31
Kabanata III, Aralin I © Mga Ibong Mandaragit © Kamalayang Panlipunan © Pagbigkas ng Talumpati Ipinasa ni: Janina Marie B. Supelana Ipinasa kay : G. Antiola 1

Mga Ibong Mandaragit

Embed Size (px)

DESCRIPTION

this contains a chapter of the "Mga Ibong Mandaragit" by Amado V. Hernandez and another lesson about how to perform a speech correctly

Citation preview

Page 1: Mga Ibong Mandaragit

1

Kabanata III, Aralin I

© Mga Ibong Mandaragit

© Kamalayang Panlipunan

© Pagbigkas ng

Talumpati

Ipinasa ni: Janina Marie B. SupelanaIpinasa kay : G. Antiola

Page 2: Mga Ibong Mandaragit

2

Mga Ibong MandaragitII. Mga Magaaral na Gagamit:

Ikaapat na Taon

III. Lagom o Pananaw: Ang Pagtuturo ng Araling ito ay para sa iyong

karagdagang kaalaman at mas malalim na pag-unawa sa mga nangyayari sa Paligid.

I. Pamagat:

Matapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Magkaroon ng kamalayang panlipunan Magamit ito sa tunay na buhay Matutong bumigkas ng talumpati

IV. Layunin :

Page 3: Mga Ibong Mandaragit

3

a) Hapyawan ang panimulab) Tandaan ang mga mahahalagang detalyec) Basahin ang mga panuto at sagutan ang bawat

pagsasanay na ibinigayd) Unaawaing mabuti ang mga kwento at aralin.

V. Panuto o Instruksyon sa mga Mag-aaaral:

Si Amado V. Hernandez ay ipinanganak noong 1903. Siya ay nakaabot ng kolehiyo ngunit tatlong taon lamang ng batsilyer ang natapos . Una siyang nakilala bilang peryodista, kuwentista, at makata noong ikaapat na dekada. Naging lider ng obrero bago pa man magkadigma, si Hernandez ay maraming taong nabilanggo sa Muntinlupa dahil a sedisyon at rebelyon dahil sa kanyang pakikipag-ugnayan sa mga makabayang kilusan. Nang makalaya, naging kolumnista siya sa Taliba at noong 1962 ay nagtamo ng Republic Cultural Heritage Award. Yumao na si Hernandez nang igawad sa kanya noong 18973 ang pinakamataas na karangalang pansining sa bansa, ang National Artist Award.

VI. Alam mo ba?

Page 4: Mga Ibong Mandaragit

4

Ipinamalas ni Hernandez ang marubdob na pagmamahal sa bayan kapwa sa kanyang buhay at sa kanyang sining, Hindi lamang nobela ang ginamit niyang paraan ng pagpapahayag ng makamasang kaisipan. Matatagouan sa kanyang mga tula, sanaysay, maikling kwento, at dula ang malalim na pakikisangkot sa kapalaran ng bansa. Nadalumat niya ang ang kinauugatan ng mga tiwaling kalagayan sa bansa, at sa kanyang pakikipag –ugnayan sa kanyang publiko ay nailantad niya ang tunay na mukha ng pyudalismo at imperyalismo. Para sa Maraming manunulat ay nagsilbing huwaran ng sining si Hernandez.

- Soledad Reyes

- Sa ikalawang kabanata ng Mga Ibong Mandaragit ay makikilala ng lubos ang adhikain ni Tata Matyas. Siya ay isang rebolusyonaryong nagdesisyong mamundok dahil ipinaganulo ng mga dapat magtaguyod ng kanilang rebolusyon. Nais niyang higit na pag- alabin ang pagiging makabayan ni Mando sa tulong ng kayamanan ni Simoun na matatagpuan sa kaagatan. Nabatid ni tata Matyas na hindi magtatagal ang pamamayani ng mg Hapones nang panahong iyon. Kahit magtatalong taon nang matagumpay ang mga ito sa Bataan ay marami pa ring hindi sumusuko at patuloy a nakikibaka laban sa mga Hapones. Sila ay namundok at tinawag na Gerilya.

Page 5: Mga Ibong Mandaragit

5

Ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP) ay isang kilusang bilang unyon ng mga magsasaka sa Gitnang Luzon noon pang 1933. Ito ay nabuo upang magkaroon ng maipahayag ng mga magsasaka ang kanilang mga saloobin sa mga nagmamay-ari ng lupa at ipaglaban ang kanilang mga karapatan bilang manggagawa sa hacienda. Nang dumating ang mga Hapones, sila ay namundok at naging mga gerilya upang labanan ang pananakop ng mga Hpones. Naging pinuno nila si Luis Taruc. Hindi sila umalis sa kabundukan ng umalis ang mga Hapones at sa halip ay nagpatuloy sa kanilang pagiging armadong grupong sumusuporta sa mga magsasaka at umuusig sa mga nagmamayari ng lupang hindi makatarungan at lumalabag sa mga karapatan ng mga magsasaka. (Kerkvliet, 1977)

Sa kabanatang ito, mababatid mong patuloy na lumalaban ang natirang tatlong gerilya nang lusubin ng mga Hapones ang kanilang kuta. Dahil kulang sa lakas ng armas, napilitan silang umurong at nakipagkita kay Tata Matyas sa isang kubling kabundukan. Mababakas sa akdang ito ni Hernandez ang pagkamakabayan. Sa katauhan ni Tata Matyas, pinakikilos niya ang kabataan upang mag – isip at lumaban gamit ang lakas at talino upang matamo ang kalayaan at kaunlaran ng bayan. Ipinakikita sa kabanatang ito ang tamang oras at panahon sa pakikipagtuos at pakikihamok sa kalaban. Ang pakikipaglabang pinaghahandaang mabuti ay kailangan upang masiguro ang tagumpay.

Page 6: Mga Ibong Mandaragit

6

a) Kabuktutanb) Kumuhac) Inanyayahand) Pagkagapie) Umubosf) Umigtingg) Kasamaanh) Inimbitahan

i) Pagsaidj) Tumindik) Sakiml) Tukodm) Magtutulakn) Magbubuyoo) Pagkatalop) Mahuli

q) Madakipr) Pag – uboss) Suportat) makasarili

VII. Pagyabungin natin

1. Kinayag sa ibaba ng kubo ___________ __________2. Nag-ibayo ang mataas na pagtingin ___________ __________3. Ganid na mga ibong mandaragit ___________ __________4. pag-asa at suhay ng panahon ___________ __________5. Pagakahagis sa labanan ___________

__________

6. Paglipol sa makamandag na hayop ___________ __________7. Tubig na lumulon sa kayamanan ___________ __________8. Kaimbihan ng duwag at taksil ___________ __________9. Ikinaila ng matutop ___________ __________10. Kayamanang mag-uudyok ng kasakiman ___________ __________

Page 7: Mga Ibong Mandaragit

7

VIII. Mga Sagot sa Talasalitaan

1. c, h2. J, f 3. K, t4. L, s5. O, d

6. I,r 7. E, b8. A, g9. P,q10. M,n

Narito ang sagot sa talasalitaan. maging totoo sa pagt-tsek!

Ngayon dumako na tayo sa pagbabasa ng ikalawang kabanata ng “Mga Ibong Mandaragit”

Page 8: Mga Ibong Mandaragit

8

Mga Ibong MandaragitIkalawang kabanata

Amado V. Hernandez

VII. Kamalayang Panlipunan

Ang limang gatong na sinaing at ilang pirasong daing na inihain ni Tata Matyas ay tila hinabhab ng mga lobong gutom. Mininsan ni Mando at ng dalwang kasama ang gahol na tanghalian at maagang hapunan.

Pagkaligpit ng kinainan, sinabi ng matanda sa mga panauhgin na magpahinga na sila kung kanilang ibig, yamang sila’y maghapong pagud na pagod.

“Naryan ang banig at unan,” ani ni Tata Matyas “maglatag na kayo’t nang mapatag ang inyong katawan. “

Kinuha ni Mando ang nakalulong malapad na bangkuwang sa tabi ng lumang kaban at inilatag sa kabahayan. Sina Martin at Karyo ay dagling umunat sa banig. Pagkaraang mag-inat at maghikab ay madaling nakatulog. Ilang saglit pa’y kapwa na sila naghihilik.

Si Mando ay hindi muna nahiga. Nanaog na mandi’y kinayag sa ibaba ng kubo ng isang anyayang hindi matanggihan. Nilanghap niya ang lamig ng hanging karaniwan na sa gayong kataasan at tinanaw sa siwang ng mga sanga ng kahoy ang buwang kabilugan na walng iniwan sa isang pintor na kinukulayan ng pilak ang bala nang abutin ng kanyang mga sinag.

Page 9: Mga Ibong Mandaragit

9

“Ba’t di ka pa matulog Mando?” tawag ni Tata Matyas mula sa pinto ng kubo.

“Pinanonood ko po lamang ang ganda ng gabi,” sagot ng binata. “ang sama ng panahon kanina’y di ko aakalaing sundan ng gabing ginto.”

“Ang madilim na gabi’y siyang nagsisilang ng maningning na umaga” patalinhagang susog ng matandang lalaki.

Ipinukol ni Mando ang kanyang malas sa dagat na pinanununghan. Malawak at napakatahimk. Samantalang ang langit na nananalamin sa kanya ay mumunting abuhin, ang dagat nama’y matingkad na berdeng maipagkakamali sa alpombra ng lusaw na Esmeralda. Tuwing may isdang lulundag, ang malaking tipak ng Esmeralda’y nagiging isang libong tapyas ng makikislap na brilyante, pero ang karakarakang nilululon din ng mandi’y dambuhala sa kadiliman.

Walang anu ano ay nangubli ang buwan sa sapot ng panganorin, na tila nakaramdam ng sumisidhing lamig ng hangin. Nagbalik si Mando sa kubo at inabot niyang nakaupo pa rin sa pinto si Tata Matyas. “Kung nakikita kong parang pilak ang liwanag ng buwan, at esmeralda’t brilyante ang tubig ng dagat, naaalala ko namanan ang mga hiyas ni Simoun,” di kawasa’y nakangiting turing ng binate sa matandang lalaki. Nanariwa sa gunita niya ang mahabang salitaan tungkol sa “El Filibusterismo” may apat na buwan na ang nakaraan.

“ A, ang mga hiyas ni Simoun!” himutok ni Tata Matyas. “Ang kaibahan lamang,” dagdag niya, “iyang nakikita mo’y malikmata, guni- guni, samantalang ang mga hiyas ni Simou’y katotohanan. . . “

“Nakaligpit sa ilalim ng dagat,” Pabulong ni Mando.

Page 10: Mga Ibong Mandaragit

10

“Walang malalim na dagat na hindi maggawang sisirin,” puwing ng matanda.

Nakatayo si Mando sa malapad na batong buhay na siyang pinakahagdan sa kubo, subalit si Tata Matyas ay hindi tuminag sa pagkakaupo sa makitid na pinto. Sa malas ay hindi ninanais ng matandang rebolusyonaryo na maputol agad ang pakikipag- usap niya sa binatang gerilyo.

“Mi isang panahon kayo’y batang kaparis ko,” sinikap ni Mando na maging malumanay at malambot ang kanyang bigkas upang huwag isipin ng kausap na isang paglalapastangan ang kanyang sasabihin. “Ba’t di niyo naisip sisisrin nu’n ang mga alahas ni Simoun?”

Namilaylay sa mga labi ni Tata Matyas ang isang mapaklang ngiti, ngunit walang kapaitan sa tinig niya nang siya’y tumugon.

“Mabuti’t ya’y itinanong mo,” aniya. “Dapat mong malaman ang sagot, sa halip na isipin mong ipapagagawa ko sa iba ang ipinasyang gawin nu’ng kapahunan ko.”

“Hindi po sa gayon” habol ni Mando. “Tama ang tanong mo at huwag mopng

bawiin,” ani Tata Matyas. “ Ang pagsisid sa kayamanan ni Simou’y nasa isip ko sa ilampung taong lumipas, sapul nu’ng 1898. At ‘yan ang tunay na dahilan kaya ditto ‘ko namugad sa lugal n’eto. Ngunit nang Makita kong ipinagkanulo ang rebolusyon ng mga dapat ding magtaguyod, nun gang pagsuko’y siyang nagging tanda ng mga patriotism at ang patuloy na pakikibaka’y tinawag na kataksilan, tinalikdan ko ang aking malaing balak at sinabi sa sariling mabuti pa ngang ang kayamanang yao’y ingatan ng kalikasan sa ilalim ng dagat”.

Page 11: Mga Ibong Mandaragit

11

Pagkuwa’y tumindig ang matanda at binigyang daan si Mando upang makapanhik sa kubo. Kapwa sila nagtuloy sa kabahayan. Ang himbing ng tulog nina Martin at Karyo ay hindi natigatig.

“At ngayon,” baling ni Mando kay Tata Matyas, “inakala n’yong napapanahon ang pagsisid at paggamit sa kayamanan”.

“Higiit kelan man,” matuling pakli ng paghihimagsik.

“sa anong sanhi?” “Pagka’t ngayo’y lalong walang budhi an gating

kaaway. Labis na ang pagtitiis ng bayan na bunga ng pagsakop at hirap. At may mabubuting kamaya --- kayong mga gerilyang tapat na siyang dapat na gumamit.”

“Pero Tatang, ang kayamanan ni Simou’y oo nga’t malaki para sa isang taon, gayon ma’y maliit kung iuukol sa pagliligtas ng isang bayan na nagong biktima ng makabagong giyera, “ pasubali ni Mando. “Gaano na ‘yon? Ilang pung angaw kung sasalapiin. Ni hindi pa katumbas ng isang pandigmandagat at ilang eroplano.”

“Di ko sinasabing sapat na ang kayamanan ni Simuon para magpanalo o kaya’y ipanustos sa pakikidigma. Di salapi lang ni armas, ang susi ng tagumpay. Manapa’y ang tapang at giting ng isang bayan ayaw lumhod sa manlulupig. Ngunit ang gusto ko sabihin, ang kayamanang gayang ki Simou’y isang mahalagang kasangkapan sa pakikibaka. Maaaring gamitin sa pagbubuwag o sa pagtatayo. Kung ya’y nasa kamay ng iyong kilusan. . . at ya’y gagamitin, Mandi hindi na sa giyerang ito, kundi pagkatapos ng giyera, sa panahon ng kapayapaan, yamang hindi na makatatagal ang Hapon. “

Biglang nauntol si Tata Matyas nang mapansing tila umungol so Mando, isang pahiwatig ng pag –aalinlangan.

Page 12: Mga Ibong Mandaragit

12

“Ang aming himpila’y nadurog at kaming tatlo’y muntik nang di nakaligtas,” tinuran ni Mando na taglay ang pagkabakla. “Segurong ngayo’y patungo na ang Hpones sa pangkalahatang kuta ng mga gerilya sa Infanta. Nangangamba ‘kong. . . . . “

“Nadurog ang Kwartel,” patuloy ni Tata Matyas na inagawa ang pangungusap kay Mando, “pero buhay ka at buhay ang iba. Ang pagkahagis sa isang labana’y hindi ganap na katalunan. Di ba napasok ng kaaway ang Maynila, naagaw ang Bataan at Corregidor? Kanila ang Gobyerno. ‘Yay tatlong taon na. Ngunit sabihin mom di ba’ng pagattanggol ngayon ng mga Pilipino’y lalong masigasig kesa nu’ng mga unang bugso ng digma? Nang sumuko ang USAFFE, ang bayan na rin ang napilitang magsanggalang ng kanyang sarili, kaya naman magpasya at mabisa. Nu’ng panahon ni Napoleon, sinalakay niya ang Espana at Rusya at nakasakop siya ng malalaking teritoryo. Ngunit hindi siya nakapangyari nang totohanan ni isang araw. Ganyan din ang dinaranans ng Hapin sa Pilipinas, nabibilang na nag kanyang mga araw.”

“Nakakalungkot na di kokonti sa inaasahan ng bayan ang kumampi sa kaaway,” ani Mando na nagtitiim ang mga ngipin.

Nagunita niyang kundi siya nakatakas ay naipapatay na siya ni Segundo Montero sa Kempetai.

“Huwag mong pakadamdamin ang kaimbihan ng mga duwag at taksil. “ payo ng dating rebolusyonaryo. “Ba’t di mo ikalungkot ang paglaki at pagkati ng tubig sa ilog, ang pagkalagas ng mga dahon, at pagkawala ngf maga ibon sa pantag- araw sa dapyo ng taglamig? Ya’y kalikasan, anak.”

“Kalikasan po ba ang magtaksil?” lipus pa rin ng pagkamuhi ang tanong ni Mando.

Page 13: Mga Ibong Mandaragit

13

“Isa sa mga kahinaan ng tao”, patunay ni Tata Matyas. “ Sa alinmang pulutong at sa lahat ng panahon, tandaan mong di mawawala ang mga hunyango, ang mga mapagsamanatala. Labindalawa ang apostoles ni Jesus, pero nagkaroon ng Judas. Maging ang pinakatangio niyang alagad na si Simon Pedro’y maikatlo siyang ikinaila nu’ng ito’y matutop. Ang malalaking pangyayari’y kaparis ng isang baha: itinatangay ng lahat ng mga bagay na mahina at marupok; pero ang matitibay na haligi at malulusog na punongkahoy e di natitinag. Habang sa isang baya’y mi mga pusong pinagpapala na handing pumatay at mamatay, alang alang sa dangal at kalayaan ng lupaing kinkaitaan nila ng unang liwanang, ang bayang ganya’y hindi magiging alipin, kasakdalang magahis at masakop ng nakahihigit sa lakas.”

“Pero kailangan lipulin ang mga taksil na gaya ng paglipol sa ahas at ibang makamandag na hayop,” giit ni Mando.

“Ang kataksilan nila ang kainla ring libingan,” paaninaw ni Tata Matyas, “Saka kung minsa’y ang pangyayari ang lumikha ng taksil kung pa’nong ang pagkakataon din ang gumagawa ng bayani. Huwag kang maniwalang mi ipinanganak na taksil o mi bayani na kapagkaraka. Maraming nagsusuwail sa panahong ito ng kagipitan ang itinuring pang patriota nu’ng kinakasihan pa ng mabuting panahon.” Saglit na tumigil si Tata Matyas na parang may gumugunita bago nagpatuloy:

“Nangyari yan sa ‘min sa digmaang Amerikano-Pilipino. Nang Makitang masama na ang ihip ng hangin sa panig ng Republika, ilan sa mga mismong ministro ng Aguinaldo ang lumipat sa kaaway. Sa kataksilan at karwagan nila’y dinahilan ang kaligtasan at kapayapaan ng bayan. Natural, kinilala silang makabayan ng bagong panginoon, at pinremyuhan. Binigyan ng mataas na pwesto, pinagkalooban ng mga lupa at iba pang pagkakataon. Ang mga hindi sumuko’y siyang nagging taksil sa Gobyernong dayuhan, tinawag na tulisan at pinanagot sa iba’t ibang kasalanan.

Page 14: Mga Ibong Mandaragit

14

Ang mga tuluyan nang namundok at mga ayaw nang bumalik sa bandera ng Amerika, nang mahuli ay ibinilanggo o pinatapon, gaya ni Mabini, Ricarte, at iba pang bayani. Ang iba’y ipinabitay, paris ni Macario Sakay at ng kanyang mga kasama.”

Nakalarawan sa mukha ni Tata Matyas ang matinding kapaitan habang nagdaraan sa alaala niya ang mga pangit na anino ng isang kabanata ng kasaysayan sa panahon ng digmaang Hapones laban sa Amerikano – Pilipino., na may mga pangyayaring naulit sa digmaang Hapones laban sa Amerikano – Pilipino.

“Yan ang dahilan, Mando, kaya ako’y hindi na nagbalik sa kabayanan at nabuhay nang parang ermitanyo ditto sa Sierra Madre,” paliwanag ni Tata Matyas. “Binigo ako ng istorya, pero ikaw. . . “

“Isa pa ‘kong maparis din s’enyo.”“Hindi, Mando. Bata ka, at aliwalas ang ‘yong mga

daan. Maibabawi mo ang mga biktima, ang mga nasawi. Maging pag –asa ka’t suhay ng bagong panahon. . . kayong mga kabataan. . . “

“Sino ba sa ‘ting mga bayani ang inyong ulira’t iniidolo, Tata Matyas?” usisa ni Mando. “si Rizal o si Bonifacio? Ibig kong maniwalang si Rizal pagka’t . . . ?”

Pinutol ng matanda ang pangungusap ng gerilyo.“Lahat ng bayani’y dapat uliranin: Sina Bonifacio’t

Rizal, gayon din sina Burgos, Plaridel, Mabini, Jacinto, Luna, at pati sa Aguinaldo sa ilang katangian niya. Silang lahat e mi angking kadakilaan, at paraparang naglilingkod sa Inang – Bayan. Pero hindi rin naman maitatangging si gayo’y mi kahigtan ki ganito. Sa ganang akin, ang tatsulok o tungko ng kabayanihang Pilipino’y sina Rizal, Bonifacio, at Mabini. Si Rizal ang martir at diwang patnubay na nagtaas ng uri at dangal ng kayumanggi; si Bonifacio ang lakas at tapang na lumagot ng tanikala at bumuklod sa bayan upang maging totohanang bansa; si Mabini naman ang utak na bumabalangkas ng Unang Republika at nagpatunay na ang lideratong

Page 15: Mga Ibong Mandaragit

15

Pilipino sa gobyerno’y kapantay ninoman sa talino, tigas ng loob at pag –ibig sa bayan. Mi pambihirang kagitingan din nga sina Plaridel at Jacinto, pero ang mga yao’y taglay din naman nina Rizal at Bonifacio” “Sumakatuwid po,” kinumpasan ni Tata Matyas si Mando na hindi pa siya tapos.

“Ngunit ang kadakilaan ng isang bayani’y di sarili niyang lubos,” patuloy ng matanda. “Uulitin ko ang aking sinabi kanina, na ang pangyayari ang lumikha ng taksil kung papa’nong tumutulong din ang pagkakataon sa paggawa ng bayani. Halimbawa, ang pagtataksil ng pagpatay ki Bonifacio, at ang mga panira sa kanya pagkatapos, e nakabawas sa dapat niyang maging kaningningan. Kung si Plaridel nama’y nakabalik sa Pilipinas bago sumiklab ang rebolusyon, gaya ng kanyang hangad, at siya ang nakapamuno sa mga maghihimagsik, disi’y siya nag pangunang bayani ng bansa ngayon. Ngunit sa kasamaang palad e namatay siya sa tuberculosis sa Barcelona. Tignan mo si Rizal, alam niyang malapit na ang pagbabangon, pagka’t sinugo ni Bonifacio sa kanya sa Dapitan si Dr. Valenzuela, pero siya’y tumangging makilahok. Sa halip, upang patibayan sa Espana na wala siyang kaugnayan sa katipunan, hinihinging ipadala siya sa Cuba pang sa rebolsyon ng mga Kubano’y maging siruhano ng ehersitong Kastila. Di ba patungo na nga siya sa Havana nang dakpin at ibalik sa Maynila? Ayaw siyang patawarin ng mga Prayle at pinunong Kastila rito sa kanyang mga atakeng nasa Noli at El Fili. Saka sila’y takot sa intelektwal. Umaasa silang masusugpo ang mga gulok ng Katipnan ni Bonifacio, ngunit ang mga Ideya sa dalawang libro ni Rizal e lalaganap hindi lamang sa Pilipinas kundi sa Espana at Europa. Kaya mapalad si Rizal, hanggang sa kanyang kamatayan. Pagka’t kundi siya binaril sa Bagumbayan, at nagging tunay na marir, baka naparis lamang siya sa mga Trinidad Pardo de Tavera, Fernando Canon at iba pang marunong na Pilipino. Tignan mo rin naman si Heneral Aguinaldo. Kung napatay siya sa Palanan at di nabihag ni General Funston sa tulong mga Makabebe, talo niya si Rizal at Bonifacio, at malilimot na ng bayan ang ginawa niyang pagliligpit sa Supremo ng katipunan at kay Heneral Antonio Luna. SA iabng araw, isasalaysay ko sa iyo ang kadakilaan at kasawian ni Macari”

Page 16: Mga Ibong Mandaragit

16

Habang nakikinig si Mando sa mga salaysay ni Tata Matyas na parang binabasa sa mga dahon ng istorya, at pinatitingkad ng kanyang mga sariling kuro at pagsusuri, lalong nag –ibayo ang pagitan at paghanga ni Mando sa matandang ito na gayong lumigpit at lumimot sa isang sulokng Sierra Madre ay puspos ng kaalaman at kagitingan. Naisip ni Mandi na si Tata Matyas sana ang maging huwaran ng Bagong Pilipino sa hinaharap.

“Ako’y nasa orasyon nan g buhay, anak,” at hinawakan ni Tata Matyas ang isang bisig ng banata, na nadama niyang ang kalamna’y matigas na parang asero. “Oo, ako’y matanda na, samantalang ikaw e kainitan. Isang araw kang bagong sumisikat. Aaminin kong hindi ka nalalayo sa’yong sapantaha kanina. Na, ang pinangarap kong gawi’y nais kong sa ibang araw hindi ko man masaksihan – e maganmpanan mo sana. Di ang bala na’y kinakausap ko nang ganito. Mi kompiyansa ‘ko sa’yo. At naniniwala akong hindi an gaming panahon, kundi ang saling ito, ang tinutukoy ng banal na pare.”

“Ano po ang gsto niyong gawin ko?” tanong ni Mandong hindi ikinukurap ang mga mata. Mapapansin na tumalaga siyang umalinsunod sa kalooban ng matandang makabayan.

“Nasabi ko na sa’yong minsan ang gagawin ko,” tiyak ni Tata Matyas “Kung ako’y kasing – edad mo, at sa harap ng kalagayan ng bayan ngayon.”

“A, oo, ang mga alahas ni Simoun!” si Mando rin ang tumurol sa inaakala niyang nasa isip ng kausap.

“Walang iba,” patibay ng matanda.Marahang humakbang si Tata Matyas sa pagitan ng

dalawang natutulog, binuksan ang lumang baul at kinuha uli ang aklat na Filibusterismo sa tampiping yantok. Munti ma’y hindi nagambala sina Karyo at Martin sa kanilang kahimbingan. Binalikan ng matanda si Mando na nakasandal sa dingding. Nakatingn siya kay Tata Matyas habang binubuklat nito ang mga huling dahon ng aklat at paglatagpo sa hinahanap niya’y iniabot iyon kay Mando.

Page 17: Mga Ibong Mandaragit

17

“Nu’ng huling maparito ka’y binasa mo ang ukol sa kung sino si Simoun, ang kanyang mga hangarin, pakana, at kung bakit hindi siya nagtagumpay. Ngayo’y basahin mo naman ang bahaiging nagsasanay ng kanyang pagkamatay, at ang naiwan niyang kahangbakal na inihagis ni Padre Florentino sa dagat,” hiling ng matanda.

“Sinundan ni Mando ang banghay na tinukoy at binasa niya nang madalang at dinig ni Tata Matyas.

“Patay na ang maysakit,” marahan pero maliwanag ang tinig ni Mando nang lumapit sa kanyang mga pare. Lumuhod siya at nanalangin.

“Nang siya’y tumindig at pagmasdan ang banghay at masinag sa buong kaanyuan nito sa lalong pinakamatinding hapis, ang sakuna ng isang buong buhay na walang saysay na dadalhin niya sa dako pa roon ng kamatayan, ay nanginginig ang matandang pare at almusal;

“Kaawaan naawa ng Diyos ang mga nagligaw sa kanya sa matuwid na landas!”

Tumigil si Mando subalit hiniling ni Tata Matyas na ituloy niya ang pagbabasa.

“Samantalang ang mga alilang tinawag niya’y nangagdarasal ng sunod- sunod na requiem ay klinuha ni Padre Florentino sa kinalalagyan ang bantog na kahangbakal na kinasisidaln ng malaking kayamanan ni Simoun. Sandali siyang nag- alinlangan, ngunit pagkatapos ay buong katatagang pumanaog sa hagdanan na dala ang kahangbakal at tinungo angf baging palaging inuupuan ni Isagani upang masdan ang kailaliman ng dagat.”

Lumanghap ng hangin si Mando bago nagpatuloy. Kumilos si Karyo sa banig, pero hindi naman nagising. Malakas ang hilik ni Martin. Si Tata Matyas ay nakatingin sa binatang bumabasa.

Page 18: Mga Ibong Mandaragit

18

Tumingin sa may paanan niya si Padre Florentino. Nakita niya ang mga alon ng Dagat Pasipiko na humahalik sa batuhan at lumilikha ng ingay at kapag nasinagan ng buwan ay kumikinang na wari’y apoy. Mandi’y dakut- dakot na mga brilyanteng inihagis ng isang “geni” mula sa kailaliman. Luminga – linga sa kanyang paligid si Padre Florentino. SIya’y nag-iisa. Sa gayo’y inihagis niya sa dagat ang kahangbakal ni Simuon. Makailang umikit ang kaha bago nahulog sa tubig, ngunit patuloy ang daga sa kanyang pag alon at parang walang nahulog sa kanyang pusod kundi isang munting bato lamang.”

Tumikhim si Tata Matyas. Isinagad ni Mando sa wakas ang kanyang pagbabasa.

“Nawa’y ingatan ka ng kalikasan sa kanyang kailaliman ng lasama ng mga korales at perlas ng kanyang walang hanggang karagatan” anang pareng iniunat ang mga kamay. “Kung dahil sa isang banal at matayog na layunin ay kailanganin ka ng tao, ipinahintulot ng Dios na makuha ka sa sinapupunan ng mga alon. Samanatala;y hindi ka lilikha ng kasamaan diyan, hindi mo ililiko ang katarungan at hindi ka mag –uudyok ng kasakiman!”

Malalim na ang gabi nang matigil sa pag –uusap si Tata Matyas at si mando. Kinaumagahan, ang tatlong gerilyo ay nagpaalam nsa sa matandang nuno ng kabundukan.

Tapos na ang kabanata, tignan naring kung may naintindihan tayo

Page 19: Mga Ibong Mandaragit

19

VII. Sagutin natinA. Sagutin ang mga sumusunod:

1. Sinu-sino ang umakyat ng bundok? Bakit sila umakyat doon?

2. Ano ang nangyari sa pinanggalingan nilang kwartel?

3. Paano nakatulong si Tata Matyas sa pangangailangan ng mga dumating na gerilya lalo na kay Mando?

4. Sinu –sino ang kanilang naging inspirasyon sa pakikipaglaban sa mga maniniil?

5. Paano nakatulong ang nobela ni Rizal kay Mando at sa kanyang layunin?

6. Bakit kay Mando isiniwalat ni Tata Matyas ang tungkol sa hiyas na itinapon sa dagat?

7. Kung ikaw si Tata Matyas, kay Mando mo rin ba sasabihin ang lihim? Ipaliwanag

8. Ano kaya ang mangayayari kung di tanggapin ni Mando ang hamon ng matanda?

9. Anong bisa sa isip, damdamin, at kaisipan ang nahayag sa akda?

10. Anu-anong uri ng pakikipaglaban ang naganap ayon sa binasa? Isa-isahin at talakayain. Paano maiuugnay ang mga pakikipaglabang ito sa ipinakipaglaban nina Mando?

Nagbasa ka nga ba talaga? Tignan natin

Page 20: Mga Ibong Mandaragit

20

Pagtukoy sa Diwa ng pahayag. Balikan ang akda, Sundan ang bilang ng talata

upang matukoy ang diwang nais ihatid ng may –akda sa mambabasa. 1. Talata 1

a) Gutom na gutom ang tatlong gerilyab) Kulang ang pagkain sa bundokc) Mahirap ang buhay sa Bundok

2. Talata 12a) Totoo ang hiyas na nasa nobelang binasab) Nagtatampo si Tata Matyas kasi di nag-iisip si Mandoc) Niloloko lang si Mandio ng kanyang nakikita

3. Talata 141. Kayang lumangoy at sumisid ng lahat ng tao2. Mahirap mang gawin, kakayanin para sa mabuting

layunun3. Kahit malalim ang dagat, malalangoy ng maninisid.

4. Talata 181. Natuwa’t nag-isip at mausisa si Mando2. Gustong linisin ang matanda ang sarili sa mga bagay

na di na niya nagawa3. Nagalit si Tata Matyas sa pagiging praknka ni Mando

5. Talata 20 1. Ipinaliwanag niyang tama si Mandi2. Ipinaliwanag niyang nabago ang planong pagkuha ng

hiyas dahil sa malalaking armas na panlaban.3. Ipinaliwanag niyang dapat lang na sa dagatt

maingatan ang kayamanan.

Page 21: Mga Ibong Mandaragit

21

1. Talata 261. Nagpaliwanag si Mando na walang kuwenta ang

kayamanan ni Simuon na masisisid sa dagat.2. Nakita ni Mando na mahalaga ang kayamanan subalit

di sapat sa malaking armas na panlaban3. Nakipagtalo si Mando kay Tata Matyas na maliit

lamang ang halagang hiyas sa dagat at iy’y kasya lamang sa mga gamit pandigma

2. Talata 301. Naniniwala si Tata Matyas na makakaya nila ang

labanan dahil sa tagumpay ng ibang tulad nilang makikibaka

2. Ipinaliwanag niyang matapang si Napoleon dahil nasakop niya ang Espanya at Rusya at pinamunuan niya ang mga ito ng matagal

3. Malaya na ang Pilipinas ayon kay Tata Matyas3. Talata 37

1. Bukas ang isip ni Tata Matyas tungkol sa nagiging ugali ng tao sa panahon ng kagipitan

2. Ang mga taksil ay malilibing agad ayon kay Tata Matyas

3. Napakaraming tao ang ipinanganak na taksil o bayani agad.

4. Talata 421. Bata pa si Mandi kaya tinuruan siya ni Tata Matyas na

paghihiganti2. Kaya niyang lumaban para sa gerilyang

mamumundok.3. May nakita kakayahan at pag-asa kay Mando ang

matanda5. Talata 49

1. Ipinaggagawa ni Tata Matyas kay Mando ang mgadi niya nagawa at natapos para sa samahan

2. Nagsisisi si Tata Matyas dahil di niyanagawa ang mga gusto niyanggawin sa kilusan/

3. Pinupuri ni Tata Matyas si Mando na bata, nasa labas ka ng tahanan ko.

Page 22: Mga Ibong Mandaragit

22

Pagbibigay ng Sanhi at Bungalagyan ng sanhi o bunga ang pangyayari

Kung may sapat na pera ang

samahan

Para sa tahimik at maunlad na bansa

Page 23: Mga Ibong Mandaragit

23

VIII. Buuin NatinGutom na gutom ang mga gerilya nang dumating

sa tahanan ni Tata Matyas. Ang limang gatang na sinaing at dalawang daing ay simbilis ng kidlat nilang naubos. Kung ikaw ay may kakayahang maghanda ng isang hapunan para sa isang pangkat na pinaniniwalaan mong may mabuting layunin para sa bayan, ano-ano ang ihahanda mo? Ilista ang iyong bibilhin at magkano ang iyong gagastusin. Ipaliwanag din kung bakit ang mga ito ang iyong inihanda.

Bilang ng mga bisita: __________________Mga Ihahanda:

Kanin: ____________________(uri ng bigas na isasaing)Ulam: ____________________ ____________________Panghimagas: ___________________

___________________Inumin: __________________ __________________Iba pa: __________________ __________________

Mga Bibilhin Presyo (tantya)_________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ _________________

Page 24: Mga Ibong Mandaragit

24

Inihanda ko ang nasa listahan para sa aking mga bisita dahil . . . __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

IX. Magagawa natin

Maraming Pilipino ang nagbuwis, nagbubuwis, at patuloy na magbubuwis ng buhay para sa kapwa at sa bayan. Pumili ng tatlo sa mga nakatalang talata. Muling balikan ang kuwento at basahing mabuti ang tatlong talatang napili mo. Ipaliwanag ang mensahe ng mga talatang napili mo bilang Pilipino.

1. Talata 272. Talata 333. Talata 384. Talata 455. Talata 476. Talata 65

Page 25: Mga Ibong Mandaragit

25

X. Alamin Natin

A. Kamalayang PanlipunanSa pananaw na ito inilalarawan ang

makatotohanang pangyayari sa buhay, ang suliraning panlipnan na totoo sa panahon iyon at totoo pa rin hanggang sa kasalukuyan. Ang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez ay gumamit ng mala-Diyos na pananaw kaya’t nailarawan niya ang kilos ng mayayaman at napasok niya ang kanilang pag-iisip . Sa pamamagitan nito ay nailahad niya ang mga politiko, asendero, hukom, diputado, at obispo ay nakakakiling lamang sa kanilang pansariling kapakanan kaya’t hindi sila interesadong baguhin ang sistema. Ito’y isang naglalayong magmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng mga mamamayang Pilipino upang manindigan para sa pagbabago at kumilos upang labanan ang umiiral na sistema.

B. Pagbigkas ng TalumpatiAng pagtatalumpati ay isang pasalitang

paraan ng pagpapahayag ng saloobin, kaisipan, at damdamin sa isang masining na pamamaraan. Layunin nitong mapapanig ang mga tagapakinig sa ideyang inilalahad o pinaniniwalaan ng mananalumpati. Sapagkat ang pagtatalumpati ay mabisang instrumento ng pagpapahayag, mangangailangan ito ng kahandaan hindi lamang ng bibigkasing tala kundi gayundin ng iba pang salik na lalong magbibigay ng kariktan at lalo pang hihikayat sa mga manonood upang pagtuunan ng higit na pansin ang mananalumpati.

Page 26: Mga Ibong Mandaragit

26

Dapat Tandaan sa Pagtatalumpati1. Tinig

Napakahalaga ng tinig sa isang matagumpay na pagtatalumpati, nararapat na batid ng mananalumpati kung kailan dapat lakasan o hinaan ang kanyang boses ayon sa pangangailangan. Ang tinatawag na Voice variation o pag iiba iba ng boses ayon sa pangangailangan ang lalong nagbibigay buhay sa talumpati at nakaaakit sa tagapakinig upang lalong pagtuunan ng pansin ang kaisipang inihahatid nito. Napakahalagang ang tinig ay buong buo at naipararating nang buong linaw sa tagapakinig.

2. TindigMahalaga sa isang mananalumpati ang

magkaroon ng tinatawag na “tindig panalo”. Ito ang pagtindig sa entablado na kakikitaan nfg tikas at tiwala sa sarili. Ang posisyon ng mga paa ay mahalaga ring pagtuunan ng pansin.

3. PagbigkasKung nais ng mananalumpati na makuha

ang atensiyon ng kanyang tagapakinig, nararapat lamang na sikapin niyang mabigkas nang malinaw at matataas ang kanyang talumpati. Ang bitaw ng bawagt salita ay dapat may wastong diin at may wastong pagkakapantig pantig. Ang pagbuka ng bibig ay lubhang kailangan sa pagbigkas ng bawat pantig. Kung ang bibig ay lubhang kailangan sa pagbigkas ng bawat pantig. Kung ang bibig ay nakabuka ng ayon sa salita, magiging maliwanag ang mensahe ng bawat linya at maihahatid ng buong linaw ang kaisipan ng talumpati sa madla.

Page 27: Mga Ibong Mandaragit

27

Dapat Tandaan sa Pagtatalumpati4. Pagtutuunan ng Pansin

Bago pa man magsimula ang talumpati, ang mananalumpati ay dapat magkaroon ng ugnayan sa kanyang tagapakinig sa pamamamagian ng pagtutuon ng paningin sa mga ito. Karaniwang nakatuon ito sa gawing likuran, gitna subalit maaari ring baguhin papuntang kanan o kaliwa. Mahalaganf mapanatili ang pagtutuon ng paningin sa mga tagapakinig upang madama nila ang sinseridad ng talumpati.

5. PagkumpasKatulad ng paglakas o paghina ng boses,

ang pagkumpas ay mahalaga upang mabigyang – diin ng mananalumpati ang mga dapat pagtuunan ng pansin. Dito, higit na nagiging epektibo ang paglalahad sapagkat ang galaw ng mga kamay ay nakatutulong upang lalo pang maihatid ang damdamin ng talumpati sa mga tagapakinig. Mahalaga kung gayon na angkop ang kumpas. Hindi biglang itinataas o ibinababa ang mga kamay at hindi rin parang nanlalambot sapagkat hindi ito makakatulong sa paghahatid ng diwang nais bigyang diin.

Page 28: Mga Ibong Mandaragit

28

XI. Gawin natin

Bumuo ng isang bibigkasing talumpati tungkol sakalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga kasalukuyabf namumuno sa bansa. Magsaliksik upang maging wasto ang ihahayag. Gawin din itong maikli subalit malaman at malinaw. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

XII. Palawakin Natin

Nakita mo ang pagkamakabayan nina Tata Matyas, Mandi at iba pang gerilyang lumaban para sa kalayaan ng bana mula sa mga Hapones. Naipakita nila ng kanilang pagka-Pilipino. Unawain ang talumpati tungkol sa isang Pilipino. Sanayin itong bigkasin ayon sa pinag-aralan tungkol sa pagtatalumpati at saka itanghal sa klase.

Page 29: Mga Ibong Mandaragit

29

Ako ay PilipinoPaz M. Belvez

Ako ay isang Pilipino sa isip, sa salita, sa gawa. Pilipino ako sa dugo, sa balat, sa diwa.

Ako’y Pilipinong kaangkan ng lahing kayumanggi. Nananalaytay sa aking mga ugat ang dugo ng liping malayo. Dugong may angking katapangan, kabayanihan, at kagitingan; dugong nag-uudyok sa libu libong kawal na ipinagsanggalang ang kalayaan at karapatan mula roon sa Pulo ng Mactan, sa Pasong Tirad, Kuta ng Corregidor, at Tangway ng Bataan.

Ako’y Pilipino mula sa lipi ni Lapu-lapu, Tamblot, Dagohoy, Diego Silang, Rizal, del Pilar, Mabini, Luna, Jaena, at Bonifacio. Tagapagmana ako ng dakilang kahapon, ng maningning na kasaysayan, ng mahabang salaysay ng kabayanhan, pagpapakasakit, at pakikilaban upang mapamalagi ang isang malayang pamayanang paninirahan ng mga mamamayang may pananalig sa Poong Maykapal at paniniwala sa katarungan at pagkakapantay-pantay.

Ako’y Pilipino, pagkat may liping Malayo, tatak ng aking bayan ang kayumangging balat ko. Kayumanggi sa silab ng sikat ng araw na laging kayakap ng bayan ko. Tatak ng aking pagkatao ang kasipagan at sagisag ng marangal na pamumuhay sa pagbabanat ng buto at pagpapatulo ng pawis sa marangal na paggawa sa malawak na bukirin at mga parang, sa mga gulod, burol, at kabundukan, sa mga ilog, mga lawa, at karagatan na pinuspos ni Bathala ng iwing kariktan.

Ako’y Pilipino . Wikang Pambansa ko’y wikang Filipino. Matamis na wikang may sariling letra’t alpabeto. Wikang pinayaman at pinatamis ng pupung mga wika ng bayan ko – Cebuano, Ilocano, Pampango, Hiligaynon, Samarnon, Pangasinense, Tagalog at Bicol at sandaang mga wika ko.

Page 30: Mga Ibong Mandaragit

30

Ako’y Pilipino. Tagapagmana ng isang mayamang kalinangan, ng lambing ng mga oyayi, talindaw, at kundiman, ng sigla ng tinikling at kumintang, lindi at lamyos ng mga balitaw, rangya ng Singkil, Tadek at Pangalay.

Ako’y Pilipino. Malayang mamamayan ng isang bansang may pamahalaang demokratiko. Mga mamamayang may angking karapatan, mga kalayaang tinatamasa, at may mga pananagutan at tungkuling buong siglang tinutupad at tutuparin sa abot ng kaya.

Iyan ako. Ako’y Pilipino.

XIII. Pagsulat ng Dyornal

Napansin mo bang paulit-ulit ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga dayuhan at maging sa sariling kababayan naniil sa kanilang kalayaan? Kung susuriin at pakikinggan mo ang kabataan ngayon, may nakikita ka bang ipinaglalaban nila? May batayan ba sila? Kanino sila nakikipagtos at bakit? Isulat ang iyong pananaw ukol dito.

Page 31: Mga Ibong Mandaragit

31

At iyan ang pagtatapos ng modyul na ito, sana ay may natutunan kayo Hanggang sa muli, Paalam!