8
KULTURA OKTUBRE-NOBYEMBRE 2016 Larawan mula sa Philippine Star Kilos-protesta ng mga pambansang minorya, marahas na binuwag ng PNP at AFP Mga teknokrata sa loob ng gabinete ni Duterte, tutol sa repormang sosyo-ekonomiko Isulong ang mga pagbabago sa ekonomiya Oktubre: Matagumpay na buwan para sa mga magsasaka Protesta laban sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani Lakbayan ng Pambansang Minorya: Pagsulong sa sariling pagpapasya 3 4 5 6 7 8 \\ Ituloy sa p2 Wakasan ang paghahari ng imperyalismong US sa Pilipinas! Dapat pag-alabin ang diwang makabayan at pagkaisahin ang kabataan at mamamayang Pilipino upang igiit ang tunay na kalayaan at demokrasya laban sa dominasyon ng imperyalismong Estados Unidos at mga naghaharing-uring tuta nito. Sa isang siglo ng paghahari ng imperyalismong US, binansot nito ang ekonomya ng ating Inang Bayan, dinambong ang ating likas-yaman, pinagsamantalahan at minasaker ang ating mga kapwa Pilipino, at tinakpan ng piring ang ating mga mata sa katotohanan ng ating pagkaalipin. Nitong mga nagdaang apat na dekada, ipinataw naman ng imperyalismong US ang mga neoliberal na patakaran upang panatilihin ang sistema ng barat na pasahod, pagpapalaki ng tubo ng dayuhan at iilan, at pagsupil sa mapanlabang diwa ng sambayanang Pilipino. Kontraktwal, walang benepisyo, at maliit ang sahod ng kalakhan ng mga manggagawa. Marami ang napilitang mangibang-bayan dahil sa kawalan ng oportunidad sa sariling bansa dulot ng paghadlang ng mga imperyalista sa pagtatayo ng ating sariling pambansang industriya. Pinanatiling walang lupa at tali sa pyudal na pagsasamantala ang mga magsasaka. Pinapatay at pinalalayas naman ang mga katutubo’t pambansang minorya sa kanilang mga lupang ninuno upang makapasok ang mga malalaking dayuhang korporasyon ng mina, plantasyon, at troso. Tayong mga kabataan at estudyante naman ay naging gatasan ng iba’t ibang pamamaraan upang higit na huthutan ng mga kumersyalisadong paaralan at pamantasan na walang ibang inaatupag kundi ang pagkamal ng kita mula sa matrikula at “other school fees” (OSF). Patuloy din ang pananalasa ng dagdag- pahirap at makadayuhang K-12 sa hayskul. Nagsasariling patakarang panlabas Kaya ikinalulugod ng mga makabayan at demokratikong pwersa ang mga deklarasyon ni Presidente Duterte na kumalas ang Pilipinas sa pangangayupapa sa Estados Unidos at itaguyod ang isang nagsasariling patakarang panlabas. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ang kauna-unahang pagkakataon na seryosong tumindig ang

Wakasan ang paghahari ng imperyalismong US sa Pilipinas!

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Wakasan ang paghahari ng imperyalismong US sa Pilipinas!

KULTURA

OKTUBRE-NOBYEMBRE 2016

Larawan m

ula sa Philippine Star

Kilos-protesta ng mga pambansang minorya, marahas na binuwag ng PNP at AFPMga teknokrata sa loob ng gabinete ni Duterte, tutol sa repormang sosyo-ekonomikoIsulong ang mga pagbabago sa ekonomiyaOktubre: Matagumpay na buwan para sa mga magsasakaProtesta laban sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga BayaniLakbayan ng Pambansang Minorya: Pagsulong sa sariling pagpapasya

3

4

56

7

8

\\ Ituloy sa p2

Wakasan ang paghahari ng imperyalismong US sa Pilipinas!Dapat pag-alabin ang diwang makabayan at pagkaisahin ang kabataan at mamamayang Pilipino upang igiit ang tunay na kalayaan at demokrasya laban sa dominasyon ng imperyalismong Estados Unidos at mga naghaharing-uring tuta nito.

Sa isang siglo ng paghahari ng imperyalismong US, binansot nito ang ekonomya ng ating Inang Bayan, dinambong ang ating likas-yaman, pinagsamantalahan at minasaker ang ating mga kapwa Pilipino, at tinakpan ng piring ang ating mga mata sa katotohanan ng ating pagkaalipin.

Nitong mga nagdaang apat na dekada, ipinataw naman ng imperyalismong US ang mga neoliberal na patakaran upang panatilihin ang sistema ng barat na pasahod, pagpapalaki ng tubo ng dayuhan at iilan, at pagsupil sa mapanlabang diwa ng sambayanang Pilipino.

Kontraktwal, walang benepisyo, at maliit ang sahod ng kalakhan ng mga manggagawa. Marami ang napilitang mangibang-bayan dahil sa kawalan ng oportunidad sa sariling bansa dulot ng paghadlang ng mga imperyalista sa pagtatayo ng ating sariling pambansang industriya.

Pinanatiling walang lupa at tali sa pyudal na pagsasamantala ang mga magsasaka.Pinapatay at pinalalayas naman ang mga katutubo’t pambansang minorya sa kanilang mga lupang ninuno upang makapasok ang mga malalaking dayuhang korporasyon ng mina, plantasyon, at troso.

Tayong mga kabataan at estudyante naman ay naging gatasan ng iba’t ibang pamamaraan upang higit na huthutan ng mga kumersyalisadong paaralan at pamantasan na walang ibang inaatupag kundi ang pagkamal ng kita mula sa matrikula at “other school fees” (OSF). Patuloy din ang pananalasa ng dagdag-pahirap at makadayuhang K-12 sa hayskul.

Nagsasariling patakarang panlabasKaya ikinalulugod ng mga makabayan at demokratikong pwersa ang mga deklarasyon ni Presidente Duterte na kumalas ang Pilipinas sa pangangayupapa sa Estados Unidos at itaguyod ang isang nagsasariling patakarang panlabas. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ang kauna-unahang pagkakataon na seryosong tumindig ang

Page 2: Wakasan ang paghahari ng imperyalismong US sa Pilipinas!

2 OKTUBRE-NOBYEMBRE 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANEDITORYAL

PUNONG PATNUGOTKarlo Mikhail Mongaya

MGA KAWANIAlexia Fuentes, Issa Baguisi, Gem Aramil, Ingrid Calapit,

Gena Terre, James Relativo, John Levi Masuli, Nona Al-Raschid, Uno Knobles, Reeza Rosalada, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

www.anakbayan.org

facebook | Anakbayan Phils

twitter | @anakbayan_ph

isang pangulo ng bansa para sa pagbaklas mula sa kapit ng imperyalismong US.

Noong Setyembre 12, nauna nang sinabi ni Duterte na nararapat umalis ang tropang Amerikano sa Mindanao. Sunod dito, inanunsyo niyang ang nagdaang Philippines Amphibious Landing Exercise (PHIBLEX) ang magiging huling joint US-PH war games na idaraos sa bansa. Kamakailan lamang, sinabi rin ni Duterte na kung magtatagal pa siya sa pwesto, balak rin niyang tanggalin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Lubhang kinababahala ng US ang mga pahayag ni Duterte sapagkat nangangahulugan ito ng pagkakait ng isang istratehikong bansa sa paggamit sa mga daungan at base militar para sa hangad ng US na “pivot to Asia.” Hindi nakapagtataka na sa lantad o tago mang paraan, sa iba’t ibang antas at anyo, ay nagsisimula nang gumalaw ang imperyalismong US para mabigo ang pagnanais ng sambayanang lumaya.

Ang marahas na dispersal sa Camp Aguinaldo at Camp Crame sa mga katutubo’t pambansang minorya noong Oktubre 18 at sa US embassy noong Oktubre 19 ay mensahe ng imperyalismong US sa mamamayang Pilipino na wala itong balak na bitawan ang paghahari nito sa bansa. Sa mga pagkilos na ito, daan-daang katutubo, pambansang minorya, at mga kasama ang nasaktan sa pamamalo, teargas, at pananagasa ng mga berdugong pulis.

Sa katunayan, ang magkasunod na pandarahas sa mga protesta ay sagot rin ng imperyalismong US sa mga matatapang na pahayag ni Duterte laban sa imperyalismong US at isa ring pagtangka na isabotahe ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng kanyang gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Malinaw na hindi natutulog ang imperyalismong US at mga galamay nito sa kabila ng ilang bumubukas na paborableng sitwasyon sa pagsulong ng makabayang adhikain ng sambayanang Pilipino.

Kailangan ding linawin na ang pagkalas sa US ay hindi nangangahulugan ng pagkiling

sa Tsina. Ang relasyon ni Duterte sa Tsina ay maaaring makatulong sa paghulagpos ng Pilipinas sa imperyalismong US. Ngunit dapat malay ang naghaharing pangkating Duterte sa kapitalistang katangian ng Tsina bilang umuusbong na imperyalistang kapangyarihan na pumapaimbulong ngayon sa krisis sa pinansya at sobrang produksyon.

Sa katunayan, pinagnanasaan ng Tsina ang mga bansang tulad ng Pilipinas upang kunan ng murang hilaw na materyales at murang lakas paggawa, at bagsakan ng labis na produkto nito. Kaya kailangang patuloy pa ring ilantad ang imperyalistang interes ng Tsina at igiit ang isang pantay na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina na nakabatay sa pagwawaksi sa mga neoliberal na patakaran at pagsusulong ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon.

Ang ating mga kagyat na tungkulinSa gayon, tinatawagan ang lahat ng mga kabataan na pag-alabin ang nasyunalismo, palakasin ang organisadong pagkakaisa, at paigtingin ang anti-imperyalistang pakikibaka. Buhayin ang makabayang diwa nila Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Heneral Antonio Luna, Macario Sakay, at iba pang mga magigiting na anak ng bayang lumaban sa dayuhang pananakop at panunupil.

Dapat ilunsad ang malawakang anti-imperyalistang propaganda at edukasyon sa milyun-milyong kabataan at mamamayan at ipalaganap ang pambansa demokratikong programa bilang alternatiba sa bulok na lipunang malakolonyal at malapyudal.

Dapat itulak si Duterte na isakongkreto ang kanyang pagpapahayag para sa isang nagsasariling patakarang panlabas. Dapat kagyat na ipawalang-bisa ang mga di-pantay na tratado at kasunduan, kabilang ang EDCA, Visiting Forces Agreement, at Mutual Defense Treaty. Dapat ilantad ang mga grupong hayagang kumakampi sa US at ipatigil ang mapanupil na Oplan Bayanihan, ang kontra-insurhensyang kampanya na pinamumunuan ng US.

Dapat palakasin ang mga balangay ng Anakbayan at palawakin ang ating kasapian

na pinakamaaasahan sa pagsusulong ng pambansa demokratikong pakikibaka ng mamamayan.

Tuluy-tuloy nating isikad ang kampanya laban sa neoliberal na atake sa edukasyon. Labanan ang mga pagtataas ng matrikula at paniningil ng OSF, ibasura ang makadayuhan at pahirap na K-12 program, itaguyod ang demokratikong karapatan sa mga paaralan, at isulong ang libreng edukasyon sa lahat ng antas. Malakas nating ikasa ang mga lokal na pakikibaka sa mga paaralan.

Dapat nang ilantad ang mga iskema ng komersyalisasyon at pribatisasyon sa ating mga paaralan bilang alinsunod sa mga neoliberal na patakaran na ipinatutupad ng imperyalismong US at mga kasapakat nito. Layon nitong magkamal ng malaking kita sa mataas na matrikula’t bayarin at lumikha ng laksa-laksang kabataan na kontraktwal at murang lakas paggawa. Dapat ikasa ang mga malalaking protesta sa paaralan laban dito.

Gayundin, dapat tayong maglunsad ng mga pagtitipon, pagkilos, at serye ng pag-aaral hinggil sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gubyernong Duterte at NDFP. Sa kasalukuyan, pumapasok na ang negosasyon sa pagtalakay sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms, kung saan bahagi ng pag-uusapan ang ating panawagan para sa libreng edukasyon.

Malakas nating ibudyong ang laban ng mga manggagawa at mamamayan para sa tuluyang pagbabasura ng kontraktwalisasyon at pagpapatupad ng pambansang minimun na sahod na P750 kada araw sa pribadong sektor at P16,000 kada buwan sa pampublikong sektor.

Ikasa natin ang mga malalaking walkout sa ating mga paaralan sa pandaigdigang araw ng mga estudyante sa Nobyembre 17 at magmartsa kasama ang mga manggagawa at mamamayan sa Nobyembre 30.

Nakasalalay sa lakas ng sama-samang paglaban ng mamamayan ang pagkamit ng isang lipunang tunay na malaya at demokratiko.

Page 3: Wakasan ang paghahari ng imperyalismong US sa Pilipinas!

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE-NOBYEMBRE 2016 BALITA

Patapos na ang protesta na pinangunahan ng libu-libong Moro at katutubo sa ilalim ng Sandugo, isang bagong tatag na alyansa ng mga pambansang minorya para sa sariling pagpapasya, nang iutos ni Col. Marcelino Pedroso ng MPD ang marahas na dispersal. Hinagisan ng teargas at sinagasaan nang paulit-ulit ng mobile ng pulis ang mga nagpoprotesta. Pinaghahabol at pinaghahampas pa ng batuta ng mga pulis ang mga umaatras na hanggang sa kalye ng Kalaw.

Kabilang sa mga malubhang nasaktan sina Piya Macliing Malayao, pangunahing convenor ng Sandugo, Quenilyn Gromeo ng Anakbayan-PUP, at Baling Katubigan, isang 61 taong gulang na babaeng Lumad mula sa Kasalo, CARAGA. Dinala din sa ospital si Raymart Sumalbog, drayber ng isa sa mga jip na inarkila lamang para sakyan ng mga nagprotesta matapos siyang kuyugin at pagpapaluin sa ulo ng batuta ng mga pulis. Nasa 20 din ang inaresto kabilang na ang 5 medik, 2 menor-de-edad, at 1 taga-midya.

Mariing kinundena ng iba’t ibang grupo ang marahas na dispersal ng MPD.

“Mariin naming kinokondena ang MPD, at nananawagan kami mismo kay Pangulong

Duterte na tugunan ang nakagagalit na insidenteng ito na nilagpasan pa ang pambobomba ng tubig ng AFP sa Camp Aguinaldo kahapon,” pahayag ni Jerome Succor Aba, pambansang tagapagsalita ng Suara Bangsamoro.

“Ganito ba ang pagtrato ng pamahalaan sa mga pambansang minorya? Ito ba ang sagot sa panawagan naming tumindig para sa pambansang soberanya at protektahan ang interes ng mga pambansang minorya mula sa mga kuko ng Washington?” tanong pa ni Aba.

Sinisi naman ni Dulping Ogan, pangkalahatang kalihim ng Kalumaran, ang Estados Unidos sa marahas na dispersal.

“Kayang utusan ng US ang sarili nating pulisya na saktan ang kapwa Pilipino para lang protektahan ang embahada nito. Malinaw na pagpapakita ito ng kapangyarihan , at sa gayon ay nagpapatining ng kakagyatan ng panawagan nating i-pull-out ang mga tropang Amerikano sa Pilipinas, lalo na sa aming mga lupang ninuno,” ani Ogan.

“Dito sa Maynila, ang aming mga panawagan ay tinutugunan ng water cannon, tear gas, at brutal na pandarahas. Sa aming lupang ninuno, higit na mas matindi ang mga atake:

alam natin ang paulit-ulit na kaso ng mga pamamaslang sa aming hanay. Saanman kami magtungo, kaming mga Lumad at iba pang pambansang minorya ay dinarahas. Ngunit nagpapatuloy kami sa paglaban. Hinding-hindi matitinag ng kahit anong brutalidad ng pulisya ang walang kapaguran at nagkakaisang diwa ng mga pambansang minorya,” dagdag ni Ogan.

Bago ito, karahasan din ang naging tugon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa protesta ng mga katutubo’t mamamayang Moro sa harapan ng Camp Aguinaldo noong Oktubre 18. Binomba ng water cannon ng AFP ang daan-daang pambansang minorya habang papalapit pa lamang ang mga ito sa harapan ng kampo.

Ang mga pambansang minorya sa parehong pagkilos ay bahagi ng “Lakbayan ng Pambansang Minorya para sa Sariling Pagpapasya at Makatarungang Kapayapaan,” isang dalawang-linggong caravan ng mga pambansang minorya mula sa iba’t ibang parte ng bansa. Layunin nitong patiningin ang kanilang mga panawagang i-pull-out ang mga militar at tropang Amerikano mula sa kanilang mga lupang ninuno, wakasan ang pamamaslang, karahasan, at pang-aabuso sa karapatang pantao sa kanayunan, at isulong ang sariling pagpapasya.

Nasa 50 ang sugatan matapos araruhin at sagasaan ng mobile ng Manila Police District (MPD) ang mga nagpoprotestang mga pambansang minorya at mamamayan sa tapat ng US embassy noong Oktubre 19.

Kilos-protesta ng mga pambansang minorya, marahas na binuwag ng PNP at AFP

Larawan m

ula sa Altermidya.

www.anakbayan.orgbisitahin ang

Page 4: Wakasan ang paghahari ng imperyalismong US sa Pilipinas!

4 OKTUBRE-NOBYEMBRE 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAIN

Pagtutol sa land-conversionNitong nakaraang mga linggo, pinangunahan ng ilang opisyal sa gabinete ni Duterte at ni Bise Presidente Leni Robredo ang pagtutol sa panukala ng Department of Agrarian Reform (DAR) na magpataw ng dalawang-taong moratoryum sa land-conversion ng mga lupang agrikultural.

Kabilang sa mga opisyal na ito sila National Economic Development Agency (NEDA) Director Ernesto Pernia, Department of Finance (DoF) Secretary Carlos Dominguez III, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno, at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Kung babalikan ang kasaysayan, ginagamit na “modus-operandi” ng mga malalaking panginoong maylupa ang land-conversion ng mga lupang agrikultural para sa komersyal, industriyal, o residensyal na gamit. Ito ay ginawang paraan upang maiwasan ang pamamahagi ng malalaking ari-arian tulad ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka.

Ang dalawang-taong moratoryum sa land-conversion ay inaprubahan ni Duterte sa pulong ng Presidential Agrarian Reform Council (PARC) noong Setyembre 12. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na natipon ang PARC matapos ang mahigit isang dekada. Naghihintay na lamang ang panukala ng Executive Order ng pangulo.

Pag-atras sa National Minimum WageNaging tampok din ang pagbawi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello sa nauna na niyang pagsuporta sa kampanya ng mga manggagawa para sa panukalang pagtaas sa sahod patungo sa isang P750 National Minimum Wage (NMW) matapos siyang batikusin ng mga malalaking negosyante.

Pagbukas pa lamang ng Oktubre, malisyosong binatikos ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) Chairman Emeritus Donald Dee si DOLE Undersecretary Joel Maglunsod at iba pang mga progresibo sa gabinete dahil sa diumano’y pag-atupag lamang nila sa pamumulitika.

Sa katunayan, nais lamang ni Dee na pahinain ang makatarungang panawagan para sa

makabuluhang pagtaas sa sahod. Layon lamang ni Dee at ng kanyang mga kasapakat na teknokrata sa gabinete ni Duterte na protektahan ang kanilang dambuhalang tubo sa kabila ng kapinsalaang idudulot nito sa mga manggagawa.

Ang P750 NMW ay magbibigay ng kagyat na kaginhawaan sa harap ng matinding kahirapan. Ilalapit nito ang kasalukuyang minimum na sahod patungo sa P1,096 family living wage na kinakailangan ng isang pamilya upang mabuhay nang disente. Aabot lamang sa P481 sa NCR ang pinakamataas na minimum na sahod sa bansa.

Kaugnay nito ang kawalan ng malinaw na tindig ng DOLE sa pagpapabasura ng kontraktwalisasyon sa kabila ng malinaw na atas ni Duterte para sa pagpapahinto nito. Nananawagan ang mga manggagawa at mga unyon sa pagbabasura ng DO 18-A at pagkriminalisa sa kontraktwalisasyon sa ginanap na Labor Summit sa Quezon City noong Oktubre 17.

Neoliberal pa rinSa aktwal, ang “10-Point Socio-Economic Agenda” na inihanda ng mga teknokrata ng gobyernong Duterte ay nagsusulong pa rin ng mga neoliberal na patakarang magsisiguro ng kita ng mga dayuhan at lokal na malalaking kapitalista.

Ang kontra-kahirapang programa ng NEDA na tinaguriang “AmBisyon Natin 2040” ay neoliberal pa rin. Nilagdaan ni Duterte sa kanyang Executive Order No. 5 noong Oktubre 12, layon nitong gawin diumanong “panggitnang uri” ang karamihan ng mga Pilipino ngunit hindi naman nagtutulak ng pagbabago sa istruktura ng ekonomiya.

Higit pa ngang pabibigatin ng gobyernong Duterte ang pasaning buwis ng mamamayan sa pamamagitan ng panukala ng DoF na pagtaas ng Value-Added Tax (VAT) o buwis sa mga kalakal at serbisyo mula 12% patungong 15%. Nakaamba rin ang pagtaas ng buwis sa mga produktong petrolyo at mga inumin tulad ng softdrink, juice, atbp.

Sa huli, makakaasa ang gobyernong Duterte ng suporta mula sa mamamayan kung seryoso itong kumawala sa mga patakarang neoliberal na isinusulong ng mga naghaharing uri na inuuna lamang ang pansariling interes.

Mabilis na nalalantad ang pangkat ng mga teknokrata sa loob ng gabinete ni Presidente Rodrigo Roa Duterte bilang mga tagapagtaguyod ng interes ng burgesyang komprador. Kanilang isinusulong ang mga neoliberal na patakaran habang tumututol sa mga repormang sosyo-ekonomiko na tinutulak ng pambansa demokratikong kilusan.

Mga teknokrata sa gabinete ni Duterte, tutol sa repormang sosyo-ekonomiko

Likhang-sining ni Boy D

ominguez

Cappo 2nd fret

Verse 1: D EmMinsang ako’y dumungaw, aking napagmasdanA7 G DAng sikat ng araw sa dakong silanganA7 D Em Aliwalas ang langit at aking natanawA7 G D Isang kawan ng ibong malayang lumipad.

Verse 2:A7 D EmKung ang ibo’y hinuli’t saka ikunulong A7 G DLigaya’y maglalaho, lungkot ay lalambongA7 D EmGinto man ang hawla laya rin ang hanap A7 G DBagwis ma’y malagas, pilit na lilikas.

Chorus:A7 D‘Pagkat tao ay tulad din ng ibon A7 D D7May bagwis sa paglayang kanyang layon G D Bm- Em A7 G D Kahit may kadena at harang na rehas pilit na mag-aalpas

Verse 3: A7 D EmMasdan ang daloy ng tubig sa batis ng gubatA7 G DHindi ito matutuyo, bukal nito’y likas A7 D EmMumunting agos na sa ilog magtitipong-lakas A7 G DTiyak na mararating ang inang-dagat.

Verse 4: A7 D EmKung ang dalo’y ng tubig pilit na sagkaan A7 G DTaasaan man ang harang hahanap ng daanA7 D EmTubig na naipo’y higit na lalakas A7 G DTibayan man ang harang, sa huli’y sasambulat.

Chorus: A7 D‘Pagkat tao ay tulad rin ng ilog A7 D D7Sa pagsulong niya’y hindi rin tutugot G D Bm-EmWawasakin ang lahat ng balakid A7 G D EmUpang laya’y makamit A7 G D EmUpang laya’y makamit A7 G D EmUpang laya’y makamit

Ibong Malaya ---chords & lyrics

Page 5: Wakasan ang paghahari ng imperyalismong US sa Pilipinas!

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE-NOBYEMBRE 2016 LATHALAIN

Ang kahalagahan nito ang rason sa pagdidiin sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) sa nagaganap na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gubyernong Duterte at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na kumakatawan sa rebolusyonaryong kilusan.

Ayon sa NDFP, ang repormang sosyo-ekonomiko ang nasa ubod ng negosasyon. Samakatuwid, ang pundamental na suliranin ng Pilipinas ay nakaugat sa dominasyon ng imperyalismong Estados Unidos na nagpapanatili sa ekonomiya na atrasado, agrikultural, hindi industryalisado, at nakatali sa dayuhang monopolyo kapital.

Sa gayon, ang tanging solusyon ay ang pagwasak sa dayuhang dominasyon at pagtayo ng nagsasariling ekonomiya na magsisilbi sa pangangailangan ng mamamayan. Ngunit hindi pinahintulutan ang pagbabagong ito sa kasalukuyang kalagayan ng patuloy na dayuhang kontrol sa pulitika, ekonomiya, at kultura ng bansa bilang isang malakolonya o di-tuwirang kolonya ng US.

Sa pamamagitan ng mga di-pantay na kasunduan na dikta ng US at mga ahensyang multilateral tulad ng International Monetary Fund-World Bank at World Trade Organization, pagpapanatili ng mga dayuhang tropa, at mga papet na rehimen ay pinapapatuloy ang pandarambong ng dayuhan sa mamamayan at kayamanan ng bansa.

Pinanatiling malapyudal ang ekonomiya kung saan patuloy na umiiral ang pyudal na pagsasamantala at monopolyo sa lupa sa kanayunan habang ipinasailalim ito sa mga pangangailangan ng pandaigdigang sistemang kapitalista.

Pinagkukunan tayo ng murang hilaw na materyales at murang lakas na paggawa

habang nagsisilbing tambakan ng dayuhang produkto at kapital. Mula sa pagdedeklara ng hungkag na kalayaan noong 1946 ay naigapos na tayo sa pagkonsumong nakasalig sa importasyon habang inilubog tayo sa walang patid na mga depisit sa kalakalan at utang panlabas.

Makabuluhan, sa gayon, ang mga hakbang ng administrasyong Duterte na labanan ang pakikialam at presensyang militar ng US sa bansa. Subalit magiging hungkag ang paghihiwalay sa US kung nangangahulugan lamang ito ng pagyakap sa China at Russia bilang mga bagong imperyalistang amo.

Mahalagang maibalangkas ang mga bagong relasyong pang-ekonomiya na nais pagtibayin ni Duterte sa China at Russia sa hangaring mapaunlad ang lokal na ekonomiya at mabigyan ito ng kakayahang tumayo sa sarili nitong paa.

Ibig sabihin, dapat itulak ang gobyernong Duterte na lumayo sa mga nakasanayang neoliberal na patakarang nakasandig sa pag-akit ng dayuhang pamumuhunan, pagpapaubaya ng serbisyong panlipunan sa pribadong negosyo, at pagpapalubha sa kalagayan at ibayong pagdurusa ng mamamayan.

Pangunahing solusyon sa pagpawi ng ugat ng kahirapan at atrasadong ekonomiya ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa. Ang pagbuwag ng malalaking lupain na pag-aari ng malalaking panginoong maylupa at libreng pamamahagi nito ay magbibigay ng kaginhawaan sa mga magsasaka at magpapaunlad sa agrikultural na produktibidad.

Mayroong natural na yaman ang Pilipinas, kabilang ang halos lahat ng mga rekursong mineral, upang makapag-industriyalisa. Ang paglaki ng kinikita ng mga magsasaka ay lilikha ng pamilihan para sa lokal na

Hindi maitatanggi ang halaga ng ekonomiya sa mga pambansang suliraning kinakaharap ng mamamayan at kabataan. Susi ang mga pagbabago sa istruktura ng ekonomiya ng bansa upang mapagtagumpayan ang kronikong krisis at talamak na inhustisyang nagpapahirap sa sambayanang Pilipino.

Isulong ang mga pagbabago sa ekonomiya

Likh

ang-

sini

ng n

i Res

ty F

lore

s

industriya. Ito ay magiging pundasyon ng pambansang industriyalisasyon na lilikha naman ng trabaho sa loob ng bansa at magluluwal ng mga kalakal na kinakailangan para sa konsumo at paglikha ng mga kagamitan sa produksyon.

Sa ganitong balangkas, magiging tunay na sukatan ng pag-unlad ang pagtugon sa mga panawagan ng mamamayan para sa tunay na repormang agraryo, pagwawakas sa kontraktwalisasyon, pagpapatupad ng pambansang minimum na sahod, libreng edukasyon, serbisyong pangkalusugan, pabahay at iba pang serbisyong panlipunan.

Napagkasunduan ng NDFP at gubyernong Duterte ang borador ng balangkas para sa CASER sa okasyon ng pagtatapos ng ikalawang serye ng negosasyon sa Oslo, Norway nito lamang Oktubre 9. Subalit hindi naging madali ang usaping ito dahil sa taliwas na pagsusuri ng dalawang panig sa lipunan at pagtugon sa krisis nito.

Inaasahang mas magiging mahirap ang negosasyon sa susunod na serye ng negosasyon na nakatakdang ganapin sa ikatlong linggo ng Enero 2017. Sa huli, ang pagsusulong ng pundamental na pagbabago sa ekonomiya at lipunan ay makakamit lamang sa pagsusulong ng pambansa demokratikong pakikibaka.

Ilang maka-US na batas1946: Treaty of General Relations•Karapatan sa pagmamay-ari at mga base militar; •Patakarang panlabas na nakaayon sa US

Bell Trade Act•Pinalawig ang ‘malayang’ kalakalan•100% pagmamay-ari ng US sa negosyo at rekurso (Parity Rights);•Walang taripa sa mga import mula US

1951: Economic and Technical Cooperation Agreement•Naglagay ng mga pang-ekonomya’t teknikal na ‘tagapayo’

1954: US Public Law no. 480•Pagtambak ng sarplas na produktong agri

1955: Laurel-Langley Agreement•Pinagtibay at pinalawak pa ang Parity Rights•Mga pautang ng US

1967: Investment Incentives Act•Mga insentibo at garantiya para sa dayuhang kapital

1969: PD66: Export Processing Zones•100% pagmamay-ari para sa dayuhan;•Bawal mag-unyon, mababang sahod, diskriminasyon

1980: Trade Liberalization Program•Kundisyon ng World Bank;•5 taong pagluwag sa taripa at liberalisasyon

1991: Foreign Investments Act•Pag-alis sa mga regulasyon sa dayuhang pamumuhunan;•100% dayuhang pamumuhunan

EO 470•Pagbaba at pagbawas ng mga taripa sa import

Page 6: Wakasan ang paghahari ng imperyalismong US sa Pilipinas!

6 OKTUBRE-NOBYEMBRE 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAIN

kriminal ang mga “aryendador” na nanloloko at hinaharangan ang tunay na reporma sa lupa sa pamamagitan ng pagrenta ng lupa ng mga biktimang magsasakang walang sariling pinansyal na kakayahan para magbungkal.

Patuloy na karahasanNgunit hindi pa rin natatapos ang kalupitan ng mga panginoong maylupa at militar sa mga magsasaka sa ibang bahagi ng bansa.

Noong ika-20 ng Setyembre, pinaslang ang lider-magsasakang si Arnel Figueroa sa loob ng Yulo King Ranch (YKR) sa Coron, Palawan.

Nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Ka Arnel, lider ng grupong Pesante na humihingi ng distribusyon ng lupa ng YKR, at ng mga guwardyang may kasamang Philippine Marines nang bunutin nila ang mga pananim nina Ka Arnel.

Natapos ang pag-uusap nila nang barilin si Ka Arnel sa tiyan ng guwardyang si Nelson Mayo.

Humigit-kumulang 40,000 ektarya ang sakop ng YKR, na idineklarang pasture land ng diktador na pangulong Ferdinand Marcos noong 1975. Dahil dito, pinalayas ang mga magsasaka at katutubo sa nasabing lupa at nawalan sila ng kabuhayan.

Sa paglipas ng taon, pinasa-pasa ang pagmamay-ari ng lupa ng iba’t ibang administrasyon ng gobyerno, hanggang sa mapunta ito sa Forest Management Bureau sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Nagbubungkal ang grupo nina Ka Arnel sa bahagi ng lupang ito, at hinihingi nilang ibalik sa kanila ang lupang inagaw. Ngunit sila pa ngayon ang tinuturing na “squatter” at pinipigilang makabalik ng Philippine Marines na nagbabantay dito.

Malawakan ang militarisasyon sa mga lupang sakahan sa buong bansa. Tulad ng nangyari sa YKR, pinalalayas ang mga katutubong tunay na nagmamay-ari ng lupa. Hindi lamang sila nawawalan ng hanapbuhay; sila rin ay pinapatay tuwing nagtatangka silang bawiin ang lupa.

Pinasimulan na ni DAR Sec. Ka Paeng ang pag-iimbestiga sa pagpatay, maging ang pag-aaral sa mga petisyong inihain ng mga magsasaka tungkol sa YKR.

Kitang-kita ang buong pangyayari sa isang bidyo na kumalat sa Internet. Binuhat ng kanyang mga kasama si Ka Arnel ngunit hindi na naitakbo sa ospital dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya, na agad niyang ikinamatay.

“Hindi pa tapos ang laban,” ayon sa mga kasama niya.

Oktubre: Matagumpay na buwan para sa mga magsasaka

Sa Nueva Ecija, halos 300 magsasakang miyembro ng Nagkakaisang Magsasaka ng Nampicuan (NAMANA) ang matagumpay na nakapasok sa 98-hektaryang Gallego Estate sa Nampicuan. Matagal nang nagsasaka ang mga ninuno ng mga magsasaka sa hacienda, hanggang sa palayasin sila rito noong 1985 matapos itong bakuran at patawan ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) exemption para gawing rancho. Mula noon, naging pagmamay-ari na ito ni Manuel O. Gallego, Jr.

Taong 2000 pa nang magsimulang magpetisyon ang mga magsasaka para maisama sa compulsory acquisition ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang hacienda ngunit ilang ulit itong naudlot. Muli lamang itong nabuksan noong 2014.

Nagtayo ng mga kubo at naghanda nang magtanim at magbungkal ang mga magsasaka matapos nilang masakop ang Hacienda Gallego. Sa bidyo na inilabas ng mga magsasaka sa Internet, makikitang nagdiwang ang mga magsasaka nang inatasang alisin ang kuryenteng nakapalibot sa lupa at maglinis bilang paghahanda.

Sa Ormoc, Leyte naman ay patapos na ang pag-aani ng mga magsasakang miyembro ng Bugho Farmers Association (BFA). Sa tulong ng DAR, nabawi nila noong Hunyo ang lupang pinag-aagawan nila ng Fran Farmers Workers Association (FFWA) mula pa noong 1999.

Halos 16 na taong hindi nakapagtanim ang mga kasapi ng BFA. Nitong Marso lamang naayos ang gusot nang pumayag ang BFA na maghati ang dalawang grupo--21 ektaryang lupa para sa FFWA at 25 ektarya sa BFA na ngayon ay pinagtataniman at pinag-aanihan na nila ng bigas.

Sa ngayon, paghahati-hatian ng mga nasa BFA ang aanihing bigas imbis na ang

mismong pagmamay-ari ng lupa, upang maiwasang ibenta ng mga kasapi ang mga bahagi ng lupa sa ibang tao.

Tambiolo, aryendo system–aalisinMasinsinang binabantayan ni DAR Sec. Rafael “Ka Paeng” Mariano ang pamamahagi ng 500-ektaryang lupa sa Hacienda Luisita sa pamamagitan ng pagbabawal sa “tambiolo” at “aryendo” system. Ang sistemang tambiolo o bunutan mula sa tambiolo ng mga bibigyan ng bahagi ng lupa sa ilalim ng CARP ang umano’y pinakapatas at pinakamadaling paraan upang magkaroon ng mas maayos na pamimigay ng lupa, ayon sa dating DAR Sec. Virgilio Delos Reyes noong 2013.

Dati na itong tinawag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas–kung saan dating secretary general si Ka Paeng–na isang kahangalan at paraan upang lokohin ang mga magsasaka na makakatanggap lamang ng kapirasong papel na “lot allocation certificate” at pagkatapos ay pupuwersahing pumirma ng Application to Purchase and Farmers’ Undertaking (APFU).

Nagdesisyon na ang Korte Suprema noong 2013 na ipamahagi na ang lupa ng Hacienda Luisita sa mga farmworkers and beneficiaries (FWB), ngunit hindi pa rin ito tuluyang napapatupad dahil hindi binibigyan ng lupa ang mga tumatangging pumirma ng APFU.

Sa pagpirma ng APFU, kailangang hulug-hulugan ng FWBs ang pagbayad sa lupang naibigay sa kanila sa loob ng 30 taon. Ginagamit ito upang alisan ng karapatan ang mga FWB sa lupa, hindi lang sa Hacienda Luisita kundi sa buong bansa.

Ayon kay Ka Paeng, hindi ito basehan upang hindi makatanggap ng lupa ang magsasaka.Nais din niyang sampahan ng kasong

“Lupa para sa mga walang lupa! Lupa para sa mga nagbubungkal!” ang sigaw ng mga magsasaka nang pasukin nila ang haciendang inagaw sa kanila ng panginoong maylupa.

Page 7: Wakasan ang paghahari ng imperyalismong US sa Pilipinas!

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE-NOBYEMBRE 2016 BALITALaraw

an mula sa P

hilippine Collegian.

Ang pagtalakay ng CASER ay alinsunod sa sustantibong adyenda na itinakda ng The Hague Joint Declaration. Para sa NDFP, ang CASER at ang pagharap nito sa pangangailangan ng reporma sa lupa at pambansang industryalisasyon ang pinakanilalaman ng usapang pangkapayapaan.

Ngunit sa aktwal na negosasyon ay hindi naging madali ang pagkasundo ng panig ng gubyerno at ng NDFP sa balangkas ng CASER dahil sa magkaibang bigat na binibigay ng dalawang panig sa usapin ng mga sosyo-ekonomikong reporma.

Bilang pantapat sa komprehensibong borador na inihanda ng NDFP, isang siyam-na-puntong “outcomes” o mga kahinatnan

tulad ng pagpawi sa kahirapan, ekonomyang “globally competitive”, nakabubuhay na sahod, mapayapang mga komunidad, katiyakan sa pagkain, atbp.

Sa katunayan, ang borador ng panig ng gubyerno ay waring hindi pinaghandaan, walang pagpapalaman, at pawang pagpapaloob sa usapin ng repormang sosyo-ekonomiko sa mga limitasyon na itinakda ng mga batas ng gubyerno.

Upang umusad ang usapan, iminungkahi ng NDFP na ipasok na lamang ang balangkas ng gubyerno sa balangkas ng NDFP. Matapos ang serye ng maliliit na pagpupulong, pumayag ang panig ng gubyerno sa mga pagbabago at nagkaisa ang dalawang panig sa pinal na borador.

Ang borador na ipinagtibay sa pinakahuling serye ng negosasyon ang magiging basehan ng mas malalamang usapan na gaganapin sa Enero 2017.

Nananawagan ang Anakbayan sa gubyernong Duterte na seryosohin ang mga problemang sosyo-ekonomiko at ang pagtalima nito sa mga kasunduang muling pinagtibay sa unang yugto ng negosasyon, lalo na ang kagyat na pagpapalaya sa lahat ng mahigit 400 bilanggong pulitikal.

Ayon sa grupo, nagpapatuloy ang pandarahas sa mga mamamayang lumalaban para sa kanilang mga demokratikong karapatan sa pagpapatuloy ng kontra-insurhensyang kampanya na Oplan Bayanihan.

Iginiit ng Anakbayan na hindi dapat ipilit ang pagtulak ng isang bilateral na tigil-putukan na walang kaakibat na mga makabuluhang pagbabago.

Ipinagtibay ang balangkas ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) sa naganap na ikalawang yugto ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at gubyernong Duterte noong Oktubre 6-9 sa Oslo, Norway.

Balangkas ng CASER, ipinagtibay sa usapang pangkapayapaan

Mariing kinundena ng Anakbayan ang pahayag ni Duterte na hindi pa napapatunayan ang mga krimen at pang-aabuso ng diktaduryang Marcos. Para sa grupo, isa itong pagyurak sa hinaing ng mga biktima ng Batas Militar para sa hustisya.

Ito ay lantarang pagrebisa sa kasaysayan at pagbubura sa mga krimen ng diktaduryang Marcos laban sa mamamayan na naghahawan sa daan para sa pagpanumbalik ng mga Marcos sa Malakanyang.

“Habang kapuri-puri ang iilang polisiya ni Duterte tulad ng pagtulak ng nagsasariling patakarang panlabas at usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines, ang kanyang pangunguna sa pagbayad ng utang na loob sa mga Marcos ay maghahatid ng pagkamuhi ng mamamayan sa kanyang gubyerno,” ani Anakbayan National Secretary General Einstein Recedes.

Pinabulaanan niya ang mga pahayag ni Duterte na hindi pa napapatunayan ang mga krimen ni Marcos sa hukuman sa kabila ng maraming mga desisyon ng korte sa loob at labas ng bayan na kumikilala sa pandarambong ni Marcos at kanyang paglabag sa karapatang pantao.

Aabot sa 70,000 ang iligal na inaresto, 35,000 ang tinorture, at sobra 3,000 ang naitalang pinaslang ng mga tauhan ng estado sa ilalim

ni Marcos habang bilyon-bilyon naman ang kanyang hinuthot mula sa kaban ng bayan.

“Walang magiging tunay na pambansang paghihilom at pagkakaisa kung ang kasaysayan, katotohanan, at katarungan ay niyuyurakan. Nakalimutan na ng marami ang pasismo at korupsyon ng mga Marcos

dahil sa kabiguan ng mga sumunod na administrasyong parusahan ang mga Marcos. Hindi namin tatantanan si Duterte sa isyung ito,” ani Recedes.

Nganap ang iba’t ibang mga pagkilos noong Nobyembre 11 sa University of the Philippines Diliman, UP Manila, Polytechnic University of the Philippines, at University of Santo Tomas sa Manila; UP Iloilo, UP Cebu, at UP Tacloban sa Visayas; at UP Los Baños at Igorot Park, Baguio sa Luzon.

Naglunsad ang iba’t ibang grupo ng kabataan ng isang pambansang araw ng pagkilos laban sa desisyon ng Korte Suprema na pahintulutan ang utos ni Presidente Rodrigo Duterte na ipalibing ang yumaong Diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Protesta laban sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng Bayani

Page 8: Wakasan ang paghahari ng imperyalismong US sa Pilipinas!

8 OKTUBRE-NOBYEMBRE 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAINLa

raw

an m

ula

sa S

top

Lum

ad K

illin

gs N

etw

ork

Ayon kay Piya Macliing Malayao, pangkalahatang kalihim ng Kalipunan ng Katutubong Mamamayanng Pilipinas (Katribu), layon ng lakbayanna itambolang panawagan para sa sariling pagpapasya, paglaban sa pandarambong sa kanilang mga lupang ninuno, at ang pagwawakas sa militarisasyon ng kanilang mga komunidad.

Binubuo ng mga pambansang minorya ang 15 hanggang 20 porsyento ng populasyon ng bansa. Sila ang mga natatanging grupo sa lipunan na nakakaranas ng pambansangopresyon sa ibabaw ng pagpapahirap ng dayuhang dominasyon, pyudal na pagsasamantala at pasismo.

Ang pambansang minorya ay binubuo ng 153 grupongetnolinggwistiko, kabilang ang 13 grupo ng Moro at 18 grupo ng Lumad sa Mindanao, 7 grupo sa Kordilyera at Hilagang Luzon, ang Aeta ng Gitnang Luzon, Dumagat, Mangyan, at Tribu ng Palawan sa Timog Luzon, at ang Tumandok at Ati ng Panay at Visayas.

Makasaysayang pakikibaka at paglabanPinakamalakinghinaharap ng mga Lumad ng Mindanao ang panghihimasok ng malalakingdayuhang mina sa kanilanglupang ninuno. Pinapaslang ang mga lider-Lumad na lumalaban sa malalaking kampanya ng pagmimina na protektado ng militar.

Dahil sa matindingpandarahas ng militar at grupong paramilitar tulad ng Alamara at Magahat-Bagani, napilitangmagsilikas ang mga Lumad mula sa kanilang mga komunidad sa Davao, Compostela Valley,

North Cotabato, Surigao, at iba pang lugar.Patuloy na namamayagpagang mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sasa mga sibilyang komunidad ng mga Lumad at iba pang pambansang minorya sa ilalim ng Oplan Bayanihan.

Ang mga Moro ay hindi lamangbiktima ng daantaong diskriminasyon at pandarahas. Sila rin ang pangunahingbiktima sa mga inilunsad na mga operasyong militar ng AFP at mga tropa ng US sa Mindanao, ani Jerome Succor Aba na tagapagsalita ng SuaraBangsamoro.

Halimbawarito ang pagsasantabi ng libo-libong Moro matapos ang bakbakan sa pagitan ng militar at ng mga rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City noong 2013.

Nariyan din ang trahedya sa Mamasapano noong Enero 2015 kung saan ang panghihimasok ng US sa lupaing Moro sa ngalan ng gera kontra terorismo ay nagresulta sa pagkamatay ng mga tropang SAF, rebelde at sibilyang Moro.

Ayon kay Abigail Anongos, pangkalahatang kalihim ng Cordillera People’s Alliance, hindi nalalayo ang kalagayan ng mga katutubo ng Kordilyera at Hilagang Luzon na nilalabanan naman ang pagpapalayas sa kanilang mga kababayan mula sa sarilinglupang ninuno upang magbigay daan sa mga malalaking kompanya.

Nilalabanan ng mga katutubodoon ang mga korporasyon tulad ng Lepanto Consolidated

Mining, SN Aboitiz, at Chevron sa Kordilyera at ang pagmimina ng ginto at tanso sa Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya ng Oceana Gold.Kasalukuyangsinasaklaw ang umaabot 61 hanggang 80 porsyento ng kalupaan ng Kordilerya sa mga aplikasyon ng pagmimina.

Apektado rin ang mga katutubong komunidad sa mga ipinapatayo ng gobyerno na mga “development project” sa kanilang mga lupang ninuno.Iilanghalimbawarito ang pagpapatayo ng BalogBalog Dam, Clark Green City, at military reservation sa Capas, Tarlac na umaangkin sa mga lupang ninuno katutubong Aeta ng Gitnang Luzon.

Aabot naman sa 20,000 na mga katutubong Mangyan ng Mindoro ang mapapaalis sa kanilang kalupaan sa pagtatayo ng isang mega-dam project habangnanganganib ang mga Tumandok sa Isla ng Panay dahil sa Jalaur River Mega Dam.

Sandugo: Pagsulong sa sariling pagpapasyaAng Lakbayan ng Pambansang Minorya 2016 ay pagpapakita ng pagkakaisa ng iba’tibang mga kultural na minoridad para sa paglagot ng tanikala ng ilanghenerasyon ng diskriminasyon, pangangamkam ng kanilang lupa, pandarahas, at panunupil.

Kinupokop ng komunidad ng University of the Philippines sa pangungunani Chancellor Michael Tan ang mga myembro ng pambansang minorya na tumuloy sa kampuhan na itinayo sa loob ng UP Dilimankampus sa Quezon City mula Oktubre 13 hanggang 28.

Sa kauna-unahangpagkakataon, makasaysayangnabuklod ang lahat ng mga pambansang minorya sa bansa sa isangpagtitipon at naitatag ang Sandugo — ang alyansa ng mga pambansang minorya para sa sariling pagpapasya.

“Mula sa hiwa-hiwalay na pakikibaka ng pambansang minorya saantas-rehiyon, ngayon ay itataasnatin ang ating pakikibaka tungongpambansang antas,” aniDulphingOgan, isang B’laan at pangkalahatang kalihim ngKalumaran, alyansa ng mga Lumadsa buong Mindanao.

Walangduda na kinuha ng mga pambansang minorya ang hustisya sa kanilang mga sarilingkamay upang ipaglaban ang kanilanglupang ninuno na pundamental sa kanilang kultural at kasaysayan.

Sa pamamagitan ng sama-sama at organisadongpagkilos, hinahamon ng mga pambansang minorya ang bagonggubyernoni Duterte at ang mamamayan na makiisa sa kanilang laban para sa lupa, kabuhayan, at sariling pagpapasya.

Lakbayan ng Pambansang Minorya: Pagsulong sa sariling pagpapasya

Mula sa mga pinakaliblib na baryo sa nayon at kabundukan ng ating bay-an, naglakbay ang mga mgapambansang minorya patungo sa Kamayni-laan noong hulingdalawang linggo ng Oktubre sa makasaysayang Lak-bayan ng Pambansang Minorya 2016.