8
KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA SA PILIPINAS

Kasaysayan Ng Pag-unlad Ng Wikang Pambansa

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kasaysayan Ng Pag-unlad Ng Wikang Pambansa

Citation preview

Page 1: Kasaysayan Ng Pag-unlad Ng Wikang Pambansa

KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD

NG WIKANG PAMBANSA

SA PILIPINAS

Page 2: Kasaysayan Ng Pag-unlad Ng Wikang Pambansa

• 1935 Sa Silagang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang bambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”(Seksyong 3, Artikulo XIV)

• 1936 (Oktbre 27) – Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.

Page 3: Kasaysayan Ng Pag-unlad Ng Wikang Pambansa

• 1936 (Nobyembre 13) – Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinatakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.

Page 4: Kasaysayan Ng Pag-unlad Ng Wikang Pambansa

Ang mga nagging tungkulin at Gawain ng Surian ng Wikang Pambansa ay ang sumusunod;

1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang;

2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto;

3. Pagsusuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino;

4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.

Page 5: Kasaysayan Ng Pag-unlad Ng Wikang Pambansa

1937 (Enero 12) – Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333.

Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod:Jaime C. Veyra (Visayang Samar), TagapanguloCecilio Lopez (Tagalog), Kalihim at Punong

TagapagpaganapSantiago A. Fonacier (Ilokano), KagawadFilemon Sotto (Visayang Cebu), KagawadFelix Salas-Rodriguez (Visayang Hiligaynon),

KagawadCasimiro F. Perfecto (Bikol), KagawadHadji Batu (Muslim), Kagawad Lope K. Santos (Tagalog)Jose I. Zulueta (Pangasinan)Zoilo Hilario(Kapampangan)Isidro Abad (Visayang Cebu)

Page 6: Kasaysayan Ng Pag-unlad Ng Wikang Pambansa

• 1937 (Hunyo 18) – Pinagtibay and Batas ng Komonwelt Blg. 333, na nagsususog sa ilang seksyon ng batas ng Komonwelth Blg. 184

• 1937 (Nobyembre 9) – Bunga ng ginagawang pag-aaral at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184 ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang halos lubos na nakaktugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184, kayat itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ang pagtibayin o bilang saligan ng Wikang Pambansa

 • 1937 (Disyembre 30) – Bilang pag-alinsunod sa

tadhana ng batas Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog.

Page 7: Kasaysayan Ng Pag-unlad Ng Wikang Pambansa

• 1940 (Abril 1) – Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang-pahintulot and pagpapalimbag ng isang Disyunaryo at Gramatika ang Wikang Pambansa, at itinakddang mula Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro and Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at pribado sa buong bansa. Inatasan din ang Kalihim ng Pagtuturong Pambayan na maglagda, kalakip amg pagpapatibay ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapaunlad ng kautusang ito.

• 1940 (Abril 12) – Pinalabas ng Kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang Pangkagawaran: ito’y sinundan ng isang sirkular (Blg. 26, serye 1940) ng Panutgot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinumulan muna sa mataas at paaralang normal.

Page 8: Kasaysayan Ng Pag-unlad Ng Wikang Pambansa

1940 (Hunyo 7) – Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana, bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940. 1954 (Marso 26) – Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsusog sa Proklama Blg. 12, serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang ng kaarawan ng Pangulong Quezon (Agosto 19) 1959 (Agosto 13) – Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kalian ma’y tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ay siyang gagamitin.