63

punla - · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

  • Upload
    hakien

  • View
    298

  • Download
    50

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Punla

Page 2: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

punlaHunyo 1998 2

sumisibol sa gitna ng pakikibaka

REBOLUSYONARYONG lathalaing pampanitikan ng Bikol

Tomo II Blg. 3 Hunyo 1998

Page 3: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Punla

Page 4: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

SENTENARYO ng deklarasyon ng kampo ng ilustradongtaksil na si Emilio Aguinaldo ng huwad na kasarinlansa Pilipinas noong Hunyo, 1898. Iyan ang pinag-iingayng reaksyunaryong administrasyong US-Ramos naipagpapatuloy lamang ni Estrada, kasabwat ang mgalokal na naghaharing-uri na nag-aastang mga kampyonat kadugo ng mga bayani ng kasaysayan na nagbuwis ngbuhay para sa kalayaan. Limpak-limpak na salapi nanaman ang ginasta sa magagarbong paggunita ngokasyon. Ngunit sa aktwal ay ipinagpipilitan lamang nitosa sambayanan na malaya na ang Pilipinas kahit higitkailanman ay garapalan nang ipinalalamon ngnaghaharing sistema sa imperyalismo ang yaman –maging tao, kalikasan o kasarinlan man – ng bansa.

Sa pagkakataong ito, babakasin ng Punla angsimulain at pagpapatuloy ng pakikibaka ngmamamayang Pilipino para sa tunay na kalayaan.Babaybayin ng mga katha ang diwa ng pakikipaglabanng mamamayan sa mga mananakop mula nang dayuhinng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ngmandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninagsa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiksat mga siping liham ang pagpupunyagi ng diwangrebolusyonaryo sa patuloy na paghahanap ng ganap napaghulagpos sa namuo nang tanikala ngmalapyudalismo at malakolonyalismo. Sa kabila ngmaririing tangka ng mga reaksyunaryo at taksil sa

Hunyo 1998 4

pagpapaalab sa apoy ng kasaysayan

“Itaguyod ang pagsulongang pag-aalab ng apoyang apoy ng kalayaansa lahat ng panahon…”

- Apoy, Tulisanes

Page 5: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

rebolusyon na ang makatarungang digmaa’y supilin,sirain at lusawin upang maipagpatuloy ang pag-ukok ngtatlong salot sa yaman at karangalan ng lipunangPilipino.

Paalala ang mga tulang Kahapon, Metamorposis atPagbabago sa walang-katapusang proseso ng pag-igit nglahat ng bagay – habang umiinog ang panahon, ayon sabatas ng materyalismong dyalektiko at istoriko. Sakursong ito sinakop ng kolonyalismong Espanya angPilipinas na siyang nagpanganak sa simulain ngmapagpalayang paglaban na sasalaminin ng Gamu-gamong Himagsikan, Sa Ating Mga Bayani, Pamana,Kinabukasan at Mapulang Pagpugay sa iyong Pagsilang.Mula noon ay nagbagu-bago lamang ang anyo ngpagkabilanggo ng Pilipinas sa pagpasa-pasa nito sakamay ng mga mananakop na Amerikano at Hapones,hangang muling sakluban ng imperyalismong US. Saesensya ay hindi kailanman lumaya ang Pilipinas, saksiang pagtraydor ng mga ilustrado ng kampo ni Aguinaldonoong 1898 at ng mga kaliwang oportunistang sina Lavaat Taruc noong dekada’ 50 sa pinuhunan ng dugongmga himagsikan ng mga tunay na anak ng bayan.

Ang kasalukuyan aykakatawanin ng mga kathangDalawang Tula sa Tangcong Vaca,Sa Semento, Kalayaan at DRB,Tanging Solusyon. Mga karanasanito sa Bikol na salaminan ngdinudustang buhay ng mamamayansa harap ng nagpapatuloy napaniniil ng mga dayuhan at lokal namakapangyarihan – sa anyo ngnagbubulagang anti-mamamayang

pagpapalakad ng papet na rehimeng nakaluhod atsumasamba sa imperyalistang globalisasyon.

Pangunahing saklolo ng imperyalismo,pyudalismo at burukrata kapitalismo ang globalisasyonsa tangkang patuloy na maghari sa bansa at sa buongdaigdig. Ngunit lalo lamang nitong pinapaigting angbangayan sa hanay ng naghaharing-uri na nag-aagawansa kinakamkam na yamang ang masang anakpawis

Punla

Page 6: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

naman ang lumikha. Unti-unti nitong paghihingaluhinang imperyalismo sa krisis ng sobrang produksyon,kambal ng paghina ng pampulitikang kapit nito.

Samantala, bukod sa awitna Bulok na Estado at sa dulangKardong Tagparak na nalikha saisang larangan, angkapasyahang lumaban atmagpunyagi sa pagkilos bilangtugon sa panggigipit ngnaghaharing sistema angilalahad ng Tulad ng BatongBuhay; Tunay na Laya, NasaPagkakaisa; at Pabaon. Patunayna ang kaguni-gunita ngayong1998 ay hindi ang ating“paglaya”, kundi ang pagpapatuloy natin samapagpalayang rebolusyong sinimulan nina Gat AndresBonifacio. Dahil ito sa kalagayang hindi pa natinnakakamit ang ganap na kasarinlan. Mga buhay natagpo ng pakikibakang ito ang Ilang Sipi Sa Mga Lihamng Buhay Pakikibaka, hinango mula sa koleksyon ngmga liham ng ilang kasama mula sa iba’t ibang laranganat/ o disposisyon.

Ang huling ilang tula, pati ang regular na komiksna Hukbong Mapagpalaya, Uring Manggagawa aypagpupugay sa lahat ng bayani ng demokratikongrebolusyong bayan – kapwa yaong luma at bago.Nariyang kilalanin ang katatagan at pagpupursigi ngrebolusyonaryong puwersa – kapwa pultaym o nasalokalidad – sa pakikipagrebolusyon (Hamon, DakilangHukbo, Katatagan); ang pag-alay ng sarili sa bayananumang sakit ang sapitin (Panghahawakan, Pag-aambag, Kuliglig: Dalawang Tula); ang pagpanata sapagbaka sa burgis na tunguhin upang maipagtagumpayang pambansa-demokratikong rebolusyon na maysosyalistang perspektiba (Panday, Buhay Hukbo) at angpagtanaw sa tagumpay na itong makakamit lamang samahigpit na pagkakaisa at determinasyon ng masa atHukbo, sa gabay ng Partido (Mayon).

Hunyo 1998 6

Page 7: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Sa landas ng Ikalawang Dakilang KilusangPagwawasto, higit kailanman ay pinagtitibay ngrebolusyonaryong kilusan ang panatang ipagtatagumpayang rebolusyong sinimulan mahigit isandaang taon naang nakararaan.

Ito ay pagtutuwid sa kasinungalingang ginawarantayo ng kalayaan nang unang iwagayway ni Aguinaldoang bandila ng Pilipinas.

Ipinaglalaban kasi ang kalayaan – kaya’t patuloynating hinahanap ito. At ang iwinawagayway natingbandila ay kulay pula.

Isulong ang rebolusyong 1896!Mabuhay ang demokratikong rebolusyong bayan!

Panrehiyong Istap sa Propaganda at KulturaHunyo, 1998

Punla

Page 8: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Hunyo 1998 8

Page 9: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

MGA NILALAMAN

TULA

Kahapon - 1Metamorposis - 2

Pagbabago - 3Gamu-gamo sa Himagsikan - 4

Sa Ating Mga Bayani - 5Pamana - 6

Kinabukasan - 7Mapulang Pagpupugay sa Iyong Pagsilang - 8

Dalawang tula sa Tangcong Vaca - 11Sa Semento - 14

Kalayaan - 16DRB, Tanging Solusyon - 18Tulad ng Batong Buhay - 19

Tunay na Laya, Nasa Pagkakaisa - 20 Si Tatang Manungod sa Pagtambang - 21

Pabaon - 22Hamon - 25

Panghahawakan - 26Dakilang Hukbo - 27

Tagudtod, sa Pagdilim - 28Panday - 29

Pag-aambag - 30Katatagan

Kuiglig: dalawang tula - 32Buhay Hukbo - 34

Mayon - 35

Punla

Page 10: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

MGA LIHAM NG BUHAY AT PAKIKIBAKA 36-39

KOMIKS40

Hukbong Mapagpalaya, Uring Manggagawa

DULA41-52

Ang Kuwento ni Kardong Tagparak

AWIT53-54

Sarung BangguiBulok na Estado

Hunyo 1998 10

Page 11: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

TULAKAHAPONKa DizonHunyo 1997

Ang kahapon ay palubog na arawhanggang tuluyang mawalan ng tanglawSumapit ang umaga, muli siyang nasilayanmuling tutungo doon sa kanluran

Ang kahapon ay tanglaw ng karanasanDi mawawaglit sa ating isipanPag-aaral na dapat pahalagahanNang umunlad, murang kaisipan

Partido’y kamuntik nang malunod sa kahaponDumanas ng mahahabang gabi ng karimlanNgunit ngayo’y muling naghuhubogPagwawasto’y isinusulong, Partido’y babangon

Ang kahapo’y mahalaga:Tanglaw ng mga ideyaNang kamalaya’y tumalas paMarxismo, Leninismo, Maoismo ang gigiya

Punla

Page 12: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

MetamorposisLuisa borja22 Hunyo 1996

Uod:mula sa sinapupunanng kanyang inasiya ay iniluwalisang itlogresulta ng mga prosesonginisyatiba ng magulangbatas ng kalikasan

Itlog: naging uodsa murang kaisipa’t karanasanhinarap mga kontradiksyonunti-unting sumusulongunti-unting umuunladnagbabago ayon sa batasna itinakda ng kalikasanalam ang patutunguhanalam ang daan ng kalayaan

Paru-paroitlog na nagbagouod na umuunladsa sapot ng kontradiksyonganap na pag-unlad maratingganap na paglaya’y makamtanmagandang kinabukasan

Hunyo 1998 12

Page 13: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Patuloyang batas ng buhayng kalikasan at bagay-bagaymay mawawala’t mamamatayat may katapusanpara bigyang puwangang pagsibol ng mga bago.

PAGBABAGOLeoncio Bagani3 Hunyo 1997

Umiihip ang hangin Nilalagas, nilalagasang mga dahon ng noonupang likhain ang ngayon.

Umiihip ang hanginlalagasin, lalagasinang mga dahon ng ngayonupang likhain ang bukas.

Tayo ang hanging umiihiptayo ang lalagas sa mga dahon ng noontayo ang lalagas sa mga dahon ng ngayontayo ang lilikha ng bukas.

Punla

Page 14: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

GAMU-GAMO SA HIMAGSIKANHango mula sa kasaysayan ng Rebolusyong 1896, Alay sa mga rebolusyonaryong martirRodolfo CarandangOktubre 1992

Kay ganda ng bakas na inyong iniwan,Mga halimbawang dapat pamarisanSa tyaga’t talino, bukas na isipanat butil na ginto ng kabayanihan

Sa ningas at ningning ng isang lampara,kayo’y gamu-gamong nagkusang sumugbaSapagka’t sa inyo’y langit ang kapara,sa katotohana’y mamulat ang mata

Wala nang hihigit sa inyong pag-ibig,sa bayan n’yong mahal na perlas ng dibdibdi kayo nanghihinayang na dugo’y itigisUpang dumakila bayang iniibig,

Dakilang bayani ang aral n’yong punla,Buhay na halaman ngayo’y sumagana,Hindi malilimot ang inyong gunita,nang lahing malaya... ng bayang malaya.

Wala nang hihigit sa rebolusyonaryong pag-ibig,ang kadakilaan ay ang paglilingkod sa lupang tinubuan.

Hunyo 1998 14

Page 15: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

SA ATING MGA BAYANIKa Leni, kasapi ng SPL

Maraming bayani itong ating bayanKa Wen, Ka Renden at iba pang mamamayanDi ba ninyo alam, mga kasapiang nanganghinaAng inyong paglamig, isang kamalian?

Huwad na kalayan, supil ng dayuhanPang-aapi’t paghamak ang kinahantunganAlalahaning itinayo itong ating Hukbong BayanPara maipagtanggol buong sambayanan

Bansag ng militar, tuta ng dayuhanSila ngayo’y sadyang inaatasanAahon sa bundok upang manlagimdahil inatasan ng bulok na lipunan

Kaya’t masigasig buong mamamayanAting kayamanan ngayo’y kinakamkamdi natin isusuko sa mga dayuhanSukdulang mapatid buhay nating laan

Mabuhay, mabuhay ang ating isigawHandang lumaban ang Bagong Hukbong Bayanmamatay, masawi, walang alinlanganDahil sa mahal nating Inang Bayan!!!

Punla

Page 16: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

PAMANASagisag Tejero10 Pebrero 1998

Halina, Kasama, ating pagyamaninAng lupang pamana ng ninuno natinHuwag silang tikisin… huwag bibiguinAng tigang na lupa’y muling panariwain

Ang dakilang aral ng mga bayaniNa nangabuwal na sa dilim ng gabiIto’y ating damhin, huwag isantabiIto’y kayamanan na di mapapawi.

Ang baril mong tangan huwag luluwaganKamao’y ikuyom, ihanda sa laban!Bawat buga nito’y katumbas ay buhayNg mga nandahas sa laya’y umagaw

Ang determinasyon, disiplinang bakalPapangyarihing lagi ito’y ating gabayDiwang mapanlaban, laging ikinintalPamana sa atin sa pagtatagumpay

Kung sa pakikibaka, tayo’y malagasanDi dapat manghina, bagkos ay tumapangAng dugong pumatak sa bukid at linangIto ang didilig papanday sa laban.

Kahapo’y marami ang nagsipag-alayNg buhay at dugo sa pakipaglaban, Pamana sa ating mga iniluwalAt sa saling-lahi, ito’y kayamanan!

Ang pakikibaka’y walang katapusanHangga’t ang lipuna’y may uring gahamanAng diwang pamana’t mga karanasan Ito ang lalagot sa gapos ng bayan!

Hunyo 1998 16

Page 17: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

KINABUKASANLeoncio Bagani21 Hulyo 1997

Tahan na, munting ligaya.Sumisikat na ang araw.Ipapasyal kita sa burolat ipamamalas sa’yoang gintong bukidna naging saganamatapos diligin ng pawis at dugong maraming mga ama at ina.

Punla

Page 18: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

MAPULANG PAGPUPUGAY SA ARAW NGIYONG PAGSILANGLorenzo Magpunyagi14 Disyembre 1997

Mula sa sinapupunan ng bayang nagpupumiglas,Nagpupumilit makawala sa hawlang kinasasadlakanSumibol ang pintig ng panibagong-buhayPunlang ipinaglihi sa rebolusyonaryong pagpupunyagiSanggol na iniluwal sa banig ng kontradiksyonAntagonismo ang nagsilbing komadrona;Bente-sais ng Disyembre, pumailanlang ang iyong tinigHudyat ng paghihiwalay ng dalawang kulayAng kulay ng pulang dugo na bumabalot sayoSimbolo ng kagitingan at katapangang siyang magiging tugonSa panangis ng bayang nalugmok sa hirap,Sa kumunoyn karalitaaan.

Araw ng iyong pagsilang ay isang hudyatNg pagpasok ng rebolusyon sa panibagong yugto ng buhayInihele ka sa duyan ng digmaMga putok ng baril ang nagsilbing uyayiLumaki kang taglay ang kapasyahangAdhika’y ipagtagumpaySa iyong pagsilang, labis na nagalak ang iyong inaAng amang malaon nang naghihintayMga kapatid na patuloy sa pakikibakaAnaki’y nagkaroon ng tala sa kanilang daanMagsisilbing tanglaw upang hindi muling maligawAng sinimulang pakikibakaNg iyong mga ninuno.

Sa iyong paglalakbay dumaan sa iba’t ibang balakidMga pagsubok na pilit mong nilagpasanMatatarik, at makikitid na daanNariyng madapa ka, nariyng mahulogSa bawa’t pagkadapa’y pilit nilalapa ng halimaw na kaaway,Mga buwitreng nagnanais na patuloy kang ibulid nangwalang hanggang pagkaalipinDatapuwat naririyan ang tatlong tala na sa’yo’y pumapatnubayItinuturo sa’yo ang tamang daanTinuturuan kang lumakad, lumangoy sa dagatAt dahil sa iyong pagtalima s kanilang banal na salita

Hunyo 1998 18

Page 19: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Nanatili kang nakatindig sa harap ng mga hambalosPatuloy kang nagpunyagi upang manatiling bag-asAt bantayog ng rebolusyon.

Sa iyong kanang kamay tangan mo ang sibatSandatang ginagamit mo upang gapiin ang halimawSa kaliwang kamay mo naroroon ang kalasagSandata at pananggalang sa pakikibaka; Humayo kang taglay ang tibay at ibayong pananaligNa sa iyong paglalakbay kasama mo ang mamamayan

Ngunit sadyang ang kaaway ay hindi basta matutulogHindi basta papayag na magapi sa pagtutuosMula sa loob ay pilit kang winasakNais agawin, iyong sibat at kalasagPilit binubulag, iyong mga mataAt mas masahol paNais ka nilang pugutan ng ulo!

Nakaririmarim na mga balakin!Mga taksil sa bayan!Nais tayong iligaw ng landasinIsadlak sa karimlang walang hanggan!Salamat at naging matalino kaNakita mo ang “sakit” na dumapo sa katawanKalawang na nais sumira sa bakal ng kapasyahanDahil sa IDKP nalamapasan mo ang kritikal na yugto ng iyongbuhay.

Mula roon ay patuloy kang naglayag sa laotHigit na matatag, higit na matibayKapasyahang isulong ang rebolusyonHandang harapin ang bagong hamonLagi na’y katuwang mo ang masaSa pagsulong sa ulan tuwing may unosSila ang walang kupas na tala ng iyong buhay,Ang kabuuan ng iyong buhay.

Punla

Page 20: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Sa araw na ito muling gugunitainAng dakilang araw ng iyong pagsilangMuling babaybayin ang landas na iyong tinahakIwawagayway ang pulang bandilang taglay ang maso at karetSagisag ng iyong katapatan at kagitingan; Ipagdiriwang ang iyong mga tagumpay.Sisiigaw ang buong hanay:Mabuhay ang PKP! Mapulang pagpugay sa iyong pagsilang!!!

Hunyo 1998 20

Page 21: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

ANG MISTERYO NG TANGCONG VACAKa Laiya

Isang araw noon, dala kapirasong papelmalawak na kagubatan, pag-aari na ng tusong mayayamanginawang pasto, bantay mga goonspanindak sa magsasakangnagpipilit mabuhay sa biyaya ng lupa

Misteryo ng Tangcongnilukob ng pyudalismo

at mula sa kasukalan, maingat na yapakng mga kabataang sukbit ay sandatadala ang sulo ng digmasisindi sa gasera ng bawat dampamagpupunla sa bawat bukid at parangng abang magsasaka

At iniluwal ang mga anak ng Tangcongngayon, lumalaban!

Sumibol na punla’y pinagyaman, inarugang matiyaga’t masinsing gawaing masasanigan ng rumaragasang armadong pakikibakanagbabandila ng demokratikong mithiinRebolusyong Agraryo, susing pampakilossa pangunahing puwersa ng pakikibaka.

Sa malawakang pagtugon,Naglagablab, sulo ng digma sa Tangcong!

Punla

Page 22: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

At naghangad pang pabilisin ang digmaNaglaro, naghabol ng bugsoinsureksyunistang linya’t gasgasang labanannanganak ng sakit, NGOismo’t repormismo

At nalambungan ng ulapng disoryentasyon ang Tangcong.

At Marxismo, Leninismo, Maoismomuling nakapangibabaw,Kilusang pagwawasto, mahigpit na sinulongpaglalagom, pagpupunahanmga teoretikal na pag-aaral siyang panawaganlubusin, lubusin ang rektipikasyonhawakang mahigpit, pamumuno ng uri.

Muli, banayad, ngunit tiyakNagpanibagong siglaang pakikibaka sa Tangcong!

Hunyo 1998 22

Page 23: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

TANGKONGKa Mauricio26 Disyembre 1997

Sa kabundukan mo’y iyong kinalingaLibong aliping inalipustaKabuhayan sa kapatagang ipinagkait sa kanilaSa basal mong lupa kanilang tinatamasaMaraming taon na ring ika’y pinagpalaNg tipakin, makapal nilang mga paladNagpunla ng buhay na bumuhay sa madlaNgunit hanggang ngayn sila’y nananatiling dukhaSa kandugan mo rin uusbongMapanlaban nilang diwaHindi tumugot na habang-buhay ay dukhaBuong giting, nilabanan ang mapagsamantalaMarami na ring bayani nilaAng sumanib sa mataba mong lupa.

Ngunit heto na naman ang ganid na dayoKasabwat pa ang mapang-aping gubyernoSa ngalan ng mga batas nilang makadayoHandang sirain at hakutin likas na yaman moSa sinapupunan mo’y magmimina daw ng sementoUpang mga duhay sa paanan mo’y umasensoNangangako ng trabahoNgunit sa ibang lugar na katulad moIto’y puro lamang panlolokoMga lupaing dating tanimanNgayo’y golf courses na, may condo’t pabrikaAng iba’y magarang subdibisyon naAng iba naman ay tulad mo, ginagawang mina;Ang iba’y libingan ng mga taong nag-aalsa.

Punla

Page 24: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Wala silang pakialam madurog ka man, masiraPolusyon at dislokasyon, kusa pa nilaHanda nilang supilin, nangangalit na masaMapunuan lang kanilang pagnanasaHangad nilang superganansya!

Ngunit h’wag kang mag-alalaMga masa sa iyong kanlunga’y nag-aalsaHindi papayag na manatiling dustaHindi papayag na ika’y lapastanganin nilaKarapatan hindi isusuko nang bastaHindi umaasa sa himala ng batong bathalaUmaasa sa sariling lakas, nagbubuklod, nagkakaisaSa tulong ng Partido’t Hukbong mapagpalayaLaging nakahanda upang ipagtanggol ka!!!

Sa SEMENTOkatha ng isang YS na nag-integra sa bundok TangcongVaca

Paraomang mawawaran dagaMagboborogkos sa makosog na pagtuligsaKan makauring sitwasyon sato maiimuknaKaining pagmimina nin semento sa satuya

Minsan ta pang hilingon ining kinaponanMasang magsasaka haloy nang niraratakanSa panahon pa nin Kastila, Pade igwang nagkakagaradanNagbuwis ning buhay sa repormang agraryong gusto tangkamtan

Amerikano nag-abot, nagposturang kasurogLaon na ngani ang katotohanan sa Kastila, kita antotoong nalopogBandang huri tunay na kolor nagluwas man sanaMaghabas nin yaman pagkatapos imasaker kita

Inagaw man kan Hapon sa kolonyang EU ang gubyernong TimonPagbirik kang tambod kang papet na gubyerno digdi otro nalantad

Hunyo 1998 24

Page 25: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Kaon kiisay magsirbi sa duwang imperyalistang nababantadMasa nagdesisyon, Partido Komunista kang Pilipinasasin Bagong Hukbong Bayan iyo na inogbonPara sa interes ninda iyo an pagla-om

Para mapogolon pag-alsa kan dakulang masa Idineklara pekeng independensyaKaya poon kaidto papet na gobyernoRoxas, Marcos, Macapagal, Aquino mayong pinag-iribaMga asendero, burukrata-kapitalista para itulod an interes ninimperyalista na amo ninda

Ngonyan yaon na , factory nin sementoMatao daa nin trabahoMadagdag nin buwis sa gubyernoIni pag-agaw sa dagang mayor na problema kan mga paraomaAsin kon may buwis may mapaduman sa sukab na pulitiko ta.

Kaya mga paraoma, mga namamanwaan manKita magkasararo sa paglantad asin paglabanSa mga panloloko asin paghabons a yamanSa satuyang daga, bukid pati kadagatan

An totoong simbag sa mga inagrangayIyo ang pagkaborogkos asin armadong paglalabanKusog kan mga paraoma, trabahador, estudyante asinpropesyunalNganeng marompag taan lumang sistemaasin dagos nang makamtan tunay na katalingkasan!

Punla

Page 26: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

KALAYAANZoren Valdimar18 Marso 1998

Kalayaan, kalayaan, kaytamis bigkasin at pakingganNgunit may kalayaan nga bang dapat tayong ipagdiwangSa Hunyo 1, na tinawag na ika-100 taong araw ng “kalayaan”?Wala, walang dapat ipagdiwang na tunay na kalayaanPagkat ang kalayaang ipinaglaban nina Andres Bonifacio’yMalaon nang isinuko ng mga taksil na pamunuang ilustradoNa pinangunahan nina Emilio AguinaldoSa bagong mananakop na imperyalismong AmerikanoNa siyang nagpahirap sa sambayanang Pilipino

Nang magwakas ang ika-2 Digmaang PandaigdigSa udyok ng imperyalismong Amerikano, bansa nati’yGinawang malakolonyal at malapyudalpara makamit ang walang taning na pagkontrol at paghahariAt dahas ng estadong burges, pyudal na bayaran,Malayang ginamit sa panunupil ng mga demokratikongkarapatanAt sa walang sawang pagsasamantala sa likas na yaman ngbayanHabang tayong mga Pilipino’y pinaghati-hati at pinaglaban-labanSa paggamit ng eleksyong burges at digmang mapanalakaylalong lumubha, krisis ng ating bansaKalayaan, kalayaan, kay lungkot pakingganPagka’t pagmasdan ang bandilang nakawagayway sa atingbayanHindi sagisag ng tunay na paglaya sa kuko ng mga banyagaPagka’t ang kulay sa itaas, sagisag ng dayong bandilaAt ang kulay sa ibaba na siyang tanging kulay ng bandilangPilipinasPatuloy na nilulukob ng dayong bandila…

Kalayaan, kalayaan, dapat ipaglaban at angkininHuwag hayaang habang panaho’y patuloy na yurakan

Hunyo 1998 26

Page 27: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

ng mga taksil sa bayan, imperyalistang dayuhan!Mga martir na bayaning nag-aalay ng buhay sa lupang mahal,Alab ng kalayaang dapat nating igiit –tayong mga uring anakpawis at mga panggitnang uri – Higit pang magpunyagi sa pagpapatuloy ng panghihimagsikBuong tapang na labanan ang mga lokal na naghaharing uri!

Lagutin ang kadena ng pagkaaliping lakob ng imperyalismoHanggang sa maiwagayway sa ating dambanaPulang bandila na siyang tunay na sagisagng ganap na paglaya at demokrasya sa ating bansa!

Punla

Page 28: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

DRB, TANGING SOLUSYONmula sa larangan ng sorsogon

Noong ako’y musmos, mapangarapinLaging nagtatanong kung ano ang lihimKung ano’t ang digmaan ay di nasusupil

Sa aking paglaki ay nakamulatPagsasamantalang nagaganap at lantaranNa hanggang sa ngayon ay nananalakaySa lahat ng dako nitong kapuluan

Saan ba nagmula itong kaguluhan Ito kaya’y dala ng mga dayuhan Kakawing ba nito mithiing kaunlaranO sadyang kakambal ng sanlibutan?

Saglit na naudlot mga pagtatanongNang isang kasama’y sa akin tumugonHangga’t marami pang magsasakang gutomTuluy-tuloy pa rin itong rebolusyon

Kaya’t humayo ka sa pakikibakaMga anakpawis, uring manggagawa at magsasakaBaril ang gamitin sa pakikidigmaDudurugin natin ang bulok na sistema!

Iwaksi ang ugat ng pagsasamantalaHubugin ang karit ng masong paglayaTanikalang bakal ng imperyalistaIto’y papatirin na rin ng lakas ng masa!

Hunyo 1998 28

Page 29: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

TULAD NG BATONG BUHAYLeoncio Bagani23 Mayo 1997

Tulad ng mandirigma,tulad ng batong buhay;

sa buhos ng ulanay ‘di naagnas

sa init ng araway di nabibitak

sa tama ng lintikay ‘di naaabo

sa agos ng bahaay ‘di natitinag

sa hampas ng hanginay ‘di gumuguho

tulad ng mandirigma,tulad ng batong buhay.

Punla

Page 30: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

TUNAY NA LAYA, NASA PAGKAKAISAEdzel SumaligMarso 1998

Mithiin at pangarap ay makakamit natinKahit may balakid sa ating landasinLakas ng masa at iisang diwaMagbibigay-laya sa mga inapi at dinusta

Ang adhikain nitong sambayananTunay na demokrasya at kalayaanSubalit binabaliktad ng mga gahamanTayo daw ay di uubra at naliligaw ng daan

Kahit gano’n ang paniniwala ng mga hangalMasang Pilipino, magpapatunay at di malilinlangdahil nariyan, ating tanglaw at gabayPartido Komunista na nagsisiguro sa tamang landas at

daan

Tayo nang kumilos at magkaisaPanawagan sa mga inaping bansaUpang tayo’y matanglawan ng tamaMarxismo, Leninismo, Maoismo ang tunay na diwa

Pangarap na paglaya nitong ating bansamaaaninag sa bukang liwaywaymangyayari tiyak na sisilayang mapulang bukas ng ating tagumpay

Dito magaganap ang makauring paglayaNa ginagabayan ng wastong pampulitikang linyaat walang alinlangan na wawakasanang paghihirap ng aping mamamayan!

Hunyo 1998 30

Page 31: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

SI TATANG MANUNGOD SA TAMBANG26 Nobyembre, sa larangan ng Albay

Si Tatang Anghel nag-istorya sakuyaPagkadangog mi kan sarong baretaTulong pulis an tinambangan, pinatumbaNin pinaniniwalaang yunit kan BaHuBa.

An sabi niya kadto, narurumdoman ko pasa mahahambugon na mga pulis, uyamon daa sinda,“Su kahoy mi na pangharong, saindang pigkumpiska,Pigkurua, pigruluwas, kina pinagbenta!”

Saro pa daang nangyari sa aki niyaNa saro man sanang arog sa iyang paraomaPiagpalays sa estaran kaineng pulisyaSuruguon kan despotikong asendero na mahiwas andaga

Kaya naman ngaya sa pangyayaring ambusAn sa iyang kaugmahan, silensyo alagad bulanosTa dawa ngaya pano, sinda nabawasanMientras kita an padagos sa paglaban

Kami man na pig-istoryahanNakamati ni pagkusog sa panininduganAn batas kan digma ta, sabot paano ni Tatang, Na bako pang kaganahan an nanggaganang pagtambang

An taktikal na opensiba, mantang nagpapaluyaAsin padiit-diit na pandaog sa mga kaiwal taAlagad an matuod na piggigikanan kan satong kusogIning pagkasararo sa prinsipyo kan namamanwaan

Dakol pa lugod, mga Tatang, Nanangan satuyang kasurog sa panghaluyang digmang bayanPagkubkob nin kabanwahan hali sa kabubuldanSagkod makua an tunay na katalingkasan.

Punla

Page 32: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

PABAONKa LaiyaOkt 1997(Para sa RYG, isang taong naging katuwangsa isang rekoberi/ rekonstraksyon erya)

Dumating kayo noong panahon ng unosUpang bumahagi sa puspusang pag-aayosMagkakasama tayong humarap sa hamonNg patuloy na pagpapanday ng haligi ng digmaNg paghahabi sa nagusot na mga hiblang kasaysayan ng Tangcong Baka

Magkakasama tayong sumalunga sa ulanputik at kadawagan sa mahabang paglalakbayDi alintana, sungit ng kalikasanKailangang humakbang, ibayong sumulongPag-igpaw ng digmang bayanang dalisay na layon.

Ang ating sandata, bakal na determinasyonkritikal na sentidot’t proletaryong entusiasmo ng paglikha’t pagkathahabang alalay na nakasukbit, rebolusyonaryongpakuwelanagbibigay-kulay at buhaysa entablado ng digma

Sa digma, sadyang puno ng “paalam”Mga “pagkikitang-muli”sa uli, haharapin bang antas ng hamonpagsustine, pagsustine, mga solidong tagumpay.Dramatikong pagsulong hamon ng panahon.

Hunyo 1998 32

Page 33: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Saanman dalhin ng agos ng digmaBabaunin ng diwa, mga gintong aralng pagpupuno sa mga natitirang patlangng pagkakalkal sa mga nanatiling hadlangNa sa pagpapanibagong-siglakasabay tayong napanday

Babaunin ng diwa ang hudyatng mainit na pagtugon ng masaMagsisilbing ningas, patuloy na magpapaalabSa kapasyahangHawiin ang ulapng mga agam-agam

Babaunin ng diwa ang tuwaNg mahigpit na pagkakapatiranAng mga kuwentong nalikha ng pagsasamahanAt pananatilihing matagintingPintig at himig ng himagsikanSiyang magtatambol sa pagsilay ng umaga.

Punla

Page 34: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

KATATAGANmula sa larangan ng Sorsogon

Sa kabila ng masalimuot na landas ng RebolusyonNarito pa rin tayo, tuluy-tuloy sa pagbangonMapaniil man ang kahirapan at kaaway nais tayongibaonPilit pa rin tayong tumatayo at patuloy na yumayabong

Kaya lakas nating taglay, dapat na panatilihinKailangan, pagwawasto sa mga maling gawainNakaraang kamalian atin nang baguhinUpang lubos na tagumpay, ating anihin

Lakas ng katagumpayan, nasa ating kamayUpang maibagsak, kapangyarihan ng kaawayKaya’t masa ay pukawin, pakilusin nang sabay-sabayUmalpas sa tanikala ang kahirapan nitong buhay

Sa pag-angkop sa gawain huwag na sanang mag-alinlanganPagka’t ito’y makakaya kung ito ay susubukanKaya sa pakikidigma tunay na kailanganDeterminasyon sa sarili at lubos na katatagan.

Hunyo 1998 34

Page 35: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

HAMONSalvador Rojo23 Disyembre 1997

Tayo’y nariritoPara pag-aralan ang lipunanPandayin ang sariliSa proletaryong paninindiganIwaksi ang pagkamakasarilingItinuro sa bulok na lipunan

Tayo’y nariritoPara manguna’t maging modeloIwaksi ang disoryentasyonMagsikhay, magwastoYakapin ang MLKMZGabay sa pagkatuto

Tayo’y nariritoPara magsasaka’y kaulayawinSila’y pukawin at organisahinArmasan, pakilusinPapel nila’y mahalagaSa armadong pakikibaka

Tayo’y nariritoPara mamuno sa Hukbong Bayan Tutukan di lang paglabanKundi gawaing edukasyon,Propaganda’t produksyonPati ang pangkulturang rebolusyon

Tayo’y nariritoPara sa iisang layuninPaglingkuran ang sambayananPagsasamantala’y pawiinAt lipuna’y baguhinMaging kapalit ma’y buhay natin

Punla

Page 36: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

PANGHAHAWAKAN Yoyong Clamar, Jr.4 Abril 1998

Sa ano mang kahirapan, dapat panghawakanPrinsipyong ipinaglalaba’y huwag bibitawanNang di malaglag sa dahon ng kasaysayanAng tanging buhay na sa baya’y iniaalay

Saan man kumilos, matatag ang loobAno man ang pagsubok, handang lagpasanNang mapanatiling lagi, angking katataganSa rebolusyonaryong landas, higit pang magpakahusay…

Hunyo 1998 36

Page 37: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

DAKILANG HUKBOGeorge Kalipunan26 Marso 1998

Sa pagsilang ng isang bagong HukboAng Partido sa kanya’y namumunoNakikibakang masigla at handa sa sakripisyoKapangyarihan ng mamamayan kanyang itatayo

Dakilang hukbo’y lalago at di guguhoDumaan man sa pagkabigo’y hindi maaaring sumukoDeterminadong isulong estratehikong yugtoupang reaksyunaryong Hukbo , tuluyang maigupo

Mga tagumpay at kabiguan na dinaananMga aral nito’y pinagyayamanpang-ideolohiyang kamalayanMaling kaisipan, hinahadlangan

Masang pinagliilngkuran, lumalakas sa paglabanNagsisilbing tungtungan, pagwawasto sa kamalianArmadong pakikibaka, nananatiling taglayDemokrasya’t kalayaan, tiyak mapapasakamay

Mga taktikal na opensiba ng Hukbong BaynUmaalingawngaw at lokal na gahaman, pangamba’y dimapigilanPagsulong ng digmang bayan di kayang sagkaan

Huwag nating kaligtaan linya at patakaranMulat na isabuhay, disiplinang bakal ng Bagong HukbongBayanKatumbas man nito’y buhay , tungkuli’y gampananPalayain ang bayan sa tatlong salot sa lipunan!

Punla

Page 38: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

TAGUDTOD, SA PAGDILIMKris Lorenzo5 Oktubre 1997

Saglit lang, hahabulin ang hiningangNakikipag-unahan sa mahaba-habang lakaranIpanghihilamos ang lamig ng hangin,Mga bituin sa langit, kukumustahin

Sa bawat malayong paglalakbay,Pagdaan sa tagudtod, hinihintay-hintaykapag mga ugat, ubos nang malagotpaa at tuhod, ubos nang mamaluktot

Pag-abot sa tuktok, tatanaw sa parangSa rikit at rilag ng dinustang bayanKikilatisin doon, sinapit niyang kalagayanAt muli’t muling itatantong pagbabago’y kailangan

Kailangang sa kamay ng mapagsamantala’y lumayaAt sa pakikipaglaba’y kalimutan ang ginhawaSa tagudtod, kita ma’y saglit na mamahingaAng patuloy na paglakbay, doon din ang simula.

Hunyo 1998 38

Page 39: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

PANDAYNelson Ressureccion20 Nobyembre 1997

Mag-aral, mag-aralMaging mulat at sulongsa ating pakikibakang Magbasa; magsuri atmagsiyasatMahalagang gabay natinsa paggawa

Maglingkod, maglingkodSa sambayanan at uring manggagawaLinangin ang katangiang rebolusyonaryo“Para kanino” laging isipinsa paggawa

Sumalig, sumaligSa talino at lakasNg malawak na masaKumilos at matutomula sa kanilaMakiisa’t itaguyodkanilang interes,sa paggawa

Proletaryong paninindiganProletaryong pananawPaunlarin, pandayin

Punla

Page 40: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Magkaisa, magkaisaBuuin, patatagin ang lakasng hanay ng kasamamagtulungan, magmahalanbigkis sa paggawa

Magpuna, magpunaIwasto ang kahinaa’tmali ng bawat isaBakahin natin, liberalismoKailangan nating matutoUpang sumulong sa paggawa.

PAG-AAMBAGOmega GuevarraOktubre 1997

Walang pagtutol ni katiting man,ang namutawi, maging sa mga labikundi agam-agam sa daratnanglugar na paroroonan.Ngunit lahat ay dagling naparamnang sumagi ang katagang“paglingkuran ang sambayanan,”laging umasa’t magtiwala sa masadahil sa kanila nagmumulalakas at pag-asa.

Hunyo 1998 40

Page 41: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Habang naglalakbay, abala ang diwasa paglilimisa mga bagong gawaing dapat nang simulan.

Katulad ng mga alon sa dagat, may patutunguha’t may hangganan;paglalakbay ng rebolusyonaryo’ymay simula at may tagumpay.

Magkahalong tuwa’t pangambaang bumalot sa kamalayanHabang papalapitsa bagong disposisyong lugar.Doo’y itutuloy ang gawain sa rebolusyon:Isang bagong hamonsa mga proletaryado.Saan man may labanan,may inaapi kasi’t pinagsasamantalahan.

Lahat ay dagling naparamNang sumayad ang mga paa sa dalampasigan

Lalo’t sa pagtunghay mo’y ngiti ang sasalubongNilang lagi nang handangmag-ambag sa rebolusyontungo sa pagkamitng bagong tagumpayng demokratikong rebolusyong bayan.

Punla

Page 42: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Kuliglig Sa Gubat Ng Digma:Dalawang Tula

Mga duri-duri na maiingay sa gabi’t arawWalang ibang libangan kundi makipagsabayansa mga taong nagkukuwentuhan

Parang mandirigma ng sambayananHindi nagpapatalo sa kaawaybuhay man ay ialay

Mga duri-duri, nakakasiyahan natinKapag nasa ilalim ng kakahuyan

Nakakabingi,Nakakatulilipero laging masayang pakinggan

Para bang mga kasamangnagkakasayahannagtatalakayannagpupunahanhanggang sa sila’ymagkaintindihan

Tuloy ang laban.

Andrea Ybanez10 Abril 1998

Hunyo 1998 42

Page 43: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Nagsasalimbayan sila sa gabiKatahimika’y binabasag ng koronilang nagpapaalam sa mundo

Naglalamay tayo sa gabiKatahimika’y kinakaibigan ngtapangng gerilyang sa kaawaynakaabang

Kapwa lumilikha ng kariktan:sa gubat, salimbayan ng hunisa bayan, kalayaan sa pagkagapi

Na bakit, ngunit gayongkakambal ay kamatayan.

Gano’n nga ang mangarap ng paglaya:nilang pagdaka’y iiwang manipis na kalansay

ang dating luntiang katawannating pagdaka’y iiwang mapula ang lupa,

laman ay pataba sa tatamnanng ganap na pagkakapantay-pantay.

Ang Pulang mandirigma pala’y tulad ng kuliglig:nag-aalay ng buhaymatapos umawitng pagkatamis-tamis na himig.

Kris Lorenzo23 Marso 1998

Punla

Page 44: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

BUHAY HUKBOKa PattyKa MichaelKa Jiggsmga kababaihang manggagawa; para sa pagdiriwang ng ika-29 anibersaryo ng BHB 1998)

Sa kanayunan na napuntahan koSadya ngang kay hirap ng buhay hukboMabasa ng ulan, mabilad sa arawMaglakad sa gubat nang walang kapaguran

Dito’y aking nasaksihan,diwa ng pakikibaka, tangan ay sandataMahigpit na pagkakaisa kasama ang masaSa pagsusulong ng armadong pakikibaka

Walang alintana, malayo man sa pamilyaDamang pagod at gutom ay kinakayaKaya’t kung susuriin, lahat ng ito’y babakahinUpang pagsasamantala’y pawiin!

Walang ibang adhikain, sa isip, sa salita at sa gawaAng magsulong ng demokratikong digmaAko’y napatigil, nakadama ng paghangaBakit nga ako’y hindi nakahanda

Sa kalunsura’y api’t pinagsasamantalahan dinAh… walang dapat nang pag-atubilihanHindi dapat manatiling tagasigaw lamangTatangan ng armas, kapiling ang ibaSa buhay hukbo, ako’y sasama.

Hunyo 1998 44

Page 45: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

MAYON, MULA SA DI-KALAYUANLeoncio Bagani15 Setyembre 1997

Babalik kamiUusigin ang mga maylikhang tanikala ng kaapihan at pagsasamantalasa iyong paanan.

Ang pulang Hukboay muling makakadaop-paladng mga ama at mga inaat mga anak ng lumilikhang yaman sa kapatagansa iyong paanan.

Muling maririnigang masasayang pintigang mga pandigmang himigat mga mapanlabang tinigng maliliit na magsasaka

Didiligang muliang nag-ugat nang binhing kilusang magsasaka,ng rebolusyong lalagotsa gapos ng pagkaalipin sa lupasa iyong paanan.

Babalik kamiat muling madarama at mababatid sa lahat ng dakoang muling pagsibol ng lakasat kapangyarihan ng mamamayansa iyong paanan.

Panata iyan.Panata.

Punla

Page 46: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

ILANG SIPI MULA SA MGA LIHAM NG BUHAY AT PAKIKIBAKA8 Disyembre 1995

Sana kung malapit lang ang bawat isa sa atin ay maykuwentuhang matagal-tagal, at talakayang buhay man lang. Biruinmo ang pagitan natin ay matinding bundok at Maharlika Hi-way, patimga kampo ng ky.

Sa buhay namin naku, sibot kami lagi sa paghanap ngpagkain kapag naglalakad kami. Tapos inaabot ng gabi sa mgalakaran. Matindi ang ahon pati, walang matinong lakaran, walangpantay. Nalilipasan ng pagkain. Talagang tiis ang pagod at puyatalang-alang sa sambayanan, at bahagi na rin ang mamatay. Kayahabang buhay pa tayo ay walang humpay na sulatan. Pinaghahandaanko na ito. Kahit napakaganda ng aming erya. Mag-uunahan na langnyan. Marahas talaga ang digmaang ito. Ka Lani

16 Pebrero 1996Ang mga kasama rito ay tulad rin marahil ng mga kasama

riyan na araw-araw ay abala sa mga trabaho, ayon sa iskedyul ngbawat isa at wala pa namang mga mabibigat na kinakaharap na mgaproblema.

Ako at ang ilang kasama minsan ay nabigyan ng pagkakataonna makaupo sa pagsisiyasat sa pagkabuo, paggana at pangagnasiwaHunyo 1998 46

4 Pebrero 1996Marami ngang mga pang-IPOP na mga problema’t usapin

na dapat nating harapin, pangibabawan at maalpasan ngayong 1996. Kailangan ang ibayong pagpapakatagag, pagsisikhay at pagpupunyagi pati na ang paggawa ng wasto at epektibong pamamaraan sa paglutas ng mga ito. Sa gabay at praktika ng MLKMZ ay nagwawagi at makapangingibabaw tayo. Vinceremos ika nga! Ka Aga

Page 47: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

sa sangay sa ilang baryo. Tuwa nga ako dahil nakahalaw tayo ngkaranasan sa takbo ng sangay sa baryo. Sa pagsusuri natukoy namay mga dapat iwasto sa pagka-unawa at mga istilo sa pagkilos ngsangay tulad ng ayos sa istruktura, pagpairal ng buhay kolektibo atistilo ng pamumuno ng sangay sa organisasyong masa, milisyangbayan at mga panggitnang puwersa. Kailnangan ding iwasto anglantad na pagkilos, ilang gawa na hindi mabuting halimbawa at ibapa. Nakita rin ang pangangailangan na mapataas ang kamalayan samga rebolusyonaryong aktibista at mapaunlad ang mga istilo ngpaggawa para kahit wala ang mga kasama sa lugar ay kaya nilangisulong ang gawain. Ka Noli

Basta’t determinado kangmakapangibabaw sa mga sakripisyo,taglay ang proletaryong paninindigan, pananaw at pamamaraan,tiyak na ibayong tatag ang iyong makakamit habang pinapanday angsarili sa gawaing masa sa hanay ng masa sa kanayunan. Ka Criso

Punla

11 Abril 1996Inaasahan kong natalakay na sa

inyong yunit ang dokumento ng pagtatasa ng KTKS sa pagsusulong ng IDKP at rebolusyonaryong kilusan. Ganoon din ang pahayag ni AL sa anib ng ating mahal na Partido. Nilaman ng mga nasabing dokumento ang mga nakamit na nating mga tagumpay sa pagsusulong ng IDKP sa loob ng tatlong taong nagdaan. Ganoon din ang mga kinakailangan pa nating pagpunyagiang isaayos para sa pagsusulong nito hanggang sa ganap na tagumpay. Nilinaw din sa mga nasabing dokumento ang ating mga gawain para masagpang ang mga napakapaborableng sitwasyong pambansa at pandaigdig para sa patuloy na pagsusulong sa mas mataas na antas ng ating digmang bayan.

Page 48: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

22 Setyembre 1997Galak na galak kami rito at tunay na kakaiba ang nadarama

kahit pa nga dadagdagan kami ng isaaraw kampo-militar. Ang gandaano? Biruin mo – 5 kampo, isang Batalyon HQ at 2 munisipal naistasyon ng PNP. Wala yan, dahil kakaibang sigla ang pinapakitgkilusang masa, kilusang edukasyon at ib pa.

Kilusan ng magsasaka para bumalik ang mga pinalayas namagdadanaw sa isang lupain ng PML. Kilusan ng mga kabihog paraposisyon at pagproduksyon sa mga kumpiskado/ abandonadong lupa.OP/OD na sumabay sa mga naganap na pambansang protesta ngSetyembre.

Mga inihahanda, pagpapataas ng sahod ng mgamanggagawang bukid sa palaisdaan, pagpapababa ng usura sapautang sa abono, kilusan ng mga magsasaka sa mga lupaingisinailalim sa CARP, kampanyang kontra-kampo-militar at iba pa.

Napakhirap isagawa, lalo na sa kalagayan ng yunit ngunitibayong sikap. Paisa-isa lang. Maitagumpay lang, ibabalita agadnamin sa inyo. Ka Jojo

Hunyo 1998 48

Page 49: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

24 Oktubre 1997Magandang balita, nararamdaman ko uli ang pagiging CO ko.

Pero medyo malawgaw kumpara noong nakaraan. Namagohan akokung papaano ang pakipagsalamuha sa mga bagong kakilala at takotsa NPA.

Sa unang punta namin sa erya grabe ang tensyon ko dahilansa una pakarating pa lang namin sa lugar, kung magkamali kahitpangalan ay hindi na makauwi. Pangalawa wala pang alam sakatangian ng tao kahit ang pagsalita mahirap intindihin.

Sa ngayon normal na rin ang pakiramdam, nakuha namin angilang pangangailangan sa gawain. Kaya sa wakas magsisimula na angating kasaysayan.

Tama talaga ang nakasaad sa dokumento, walang mahirapkung ginagawa.

Ang sulat ko na ito sadyng bitin para sa susunod nakabanata. Ka Rudi

22 Enero 1998Natutuwa ako sa mga ibinalita sa akin hinggil sa inyo, pati

yaong tungkol sa pagpapalaganap ng mga rebolusyonaryong awit sahanay ng masa. Sana ay makatulong iyon sa mga kasama na lumikharin ng gayon at ng iba pang porma ng likhang sining. Dapat lang napatuloy na pasiglahin ang gawaing kultural dahil wika nga ni KasMao, ang hukbong walang kultura’y mapurol ang isip at dimakagagapi ng kaaway.

Lumubha ang isa kong sakit na may katagalan ko na ringdala-dala. Mahirap ko ngayong iangkop ang sarili nang mayrelatibong kadalian sa kilos gerilya. Gayunpaman, hindi itomagpapahina ng aking rebolusyonaryong paninindigan. Magpapatuloyakong gagampan sa mga kakayanin ko, batay sa kasalukuyan kongkalagayan at sa kalagayan ng lugar kong kinalalagyan. Ka Aga

Punla

Page 50: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

KOMIKS

Hunyo 1998 50

TANGANG INSPIRASYON, BUKOD SA NAGTAGUMPAY NA REBOLUSYON SA PRANSYA, ANG MAMAMAYANG TULAD NILANG MGA BUMUO SA KATIPUNANG ANAKPAWIS DAHIL SA PAGPAPASASA NG MANGANGAMKAM NA DAYUHAN, PINAMUNUAN NI ANDRES BONIFACIO ANG REBOLUS-YONG 1896.

NA SIYANG IPINAGPAPATULOY, SA ISANG BAGO AT MAS MATAAS NA ANTAS, NG DEMOKRATIKONG REBOLUSYONG BAYAN NA MAY SOSYALISTANG PERSPEKTIBA.

hukbong mapagpalaya,uring manggagawaDAHIL SA MAAGANG

PAGKAULILA, TUMAYONG AMA’T INA

NG PITONG MAGKAKAPATID ANG SI ANDRES. SARI-SARING

HANAPBUHAY ANG PINASOK NIYA UPANG

BUHAYIN ANG KANYANG MGA NAKABABATANG

KAPATID.

ISULONG ANG DIGMANG BAYAN!!!

MANGGAGAWA SIYANG UMUSBONG SA LARANGAN NG PAKIKIBAKA, KASABAY ANG MILYON PANG MGA PILIPINONG NASADLAK SA KALUPITAN AT HIRAP NA HATID NG PYUDAL NA ESPANYA.

Page 51: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

DULANota: pagdiin sa mga ginuhitang salita

PAMBUNGAD:Inihahandog ng Bagong Hukbong Bayan ang isangpangkulturang produksyon mula sa Teatro Karaanang pandayan ng sining para sa kalayaanang tula-dulang pinamagatang:

ANG KUWENTO NI KARDONG TAGPARAK

Musika/ Acapella: Ako'y magsasakang isinilang sa dilimMasuyong hinaplos ng simoy ng hanginAruga ng ina sa gitna ng parangWalang mamanahin kundi kahirapan

Hindi pa tumitilaok ang antuking manok niyaSa Kardong Tagparak ay gising naHihikab-hikab at inaantok paKailangang maghanda na para magkapera

Special Effects (Espesyal na epekto)/ SFX: Titilaok!

Kapeng inanemik (hinto) at isang istik na Champion (hinto)kay Kardong Tagparak ay almusal na iyon

Empasis, isa-isa: Hithit... (hinto)

Buga... (hinto)

Higop... (hinto)

Pasigaw, bigla: Pwa!

Walang asukal, (hinto)sagad ang kape, (hinto)wala ring bigas, (hinto)bungkukan o kamotesapagkat kagabi ay nadaleng masibang baboy ng katabi

Punla

Page 52: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

(SFX: Oriiiig! Oriiiig! Oriiiig!)

Sa tindahan, (hinto)

(SFX: Tok! Tok! Tok!)

Hindi naman makautangDahil mahaba pa sa tren ang kanyang listahanBaka murahin pa kung susubukangDagdagan ang pangakong babayaran (hinto)

(Pabuntong-hininga) Hmmmmmm...Pag-iisip sa problema ay tama na munaSi Tungaw Kalabaw ay ihuhubo paHayun! Ang araw ay sumikat naKalbaryo ni Kardo'y itutuloy pa

(Musika!) Pen-pen de sarapen si Kardo ay hirap pa rinHaw haw ang kalabaw na si Tungaw ay ganun dinKawit, nakakangawit - Timbon, tipon, gatong, pagkaluto'y titigkalonPanyong pula, pagkakopraNi salapi, walang natira

(Galit, diin!) Bugbog, siya'y binugbog Nang sa Haciendero siya'y magdabog!!!

(Padaing) Aruy...!Aruy kupu...!Aaaaaah...!Araguy...!

Pati si Tungaw Kalabaw ay naiyak tuloyKardong Tagparak na kawawaKatawa'y puno ng pasa

(OA na pag-iyak)Haaaaay!... Grabeng kapagalan, grabeng sakripisyoPag may produkto, tinetersyo!(Matigas) Tatakutin ka pa pag may reklamoHunyo 1998 52

Page 53: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

ng Army (hinto), PNP (hinto)kalasag at CAFGU!!! (hinto)

Karga ni Tungaw Kalabaw, uwi siya sa bahay (hinto)Kardong tagparak, galit; lumupaypay(Patawag) Tao po! Tao po!Narinig niya(Bigla, taranta...) Nakupu! Makikihimpil ang mga kasama!Kasamang may baril ano ang sadya? (magalang, malumanay)(Normal) Tanong ni Kardo sa pagkakahilata"Ngayon pang kape at bigas ay waladidito kayo sa aking dampa ---"

(Magalang, masaya) Makikipahinga, Kasama.Sabi ng isaAng isa nama'y mahigpit na nakikamayMaamong mukhang sa pawis ay basaSige ang kuwento tungkol sa armadong pakikibaka

(Patula) Ang bayan natin na lubog sa kahirapanna maiuugat sa dantaong kasaysayanLalo, higit ngayon ay said sa kalayaanKailangang kailangan, rebolusyonaryong paglaban

(Mas maarteng patula)Mga panginoong maylupang sadyang mapang-alipinPati imperyalista't burukrata'y duduruginBasta lang pagkakaisa'y paiiralinNg masang anakpawis na tulad natin

(Pasigaw, galit)Ano ba namang mga Bahuba ito?Naisip ni KardoKahibangan, Kasama ang sakripisyo ninyo!Kahit anong gawin sa buhay na itoSa bukid, di ka talaga aasenso!

Sa iglap ng segundo, mga Pulang mandirigma,Sa bulalas ni Kardo saglit nangabiglaSubalit pinairal makauring pag-unawaNa di masasaid sa rebolusyonaryong diwa

Dahil sa pahirap na dala ng hacienderoKardong Tagparak sa pagkokopra'y nagretiro (hinto)Buhay sa bukid kung lupa'y di iyoi

Punla

Page 54: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Makakalbo sa pagtatrabaho nang di naman umasenso.

Kaya si Kardo'y nag-isip:(Madiin, mabagal/ isa-isa) Isiiiiip, isiiiiip, at...

(SFX: Matinis) Ting!!!

(Maragsa:) Alam ko na!Sabi ni Kardo sa sarilingNakinig naman sa payo ng lasing!(Patula) Doon sa syudad nagbubulaklakanAng pangakong asenso ng Philippines 2000

Kardong Tagparak sa lungsod nakaisip dumayoSulsol ng kaibigan, sa construction daw magtatrabaho.Sigurado daw ang pera, tiyak ang asensoKardong Tagparak, naniwala naman dito (hinto)

Ang pinakamamahal na tungaw kalaban ni KardoKay Mr. Tusong Usurero/ Tusang Usurera ito'y nakompromisoHalagang tatlong ilbo naisanla ito (hinto)Meron pang interes na trenta porsyentopara Kardong Tagparak may magastos sa pagdayo (hinto)

(isa-isa) pukpok dito...pukpok doon...Pati daliri'y namamartilyoSi Kardo pa ang namumura't tinatawag na gago

(isa-isa) pasan dito... (hinto)pasan doon... (hinto)halo dito... (hinto)halo doon... (hinto)Nakakakulaps ng baga ang nakakaubong semento...

Music! Sampung mga daliri

Bakit ang kontratista't engineer na boboMagaan ang trabaho, mataas ang suweldoTrabahador ang dehado

Pukpok dito, pukpok doon,Halo dito, halo doonDose oras, banat ng butoHunyo 1998 54

Page 55: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Sige lang, basta't may pera dito

(Music: Ako ay may lobo)Si Kardong Tagparak, sa lunsod dumayoDoon sa construction, siya'y nagtrabahoNgunit nang magsueldo ang natira ay pisoLahat ng konsumo, binabayaran dito

(Padaing)Aruy!Arukupu...!Aaaaah...!Araguy...!Ang tanging nasambit ni KardoMatapos ang trabaho

(Music: Paa... tuhod...)Paa, tuhod, balikat uloBuong katawan, parang nilampasoPaa, tuhod, balikat uloGawang construction, ikamamatay mo

Trabaho pala sa construction daig pa ang nag-araroDito sa lungsod, maraming amoOras at kilos mo dinidikta ng mga itoPagkat para sa kanila, ika'y hindi taoKundi gamit na bayaran sa pagpapayaman nilang tuso

Sa hirap ng trabaho at liit ng suweldoKardong Tagparak, naghanap ng ibang trabaho (pause)Sa pabrika ng orinola, doon dumako (pause)sinubukang mag-aplay sa kapitalistang tuso

(Maarte, matining)~ Pangalan?

(Mapagkumbaba) - Kardong Tagparak Y Paang-Baka po.~ Saan nakatira?- Sa Tangkong Baka po.~ Asawa?

(Nakakaawa) - sinuwag na po ng baka.

(Mas maarte, pa-seductive)~ Ilan?

Punla

Page 56: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

(Nabigla) - Po?!

(Madiin, matining) ~ Ang anak?- Wala po.~ O.K. Du yu hab da palowing?

(Mabilis na mabilis) - Birth certificate, death certificate, cedula, diploma, drivers' license, kissing license, death license, etcetera, etcetera?!?!!

(Mabagal na mabagal) - Sige, tanggap ka na! (Pause)

Sa pabrika ng orinola nagtrabaho nga si Kardo(Isa-isa) Buhat (Pause) Kuskos (Pause) Bilog (Pause)

Sa pagbabantay ng amoBawal manigarilyo, (pause) bawal ngumiti (pause)Bawal tumawa (pause), bawal umihi (pause)Basta't sa trabaho'y nakasalang na,walang tatayo, kung hindi, lagot ka.

(Emphasis) Bawal mag-unyon at mas lalong bawal magwelgaAyon sa batas ni (dating) Senador HerreraSinuportahan pa ito ng oportunistang rebisyunistaSabi ni Popoy Lagman, kawawa naman daw ang mga kapitalista

Ang suweldo ni Kardo, mataas pa ang unanoNi hindi man lang umabot sa minimum na siyento-otsenta'y singko

(Music: Doon po sa amin ni Jess Santiago)Ay...ay...ay...ayayayay buhayItong si Kardo'y otso oras ang trabahoKumakapal ang kalyo, unti-unti pang nakakalboMaraming bawal sa linya ng kanyang trabahoAyon sa batas ng reaksyunaryong gubyerno

Ay...ay...ay...ayayayay buhay...Kontraktwalisasyon sa paggawa kanilang pinausoMababang pasuweldo sa bumabagsak na halaga ng pisoAno ba naman ito pati yata ASIN tumataas ang presyoHunyo 1998 56

Page 57: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Kung ganito ang buhay pa'no ka aasensoAy...ay...ay...ayayayay patay!

Sa pagod, hirap, at haba ng trabahoKumalam ang sikmura, nagutom si KardoTangan ang isang libong pisong isang buwang trinabaho

(SFX: Vroom - vroom! Beep! Beep! Screeeeeeech!)Kardong Tagparak sa palengke dumiretsoPagsakay sa dyip (pause) bumayad ng dalawang pisoSabay hingi ng sukli sa nagmamanehoAng kawawang si Kardo nasermunan pa nito

(Galit): Anong sukli?!Sigaw ng drayber sabay preno (SFX: Screeeeech!)

Hindi mo ba alam na nagtaas na ang krudo?Pesteng oil deregulation ang may dala nitoSaang bundok ka ba galing kamo?Hingin mo na lang ang sukli mo don sa kongreso!

Kardong Tagparak sa kanto pumara (sfx: screeeeeech!)Nang isang talipapa kanyang nakitakanya-kanyang diskarte ang mga tinderaSa pagbebenta ng kanilang paninda

(Maarte, mapang-akit)Aaay, mga suki, lapit, bili na kayo!Murang isda, sariwa pa itoMalaman, malinamnam, pansigang, pang-adoboSiyento-singkuwenta lang ang kilo!!

Kawawang Kardo lalong nahilosa pagbagsak ng piso nagtaasan ang presyobuti pa ang pero lahat may taohindi lahat ng tao may perang husto

(Isa-isa) Daing... (pows)Tuyo... (pows)Dilis... (pows)Galunggong (pows)Lampas limang piso ang bugkos ng kangkong

(Nagmamakaawa:) Tawad, ale, tawad, puwede ba?(Mataray): Kung hihingi ka ng tawad, sa pari mangumpisal ka!

Punla

Page 58: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Kardong Tagparak muntik nang mapaluhaSa eksenang palengkeng natunghayan niya

(Patula): Mabuti pa ang bilihin, lahat nagmamahalanTindera't mamimili, nagmumurahan

Pagkalam ng sikmura, kailangang kumainKardong Tagparak, sa karehan lumanding

Salubong weytres:(Maarte): Kain kayo, Ser?Tuloy na, upo na - ano ang inyong order?(Mabilis): Ginataang mata ng pagong, adobong tuko?xInihaw na pusa, nilasing na buko?Ginisang langagm o paniking bagong pritoHuwag mahihiyang kumain, serMay bayad dito.

Kain, (pause), nguya (pause), dighay (SFX: Burrrrrrp!)

Tanggal ng tenga,... esta! tinga (pause)(SFX: sipol... snap... snap)

Pagtingin sa listahan (Pause + SFX): Uhhhkk!)Nabilaukan siya!

(Inis) Naknantokwa, ang mahal naman dito!Pati yata tubig binabayaran dito!Pagdukot ni Kardo sa kanyang bulsaAng kawawang wallet niya'y wala naDoon sa palengke nadukutan palanang di makabayad, ipinahuli pa siyaBuntis na pulis ang humuli sa kanya

(Diin, isa-isa) - Bugbog...Suntok...Sampal sa mukha

(Bakla) Kurot sa beywangPiiiingot sa tenga

Diretso sa presinto't kinalaboso nga siya

(Padaing) Aruy...Aruykupu...Hunyo 1998 58

Page 59: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Ahhhhhh!Araguy!!!Ang tanging nasambit ni KardoHabang hinihimas malamig na rehas ng presinto

Ang Kardong Tagparak nag-isip nang malalimSa ganitong kalagayan anong mabuting gawin?

(Pakanta): Ikot (8x) Kamot... kamot...(Mabagal): Hithiiiiit..Buga...Iiiisiip...Iiiisiip... at(SFX: matinis) TING!!!(Maragsa): Alam ko na!

(Patula) Doon sa Tangkong Baka ako'y babalik naSa bundok, sa badang, magtatanim na langLaganap man doon pyudal na pagsasamantalaTaum-baryo nama'y bukas sa pagkalinga

Libreng gulay sa karaan (pause)Sa sapa may tabagwang (SFX: smooooch!)Ang palay na binayo (pause) bigas rin langkung wala man may bungkukan, batag, kamoteBasta't itali lang ang masibang baboy ng katabi(SFX: Oriiiig! Origgg! Oriiiig!)

Sumulsol na kaibigan, napilitang magpautangKay Kardong Tagparak na handa nang lumisan (pause)

Pag-uwi sa baryo agad tinubos niyaAng kawawang tungaw na nangangayayat na

(Mabigat na drama)IYAK, SINGHOT, YAKAP, UNGAAAAA!~ Kardong Tagparak, kaytagal mong nawala!- Mahal kong Tungaw, miss na miss kitaIkamamatay kong labis kung tayo'y magwawalay pa (pause) Pagdaan sa kapitbahay sila'y naalok naSaglit magpahinga at magmeryendaNg mamisong tinapay na gamuta ang lakiMasarap na kuwentuhan sa mainit na kape

Punla

Page 60: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

(Masaya) Kardong Tagparak, tuloy, kamusta?Tila yata umaasenso ka naBuhay-syudad nga ba'yTotoong masagana?

(PAREKLAMO)Buhay syudad, Manay, hindi totoong masaganaKahit saang sulok doon laganap ang pagsasamantalaMga bahay ng maralita dinedemolis nilaMga pulubi sa lansangan nagkalat, tirahan ay walaMga unyon at welga binubuwag nilaGinagamit nila korte't pulisya, pasistang mga tropaAt pag mareklamo ka, kung hindi sa kulunganSa sementryo ang iyong punta

Pagbukas ng radyo bandang alas-kwatro (pause)Muntik nang mamayadbad bidang si KardoNang marinig ang boses ng papet na pangulosa mga pagyayabang na sinasambit nito

(Mala-balitang brodkast)

Salamat daw sa pamumuhunanAng mga kapitalistang dayuhanUmunlad na nang tuluyanTigreng ekonomya ng bayan.

(Ala-Ramos)Bla-bla-bla-bla-blaBla-bla-bla-bla-blaMabuhay, mabuhay --Philippines 2000!

(Galit na galit):Pwa! Anong umuunlad?Ekonomiyang Tigre?Para kang lasing na natuturete!Ang akonomiya ng Pilipinas ay kutingKuting na mutain at puno ng ulingSa katutulog sa lutuan ng kanin

(SFX: Miaw!)Philippines 2000? Maniwala ka diyan!Hunyo 1998 60

Page 61: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Sa taong 2000 ang isang sakong bigasP 2,000 na iyan!

(Ahitado, militante)Kaya pala bansa ay ganitoMalalaking tao lagi tayong nilolokoYumayaman sila, hirap ang taoAng sistemang ito'y kailangang mabago

Tama pala ang sabi ng mga KasamaHindi pera ang mahalaga kundi pagkakaisaNating mga masa sa armadong pakikibakaPara lipulin ang mga mapagsamantala

(Si Kardo ang magsasabi nito:)

AHITADO, MILITANTE, KUNG POSIBLE, ISIGAW:

Nasaan na ba'ng mga Kasama?Upang ako ay makapagmungkahi naNa kahit ngayon, bukas o makalawaAko'y sasama na sa armadong pakikibaka!

(Tungaw:) Oo ngaaaaaaa!

T A P O S N A P O ! ! !

Punla

Page 62: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

AWITSARUNG BANGGUINlikha sa Kabikulan, panahon pa ng kolonyalismong Amerikano.Panahong ang “mutya” na pinatutungkulan sa mga Kundiman ay angInang Bayan – ng sumisintang walang iba kundi ang mamamayangnakikipaglaban sa mga manlulupig nito. Bahagi ng kultural na pag-angkop ng mga nakikidigma sa panahong mabigat na kaso angsubersyon o paglaban sa establisimyento.

Em AmSarung banggui sa higdaan B B7 Em Nakadangog ako hinuni nin sarong gamgam E AmSa luba ko katorogan Em B EmBako kundi si-mong boses iyo palan

Em BDagos ako bangon si sakuyang mata iminuklat EmKaidtong kadikloman ako nangalagkalag E AmSi sakong paghiling pasiring sa itaas Em B mSi-mong lawog nahiling ko maliwanag

BULOK NA ESTADONilikha ng Gintong Silahis, kultural na grupo ng Bikol, noong 1988.Capo: 8th fret; C - Em/C- Am - F - G (2x)

1. C Em/C Am Dm GKayhaba ng panahong nagtiis at naghirap C Em/C Am Dm GNa di sana dinanas ng bayang Pilipinas

C Em/C Am Dm GKung hindi nagpatuta at nanghudas

Hunyo 1998 62

Page 63: punla -   · PDF fileng pyudal na Espanya hanggang ngayong nasa kuko ng mandaragit na imperyalismong US-Hapon. Maaaninag sa kasaysayang ilalahad ng mga tula, awit, dula, komiks

Dm Am Dm G CAng mga naghaharing-uri na sa dayuhan kumasabwat

(pareho rin ang tipa)2.Kaya’t ang nangyari ang mahirap ay naghirapAng mayaman ay yumanman , ang busog naging bundatKung ganito o bayan ko ang siyang magaganapAng lahat mong anak ay alipin hanggang wakas

3.Katulad ngayon ang dayuha’y nagpasasaPanginoong maylupa ang kasabwat sa paggahasaSa yaman at karangalan ng bayang minumutyaManggagawa’t magsasaka, mga anak mong inalipusta

Koro: F C F C Lumaban ka bayan, ito ang tanging lunas F C Dm GNang ang kadena sa kamay mo’y malagot, magwakas F C F CHumarap nang buong tatag, makibaka nang buong sikap F C Dm GBulok na estado, durugin, ibagsak

Ulitin ang 3; Koro

G C (cut)Ibagsak…IBAGSAK!

Punla