42
Action Research sa Edukasyon

Aksyon Riserts sa Filipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Action research is very in nowadays, hope makatulong 'to sa mga Filipino Teachers :)

Citation preview

Page 1: Aksyon Riserts sa Filipino

Action Research sa Edukasyon

Page 2: Aksyon Riserts sa Filipino

PanimulaAng action research ay isang praktikal na dulog o approach sa propesyunal na pananaliksik at makabuluhan sa mga gurong sangkot sa araw-araw na pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral. Magagamit din ito ng mga nasa pangasiwaan o administrasyon ng isang paaralan.

Page 3: Aksyon Riserts sa Filipino

•Ang konteksto ng propesyunal na pananaliksik ay maaaring magbago ngunit ang mga simulain o prinsipyo at prosesong sangkot sa action research ay di nagbabago, sa anumang larangan ito ilapat.

Panimula

Page 4: Aksyon Riserts sa Filipino

•Malakas ang impluwensya ng pananaliksik ni Lawrence Stenhouse (1975) na nagbigay-diin na ang ‘pananaliksik hinggil sa paglinang ng kurikulum ay dapat ipaubaya sa mga guro.’ Aniya, ‘hindi sapat na ang pananaliksik ng mga guro ay pinag-aaralan: sila mismo’y dapat pag-aralan din iyon.’

Panimula

Page 5: Aksyon Riserts sa Filipino

•Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, sangkot sa action research ang mga aktor – ang mga taong tumutupad sa kanilang mga propesyunal na gawain araw-araw – at ang layunin nito’y unawain at pagbutihin ang mga nasabing gawain.

Panimula

Page 6: Aksyon Riserts sa Filipino

Inilarawan nina Carr at Kemmis (1986) ang action research bilang:

•pagpapahusay ng praktika (practice); •pagpapahusay ng pag-unawa sa

praktika; •pagpapabuti ng sitwasyon na

pinangyayarihan ng praktika.

Ang action research sa edukasyon ay nakaangkla sa pang-araw-araw

na karanasan ng mga guro:

Page 7: Aksyon Riserts sa Filipino

Nakabatay ang praktika sa mga intensyon,

pagpapahalaga, at paniniwala ng mga

practitioner, gayundin sa sitwasyon na humuhubog sa mga elementong ito.

Page 8: Aksyon Riserts sa Filipino

Ang pananaliksik pang-edukasyon sa

pamamagitan ng action research ay di

nagbubunga ng pag-unawang maaaring

ilapat sa lahat ng sitwasyon (universal

truth);

Page 9: Aksyon Riserts sa Filipino

Sa ganitong diwa, ang action research ay nakalilikha ng mga generalization tungkol sa praktika . . .

Page 10: Aksyon Riserts sa Filipino

‘ang pagbibigay ng

generalization ay paghahayag

ng publikong paglalahad ng

nakaraan, ng kasalukuyan o

ng hinaharap, sa porma na

maaaring isailalim sa

‘pagsusuri’ sa pamamagitan

ng patuloy na paglalapat at

pananaliksik.’

Page 11: Aksyon Riserts sa Filipino

Bakit dapat mong gamitin ang action research?

Dahil gusto mong baguhin ang iyong praktika. Maaaring naiisip mo na ang mga bagay-bagay ay di sumusunod sa iyong nais mangyari, o may pangangailangan na magpatupad ng pagbabago ngunit di mo sigurado kung paano ito mabisang maipatutupad.

Page 12: Aksyon Riserts sa Filipino

Bakit dapat mong gamitin ang action research?

Nais mong gumamit ng paraan na makapagbibigay ng mga praktikal na solusyon sa iyong mga problema, mga solusyong mula sa mga tiyak na konteksto ng iyong praktika.

Page 13: Aksyon Riserts sa Filipino

Bakit dapat mong gamitin ang action research?

Alam mong ang solusyong naiisip ng iba ay maaaring makabuluhan ngunit maaari rin namang hindi ito akma sa sitwasyon na iyong kinalalagyan. Alam mong ang praktika ay laging naiimpluwensyahan ng konteksto.

Page 14: Aksyon Riserts sa Filipino

Sapagkat ang paghahanap ng solusyon ay isang paraan upang mapahusay ang iyong pag-unawa sa iyong praktika – hindi lamang kung ano ang iyong ginagawa, kundi maging ang mga salik o factor na nakaaapekto sa iyong ginagawa.

Bakit maituturing

itong pananaliksik?

Page 15: Aksyon Riserts sa Filipino

Samakatwid, ang action research ay may dalawang aspekto. Ang simula ay ang paghahanap ng solusyon sa isang problema o isyu sa praktika. Ngunit ang proseso ay maaaring gamitin din upang mapahusay ang pag-unawa sa praktika – isang tradisyunal na dulog sa pananaliksik. Ang mahalaga sa dalawang dulog na ito, dapat kang manatiling may bukas na pag-iisip, matapat at mapanuri.

Bakit maituturing itong pananaliksik?

Page 16: Aksyon Riserts sa Filipino

•Sa pananaw ng mga sangkot sa action research, ang pinakamainam na paraan upang magnilay-nilay hinggil sa praktika ay ang pagtupad sa iyong mga propesyunal na gawain. Madalas mong marinig ang pariralang “agwat ng teorya at ng praktika.”

Ano ang ibig sabihin ng praktika?

Page 17: Aksyon Riserts sa Filipino

•Ang action research ay isang approach na lumalagpas sa agwat na ito. Hinihikayat ng action research ang pagsasaalang-alang sa parehong aspekto bilang bahagi ng isang kabuuan.

Ano ang ibig sabihin ng praktika?

Page 18: Aksyon Riserts sa Filipino

•Ang layunin ng action researcher ay magdulot ng pagpapahusay ng kanyang praktika at pagtukoy sa mga elementong dapat baguhin. Ang prosesong ito’y nakaangkla sa pagtitipon ng ebidensya na pagbabatayan ng pinag-isipan at hindi kutob-kutob lamang na paghuhusga at pagpapasya.

Ano ang ibig sabihin ng praktika?

Page 19: Aksyon Riserts sa Filipino

•Sa panahong ito ng sentralisasyon at propliperasyon ng mga pambansang gabay at estratehiya, ang action research ay makatutulong sa mga guro na maramdamang may kontrol pa rin sila sa kanilang sitwasyong pinagtuturuan.

Ano ang ibig sabihin ng praktika?

Page 20: Aksyon Riserts sa Filipino

Ang action research ay magagamit sa: •pag-unawa ng sariling praktika; •pag-unawa sa pagpapahusay ng

praktika; •pag-unawa sa kung paano

mailalapat sa sariling sitwasyon ang isang pagbabagong buhat sa “labas”;

•pag-unawa kung paano mababago ang “labas” o ang kabuuan upang mapahusay ang sariling praktika.

Page 21: Aksyon Riserts sa Filipino

•Binigyang-diin ni Jack Whitehead (1985) ang indibidwalidad ng action research, sa pamamagitan ng paglalarawan sa aktwal na “pakiramdam” ng proseso ng pagsasagawa nito:

Paano isinasagawa ang action research?

Page 22: Aksyon Riserts sa Filipino

1. Nakararanas ako ng suliranin dahil ang mga pagpapahalagang pang-edukasyon ko ay hindi nailalapat sa praktika;

2. May naiisip akong solusyon sa aking problema;

Paano isinasagawa ang action research?

Page 23: Aksyon Riserts sa Filipino

3. Sinusubukan kong ipatupad ang naiisip kong solusyon;

4. Sinusuri ko ang resulta ng aking mga aksyon;

5. Binabago ko ang aking problema, ideya at aksyon batay sa aking pagsusuri.

Paano isinasagawa ang action research?

Page 24: Aksyon Riserts sa Filipino

Ang action research ‘cycle’

Page 25: Aksyon Riserts sa Filipino

Ang action research ‘cycle’

Page 26: Aksyon Riserts sa Filipino

Hanggang sa puntong ito, nagbigay-tuon tayo sa sa indibidwalidad ng action

research, na sumasalamin sa pananaw ni Whitehead hinggil sa

proseso nito.

Indibidwal o Koloboratibo?

Page 27: Aksyon Riserts sa Filipino

May mga pagkakataon kung saan ang koloborasyon ay isang

mahalagang elemento ng action research. Sa pagsisikhay na maunawaan ang kanilang praktika, ang mga action

researcher ay naghahangad na patunayan ang tinatawag ni

Whitehead na ‘claims to knowledge.’

Indibidwal o Koloboratibo?

Page 28: Aksyon Riserts sa Filipino

Mga Pamamaraan

Ang pangunahing pamantayan sa pagpili ng partikular na pamaraan sa pagkuha ng

datos sa action research ay kung makapagbibigay ba ng makabuluhang impormasyon

tungkol sa praktika ang nasabing paraan.

Page 29: Aksyon Riserts sa Filipino

Mga PamamaraanSa paghahanap ng ebidensya ng kanyang praktika, o sa bisa ng

pagbabagong isinapraktika, kailangang tingnan ito ng guro sa iba’t

ibang anggulo; kailangan niyang gumamit ng triangulation ng iba’t

ibang pamaraan. Isa itong payak na simulain na sumasaklaw sa maingat

na pamimili ng teknik sa pangangalap ng datos; bawat isa’y maaaring

magbigay-linaw sa isang aspekto ng iisang isyu

Page 30: Aksyon Riserts sa Filipino

Mga PamamaraanSa paghahanap ng ebidensya ng kanyang praktika, o sa bisa ng

pagbabagong isinapraktika, kailangang tingnan ito ng guro sa iba’t

ibang anggulo; kailangan niyang gumamit ng triangulation ng iba’t

ibang pamaraan. Isa itong payak na simulain na sumasaklaw sa maingat

na pamimili ng teknik sa pangangalap ng datos; bawat isa’y maaaring

magbigay-linaw sa isang aspekto ng iisang isyu

Page 31: Aksyon Riserts sa Filipino

Ang simulain o principle ng triangulation:

Page 32: Aksyon Riserts sa Filipino

Mga PamamaraanBawat paraan ay magbibigay ng access sa iba’t ibang aspekto ng sitwasyon. May mga aspekto ng

suliranin na hindi mabibigyang-linaw ngunit mas maraming aspekto ang

mabibigyang-linaw kung higit sa isang pamaraan ang gagamitin. Gayundin,

ang cross-referencing ng data mula sa iba’t ibang paraan ay nagdaragdag sa pangkalahatang reliability ng proseso

ng pananaliksik.

Page 33: Aksyon Riserts sa Filipino

Mga Pamamaraan

Hangga’t ang mga action researcher ay aware sa

limitasyon ng mga partikular na pamamaraan, maaari silang gumamit ng alinman sa mga sumusunod na pamamaraan

upang mapagnilay-nilayan nila ang kanilang pinag-aaralan:

Page 34: Aksyon Riserts sa Filipino

Mga Pamamaraan1. observation schedules– ng mga batas, estudyante o ng kanilang mga sarili; 2. audio o video tape recording; 3. structured o semi-structured interviews;4. class records; 5. statistical indicators;

Page 35: Aksyon Riserts sa Filipino

Mga Pamamaraan

6. field notes; 7. an analytic memo; 8. sociometry; 9. photography; 10. repertory grids; 11. questionnaires; etc.

Page 36: Aksyon Riserts sa Filipino

•Ang action research ay isang praktikal na paraan upang mapagnilay-nilayan ng indibidwal ang kalikasan ng kanyang praktika at paghusayin pa ito. • Hinihikayat ng action research ang mga practitioner na maging tagalikha ng kaalaman sa halip na tagakonsumo lamang nito.

Buod

Page 37: Aksyon Riserts sa Filipino

•Gumagamit ng action ang action research bilang pamaraan ng pananaliksik; ang planong pagbabago ay ipinatutupad, minomonitor at sinusuri. • Ang action research ay maaaring sumunod sa cycle na action-reflection o kaya’y sa modelong spiral.

Buod

Page 38: Aksyon Riserts sa Filipino

• Maaaring gumamit ang mga action researcher ng iba’t ibang paraan ng pananaliksik, qualitative o quantitative man. • Dapat tiyakin ng mga action researcher ang triangulation ng kanilang mga pamaraan.

Buod

Page 39: Aksyon Riserts sa Filipino

•Ang proseso’y maaaring maging masalimuot; habang ang pananaliksik ay isinasagawa, maaaring matuklasan ang malalawak na ugnayan. • Ang action research ay isinasakatuparan ng mga indibidwal ngunit ang mga indibidwal na ito ay maaaring magtrabaho sa paraang koloboratibo.

Buod

Page 40: Aksyon Riserts sa Filipino

References  

Altricher, H., Posch, P. & Somekh, B. (1993) Teachers Investigate their Work: An Introduction to the Methods of Action Research, London, Routledge.

Carr, W. & Kemmis, S. (1986) Becoming Critical: education, knowledge and action research. Lewes, Falmer.

Cohen, L ; Manion, L & Morrison, K (2000) Research Methods in Education (5th edition), London, Routledge Falmer

Corey, S. (1953) Action Research to Improve School Practices. New York, Columbia University, Teachers College Press.

Ebbutt, D. (1985) Educational Action research: some general concerns and specific quibbles, in: Burgess, R. (ed.) Issues in Educational Research: qualitative methods.

Lewes, Falmer.Elliott, J. (1981) Action research: a framework for self-evaluation in schools. TIQL

working paper no.1., Cambridge, Cambridge Institute of Education.Elliott, J. (1991) Action Research for Educational Change, Buckingham, Open

University Press.Foucault, M. (1980) Power/Knowledge. Brighton, Harvester.

Gibson, R. (1985) Critical times for action research. Cambridge Journal of Education, 15 (1): 59-64.

Hamilton, D. (1981) Generalization in the Educational Sciences: problems and purposes. In: Popkewitz, T.S. and Tabachnik, B.R. (eds.) The Study of Schooling:

field based methodologies in educational research and evaluation, New York, Praeger.

Hollingsworth, S. (ed.) (1997) International Action Research: a casebook for educational reform. London, Falmer.

Page 41: Aksyon Riserts sa Filipino

References  

Hollingsworth, S., Noffke, S.E., Walker, M. & Winter, R. (1997) Epilogue: What have we learned from these case on action research and educational reform? in: Hollingsworth, S. (ed.) International Action Research: a casebook for

educational reform, London, Falmer.Hopkins, D. (1993) A Teacher’s Guide to Classroom Research, 2nd edition, Milton Keynes, Open University Press.

Hustler, D., Cassidy, A. & Cuff, E. (eds.) (1986) Action Research in Classrooms and Schools, London, Allen and Unwin.Jennings, L. & Graham, A. (1996) Postmodern perspectives and action research: reflecting on the possibilities.

Educational Action Research, 4 (2): 267-278.Kemmis, S. & McTaggart, R. (1982) The Action Research Planner. Victoria, Deakin University Press.

Koshy, V. (2005) Action research for improving practice. A practical guide. London: Paul Chapman Publishing.Lewin, K. (1948) Resolving Social Conflicts. New York, Harper.

Lewis, I. (1987) Encouraging reflexive teacher research. British Journal of Sociology of Education, 8 (1): 95-105.Lyotard, J.F. (1984) The Postmodern Condition: a report on knowledge. Manchester, Manchester University Press.McKernan (1991) Curriculum Action research: a handbook of methods and resources for the reflective practitioner.

London, Kogan Page.McNiff, J. (1988) Action Research: Principles and Practice, Basingstoke, Macmillan.

Schön, D. (1983) The Reflective Practitioner: How Professionals Think in Action. New York, Basic Books.Somekh, B. (1988) The role of action research in collaborative inquiry and school improvement. Paper to CARN

conference, Cambridge, 25-27 March.Stenhouse, L. (1975) An Introduction to Curriculum Research and Development. London, Heinemann.Taba, H. (1962) Curriculum Development: theory and practice. New York, Harcourt, Brace and World.

Wallace, M. (1987) A historial review of action research: some implications for the education of teachers in their managerial role. Journal of Education for Teaching, 13 (2): 97-115

Whitehead, J. (1985) An Analysis of an Individual’s Educational Development: the basis for personally oriented action research, in: Shipman, M. (ed.) Educational Research: principles, policies and practices, Lewes, Falmer.

Whitehead, J. (1989) Creating a living educational theory from questions of the kind ‘How do I improve my practice?’ Cambridge Journal of Education, 19 (1): 41-52

Whitehead, J. & Lomax, P. (1987) Action research and the politics of educational knowledge. British Educational Research Journal, 13 (2): 175-190.

Winter, R. (1987) Action Research and the Nature of Social Inquiry. Aldershot, Gower.Winter, R. (1989) Learning from Experience: principles and practice in action research. Lewes, Falmer.

Woods, P. (1996) Researching the Art of Teaching: ethnography for educational use. London, Routledge.Zeichner, K.M. (1993) Action research: personal renewal and social reconstruction. Educational Action Research, 1 (2):

199-219.

Page 42: Aksyon Riserts sa Filipino

EMMA C. GUITABAPulong Buhangin National High School