35
Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin

Embed Size (px)

Citation preview

Ikalawang Yugto ng

Imperyalismong Kanluranin

IkalawangDigmaang Opyo

Unang Digmaang Opyo

Tagumpay ng Imperyalismo sa

Pilipinas

Kasunduang Tianjin

Industriyalisasyon

Pangangailangan para sa mga hilaw na sangkap o materyales (Raw Materials) tulad ng langis, kape, asukal, goma atbp. Matinding kapitalismo ang prinsipyong pang-ekonomiya ang naghari sa pandaigdigang pamilihan Ang tunggalian ng mga kanluranin sa isa’t isa ang naging hamon sa Industriyalisasyon

Pamumuhunan

Itinuturing ng mga Kanluranin ang mga bansang Asyano bilang mapagkukunan ng kita o tubo Naakit ang mga kanluranin sa posibilidad ng paglago ng kanilang pera sa pamamagitan ng paglalagay ng kapital sa mga pataniman at minahan na sagana sa Asya.

White Man’s Burden

Paniniwala na ang kabihasnan ng mga kanluranin ay nakahihigit kaysa sa mga kabihasnang Asyano Sa palagay nila, mayroon silang tungkulin na turuan ang mga Asyano. Ito ang naging pagbibigay-katwiran ng mga Kanluranin sa ginawa nilang pananakop sa mga Asyano.

Tagumpay ng Imperyalismo sa India

Sinimulang subaybayan mismo ng England ang pamamahala sa India ng English East India Company. Dito naganap ang pagpili ng pamahalaan ng England sa magiging gobernador-heneral ng India.

Ang Rebelyong Sepoy

Tinatawag ring Rebelyon ng 1857 Sila ang hukbong kolonyal ng England sa India na nag-alsa dahil sa balita na ang kanilang bagong cartridge ng ripleng kanilang ginagamit ay nilangisan diumano ng langis ng hayop. Tutol dito ang mga Hindu at Muslim dahil bawal sila ng baka at baboy. Ginamit ng England ang pagkabigo ng rebelyon bilang hudyat ng pagpapabagsak sa English East India Company.

Tagumpay ng Imperyalismo sa Burma

Ito ang tagapagtanggol ng silangang bahagi ng kanilang nasasakop, ang India. Sa haba ng ika-19 na siglo, sinikap ng England na isailalim ang Burma sa isang mapagsilbing ugnayan o dependent relations, tulad ng ginawa nila sa India.

Digmaang Anglo-Burmese

Ito ay naganap simula 1824 hanggang 1826 Ito ang paglusob ng Burma sa mga Estado ng Assam,Arakan, at Manipur Natalo ang Burma dulot ng malaking pinsala na natamo ng pwersa nito sa Arakan at Tenasserim. Sapilitang lumagda ang Burma noong 1826 sa Kasunduan ng Yandabo. Sa kasunduang ito, inililipat ng Burma ang English East India Company ang Arakan at Tenasserim.

Tagumpay ng Imperyalismo sa Singapore

Sa dahilang sakop ng mga Dutch ang ang Indonesia, hindi pinahintulutan ang England na makipagkalakalan sa Singapore. Ang England ay maaari lamang makipagkalakalan sa Batavia sa Indonesia.

Pagtatatag ng Singapore

Iminungkahi ni Thomas Stamford Raffles ang pagtatatag ng isang daungan sa timog Malaya na hahamon sa pananaig ng mga Dutch sa kalakalan. Ang Singapore ay matatagpuan sa timog na dulo ng tangway ng Malaya.

Straits Settlements

Ang mga sakop ng lupain ng England ay nagsimula sa tatlong daungan na matatagpuan sa strait of Malacca. (Penang, Singapore, Malacca) Ang tatlong daungan ay nagsilbi bilang sentro ng distribusyon ng mga produkto ng England at India, tulad ng opyo at tela.

Resident System

Sa ilalim ng sistemang ito, may tutuparin ang mga sultan at ang Resident. Sa bahagi ng sultan, tatanggapin niya ang pananatili sa lugar ng isang British Resident. Sa bahagi ng Resident, ipagtatanggol niya ang sultan at ang kanyang estado.

Federated Malay States

Ito ay binubuo ng apat na estadong pumayag sa Resident System. (Perak, Selangor, Pahang, at Negri Sembilan) Ang namumuno dito ay isang Resident-General.

Unfederated Malay States

Ito naman ang mga tumutol sa Resident System Apat na estado rin ang bumubuo dito. (Kedah, Perlis, Kelantan, at Trengganu)

Tagumpay ng Imperyalismo sa China

Naging mahigpit ang pamahalaang Manchu sa China sa mga mangangalakal na Kanluranin na dumagsa sa Canton noong ika-19 na siglo. Hinangad ng England na mas marami ang kanilang iluluwas sa China kaysa kanilang inaangkat. Noong hindi nila mapantayan ang mga porselana sa China, opyo na lanmang ang kanilang dinala at ito naman ay naging mabenta.

Ang Unang Digmaang Opyo

Sumiklab ang Unang Digmaang Opyo noong 1839. Ang sanhi ng digmaan ay ang ginawang pagsira ng mga opisyal ng adwnana ng Canton sa opyo na nais ipagbili ng mga English. Tumagal ang digmaan ng 3 taon at natalo ang China. Natapos ang digmaan at nagpirmahan ang 2 bansa ng Kasunduang Nanking.

Ikalawang Digmaang Opyo

Muling sumiklab ang digmaan noong 1856. Ang sanhi naman nito ay ang pagpigil ng mga opisyal ng adwana sa isang barkong nangangalakal ng opyo. Sumali ang France sa panig ng England dahil sa pagtrato ng Tsino sa mga misyonerong French. Pinilit nilang palayasin ang emperador at sinunog ang kanyang palasyo.

Ang Kasunduang Tianjin

Sa ilalim ng kasunduang ito, pumayag ang China na mgabukas ng 11 karagdagang daungan para sa kalakalan ng mga Kanluranin Ang Extraterritoriality ay tumutukoy sa pagpapairal ng batas ng dayuhang bansa sa hurisdiksyon ng isang bansa.

Paghahati ng China sa mga Spheres of Influence

Ang unti-unting pagkawala ng kapangyarihan ng China sa mga lugar sa kanyang paligid na itinuring nila sa mahabang panahon bilang mga protektorado ang sanhi ng pagkakaroon ng Spheres of Influence.

Paghahati ng China sa mga Spheres of Influence

Dahil sa pagkatalo ng China sa Digmaang Sino-Japanese noong 1894, inilipat sa Japan ang lahat ng karapatan ng China sa Korea, Formosa (Taiwan), at mga pulo ng pescadores sa bisa ng Treaty of Shimonoseki. Ang unti-unting pagkawala ng kapangyarihan ng China sa mga lugar sa kanyang paligid na itinuring nila sa mahabang panahon bilang mga protektorado ang sanhi ng pagkakaroon ng Spheres of Influence.

Paghahati ng China sa mga Spheres of Influence

Maraming bansa ang sumang-ayon sa patakarang Open Door. Tumulong ang Open Door sa pagpapanatiling buo ng teritoryo ng China.

Tagumpay ng Imperyalismo sa Pilipinas

Maraming rebelyon ang naganap sa Pilipinas upang ipadama ang pagtutol nila sa patakaran ng Spain. Matapos ang ika-19 na siglo, matagumpay na nagsagawa ang mga Pilipino ng rebelyon laban sa mga espanyol.

Tagumpay ng Imperyalismo sa East Indies

Umiwas ang mga Dutch sa direktang pamamahala sa East Indies hanggang sa kalagitnaan ng ika-18 siglo dahil mas pinili nilang pumasok sa mga kasunduan kung saan ang lupaing sakop nila ay ipamamahala sa mga katutubong pinuno kapalit ng mga pampalasang ibibigay ng East Indies sa kanila.

Ang Culture Sytem

Humina ang pananalapi ng Netherlands noong ika-19 na siglo dahil sa Napoleon Wars sa Europa. Si Johannes van den Bosch ang nagmungkahi ng produksiyon ng mga pananim na maaaring ipagbili ng mga Dutch sa pandaigdigang pamilihan. Cultivation system ang isa pang tawag sa Culture system.

Ang Culture Sytem

Sa ilalim nito, kailangang ilaan ng bawat magsasaka ang sanglimang (1/5) saklaw ng kanilang bukid o 66 na araw ng pagtatanim para sa produksiyon ng mga tanim na iluluwas. Masahol ang dinanas na hirap ng mga Indonesian sa pagtatanim sa ilalim ng sistemang ito.

Tagumpay ng Imperyalismo sa Indochina

Ang orihinal na dahilan ng panghihimasok ng France sa Vietnam ay ang pagpapalaganap ng Katolisismo. Sa pagtatapos ng ika-18 siglo, ang bilang ng mga katoliko sa Vietnam ay humigit kumulang 250,000. Ang sakop ng Indochina ay ang Vietnam, Cambodia, at Laos.

Pagsakop ng Cochin China

Naging pagkakataon para kay Emperador Napoleon III ang mga ulat tungkol sa pang-aapi ng mga Katoliko sa Vietnam upang makakuha ng mga lupain sa Timog Vietnam. Noong 1862,pumirma ang emperador ng Vietnam sa isang kasunduang inililipat niya sa France ang tatlong lalawigan na kung tawagin ay Cochin China.

Pagsakop ng Cochin China

Pumayag din siyang magbukas ng mga daungan para sa mga mangangalakal na French, magbigay ng bayad-pinsala, pahintulutan ang Katolisismo at pagbibigay ng karapatan sa France na maglayag sa Mekong River.

Protektorado sa Vietnam

Noong 1882, isang misyong pang-militar ng France ang magpunta sa Hanoi. Tinutulan ito ng China pero wala silang nagawa dahil nagapi sila ng mga French. Noong 1884, pumayag ang China na ilagay ang Vietnam sa France.

Protektorado sa Cambodia

Ipinagbunyi ng France ang pagiging makapangyarihan ng Cambodia. Nagmungkahi ang France na ilagay ang Cambodia sa estadong protektorado nito. Walang nagawa ang Cambodia kundi pumayag.

Protektorado sa Laos

Ginamit ng France ang pagapatalsik sa dalawa nilang kababayan sa Siam bilang dahilan ng panghihingi ng bayad-pinsala. Ang Menam River ay ang lugar na kinatatayuan ng Laos. Dahil sa pagsasara ng mga French sa daloy ng mga barko sa Menam River, walang nagawa ang Siam kundi isuko sa kanila ang Laos.

Tagumpay ng Imperyalismo sa Japan

Noong ika-19 na siglo, madalas maglayag sa Hilagang Pacific Ocean ang mga barko ng United States. Dahil sa haba ng kanilang paglalayag, kailangan nilang makahanap ng lugar na may pagkain, tubig, at panggatong o fuel. At nakita nila ito sa Japan.

Commodore Matthew Perry

Si Matthew Perry ang ipinadala ng United States sa Japan upang makipagkasundo sa Japan upang buksan ang kanilang bansa sa kalakalan ng US. Nadala ang mga Hapones sa mga regalo ng US tulad ng baril, orasan, at iba pang kagamitan para mapapayag sila sa pakikipagkalakalan. Naisip ng Japan na malakas ang puwesa ng US kaya napapayag nila ito.

Kasunduang Kanagawa

Naisip ng mga Hapones na maaaring matulad sila sa China sa mga Digmaang Opyo. Pumayag sila at lumagda sa Treaty of Kanagawa. Sa ilalim ng kasunduang ito, magbubukas ang Japan ng dalawang daungan-Shimoda at Hakodate-at magpakita ng mabuting pakikitungo sa mga nasisiraan ng barko.