22
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS FACULTAD NG SINING AT PANITIK A.Y. 2012-2013 ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA Gellian Grace Baaco, Anne Marie Belgira, Klaen Nicole Bautista, Cedric Ayvan Billoso, Alyssa Nicole Buendia, Althea Bianca Cabasco, Mark Martin Celino, John Christian Cenal, Angelica Cruzcosa, Kristien Celce Coquia Group I Mula sa Klase ng 3Economics2, T.A. 2012-2013 Sa Patnubay ni: Professor Milagros C. Aquino Ika-04 ng Oktubre, 2012 ABSTRACT Ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa ay may layuning pag-ugnayin ang bawat mamamayan sa isang bansa na siya namang nagbibigay tulay tungo sa pag-unlad nito iba’t ibang aspeto. Angkop lang na sa pag- aaral na ito ay maiparating ang hangaring lalong maintindihan ang kaalaman ng nakararami tungkol sa mga kadahilanan at kasulukuyang kalagayan ng Wikang Filipino bilang ating Pambansang Wika at lubos na matukoy ang kahalagahan, kaugnayan, at epekto nito sa unlad pang-ekonomiya. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagpapalawak pang lalo ng intelektwalisasyon sa ating Inang Wika at sa ating Makabansang Ekonomiya. Sa pamanahong papel na ito ay tinalakay at sinuri ang paggamit ng ating sariling wika bilang midyum ng komunikasyon sa loob ng ekonomikal na aspeto ng ating lipunan. Napatunayan sa aming pag- aaral na ang pagpapaunlad sa sariling wika ay may tuwirang epekto sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa. Sa kabuuan, hangarin ng pag-aaral na ito na lalong pagbuklurin ang matibay na identidad, nagkakaisang pambansang mithiin at damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino bilang isang puwersang magbibigkis sa tunay na kapayapaan, pagkakaunawaan at higit sa lahat kaunlaran.

Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Thesis

Citation preview

Page 1: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

FACULTAD NG SINING AT PANITIK

A.Y. 2012-2013

ANG KAHALAGAN AT MGA

KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG

FILIPINO ANG ATING WIKANG PAMBANSA

AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD

PANG-EKONOMIYA

Gellian Grace Baaco, Anne Marie Belgira, Klaen Nicole Bautista, Cedric Ayvan Billoso, Alyssa

Nicole Buendia, Althea Bianca Cabasco, Mark Martin Celino, John Christian Cenal, Angelica

Cruzcosa, Kristien Celce Coquia

Group I

Mula sa Klase ng 3Economics2, T.A. 2012-2013

Sa Patnubay ni:

Professor Milagros C. Aquino

Ika-04 ng Oktubre, 2012

ABSTRACT

Ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa ay may layuning pag-ugnayin ang bawat mamamayan sa isang

bansa na siya namang nagbibigay tulay tungo sa pag-unlad nito iba’t ibang aspeto. Angkop lang na sa pag-

aaral na ito ay maiparating ang hangaring lalong maintindihan ang kaalaman ng nakararami tungkol sa mga

kadahilanan at kasulukuyang kalagayan ng Wikang Filipino bilang ating Pambansang Wika at lubos na

matukoy ang kahalagahan, kaugnayan, at epekto nito sa unlad pang-ekonomiya. Ang pananaliksik na ito ay

nakatuon sa pagpapalawak pang lalo ng intelektwalisasyon sa ating Inang Wika at sa ating Makabansang

Ekonomiya. Sa pamanahong papel na ito ay tinalakay at sinuri ang paggamit ng ating sariling wika bilang

midyum ng komunikasyon sa loob ng ekonomikal na aspeto ng ating lipunan. Napatunayan sa aming pag-

aaral na ang pagpapaunlad sa sariling wika ay may tuwirang epekto sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng

isang bansa. Sa kabuuan, hangarin ng pag-aaral na ito na lalong pagbuklurin ang matibay na identidad,

nagkakaisang pambansang mithiin at damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino bilang isang puwersang

magbibigkis sa tunay na kapayapaan, pagkakaunawaan at higit sa lahat kaunlaran.

Page 2: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 1

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

I. PANIMULA/INTRODUKSYON

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga

mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang wikang

pambansa ay nagiging isang malaking daan ng komunikasyon upang mapalago at mapagbuti ang

takbo ng politikal, sosyolohikal, at maging ang ekonomikal na aspeto ng lipunan. Ang

pamanahong papel na ito ay magtatalakay ng epekto ng pagkakaroon ng sariling wikang

pambansa sa ekonomikal na aspeto. Ang wika ang ginagamit komunikasyon ng mga tao sa

lipuna bilang instrumento ng komunikasyon. Ito rin ang ginagamit sa paggawa ng mga

transaksiyon, na maituturing na isa sa mahahalagang salik ng isang ekonomiya.Hindi magiging

matagumpay ang alinmang klase ng transaksiyon kung hindi tayo nagkakaintindihan at kung

hindi tayo gagamit ng iisa at sarili nating wika. Sa pag gamit ng ating sariling wika sa mga

tranksaksiyon sa ekonomiya, mas magiging madali para sa mga mamamayang Pilipino ang

mahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga transaksiyon sa loob ng ating

ekonomiya.

Paglalahad ng Suliranin

Mahalagang maintindihan muna ang kasaysayan ng ating Wikang Pambansa – kung

paano ito nagsimula bilang Tagalog, naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino.Hanggang sa

kasalukuyang panahon, ang Filipino ang wikang pambansa na ginagamit ng Pilipinas sa kabila

ng napakaraming katanungan ukol sa pagpili dito. Naging batayan ng mga mambabatas ay ang

mga sumusunod: 1.) Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang

pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang

komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan. 2.) Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at

Page 3: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 2

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya. 3.) Ang tradisyong pampanitikan nito ang

pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng

Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong

wikang Awstronesyo. 4.) Ito ang wika ng Maynila, ang kabisera ng pampulitika at pang-

ekonomiya ng Pilipinas. 5.) Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang

mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

Napakahalaga ng sariling wika sa isang lipunan. Unang una, ito ay ginagamit ng tao ang

wika sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Pangalawa, ang pagkakaroon ng isang

pambansang wika ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga mamayan nito. Ang

sariling wika ang isa sa mga bagay na kumikilala sa isang lahi, kung ano sila, saan sila nagmula,

kung sino sila at ano ang kanilang kaibahan sa ibang lahi. At pangatlo, ayon kay Reynaldo L.

Aguilar (1994), ito ang pinakamahalagang tungkuling ng wika, sapagkat dito pinaiiral ang

malikhaing paglalang ng mga bagong pamamaraan at bagong paniniwala. Sa tungkuling ito, ang

wika ay kinakailangang matatas at maunlad.

Importanteng maintindihan natin kung paano nakakaapekto ang pagpapaunlad ng sariling

wika sa ekonomikal na aspeto ng lipunan. Napakahalaga ng komunikasyon sa upang magkaroon

ng transaksyon sa pagitan ng mga tao, upang mapaunlad nila ang kanya-kanya nilang gawaing

pang-ekonomiya; gaya na lamang sa gobyerno, mga pribadong negosyo, at iba pa.Ayon kay

Christoper Cabughay (2012) isang importanteng salik sa paglago ng ekonomiya ay ang paggamit

ng wika na maiintindihan ng mga maralita.

Taliwas naman ang kasalukuyang estado ng wikang Filipino sa sinasabi ng ilang

ekonomistang pabor sa paggamit ng wikang Filipino. Marami ngayon ang nababagabag sa

panukala ng dating administrasyon kung saan kanilang isinusulong ang paggamit ng wikang

Page 4: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 3

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga estudyante. Ayon sa kanila, ang paghahasa sa mga

Pilipino sa wikang Ingles ay may malaking maitutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya

sapagkat ang mga banyagang kumpanya ang nagnanais magkaroon ng mga manggagawang may

kakayahang makapagsalita ng Ingles kung kaya’t marami ang mahihikayat magtayo ng mga

negosyo sa bansa. Malaki ang suliranin ng pagdadahilang ito dahil napapawalang bahala na ang

sariling wika ng bansa at nagiging prioridad ng mga tao, lalo na ng ating gobyerno ang mga

dayuhan sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya. Hindi nila nakikita ang kahalagahan ng sariling

wika na nagsisilbing identidad ng bawat Pilipino at isa ring insrumento sa maayos na daloy ng

komunikasyon at bawat transaksyon sa loob ng ating ekonomiya sa kadahilanang mas marami

ang nakakaintindi nito sa ating bansa.

Iskop at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa wikang Filipino at ang epekto ng paggamit nito

sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Ito ay isasagawa upang makasagap ng kaalaman o

ideya patungkol sa mga mahahalagang epekto ng paggamit ng ating sariling wika para sa

komunikasyon sa loob ng ekonomikal na aspeto ng lipunan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang lalong maitindihan ang mga dahilan kung bakit

Filipino ang napiling wikang pambansa, malamaman ang mga katangian ng wikang Filipino at

ang pinagkaiba nito sa ibang mga diyalekto, at matukoy ang kaugnayan at kahalagahan ng

wikang ito sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.

Depinisyon ng mga Salitang Ginamit

Ekonomiya. Ang ekonomiya ay binubuo ng mga sistesmang ekonomiko ng isang bansa

o ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang pagmamanupaktura,

Page 5: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 4

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng

areang ito.

Filipino.Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng

Pilipinas—ang Inggles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987.

Diyalekto. Natatanging paraan ng pananalita ng iisang wika. Tinutukoy lamang nito ang

pagkakaiba-iba sa punto, diin at pagbigkas.

Wika. Ang tawag sa isang lengguwahe kung mayroon itong sistema sa pagbubuo ng tunog

(ponolodyi), ispeling (morpolodyi) at pangungusap (sintaks). Binubuo ito ng mga salita para sa

komunikasyon ng mga tao.

II. MGA KAGAMITAN AT PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pag-iinterbyu sa isang

kilalang awtoridad sa larangan ng Ekonomiks na si Propesor Alvin P. Ang, Ph.D. at ilang piling

mga estudyante ng Facultad ng Sining at Panitik ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Naghanda ang mga mananaliksik ng limang mga katanungan upang mangalap

ng mga ideya at opinyon ukol sa paksa ng pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay

naghanda ng isang interbyu kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga

datos upang masuri ang mga ideya at damdamin ng mga naturang propesor at mga

estudyante sa pananaliksik at ang korelasyon sa ilang mga piling personal pangkaligirang

varyabol. Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng

mga iba’t ibang artikulo sa internet, aklatan katulad ng mga aklat, tesis, at iba pang mga

pamanahunang papel.

III. MGA RESULTA NG PAG-AARAL

Page 6: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 5

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

Para sa mas siyantipiko at impormatibong presentasyon ng aming pag-aaral tungkol sa

mga kadahilanan, kahalagahan, kaugnayan, epekto at kalagayan ng Wikang Filipino bilang ating

Pambasang Wika at bilang instrumento tungo sa makabansang unlad pang-ekonomiya,

nagsagawa kami ng isang komprehensibong interbyu sa isang kilalang propesor ng Ekonomiks at

sa ilang mga mag-aaral ng nasabing kurso sa Fakultad ng Sining at Panitik Unibersidad ng Santo

Tomas ng kasalukuyang T.A. 2012-2013 sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang mga

mahahalagang tanong ukol sa paksa na maaaring tumugon at maihalintulad sa aming mga

nasaliksik na kaalaman.

TABLE 1. Transcript ng panayam kay Professor Alvin P. Ang, Ph.D.:

Tanong: Bilang propesor po ng Ekonomiks, ano po ang inyong masasabi sa kahalagahan, kaugnayan

at epekto ng pagkakaroon ng isang Wikang Pambansa sa pagbibigkis ng isang maunlad na

pambansang ekonomiya?

Tugon:

Ang problema kasi sa bansa natin, mayroon nga tayong National Language pero hindi naman ito

naiintidihan ng lahat. Lahat tayo ay may kanya-kanya at iba-ibang sariling pagkakaunawa [ng mga

mahahalaga at pangunahing konsepto] ng ekonomiks gamit ang ating sariling wika. Sa ating ekonomiya

kasi nagkaka-iba-iba ang ating pagkakaintindi. Ang isang magandang halimbawa na lang nito ay ang

magkakaibang termino na ating ginagamit para sa pagsusukat ng bigat o timbang. May iba ang ginagamit

ay ang salitang kilo. Iyong iba naman ang ginagamit na salita dito ay dangkal. Nagkakaiba-iba iyong

istandard. Sa isang ekonomiya, mahalaga ang ―standards to compare.‖ Hindi mo maikukumpara ng

maayos at epektibo ang mga aspetong ito ng ating ekonomiya kung magkakaiba iyong lenguahe na ating

ginagamit.

Dito na rin papasok ang ating kaalaman sa ekonomiks sa wikang Filipino. Gaya nalang nga kung

tatanungin kung ano ang GDP sa Tagalog. Hindi natin matutukoy ang kabuuang GDP ng ating

ekonomiya kung hindi natin lubos nauunawaan kung anong mga nilalaman nito [sa diwang maka-

Pilipino]. Isang malaking hamon ito sa mga taong hindi nakapag-aral ng English o kaya hindi

nakakaintindi ng teknikal na Tagalog, halimbawa nalang sa ating mga ordinaryong Pilipino na kulang sa

edukasyon. Kaya mahalaga din na maunawaan na ang paglago ng isang bansa ay naaapektuhan ng kung

paano natin nauunawaang lahat ang ekonomiya [sa ating inang wika kung saan ang lahat ay nakakaintindi

nito.]

Ang kaugnayan ngayon ng Wika sa pagkakaroon ng maunlad na bansa ay makikita sa

pagkakaroon ng pagkakaintindihan, nagkakatugma-tugmang pananaw, at nagkakaisang lokal na wikang

ating gagamitin. Kasi nga gaya nalang sa mga naging simula nitong mga bansa na nabuo, lumago sila

dahil sa kanilang ―common understanding‖. Tinitingan natin dyan ang mga bansang Japan (Japanese

language), China (Mandarin), South Korea (Korean) at Germany (German).

Makikita sa tugong ito ng aming nakapanayam na tinalakay ang mga mahahalagang

punto sa mga tanong sa kahalagahan, kaugnayan at epekto ng pagkakaroon ng isang Pambansang

Page 7: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 6

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

Wika sa ating ekonomiya. Ipinaliwanag din ng respondente ng pag-aaral na ito na mahalagang

magkaroon ng pagkakaunawaan, pagkakaisa ng pananaw at malawakang paggamit ng sariling

wika bilang instrumento ng komunikasyon na naiintindihan ng lahat upang masabi na ang isang

bansa ay tumatahak sa isang tunay na makabansang pag-unlad. Nilinaw din niya na dapat na

pagtuunan ng pansin ang edukasyon sa mga taong hindi naaabot at labis naapektuhan ng ilan sa

malalaking hamon sa paghahatid ng pagkakaunawaan at pagkakaintindihan at sa lalong

pagpapaunlad ng Wikang Pambansa at Ekonomiks sa bansa. Kung susumahin, iisa lamang ang

nais ipunto ng maikling bahagi ng panayam na ito, iyon ang intelektwalisasyon ng Wikang

Filipino na may kaugnayan sa pagpapalawig pa lalo ng nagkakatugmang pag-unawa tungo sa

pagbibigkis ng isang maunlad na pambansang ekonomiya.

TABLE 2. Resulta ng Pangangalap ng Opinyon mula sa ilang piling estudyante ng AB Ekonomiks sa Unibersidad ng Santo

Tomas, T.A. 2012-2013:

Mga Tanong (Variables) Affirmative

Answers

Negative

Answers

No

Response

Total

Responses

Oo Makatwiran Hindi

Makatwiran

Walang

komento

1. Makatwiran bang Filipino ang ating Pambansang

Wika at hindi ibang dayalekto?

13 (81.25%) 1 (6.25%) 2 (12.5%) 16

(100%)

Napakahalaga Mahalaga Hindi

Mahalaga

2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng Pambansang

Wika sa pagkakaroon ng isang maunlad na bansa?

Anu-ano ang mga kahalagahang ito?

3 (18.75%) 13 (81.25%) 0 16

(100%)

Mayroong

kaugnayan

Walang

kaugnayan

Walang

Tugon

3. Mayroon bang kaugnayan ang Filipino bilang ating

Pambansang Wika sa unlad pang-ekonomiya? Anu-

ano ang mga kaugnayang ito?

10 (62.5%) 0 6 (37.5%) 16

(100%)

Mayroong

epekto

Walang

epekto

Walang

Tugon

4. Mayroon bang tuwirang epekto sa sitwasyong

pang-ekonomiya ng mga lokalidad na hindi gaanong

kahusay sa paggamit ng wikang Filipino kumpara sa

mga Pilipinong marunong makipagtalastasan gamit

ang ating Wikang Pambansa?

10 (62.5%) 0 6 (37.5%) 16

(100%)

Positibong

komento

Negatibong

komento

Walang

Tugon

5. Ano na ang kasalukuyang kalagayan ng

pagpapaunlad sa ating Wikang Pambansa bilang isang

malawakang wika ng komunikasyon sa modernong

panahon? Paano nito naapektuhan ang modernisasyon

at ekonomiya ng bansa?

3 (18.75%) 7 (43.75%) 6 (37.5%) 16

(100%)

Page 8: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 7

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

Ang talahanayang ito sa taas ay nagpapakita ng buod ng aming nakalap ng opinyon mula

sa ilang mga estudyante ng ekonomiks sa Facultad ng Sining Panitik. Hindi nito ipinahihiwatig

ang opinyon ng nakararaming Pilipino subalit ito ay maari na ring maging basehan ng umiiral na

pananaw at persepsyon ng mga Pilipinong mag-aaral ng ekonomiya sa Unibersidad ng Santo

Tomas.

Sa unang katanungan, mapapansin na karamihan ay sumagot na makatuwirang Filipino

ang ating Wikang Pambansa. Ito ay sa pagsasabing ang Filipino ang pinakamadali at pinakaalam

na wikang ginagamit ng nakararami sa ating populasyon. Bukod pa dito, ang Filipino ay hindi

lamang sumasakot sa iisang dayalekto bagkos ito ay nagsisilbing instrumento na kumakatawan

sa pagkakaisa at pagkakaintindihan ng lahat ng mga grupong etniko sa Pilipinas sa kabila ng

ating mga pagkakaiba sa pinaniniwalaang pang- relihiyon, kultural at pulitikal. Nakakatuwa ring

malamang maalam ang mga respondente sa kasaysyan ng wikang pambansa sa pagsasabing ang

wikang Filipino ay isang pangkalahatang ngalan ng iba't ibang wika dito sa Pilipinas. Hindi

lamang ito binubuo ng dayalektong Tagalog kundi ito ay ang pagsasama-sama ng iba’t iba pang

dayalekto at wika na naiintindihan ng karamihan ng Pilipino. Ayon pa sa isang respondente, ang

Wikang Pambansa ay isa sa mga sumisimbulo sa pagka-Pilipino ng bawat mamamayan ng ating

bansa. Kanyang binaggit ang kahalagahan ng paghuhubog sa kamalayang makabayan at

nasyonalismo sa puso’t isipan ng mga Pilipino bilang puwersa ng kaunlaran. Sabi pa ng isang

nakapanayam na kung ang batayan ng pagiging makatuwiran ay ang pakakaroon ng isang

wikang naiintindihan ng higit na nakararami, ito ay makatuwiran sapagkat hinahayaan nito na

makipag-kapwa ang isang indibidwal mula sa isang dako ng ating bansa sa isa pang indibidwal

sa iba namang dako. Samantala, may isa namang nagsabi na ang Wikang Filipino ay hindi dapat

lalong pagtuunan ng pansin bilang wika ng komersyo at pakikipagtransakyon sapagkat sa

Page 9: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 8

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

panahon ngayon ng globalisasyon mas mahalaga pa ring pagtuunan ng pansin ang pagsasanay sa

wikang Ingles bilang wika ng komunikasyong gagamitin sa mga usaping pang-ekonomiya.

Sa mga susunod na tanong tungkol sa kahalagahan, kaugnayan at epekto ng Wikang

Pambansa sa ekonomiya, marami ang sumagot ng pagsang-ayon sa mahalagang papel na

ginagampan nito sa pagbibigkis ng isang maunlad na bansa. May nagsabing kailangan ito sa

kalakalan, paghango at pagbibigay ng impormasyon, at iba pang importanteng aspeto ng

modernong komersiyo at ekonomiya. May mga nagsabi din namang ang kasalukuyang

kakulangan sa lalo pang pagpapalawak ng wikang Filipino bilang wikang pambansa ay nagiging

isang dahilan kung bakit hindi masyadong umuusad ang Pilipinas bilang isang maunlad na

ekonomiya. Nabanggit ang mga dahilan gaya ng pagkakaroon ng diskriminasyon, kawalan ng

integrasyon, pagkakawatak-watak ng mga rehiyon at grupong etniko sa kabuuang kalakaran ng

ating makabansang ekonomiya. Dito mapapansin ang epekto ng language barrier sa pagsusulong

ng ekonomiya ng bansa. Kung walang mabuti at maayos na pakikipagtalastasan ay imposible ang

pagkakamit ng kaunlaran sa ating bansa. Dahil ang karamihan sa atin ay hindi sanay maski sa

wikang Filipino ay nahihirapan tayong makipagtalastasan sa ibang tao at ito din ay isang

malaking hadlang para sa ekonomiya dahil ang paggamit ng wikang Filipino ay kaylangan sa

pang-lokal na komersiyo. May isa ding nagkomento na ang transaksyon sa loob ng bansa ay mas

mapapaigting, at makapagbibigay ng mabilis na epekto sa ekonomiya. Iikot ang bawat produkto

sa bansa kung lahat ay nagkakaintindihan. Ang interaksyon ng consumer at producer ay isang

mahalagang aspeto sa pag-usad ng ekonomiya ng bansa. Kung may pambansang wikang

naiintindihan ng dalawang panig, hindi magiging suliranin ang kanilang relasyon. Kung titingnan

ang sitwasyon, masasabing maaaring makaapekto ang bagay na ito sa pakikipagkalakalan ng

ilang lokalidad na hindi gaanong mahusay sa Wikang Filipino. Ayon naman sa isang pang mag-

Page 10: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 9

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

aaral ng ekonomiks ang pagkakaroon ng isang batayan ng wika ay maaaring mAghatid ng

maunlad na bansa sa kadahilanang ang isang pambansang wika ay nagpapatatag ng relasyon ng

bawat Pilipino at dito nabubuo ang ugnayan at ang pagkakaroon ng isang naiibang kultura.

Maganda ding punto ang tugon ng isang respondente na nagbanggit na muli’t muli ang

pangunahing layunin ng wika ay ang mapag-ugnay ang bawat mamamayan. Ang matiwasay na

samahan ng mamamayan ang siya namang susi sa pag-unlad na kabuuan ng bansa, kasama na

ang pag-unlad ng ekonomiya nito.

Sa huling katanungan naman hati ang opinyon ng mga nakapanayam na mga estudyante.

May mga nagsabi na sa kasalukuyan, ang wikang pambansa ay lalo pang lumalaganap at ito ay

unti-unti nang lumalago kasabay ng modernisasyon. Subalit marami pa rin ang naniniwala na

dapat pang mas paigtingin ang paggamit sa Wikang Pambansa bilang komunikasyon sa

modernong panahon. Ayon sa kanila, kulang pa ang pagpapahalaga sa pagtuturo ng wastong

wikang Pilipino. Kung mapapansin, ang ating pambansang wika ay mas nabibigyang-pansin

lamang tuwing buwan ng Agosto.

Chart 1. Narito ang isang grapikal na presentasyon ng aming nakalap na datos ukol sa mga opinyon ng ilang piling mag-aaral:

0 10 20 30 40 50 60 70 80 90

Makatwiran

Kahalagahan

Kaugnayan

Epekto

Kalagayan

81.25

18.75

62.5

62.5

18.75

6.25

81.25

0

0

43.75

12.5

0

37.5

37.5

37.5

No Response Negative Answer Affirmative Answer

Page 11: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 10

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

IV. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA/PAGTALAKAY

Kahalagahan ng Wikang Pambansa

Ang wika ay salamin ng bayan at siyang bumibigkis tungo sa pagkakaisa ng mga

mamamayan. Ang kaisipang ito ay isinaad ni Manuel Luis Quezon, ang tinaguriang Ama ng

Wikang Pambansa (Cabrera, 2009). Ang wikang pambansa ay isang mahalagang instrumento sa

pagkakaroon ng pambansang pagkakaisa o nasyonalismo. Ang pagtatag ng isang pambansang

wika ay isang simbolo ng pagkakaroon ng iisang hangarin. Ayon kay Catacataca, Espiritu, at

Villafuerte (2001), lubhang importante ang adapsyon ng panlahat na pambansang wika sapagkat

ito ay makapangyarihang kasangkapan sa pagbuo ng pangkalahatang unawaan at pagkikintal ng

pambansang pagmamalaki ng sambayanan.

Nabanggit sa talumpati ni Felipe R. Jose noong Agosto 16, 1934 na kinakailangang

―ipakilala sa mundo na ang mga Pilipino ay wala na sa ilalim ng bandilang Espanyol o

Amerikano. Kailangan nang mahalin ang kalayaan at kaluluwa ng bayan – ang wikang sarili.

Sapagkat ang wika, alin mang bansa sa sangsinukob ay siyang ginagamit na mabisang

kasangkapan sa pagpapahayag ng kanilang damdamin, sa pagtuklas ng karunungan at

pagtatanggol ng karapatan‖ (Almario, 2011).

Ang wika ay nakatali sa ating kultura. Ito ay nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon ng

sariling pagkakakilanlan. Ang wika ang kasangkapan sa pagpapadaloy ng kultura, ang kultura

naman ang humuhubog sa kung paano gumagana ang wika sa tiyak na lipunan o pangkat- tao, at

ang wika naman ang lingguwistikong sagisag ng mamamayang nagsasalita nito na nagbubuklod

ng kalinangang pinagsasaluhan (Empaynado, 2012). Ngunit ang sinasabing ―cultural identity‖

ay nag-iiba na rin dahil sa malawakang impluwensya ng ibang kultura. Kung lahi ang magiging

basehan, hindi nagkakalayo ang hitsura ng isang Pilipino sa isang taga- Indonesia, Myanmar,

Page 12: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 11

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

Malaysia at iba pang Asyanong lahi. Ang wikang Filipino ay isa sa mga tanging patunay ng

pagiging isang bansang malaya.

Ang bawat Pilipino ay may tungkulin na pahalagahan at mahalin ang sariling wika. Ito na

lamang ang maaring pagkakaiba sa ibang lahi. Ang wikang Filipino ay ang nalalabing diwa ng

ating damdaming makabayan at pambansang pagkakaisa at kailangan itong bigyan ng kaukulang

pagpapahalaga.

Mga Katangian ng Filipino bilang Wikang Pambansa

Filipino bilang “lingua franca (common language)”

Isa sa pinakaesensyal na konsepto ng wikang Filipino ay ang pagiging pambansang

lingua franca nito. Ito ay nangangahulugan na nagsisilbi itong pangalawang wika ng mas

nakararami sa buong bansa na karaniwang ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-

ugnayan sa iba kahit na mayroong mga unang wika o katutubong wika tulad ng Bisaya, Ilokano,

Kapampangan at iba pang dayalekto, ay nagkakaunawaan pa rin ang bawat isa.

Ayon kay Komisyoner Wilfrido Villacorta (sa Catacataca, et al., 2001), ang Filipino ay

isang ―umiiral na wikang pambansa, at ang nukleo nito ay Pilipino. Ang pormalisasyon nito ay

kailangang isagawa sa sistemang pang- edukasyon at iba pa subalit hindi nangangahulugan na

dahil hindi pa ito pormalisado ay hindi ito umiiral. Ito ay lingua franca.‖

Sa pagkakadeklara ng Filipino bilang Wikang Pambansa noong 1987, pinaniniwalaan

nila na ang Wikang Filipino ay isang ―tunay, natural at dinamikong wika na ginagamit at

naiintindihan ng karamihang Pilipino sa buong bansa mula sa iba’t ibang etnolingguwistikong

grupo‖. (Catacataca, Espiritu, & Villafuerte, 2001)

Maraming akademiko ang nagpatunay na ang wikang Filipino ang pambansang lingua

franca. Ayon kay Dr. Ernesto A. Constantino, ―ang pinili naming wika na idedebelop bilang

Page 13: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 12

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

wikang pambansa natin, ang tinawag naming lingua franca o Filipino‖ (Constantino, 1996). Ang

wika naman ayon kay Atienza (1996) ay inilarawan niya na isang ―wikang compromise o lingua

franca‖. Pinunto naman ni Flores (1996) na ang Filipino ay isang lenggwahe ng ―kulturang

popular na nagmula sa Metro Manila at pinalaganap sa buong kapuluan‖. Kaugnay nito, dahil sa

mabilis na paglaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng masmidya, hindi maiiwasang

maging pambansang lingua franca ang wikang Filipino dahil ito ay nagsimula sa Sentro o Metro

Manila. Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (1992), binigyang kahulugan nila ang wikang

Filipino:

―Ito ay katutubong wikang sinasalita at isinusulat sa Metro Manila, sa National Capital

Region at sa iba pang urbanisadong sentro ng kapuluan na ginagamit na midyum ng

komunikasyon ng iba’t ibang etnikong grupo. Tulad ng alinmang buhay na wika, nadedebelop

ang Filipino sa pamamagitan ng panghihiram mula sa wika ng Pilipinas at ebolusyon ng iba’t

ibang barayti ng wikang angkop sa mga sitwasyong panlipunan ng mga grupong may iba- ibang

kinagisnang lipunan at para sa paksa ng pag- uusap at mga pandalubhasang talakayan‖.

Filipino vs. Pilipino

Nararapat na ituring ang Filipino bilang wikang pambansa hindi Pilipino. Ang Pilipino ay

itinuturing na mono- based national language (Bernales, et.al, 2011) sapagkat ang nilalaman at

istruktura nito ay hango sa Tagalog. Nagbunga ito ng di- magandang reaksyon sa mga di-

Tagalog sapagkat hindi sila nagiging bahagi ng pagpapayaman at pagpapaunlad ng wikang

pambansa.

Ayon kay Geruncio Lancuesta, Filipino ang dapat idebelop hindi Pilipino dahil ito ay

wikang nakabase sa mixed Tagalog ng Maynila. Iginiit nya na ang Filipino ay gumagamit ng

mga alpabeto ng Kastila kabilang dito ang c, ch, f, j, ll, n, q, m, y , x and z samantalang ang

Page 14: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 13

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

Pilipino ay gumagamit ng mga alpabeto sa balarila ni Lope K. Santos na siyang purong Tagalog.

Ang mga hiram na letra ay pananatilihin sa kanyang orihinal na anyo at hahayaan ang publiko sa

pagbabago ng mga baybay ayon sa kanilang ararw- araw na paggamit (Catacataca, et.al, 2001).

Ang pagbabago mula Pilipino sa Filipino ay ginawa hindi lamang para sa representasyon

ng mga di- Tagalog. Higit pa rito ang kadahilanan ng pagpapalit ng P sa F. Kinailangang gawin

iyon upang magkaroon ng kongkretong sagisag ng modernisasyong pinagdaraanan ng ating

wikang pambansa tulad ng pagdaragdag ng walong titik sa alpabeto at ang paglinang dito salig sa

mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Ito ay mga pagbabagong iba sa wikang

Pilipino. Sa pamamagitan ng pagpapalit ng P sa F, nakakaptyur ng Filipino ang bagong konsepto

ng wikang pambansang nililinang salig hindi sa Tagalog lamang kung hindi maging sa iba pang

wikang katutubo, kasama ang Ingles, Kastila at iba pang nakakaimpluwensya sa ating

kabihasnan (Bernales,et al., 2011).

Mula rito, bukod sa pagiging lingua franca at dinamikong wikang may iba’t ibang

barayti, malinaw ang kabatirang ang Filipino ang wikang panlahat na likas sa mga Pilipino at

sumasalamin sa mayamang kalinangan ng Pilipinas bilang bansang multikultural at

multilingguwal; na isa itong mainam na wikang sasapat sa pangangailangan ng mga mamamayan

upang talakayin ang masaklaw na aspekto ng buhay- Pilipino at bilang wikang panlahat na

impukan ng karunungan ng bansa na mag- aalaga sa pambansang pag- unlad.

Kaugnayan ng Wikang Filipino bilang pambansang wika sa unlad pang- ekonomiya.

Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya sa

isang bansa. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at transaksiyon ng bawat tao sa

isang ekonomiya. Kung wala nito, makakaroon ng hindi pagkakaunawaan at maaring humantong

pa sa pagbagsak ng ekonomiya ng isang bansa.

Page 15: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 14

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

Ayon kay Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks sa La Salle, ―Kapag

walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung isiipin natin, kung walang lipunan, walang

transaksiyon, wala tayong ekonomiya.‖Ang wika umano ay isang paraan ng paggawa ng

transaksyon. Binanggit din niya na lahat ng nangyayari sa ekonomiya ay base sa kung paano mo

ito naintindihan kung kaya’t dapat ay maipahayag mo rin ng malinaw sa iba ang iyong

naintindihan tungkol doon. Dahil dito, masasabi na ang wikang pambansa ay may malaking

papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng ating bansa.

Ayon kay Santos, malaki ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pang-araw-araw na

gawain ng bawat Pilipino. Gawin na lamang na halimbawa ang pagbili ng isang ordinaryong

Pilipino sa tindahan. Ang ginagamit na wika sa transaksiyong ito ay Filipino. Sa ganitong paraan

ay nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang bawat isa at nagkakaroon ng satispaksyon sa pagitan

nila dahil natamo nila ang pangangailangan ng bawat isa.

Ayon kay Macinas, ang bawat bansa ay may sariling wika na ginagamit upang

magsilbing daan tungo sa landas ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at pagmamahal. Kapag ito’y

natamo, magkakaroon ng katahimikan at kaayusan ang isang bansa. Masasabi rin na ang

katiwasayan ng isang bansa ay isa ring salik sa pag-unlad ng ekonomiya nito. Kapag

nagkakaroon ng kaayusan ang isang bansa ay maaiwasan ang gulo at mas mapapaunlad pa lalo

ang kanilang ekonomiya.

Para naman kay Tacbad, bagaman Ingles ang wika ng komersyo, hindi pa rin ito ang susi

sa kaunlaran ng bansa. Binigyan niyang halimbaawa ang mga bansang Japan, South Korea,

Thailand, at China. Di tulad sa bansang Pilipinas, ang mga bansang ito ay masasabing mahina sa

wikang Ingles. Ngunit hindi ito naging dahilan upang paunlarin nila ang kanilang bansa. ―Ang

Japan ang isa sa pinakamayamang bansa sapagkat ginagamit nila ang wikang sarili. Hindi

Page 16: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 15

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

ginamit ng Japan para umunlad ang wikang Ingles,‖ ani Tacbad. Sa bansang ito na Ingles ang

itinuturing na pangalawang lengguahe, malaking bagay ang paggamit nito sa usaping pang-

ekonomiya. Ngunit kung ikukumpara ang Pilipinas sa ibang bansa, mas magkakaroon ng

malaking posibilidad na mapaunlad ang ekonomiya sa pamamagitan ng paglinang sa kung

anong sariling atin, Filipino, ang wikang pambansa.

V. KONGKLUSYON

Napatunayan sa aming pag-aaral na ang paggamit ng sariling wika ay makatutulong sa

pagpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa. Ang wikang Filipino ay hindi lamang nagbubuklod

o nagbibigay ng pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino, kundi ito rin ay nagbibigay ng

positibong epekto sa ating ekonomiya. Sa paggamit ng ating sariling wika sa bawat transaksyon

sa gobyerno at iba pang pribadong sektor sa lipunan ay lalong nakakapagbigay sigla sa

kadahilanang mas madaling gamitin at magkaintindihan ang mga tao. Bilang mga estudyante ng

economics, aming nalalaman na ang isa sa nagbibigay sigla sa ekonomiya ng isang bansa ay ang

dami ng produktibong transaksyon dito. Kaya sa paggamit nito, mas maraming Pilipino ang ma

eengganyo na makipag transaksyon sa iba’t ibang sektor sa ekonomiya dahil mas madali at

komportable silang gamitin ang Filipino bilang wika sa komunikasyon. Dapat nating bigyang

halaga ang ating sariling wika, lalo na sa paggamit nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan gaya

nalang ng ating ekonomiya. (Alyssa Nicole Buendia)

Ang isang bansa ay hindi lamang binubuo ng mga tao, pamahalaan, teritoryo, at

kapangyarihan. Ang isang bansa ay kinakailangan din ng wika upang magkaroon ng

pagkakaintindihan at pagkakaisa ang mga nasasakupan nito. Filipino ang wika ng Pilipinas na

pinili di lamang sa ito ay ginagamit ng halos lahat mga mga mamamayan kundi ito ang

sumisimbolo sa pagiging Pilipino nating lahat. Ito ang nagbibigay sa ating lahat ng

Page 17: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 16

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

pagkakakilanlan na lagi nating dala saan man sulok na mundo tayo mapadpad at hinding-hindi

mananakaw ng iba lahi mula sa atin. (Cedric Ayvan Billoso)

Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang

ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang mga

mamamayan ang bumubuo at may kapangyarihan sa isang ekonomiya, sila ang nagpapatakbo sa

bawat sektor nito. Sila ang nagpapaikot ng produksyon at paggamit ng bawat produkto o

serbisyo sa isang bansa. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi

nagkakaisa o nagkakaintindihan. Dahil diyan, marapat lamang na ang mga bansa ay magkaroon

ng sariling wika na tutulong sa kanila upang magkaintindihan. Sa tulong nito, mas mapapadali

ang mga transaksyon, maraming mga mamamayan ang makikisali sa mga talastasan at gawaing

pang ekonomiya, ito ay makakatulong sa pag usad at pag unlad ng mga mamamayan at ng

ekonomiya. (Angelica Cruzcosa)

Isa sa mga importanteng aspeto upang umunlad ang bansa at ang ekonomiya ay ang

pagkakaroon ng isang wika na naiintindihan at nagagamit ng lahat, sapagkat ang paggamit ng

isang wika ay nangangahulugan na merong pagkakaisa at unawa ang bawat isa. Ang wikang

Filipino ang napiling wikang pangbansa sapagkat dito nagkakaintindihan, nagkakakomunikasyon

at interaksyon ang bawat Pilipino, magkaiba man ng estado sa buhay. Ang pagkakaroon ng

unawa sa isa’t isa ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng interaksyon at komunikasyon na

mahalaga upang magkaroon ng bigayan ng mga ideya at paraan upang mas lalo tayong umunlad.

At ang kakulangan nito ang magiging rason sa pagbaba ng progreso sa bansa at ekonomiya.

(Anne Marie Belgira)

Sa aming palagay ang paggamit ng sariling wika o ng wikang Filipino ay mahalaga

upang mapaunlad ang ating ekonomiya. Una sa lahat, madali ito naiintindihan ng ating mga

Page 18: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 17

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

kababayan maging kahit sa ano pa mang rehiyon sila galing dahil itinituro ito sa ating mga

paaralan. Dahil rito, nagging mas madali ang kalakalan sa pagitan ng ating mga kababayan. Isa

pang dahilan ay ang nagpapakita rin ito n gating pagkakilalan at ng ating sariling ―identity‖ sa

ibang bansa . Dahil dito nagkakaron sila ng kompyansa sa ating bansa at naakit na mag tayo ng

negosyo sa ating bansa. Ang ating pambasang wika ay nagpapadali rin nito ang transaksyon.

Madali rin ito matutunan at maintindihan. Ito rin an gingamit na wika sa Maynila kung saan

sentro ang transaksyon at negosyo. Batid man natin na sa mundo ng komersyo at pandaigdigang

kalakalan ay mas ginagamit ang wikang Ingles, hindi parin matatawaran ang tulong at epekto na

naidudulot ng sarili nating wika sa local na merkado at pain a rin sa pangkalahatang ekonomiya

ng ating bansa. Marapat lamang na pag-igtingin pa natin ang pag-gamit at pagpapalaganap ng

wikiang Pilipino bilang maging tulay sa pag unlad n gating ekonomiya nang sa gayon ay

makilala pa ito at maging isang makabuluhang instrument ito maliban sa pagiging isang uri ng

pakikipagkomunikasyon at talastasan. (Althea Bianca Cabasco)

Samantala, nasananay na ang mga Pilipino na gamitin ang wikang Ingles sa kanilang

araw- araw na pamumuhay, dahil itinuturing na itong lenggwahe ng globalisasyon. Isang patunay

sa pagiging mahusay sa Ingles ng mga Pilipino ay ang pagrekognisa ng buong mundo sa bansa

na ―Highest Standard in English‖. Subalit, nagpapatuloy pa din ang paglinang ng Filipino bilang

pambansang wika sa pag-unlad ng Pilipinas. Sa pananaliksik ng grupo, masasabi na kahit na

Ingles na ang halos lumalabas sa mga isipan at bibig ng mga Pilipino, mahalaga pa din para

sakanila ang sariling pambansang wika. Sa pag-unlad ng bansa,hindi lamang ang import, export,

at GDP ang binibilang. Kinokonsidera din ang araw- araw na transaksyon ng mga Pilipino sa

bansa. Sa transakyon na ito, nangangailangan ng pagkakaunawaan at pagkakaintindihan gamit

ang ating wika. Ano ang koneksyon nito sa ekonomiya? Kung nadebelop na natin ang

Page 19: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 18

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

pagkakaunawaan gamit ang Filipino, magkakaintindihan na din tayo at magkakaroon ng

karunungan sa ekonomiyang kalagayan ng bansa. Paano naman ang mga dayuhan dito sa bansa?

Ang mga dayuhan sa Pilipinas ay naging maigi sa pagnanais na matuto ng wikang Filipino at

nagiging parte na sila sa pagpapayaman pa nito. Marami na din mga dayuhan ang naninirahan sa

bansa at di makakaila na nakaambag na sila sa pag-unlad lalo na sa turismo. (Klaen Nicole

Bautista)

Ang wika ay sagisag ng pagkakaisa, isang elementong kinakailangan ng bawat isa o

grupo, lalong-lalo na ng isang buong nasyon o bansa. Ang wika ay pangunahing instrumentong

nagpapatibay ng malawak na komunikasyon ng bawat Pilipino. Kung walang komunikasyon sa

sistema ng ating pamumuhay, maraming aspeto ng buhay ang mawawalan ng kaayusan. Pulitika,

mass media, edukasyon, komersyo at higit sa lahat, ang ekonomiya. Bilang isang estudyante,

malaki ang kontribusyon ng wika sa ekonomiya. Ito ang nagsisilbing daan tungo sa mabuting

negosasyon. Kasama na rin rito ang pamamahala ng bansa, kung wala ang ating sariling wika,

magiging mabagal at magulo ang transaksyon ng bawat produkto at ang pagsasagawa nito. Isa

ang wika sa mga bagay na dapat pagtuunan pansin ng pamahalaan tungo sa mabuting kaunlaran.

(John Christian Cenal)

Ang Wikang Filipino ay nagsisilbing tulay upang magkaintindihan ang bawat Pilipino sa

ating bansa. Ang Wikang Filipino din ay bumubo sa isa sa mga pinakamatibay na bigkis na nag-

uugnay sa tao at nagpapayaman sa pagkakaisa ng pambansang mithiin, hangarin at damdamin.

Ang pagkakaiba ng diyalekto ay isa sa mga dahilan sa hindi pagkakaunawaan at hindi

pagkakaintindihan ng mga nasasakupan ng bansang Pilipinas. Kung kaya’t ang wikang ito rin ay

ang nagreresolba sa mga problemang napapaloob sa hindi pagkakaunawaan at hindi

pagkakaintindihan. Ito rin ay mabisang paraan sa pagtuturo sa elementarya upang maging

Page 20: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 19

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

edukado ang mga estudiyante sa mabilis na panahon. Nakakatulong ang wikang Filipino sa

pagunalad ng ekonomiya ng Pilipinas sapagkat nagagamit ito sa iba’t ibang transaksiyon sa

negosyo, gobyerno at mga pribadong sektor sa bansa upang mas madaling magkaintindihan at

magkaunawaan ang bawat Pilipino. (Kristien Celse Coquia)

Nararapat na hirangin na Pambansang Wika ang wikang Filipino sapagkat ito ay

nagsisilbing lingua franca na nagbubukload sa mga Pilipino. Ang Wikang Filipino ay

nagtataglaky ng mga katangian a naiiba sa ibang lenggwahe o dayalekto tulad ng Tagalog o

Pilipino. Sa kabila ng maraming dayalekto sa bansa, patuloy na nagkakaunawaan pa rin ang mga

Pilipino dahil sa ating Wikang Pambansa. Naiiba ito sa ibang mga lenggwahe sapagkat nagsisilbi

itong kinatawan ng ibang mga lenggwahe sa bansa. Hindi ito Tagalog, hindi rin ito Pilipino. Ito

ay pinagsama-samang katangian ng mga iba’t ibang lenggwahe sa bansa. Ang Wikang Filipino

ay tumatayong instrument sa pang-unlad ekonomiya. Kinakailangan ang wika upang makabuo

ng transaksyon. Anag pag-unlad ng isang ekonomiya ay makakamit kapag pinagtibay ang

paggamit at pag-unawa ng isang wikang Pambansa. Sa kasalukuyan, ang wikang Filipino ay

nagpapatunay sa wikang nagbabago. An gating Pambansang wika at patuloy na nadedebelop at

sumasabay sa globalisasyon at modernong panahon. (Gellian Grace Baaco)

Mahihinuha sa mga nasaliksik na kaalaman at mga nakalap naming opinyon na ang

Wikang Pambansa ay may makahulugan at malawakang epekto sa kalagayang pang-ekonomiya

ng isang bansa. Sa aming pag-aaral, aming napatunayan na malaki ang ginagampanang papel ng

Inang Wika lalo na sa usapin ng makabansang ekonomiya na tumutukoy sa kalagayan ng mas

malawakang sakop ng ating pagkabansa mula sa mga maliit na Pilipinong manggagawa,

magsasaka’t mangingisda, maging ng ating mga grupong etniko na higit na dumidepende sa mga

katutubong kasanayan hanggang sa mga mamamayang nagpupursiging maiangat ang mga lokal

Page 21: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 20

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

na industriya sa isang modernong bansa. Nais ko lamang ipunto na ang resulta ng aming pag-

aaral ay may importanteng implikasyon sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya kung susuriin

lamang ang historikal na basehan ng pagkakaroon natin ng sariling wika. Wala namang

nakikitang pagkukulang sa aspetong ito kung saan ang lahat ng mga dayalekto ng bansa ay

komprehensibong naikatawanan sa iisang wika ng komunikasyon. Ang problema ay nagsisimula

sa mga hakbain para lalong mapalawak ang intelektwalisasyon nito sa lahat ng mamamayang

Pilipino. Ang suliranin sa pagkakaroon natin ng nagkakaisang wika ay nag-uugat sa kawalan ng

pagkakaunawaan, pakakaintindihan at pagkakaisa sa paggamit nito. Kung ang mismong mga

Pilipino ay hindi masyadong nasanay sa pakikipagtalastasan gamit ang wikang Filipino, paano

natin masasabing tunay at dinamikong kumikilos ang mga mekanismo ng pag-unlad ng ating

makabansang ekonomiya? Sa aspetong ito naapektuhan ng paggamit ng nagkakaisang Wika ang

pag-unlad sa ekonomiya ng bansa. Masasabi ring ang mga kahalagahan, kaugnayan at epekto ng

wika sa ekonomiya ay direktang nakikita sa uri ng pagkakaisa ng mga mamamayan nito sa

pagkakaroon ng makanasyonalismong mithiin, nagkakatugma-tugmang pananaw na pilosopikal,

at matatas na lebel ng edukasyon at intelektwalisasyon sa sariling wika at ekonomiya. Kung

susumahin, nagsisilbing malaking hamon pa rin ang epektibo at kapaki-pakinabang na

pagpapaunlad ng Wikang Pambansa kaugnay ng ekonomikal na usapin. Subalit, hindi naman

nito ipinupunto na mas pahalagahan ang Filipino kumpara sa Ingles bilang wika ng

komunikasyon lalo na sa ekonomiya. Bilang panghuling rekomendasyon, nais naming grupo ng

mga mananaliksik sa paksang ito na lalong bigyang pansin ang pagpapalawig ng Wika bilang

isang kasangkapan ng kaunlaran sa bansa. (Mark Martin Celino)

Page 22: Ang Kahalagan at Mga Kadahilanan Kung Bakit Wikang Filipino Ang Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unlad Pang Ekonomiya

ANG KAHALAGAN AT MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WIKANG FILIPINO ANG ATING WIKANG

PAMBANSA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA UNLAD PANG-EKONOMIYA 21

Baaco, Belgira, Bautista, Billoso, Buendia, Cabasco, Celino, Cenal, Cruzcosa, & Coquia

3Economics2, Facultad ng Sining at Panitik, Unibersidad ng Santo Tomas, A.Y. 2012-2013

TALASANGGUNIAN:

Almario, V. S. (2011, April 19). Ang Pagpapalakas sa Wikang Filipino (Talumpati sa

Pambansang Summit sa Wika 2011, UP Baguio). Retrieved September 12, 2012, from

www.sawikaan.com: www.sawikaan.com

Bernales, R. A., Atienxa, G. A., Talegon, V., & Gonzales, E. S. (2011). Akademikong Filipino

tungo sa Epektibong Komunikasyon. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Catacataca, P. D., Espiritu, C. C., & Villafuerte, P. V. (2001). Punla sa Linggwistikang Filipino:

Handog para kay Alfonso O. Santiago. Makati City: Grandwater Publications and

Research Corporation and Samahan sa Linggwistikang Filipino, Inc.

Constantino, E. A. (1996). Ang Ortografiya ng Wikang Filipino. Quezon City: CSSP

Publications.

Pineda, D. P. Ang Surian ng Wikang Pambansa, ang Pilipino at ang Filipino.

INTERNET:

Cabrera, V. S. (2009, August 16). Pilipino Express. Retrieved September 6, 2012, from Pilipino

Express: http://www.pinoy-express.com

Empaynado, J. I. (2012, August). Komisyon ng Wikang Filipino. Retrieved September 13, 2012,

from www.kwf.gov.ph: www.kwf.gov.ph

GMA Network Inc. (2009, August 31). Retrieved from GMA News Online:

http://www.gmanetwork.com/news/story/171158/news/nation/kasaysayan-ng-wikang-

filipino

Scribd. (2012, March 7). Retrieved from Kahalagahan Ng Wika Sa Kultura At Pag-Unlad Ng

Ekonomiya Sa Bansa: http://www.scribd.com/doc/84300169/Kahalagahan-Ng-Wika-Sa-

Kultura

The Varsitarian. (2012, September 9). Retrieved from Varsitarian:

http://www.varsitarian.net/filipino/20110826/pagpapaunlad_ng_wika_nakatutulong_sa_e

konomiya