng Sekretaryat, at may tungkuling pangasiwaan ang pang-araw-araw na gawain nito, bukod pa ang gawin ang sumusunod na tungkulin:

a) Maupô sa pulong ng Kalupunan bilang Kalihim at sa ganito ay may karapatang lumahok sa talakayan ngunit hindi kalahok sa pagboto;

b) Maghanda ng ulat at iba pang kailangan para sa pagpupulong ng kalupunan;

c) Mangmungkahi ng mga bagong aktibidad, sa pamamagitan ng Tagapangulo, sa Kalupunan;

d) Maghanda ng taunang badyet at iharap ito sa pagpapasiya ng Kalupunan;

e) Magrekomenda sa Tagapangulo ng mga hakbangin sa pangangasiwa at disiplina ng mga tauhan ng Sekretaryat, pagsasaayos ng opisina ng Komisyon, at iba pang gawain tungo sa mabisâng pagkilos at pagtupad sa tungkulin ng sekretaryat;

f ) Tuparin ang anumang tungkuling itatakda ng Kalupunan.

Mga Patakaran at Pamamaraan

1. May dalawang uri ng komunikasyon ang natatanggap ng Tanggapan ng Direktor Heneral:

a. panloob na komunikasyon mula sa iba’t ibang sangay/yunit ng KWFb. komunikasyong mula sa ibang tanggapan ng pamahalaan at/o pribadong sektor

2. Ang katuwang ng Direktor Heneral ang tumatanggap sa lahat ng komunikasyon at itatala sa arawang elektronikong talaan ng mga tinanggap na dokumento. Agad na ihahapag sa Direktor Heneral ang mga ito para sa kaukulang aksiyon.

3. Kapag panloob na komunikasyon ang tinanggap, itatala sa routing slip ang petsa at oras ng pagtanggap. Para sa mga panloob na komunikasyong walang routing slip at sa mga komunikasyong mula sa ibang tanggapan, itatala ang petsa at oras ng pagtanggap sa itinatak na katibayan ng pagtanggap.

Page 40: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

32 KWF ManWal sa OperasyOn

4. Ang lahat ng dokumentong para sa lagda at inisyals ng Direktor Heneral ay kailangang may inisyals ng Punò ng Sangay kung saan ito nagmula. Ang paglalagay ng inisyals ay tanda ng completed staff work(nangangahulugang naisagawa na ang kailangang pagsusuri at kaukulang aksiyon kung kinakailangan). Gayundin, kailangang kompleto ang mga kailangang lakip na dokumento o supporting papers.

5. Ang anumang papalabás na komunikasyon na ang tanggapan ng Direktor Heneral mismo ang may akda aykailangang magtaglay ng kaniyang lagda o inisyals.

6. Ang lahat ng inaksiyonang korespondensiya ay agarangipatatanggap sakinauukulang sangay/yunit para sa kaukulang aksiyon

Page 41: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

Nakasaad sa Seksiyon 15, Tuntunin I ng Tuntunin I ng Binagong Mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad ng Batas Republika Blg. 7104 na “ang Komisyon [na tumutukoy din Kalupunan ng mga Komisyoner] ay bubuo ng Sekretaryat bilang bisig-tagapagpaganap nito sa ilalim ng pamumuno ng Direktor Heneral,” ngunit ang ganitong diwa ay pinalawak sa bagong administrasyon at ipinailalim sa Lupong Tagapamahala ang sekretaryat.

Ang KWF ay binubuo ng limang sangay, na kinabibilangan ng Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN), Sangay ng Literatura at Araling Kultural (SLAK), Sangay ng Salita at Gramatika (SSG), Sangay ng Salin (SS), at Sangay ng Pangaasiwaan at Pananalapi (SPP).

AngSekretaryat

Page 42: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

34 KWF ManWal sa OperasyOn

Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)

Alinsunod sa itinadhana ng Batas Republika Blg 7104 at ng Medyo Matagalang Plano ng KWF (2013-2016), pangunahing adhika ng KWF ang maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang larang ng karunungan at sektor ng lipunan. Isang mahalagang gawain para dito ay ang pagpapabatid at pagpapalaganap ng mga patakaran at programang pangwika nito sa madla. Upang higit na maging epektibo, mahalagang gawain din ng KWF na organisahin ang ibang ahensiya ng pamahalaan, ang pribadong sektor, at iba pang samahan na magiging katulong ng ahensiya sa tagumpay ng adhikang ito. Ang Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN), ang itinalaga na manguna sa mga gawaing ito. Tungkulin ng Sangay Sa pangkalahatan, tungkulin ng SEN na itaguyod ang mga patakaran, programa, at proyekto ng KWF; bumuo at pangalagaan ang matibay na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, institusyon, samahan, at media; at suportahan ang bisyon at misyon ng KWF sa pamamagitan ng diseminasyon ng mga impormasyon, publikasyon, at dokumentasyon. Kabilang, ngunit hindi limitado, sa sangay ang sumusunod na tiyak na tungkulin:

1. Pagbuo at pagpapatupad ng planong pangkomunikasyon para sa pagpapabatid sa madla ng mga kalakaran, patakaran, at programang pangwika ng ahensiya;

2. Pagsubaybay sa mga usaping pangwika at pagsagot sa mga ito kung kinakailangan;

3. Pagbuo at pangangalaga ng database ng network ng mga institusyon, mga alagad ng wika, at media;

4. Pagdaraos at/o pagsuporta sa mga paggunita, pagdiriwang, seminar, kumperensiya, palihan, konsultasyon, forum, at mga katulad, hinggil sa wika, sa mahigpit na pakikipagtulungan sa iba pang sangay ng mga pribado at pampublikong institusyon at mga organisasyong pangwika;

5. Pangangasiwa sa paglalathala ng mga aklat at produksiyon ng poster, polyeto, at iba pang kagamitang pangpromosyon; at

6. Iba pang tungkulling iaatas ng Tagapangulo at/o Lupong Tagamahala.

Page 43: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

35KWF ManWal sa OperasyOn

Sangay ng Salita at Gramatika (SSG)

Ang Sangay ng Salita at Gramatika ay tumutugon sa nakasaad sa Batas Republika 7104 na mahalagang gampanin ng Komisyon sa Wikang Filipino na magsagawa ng mga saliksik at pag-aaral panlingguwistika upang isulong ang ebolusyon, pagpapaunlad, pagpapayaman at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Filipinas.

Tungkulin

Kabilang, ngunit hindi limitado ang tungkulin ng sangay na ito ang pangkalahatan at espesyalisadong pag-aaral ng salita mula sa Filipino at mga katutubong wika at pawang may kaugnayan sa lingguwistika, aplikadong lingguwistika, at sosyo-lingguwistika. Nakatuon din ito sa paglinang at patuluyang pag-aaral ng gramatika sa Filipino at kaugnay nitong mga wika. Inaasahang gagampanan ng SSG ang pagbubuo ng diksiyonaryo, tesawro, tumbasan, ortograpiya, antolohiya, ensiklopidya at iba pang kaugnay na bagay sa palimbag at elektronikong paraan, nang makaagapay sa hinihingi ng panahon. Kabilang sa mga tiyak na tungkulin ng Sangay ang sumusunod:

1. Makapagsagawa ng patuluyang pag-aaral sa ortograpiya at gramatika ng Filipino at iba pang mga wika ng Filipinas.

2. Maidokumento ang mga wika ng Filipinas lalo na itong mga nanganganib nang mawala.

3. Makabuo ng mga diksiyonaryo, tesawro, tumbasan, ensiklopidya at iba pang kaugnay na bagay hinggil sa Filipino at iba pang mga wika ng Filipinas.

4. Makapagsagawa ng mga pananaliksik at pag-aaral panlingguwistika na maaaring maging batayan sa pagbuo ng ng mga plano, resolusyon at/o patakarang pangwika.

5. Makapagdaos ng mga pagpupulong, pagsasanay, kumperensiya, seminar, gawaing kapulungan, talakayang pambayan, at panayam tungkol sa dokumentasyon, lingguwistika at leksikograpiya ng mga wika.

6. Magkaroon ng talaan ng mga indibidwal, lingguwista/eksperto sa wikang Filipino at iba pang mga wika ng Filipinas at mga organisasyon na maaaring maging katuwang at kasangguni sa mga gawaing pangwika.

Page 44: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

36 KWF ManWal sa OperasyOn

Sangay ng Literatura at Araling Kultural (SLAK)

Ang Sangay ng Literatura at Araling Kultural ay tumutugon sa mandato ng KWF na nakasaad sa Batas Republika Blg. 7104 na manaliksik, mag-aral, at magsagawa ng mga seminar at kumperensiya hinggil sa pagpapalaganap, pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino at iba pang wika ng Filipinas.

Tungkulin

Kabilang ang sumusunod sa pangunahing tungkulin ng SLAK:

1. Makapagsagawa ng seminar sa korespondensiya opisyal sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan, at mga kumperensiya hinggil sa wika, panitikan, at kultura ng mga rehiyon sa buong bansa.

2. Manguna sa pananaliksik at pag-aaral sa literatura at kultura ng bansa.

3. Makabuo ng registry ng mga ahensiya at kawani ng pamahalaan, propesor at mga guro.

4. Makapagtayo ng Aklatang Filipino, ang koleksiyon ng lahat ng publikasyong nakasulat sa Filipino at ibang wika ng Filipinas o hinggil sa wika, kasaysayan at kultura ng bansa.

Page 45: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

37KWF ManWal sa OperasyOn

Sangay ng Salin (SS)

Ang Sangay ng Salin ang teknikal na bisig ng ahensiya na nagbibigay ng pangunahing serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagsasalin ng mahahalagang batas, reperensiya, at tekstong pang-edukasyon.

Espesipikong itinakda ng Batas Republika Bilang 7104, seksiyon 14, ang gawain/tungkulin ng Sangay ng Salin:

na sinasabing lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang sangay ng salin na gaganyak sa pamamagitan ng mga insentibo, magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas ng mahahalagang akdang historikal at tradisyong kultural ng mga grupong etnolingguwistiko, mga batas, resolusyon, at iba pang mga aktang lehislatibo, mga kalatas tagapagpaganap, mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan, at mga dokumentong opisyal, mga teksbuk, materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina, at mga dayuhang materyales na maaaring ipasiyang kinakailangan sa edukasyon at para sa iba pang mga layunin;

Pangunahing serbisyong pangwika ng ahensiya ang ipinagkakaloob ng Sangay ng Salin. Adhika nitong palaganapin at paunlarin ang wikang pambansa sa pamamagitan ng pagsasalin sa sumusunod:

Akdang historikalTradisyong kultural ng mga pangkat etnolingguwistikoBatasResolusyonAktang lehislatiboKalatas tagapagpaganapDokumentong opisyalSangguniang aklatMga materyales na maaaring ipasiyang kailangan sa edukasyon at para sa iba pang layunin

Tungkulin ng Sangay

1. Magkaroon ng opisyal na salin sa Filipino at sa iba pang mga wika sa Filipinas ang mahahalagang akdang pangkasaysayan at mga tradisyong pangkultura ng mga pangkat etnolingguwistiko, mga kodigo, batas, resolusyon, pagsasabatas, teksbuk, at mga kagamitang sanggunian sa iba’t ibang disiplina at iba pang mga kagamitang banyaga na ipinalalagay na kailangan sa edukasyon at para sa iba pang layunin.

Page 46: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

38 KWF ManWal sa OperasyOn

2. Tumulong sa pagbuo ng mga patakaran, plano at programa ng malawakang pagsasalin mula sa ibang wika, kapuwa katutubo at banyaga, patungo sa Filipino at sa Filipino patungo sa ibang wika, gayundin ang pagsasalin sa Filipino ng mga terminolohiyang pang-agham at teknikal.

3. Bumuo ng mapagtitiwalaang registry mula sa mga ginawaran ng akreditasyon ng KWF.

Page 47: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

39KWF ManWal sa OperasyOn

Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi (SPP)

Kabilang, ngunit hindi limitado, sa sangay na ito ang pagbibigay ng suporta sa mga mithiin at proyekto ng Komisyon upang maisakatuparan nito ang mandato ng mga umiiral na batas pangwika at serbisyo sibil sa Filipinas. Tungkulin ng sangay na ito ang pagtitiyak ng pinakaepisyenteng pagkilos ng Komisyon, pagpapanatili ng pinakamainam na kondisyong materyal at hindi materyal ng mga empleado, pagtugon sa mga alalahanin ng mga tauhan na kaugnay ng trabaho, paghahanda ng badyet, pangangalaga at pagsisigurong maayos na nagagastos ang salapi, at pagsisinop ng mga rekord, at iba pang gawaing may kinalaman sa pangangasiwa at pananalapi tungo sa isang pinakaproduktibong sistema at makatarungang pamamalakad sa Komisyon.

Ang sangay na ito ang pinakamalaki sa lahat ng sangay sa Komisyon sa Wikang Filipino, na binubuo ng anim na yunit: Pantauhan, Badyet, Akawnting, Cashier, Suplay at Rekords. Ang bawat yunit ay pinamumunuan ng Administrative Officer V maliban sa yunit ng Akawnting na pinamununuan ng Akawntant. Ang lahat ng yunit na ito ay nasa ilalim ng superbisyon ng Chief Administrative Officer. (Tingnan ang Annex A: Tsart ng Organisasyon)

Layunin nito na makapagbigay ng maayos at mabilis na serbisyo sa publiko at sa mga teknikal na sangay ng KWF na nangangailangan ng serbisyong administratibo sa pinkamainam at pinakaepisyenteng paraan.

Tungkulin

Yunit PantauhanPangasiwaan ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa mga empleado ng KWF at magpatupad ng iba’t ibang pagsasanay at iba pang gawain tungo sa higit nilang paglago.

Yunit ng BadyetIto ang pangunahing yunit na nangangasiwa sa pondo ng tanggapan mula sa pagpapanukala, apropriyasyon, alokasyon, paggasta alinsunod sa itinatakda ng mga umiiral na batas hanggang sa paghahanda ng mga ulat kaugnay nito.

Yunit ng AkawntingTungkulin ng Yunit na ito na pangalagaan at tiyakin na maayos ang paggugol sa pondo ng KWF at pangasiwaan ang lahat ng gawaing may kaugnayan sa pananalapi lalo’t higit ang paghahanda ng mga ulat pampinansiyal at pagsusumite nito sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

Page 48: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

40 KWF ManWal sa OperasyOn

Yunit ng CashierMagproseso ng mga disbursement vouchers ng mga bayarin at pangasiwaan ang maagap na pagbabayad at paghahanda ng mga ulat kaugnay nito. Tungkulin din ng Yunit ng Cashier na pamahalaan ang pangongolekta at pag-iisyu ng resibo sa lahat ng klase ng koleksiyon at pagdedeposito nito sa authorized government depository bank (AGDB).

Yunit ng RekordsAng Yunit ng Rekords ang nagsisilbing imbakan ng mahahalagang papeles, komunikasyon, at iba pang mahahalagang dokumento ng KWF. Higit pa rito, ang yunit na ito rin ang tagapangalaga ng alaala ng ahensiya dahil tumatayo rin ito bilang artsibo.

Yunit ng SuplayPangunahing tungkulin ng yunit na ito ang paghahanda ng Taunang Plano ng Pamimili (APP), pagpopost nito sa websayt ng GPPB, pagbili ng mga nasabing suplay, pamamahagi sa mga empleado at paghahanda ng mga kaukulang dokumento para sa pagbabayad ng mga biniling kagamitan at iba pang kaugnay na bayarin. Tungkulin din ng Yunit ng Suplay na ipaseguro ang mga ari-arian ng KWF laban sa sunog, sakuna, kalamidad at/o force majeure.

Page 49: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

41KWF ManWal sa OperasyOn

PRIME-HRM

Ang KWF ay kabilang sa Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM). Ang PRIME-HRM ay pinagsasasanib at pinalalawig ang Personnel Management Assessment and Assistance Program (PMAAP) and the CSC Agency Accreditation Program (CSCAAP)2. Ang PRIME-HRM ay isang mekanismo upang patuloy na bigyang kakayahan ang Yunit Pantauhan, kilalanin ang pinakamahusay na nakagawiang pagtatrabaho, at magsilbing tagpuan ng palitan ng dunong at kadalubhasaan ng mga kawani.

Paghimok, pagpili, at pagtatalaga3

Ang paghimok, pagpili, at pagtatalaga ng mga tauhan ng KWF ay ibinatay sa maikli at medyo pangmatagalang plano ng ahensiya at hindi lamang sa nakasaad sa plantilya mula sa KBP (DBM). Sinimulan na ang pagmamantene ng elektronikong database para sa mga kandidato at aplikante. Ang Personnel Selection Board (PSB) na itinatag ng KWF ay nakahanda na mulang unang antas hanggang ikatlong antas na posisyon. Nakatuon din ang paghimok, pagpili, at pagtatalaga ng mga tauhan sa balanseng pagsasaalang-alang ng mga kasarian, at pagbibigay ng oportunidad sa mga babae na maitalaga sa matataas na posisyon.

Ang Merit Selection Plan ng KWF ang susunding gabay ng KWF hinggil sa pagtatalaga ng mga kawani at paggalaw ng mga kawani sa una at ikalawang antas ng serbisyo sibil.

Mahigpit na sumusunod sa prinsipyo ng merito, kaangkupan, at pagkakapantay-pantay ang KWF sa paghirang ng mga kawani at sa pagpopromote sa mga ito.

Ang kabuuang Merit Selection Plan ng KWF ay makikita sa Yunit ng Kasulatan, Yunit Pantauhan, Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi, at sa Aklatan.

Pagkatuto at Pagpapaunlad4

Ang pagdulog ukol sa pagkatuto at pagpapaunlad ay nakaayon sa pagpapataas ng kasanayan at kaalaman ng mga tauhan tungo sa pagtatamo ng mithi ng KWF. Sisikapin ng KWF na ang badyet para sa pagkatuto at pagpapaunlad ng mga tauhan ay itinakda sa maikling panahon, at aprobado ng Kalupunan ng mga Komisyoner.

2Ayon sa KSS, ang PRIME-HRM ay binuo upang bumilis at maging episyente ang transaksiyon; makaugnayan ang mahuhusay na kawani; at magkaroon ng de-kalidad na serbisyo. 3Ang “paghimok, pagpili, at pagtatalaga ng mga tauhan” ay itinumbas sa “recruitment, selection, and placement (RSP) approach.” 4Ang “pagkatuto at pagpapaunlad” ay itinumbas sa “learning and development (L&D) approach.”

Page 50: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

42 KWF ManWal sa OperasyOn

Ang panahon na ilalaan sa pagkatuto at pagpapaunlad ng mga tauhan ay dapat umaabot sa aprobadong estandard ng kalipikasyon, at resulta ng pagsusuri ng mga pangangailangan ng KWF at/o tauhan, at sa Indibidwal na Planong Pagpapaunlad para sa matataas na posisyon.

Ang kabuuang plano ng pagkatuto at pagpapaunlad ng mga tauhan ay kasalukuyang inihahanda ng Yunit Pantauhan.

Sistema ng Pangangasiwa sa Pagganap5

Ang sistema ng pangangasiwa sa pagganap ng KWF ay matutunghayan sa binuong Performance Management Team (PMT). Sa yugtong ito, ang punòng pantauhan ay kabalikat at kasangguni ng EXECOM at Tagapangulo upang maisulong proseso ng pangangasiwa ng mga tauhan.

Susundin ng KWF ang mahahalagang sukatan ng pagganap [Key Performance Indicators], na ngayon ay nakapaloob sa Office Performance, Commitment and Review (OPCR) at Individual Performance Commitment and Review (IPCR) Indicators.

Itatakda rin ang sesyon sa paggabay [coaching] kung sakali’t kailanganin ito ng mga tauhan.

Ang Strategic Performance Management System (SPMS) ng KWF ay nakatuon sa pag-uugnay ng mga indibidwal na nagawa sa bisyon, misyon, at estratehikong priyoridad ng ahensiya. Itinuturing itong isang teknolohiyang binubuo ng mga estratehiya, pamamaraan, at kasangkapan upang matiyak na nagagampanan ng mga sangay at tauhan nito ang mga gampanin gayundin ang pagtataya sa mga nagawa.

Isa itong mekanismo na tumitiyak na bawat empleado ay nakapag-ambag upang matamo, o tumutulong upang maisakatuparan,ang mga mithiing itinakda ng organisasyon. Sa kabilang banda, natatamo ng organisasyon ang mga mithiing itinakda nitong maisakatuparan sa mga estratehikong plano nito.

Ang PMS ang sentro ng sistemang pantauhan sapagkat ang impormasyong nalikha rito ay mahalagasa proseso ng pagpaplanong pantauhan, pamamahala, at pagpapasiya.

Sinusunod ng KWF-SPMS ang apat na yugto ng siklo ng PMS: pagpaplano ng gagawin at pananagutan, pagmomonitor at paggabay sa ginagawa, pagrerepaso at ebalwasyon ng nagawa, pagkakaloob ng insentibo sa nagawa at pagpaplano ng pagpapahusay.

5Ang “sistema ng pangangasiwa at pagganap” ay itinumbas sa “Performance Management Sysem,

Page 51: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

43KWF ManWal sa OperasyOn

Ang kabuuang gabay hinggil sa SPMS ng KWF ay makikita sa Yunit ng Kasulatan, Yunit Pantauhan, Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi, at Aklatan.

Gawad at Pagkilala

Kung mahigpit magpatupad ng mga programa at proyekto ang KWF, nais din nitong kilalanin ang mga kawani at opisyal na marapat bigyan ng gawad at pagkilala dahil sa masigasig nitong pagtatrabaho anumang ang panahon.

Isinasaalang-alang sa pagbibigay ng parangal ang mga papuri, puna, rekomendasyon, at iba pang kuro-kuro ng mga tao na naging kliyente ng KWF, gaya ng mga guro, lingkod-bayan, mambabatas, at ordinaryong mamamayang humihingi ng serbisyo ukol sa wika.

Nilikha ang Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) upang makalikha ng mekanismo sa pagtukoy, pagpili, at pagbibigay ng karampatang pagkilala at gantimpla sa mga empleado at/o grupo ng empleado na nagpamalas ngkatangi-tanging paglilingkod sa ahensiya na naging dahilan para maging produktibo ang Komisyon at mapadali at mapaunlad ang serbisyo ng gobyerno. Ang kabuuang gabay hinggil sa PRAISE ay makikita sa Yunit ng Kasulatan, Yunit Pantauhan, Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi, at Aklatan.

Dulugán ng Hinaing

Tungkulin ng Dulugán ng Hinaing (Grievance Machinery) na tumuklas o humanap ng pinakamahusay na paraan upang tugunan ang tiyak na karaingan ng mga kawani. Sa pangkalahatan, layunin ng Dulugán ng Hinaing na makalikha ng isang kaligiran sa pagtatrabaho na angkop sa magandang ugnayang superbisor-kawani at pagpapalakas sa moral ng mga kawani.

Layunin nitong maipatupad at mapalakas ang umiiral nadulugán ng hinaing ng tanggapan; malutas ang mga karaingan sa posibleng pinakamababang nibel sa organisasyon; at magsilbing tagapaghatid ng pagbabago para mapaunlad ang mga kakayahan ng mga tauhan sa paglutas ng mga hidwaan, lalo na sa hanay ng mga superbisor sa tanggapan

Ang kabuuang gabay hinggil sa Dulugán ng Hinaing ay makikita sa Yunit ng Kasulatan, Yunit Pantauhan, Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi, at sa Aklatan.

Page 52: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

44 KWF ManWal sa OperasyOn

Lupon ng Imbestigasyong Pandisiplina

Tungkulin ng Lupon ng Imbestigasyong Pandisiplina na aksiyonan ang lahat ng reklamo na maaaring magmula sa disciplining authority o pamunuan o sa kapuwa kawani. Ang kabuuang gabay hinggil sa Lupon ng Imbestigasyon ay makikita sa Yunit ng Kasulatan, Yunit Pantauhan, Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi, at Aklatan.

Committee on Decorum and Investigation of Sexual Harassment

Ang bawat pambansang ahensiya ng pamahalaan ay kinakailangang magkaroon ng Committee on Decorum and Investigation (CODI) at tungkulin nito ang sumusunod:

1. Tumanggap ng mga reklamo hinggil sa sexual harassment;

2. Imbestigahan ang mga reklamo hinggil sa sexual harassment alinsunod sa itinakdang panuntunan;

3. Magsumite ng ulat hinggil sa naging resulta ng imbestigasyon at rekomendasyon sa tagadisiplinang awtoridad para sa kaniyang desisyon; at

4. Manguna sa pagkakaroon ng mga talakayan hinggil sa seksuwal harassment sa loob ng ahensiya o institusyon upang higit na mapalalim ang pang-unawa hinggil dito at maiwasan ang insidente ng seksuwal harassment.

Ang kabuuang gabay hinggil sa CODI ay makikita sa Yunit ng Kasulatan, Yunit Pantauhan, Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi, at Aklatan.

Page 53: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

45KWF ManWal sa OperasyOn

Lupon sa Proyekto, Monitoring, at Ebalwasyon

Alituntunin ng Lupon sa Proyekto, Monitoring, at Ebalwasyon

Sa pamamagitan ng Memorandum Blg. 2015-233, binubuwag ang dáting Komite sa Pagrerepaso at Pagsubaybay sa Proyekto at nilikha ang Lupon (samakatwid, Lupon) sa Proyekto, Monitoring, at Ebalwasyon. Sa pamamagitan ng Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner bilang 15-21 at DBM Badyet Sirkular bilang 560, nilikha ang Alituntunin ng Lupon sa Proyekto, Monitoring, at Ebalwasyon.

Pangkalahatang layunin ng Lupon na tayahin kung dapat itaguyod ng KWF ang isang proyekto at sundan at tingnan ang buong proseso ng implementasyon at ebalwasyon nitó. I. Kasapian ng Lupon

Ang lupon ay binubuo ng isang (1) tagapangulo, isang (1) kalihim, (1) Kasapi ng GAD Focal Point System (GFPS), at tatlo pang kasapi.

A. Mga tungkulin ng tagapangulo

1. Mangasiwa sa pulong ng Lupon.2. Kolektahin ang panukalang proyektong inendoso ng Fultaym Komisyoner para sa Programa at Proyekto (FKPP).3. Mag-endoso ng mga kapasiyahan ng Lupon sa FKPP at sa KWF Tagapangulo.4. Mag-endoso ng aprobadong proyekto sa Tanggapan ng Direktor Heneral.5. Magpatawag ng espesyal na mga pulong labas sa nakaiskedyul na lingguhang pulong kung kinakailangan.

B. Mga tungkulin ng kalihim

1. Magtatalâ ng mapag-uusapan sa pulong.2. Magsusumite ng mga ulat sa tagapangulo ng Lupon para sa pagsusuri at pagpapatibay.

II. Pagbuo ng Panukalang Proyekto

A. Format (tingnan ang Annex A.)

1. Nilalaman

Pamagat ng Proyekto—hangga’t maaari ay maikli at naglalarawan sa kabuuan ng proyekto

Page 54: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

46 KWF ManWal sa OperasyOn

Proponent—pangalan, katungkulan, at sangay na kinabibilangan ng nagpanukala

Lugar—pook ng pagsasakatuparan

Panahon—tagal ng implementasyon ng proyekto

Panukalang Badyet—kaukulang pondo/ gastusin na kailangan

Rasyonal—batayang legal ng proyekto o gawain

Deskripsiyon—pagbibigay ng katangian ng panukalang proyekto at mga aktibidad kaakibat ng implementasyon.

Layunin ng Proyekto—tiyak na kahalagahan ng proyekto Target Awtput—mga nais matamo ng proyekto

Benepisyo—inaasahang makikinabang

Mga Dagdag na Pahina:

Badyet—naka-breakdown ang halaga ng bawat aytem na popondohan at nakasulat sa Layn Aytem Badyet na mga detalye (Annex A)

Deskripsiyon ng mga Gawain (Annex B)

Talatakdaan ng mga Gawain at color-coded na GANTT Chart (Annex C)

Instrumento ng Ebalwasyon (Evaluation Instrument) (Annex D)

B. Inaasahang katangian ng panukalang proyekto

1. Tumutupad sa mandato ng KWF para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ibang mga wika sa Filipinas.

2. Tumutugon sa mga gampanin ng bawat sangay ng KWF.

3. Sensitibo at tumutugon sa gender:

a. walang pagkiling sa lahat ng kasarianb. paglahok ng mga babae at lalakic. koleksiyon at paggamit ng sex-disaggregated data para sa gender analysisd. tumutugon sa mithiing igwaldad ng kasarian.

Page 55: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

47KWF ManWal sa OperasyOn

4. Nakapaloob sa isinumite ng KWF at pinagtibay ng DBM na Organizational Performance Indicators Framework (OPIF)5. Sinangguni ang mga Memorandum Circular at Rules ng DBM at COA para sa pagkakaloob ng pondo ng bawat aytem ng bayarin. (Maaaring sangguniin ang KWF Manwal sa Operasyon ng ahensiya.)

6. Paglalahok ng 3% pondo ng monitoring at ebalwasyon sa kabuuang badyet ng proyekto.

III. Pagsusumite ng Proyekto

A. Ang pagbuo ng taunang plano para sa mga patuluyang proyekto ay mangyayari sa Palihan sa Plano at Badyet tuwing Oktubre ng bawat taon. Ang taunang plano na mabubuo ay aaprobahan sa pamamagitan ng pagpapatibay ng OPCR ng ahensiya para sa buong taon. Ang aprobadong OPCR ang siyang pagbabatayan ng Lupon ng mga iaaprobang proyekto para sa buong taon.

B. Batay sa mga aprobadong proyekto sa A, magsusumite ang mga proponent ng mga espesipikong proyekto isang (1) buwan bago ang petsa ng implementasyon ng proyekto sa Tanggapan ng FKPP.

Magbibigay ng justification ang proponent kung naisumite sa Tanggapan ng FKPP ang proyekto ilang linggo o ilang araw bago ang implementasyon nitó.

C. Tiyaking may endoso ng immediate supervisor ang isusumiteng panukala.

D. Tiyaking kalakip ang mahahalagang kailangan sa proyekto (hal. sulat, rekomendasyon, at iba pa).

E. Isaalang-alang ang makabuluhan at praktikal na mga hustipikasyon ng proponent na may konsultasyon sa Direktor Heneral, FKPP, at sa Tagapangulo.

IV. Pag-endoso sa Lupon

A. Ieendoso ng FKPP ang panukalang proyekto batay sa kaniyang inisyal na pagtatáya sa proyekto.

B. Ibabalik ng FKPP ang panukalang proyekto sa proponent kung kaniyang nakitang may kulang o kailangang linawin. Kinakailangang ibalik ang narebisang panukala sa loob ng dalawang araw.

C. Tatanggapin ng Tagapangulo o Kalihim ang mga panukalang proyektong nakapasá sa pagtáya ng FKPP.

Page 56: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

48 KWF ManWal sa OperasyOn

V. Mga Gampanin ng Lupon

A. Pagpupulong

1. Magpupulong ang Lupon linggo-linggo, tuwing Huwebes mula 9 nu–3 nh, na may sumusunod na adyenda:

a. Pagribyu ng mga panukalang proyektob. Pag-aproba ng mga panukalang proyektoc. Pag-uulat tungkol sa mga sinusubaybayan at proyektong binibigyan ng ebalwasyon.d. Pagbuo at pagpapatibay ng kapasiyahan hinggil sa sinubaybayang mga proyekto.e. Pagbuo at pagpapatibay ng mga proyektong sumailalim sa ebalwasyon.

2. Magkakaroon ng internal na sistema ang Lupon sa pagdodokumento ng mga panukalang proyekto. Gagamitin ang format na 15-xxx para sa kowd ng mga panukalang proyekto. Inaasahang magkakaroon ng database ng mga panukalang proyekto ang tagapangulo at kalihim.

3. Lahat ng kasapi ay kinakailangang dumalo sa bawat pulong ng Lupon, maliban kung may opisyal na lakad, naka-leave, o absent ang kasapi. Tiyakin lámang na nakasaad ito sa mga opisyal na dokumentong ilalabas ng Lupon. Hindi maaaring magpulong ang Lupon kung walang quorum o 50% + 1 kasapi ang dumalo.

4. Inaasahang bawat kasapi ng Lupon ay magmumungkahi sa tiyak na mga detalye ng proyekto. Itatalâ ng kalihim ang mga komentong ito para sa kaukulang pagpapatibay ng Lupon.

5. Maaaring ipatawag ng Lupon ang proponent kung may malabo o kulang na detalye tungkol sa proyekto.

6. Kung nakita ng Lupon na may kailangang irebisa sa proyekto, ibabalik ang panukala sa proponent para sa kaukulang aksiyon.

7. Ipababatid ng Lupon sa proponent ang panukalang proyektong hindi nakapasá sa kanilang pagrepaso.

8. Magsusumite ang Lupon ng katitikan ng pulong sa FKPP.

B. Pag-aproba ng Proyekto

1. Lalagda sa Form sa Aprobasyon (Tingnan sa Annex B ang halimbawa) ang lahat ng kasapi ng Lupon na sang-ayon na maaprobahan ang proyekto. Kinakailangang makakuha ng hindi bababâ sa apat (4) o 50% + 1 na kasapi ang mag-aaproba

Page 57: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

49KWF ManWal sa OperasyOn

ng proyekto. Kung may kasaping hindi sang-ayon sa inaprobahang proyekto, kinakailangan niyang magsumite ng hustipikasyon sa hindi pagsang-ayon.

2. Kinakailangang mag-inhibit ng kasapi kapag niriribyu na ang kaniyang panukalang proyekto o ang proyekto ng kaniyang sangay.

3. Ang mga aprobadong proyekto ay ieendoso sa Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi para sa inisyals ng punò nitó.

4. Ipadadala sa Yunit ng Rekords para sa awtentikasyon at pagbibigay ng kopya sa mga kinauukulan para sa implementasyon ng proyekto;

5. Makatatanggap ang proponent ng kopya ng kaniyang aprobadong proyekto isang linggo matapos itong pagpulungan ng Lupon.

C. Mga Proyektong Kailangan ang Resolusyon ng Kalupunan ng mga Komisyoner

1. Ang mga proyektong nagkakahalaga ng PHP500,000.00 at higit pa, bukod sa mga pagdiriwang ng Araw ni Balagtas, Buwan ng Wikang Pambansa, at Buwan ng Panitikan.

2. Mga proyektong grant-out na ang nagpanukala ay mula sa labas ng KWF at pagkakalooban ng pondo tulad ng mga proyekto ng mga SWK ng KWF.

3. Mga proyektong tie-up o pakikipagtulungan sa iba pang mga organisasyon at institusyong pangwika.

D. Pagsusumite ng Terminal Report

1. Bawat proponent ay kinakailangang magsumite ng terminal report ng kanilang proyekto sa Tanggapan ng FKPP nang hindi tatagal sa tatlumpung (30) araw pagkatapos ang implementasyon ng proyekto. (Tingnan ang Annex E para sa format ng Terminal Report.)

2. Ieendoso ng FKPP ang mga terminal report sa Lupon para sa dokumentasyon at sanggunian sa ebalwasyon ng naturang proyekto.

3. Makatatanggap ng pabatid ang proponent at ang immediate supervisor nitó kung hindi nakapagsumite ng terminal report.

VI. Pagsubaybay ng mga Proyekto

A. Susubaybayan ng Lupon ang lahat ng proyektong isinasagawa ng ahensiya. Inaasahang magpapása ang Tagapangulo ng lupon, o kung sinuman ang itatalaga sa Lupon, ng talapanahunan ng mga proyekto ng ahensiya.

Page 58: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

50 KWF ManWal sa OperasyOn

B. Bawat kasapi ay nakatalagang magmonitor ng mga proyekto. Dalawang kasapi ang itatalaga para sa spot checking ng mga proyekto. Itatalaga rin ang SWK sa pagsubaybay at bibigyan ng kaukulang honoraryum mula sa 3% M & E pondo. Pagpupulungan ng Lupon ang pagtatalaga ng mga proyekto at inaasahang makapag-uulat ang bawat kasapi tuwing ikatlong Huwebes ng buwan.

Maaaring nakadepende sa tagal ng implementasyon ng isang proyekto ang pagsubaybay nitó. Halimbawa, kung isang buwan lámang magtatagal ang paggawa ng isang proyekto, sapat na ang minsang pagmonitor dito. Kung magtatagal ng anim na buwan o isang taon ang isang proyekto, kinakailangan ng higit sa dalawang beses na pagsubaybay dito.(Iba ito sa spot checking ng implementor.)

Sa mga proyektong ang proponent ay kasapi ng Lupon, itatalaga sa ibang kasapi ang pagsubaybay ng kaniyang proyekto.

Itinatakda ang ikatlong Huwebes para sa pangkalahatang pulong hinggil sa pagsubaybay at ebalwasyon ng mga proyekto. Kinakailangang dumalo ng Opisyal sa Badyet sa pulong na ito.

C. Susubaybayan ng Lupon ang mga proyekto sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan:

1. Pagtupad sa layunin ng proyekto. (Effectiveness)

2. Pagtiyak kung nasunod ng proponent ang iskedyul ng proyekto. (Timeliness) Ibabatay ng tagasubaybay ang iskedyul batay sa isinumiteng talatakdaan sa panukalang proyekto.

3. Paggamit ng badyet. (Budget utilization) Titiyakin ng tagasubaybay kung sumusunod sa layn aytem badyet, kung underspending o overspending ang proyekto, at kung wasto ang paggamit ng pondo.

4. Pag-abot sa targets. Titiyakin ng tagasubaybay kung naabot ng proponent ang targets sang-ayon sa iskedyul ng proyekto.

5. Mungkahing aksiyon ng tagasubaybay. (Tingnan ang Annex C para sa pormularyo sa pagsubaybay ng proyekto.)

D. Titipunin sa pulong ang mga mungkahi sa bawat proyekto, bubuo ng kapasiyahan, at isusumite sa FKPP para sa kaniyang karampatang aksiyon. Kung makikita ng tagasubaybay na masamâng-masamâ ang resulta ng pagsubaybay, kailangang kagyat na pulungin ang implementor para ipaalam ang resultang ito.

Page 59: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

51KWF ManWal sa OperasyOn

VII. Ebalwasyon ng mga Proyekto

A. Sasailalim sa ebalwasyon ng Lupon ang lahat ng proyektong isinagawa ng ahensiya at mga proyektong napagtibay ng Kalupunan labas ng KWF.

B. Bawat kasapi ay nakatalagang magsagawa ng ebalwasyon ng mga proyekto. Dalawa ang itatalagang kasapi na magsagawa ng ebalwasyon ng mga proyekto. Pagpupulungan ng Lupon ang pagtatalaga ng mga proyekto at inaasahang makapag-uulat ang nagsasagawa ng ebalwasyon tuwing ikatlong Huwebes ng buwan.

Sa mga proyektong ang proponent ay kasapi ng Lupon, itatalaga sa ibang kasapi ang ebalwasyon ng kaniyang proyekto.

C. Magsasagawa ang Lupon ng ebalwasyon sa mga proyekto sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan:

1. Bisa ng proyekto (Effectiveness of the project). Kabílang dito ang pagtupad sa layunin ng proyekto, epekto sa stakeholders o benepisyado ng proyekto, kongkretong epektong panlipunan (social impact), at metodo/paraan ng implementasyon ng proyekto.

2. Efficiency. Kabílang dito ang mabisang paggamit ng badyet (budget utilization), pagsunod sa talatakdaan, at sistematikong daloy ng mga aktibidad ng proyekto.

3. Outcome/Resulta ng proyekto. Kinakailangang nasusukat (measurable) ang resulta ng proyekto upang maikompara ito sa itinakdang target.

4. Mungkahing aksiyon ng evaluator. (Tingnan ang Annex D para sa pormularyo sa ebalwasyon ng proyekto.)

D. Titipunin sa pulong ang mga ebalwasyon sa bawat proyekto, bubuo ng kapasiyahan, at isusumite sa Komisyoner para sa Programa at Proyekto para sa kaniyang karampatang aksiyon.

VIII. Iba pa

A. Realignment ng Layn Aytem Badyet

1. Maaaring mag-realign ng badyet bago o hábang isinasagawa ang proyekto.

2. Lumiham sa FKPP at Lupon (nakatawag-pansin) hinggil sa hiling na realignment. Ilahok sa hiling ang sumusunod:

a. Justification hinggil sa realignmentb. naka-realign na Layn Aytem Badyetc. aprobadong Layn Aytem Badyet

Page 60: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

52 KWF ManWal sa OperasyOn

3. Kapag nakapasá sa pagtatáya ng FKPP ang realignment, ieendoso ito sa Lupon.

4. Ilalahok ng Lupon ang hiling sa realignment sa kanilang pagrepaso.

5. Sasailalim ang hiling sa realignment sa prosesong nakasaad sa Seksiyon V letra B.

B. Kahilingan sa Addendum

1. Maaaring mag-addendum ng badyet bago o hábang isinasagawa ang proyekto.

2. Lumiham sa FKPP at Lupon (nakatawag-pansin) hinggil sa hiling na addendum. Ilahok sa hiling ang sumusunod:

a. Justification hinggil sa realignmentb. naka-realign na Layn Aytem Badyetc. aprobadong Layn Aytem Badyet

3. Kapag nakapasá sa pagtatáya ng FKPP ang addendum, ieendoso ito sa Lupon.

4. Ilalahok ng Lupon ang hiling sa addendum sa kanilang pagrepaso. Sa pagrepaso, isasaalang-alang ng Lupon ang pangkalahatang badyet (overall budget) ng proyekto (kung ito ay taunang proyekto) o kung may pondo pang maaaring gamitin sang-ayon sa datos ng pagsubaybay at ebalwasyon ng mga proyekto.

5. Sasailalim ang hiling sa addendum sa prosesong nakasaad sa Seksiyon V letra B. (Tingnan ang Annex F para sa Form sa Aprobasyon ng mga proyektong may addendum)

C. Mga Proyektong Mula sa Labas

1. Sang-ayon sa Seksiyon 14 letra e ng Batas Republika bilang 7104 ay maaaring maggawad ng grant o insentibo ang KWF sa mga organisasyon sa labas ng ahensiya: “encourage and promote, through a system of incentives, grants and awards, the writing and publication, in Filipino and other Philippine languages, of original works, including textbooks and reference materials in various disciplines.”

2. Tatanggap ang ahensiya ng mga panukalang proyekto (para sa susunod na taon) hanggang huling araw ng Setyembre upang matipon at mailahok ito sa mga proyektong tatasahin sa Palihan sa Plano at Badyet tuwing Oktubre.

3. Ang panukalang proyekto na isusumite ng mga organisasyon ay kinakailangang maglakip ng sumusunod:

a. Liham-pabatid na nagpapakilala sa organisasyon at panukalang proyekto. b. Panukalang Proyekto (Tingnan ang Seksiyon II)

Page 61: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

53KWF ManWal sa OperasyOn

c. Profayl ng Organisasyond. Saligang Batas ng Organisasyone. Medyo-Matagalang Plano / Pangmatagalang Plano ng Organisasyon

4. Isusumite sa Tanggapan ng FKPP ang naturang mga proyekto para sa kaniyang inisyal na pagtatáya.

5. Kapag nakapasá sa inisyal na pagtatáya ng FKPP ang panukalang proyekto, ieendoso ito sa Lupon para sa kanilang pagrepaso.

6. Ilalahok ng Lupon ang panukalang proyekto sa kanilang adyenda. Tatasahin ng Lupon ang panukalang proyekto alinsunod sa: (1) katangian ng panukalang proyekto na nakasaad sa Seksiyon II letra b; at (2) pagsuri sa mga kalakip na dokumentong isinumite ng organisasyon.

7. Kapag nakapasá sa pagtáya ng Lupon, maglalakip ng form sa aprobasyon at lalagdaan sa kaukulang mga indibidwal ang form para sa kanilang pagpapatibay.

8. Ieendoso sa Tagapangulo at FKPP ang mga panukalang proyekto na hindi nakapasá sa pagtáya ng Lupon kalakip ang borador ng opisyal na liham na ipadadala sa proponent ng proyekto.

9. Bibigyan ng Yunit ng Rekords ng kopya ng aprobadong panukalang proyekto ang proponent.

10. Magtatalaga ang Tagapangulo ng tagapag-ugnay para sa mga aprobadong proyekto ng mga organisasyong sa labas nga ahensiya.

11. Kinakailangang magsumite ng terminal report at dokumentasyon ang organisasyon sang-ayon sa tuntuning nakasaad sa Seksiyon V letra D.

12. Sasailalim sa pagsubaybay at ebalwasyon ng Lupon ang mga proyekto ng mga organisasyon gaya ng nakasaad sa Seksiyon VI at VII.

Page 62: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

54 KWF ManWal sa OperasyOn

ANNEX APANUKALANG PROYEKTO

1. PAMAGAT :2. PROPONENT :3. LUGAR :4. PANAHON :5. PANUKALANG PONDO :6. RASYONAL_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

7. DESKRIPSIYON_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

8. LAYUNIN NG PROYEKTO_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

9. TARGET AWTPUT_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

10. BENEPISYO/ MAKIKINABANG_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

11.BADYET/ KAUKULANG PONDO_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Isinumite ni: Inendoso ni:

_____________________________ _____________________Pangalan at Lagda ng Proponent Pangalan at Lagda ng Immediate Supervisor ______________________Petsa ng pagsumite

Page 63: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

55KWF ManWal sa OperasyOn

LAYN AYTEM BADYET(Annex A)

Pamagat ng Proyekto: ________________________________________________Proponent: ________________________________________________

DETALYE PARTIKULAR PANGGAGALI-NGANNG PONDO

HALAGA

I. Serbisyong Propesyonal (Honorarya )

Blg. ng tao x rate x araw/buwan

II.Pangangasiwa at Ibang Gastos sa Operasyon

a) TRAVEL / TRANSPORTASYON

b)PAGKAIN

c) AKOMODASYON

d) KOMUNIKASYON

e) SUPLAYS AT MATERYALES

f) RENTA

g) IBANG SERBISYO(printing, etc.)

Blg. ng tao x rate x araw/buwan

Blg. ng tao x rate x araw/buwan

Blg. ng tao x rate x araw/buwan

Blg. ng liham x rate

venue, vehicle, equipment, etc. x rate/hr./day

III. pondo ng M & E

IV.KONTINDYENSI

3% ng kabuuang halaga ng proyekto

10% ng Kabuuang Halaga ng Proyekto

Kabuuang Halaga

(Maaaring gumamit ng hiwalay na papel na ganito rin ang anyo kung kinakailangan)

Page 64: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

56 KWF ManWal sa OperasyOn

DESKRIPSIYON NG MGA GAWAIN NG PROJECT STAFF

(Annex B)

Pamagat ng Proyekto: ________________________________________________

Proponent: ________________________________________________

(Maaaring gumamit ng hiwalay na papel na ganito rin ang anyo kung kinakailangan)

Katungkulansa Proyekto

Mga Gawain Inaasahang Awtput/Serbisyo

Page 65: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

57KWF ManWal sa OperasyOn

TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN(Annex C)

Pamagat ng Proyekto: ________________________________________________

Proponent: ________________________________________________

(Maaaring gumamit ng hiwalay na papel na ganito rin ang anyo kung kinakailangan)

Deskripsiyon ng Gawain

Mula Hanggang Inaasahang Awtput

Page 66: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

58 KWF ManWal sa OperasyOn

INSTRUMENTO NG EBALWASYON(Annex D)

Page 67: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

59KWF ManWal sa OperasyOn

Annex BFORM SA APROBASYON

Pamagat ng Proyekto : Nagpanukala : Kabuuang Halaga ng Proyekto: Petsa ng Implementasyon :

KAPASIYAHAN NG KOMITE : Narepaso kalakip ang buod ng proyekto, iminumungkahing pagtibayin at pagkalooban ng pondo na nagkakahalagang __________________________________________ na sasailalim sa kaukulang pagtutuos at pag-aawdit.

LUPON SA PROYEKTO, MONITORING, AT EBALWASYON

Tagapangulo Kasapi Kasapi

Kasapi Kasapi

Iminumungkahing Pagtibayin:

Direktor Heneral

Fultaym Komisyoner para sa mga Programa at Proyekto

Pinatutunayang may pondo: ________________(ilagay dito kung saang patuluyang proyekto nakatsards)

Budget Officer III Accountant III

Pinagtibay:

Tagapangulo

Page 68: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

60 KWF ManWal sa OperasyOn

ANNEX C

PORMULARYO SA PAGSUBAYBAY NG PROYEKTO*

Pamagat ng Proyekto:Aprobadong Badyet:Iskedyul:

*May unannounced spot checking component

Pangalan ng Tagasubaybay at LagdaPetsa

Kategorya Espesipikong Detalye Obserbasyon

Layunin

Iskedyul

Paggamit ng Badyet

Pag-abot sa Targets

Mungkahing Aksiyon

Page 69: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

61KWF ManWal sa OperasyOn

ANNEX DPORMULARYO SA EBALWASYON NG PROYEKTO*

Pamagat ng Proyekto:Aprobadong Badyet:Iskedyul:

*Magsumite ang bawat sangay ng feedback evaluation instrument ng proyekto.

Pangalan at Lagda ng Nag-evaluate Petsa

Kategorya Obserbasyon

Bisa ng proyekto (effectiveness)(datos mula sa implementor)

Efficiency(datos mula sa implementor)

Outcome/Resulta ng proyekto(datos mula sa implementor)

Mungkahi

Page 70: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

62 KWF ManWal sa OperasyOn

ANNEX ETERMINAL REPORT

1. PAMAGAT :2. PROPONENT :3. LUGAR :4. PANAHON NG IMPLEMENTASYON :5. PINAGTIBAY NA PONDO :

6. RASYONAL_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

7. DESKRIPSIYON_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

8. LAYUNIN NG PROYEKTO_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

9. AKTUWAL AWTPUT (maaaring maglakip ng attachment)_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

10. NAKINABANG_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Isinumite ni: Inendoso ni:_____________________________ _____________________Pangalan at Lagda ng Proponent Pangalan at Lagda ng Immediate Supervisor

______________________Petsa ng pagsumite

Page 71: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

63KWF ManWal sa OperasyOn

AKTUWAL NA PAGGUGOL(Annex A)

Pamagat ng Proyekto: ________________________________________________Proponent: ________________________________________________

(Maaaring gumamit ng hiwalay na papel na ganito rin ang anyo kung kinakailangan)

DETALYE PARTIKULAR HALAGA

I. Serbisyong Propesyonal (Honorarya )

Blg. ng tao x rate x araw/buwan

II.Pangangasiwa at Ibang Gastos sa Operasyon

a) TRAVEL / TRANSPORTASYON

b)PAGKAIN

c) AKOMODASYON

d) KOMUNIKASYON

e) SUPLAYS AT MATERYALES

f) RENTA

g) IBANG SERBISYO(printing, etc.)

Blg. ng tao x rate x araw/buwan

Blg. ng tao x rate x araw/buwan

Blg. ng tao x rate x araw/buwan

Blg. ng liham x rate

venue, vehicle, equipment, etc. x rate/hr./day

III. pondo ng M & E

IV.KONTINDYENSI

3% ng kabuuang halaga ng proyekto

10% ng Kabuuang Halaga ng Proyekto

Kabuuang Halaga

Page 72: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

64 KWF ManWal sa OperasyOn

DESKRIPSIYON NG MGA GAWAIN NG PROJECT STAFF

(Annex B)

Pamagat ng Proyekto: ________________________________________________

Proponent: ________________________________________________

(Maaaring gumamit ng hiwalay na papel na ganito rin ang anyo kung kinakailangan)

Katungkulansa Proyekto

Mga Gawain Awtput/Serbisyo

Page 73: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

65KWF ManWal sa OperasyOn

AKTUWAL NA TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN(Annex C)

Pamagat ng Proyekto: ________________________________________________

Proponent: ________________________________________________

(Maaaring gumamit ng hiwalay na papel na ganito rin ang anyo kung kinakailangan)

Deskripsiyon ng Gawain

Mula Hanggang Awtput

Page 74: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

66 KWF ManWal sa OperasyOn

RESULTA NG EBALWASYON(Annex D)

Page 75: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

67KWF ManWal sa OperasyOn

Annex FFORM SA APROBASYON

Pamagat ng Proyekto : Nagpanukala : Kabuuang Halaga ng Proyekto: Petsa ng Implementasyon :

KAPASIYAHAN NG KOMITE : Narepaso kalakip ang buod ng proyekto, iminumungkahing pagtibayin ang addendum at pagkalooban ng pondo na nagkakahalagang __________________________________________ na sasailalim sa kaukulang pagtutuos at pag-aawdit.

LUPON SA PROYEKTO, MONITORING, AT EBALWASYON

Tagapangulo Kasapi Kasapi

Kasapi Kasapi

Iminumungkahing Pagtibayin:

Direktor Heneral

Fultaym Komisyoner para sa mga Programa at Proyekto

Pinatutunayang may pondo: ________________(ilagay dito kung saang patuluyang proyekto nakatsards)

Budget Officer III Accountant III

Pinagtibay:

Tagapangulo

Page 76: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

68 KWF ManWal sa OperasyOn

Patnubay hinggil sa Sentro ng Wika at Kultura ng KWF

1. Pamagat. Ang panuntunang ito ay tatawaging “Patnubay Hinggil sa Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ng Komisyon sa Wikang Filipino.”

2. Rasyonal

2.1 Mandato ng Komisyon sa Wikang Filipino

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang nag-iisang ahensiyang pangwika ng pamahalaan na nakatuon sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Filipinas. Bilang ahensiyang nása ilalim ng pangangasiwa ng Tanggapan ng Pangulo, nilikha ang KWF upang magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga saliksik at mga proyekto para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Filipinas.

Isang paraan ng pagganap sa mandatong ito ay pakikipag-ugnayan sa mga paaralan at iba pang institusyon bílang katuwang ng ahensiya para palawakin ang saklaw ng KWF sa pagtupad ng mga gawain, tungkulin, at pananagutan sa pamahalaan.

2.1.1 Misyon ng KWF

“Itaguyod ang patuloy na pag-unlad at paggamit ng Filipino bilang wikang pambansa habang pinapangalagaan ang mga wikang katutubo ng Filipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng sambayanang Filipino.”

2.1.2 Bisyon ng KWF

Wikang Filipino: Wika ng Dangal at Kaunlaran

2.2 Kahalagahan ng Sentro ng Wika at Kultura

Ang pakikipag-ugnayan ng KWF sa pagtatatag ng mga SWKsa iba’t ibang estadong unibersidad at kolehiyong Filipinas ay pag-alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas 1987 Artikulo 14 Seksiyon 9 na nagsasaad na: “Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili” at ngArtikulo 14 Seksiyon 17 na nagtatadhanang “[d]apat kilalanin, igalang, at pangalagaan ng Estado ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa pagpapanatili at pagpapayaman ng kanilang mga kultura, tradisyon, at mga

Page 77: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

69KWF ManWal sa OperasyOn

institusyon. Dapat isaalang-alang ang mga karapatang ito sa pagbabalangkas ng mga pambansang plano at mga patakaran.”

Makaaagapay ang SWK sa bawat rehiyon, lalawigan, o bayan sa adhikain ng KWF na kilalanin at patatagin ang pamanang kultural tungo sa pagpapaunlad ng wikang katutubo at preserbasyon nitó. Sa pamamagitan ng SWK, mapasisigla at higit na tatangkilikin ng Estado ang mga saliksik at pag-aaral tungkol sa mga sining at kultura sa isang rehiyon, lalawigan, o bayan at sa dakilang hangaring magamit ang Filipino sa saliksik lalo na sa mga lárang akademiko.

3. Batayan ng SWK

Ang SWKang bagong sangay ng KWF sa mga rehiyon, lalawigan, at bayan alinsunod sa pinagtibay na Kapasiyahan ng mga Komisyoner Blg. 13-22 serye 2013 na pinamagatang “Pinagtitibay ang Kapasiyahan sa Reoryentasyon ng Sentro ng Wika at Kultura ng KWF.” Ipinahihiwatig mismo ng bagong pangalan ang bago at higit na malawak na oryentasyon ng SWK sa ilalim ng pangangasiwa ng KWF. Bukod sa mga gampaning pangwika, ang SWK ay inaasahang lumahok at manguna sa pagsusulong ng mga katangiang pangkultura ng pook (bayan, lalawigan, o rehiyon) na kinalalagyan nito. Ipinapakitasa pamamagitan ng naturang reoryentasyon sa direksiyon ng Sentro ang pananalig ng KWF sa wika bílang aktibong bahaging búhay ng sambayanan at sa gayon ay imbakan ng karunungan at karanasan ng lipunan. Kultura ang nilalaman ng wika, kayâ higit na kongkretong saliksikín at pahalagahan ang wika kaugnay ng kultura ng madlang gumagamit nitó tungo sa layuning magamit ang Filipino na pangunahing midyum sa saliksik lalo sa mga larang akademiko.

Ang pagbuo ng SWK ay pagtupad sa isinasaad sa seksiyon 14 letra G ng Republic Act no. 7104 o An Act Creating the Commission on the Filipino Language Prescribing Its Powers, Duties and Functions, Appropriating Funds Therefore, and for Other Purposes na:g. call on any department, bureau, office, agency or any instrumentality of government or on any private entity, institution or organization for cooperation and assistance in the performance of its functions, duties and responsibilities.

Gayundin, isinasaad ng Seksiyon 17 ng Binagong mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad sa Batas Republika blg. 7104 na “[a]ng Komisyon ay magtatatag, magpapakilos, at magpapanatili ng mga Sentro ng Komisyon alinsunod sa pangangailangang pampananaliksik sa isang rehiyon, lalawigan, o pook, dili kayâ’y para sa isang lárang o disiplina na kailangang bigyan ng tanging pansin at paglinang upang ipatupad sa antas lokal ang mga patakaran, programa, at proyekto ng Komisyon.”

Page 78: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

70 KWF ManWal sa OperasyOn

3.1 Kinalalagyan ng SWK sa KWF

Ang SWK ay ipaiilalim sa pangangasiwa at tuwirang koordinasyon ng Tanggapan ng Tagapangulo na magtatalaga ng tagapag-ugnay nito. Pamamahalaan ng nasabing tanggapan ang pakikipag-ugnayan sa mga programa at proyekto ng KWF tungo sa pagsasakatuparan at diseminasyón sa pamamagitan ng SWK.

Adhikain ng SWK

“Isulong at payabungin ang katangiang pangwika at pangkultura ng pook na kinalalagyan nitó habang pinalalaganapang wikang Filipino.”

3.2 Tungkulin ng SWK sa Rehiyon/Lalawigan/Bayan

Ang SWK ay magsasagawa ng sumusunod na mga tungkulin:

(a) Manguna at lumahok sa pagsusulong ng mga katangiang pangkultura ng pook (bayan, lalawigan, o rehiyon) na kinalalagyan nitó.

(b) Manguna at magsagawa ng mga proyekto sasaliksik, pagdiriwang, pag-aaral, at eksibisyon ng wika at kultura ng naturang pook.

(c) Manguna at magsagawa ng saliksik sa larang akademiko gaya ng agham panlipunan, agham pangkalikasan, at matematika sa wikang Filipino, at sikaping makatulong sa bagay na ito ang yunit saliksik ng unibersidad o kolehiyo.

(d) Makipagtulungan sa mga lalawigan, rehiyon, o bayan sa loob ng kinaroroonang unibersidad lalo na sa mga kapisanang pang-estudyante at pangguro, mga kolehiyo at sentro para sa ibang larang akademiko, alumni association, PTA, at katulad.

(e) Magtatag ng matalik na ugnayan at pakikipagtulungan sa mga institusyon sa loob at labas ng paaralan, rehiyon, lalawigan, at bayan gaya sa DepEd, CHED, TESDA, DOT, NCIP, DILG, samahang masang mga katutubo, at pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Indigenous People’s Mandatory Representative (IPMR), tungo sa katuparan ng mga adhika pangwika at pangkultura nitó.

(f ) Magtaguyod sa lahat ng kampanya at proyekto ng KWF, lalo na sa pagpapalaganap ng wikang Filipino at sa pangangalaga sa kapakanan ng mga guro sa Filipino.

(g) Mangasiwa ng mga aktibidad para sa KWF, gaya ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, Araw ni Balagtas, mga kumperensiya at pagsasanay ng mga

Page 79: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

71KWF ManWal sa OperasyOn

guro, seminar, palihan, gawad, timpalak, at katulad para sa pagpapalaganap ng wikang Filipino nang may kaukulang pahintulot ng KWF.

3.3 Mga Programa at Serbisyo ng SWK

(a) Manguna at magtaguyod ng mga programana magtatanghal ng identidad at pagsusulong ng kultura ng pook na kinalalagyan.

(b) Pasiglahin ang tangkilik ng Estado sa pamamagitan ng makabuluhang mga saliksik at pag-aaral tungkol sa wika at kultura ng pook.

(c) Ipabatid sa madla ang mga kalakaran, patakaran, at programang pangwika upang mapahusay ang paraan ng pagtuturo ng mga guro at maunawaan ng mga estudyante o pangkalahatang publiko.

(d) Tumulong at pumatnubay sa pagsasagawa ng mga pambansa/panrehiyong proyekto at programa ng KWF.

(e) Taunang isulong at pangasiwaan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at pag-alaala sa Araw ni Balagtas at katawanin ang KWF sa pagtupad ng mga pangunahing programang isinusulong gaya ng malalaking kumperensiya.

(f ) Bumuo ng aklatan na maglalaman ng mga publikasyon ng KWF at koleksiyon ng mga babasahing pangwika at pangkultura ng pook.

4. Pagpili ngSWK

(a) Sisimulan ang paghirang sa magiging SWK mula sa hanay ng dáting mga Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino (PSWF).

(b) Ibabatay ang paghirang mula sa nasiyasat na mga gawain at proyekto ng kandidatong paaralan/institusyon/organisasyon sa larang ng wika at kultura, sa mga inisyatiba (gaya ng paglalaan ng pondo, tauhan, impraestruktura, atbp.) para tupdin ang naturang gawain, at sa isusumiteng programa nito tungo sa pagsusulong pa ng wika at kultura.

(c) Para lumawak ang organisasyon, ibubukas ng KWF ang pagkakataon na humirang ng iba pang SWK sa rehiyon, lalawigan, o bayan. Bagaman, may tuon ang programang ito sa mga Estadong Unibersidad at Kolehiyo (EUK), ibinubukás din ang pagkakataon na makapag-aplay ang isang pribadong paaralan o lokal na pamahalaan para magkaroon ng isang SWK lalo na sa mga pook na walang EUK.

Page 80: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

72 KWF ManWal sa OperasyOn

(d) Kung ang isang SWK ay itatayô sa isang paaralan, kailangang sundin ang sumusunod na mga hakbang:

(1) Magpapahayag ng intensiyon ang KWF sa paaralan hinggil sa SWK o kaya magpapahayag ng intensiyon ang paaralan hinggil sa pagtatayô ng SWK.

(2) Marapat na ilakip sa liham ng pagpapahayag ng intensiyon ang kaukulang impormasyon hinggil sa kasaysayan ng paaralan/institusyon/organisasyon, natatanging proyektong pangwika at pangkultura, mga parangal at gawad na natanggap, at mga planong panghinaharap.

(3) Kapag nagkasundo, magkakaroon ng Memorandum ng Unawaan ang KWF at ang paaralan. Ang prosesong ito ay aplikable sa pribadong institusyon, LGU, at iba pang entidad na nagnanais magkaroon ng sariling SWK. Dahil dito, magiging modelo ang sumusunod pang hakbangin sa pagtatayô ng SWK sa mga paaralan para sa pamahalaang lokal at pribadong institusyon.

(e) Bawat Sentro ng Wika at Kultura ay hihirangin ng KWFsa pamamagitan ng isang kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner.

(f ) Bawat sentro ay inaasahang maging modelo sa saliksik, pag-iimbak, at pagtatanghal ng wika at kultura sa pook nito samantalang masugid na nagtataguyod sa wikang Filipino at kulturang pambansa.

(g) Bago ang opisyal na paghirang sa direktor ng SWK,bibigyan ng pabatid ng unibersidad o kolehiyo ang KWF sa proseso ng paghirang upang makatulong ang KWF sa pagsusuri ng unibersidad o kolehiyo.

4.1 Pagbuo ng Adhikain at Tunguhin

(a) Iaalinsunod ng SWK ang adhikain at tungkulin nito sa pagkalahatang programa at proyektong pangwika at pangkultura sa rehiyon.

(b) Marapat na nakaagapay sa adhikain at tungkulin ng unibersidad o kolehiyo ang tutukuying adhikain at tunguhin ng SWK.

4.2 Paghirang ng Direktor at Pagpili ng mga Tauhan

(a) Hihirangin ng pangulo ng estadong unibersidad o kolehiyo ang direktor batay sa sumusunod:

1. May mahusay na rekord, pamumunò, at walang disiplinari rekord sa unibersidad.

Page 81: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

73KWF ManWal sa OperasyOn

2. May kakayahang bumuo ng taunang programa alinsunod sa pambansang adyenda ng KWF.

3. May kakayahang bumuo ng natatanging programa sa wika at kultura sa kanilang pook.

(b) Hihirangin ng pangulo ng paaralan ang direktor mula sa hanay ng kaguruan sa Filipino, o nalalapit na larang kung wala, at pagtitibayin sa hiwalay na paghirang ng KWF.

(c) Opisyal na itatalaga ng pangulo ng eskuwelahan sa puwesto ang direktor ng SWK sa pamamagitan ng Memorandum ng Pag-uunawaan.

(d) Hihirangin ng pangulo ng eskuwelahan mula sa mga empleado ang kakailanganingmga regular na kawani para sa mga karaniwang gawain ng SWK.

(e) Itatalaga ng pangulo ng unibersidad o kolehiyo ang mga kailangang mananaliksik at tauhan para sapagsasagawa ng tanging proyekto ng SWK.

(f ) Ang paghirang ng KWF sa direktor ay kailangang ulitin sa pagtatapos ng takdang panahon ng panunungkulan. Kalakip nitó ang posibilidad na irekomenda ng KWF ang pagpapalit ng direktor kung may sapat na dahilan.

(g) Ang hakbanging ito ay aplikable sa pribadong institusyon, LGU, at iba pang entidad na maaaring pagtayuan ng SWK. Dahil dito, magiging modelo ang sumusunod pang hakbangin sa pagtatayo ng SWK sa mga paaralan para sa LGU.

4.3 Gampanin ng Unibersidad/Kolehiyo sa SWK

Kabílang sa gampanin ng unibersidad o kolehiyo sa pangangasiwa sa SWK ang sumusunod:

(a) Pagpapabatid sa KWF ng mga nais nitóng hiranging direktor, kawani, at iba pang tauhan sa bubuuing SWK.

(b) Pagpapanukalang isang pantaunang programa at badyet para sa kaukulang pagsusuri at pagpapatibay ng KWF.

(c) Paglalaan ng isang maluwag at maayos na opisina para sa SWK at pagsagot sa paglilinis, konsumo ng tubig at koryente, suplay pang-opisina, at iba pang kailangan sa araw-araw na gawain ng SWK.

Page 82: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

74 KWF ManWal sa OperasyOn

(d) Pagtatakda ng mga tungkulin sa mga tauhan ng SWK alinsunod sa pangkalahatang regulasyon ng paaralan.

(e) Pangangasiwa sa regular na gawain at programa ng SWK.

(f ) Ang hakbanging ito ay aplikable sa pribadong institusyon, LGU, at iba pang entidad na maaaring pagtayuan ng SWK. Dahil dito, magiging modelo ang sumusunod pang hakbangin sa pagtatayo ng SWK sa mga paaralan para sa LGU.

(g) Pagbibigay ng insentibo gaya ng deloading, research grant, atbp, pribilehiyo sa direktor at sa mga tauhan ng SWK.

5. Pangangasiwa sa SWK

Kabilang sa gampanin ng KWF ukol sa pangangasiwa sa SWK ang sumusunod:

(a) Pagbibigay ng tulong sa paghirang ng unibersidad o kolehiyo ng direktor at iba pang tauhan ng SWK.

(b) Pagsuri at pagpapatibay sa anumang plano o programa na maaaring ipadala ng unibersidad o paaralan, at pagbibigay ng patnubay na teknikal sa proyekto.

(c) Pagpapadala ng kaukulang impormasyon hinggil sa programa ng KWF.

(d) Pagpabatid sa ilang proyekto na may inilaang badyet na maaaring lahukan ng SWK lalo na sa proyekto tungkol sa seminar, publikasyon, at saliksik. Dapat isaalang-alang na competitive ang pagkuha ng badyet kaya kailangang mahusay at maagap ang pagtugon ng SWK.

(e) Pagdaraos ng kaukulang mga pagsasanay at oryentasyon sa magiging pinunò at mga kawani ng SWK.

(f ) Pagkakaloob ng mga aklat, sanggunian, babasahin, poster, at iba pang materyales na may kaugnayan sa mga tungkuling pangwika at pangkultura ng SWK.

(g) Pagbuo ng mga aktibidad o pagtulong sa pagbuo ng mga ito para mapasigla anggawain ng SWK, umakit ito ng pansin at pakikiisa sa loob at labas ng unibersidad, at makapaglingkod sa pangangailangan ng mga guro at mag-aaral sa Filipino.

(h) Paglahok sa adyendang pananaliksik ng unibersidad, at/o ng KWF na may

Page 83: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

75KWF ManWal sa OperasyOn

angkop naMemorandum ng Unawaan kung ang gawain ay katuwang ang KWF.

5.1 Pangangasiwa sa Operasyon

Bubuo ng panukatan sa ebalwasyon ng mga pinagtibay na programa at proyekto ang pangulo ng unibersidad o kolehiyo at KWF upang mataya ang resulta ng mga gawain ng SWK at maseguro ang husay sa implementasyon nito.

5.2 Pangangasiwa sa Proyekto

Tuwirang pamumunuan ng direktor ang lahat ng prosesong pagdaraanan sa implementasyon ng mga gawain.

6. Paggagawad ng selyo ng “Dangal ng Wika at Kultura”

(a) Taon-taon ang lahat ng SWK ay magkakaroon ng ebalwasyon alinsunod sa pagtupad nitó sa bawat pantaunang programa at pakikiisa sa mga gawaing pambansa ng KWF.

(b) Ang “Dangal ng Wika at Kultura” ay iginagawad bilang selyo ng ekselensiya sa isang SWK.

(c) Gagawaran ang isang sentro ng selyong “Dangal ng Wika at Kultura” bílang pagkilala at pagdangal sa naturang kakayahan ng isang paaralan/institusyon/ organisasyon.

(d) Tatanggap ang SWK ng isang katibayan, ang selyong “Dangal ng Wika at Kultura,” mula sa Komisyon sa Wikang Filipino, bukod sa tulong at patnubay sa pagsasagawa ng mga proyekto.

(e) Hindi palagian ang naturang selyo. Maaaring bawiin ito ng KWF kapag napatunayang napabayaan ng SWK ang mga tungkuling isinasaad ng unang paggagawad sa isang SWK.

(f ) Magiging permanente ang selyong “Dangal ng Wika at Kultura” sa isang SWK kapag tatlong ulit itong tumanggap ng paghirang mula sa KWF.

Page 84: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

76 KWF ManWal sa OperasyOn

Fultaym Deliveri Yunit (FDY)

Subaybayan ang pagsasakatuparan ng mga programa at proyekto ang diwa ng Liham Sirkular Blg. 2015-8 na may petsang 8 Hunyo 2015. Inaatasan din ng Kautusang Administratibo Blg. 46 ang lahat ng ahensiya, kabilang ang Komisyon sa Wikang Filipino na abutín ang mga mithi nitong pang-ekonomiya at panlipunan para sa 2015 at mga susunod na taon. Upang maganap ang mga ito, ang KWF ay bumuo ng Fultaym Deliveri Yunit, alinsunod sa kahingian ng DBM.

Mga Tungkulin

Kabilang sa mga tungkulin ng FDY ang sumusunod:

1. Magsagawa ng pagtatasa sa gaya ng, ngunit hindi limitado sa, una, pagrepaso bago ang simula ng fiskal na taon ng mga panukat sa pagganap sa bawat programa at proyekto ng KWF. Ang mga panukat ay may kaugnayan sa kahusayan at bisa (buwanan, kuwarterli, at semestral) na alinsunod sa taunang target na programa, iskedyul, at badyet. At ikalawa, pagtukoy sa mga maaaring maging panganib o hadlang na makaaapekto sa implementasyon ng mga programa at proyekto, at pagkaraan ay maghanda ng mga panuhay na plano kung sakali’t magkaaberya.

2. Pana-panahong magsagawa ng mga pagsusuri ng datos na sumasaklaw sa pagtukoy ng mga programa at proyekto ng ahensiya, batay sa kasaysayan ng paggugol at inaasahang pagkabalam. Kabilang sa proseso ang, una, paghahambing ng aktuwal na pagganap versus tiyak na hakbang at target; at ikalawa, pagtatatag ng mga “pangunahing sukatan” para sa bawat programa at proyekto upang makapaglabas ng plano kung may pagkabalam o mabagal na pagtatrabaho.

3. Magsilbing tagalutas ng gusot at pabilisin ang pagsasakatuparan ng mga programa at proyekto. Kabilang dito ang, una, pagbubuo ng estratehiya para malutas ang mabagal na pagsasagawa ng mga programa at proyekto. Ikalawa, ang pakikipagtulungan sa DBM para sa pagsubaybay at pagtatasa tuwing sangkapat na taon. Ikatlo, pagtitiyak ng naisumite sa tamang panahon ang Annual Procurement Plan at mahigpit na subaybayan ang iskedyul ng mga proseso ng prokyurment. Ikaapat, ipabatid sa mga sangay ang mga sukatan ng programa at proyekto na pananagutan ng ahensiya at ng mga tiyak na tao.

Komposisyon

Ang komposisyon ng FDY ay binubuo ng Tagapangulo bilang Tagapangulo ng FDY, mga Kawaksing Tagapangulo ang isang fultaym Komisyoner at ang Direktor Heneral, at ang mga kasapi ay kinabibilangan ng mga pinuno ng Badyet, Pagpaplano, SPP, at Punòng Akawntant.

Page 85: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

77KWF ManWal sa OperasyOn

Isang fultaym sekretaryat ng FDY ang inaasahang bubuuin upang magbigay ng tulong sa pangangasiwa at pamamahala.

Pana-panahong Pag-uulat

Alinsunod sa itinatadhana ng DBM at COA Joint Circular 2014-1 (s. 2014) ukol sa Budget and Financial Accountability Reports (BFARs), ang KWF ay inaasahang magsusumite sa loob ng 30 araw makaraan ang pagtatapos ng bawat kuwarter ng mga ulat sa DBM, at bigyan ng sipi ang Opisina ng Kalihim ng Gabinete.

Inaasahan din ang pagsusumite ng mga ulat tuwing ikaapat na buwan ukol sa progreso ng pagsasakatuparan ng mga programa at proyekto batay sa mga target at plano ng implementasyon kada Budget Executive Documents (BEDs). Dapat isaad ang mga problema at balakid at ang mga hakbang upang malutas ang gayon. At paghahanda ng mga plano at alternatibong hakbang, kung kinakailangan, upang matupad ng KWF ang programadong implementasyon.

Page 86: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

78 KWF ManWal sa OperasyOn

Sistema ng Pagsasagawa ng Programang Kasarian at Kaunlaran (GAD Focal Point System)

Tinutupad ng Komisyon sa Wikang Filipino ang itinatadhana ng Seksiyon 36 ng Batas Republika Blg. 9710, na tinaguriang “Magna Carta ng Kababaihan,” at sinisikap nitong pairalin ang pagpapalawig ng usaping kasarian o gender bilang estratehiya sa pagpapalaganap ng mga karapatan ng kababaihan at pawiin nang ganap ang diskriminasyon laban sa mga tao na may partikular na piniling gender. Sumusunod din ang KWF sa Seksiyon 37-C ng Alintuntunin at Regulasyong Nagpapatupad ng MCK na nagtatadhana sa KWF na palakasin ang Gender and Development Focal Point System (GFPS).

Mga Patakaran

1. Magpapalabas ng mga kautusan ang pinuno ng ahensiya upang gawing institusyon ang paglikha ng GFPS.

2. Palalakasin ng KWF ang mga mekanismo ng nasabing GFPS batay sa mga umiiral na probisyon ng Batas Republika Blg. 9719, Alituntuning Nagpapatupad nito, at Memorandum Sirkular Blg. 2011–01 na inihayag ng Philippine Commission on Women.

3. Ang gawain at tungkulin ng mga kasapi ng GFPS ay magiging bahagi ng kanilang regular na resulta ng, at plano sa, trabaho at bibigyang konsiderasyon sa pagtatasa ng kanilang pagganap ng tungkulin.

4. Pauunlarin ng KWF ang mga programa nito sa GAD na nagtataguyod ng edukasyon ukol sa gender, pagpapataas ng kasanayan sa pagganap sa GFPS, at ilalahok ito sa regular na plano ng Yunit Pantauhan. Ang nasabing programa ay kinabibilangan ng gender sensitiviti at gender analisis, at pagpaplano, pagbabadyet, pag-awdit na pawang may pagsasaalang-alang sa gender.

5. Pana-panahon ang isasagawa ang monitoring at ebalwasyon ng GFPS, at gagawa ng mga hakbang ang KWF para tugunan ang mga usaping humahadlang sa pagganap ng tungkulin ng mga kasapi ng GFPS.

6. Maglalaan ng pondo ang KWF para sa mga programa, aktibidad, at proyekto na pawang sumusuhay sa pagbubuo, pangangasiwa, at pagsasagawa ng GFPS, at kukunin ito sa GAD badyet.

Page 87: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

79KWF ManWal sa OperasyOn

Balangkas at Komposisyon ng GFPS

1. Ang GFPS ay binubuo ng Tagapangulo at Lupong Tagapagpaganap, bukod saTechnical Working Group. Ang Tagapangulo ay maaaring magtalaga ng tauhan na siyang mangungulo sa Lupong Tagapagpaganap. Samantala, ang TWG ay maaaring magtalaga ng Sekretaryat nito.

2. Maaaring baguhin ng KWF ang sinimulan nitong GAD Focal Point System.

Gawain ng GFPS

Kabilang sa mga gawain ng GFPS ang sumusunod:

1. Manguna sa paglalahok ng pananaw sa gender doon sa mga patakaran, plano, at programa ng KWF. Titiyakin din nila na tumutugon sa gender ang mga sistema, estruktura, patakaran, programa, at pamamaraan ng KWF batay sa mga pangangailangan, at bumuo ng mga rekomendasyon kung kinakailangan.

2. Tumulong sa pagbuo ng mga bagong patakaran, gaya sa Kodigo ng GAD sa pagsusulong kalagayan ng kababaihan.

3. Manguna sa pagtatatag ng angkop na sistema at mekanismo upang matiyak ang paglikha, pagproseso, pagrepaso, at pagsasapanahon ng sex-disaggregated data o GAD database upang maging batayan sa pagpaplanong tumutugon sa gender.

4. Makipag-ugnay sa mga sangay, yunit, at SWK ng KWF, at magsulong ng integrasyon ng pananaw na GAD sa lahat ng sistema at proseso ng KWF.

5. Manguna sa paghahanda ng taunang plano ukol sa GAD, maghanda ng mga programa at proyekto ukol sa usaping gender at umaayon sa mandato ng KWF, at pagsanibin sa mga pamamaraang itinadhana ng PCW, DBM, at NEDA.

6. Manguna sa monitoring ng epektibong pagsasagawa ng mga patakarang may kaugnayan sa gender.

7. Makipag-ugnayan sa ibang ahensiya sa pagsasakatuparan ng mga plano ukol sa GAD.

8. Tiyakin na ang lahat ng kawani at opisyal ng KWF ay may kaalaman at kasanayan ukol sa GAD. Magmungkahi at magplano ng angkop na programa ukol sa nabanggit.

Page 88: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

80 KWF ManWal sa OperasyOn

Mga Papel at Tungkulin

1. Tagapangulo ng GFPS o Tagapangulo ng KWF

1.1. Maghayag ng patakaran o kautusang pinagtibay ng Kalupunan o Lupong Tagapagpaganap na tumatangkilik sa GAD mainstreaming.

1.2. Magpatibay ng Plano, Programa, at Badyet ukol sa GAD na inendoso ng Lupong Tagapagpaganap, sa tulong ng Technical Working Group.

2. Lupong Tagapagpaganap

2.1. Magbigay ng direksiyon at payuhan ang Pinuno ng Ahensiya ukol sa pagbubuo ng mga patakaran sa gender.

2.2. Pangasiwaan ang pagtukoy sa mga estratehiya, programa, at aktibidad, alinsunod sa gender awdit, gender analisis, at priyoridad ng KWF.

2.3. Tiyakin na maisumite ng KWF ang taunang Plano at Badyet ng GAD, Ulat ng mga Nagawa, at iba pang kaugnay na ulat.

2.4. Tiyakin ang epektibo at episyenteng pagsasagawa ng mga programa sa GAD.

2.5. Makipag-ugnayan sa ibang ahensiya, gaya ng PCW, eksperto sa GAD, grupo ng kababaihan, at iba pang indibidwal upang matamo ang gender mainstreaming.

2.6. Magrekomenda ng pagpapatibay ng mga Plano at Badyet at Ulat ukol sa GAD.

2.7. Magrekomenda na mabigyan ng parangal o pagkilala ang mga programa sa GAD ng KWF, o ang iba pang aktibidad o proyekto, at/o ang mga kasapi ng GFPS.

3. Technical Working Group

3.1. Pabilisin ang mainstreaming ng gender sa KWF.

3.2. Bumuo ng mga plano, programa, at badyet ng GAD.

3.3. Magbigay ng teknikal na tulong sa ahensiya, at makipagtulungan sa mga opisyal ng ibang yunit o sangay o opisina sa pagpapaunlad at pagsasagawa ng programa ukol sa igwalidad ng kasarian, pagbibigay-kapangyarihan sa mga babae para sa mga kawani.

3.4. Makipag-ugnay sa SWK kung may mga proyektong sangkot ang GAD.

Page 89: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

81KWF ManWal sa OperasyOn

3.5. Manguna sa pagbubuo ng mga lathalaing may kaugnayan sa gender upang makalikom ng suporta mula sa opisyales ng KWF.

3.6. Subaybayan ang pagsasakatuparan ng mga programa, aktibidad, at proyekto ukol sa GAD, at magmungkahi sa pagpapahusay ng GAD Programa at Proyekto at GFPS.

3.7. Magbigay ng regular na update at rekomendasyon sa Puno ng Ahensiya o sa Lupong Tagapagpaganap hinggil sa mga gawain ng GFPS, at sa gender mainstreaming sa KWF.

Bisa

Magkakabisa at iiral ang patakarang ito hangga’t walang ibang itinatadhanang salungat ang batas, regulasyon, at iba pang kautusan mula sa Pangulo ng bansa.

Page 90: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

82 KWF ManWal sa OperasyOn

Panloob na Patakaran hinggil sa May-edad at Maykapansanan

Kinikilala ng Komisyon sa Wikang Filipino ang halaga ng pagkatao ng mga may-edad [senior citizen] at maykapansanan sa lipunan, alinsunod sa mga itinatadhana ng mga batas at regulasyong gaya ng Joint Circular No. 2003-01 na naghahayag ng mga alintuntuning nagpapatupad sa Seksiyon 29 ng General Appropriations Act na “naglalaan ng isang porsiyento ng badyet ng ahensiya ng gobyerno para sa mga programa/ proyekto na may kaugnayan sa usapin ng mga may-edad at maykapansanan.” Ang nasabing sirkular ay sumasakop sa KWF, at dapat nitong sundin.

Mga Patakaran

1. Ang KWF ay magsusumite ng mga plano nito para sa mga may-edad sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng pormularyong nakalakip sa binanggit na sirkular, at ipadadala ito sa Policy, Plans, and Information System Bureau; bukod dito’y magpapadala rin ng mga plano para sa kabutihan ng mga maykapansanan sa National Council for the Welfare of Disabled Person (NCWDP). 2. Maglalaan ang KWF ng isang porsiyento ng badyet nito para sa pagsasakatuparan ng mga plano hinggil sa may-edad at maykapansanan.

3. Ang pondong ilalaan ay gagamitin para sa pagsasagawa ng mga programa, proyekto, aktibidad, at serbisyo na pawang tutugon sa mga pangangailangan ng mga may-edad at maykapansanan sa pamamagitan ng paglilimbag ng materyales ukol sa impormasyon, edukasyon, at komunikasyon para sa naturang sektor. O kung hindi man ay sa pagtataguyod ng mga pagsasanay o pagtuturo sa mga may-edad at maykapansanan, gaya ngunit hindi limitado sa di-pormal na edukasyong programa, pangkabuhayang programa, pagpapayo, at espesyalisadong paghubog ng kasanayan.

4. Maglalaan ang KWF ng mga oportunidad para magkatrabaho ang mga may-edad at maykapansanan.

5. Magsasagawa ng programa ang KWF para sa proteksiyon at kaligtasan ng mga may-edad at maykapansanan, gaya ng pagsasaayos ng pasilidad ng Gusaling Watson na angkop para sa may-edad at maykapansanan, pagpapaskil ng mga impormasyon, paglalaan ng kubeta para sa maykapansanan, at paglalagay ng rampa.

6. Ang pinuno ng ahensiya ay may pananagutan sa pagsasakatuparan ng mga programa, proyekto, aktibidad, o serbisyo para mga may-edad at maykapansanan. Sa ganitong pangyayari, siya ay may awtoridad na atasan ang sinumang kawani para maging tagapangasiwa ng gawain.

7. Ang patakarang ito ay may bisa at iiral hangga’t walang itinatadhanang salungat ang batas at ang Kalupunan ng mga Komisyoner.

Page 91: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

Nakapaloob sa mga Pangkalahatang Patakaran ang mga hakbang na dapat sundin ng lahat ng sangay, yunit, at lupon, at siyang paiiralin sa mga kawani hangga’t walang itinatadhanang taliwas ang Kalupunan ng mga Komisyoner at ang Lupong Tagapagpaganap. Ang Pangkalahatang Patakaran ay magsisilbi ring patnubay upang magkaroon ng kaayusan sa loob ng opisina.

Makikita sa Apendise I ang mga Pangkalahatang Patakaran.

MgaPangkalahatangPatakaran

Page 92: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

Makikita sa Apendise II ang mga pormularyong ginagamit ng KWF na pawang nasa Filipino.

MgaPormularyo

Page 93: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t
Page 94: KWF Manwal sa · PDF filepara sa pagpapaunlad, ... at Gramatika ng Salin Sangay ng Edukasyon at Networking ... Maiangat ang antas ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t

KOMISYON SA WIKANG FILIPINOGusaling Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel

Malacañang Complex, San Miguel, MaynilaTel. (02) 736-2525 / 736-2524 / 736-2519

www.facebook.com/[email protected]

www.kwf.gov.ph