of 28/28
ISANG PRESENTASYON N G

AP8 Bansang Asyano na Hindi Nasakop ng Kanluranin

  • View
    3.398

  • Download
    32

Embed Size (px)

Text of AP8 Bansang Asyano na Hindi Nasakop ng Kanluranin

Isang Presentasyon Ng

Isang Presentasyon NgAralin 22Mga Bansang Asyanong Hindi Nasakop Ng Mga KanluraninAng Asya ay sumailalim sa mga Europeo. Patuloy nila tayong sinasakop noon. Dahil nais nilang mapalawak ang kanilang teritoryo o makinabang sa mga likas na yaman ng ating rehiyon. Itong pananakop na ito ay nagpahirap sa madaming mga Asyano. Ngunit likas sa ating mga Asyano ang pagiging maabilidad at magaling. At ang mga katangiang ito ang ginamit ng mga magigiting na pinuno ng mga natitirang dalawang bansa na hindi nasakop ng Europeo upang panatilihin ang kanilang kalayaan. Ang Thailand at Korea.

Ngunit paano? Paano napanatili ng Thailand at Korea ang kanilang kalayaan?

Ang kasagutan ay iyong malalaman sa mga susunod na bahagi.ThailandNapanatili nila ang kanilang kalayaan dahil sila ay may mga magigiting na mga pinuno. Ito ay sila:

Haring Buddha YodfaHaring MongkutHaring Chulalongkorn

Isa isahin nating kilalanin ang mga ito.Sino Si Haring Buddha Yodfa?

Si Haring Buddha Yodfa ay isa sa mga magigiting na pinuno ng Thailand na pumigil upang masakop sila ng mga Kanluranin. Siya ay namuno mula 1782 hanggang 1809. Siya ay isang magiting na sundalo na nilabanan at pinigilan ang mga banyaga na makapasok sa kanilang teritoryo.Sa kanyang pamumuno, madaming magagandang bagay ang nangyari sa Thailand. Una, napigilan ang pagsakop sa kanila ng mga Kanluranin. Napalawak din ang kanilang teritoryo. Sa katunayan sa pamumuno niya pinakamalaki ang teritoryo ng Thailand dahil naging bahagi nila ang mag bansang Burma, Cambodia at Malaysia.Siya ay isang pinunong namuno sa Siam. Ang Lupang Malaya kung tawagin. Itinatag din niya ang Dinastiyang Chakkri. Higit sa lahat, naitatag ang Bangkok bilang kabisera ng bansang Thailand sa ilalim ng pamumuno ni Haring Buddha Yodfa.Sino si haring mongkut?

Si Haring Mongkut ay isa rin sa mga nagtanggol sa bansang Thailand. Siya ay namuno mula 1851 hanggang 1868. Siya ay isang mongheng Buddhist na nakapag-aral ng wika at teknolohiya sa ibang bansa bago siya maging hari. Dahil dito, hindi kaagad siya nauto o naloko ng mga banyaga dahil siya ay may sapat na kaalaman. Siya ang ama ni Haring Chulalongkorn.Sa pamumuno niya nagumpisa ang modernisasyon ng Siam. Ilan sa mga patakarang nagawa niya ay ang pagbubukas ng Thailand sa banyagang kalakal, pagpapaunlad ng kalsada at sistema ng pananalapi, at panghihikayat sa mga opisyal na mag-aral ukol sa wika at teknolohiya.Sino si haring chulalongkorn?

Siya ay anak ni Haring Mongkut. Siya ay namuno mula 1868 hanggang 1910. Sa pamumuno niya ipinagpatuloy niya ang mga gawaing sinimulan ng kanyang ama. Isa na dito ang modernisasyon ng Thailand. Tulad ng ama niya, ang mga ginawa niya ay ang pagbubukas ng Thailand sa banyagang kalakal, pagpapaunlad ng kalsada at sistema ng pananalapi, at panghihikayat sa mga opisyal na mag-aral ukol sa wika at teknolohiya.

Ilan pa sa mga nagawa niya ay ang pag-aalis ng sistema ng pangaalipin. Ipinagbawal din niya ang sapilitang pagtatrabaho para sa pamahalaan. Nagpagawa din siya ng riles ng mga tren upang mapabilis ang ugnayan sa ibang lalawigan.Sa pamumuno niya rin naranasan ang matinding presyur. Dahil maaaring sakupin sila at matalo ng Europeo dahil sa kakulangan sa lakas- militar. Buti na lang ay napanatili niya ang magandang ugnayan sa kanilang dalawa. Ang banyaga at Thailand. Buti na lang rin at hindi natuloy ang pananakop ng Europeo sa Thailand. Ngunit, sila ay naging buffer state na lamang. KoreaTulad ng Thailand sinubukan rin silang sakupin ng mga Kanluranin. Buti na lang naagapan ito ng mga magigiting nilang mga pinuno.

Haring Sejong Haring Gojong

Sila rin ay binansagang Hermit Kingdom dahil sa pagsasara nila sa impluwensya ng banyaga.Sino Si Haring Sejong?

Sa panahon ng Dinastiyang Yi, noong 1392 hanggang 1910 si Haring Sejong ang pinakatanyag na pinuno. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang panahon niya ay tinawag na Golden Age. Umunlad rin ang teknolohiya partikular na sa larangan ng astronomiya. Naimbento ang constellation chart at water gauge. Napaunlad rin ang agrikultural na produksyon, sibilisasyon at edukasyon.Sino Si Haring Gojong?

Si Haring Gojong ang pinunong pumalit kay Haring Sejong. Si Harong Gojong ay naghari mula 1863 hanggang 1907. 13 taong gulang pa lamang siya nang maging pinuno siya ng Korea. Siya ay anak ni Yi Hae-ung na tinawag ang sarili bilang Daewongun na ibig sabihin ay Prince of the Great Court.Ayaw niya din maimpluwensyahan kahit na relihiyon. Kaya ipinapatay niya ang mga misyonerong French at mga Koreanong naging Kristiyano na. Sa ganitong paraan, gusto niyang puksain ang Katolisismo. Noong 1897, ideneklara niya ang sarili bilang emperador ng Imperyong Daehan.Ano ang pinagkaiba ng thailand Sa korea?Parehas silang sinakop ng mga Kanluranin. Ngunit nagkaiba sila sa pagharap sa mga ito. Ang Thailand ay gumamit ng hari gayundin ang Korea. Ang Korea ay nagsara din sa impluwnsya ng banyaga. Nakaligtas man ang Korea sa Europeo, di naman sila nakaligtas sa kapwa bansang Asyano, ang Japan. Na gusto silang sakupin.Ipinasa Nina: Antonio TrespesesAdrielle Santiago

Ipinasa Kay: Sir Raymund SemanaWakas