8
EditorYal Singilin at panagutin ang rehimeng Duterte! Labanan ang all-out war at pasismo! Opisyal na Pahayagan ng Anakbayan Edisyon Pebrero-Marso 2017 anakbayan.org anakbayan phils @anakbayan_ph Dapat ilantad, singilin at tuligsain ng bayan ang rehimeng Duterte sa mga napakong pangako nito sa mamamayan. Dapat itong panagutin sa todo largang digma at pasismo, kaakibat ng anti-demokratiko at hibang na giyera kontra-droga na naghahasik ng lagim at pumaslang sa libo- libong maralita. Matapos ang higit sa anim na buwan sa poder, mabilis na nalalantad ang esensyang reaksyunaryo ng rehimen. Ang pagpostura ni Duterte na “Kaliwa,” “sosyalista,” “anti-US” at “anti-oligarkiya” ay mabilis na nahuhubaran sa harap ng mga anti-demokratiko at maka-imperyalistang patakaran at hakbanging pinapatupad ng kanyang rehimen. Mga napakong pangako Lumalabas na hungkag ang mga deklarasyon at retorikang anti-US ni Duterte. Sa totoo’y wala siyang ginawa para wakasan ang panghihimasok at dominasyon ng militar ng US sa Pilipinas. Hindi niya itinuloy ang bantang ibabasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at pagpapalayas ng tropang Amerikano sa Mindanao. Sa halip, pinagtibay pa niya ang pakete ng 257 na ehersisyong militar ng US sa Pilipinas sa 2017 at kalauna’y naghabol na ng pakikipagkaibigan sa pangulo ng US na si Donald Trump. >> Ituloy sa p.2 Nasaan ang 1,328 manggagawa ng HTI? Paggunita sa pag-aalsang EDSA sa panahon ng rehimeng Duterte #OccupyBulacan: Pag-okupa ng tiwangwang na pabahay Bakit may strike laban sa jeepney phase-out? p. 5 Paano dapat tingnan ang death penalty? p. 4 Mga inilunsad na protesta nitong nakaraang buwan p. 3 Ano ang kahulugan ng pag- aresto kay De Lima? p. 6 Bakit makabuluhan ang Sigwa ng Unang Kwarto? p. 8 Sa harap ng tumitinding pasismo ng rehimeng Duterte mahalaga ang paggunita sa pag- aalsang EDSA o People Power noong 1986. >> Ituloy sa p.4 Mariing kinukundena ng Anakbayan ang cover-up sa malaking sunog sa planta ng House Technology Industries (HTI) sa loob ng Cavite Export Processing Zone (CEPZ) noong Pebrero 1 na binansagan na bilang pinakamalubhang trahedya sa pagawaan sa kasaysayan. >> Ituloy sa p.5 Inokupa ng libu-libong maralita ang mga bakanteng pampublikong pabahay sa Bulacan na limang taon nang nakatiwangwang at hindi napakikinabangan ng mamamayan.. >> Ituloy sa p.3 NG KABATAANG MAKABAYAN Para kay: Balangay: Address:

EditorYal Singilin at panagutin ang rehimeng Duterte! · PDF file... at pagpapalayas ng tropang Amerikano sa ... Paggunita sa pag-aalsang EDSA sa panahon ng rehimeng Duterte Sa harap

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: EditorYal Singilin at panagutin ang rehimeng Duterte! · PDF file... at pagpapalayas ng tropang Amerikano sa ... Paggunita sa pag-aalsang EDSA sa panahon ng rehimeng Duterte Sa harap

EditorYal

Singilin at panagutin ang rehimeng Duterte! Labanan ang all-out war at pasismo!

Opisyal na Pahayagan ng AnakbayanEdisyon

Pebrero-Marso 2017

anakbayan.org

anakbayan phils

@anakbayan_ph

Dapat ilantad, singilin at tuligsain ng bayan ang rehimeng Duterte sa mga napakong pangako nito sa mamamayan. Dapat itong panagutin sa todo largang digma at pasismo, kaakibat ng anti-demokratiko at hibang na giyera kontra-droga na naghahasik ng lagim at pumaslang sa libo-libong maralita.

Matapos ang higit sa anim na buwan sa poder, mabilis na nalalantad ang esensyang reaksyunaryo ng rehimen. Ang pagpostura ni Duterte na “Kaliwa,” “sosyalista,” “anti-US” at “anti-oligarkiya” ay mabilis na nahuhubaran sa harap ng mga anti-demokratiko at maka-imperyalistang patakaran at hakbanging pinapatupad ng kanyang rehimen.

Mga napakong pangako

Lumalabas na hungkag ang mga deklarasyon at retorikang anti-US ni Duterte. Sa totoo’y wala siyang ginawa para wakasan ang panghihimasok at dominasyon ng militar ng US sa Pilipinas. Hindi niya itinuloy ang bantang ibabasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at pagpapalayas ng tropang Amerikano sa Mindanao. Sa halip, pinagtibay pa niya ang pakete ng 257 na ehersisyong militar ng US sa Pilipinas sa 2017 at kalauna’y naghabol na ng pakikipagkaibigan sa pangulo ng US na si Donald Trump.

>> Ituloy sa p.2

Nasaan ang 1,328 manggagawa ng HTI?

Paggunita sa pag-aalsang EDSA sa panahon ng rehimeng Duterte

#OccupyBulacan: Pag-okupa ng tiwangwang na pabahay

Bakit may strike laban sa jeepney phase-out? p. 5

Paano dapat tingnan ang death penalty? p. 4

Mga inilunsad na protesta nitong nakaraang buwan p. 3

Ano ang kahulugan ng pag-aresto kay De Lima? p. 6

Bakit makabuluhan ang Sigwa ng Unang Kwarto? p. 8

Sa harap ng tumitinding pasismo ng rehimeng Duterte mahalaga ang paggunita sa pag-aalsang EDSA o People Power noong 1986.

>> Ituloy sa p.4

Mariing kinukundena ng Anakbayan ang cover-up sa malaking sunog sa planta ng House Technology Industries (HTI) sa loob ng Cavite Export Processing Zone (CEPZ) noong Pebrero 1 na binansagan na bilang pinakamalubhang trahedya sa pagawaan sa kasaysayan.

>> Ituloy sa p.5

Inokupa ng libu-libong maralita ang mga bakanteng pampublikong pabahay sa Bulacan na limang taon nang nakatiwangwang at hindi napakikinabangan ng mamamayan..

>> Ituloy sa p.3

N G K A B A T A A N G M A K A B A Y A N

Para kay:

Balangay:

Address:

Page 2: EditorYal Singilin at panagutin ang rehimeng Duterte! · PDF file... at pagpapalayas ng tropang Amerikano sa ... Paggunita sa pag-aalsang EDSA sa panahon ng rehimeng Duterte Sa harap

2 EDITORYAL>> Mula sa p.1

Ang sinasabing “nagsasariling patakarang panlabas” ay ginamit lamang para akitin ang mas malaking dayuhang pamumuhunan mula sa mga karibal ng US na Tsina at Rusya na magsasadlak din sa manggagagawa at mamamayan sa higit pang pagsasamantala. Sa halip na paalisin, lalo pang hinikayat ni Duterte ang nagriribalang mga dayuhang tropang militar sa bansa.

Sa larangan ng ekonomiya, ipinagpatuloy ng rehimeng Duterte ang mga patakarang neoliberal na minana sa mga nagdaang rehimen. Ang pangako ni Duterte na tapusin ang kontraktwalisasyon ay nauwi sa “win-win solution” na lalo pang maglelehitimisa at magpapalawak ng kontraktwal na paggawa pabor sa malalaking burgesya komprador. Hinadlangan din nito ang pagtataas ng sahod ng manggagawa at mga kawani.

Tuloy-tuloy ang pagtataas ng mga bilihin at pagkakait ng mga serbisyo. Ang sinasabing “libreng matrikula” sa mga state universities and colleges ay walang iba kundi pinalawak na iskolarship at sa totoo’y gagamitin pa nga para palawakin ang mga iskema ng taas-matrikula at singilin sa mga kampus. Hindi ibinigay ang pangakong dagdag na P2,000 sa buwanang pensyon sa SSS, sa halip ginawa itong P1,000 na may kasabay na dagdag sa kinakaltas sa buwanang hulog.

Nakaamba naman ang kabi-kabilang pagtataas ng buwis,

kabilang na ang panukalang P6 kada litro na excise tax sa produktong petrolyo upang itaas ang kita ng gubyerno sa labis na kapinsalaan ng interes ng bayan.

Pasistang giyera laban

sa masa

Sa halip na pinangakong makabuluhang pagbabago, pananakot at pamamaslang laban sa maralita at mamamayan ang pinakana ng rehimen sa hibang nitong “gera kontra droga.” Lalagpas na sa 7,000 ang pinatay ng mga pulis at mga grupong vigilante sa sulsol mismo ni Duterte.

Ang pag-aresto kamakailan kay Senador Leila De Lima ay larawan ng tumitinding ribalan ng naghaharing uri at kabulukan ng sistemang pampulitika kung saan sentro si Duterte. Ginagamit ni Duterte ang kampanya kontra droga at paglaban umano sa oligarkiya para ipitin at paluhurin ang mga karibal. Para makonsolida ang kapangyarihan laban sa oposisyon, sumandig ito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at kinonsolida ang mga maka-US na mga heneral. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagpapapurol ng mga anti-US na tindig at pagpayag sa mga patakarang pabor sa US.

Ang dineklarang all-out war ni Duterte laban sa rebolusyunaryong kilusan matapos siyang umatras sa usapang pangkapayapaan ay pagyukod nito sa kontra-insurhensyang kampanya na sulsol ng US sa militar. Nagtulak ito sa AFP na lalo pang manalot sa masa sa kanayunan, mambomba ng mga komunidad, sapilitang magpalikas

ng taumbayan at pumaslang o di kaya’y iligal na mang-aresto ng mga lider-aktibista.

Idi nek la ra ng mga upi syal ng AFP na “pa ta ta ma an na min nang ma la-kas” ang mga rebelde sa kanilang Oplan Kapayapaan. Ta la gang ma la kas ang big was su ba lit ang “pi na ta ta ma an” ay ang di ar ma-dong ma ma ma yang lu ma la ban. Buu-bu ong ko mu ni dad ang ka ni-lang si na sa lan ta at ang pi na pa tay ni lang mga si bil yan ay ipi nip ri sin ta bi lang ka sa pi ng NPA upang pa la-ba sing nag ta ta gum pay si la.

Sa kabiguan nitong palayain ang mga bilanggong pulitikal at pagpupumilit nito sa “bilateral ceasefire” bago ang anupamang kasunduan, lumalabas na hindi tunay na kapayapaan ang hangarin ni Duterte kundi pasipikasyon at pagsuko ng mamamayang lumalaban. Nais nitong itali ang rebolusyunaryong kilusan sa matagalang tigil-putukan na walang makabuluhang pakinabang para sa mamamayan, habang nagpapatuloy ang mga operasyon ng AFP.

Kasabay nito, pinatitindi ni Duterte ang mga hakbanging pasista.

Matapos ang pagpaparangal sa mga Marcos bilang bayani, itinulak nito ang pagbabalik ng ROTC at nagbabanta itong ibalik ang batas militar at Philippine Constabulary. Itinutulak din ng mga kaalyado nito sa Kongreso ang death penalty at pagsasama ng mga minor de edad sa mga maaaring patawan ng mga kasong kriminal, kapwa lalong gigipit at tatarget sa maralita.

Sa harap ng tumitinding krisis, tinatawagan ang kabataan na patindihin ang paglaban. Dapat puspusang palakasin ang mga pakikibakang masa at singilin si Duterte sa mga napakong pangako nito sa mamamayan. Dapat labanan ang tumitinding atake ng imperyalismo at tumitinding pasismo sa ilalim ng rehimen.

Dapat ilunsad ang malawak na kampanya para sa pampulitikang edukasyon, integrasyon sa batayang masa at pagpapalawak sa hanay ng kabataan at intelektwal. Dapat maramihang tumungo sa kanayunan at malakas na mag-ambag sa pangkalahatang layunin na itaas sa panibagong antas ang pambansa-demikratikong pakikibaka.

PATNUGUTAN

Punong Patnugot: Karlo Mongaya

Mga Kawani: Alexia Fuentes, Gem Aramil, Gena Terre,

James Relativo, John Levi Masuli, Nona Al-Raschid, Reeza Rosalada,

Vencer Crisostomo

Paglalapat at Disenyo: Paula Sabrine

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, mag-email [email protected].

Opisyal na Pahayagan ng Anakbayan

Pebrero-Marso 2017 Edisyon

“Dapat puspusang palakasin ang mga pakikibakang masa at singilin si Duterte sa mga napakong pangako nito sa mamamayan. Dapat labanan ang tumitinding atake ng imperyalismo at tumitinding pasismo sa ilalim ng rehimen.

Dinahas ng kapulisan ang protesta sa US Embassy noong Pebrero 25. Larawan mula sa Rappler.

Page 3: EditorYal Singilin at panagutin ang rehimeng Duterte! · PDF file... at pagpapalayas ng tropang Amerikano sa ... Paggunita sa pag-aalsang EDSA sa panahon ng rehimeng Duterte Sa harap

3BALITA

Tuluy-tuloy ang mga protesta laban sa all-out war, pasismo, at mga napapakong pangako ng rehimeng Duterte nitong nakaraang dalawang buwan.

Inilunsad ang pambansang walkout ng mga mag-aaral at kabataan noong Enero 27 at Pebrero 23 at martsa patungong Mendiola sa ika-106 na Pandaigdigang Araw ng Manggagawang Kababaihan noong Marso 8. Araw din ng protesta ang ika-31 anibersaryo ng pag-aalsa sa EDSA noong Pebrero 25 kung saan sinugod ng libu-libong mamamayan ang US Embassy at Camp Aguinaldo. Ayon sa Anakbayan, duguan ang kamay ng rehimeng Duterte at ito’y dapat panagutin hindi lamang sa halos 8,000 pinaslang sa kontra-mahirap na “gera kontra droga” kundi sa mga biktimang aktibista at sibilyan sa ilalim ng all-out war at kontra-insurhensyang kampanyang Oplan Kapayapaan. Patuloy na tumitindi ang mga pag-atake laban sa mga aktibista at sibilyan. Aabot na sa 39 na aktibista ang pinaslang sa ilalim ng rehimeng Duterte habang libu-libo ang sapilitang lumikas sa kanilang mga komunidad. Aabot na sa 30 ang bagong bilanggong pulitikal na

PAGSINGIL SA MGA BIGONG PANGAKO

inaresto sa ilalim ni Duterte. Kabilang sa iligal na inaresto si Bayan-Metro Manila campaign officer Ferdinand Castillo. Siningil ng grupo ang rehimeng Duterte sa mga bigong pangako nito sa mamamayan.Nanawagan ang Anakbayan sa kabataan na magmulat, magorganisa, at magpapakilos laban sa namumukadkad na pasismo sa ilalim ng rehimeng Duterte.

Kalahok sa serye ng protesta ang mga mag-aaral mula sa University of the Philippines Diliman at Manila, Polytechnic University of the Philippines, University of Santo Tomas, De La Salle University, Ateneo de Manila University, National University, National Teacher’s College, Technological University of the Philippines at iba pang mayor na paaralan sa Kamaynilaan. May mga pagkilos din sa Baguio City, Cebu City, Davao City, Iloilo City, Los Baños, Tacloban City, at iba pang mga sentrong urban sa mga rehiyon.

#OccupyBulacan: Tiwangwang na pabahay inokupa ng maralitang tagalungsodSimula noong Marso 8, inokupa ng libu-libong maralitang tagalungsod ang mga bakanteng pampublikong pabahay sa Bulacan na limang taon nang nakatiwangwang at hindi napakikinabangan ng mamamayan.

Nagtayo sila ng mga barikada upang ipagtanggol ang kanilang karapatan para sa libreng pabahay na niyuyurakan ng rehimeng Duterte sa pagtutulak nito ng mga neoliberal na patakarang pumapabor sa malalaking negosyo sa pabahay.

Sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), mahigit 5,208 yunit ang inokupa sa 5 relocation site ng National Housing Authority (NHA) sa bayan ng Pandi, Bulacan sa unang araw ng kampanya.

Sa halip na ibigay sa mga maralitang tagalungsod ang pag-aari sa mga nakatiwangwang na pabahay, patuloy na ipinagkakait ng NHA at gobyernong Duterte ang kanilang karapatan para sa pabahay.

Panunupil at harasment naman ang naging tugon ng kapulisan at mga pribadong guwardiya sa panawagan ng mga mamamayan. Kinordon din ang mga inokupang pabahay sa Pandi at ipinagbawal ang pagpasok ng pagkain sa lugar.

“Sa 8 buwan sa ilalim ng rehimeng Duterte, hindi pa nakatikim ng ginhawa ang maralita dahil sa nagpapatuloy na mababang sahod, kakulangan ng trabaho, at kawalan ng pabahay. Dinagdagan pa ang kanilang problema ng kontra-mahirap na ‘gera kontra-droga’ at all-out war,” ayon sa Anakbayan.

Nananawagan ang Anakbayan ng pagsuporta ng kabataan at mamamayan sa kampanyang #OccupyBulacan ng mga maralitang tagalungsod sa pamamagitan ng pagpapadala ng pagkain at tubig, at higit sa lahat, sa aktwal na pagtungo at integrasyon sa mga barikada.

“Dapat singilin si Duterte sa kanyang mga bigong pangako,” ayon sa Anakbayan.

“Nananawagan ang Anakbayan sa kabataan na higit na magmulat, magorganisa, at magpapakilos laban sa tumitinding pasismo sa ilalim ng rehimeng Duterte.

Tuluy-tuloy na protesta laban sa all-out war at pasismo ni Duterte

Larawan mula sa Philippine Collegian.

Page 4: EditorYal Singilin at panagutin ang rehimeng Duterte! · PDF file... at pagpapalayas ng tropang Amerikano sa ... Paggunita sa pag-aalsang EDSA sa panahon ng rehimeng Duterte Sa harap

4Paggunita sa pag-aalsang EDSA sa panahon ng rehimeng DuterteSa harap ng tumitinding pasismo ng rehimeng Duterte, at mga pagtatangka ng mga nagtutunggaling paksyon ng naghaharing uri na baluktutin at angkinin ang kasaysayan ng paglaban sa diktadurya, mahalaga ang paggunita sa pag-aalsang EDSA o People Power noong 1986.

Ang pag-aalsa sa EDSA ay kulminasyon ng pakikibaka ng mamamayan laban sa diktadurang US-Marcos na nagsimula noong Pebrero 22 hanggang Pebrero 25, 1986. Umabot ng hanggang dalawang milyong mamamayan ang nagtipon sa EDSA para suportahan ang bumaklas na militar mula sa diktadurya na nagdulot ng lubusang pagkakahiwalay at pagbagsak ng rehimen.

Ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang nagsilbing kwerpo ng mga mobilisasyon sa EDSA. Ang Kilusang Mayo Uno at League of Filipino Students naman ang nanguna sa pagsugod sa Malakanyang para tuluyan nang palayasin si Marcos. Pinangunahan din ng BAYAN ang mga pagkilos sa mga prubinsya at siyudad sa labas ng Maynila na nagparalisa sa mga pwersang militar ni Marcos.

Bago ito, sa gitna ng tumitinding krisis, tuloy-tuloy na lumakas ang armadong rebolusyon. Gayundin, ang ligal na demokratikong kilusan ay umabante sa pagbubuo ng mga organisasyong masa, mga protesta at welga ng manggagawa. Samantala, ligalig ng krisis ang naghaharing uri dahil sa paghihigpit ng pautang sa bansa na nagtulak ng mas matinding ribalan at agawan sa yaman.

Nang paslangin ng rehimeng Marcos si Ninoy Aquino noong 1983, sumambulat ang malalaking aksyong masa at pagpapatindi ng armadong pakikibaka. Nasa kwerpo nito ang rebolusyunaryong kilusan sa pangunguna ng Partido Komunista ng Pilipinas. Ang rebolusyunaryong kilusang masa ang tuloy-tuloy na

nagpahina at naghiwalay sa diktadurang Marcos. Sa takot rin na higit pang lumaki ang kilusang rebolusyunaryo, nagdesisyon ang US at malalaking komprador at panginoong maylupa, kabilang ang simbahan na ihanda ang pagpapalit kay Marcos.

Ang mapagpasyang papel ng rebolusyunaryong kilusan at paglaban ng iba’t ibang sektor ang pilit pinagtatakpan sa pagluklok ni Cory Aquino at kasapakat na mga tuta ng US. Kabaliktaran sa inaasahang pagbabago ng bayan, sinamantala ng mga Aquino ang pakikibaka ng mamamayan para itatag ang tutang rehimen. Matapos maluklok, pinagpatuloy nito ang mga kontra-mamamayang mga patakaran, minasaker ang mga magsasaka at nagpatupad ng total war.

Lahat ng sumunod kay Marcos ay nagpatuloy lang ng mga patakarang pumapabor sa dayuhan at naghaharing uri sa bansa.

Natanggal lamang ang hayag na diktadura, pero hindi pa rin naalis ang mga batayang problema ng imperyalistang dominasyon, domestikong-pyudalismo, at burukrata kapitalismo.

Sa kasalukuyan, higit na tumitindi ang pasismo ng rehimeng Duterte, kasabay ng mga banta nito na magdedeklara ng Martial Law at pagpaparangal nito kay Marcos bilang bayani. Napako ang mga pangako ng pagbabago ng rehimeng Duterte mula sa pag-atras nito sa mga naunang mga anti-US na deklarasyon, pagpapanatili nito sa kontraktwalisasyon, at pagbawi sa mga panukalang magbigay ng libreng edukasyon at pabahay sa mamamayan.

Kasalukuyang naghahasik ng takot ang kapulisan at militar sa mga komunidad sa buong bansa. Aabot na sa halos 8,000 ang pinaslang sa kontra-mahihirap na gera kontra- droga. Samantalang aabot na sa 39 ang pinaslang na aktibista’t

sibiliyan sa all-out war laban sa rebolusyonaryong kilusan. May 30 bagong bilanggong pulitikal sa ilalim ng rehimeng Duterte. Libu-libong mamamayan ang napipiltang lumikas sa kanilang mga komunidad dahil sa mababangis na operasyong militar at pambobomba sa “all-out war” at Oplan Kapayapaan. Nariyan din ang panukalang ibalik ang mandatory ROTC at Philippine Constabulary at ang pagtutulak ng death penalty sa Kongreso. Makailang ulit na ring nagbanta si Duterte na muling ipataw ang Batas Militar.

Sa pagharap sa isang rehimeng tahasang iniidolo ang diktaduryang Marcos at ipinagtatanggol ang interes ng dayuhan at iilan, nararapat lamang na tanganan ang aral at inspirasyon ng pag-aalsang EDSA, pasiglahin ang diwang palaban ng kabataan at mamamayang Pilipino para sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong rebolusyon.

LATHALAIN

Page 5: EditorYal Singilin at panagutin ang rehimeng Duterte! · PDF file... at pagpapalayas ng tropang Amerikano sa ... Paggunita sa pag-aalsang EDSA sa panahon ng rehimeng Duterte Sa harap

5Nasaan ang 1,328 manggagawa ng HTI?

Mariing kinundena ng Anakbayan ang cover-up sa malaking sunog sa planta ng House Technology Industries (HTI) sa loob ng Cavite Export Processing Zone (CEPZ) noong Pebrero 1 na binansagan na bilang pinakamalubhang trahedya sa pagawaan sa kasaysayan.

Sa kabila ng pag-amin ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA), Department of Labor and Employment (DOLE), lokal na pamahalaan, at Bureau of Fire Protection na wala pang komprehensibong imbestigasyon, mabilis na binalewala ang mga testimonya ng mga manggagawa na maraming hindi nakalabas sa nasusunog na gusali. Ngunit pinabulaanan ang mga pahayag ng otoridad sa naganap na National Fact-Finding Mission (NFFM) na pinangunahan ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) at iba pang mga grupo noong Pebrero 2-5. Aabot sa 1,328 manggagawa ang hindi pa lumilitaw, ayon sa ulat ng fact-finding mission na iniharap sa Kongreso noong Pebrero 21. Samakatuwid, maaaring sabihing isa itong trahedya na mas malubha sa naganap na sunog sa pabrika ng tsinelas ng Kentex noong Mayo 13, 2015 na nagresulta sa kamatayan ng 72 manggagawa.

Ayon sa mga katugon ng NFFM, daan-daang manggagawa ang nagtatrabaho sa ikalawa at ikatlong palapag ng 3-palapag na planta nang magsimula ang sunog bandang 6PM ng gabi sa production area sa ikalawang palapag. Dagdag pa, kalakhan sa mga manggagawang nasa ikatlong palapag ay mga kababaihan subalit 25 lamang sa 126 na nakalistang napinsala na empleyado sa mga ospital ang mga kababaihan. Nasaan na ang ibang kababaihang manggagawa? Ayon sa isang manggagawa, nakita niya ang isang magkasintahang tumungo sa isang banyo na umiiyak at magkayakap. “Nang nasa labas na ako ng building, wala akong nakitang dumaan sa fire exit, maraming tumatalon sa bintana, mula second at third floor, mga babae, kasama na iyong buntis. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila. Maraming naiwan don sa loob.”

Ayon sa mga saksi, tanging ang regular na pasukan at labasan

lamang ng HTI main building ang nagsilbing daanan ng mga manggagawang tumatakas sa apoy. Dagdag pa, masyado diumano itong masikip para sa malaking bilang ng manggagawang desperadong makalabas. Nakakandado rin ang ilang mga fire exit. Hindi mahirap paniwalaan sa gayon na maraming manggagawa ang nakulong sa loob at namatay. Samakatuwid, ang hindi paglitaw ng mga impormasyong ito sa mas malawak na publiko ay nagpapakita lamang sa isang matagumpay na pagkukubli sa katotohanan tungkol sa trahedya.

Sa simula pa lamang, hindi na pinahintulutan ng HTI management, PEZA, at lokal na pamahalaan ang media na pumasok sa CEPZ. Ang mga media naman na pinayagang makapasok sa compound ng HTI noong Pebrero 4 ay hindi naman pinalabas sa kanilang mga sasakyan. Nakakabahala rin ang di-karanawing katahimikan ng mga residente at manggagawa sa mga komunidad sa paligid ng CEPZ hinggil sa sunog. Sa katunayan, ayon sa isang katugon, binalaan sila ng HTI na magsalita at inutusan pa

na burahin ang lahat ng mga larawan ng sunog. Hindi katulad sa nakagawian, sadyang napakatahimik ng rehimeng Duterte sa isyu ng sunog sa HTI. Hindi na ito nakakapagtaka dahil ang pagpapalawak ng bilang ng mga Special economic zones (SEZ) ay bahagi ng mismong 10-point economic agenda ng rehimeng Duterte. Pinapaniwala tayong mas mabuti ang kalagayan sa paggawa ng mga manggawa sa mga Special economic zones (SEZ). Sa katunayan, itinatag ang mga SEZ bilang mga engklabo para sa mga transnasyunal na korporasyong namumuhunan sa mga produktong para sa eksport kapalit ang mga exemption sa buwis, minimal na regulasyon ng estado, at pirming suplay ng mura at siil na kontraktwal na paggawa.

Ang pagyakap ng US at mga imperyalistang bansa sa neoliberal na globalisasyon simula noong dekada 1970 ay nangangahulugan ng pagtulak sa pagtatayo ng mga SEZ bilang paraan na mapababa ang gastos sa produksyon at makakuha ng mas mahigpit na kontrol sa mga ekonomya ng atrasadong bayan upang makaligtas sa krisis ng kapitalismo.

Nagdurusa, sa gayon, ang mga manggagawa sa mga SEZ mula sa mga neoliberal na iskemang nagpapababa ng sahod, nagtutulak ng kontraktwalisasyon, umaatake sa karapatan na mag-organisa at mag-welga, at bumabalewala sa ligtas na kondisyon sa pagawaan. Dapat panagutin ang HTI, PEZA, DOLE, at lokal na pamahalaan ng Cavite. Dapat singilin ang rehimeng Duterte sa kainutilan nito sa pagpapabasura ng kontraktwalisasyon at mga paglabag sa karapatan ng manggagawa. “Aabot sa 1,328 manggagawa ang hindi pa

lumilitaw. Samakatuwid, maaaring sabihing isa itong trahedya na mas malubha sa naganap na sunog sa pabrika ng tsinelas ng Kentex noong Mayo 13, 2015.

Larawan mula sa CTUHR.

Page 6: EditorYal Singilin at panagutin ang rehimeng Duterte! · PDF file... at pagpapalayas ng tropang Amerikano sa ... Paggunita sa pag-aalsang EDSA sa panahon ng rehimeng Duterte Sa harap

6 BALITA

Pagbubuhay ng Death Penalty ay repleksiyon ng tumitinding pasismoAng Anakbayan ay nakikiisa sa mamamayang Pilipino sa pagtutol sa minadaling pagpapasa ng death penalty sa pagtutulak ng mga alyado ni Pangulong Duterte sa loob ng Kongreso.

Ito mga hakbang na muling buhayin ang Death Penalty ay repleksyon lamang ng tumitinding pasismo sa ilalim ng rehimeng Duterte. Ito ay karugtong sa madugong pamamaslang sa ilalim ng kontra-mahirap na gera kontra droga at pagtugis ng mga aktibista’t sibilyan sa ilalim ng all-out war ni Duterte.

Ang pagbabalik ng Death Penalty ay magreresulta lamang ng mas maraming pang-aabuso sa konteksto ng maruming rekord sa karapatang pantao ng kapulisan at militar at ng depektibong sistemang panghustisya.

Naglunsad ng kilos-protesta ang mga mag-aaral mula sa Ateneo De Manila University at University of the Philippines upang kundenahin ang pinakahuling pasistang panukala sa ilalim ng rehimeng Duterte.

Ang pag-aresto kay Senador Leila De Lima ay tanda ng tumitinding ribalan ng mga paksyon ng naghaharing uri at lalo pang nabubulok na sistemang pampulitika sa ilalim ng rehimeng Duterte.

Ito ay sa harap ng lumalawak na pagbatikos ng bayan sa rehimeng Duterte sa kabiguang ipatupad ang mga pangakong pagbabago at tumitinding pasismo at all-out war laban sa mamamayan. Gaya ng ginawa din ng rehimeng Noynoy Aquino noon, na kasangkapan ang noo’y kalihim ng Department of Justice na si De Lima, ginagamit ngayon ni Duterte ang mga rekurso, prosesong ligal at mga instrumento sa panunupil para gipitin ang mga kaaway nito, konsolidahin ang kapangyarihang pampulitika at takutin ang mga grupo at paksyon ng naghaharing uri na nagtatangkang lumaban dito. Maagang tinangka ng LP sa pangunguna nina De Lima at Robredo na ipanawagan ang pagpapatalsik kay Duterte habang hindi pa nito nakokonsolida ang kapangyarihang pang-estado. Sinikap nilang kunin ang suporta ng imperyalismong US na nauna nang bumatikos kay Duterte sa paglabag sa karapatang pantao. Para makonsolida ang poder, sumandig si Duterte sa AFP. Umatras ito sa mga naunang pangakong babaklas sa imperyalismong US. Hindi nito inalis ang EDCA at VFA, sa halip inapruba pa ang mga ehersisyong militar ng US sa bansa, pinagpatuloy ang kontra-insurhensyang giyera ng US at pinutol ang peace talks sa NDFP. Sa pag-aresto ngayon kay De Lima, higit na malalantad kung paanong gaya ng nagdaang mga pangulo, sa ilalim ng rehimeng Duterte, napakabilis ng batas para sa mga kalaban sa pulitika habang kinakanlong naman ang mga kaalyado, kaibigan, maging mga pasista, diktador, berdugo man o mga kriminal na sindikato. Ang naghaharing uri sa Pilipinas ay matagal nang nahahati sa mga magkakaribal na paksyon na nagsasama-sama o nagtutunggalian depende kung papaanong napapaburan o hindi ng nakaupo sa estado poder ang kani-kanilang interes sa ekonomya: negosyo, kontrata sa gubyerno at iba pa.

Pambansang strike ng mga tsuper laban sa jeepney phase-outNoong Pebrero 28, matagumpay na naikasa ng nagkakaisang mga drayber ng jeepney sa pangunguna ng Pinagkaisang Samahan ng Mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) at No To Jeepney Phase Out Coalition ang isang pambansang strike laban sa napipintong pag-phase-out ng pamahalaan sa jeepney.

Ayon kay PISTON National President George San Mateo, nagawang lumpuhin ng strike ang halos 85% ng pampublikong transportasyon sa buong bansa. Pinakamalaking indikasyon ng tagumpay na ito ang pagsuspinde ng klase sa araw ng pambansang strike.

Ayon sa Piston, ang phase-out ay maaaring magresulta sa pagkawala ng trabaho ng halos 650,000 tsuper at 250,000 operator sa buong bansa. Kapalit ng mga jeepney ay mga e-jeepney at Euro 4 engine na sasakyan na nagkakahalaga ng hihigit sa isang milyong piso. Maliban sa ubod ng mahal ay hindi rin angkop ang disenyo ng mga nasabing sasakyan sa bulubunduking kalupaan ng Pilipinas.

Higit sa lahat, ang phase-out ay unang hakbang lamang sa planong pagpapaloob ng pampublikong transportrasyon sa tinatawag na Fleet Management Program kung saan ang mga malalaking negosyante ang kokontrol sa jeepney, prangkisa, at kita.

Ayon sa Joint Manifesto na inilabas ng PISTON at No To Jeepney Phase Out Coalition (NJPOC), ang kunwang “modernisasyon” na ito ay hindi para sa mamamayan kundi para sa interes ng higanteng dayuhang korporasyon at malalaking lokal na negosyante. Ito ay bahagi lamang ng walang katapusang atakeng neoliberal sa mga serbisyong pampubliko tulad ng pampublikong transportasyon.

Tulad ng pribatisasyon sa tubig, kuryente at edukasyon, ang “modernisasyong” ito ay para sa mga kapitalistang hayok na hayok sa kitang mahuhuthot sa pampublikong transportasyong, lalo na’t isa ito sa natitirang serbisyo na hindi pa hawak ng pribadong sektor. Sa halip na phase-out ay iginiit ng mga tsuper na ibigay ang sektor ng transportasyon sa mamamayan. Ito ay nangangahulugan ng pagsasabansa ng sektor ng transportasyon. Nanawagan din ang mga tsuper ng modernisasyon na nakabatay sa pambansang industriyalisasyon.

Ano ang kahulugan sa pag-aresto kay De Lima?

Page 7: EditorYal Singilin at panagutin ang rehimeng Duterte! · PDF file... at pagpapalayas ng tropang Amerikano sa ... Paggunita sa pag-aalsang EDSA sa panahon ng rehimeng Duterte Sa harap

7BALITA

Protesta sa De La Salle University laban sa pasismo, hinaras ng pulisDinahas ng kapulisan ang mga protesta ng mga mag-aaral ng De La Salle University (DLSU) na ginanap noong Pebrero 16 at 22.

Nagtitipon ang mahigit isang dosenang kasapi ng Anakbayan-Vito Cruz sa Agno Street sa labas ng DLSU nang binulaga sila nang mahigit 50 pulis na may kasamang isang police van at police truck.

Tinapatan din ng maraming pulis ang piket ng mga mag-aaral noong Pebrero 22 at tinangka

pang kunin ang pangalan ng mga kasama sa pagkilos.

Ayon kay Anakbayan-Vito Cruz Vinz Simon, pinatunayan lamang ng mga kapulisan ang pasistang tradisyon nito sa pagtatangkang takutin ang mga nagpoprotestang mag-aaral.

Kinundena ng grupo ang “over-kill” na presensiya ng kapulisan laban sa protesta na diumano’y nagpalaganap ng takot sa loob ng komunidad ng DLSU.

Nabiktima na nga, pinarusahan pa ng UST adminHigit na nalantad ang pagiging kleriko-pasista ng University of Santo Tomas (UST) nang pinarusahan nito ang babaeng estudyanteng biktima ng sexual harassment.

Nitong nakaraang taon, isang mag-aaral ng Fine Arts sa UST ang hinipuan ng isang graduating na mag-aaral sa Engineering habang nakasakay sa pampublikong van pauwi sa kanilang tirahan.

Sa halip na tulungan ang biktima, pinilit pa siya ng administrasyon ng UST na humingi ng tawad sa may sala dahil sa pagpopost

niya sa social media tungkol sa kanyang masamang karanasan.

Pinarusahan siya dahil sa paglabag diumano sa UST Code of Conduct para sa kasong pagbibigay ng maling akusasyon laban sa ibang estudyante.

Ayon sa Anakbayan-UST, niyurakan ng UST admin kapwa ang karapatan ng biktima bilang isang babaeng at bilang estudyante. Para sa grupo, pinapakita lamang ng insidente na wala pa ring pinagkaiba kay Padre Salvi at Padre Damaso ang UST admin.

Tinapatan ng militanteng protesta ng mga kabataan sa pangunguna ng Kabataan Partylist-Katipunan ang lektura ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año sa Pebrero 21.

Ayon sa Kabataan Partylist-Katipunan, ang mga pasistang katulad ni Año na siyang mastermind sa all-out war ng rehimeng Duterte at maramihang paglabag ng karapatang pantao ay hindi dapat binibigyan ng puwang na magpalaganap ng kanilang

mga kasinungalingan, lalo na sa akademya.

Bukod sa kanyang duguang kamay sa kasalukuyang gera kontra sa mamamayan ng rehimeng Duterte, si Año ay may malaki ding papel sa brutal na kampanyang kontrainsurhensiya na Oplan Bantay Laya I at II at Oplan Bayanihan sa ilalim ng rehimeng Arroyo at Aquino.

Si Año ang tinaguriang nasa likod ng pagdukot kay Jonas Burgos, aktibista at anak ng anti-Marcos at press freedom icon na

si Jose Burgos, noong 2007 sa kalagitnaan ng maruming gera ng rehimeng Arroyo laban sa mga ligal na aktibista.

Bilang pinuno ng 10th Infantry Division, si Año ay may pananagutan para sa mga paglabag ng karapatang pantao sa Southern Mindanao noong 2014-2015. Siya ay responsable sa masaker sa Paquibato na pumatay ng 3 lider Lumad at sa patraydor na pagpatay kay Leoncio “Ka Parago” Pitao na kumander ng New People’s Army.

“Ang mga inaaping mamamayan at bayan ay hindi dapat inaasa ang kanilang kalayaan sa pagiging mabuti ng imperyalismo at mga alipores nito. Magtatagumpay lamang sila sa pamamagitan ng kanilang pagkakaisa at pagpupunyagi sa kanilang pakikibaka.

—Mao Tse-Tung

Larawan mula sa Philippine Collegian.

General Año, sinalubong ng protesta sa Ateneo de Manila University

Page 8: EditorYal Singilin at panagutin ang rehimeng Duterte! · PDF file... at pagpapalayas ng tropang Amerikano sa ... Paggunita sa pag-aalsang EDSA sa panahon ng rehimeng Duterte Sa harap

8 LATHALAIN

Kaliwa’t kanan ang mga demonstrasyon sa mga paaralan at lansangan. Binuhay ng mga makabayang tugtugin at palabas ang mga komunidad. Sa paglugmok ng bansa sa krisis dulot ng imperyalismong US, burukrata kapitalismo at pyudalismo sa kanayunan sa ilalim ng diktaduryang Marcos, sigaw ng “Rebolusyon!” ang naging tugon ng mga kabataang namulat sa realidad ng mga tunggalian ng uri. Tumatak ito sa kasaysayan bilang Sigwa ng Unang Kwarto o First Quarter Storm (FQS) ng 1970.

Pinaalingawngaw ng FQS ang pambansa -demokra t i kong rebolusyon sa buong bansa, sa sunod-sunod na mga protesta laban sa rehimeng US-Marcos.

Mahigit apat na dekada ang lumipas, nananatiling totoo ang mga sigaw ng mga kabataang makabayan ng sigwa. At higit kailanman, dapat maging inspirasyon at aral ng mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon ang karanasan ng FQS.

Ang mga pagkilos ng kabataan sa mga nagdaang taon ay patunay na nananatiling mahalaga ang papel ng kabataan sa pagpukaw sa sambayanan. Halimbawa, nito lamang Nobyembre 2016, humigit-kumulang 15,000 ang dumagsa sa Luneta upang tutulan ang paglilibing sa bangkay ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Karamihan sa mga dumalo ay mga kabataang ‘millenial’ na hindi nag-atubiling tutulan ang pagbaluktot sa kasaysayan ng Batas Militar at lumaban sa pasismo ng rehimeng Duterte. Ginamit din nila ang bentahe ng social media at maging mga malikhaing uri ng pagpapahayag tulad ng mga meme, ipinakita ng mga millennial sa kilusang anti-

Marcos na ang kabataan ay hindi nauubusang balon ng lakas, kasigasigan at pagkamalikhain.

Pambansa-demokratikong kilusang propaganda at rebolusyong pangkultura

Aral ng sigwa at ng iba pang mga daluyong ng kilusang kabataan sa kasaysayan ang susing papel ng sustinidong kilusang masang edukasyon at pambansa-demokratikong propaganda para palayain ang kaisipan ng kabataan mula sa pagkapasibo tungo sa militanteng pagkilos. Ito ang tungtungan ng maramihang pag-oorganisa at pagpapakilos ng mga kabataan.

Hangad nating dalhin sa hanay ng kabataan sa malakihang paraan ang rebolusyonaryong teorya ng pambansang demokrasya sa ilalim ng pamumuno ng proletaryado. Hangad nating malikha sa hanay ng mga kabataan ang masidhing progresibo at rebolusyonaryong intelektwal na ahitasyon, mapukaw ang kanilang maalab na nasyunalismo at ang kanilang pagpanig sa interes ng malawak na masang inaapi at pinagsasamantalahan.

Dapat sapulin ang kahalagahan ng sustinido at kilusang masang katangian ng pagpukaw sa kabataan para sa pagpapalawak at konsolidasyon at para maging di namamatay na gatong sa isip at puso ng mga kabataang napupukaw para desididong kumilos para kamtin ang tunay na pagbabago sa lipunang malapyudal at malakolonyal.

Dapat ilunsad ng madalas, maramihan at sustinido ang mga pag-aaral sa hanay ng masa, mga aktibista, mga lider; sa mga kabataang estudyante, mga kabataan sa komunidad, at iba

pa. Dapat pag-aralan ang mga akdang pambansa-demokratiko, anti-imperyalismo, at Marxismo-Leninismo-Maoismo.

Dapat likhain ang pinakamaraming programa para sa pagdaraos ng mga sirkulo ng pag-aaral, mga pagtitipon para sa mga talakayan at indibidwal na pagbabasa at pag-aaral sa loob ng mga organisasyong masa, sa mga institusyong umuugnay sa malawak na masa ng sektor na tuwirang nag-aadres sa malawak na masa ng kabataan. Maging mapanlikha sa mga pamamaraan upang akitin sa progresibo at rebolusyonaryong pag-aaral ang malaking bilang ng kabataan.

Dapat imaksimisa ang digital at internet technology para sa access sa materials, pagpapalaganap ng mga kurso at babasahin, talakayan at mga debate, palitan ng mga karanasan at resulta ng pag-aaral, at gumamit at magpaunlad ng mga bagong anyo at pamamaraan.

Dapat parangalan at maging tanglaw ng kabataang milenyal sina Edgar Jopson, Maria Lorena Barrios, Antonio Tagamolila, Carlos del Rosario at iba pang mga bayani

Enero 1970 nang bumulusok sa lansangan ang humigit-kumulang 100,000 mga estudyante, kabataang maralita, manggagawa at magsasaka.

ng pakikibaka laban sa diktadura.

Dapat iwaksi ang bulok na kulturang kolonyal, pyudal at dekadente na ipinapalaganap ng imperyalismo at reaksyon. Dapat iwaksi ang indibidwalismo at kawalang pag-asa sa hanay ng kabataan at magpanibagong hubog sa pagtahak sa landas ng simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka.

Dapat pahigpitin ang integrasyon at paglubog ng kabataang millennial sa buhay at pakikibaka ng masa. Dapat sa maramihang paraan ay lumusong palabas ng kanilang eskuwelahan patungo sa mga komunidad ng mga maralitang lungsod, mga pabrika at sa kanayunan kung saan higit na matututunan ang pang-aapi at tunggalian sa uri. Dapat malakas na sumuporta sa laban ng mga maralita, manggagawa at magsasaka.

Dapat maramihang tumungo at maglingkod ng buong panahon sa kanayunan ang napakaraming bilang ng mga kabataan at mag-ambag sa pangkalahatang pag-abante ng pambansa demokratikong rebolusyon.

Ang Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970 at ang hamon sa mga kabataang millenial