Click here to load reader

Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon

  • View
    2.479

  • Download
    47

Embed Size (px)

Text of Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon

Slide 1

Kababaihang Asyano sa Sinaunang Panahon

1

Kababaihan sa Sinaunang Paniniwalang AsyanoNaniniwala ang mga sinaunang Asyano sa mga Diyos at sa kapangyarihan ng mga espirituHilagang Asya- Sumamba sa mga diyosang teriomorphic o may anyong hayop.- Pinatunayan ito ng mga petroglyph na kinatampukan ng mga hayop at mga babaeng shaman na may sungay.

- Sa ritwal ng pangangaso, dumudulog ang babaeng shaman sa ninunong babae na siyan namang nananawagan sa babaeng usa na magpahintulot na magpahuli ang ilang hayop.- Sa Siberia, pangunahing mga diyosa sina Pinga (espiritu ng kalupaan), Sedna (pinakamataas na espiritu at pinuno ng mga karagatan at mga naninirahan dito), at Ayysyt (diyosa ng pagsilang)

- Udagan ang tawag sa kanilang shaman.- Sa sinaunang Mesopotamia, si Inanna (Ishtar sa mga Akkadian) ang isa sa pinakatanyag na diyosa. Siya ang diyosa ng pag-ibig at iyag. Tinagurian din siyang diyosa na maraming katungkulan.- Sa Japan, ang diyosa ng araw na si Amaterasu Omikami ang itinuring na pinakamahalagang diyos at pinaniniwalaang ninuno ng maharlikang pamilya.

Timog-Silangang Asya- pinaniwalaan ang kakayahan ng kababaihan na makipag-ugnayan sa mga espiritu.- Bagamat ikinarangal at iginalang sila dahil sa kakayahang ito, kinatakutan din sila lalo na ang may katandaan na.- Sapagkat maari nilang magamt ang malakas na kapangyarihang ito upang manakit ng kapwa.

Kababaihan: Posisyon at Tungkulin sa TahananSa loob ng tahanan, ibat ibang papel ang ginampanan ng sinaunang kababaihang Asyano bilang anak, kapatid, asawa, ina, at biyuda.Sa Mesopotamia, ikinakasal ang babae hindi lamang sa kanyang kabiyak kung hindi sa buong pamilya ng lalaki.Dala niya ang kaniyang dote at pagiging busilak.Dala naman ng lalaki ang kaniyang bride price, na tumitiyak sa kaniyang karapatan sa asawa.

Sa lipunang Vedic sa India, tanging ang mga kababaihan mula sa Kshatriya lamang ang mamili ng sariling mapapangasawa.Dinarangal sa kanila ang pagiging asawa ng babae.Tinawag siyang jaya (kahati sa pag-ibig ng asawang lalaki); jani (ina ng mga anak); at patni (katuwang sa pagtalima ng at pagsasakatuparan ng mga sakripisyong pangrelihiyon.

Sa ilang bahagi ng Timog-silangang Asya nagbayad ng bride price ang lalaki para sa kaniyang mapapangasawa.Maaari din siyang manilbihan nang may dalawa hanggang tatlong taon upang mabili ang babae.Sa gawaing ito naipakita ang pagbibigay-halaga sa kababaihan.

May ilang bahagi ng rehiyon kung saan isinagawa ang matrilocal na pananahan kung saan ang lalaking ikinasal ay nakipanirahan sa matriclan o angkan ng babae.Ang dalawang kaugaliang ito ay dahilan kung itinuring na mapalad ang pagkakaroon ng anak na babae sa sinaunang Timog-silangang Asya.

Maliban sa nakatanggap ng bride price ang pamilya ng babae sa oras na siya ay ikasal, katiyakan din din ang matrilocal na pananahan na may kakalinga sa mga magulang ng babae sa kanilang pagtanda.Sa China, bunsod ng pagiging opisyal ng Confucianism , napagtibay ang patrilineal, patrilocal, at patriarkal ng pamilyang Chinese.

Sa lipunang ito, ang sentro ng pamilya ay ang lalaki.Maari siyang magkakaroon ng higit sa isang asawa o ng concubine batay sa kaniyang antas sa buhay at kayamanan.Tungkulin naman ng babae, sa bawat yugto ng kaniyang buhay, na sundin at paglingkuran ang malalapit na lalaki sa kanyang pamilyabilang anak ng kaniyang ama, kabiyak ng kanyang asawa, at ina sa kaniyang anak na lalaki sa kaniyang pagkabiyuda.

Ang mga anak na babae ay hindi pinag-aaral at hidi nakapagmay-ari ng ari-arian.Hindi rin sila maaaring magmana maliban kung sila ay biyuda.Sa maraming sinaunang lipunang Asyano, itinuturing na pangunahing tungkulin ng kababaihan ang magsilang ng anak.

Sa China, ayon sa pilosopong si Mencius, ang hindi pagsisilang ng tagapagmana (na lalaki) ang pinakamalalang kalapastangan sa mga magulang.Sa Mesopotamia, sakaling walang kakayahang magsilang ang babae, bagamat karaniwang monogamous ang pag-aasawa sa kanilang lipunan, maaaring magkaroon ang lalaki ng ikalawang asawa o ng concubine.

Ang concubine ay maaaring pagmamay-ari ng babaeng asawa o alipin ng lalaking asawa.Ang anak na nagmula sa alipin ay itinuring na legal na anak ng babaeng asawa at ang aliping concubine ay nanatiling alipin.May mga lipunang Asyano kung saan ang nabiyuda ay maaaring ipakasal sa ibang kasapi ng pamilya katulad ng sa Mesopotamia at India.

Kababaihan sa mga Panlipunang GawainSa sinaunang China, limitado ang papel ng kababaihan sa aspektong pantahanan.Sa Book of Poetry ni Confucius, binaggit na hindi dapat makilahok ang kababaihan sa mga pampublikong usapin, bagkus ay ilaan ang kanilang sarili sa pagbabantay sa silkworm at paghahabi.

Sa Hilagang Asya, nakaatas sa kababaihan ang pagtitipon at paghahanda ng pagkain, at mga gawaing tugma sa pagpalaki na supling tulad ng paghahabi, at pagpapalayok.Ang mga babaeng walang anak ay maaari ring mangaso.Malaki rin ang bahaging ginampanan nila sa pagsasaka at paghahayupan.

Sa sinaunang lungsod ng Babylonia, karaniwang ipinadadala ang isang anak na babae ng mayayamang pamilya sa templo upang maging entumpriestess o high priestess.Malaki ang bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa paggawa ng pabangong gamit sa panggagamot, mahika, ritwal, at pagpapaganda.

Sa India, tinatamasa ng kababaihang Indian ang karapatan at kalayaang kapantay sa kalalakihan.Mas mataas pa ang kanilang posisyon sa mga seremonyang pangrelihiyon kaysa sa mga kalalakihan.Maaari silang makapag-aral lalo pa at itinuring ang edukasyon na isa sa pinakamahalagang kwalipikasyon sa pag-aasawa ngunit hindi sila nakapagmay-ari.

Si Pimiko (o Himiko) ay isang misteryosong reynang shaman na natalang gumamit ng mahika at salamangka at bumighani sa tao. Nangangahulugang prinsesa ng arawSi Iyo ay isa ring reynang shaman. Pinanumbalik niya niya ang kapayapaan sa Japan matapos ang isang digmaang sibil. Nanungkulan siya sa edad na 13 taon.

Sa Japan, hinikayat ang pamumuno ng kababaihan sapagkat pinaniniwalaan na sila ang magdadala ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.Naitala sa kasaysayan ang pamumuno nina Pimiko at Iyo, mga reynang sumalamin sa katangiang taglay ni Amaterasu bilang babaeng diyos katalinuhan, kagandahan, fertility, at pagiging busilak.

Sa kabuuan, masasabing bagamat limitado ang karapatan ng kababaihan sa aspektong pampolitika at ekonomiko, malaki naman ang bahaging kanilang ginampanan sa sa usaping panrelihiyon.Tinupad nila ang mahahalagang tungkulin sa loob at labas ng tahanan daan upang mapangalagaan ang kaayusan ng lipunan at maisulong ang pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan.

Sa Mahaba at Maikling SabiSa Myanmar, isinagawa ang pag suot ng metal na bigkis sa leeg ng kababaihang Padaung. Karaniwang gawa sa tanso ang bigkis at sinisimulang isuot sa edad na lima o anim. Dinaragdagan ito bawat dalawang taon hanggang umabot ang haba ng leeg nang may 15 pulgada o 38 centimetro.

Ayon sa mga salaysay, unang ginamit ang mga metal na bigkis upang pangalagaan ang kababaihang Padaung mula sa mga mangangalakal na alipin. Sa isang alamat naman, isinalaysay na proteksiyon ang mga metal na bigkis mula sa kagat ng tigre.

Sa China, isinagawa ang foot binding sa nakalipas na libong taon. Maaaring nagsimula ang kaugaliang ito noong dinastiyang Song.Unang bingkis ang paa ng babaeng may edad tatlo hanggang 11 taon. Layunin ng pagbibigkis na hindi lumaki ang paa nang lampas sa tatlong pulagada.

Maraming salaysay ang nagpapaliwanag hinggil sa pagsisimula ng kaugaliang ito. Isa rito ay tungkol sa pagbabalat-kayo ng isang fox sa pamamagitan ng pagbibigkis ng paa upang magmukha siyang emperatris ng Shang.