8
Mga Tayutay

Mga Tayutay

Embed Size (px)

DESCRIPTION

P.S. Guys kindly click like if the article is helpful and IF you're going to download the slides/presentation.Thank you.

Citation preview

Page 1: Mga Tayutay

Mga Tayutay

Page 2: Mga Tayutay

A. Pagtutulad (Simile)

• Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa.

• Ginagamitan ng mga pariralang katulad ng, gaya ng, para ng at iba pa.

HALIMBAWA:Ang ugali ng batang iyon ay katulad ng panahon, madaling magbago.

Page 3: Mga Tayutay

B. Pagwawangis (Metaphor)

• Naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit ito at tiyakang naghahambing.

• Hindi gumagamit ng pariralang tulad ng, gaya ng, at iba pa.

HALIMBAWA:- Ang kamay ng ama ay bakal sa tigas.- Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa

aking pisngi.

Page 4: Mga Tayutay

C. Pagmamalabis (Hyperbole)

• Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.

HALIMBAWA: - Bumaha ng luha sa burol ng ama dahil sa

matinding pagsisisi ng anak.- Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.

Page 5: Mga Tayutay

D. Pagbibigay –katauhan (Personification)• Pagbibigay-katangian ng isang tao sa

isang bagay na walang buhay.

HALIMBAWA:- Lumuha ang langit nang masawi ang

kanyang lola.- Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa

atin.

Page 6: Mga Tayutay

E. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)

• Pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maari namang ang isang tao ang kumatawan sa isang pangkat.

HALIMBAWA:- Dalawang mapagpalang kamay ang

humubog sa pagkatao ng batang iyan.- Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay

alang-alang sa Inang Bayan.

Page 7: Mga Tayutay

F. Pagtawag (Apostrophe)

• Tila pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang dinaramang kaisipang para bang nakikipagusap sa isang buhay na tao o isang taong gayong wala naman ay parang naroo’t kaharap.

HALIMBAWA: - Pag-ibig, halika at punuin mo ng pagmamahal ang

lahat ng puso ng tao.- Kamatayan nasaan ka na? wakasan

mo na ang aking kapighatian..

Page 8: Mga Tayutay

G. Pag-uyam (Irony)

• Pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan. Pananalitang nangungutya.

HALIMBAWA:- Kay bait mong anak. Pagkatapos kitang tulungan sa iyong mga kagipitan ay nagawan mo pa akong

pagsinungalingan.- Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking

kapighatian.