Upload
hanzelkris-cubian
View
206
Download
2
Embed Size (px)
DESCRIPTION
hekasi 5
Citation preview
H E K A S I
5
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)
Distance Education for Elementary Schools
SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG AMERIKANO
Department of Education
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).
This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.
1
GRADE V
PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG AMERIKANO
Nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, nagkaroon ng pagbabago sa kabuhayan ng mga Pilipino. Ipinakilala nila ang mga makabagong teknolohiya. Ang mga sasakyan at komunikasyon ay naging makabago rin. Ang mga industriya ay umunlad at nagbago ang kabuhayan ng bansa.
Sa modyul na ito matututuhan mo kung anu-ano ang mga pagbabagong
ito at kung ito ay naging mahalaga sa kanilang pamumuhay.
Handa ka na ba?
ALAMIN MO
2
Bago mo simulan ang pag-aaral sa bagong aralin, magbalik-aral ka muna.
Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa bawat bilang sa Hanay A. Isulat mo sa iyong kuwadernong sagutan ang buong salita.
Hanay A Hanay B
_______1. Kaban ng bigas ng Pilipinas
_______2. Lugar na mainam mag-
alaga ng baka _______3. Natutuhan ng mga
Plipinong nakatira sa lalawigan ng Pampanga
_______4. Nagkampanya sa
pagpaparami ng pagkain _______5. Nagtatag ng monopolyo
sa tabako
a. Batangas b. Cagayan c. Gitnang Luzon d. paggawa ng asin e. paggawa ng apog f. Jose Basco g. Hurtado Corcuera
PAGBALIK-ARALAN MO
3
Ang malayang kalakalan ay isa sa patakarang pangkabuhayang pinairal ng mga Amerikano. Ayon sa Batas Payne-Aldrich Tarift Act ang mga produkto ng Pilipinas ay makapapasok sa Estados Unidos nang libre o walang bayad ngunit may kota. Samantala ang produkto naman ng Estados Unidos ay makapapasok sa Pilipinas ng walang buwis at walang kota.
Sa panahon ng pamamahala ni Gobernador Heneral William Taft, binili niya ang mga lupain ng mga prayle. Ang mga lupain namang ito na ekta-ektarya ay ipinagbili sa mga Pilipino. Ang Batas Homestead ay naipatupad na magkakaloob sa mga Pilipino ng dalawamput apat (24) na ektaryang lupa sa murang halaga at babayaran ng hulugan.
Sa paraan ng pagsasaka tinuruan ang mga magsasaka ng makabagong paraan ng pagsasaka, nagkaroon ng patubig at prinsa sa mga sakahan.
Nagkaroon din ng pagbabago sa mga industriya. Gumamit ng mga makabagong makinarya at kaalaman sa paggawa ng mga tao, naging magaan ang paggawa at lumaki ang produksyon.
Maraming nabuksang pabrika o gawaan ng langis ng niyog, abono, sigarilyo, asukal, lubid, tela at iba pa. Lumaki rin ang mga industriya sa pagmimina at pangingisda.
PAG-ARALAN MO
4
Mayroon ding mga industriyang pantahanan tulad ng mga sombrero, banig, kumot, tuwalya at iba pang produktong Pilipino.
Ang pagpapabuti at pagpapaunlad ng mga ito ay nakatulong sa mabilis na pagsulong ng kabuhayan ng bansa, mabilis na nakararating ang mga kalakal sa ibat-ibang lugar ng bansa sa pamamagitan ng barko, eroplano, kotse at iba pa. Ang mga makabagong komunikasyon ay nagpabilis sa pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino.
Ngayong natutuhan mo na ang mga pagbabago sa pangkabuhayang pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng Amerikano, punan mo ang caravan isulat mo sa notebook ang iyong sagot.
Punan mo ng tamang sagot ang bawat patlang. Isulat mo ang iyong sagot sa notebook.
1. Ang __________ ay ang pangkabuhayang pinaiiral ng mga Amerikano sa
bansa. 2. Ang __________ ng Estados Unidos makapapasok ng libre o walang kota
sa Pilipinas. 3. Ang __________ ay batas na nagsasaad na maaring makapasok ang
produkto ng Pilipinas sa Estados Unidos. 4. Si __________ ang gobernador-heneral na bumili ng mga lupain sa mga
prayle. 5. Ang __________ ang batas na nagkakaloob ng dalawamput apat na
ektaryang lupa. 6. Ang__________ ay ginamit ng mga magsasaka.
PAGSANAYAN MO
Pangkabuhayan sa Panahon ng Amerikano
5
7. Ang __________ ay isang halimbawa ng transportasyon na mabilis makararating sa ibat-ibang dako ng bansa.
8. Ang __________ ay nakatulong sa mabilis na pagtanggap ng mga tao sa balita.
9. Ang __________ ay nakatulong sa pagpapalaki ng ani ng mga magsasaka.
10. Ang makabagong __________ ay nakatulong sa magaan na paggawa at lumaki ang produksyon.
Nagkaroon ng mga pagbabago sa pangkabuhayang pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.
May ibat-ibang pinairal na programang pangkabuhayan ang mga Amerikano sa bansa.
Napag-aralan mo ang mga pagbabagong pangkabuhayan sa panahon ng Amerikano. Paano mo ito pahahalagahan?
Sipiin mo ang talaan sa iyong kuwaderno. Lagyan ng () ang hanay ng napiling sagot. Ipaliwanag mo ang iyong sagot.
Patakaran Sang-ayon Tutol
TANDAAN MO
ISAPUSO MO
6
1. malayang kalakalan ng Pilipinas at Estados Unidos
2. pagpapatupad ng Batas
Homestead
Panuto: Isulat mo ang mukhang kung nasisiyahan ka at kung hindi ka nasisiyahan.
_______1. Pagbibigay ng lupang sakahan sa mga Pilipinong magsasaka. _______2. Batas na nagtakda sa pagpasok ng produktong Pilipino sa
Estados Unidos na may kota. _______3. Pagpasok sa Pilipinas ng mga produktong Amerikano na
walang kota. _______4. Mabilis na pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa ibat-ibang
lalawigan dulot ng makabagong transportasyon. _______5. Napadali ang pakikipag-ugnayan sa loob at labas ng bansa sa
pamamagitan ng telepono.
Panuto: Punan ng wastong titik ang bawat kahon upang mabuo ang salitang tinutukoy. Isulat mo ng buo sa iyong notebook ang sagot.
1. Ang pangkabuhayang ipinakilala ng mga Amerikano sa Pilipinas.
GAWIN MO
PAGTATAYA
M Y N G K K N
7
2. Ang pagkakaloob sa mga magsasaka ng dalawamput apat na
ektaryang lupang pangsakahan. 3. Ang mga makabagong makinaryang ginamit ng mga magsasaka. 4. Ang panghimpapawid na transportasyon na nagpabilis sa pagpapadala
ng mga produkto. 5. Ang ipinakilala ng mga Amerikano na nagpagaan sa paggawa ng mga
produkto.
6. Ang bumili ng mga ekta-ektaryang lupain sa prayle. 7. Ang pagpasok sa Pilipinas ng produktong Amerikano nang walang
kota. 8. Ang nakabuti sa pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa pamamagitan
ng pag-uugnayan. 9. Nakatulong ito sa mabilis na pagtanggap ng mga tao sa mga balita. 10. Ang nakatulong sa mga magsasaka upang maging sagana ang ani.
B T S H M S T D
T R T O A
E R L O
M K N Y
W L M T F T
K M N K Y N
R D Y
P T B G
P Y N - L D R C
T
8
Gumawa ng isang maikling talata na tatalakay sa kalagayang
pangkabuhayan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano.
PAGPAPAYAMANG-GAWAIN
Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
Cover_Pangkabuhayan sa Panahon ng AmerikanoPangkabuhayan sa Panahon ng Amerikano