16
Pagdating ng mga Bagong Mananakop Babasahin 3 ng Aralin 1 Ika-apat na Kwarter University of the Philippines Integrated School Araling Panlipunan VI Ito ay kopya ni:_________________________________ Seksyon: _________________________________

Imperyalismong Amerikano

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Imperyalismong Amerikano

Pagdating ng mga Bagong Mananakop Babasahin 3 ng Aralin 1

Ika-apat na Kwarter

University of the Philippines Integrated School Araling Panlipunan VI

Ito ay kopya ni:_________________________________

Seksyon: _________________________________

Page 2: Imperyalismong Amerikano

1 Ika-11 ng Mayo 1898 nang naganap ang Digmaan ng Look ng Maynila kung saan nagapi ng hukbong pandagat ni Commodore George Dewey ang armada ng mga Espanyol. Dito nagsimula ang sabwatan ng dalawang bansa hanggang sa tuluyang sumuko ang Espanya sa mga pwersang Amerikano sa ika-13 ng Agosto 1899 matapos ang kunwa-kunwaring

sagupaan. Nilagdaan ng Espanya ang Kasunduang Paris noong Disyembre ng taong iyon kung saan isinuko nila ang Cuba, Puerto Rico, at Pilipinas sa mga Amerikano sa halagang $20 milyon. Matapos pirmahan ang Kasunduang Paris, ipinahayag ni Presidente William McKinley ang patakarang Benevolent Assimilation noong ika-21 ng Disyembre 1898 kung saan inatasan niya ang hukbong Amerikano na ipatupad ang soberanya ng Estados Unidos sa kapuluan. Ito ang nagpasimula sa pag-kontrol ng Estados Unidos sa politika at ekonomiya sa bagong sinakop. _____________________ ang tawag sa prosesong ito. Sa unang yugto ng pananakop, kolonisasyon ang uri ng imperyalismo na ipinatupad ng Estados Unidos kung saan direktang pinamahalaan ng Amerikanong gobernador-heneral at gobernador-sibil ang Pilipinas. Kalaunan, nagmistulang protectorate ang Pilipinas dahil sa paunti-unting paglipat ng mga Amerikano sa tungkulin ng

Digmaan ng Look ng Maynila

Paglalarawan sa mga kolonyang inangkin ng Estados Unidos bilang mga batang mangmang. Ipinapakita ang Pilipinas at Hawaii bilang mga primitibong lahi.

Page 3: Imperyalismong Amerikano

2 pamamahala sa mga sunud-sunurang elite. Sa anyong protectorate ng imperyalismo, di-direktang pinamamahalaan ng mananakop ang teritoryong inangkin.

Uri ng imperyalismo na direktang pinamamahalaan ang bayang sinakop

Uri ng imperyalismo na di-direktang pinamamahalaan ang bayang sinakop, gumagamit ng mga katutubong pinuno bilang kahalili ng mananakop

Sa pananaw ng mga Amerikano sila ang mas maunlad na lahi kumpara sa ating mga Pilipino batay sa kultura, politika, at kalagayang pang-ekonomiya. Bilang mas nakaka-angat na lahi, naniwala silang responsibilidad nilang tulungan tayong mga Pilipino na mapabuti ang ating mga sarili. Ito ang kaisipang ___________________________ na ginamit ng mga Amerikano upang mabigyang katwiran ang pananakop sa atin. Nagsilbi itong pantakip sa mga pansariling interes ng kanilang bansa na siyang tunay na motibo sa likod ng kanilang pananakop sa atin. Ipinakikita ng mga pahayag ng mga pinunong Amerikano na pangunahin ang interes nilang makahanap ______________________ _____________________________ na lagakan ng surplus at kuhanan ng mga __________________________________:

Our largest trade henceforth must be with Asia. The Pacific is our ocean… Where shall we turn for consumers of our surplus? Geography answers the question. China is our natural customer…The Philippines gives us a base at the door of all the East.”

~Sen. Albert J. Beveridge

“The Philippines are ours forever...And just beyond the Philippines are China’s illimitable markets. We will not retreat from either…We will not abandon our opportunity in the Orient.

Page 4: Imperyalismong Amerikano

3

Page 5: Imperyalismong Amerikano

4

Takdang Aralin

1. Bilugan ang simbolo ng Estados Unidos. 2. Kahunan ang simbolo ng mga sinakop na bansa. 3. Saan patungo ang mga tauhan sa larawan?

____________________________________ 4. Ipaliwanag ang konsepto ng white man’s burden gamit ang

larawan.

Page 6: Imperyalismong Amerikano

5

Maaaring suriin ang imperyalismong Amerikano bilang bahagi ng proseso ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga bansang kanluranin at paghahanap ng mga pamilihan. Maging ang ibang bansang kanluranin tulad ng Portuges, Inglatera at Alemanya ay sangkot sa pananakop ng mga lupain sa Aprika, Asya at Timog Amerika.

Page 7: Imperyalismong Amerikano

6

Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano sa ika-4

ng Pebrero 1899 kung saan binaril ni Private William Grayson ang tatlong sundalong Pilipino. Pinatotohanan ni Heneral Elwell Otis, isang Amerikanong opisyal, na ipinagtanggol lamang ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili, samantalang sundalong Amerikano ang siyang sumalakay. Subalit, ipinagpilitan ni Pangulong McKinley na sundalong Pilipino ang unang nagpaputok sa mga pwersang Amerikano upang mabigyang katwiran ang kampanyang militar laban sa pwersang Pilipino. Nagpakita ng kabangisan ang mga Amerikano sa panahon ng digmaan tulad ng pagtipon sa mga sibiliyan sa mga concentration camp, at paggamit ng water cure at rope treatment upang sapilitang makakuha ng impormasyon sa mga bihag. Dagdag pa rito ang mga naulat na paglapastangan at paggahasa sa mga sibilyan, at pagwasak at pagnakaw ng mga kagamitan.

Page 8: Imperyalismong Amerikano

7

Gumanti ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pabigla-biglang pagsalakay sa mga sundalong Amerikano tulad ng pagpatay sa mga nakatalagang Amerikano sa Balangiga, Samar. Dahil sa naganap sa Balangiga, iniutos ni Heneral Jacob Smith na:

Tumugon ang mga gerilyang Pilipino sa pamamagitan ng paggawa ng katulad na kalupitan. Halimbawa na rito ang paglilibing ng buhay hanggang leeg. Nilalagyan ng patpat ang bibig ng Amerikanong sundalo upang mapanatili itong nakabuka habang ginagapangan ng mga langgam na inakit mula sa gubat sa pamamagitan ng asukal. Bilugan ang hayop na ginamit ng mga Pilipinong sundalo sa pag-torture sa mga sundalong Amerikano.

May dalawang taon ding lumaban ang pamahalaang Aguinaldo sa pananalakay ng hukbong Amerikano. Kinailangan magpadala ng

“I want no prisoners, I wish you to kill and burn, the more you kill and burn

the better you will please me. I want all persons killed who are capable of

bearing arms in actual hostilities against the United States.”

“There were to be no more neutrals. Inhabitants were to be classified as either active (not passive) friends or enemies. The latter, regardless of age, sex, were to be killed or captured…An eight o’clock curfew went into effect. Any Filipino found on the streets after that hour was to be shot on sight. Whenever an American soldier was killed, a native prisoner would be chosen by lot and executed.”

Patakaran ni Heneral J.F. Bell sa Batangas, Cavite, at Tayabas

Page 9: Imperyalismong Amerikano

8 Estados Unidos ng 120,000 tauhan para masupil ang pwersa ng mga Pilipino sa digmaan. Ngunit sa kabila ng paglaban ng mga Pilipino, unti-unting nanghina ang mga pwersang nakikibaka dahil sa patakarang pagsupil at patakarang pang-akit ng mga Amerikano. Bukod pa dito, may mga hanay din ng mga Pilipino na nakipagtulungan sa mga mananakop tulad ng mga katutubong Macabebe na kumilos laban sa rebolusyon at naging instrumental sa paghuli kay Aguinaldo. Nagwakas ang pamahalaang Aguinaldo nang siya’y nahuli noong ika-

23 ng Marso 1901. Sumuko ang mga lider at tauhan ni Aguinaldo samantalang ipinatapon naman ang ibang ayaw sumumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Opisyal na idineklara ng Estados Unidos na tapos na ang digmaan noong Hulyo 1902. Sa kabila nito hindi tumigil ang paglaban ng mga mamamayan sa iba’t ibang paraan. Iba’t ibang landas tungo sa kalayaan ang tinahak ng mga Pilipino para lang makamit ang kalayaang inagaw ng mga mananakop. Ang mga anakpawis ay naglunsad ng armadong pagtatanggol at pag-aalsa habang ang ilang malaya at edukadong Pilipino ay pumasok sa pakikipagkolaborasyon sa Estados Unidos na may hangaring mapalaya ang Pilipinas. Inabot ng isa pang dekada ang armadong pagtatanggol ng mga rebolusyonaryo na pinangalanang bandido, panatiko, at huramentado ng pamahalaang kolonyal. Sa Katagalugan, namuno sa armadong pagtatanggol si Hen. Luciano San Miguel. Tumulong sa kanya ang mga Katipunerong kasa-kasama

Mga nahuling lider ng mga gerilya Mga sundalong Pilipino

Page 10: Imperyalismong Amerikano

9 ni Bonifacio na napaisantabi sa panahon ni Aguinaldo. Nang mapatay si San Miguel, ipinagpatuloy nina Macario Sakay at Francisco Carreon, mga dati ring kasamahan ni Bonifacio, ang pamumuno sa mga natirang gerilya. Binuo nilang muli ang Republika ng Katagalugan at ipinagpatuloy ang gawaing rebolusyonaryo sa mga kabundukan at kanayunan. Natigil lamang ang kanilang paglaban nang makumbinsi sila ng mga edukadong Pilipino na tanggapin ang amnestiya noong 1906. Sa kabila ng pangakong amnestiya binitay pa rin si Sakay at Carreon ng mga Amerikano.

Isulat ang pangalan ng mga makabayang Pilipinong ito. Sila ang nagpatuloy sa armadong pagtatanggol sa kalayaan ng ating bansa sa kabila ng pagsuko ng lideratong elite. Patuloy din ang pakikipaglaban ng mga

milenarista sa Gitna at Timog Luzon, at sa Kabisayaan. Maging ang mga Pilipinong Muslim sa Lanao at Maguindanao ay lumaban din sa panghihimasok ng mga Amerikano bagama’t nakipagkasundo ang Sultan ng Sulu sa mga Amerikano sa pamamagitan ng Kasunduang Bates. Ang mga Igorot ay di rin agarang tumanggap sa mga mananakop. Nagpadala ang mga Amerikano ng tinatayang 400 ekspedisyon laban sa kanila. Nagpatuloy ang pabugso-bugsong paglaban sa mga mananakop ng ilan pang dekada.

Page 11: Imperyalismong Amerikano

10

Naglunsad din ang iba ng sariling pagtataguyod sa kalayaan. Isa na rito ang Katipunero at manunulat na si ______________________. Matapos makalabas sa pagkakakulong sa ilalim ng Espanya, inorganisa niya ang Junta de Amigos na binuo ng mga dating Katipunero. Nagsagawa ang grupo ng mga gerilyang yunit at pinatuloy ang paglaban sa Amerika. Sinunog nila ang mga taguan ng armas, hinuli ang mga kilalang kolaborador, at pinatay ang ilang mga Amerikanong sundalo. Kasama si Artemio Ricarte, tinangka rin niyang buuin muli ang rebolusyonaryong hukbo.

Nang nadiskubre ang lihim na samahan, binaling ni Tolentino ang pagtaguyod sa kalayaan sa pamamagitan ng pagsulat para sa teatro at pahayagan. Kilala ang kaniyang sarsuwela na Kahapon, Ngayon at Bukas bilang isang halimbawa ng makabayang akda na tumuligsa sa pananakop ng mga Espanyol at Amerikano. Naging aktibo rin si Tolentino sa pag-organisa ng mga samahang masa hanggang sa kaniyang pagpanaw noong 1915.

Pakikipagkolaboreyt ng mga Elite Sinimulan ng mga maykaya at edukadong Pilipino ang pakikipagkolaboreyt sa Estados Unidos habang nagaganap pa lamang ang digmaang gerilya ng pamahalaang Aguinaldo. Karamihan sa kanila ay pawang may mga posisyon sa pamhalaang Aguinaldo. Binuo nila noong 1900 ang _______________________ na tumulong sa mga Amerikano na mapaamo ang mga Pilipino. Mula sa kanilang hanay nagmula ang mga unang alkalde, gobernador, at iba pang opisyal sa pamahalaang sibil ng mga Amerikano. Maging ang ibang dati’y kasapi ng rebolusyonaryong hukbo ay naging tauhan din ng mga Amerikano sa pagsupil sa mga Pilipinong patuloy na nakibaka para sa kalayaan.

Page 12: Imperyalismong Amerikano

11 Mga Kolaborador

Bilugan ang larawan ng pinakaunang balimbing sa kasaysayan ng Pilipinas ayon sa historydor na si Ambeth Ocampo.

Pagtugmain ang larawan sa tamang pangalan. Gumuhit ng linya na nag-uugnay sa mga ito.

Kwalipikasyon ng Botante at Kandidato sa Pamahalaang Sibil

□ Lalaki □ 23 taon o higit □ Humawak na ng

munisipal na posisyon bago ang Agosto 1898

□ Marunong sumulat at magbasa ng Ingles o Espanyol

□ May ari-ariang nagkakahalaga ng $250 o nagbabayad ng taunang buwis na $15

Page 13: Imperyalismong Amerikano

12 Malinaw ang ginawang pag-akit ng Estados Unidos sa Pilipinong elite. Ibinigay nito ang kahilingan ng mga ilustrado at principalia na hindi ibinigay ng Espanya – representasyon sa kolonyal na pamahalaan, pagbukas ng mga posisyon sa gobyerno gaya ng Korte Suprema, military at iba pang ahensiya ng pamahalaan, at paggawa ng batas sa pamamagitan ng Pambansang Asamblea. Naakit din ng Estados Unidos ang mga maykaya sa pamamagitan ng mga patakarang pang-ekonomiya. Isinagawa ang “malayang kalakalan” at pamamahagi ng lupa na nagpatatag sa katayuang pang-ekonomiko ng mga elite. Nagkaroon ng tiyak na pamilihan ang mga produktong ineksport ng mga asendero at panginoong maylupa at naging paborable sa mga negoysanteng kumprador ang pag-eeksport at pag-iimport. Dahil na rin sa bukas na kalakalan, napabilis din ang pagpasok ng kulturang Amerikano sa pamamagitan ng mga aklat, pelikula at iba pang mga nabibiling produkto.

Kagyat, Ganap at Lubos na Kalayaan Nakuha ng ____________________ ang mayorya ng Asamblea noong 1907 dahil sa plataporma ng “kagyat, ganap at lubos na kalayaan.” Naging speaker si Sergio Osmeña at majority floor leader si Manuel Quezon. Sa panahong ito napasakamay ng Partido Demokrata ang pamahalaan ng Estados Unidos kaya’t naipasa ang Jones Law noong 1916 na nangako ng independensiya sa oras na mabuo ang isang matatag na pamahalaang Pilipino. Napabilis ng batas ang paglilipat sa responsibilidad ng pamamahala sa mga Pilipinong pinuno sa pamamagitan ng prosesong Pilipinisasyon at napasakamay ng mga Pilipinong elite ang halos buong kolonyal na pamahalaan.

Mula kaliwa: House Speaker Sergio Osmeña, Gov-gen. Francis Burton Harrison at Senate Pres. Manuel L. Quezon.

Page 14: Imperyalismong Amerikano

13 Sa puntong ito tinatalakay sa popular na pagturo sa kasaysayan ang mga independence mission na pinamunuan nina Quezon at Osmeña upang lalong mapabilis ang pagkamit ng kalayaan ng bansa. Subalit kung susuriin ang primaryang batis, ibang salaysay ng kasaysayan ang ating matutunghayan. Narito ang isang pahayag ni Frank McIntyre, isang opisyal mula sa Burea of Internal Affairs ng Estados Unidos, tungkol sa mga pribadong pag-uusap nila nina Quezon at Osmeña:

When the Philippine mission arrived in Washington in June 1919…the views of the chairmen of the mission were that there should not be in the near future any change in the relations between the United States and the Philippines…They desired a strengthening of the Filipino control of the government.

They believed that the people of education and property in the Islands would be satisfied and would for some years discontinue the discussion of independence if the government were made in local matters purely Filipino…If to the government so established some name could be given, using if possible, the word “independence” this would for some time satisfy the mass of the people who have been fed up on independence talk and who will not be satisfied unless they get that, at least in name…They were not interested in having a definite date fixed for complete independence. They have in mind that if such a date were fixed and not in the very near future it would create a great deal of dissatisfaction in the Islands, and that it would be much better not to mention a date…but, as indicated, the ques-tion of complete independence is not at this time seriously thought of. Batay sa pahayag ni McIntyre, hangad ba nina Quezon, Osmeña at ng pambansang elite ang kagyat, ganap at lubos na kalayaan? Salungguhitan ang mga pangungusap na sumusuporta sa iyong sagot.

Page 15: Imperyalismong Amerikano

14

Sa tingin mo, tuluyan na ba tayong lumaya

mula sa kontrol ng mga mananakop?

Malinaw sa pahayag ni McIntyre na ang pagpapalawak ng kapangyarihan ang tunay na interes sa likod ng mga independence mission at hindi ang sinasabi ng mga opisyal sa publiko na “kagyat, ganap at lubos na kalayaan.” Subalit sa kabila ng mabagal na pag-usad ng pagsulong sa kasarinlan, nakamit din ng bansa ang kalayaan noong Hulyo 1946 pagkatapos mapasailalim ng Pamahalaang Komonwelt at sa pananakop ng mga Hapon. Nagawa ng mga kolaboreytor na makuha unti-unti sa pamamagitan ng mapayapang paraan ang inaasam na independensiya. Subalit para sa ibang patuloy na nakibaka sa pananakop ng mga Amerikano, hindi kumpleto ang kalayaang nakamit dahil nanatili ang pang-ekonomiya at pampolitikang kontrol ng Estados Unidos sa ating bansa. Hindi rin nakamit ng mga anakpawis ang inaasahang kapayapaan, pagkapantay-pantay, kaginhawahan, at pagkakapatiran na hatid ng tunay na kalayaan. Nakuntento ang elite sa ibinigay na kalayaan noong 1946, habang ang mga kapatid nating anakpawis ay patuloy pa ring lumalaban at kumikilos para sa kanilang ganap na paglaya mula sa pang-aabuso ng dayuhan at Pilipinong panginoon.

Page 16: Imperyalismong Amerikano

15

PANANAKOP NG MGA AMERIKANO

Sanggunian: Gripaldo, E., et al. (2003). Kasaysayan ng Filipinas at mga Institusyong Filipino. QC: UP-SWF at bulatlat.com.ph