Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samanatalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.
Ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang
wikang buhay, ang Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong
wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang
sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.
Sa deskripsyon ng KWF, ipinagdidiinan na ang wika ay buhay at dahil nga buhay ito, ito ay
dinamiko.
Ngunit pansinin ang proseso ng paglinang…
Totoong nanghihiram ang wika natin sa di –katutubong wika o
mga dayuhang wika, lalo na para sa mga konseptong walang direktang katumbas
sa ating wika.
Ngunit kaiba sa karniwang
panghihiram, ang panghihiram ng wika
ay inaari na rin nating sariling
atin ang salitang ating hiniram.
Itinuturing na ring Filipino ang mga salitang
ito. Hindi na natin kailangan pang ibalik ang mga ito sa wikang ating
pinaghiraman dahil bagama’t hiram nga ay
atin na ito.
Ngunit maituturing nga
kayang panghihiram
ang panghihiram
natin ng salita sa ibang wika sa
Pilipinas?
Hindi na rin maitatatwa ang pagpasok sa Filipino ng
mga bokabularyong mula sa mga wika sa sa ating bansa.
Tulad ng :Jihad(Muslim)
Buang / Gurang (Bisaya)Manong / Manang (Ilocano)
Pinakbet (Ilocano)
Mapupuna sa resolusyon ng KWF ang sinasabing
panghihiram bilang proseso ng paglinang sa mga salitang ito na mula sa iba’t ibang wika sa
iba’t ibang panig ng ating bansa.
Kailangan pa ba nating hiramin ang bagay na sa atin na
naman???
Pag-aambagKapag ang mga salita ay nagmula sa Mindanao, Katimugang Luzon o sa
Visayas, hindi iyon hiniram ng Filipino dahil sa atin din
nagmula iyon. Samakatuwid, mas mainam na gamitin ang salitang pag-aambag sa halip
na panghihiram.
Samakatuwid, ang Filipino ay hindi Pilipino na batay
sa Tagalog. Ngunit kailangang linawin na hindi
rin ito ipinanukalang amalgamasyon o pantay-pantay na representasyon
ng lahat ng wika. Demokratiko man,
imposible ang konseptong ito ni Demetrio Quirino Jr. (Almario, Bernales, et al.,
2006)
Ang Tagalog ay isang wikang natural at may mga
katutubo itong tagapagsalita. Isa rin itong
partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga
etnolinggwistikong grupo sa bansa na tinatawag ding Tagalog. (Constantino sa Bernales, et al., 2002)
Samantala pumasok naman ang salitang Pilipino bilang
wikang pambansa noong 1959. bunga ito ng kalituhan
naidulot ng pagbatay ng wikang pambansa sa wikang
Tagalog na isang pagkakamali. Kaya sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran bilang 59,
itinakda na tuwing tutukuyin ang wikang pambansa ito ay
tatawaging Pilipino.
Ngunit lumabas na ang Pilipino ay Tagalog din sa
estraktura at nilalaman, kaya ito ay itinututring na isang mono-based national
language. Naging labis rin na purista ang mga taliba
noon. Wala noong pagkakataon ang mga di-
tagalog na maging bahagi ng pagpapayaman at
pagpapaunlad ng Pilipino.
Tinawag ito ni Prof. Leopoldo Yabes na
Tagalog Imperialism na nagbunga ng mga
negatibong reaksyon sa mga di-tagalog.
Sa kasalukuyan, hindi na
argumentong ang Filipino ay Tagalog
din. Matagal na itong nasagot sa saliksik ng mga
linggwista.
Ang pangalang Filipino ng ating wikang
pambansa ay hindi nagmula sa Ingles na Filipino na tinatawag
sa ating mga mamamayan ng
Pilipinas.
Hindi rin akomodasyong pampolitika ang pagbabago ng
pangalan ng wikang pambansa mula sa Pilipino tungo sa
Filipino.
Kinailangang gawin ang pagpapalit mula sa P tungo sa F, dahil sa
modernisasyong pinagdaraanan ng ating wikang pambansa, tulad
ng pagdaragdag ng walong titik sa alpabeto
at ang paglinang dito salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang
wika.
Pambansang Lingua Franca
Bilang isang lingua franca, ito ang nagsisilbing pangalawang wika ng higit na nakararami sa
buong bansa na ating ginagamit sa
pakikipagtalastasan lalo na sa siyudad, kahit pa mayroon
tayong kani-kaniyang sariling katutubong wika.
Pambansang Lingua Franca
Dahil nga lingua franca at pangalawang wika,
nakabubo ng barayti nito bunga ng impluwensiya ng ating kani-kanyang unang
wika sa paggamit nito.
Ang huling talata ng isang artikulo ng Dr.
Almario ay magandang
paglalarawan sa esensya ng wikang Filipino bilang isang
lingua franca…
“Nasa kalooban ngayon ng Filipino ang paglinang sa ‘sansyata’ at ‘ranggay’ ng Iloco, sa ‘uswag’ at ‘bihud’ ng Visaya, sa ‘santing’ ng
Kapampangan, sa ‘laum’ at ‘magayon’ ng Bicol, at kahit sa
‘buntan’ ng Butuanon at sa ‘suyad’ ng Manobo. Samantala’y hindi
hadlang sa madaliang pagpasok ng ‘shawarma,’ ‘sashimi,’ ‘glasnost,’
perestroika,’ ‘shabu,’ ‘megabytes,’ ‘coliform,’ ‘odd-even,’ at iba pang idaragsang ‘satelayt,’ at ‘fax,’ ng
globalisasyon.”