52
ANG PULITIKA NG WIKANG PANTURO PATRICIA MELEND REZ- CRUZ

Ang Pulitika ng Wikang Panturo ni Patricia Melendrez-Cruz

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kasaysayan at Pulitika ng Wikang Filipino

Citation preview

ANG PULIT

IKA

NG WIK

ANG

PANTU

RO

PATRICIA

MELEND

REZ-CRUZ

“…Pinanghahawakan namin na sa ating lipunang mala-kolonyal, maka-uri at multilinggwal, ang usaping pangwika ay may dimensyong hindi lamang pedagogikal kundi pulitikal pa. Magagamit ang wikang panturo bilang instrumento, alin sa dalawa: ng pagbilanggo o ng pagpapalaya sa isipan..”

TEORYA NG WIKA AT EDUKASYON

- Ang wika ay likha ng lipunan- Ayon kay Rizal: “Ang wika ang

siyang kaisipan ng sambayanan.”

- Ang wika ay isang kaparaanan ng sosyalisasyon at integrasyon.

- Bagamat magkahiwalay na sistema ang wika at kognisyon, napakatalik naman ng kanilang ugnayan.

- Ayon kay Plato: “Ang wika ang siyang pangunahing kaparaanan ng tao sa pag-iisip.”

- Sa isang maka-uring lipunan, ang wika ng pagtuturo ay hindi lamang isang isyung pedagogikal kundi pulitikal.

PATAKARANG PANGWIKA SA EDUKASYON:

KASAYSAYAN

BILANG ASIGNATURA- Ang isyu ng wikang pambansa at ang

isyu ng wikang panturo ay dalawang salik ng usaping pangwika.

- Ang pagtutuunan ng pansin ay ang ang isyu ng wikang panturo lamang. Para sa may-akda, ang isyu ng wikang pambansa ay napagpasiyahan na, hindi de-jure (pamahalaan) kundi de-facto (masang sambayanan).

- Ang kilusang pangwika na nagtataguyod sa wikang katutubo o bernakular bilang wikang opisyal at/o wikang pambansa at bilang wikang panturo ay supling ng kilusang makalabayan.

- Konstitusyon ng Biak –na-Bato ng Unang Republika ng Pilipinas: Tagalog ang opisyal na wika ng Republika.

- Gayunman, nang ang pamunuan ng Himagsikan at ng Ikalawang Republika at ng mga sumunod pa ay naagaw ng mga clase ilustrada y rica, ang mga saligang-batas na kanilang binalangkas (maliban sa Konstitusyon ng 1943) ay kakikitaan ng pagkabalani sa wika ng dati nilang kolonisador na kanilang naangkin.

- Sa Programa Constitucional de la Republica Filipino ni Mabini: sinasabi na dapat na ituro sa primarya ang pagbasa, pagsasalita at pagsulat sa Tagalog na siyang wikang opisyal.

- Apatnapu’t dalawang taon ang lumipas bago tuluyang nakapasok sa mga paaralan ang wikang pambansa

- Kautusang Pangkagawaran Blg. 1 (serye 1940): ituturo ang wikang pambansa sa lahat ng paaralan bilang asignatura sa ikaapat na taon ng mataas na paaralan at sa mga kolehiyong pangguro.

- 1943: itinagubilin ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng publiko’t pribadong paaralan at kolehiyo.

- Kautusang Pangkagawaran Blg 22 (serye 1978): inatas ng Ministri ng Edukasyon at Kultura ang paglalakip ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat ng programang kurikular ng mga kolehiyo, publiko’t pribado, simula sa unang semestre ng taong pasukan 1979-1980, maliban sa kurikular ng Edukasyong Pangguro na ang kahingian ay manatiling 12 yunit.

BILANG WIKANG PANTURO- Tinagubilin ni Pres. Willian McKinley

noong 1900 sa komisyong pinamunuan ni William Taft na “primary instruction should be given in the first instance in every part of the island in the language of the people.”

- Ngunit ipinasya nilang gamitin ang Ingles bilang tanging wikang panturo mula primarya hanggang antas tersyaryo.

- 57 taon ang nagdaan bago ginamit ang bernakular bilang wikang panturo sa una’t ikalawang baitang ng mababang paaralan.

- Ang pasyang ito ay ibinatay sa kinalabasan ng eksperimento sa Iloilo (1948-1954) na sa unang yugto ng pagkatuto, ang nilalaman ng edukasyon ay higit na madaling makuha sa bernakular kaysa Ingles.

- Gayundin, sinabi rin na ang literasi sa bernakular ay mas nagtatagal dahil malamang na ang mga babasahin sa pamayanan ay nasa bernakular sa halip na sa Ingles.

- Sinegundahan ang kapasyahang ito ng rekomendasyon ng UNESCO noong 1951 na...

…pupils should begin their schooling through the medium of the mother tongue, because they understand it best and because to begin their school life in the mother tongue will make the break between home and school as small as possible…

- Sa pagsigabo ng kilusang makabayan sa ikalawang hati ng sisenta, sa pagkatantong naging wika na ng masa ang Pilipino, ginamit ito ng mga aktibistang mag-aaral sa kanilang gawaing pulitisasyon.

- Ibinunga ng siglang makabayan ang pagkakatatag ng Departamento ng Pilipino at Panitikan ng Pilipinas sa Kolehiyo ng Agham at Sining sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1966.

- Noong 1968, nagpasya ang ilang mga guro ng naturang kolehiyo na gamitin na gamitin ang Pilipino sa pagtuturo ng kani-kanilang mga asignatura.

- 1969, pinagtibay ng kaguruan ng kolehiyo ang pagpapahintulot sa paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo sa alinmang kurso sa kolehiyo.

- Noong 1971,pinagtibay ng Unibersidad ang patakarang pagkakapantay ng wikang Ingles at Pilipino. Maaari nag ipalit ang mga kursong Pilipino sa Programa ng Masaklaw na Edukasyon (General Education Program) sa mga kursong Ingles na dati ay siya lamang inaatas.

- Resolusyon Blg 45, serye 1969: pinagtibay nito ang paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo sa una hanggang ikaapat na baitang ng mababang paaralan sa buong kapuluan.

- Nang sumunod na taon itinagubilin ng Presidential Commission to Survey Philippine Education: una, Pilipino ang magiging pangunahing wikang panturo ng bernakular sa unang dalawang baitang.

- Ikalawa, Pilipino at Ingles ang magiging wikang panturo sa mataas na paaralan at sa kolehiyo.

- Ngunit di pa man naipatutupad, napalitan na ito noong 1974 ng Patakarang Bilingwal.

…Bilingual education is defined operationally as the separate uses of Pilipino and English as media of instruction in definite subject areas, provided that additionally, Arabic shall be used in the areas where it is necessary..Pilipino shall be used as medium in the following subject areas: social studies/social sciences, character education, music and arts; English for sciences, mathematics and technology.

…English and Pilipino shall be taught as language subjects in all grades in the elementary and secondary schools to achieve the goal of bilingualism…

WIKANG PANTURO:

ISYUNG PULITIKAL

INSTRUMENTO NG KOLONISASYON NG ISIPAN:- Ang isyu ng wikang panturo ay

hindi lamang pamimili sa Ingles, isang banyagang wika, o sa Pilipino, isang katutubong wika. Pinasalimuot pa ito ng sitwasyong multilinggwal ng bansa. Dapat ba ito sa Pilipino, ang wikang opisyal, o sa bernakular?

- Ang paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo ay mahigpit na tinututulan, hayag man o patago, hindi lamang ng mga maykapangyarihan kundi maging ng mga edukador, publiko’t pribado, na magbalik sa paggamit ng Ingles bilang tanging wikang panturo sa lahat ng antas.

- Ang paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo ay mahigpit na tinututulan, hayag man o patago, hindi lamang ng mga maykapangyarihan kundi maging ng mga edukador, publiko’t pribado, na magbalik sa paggamit ng Ingles bilang tanging wikang panturo sa lahat ng antas.

- Simula pa ng pag-iral ng edukasyon bilang isang institusyong panlipunan, hindi na ito neutral. Pinaglingkuran nito at patuloy na pinaglilingkuran ang interes ng nakapangyayaring uri.

- Bilang dating kolonya ng Espanya, sumunod ng Amerika, mauunawaan na ang patakarang pang-edukasyon at pangwika ng mga kolonisador ay naglalayong panatilihin tayo bilang bihag ng sambayanan.

- Benevolent assimilation- Pag-awit ng mga mag-aaral ng

Star-Spangled Banner at pagkabisa ng Gettysburg Address

- Patakarang pangwika ng mga Amerikano na gawing Ingles hindi na lamang bilang isang asignatura kundi higit na mahalaga kundi bilang wikang panturo.

- Ang patuloy na mis-edukasyon at pagkabihag ng isipan hindi lamang ng mga mag-aaral kundi maging ng administrador at edukador ay siyang nagpapanatili sa mala-kolonyal at maka-uring katayuan ng kasalukuyang sistemang pang-edukasyon. Nangyayari ito sa pamamagitan ng kurikulum at wikang panturo.

- Natuklasan sa mga pananaliksik at pag-aaral na isinagawa na hindi mabisang wikang panturo ang Ingles.

- Sa pag-aaral na ginawa ng Monroe Survey Commission, lumitaw na ang mga mag-aaral na Pilipinong nasa ikaapat na baitang ay kapantay lamang ng Amerikanong mag-aaral na nasa ikalawang baitang.

- Gayundin, ang kakayahan sa pagbasa ng isang tapos sa mataas na paaralan ay katumbas lamang ng sa Amerikanong nasa ikalimang baitang. Lumabas tuloy na mapupurol ang mga Pilipino.

- Sinuhayan nito ang palagay ng mga Amerikano na ang edukasyong marapat lamang sa mga Pilipino ay yaong maghahanda sa kanila upang maging manggagawa.

- Napansin na ang kalidad ng pagtuturo ng Ingles ay napansing bumababa na mahalagang salik sa pagbaba ng kasanayan ng mga mag-aaral sa wikang Ingles.

- Isinaad na ang kalagayang ito ay bunga ng paglipat ng mga mahuhusay na guro sa Ingles sa higit na mataas na suweldong gawain.

- Isinisi rin ito sa Patakarang Bilinggwal na sa bugso ng nasyonalismo ng sisenta ay nagbigay ng ibayong diin sa pagyabong at paggamit ng wikang Pilipino.

- Ang tunay na sanhi: ang patakaran ng wikang panturo na noong pa mang 1924 ay natukoy na ng Monroe Survey Commission. Pinansin nito na…

- ..instruction in Philippine schools faced a language handicap. The children from their first day in school had to master a strange tongue and carry on school work in it. No other country has ever attempted to carry such a load…

- Paano aasahang matutong mabuti ang mga mag-aaral kung sa simula pa lamang ay sagabal na ang mismong kaparaanan ng pagkatuto?

- Naging palatanggap na lamang ang mga mag-aaral ng kaalamang pang-aklat na isinusubo sa kanila ng mga guro na hindi rin mapanuri at palaasa na lamang sa mga batayang aklat.

- Sa panig naman ng mga guro’t iskolar, kanilang tinanggap ng walang labis-walang kulang ang mga kanluraning Amerikanong perspektiba’t metodolohiya.

- Hindi nakakabalangkas ng sarili na mas aangkop sa pagsapol at pag-unawa sa mga realidad ng sariling lipuna’t kultura.

- Inakala rin nilang ang pagtuturo ng Ingles ay hahantong sa pagpapayaman ng mga demokratikong konsepto.

- Ngunit sa halip na maging kaparaanan ng pagsasakaganapan ng mga demokratikong ideyal ang sistemang pang-edukasyon at wikang panturo, kapwa ito tumutulong sa pagpapanatili ng mga panlipunan at pangkabuhayang di-pagkakapantay-pantay.

- Nauwi ang sistemang pang-edukasyong sa mataas na uri ng edukasyon para sa mayaman at mababang uri naman para sa mahirap.

- Sa kabila ng pagiging sapilitan at walang bayad ang edukasyong primarya, kalahati lamang ng buong bilang ng kabataan ang nasa paraalan.

- Apatnapu’t limang bahagdan ng nasa ikaanim na baitang ay “functionally illiterate”.

- Samakatuwid, paano magkakaroon ng edukasyon para sa demokasya kung ang wika ng paaralan ay hindi siyang wika ng sambayanan? Paano makakalahok ang taumbayan sa mga talakayang publiko na siyang kalikasan ng demokratikong pamahalaan, kung ito’y hindi sa wika nila ginagawa?

- Inatasan ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng edukasyon na palakasin ang Ingles bilang wikang panturo, kaugnay ng pagtatangka ng bansa na maging industriyalisado.

- Ayon sa kanya: “..National pride requires a national language for transmission of learning, yet no Filipino educator dares today to attempt a monolingual policy to use Pilipino as our language of instruction. Such course could seriously impair the acquisition of knowledge on your society.”

- Sa kabila ng mahigit na walumpung taong pagiging halos tanging wikang panturo ng Ingles, napag-iiwanan ang bansa ng kanyang mga kalapit-bansa sa Timog-Silangang Asya sa larangan ng edukasyong siyentipiko’t teknikal.

INSTRUMENTO NG PAGPAPALAYA SA ISIPAN:- Dahilan sa kalikasan ng

edukasyon at sa garantiyang konstitusyunal ng kalayaang pang-akademiko, mabibigyang-buhay ang anti-tesis niyon: isang makabayang edukasyon.

- Sasagutin ng makabansang edukasyon ang katanungang “para kanino ang edukasyon?” at dapat na nakapaloob sa sagot ang kapasyahan hinggil sa usapin ng wikang panturo. At ito, hindi maiiwasan ay pulitikal bukod sa pagiging pedagogikal. Ang wika ng makabayang edukasyon ay ang wikang Filipino.

- Napag-alaman sa pag-aaral ng bilinggwalismo na mahirap matamo ang pantay o magkaagapay na bilinggwalismo (coordinate bilingualism). Laging mangingibabaw ang isa sa isa.

- Sa kaso ng mga Pilipino, higit na mas sanay sa Filipino kaysa sa wikang Ingles dahil malapit ang una sa ating wikang kinalakihan.

- Sa sukatang isang libong basal na salitang Tagalog na sinasabing pangunahing batayan ng Filipino, ito ay 59.6 % na kapareho ng Pampango; 48.2 % ng Sebwano; 46.6 % na Hiligaynon, 41.3 % ng Ilokano; 30 % ng Tausug at 29.16 % ng Pangasinan. Ang mga ito ang paunang ambag ng mga pangunahing wika sa noo’y Pilipino.

- Sa isang pag-aaral na isinagawa sa loob ng apat na taon, napag-alaman na ang mga batang tinuruan sa Filipino ay kasinghusay na nakababasa’t nakasusulat sa kani-kanilang bernakular gayong hindi pormal na tinuturuan.

- Pinabulaanan nito ang paratang na ang Filipino ay kasing banyaga ng Ingles para sa ibang grupong etnolingwistiko, maliban sa Tagalog, yamang ang Tagalog ang pangunahing batayan ng Filipino.

- Walang dahilan upang hindi maituro ng guro sa Filipino ang kanyang kurso kung alam lang din niya ito.

- Ang kakulangan ng mga kagamitang panturo ay bunga ng kawalan ng pangangailangan. Samakatuwid, ang kakulangan ng materyales ay hindi dapat na maging dahilan upang hindi gamitin ang wikang Filipino.

Hindi ang wika ang sahol kundi ang gumagamit.

- Natuklasan ng mga gurong gumagamit ng Filipino ang mapagpalaya nitong bisa.

- Napadali ang pagkatuto dahil naalis ang sagka sa malayang daloy ng kaalaman. Yamang sanay na sa kasangkapan ng pagkatuto, higit na napagtutuunan ng mga mag-aaral ang leksyon.

- Palibhasa’y naunawaan nila, higit silang naging mapagsuri’t mapanuri. sa pagtalas ng isipan, matiwala nilang naipapahayag ang kanilang iniisip.

Hindi matatamo ang tunay na kaunlaran at kasarinlan hangga’t hindi nakakalaya

sa kamangmangan at karalitaan ang masa.

KONKLUSYON

- Filipino ang itinataguyod na wikang panturo sa lahat ng antas.

- Lilinangin ng bernakular ang rehiyunalismo kaya makakasagabal sa pagkakaisang pambansa.

- Hindi mamamatay ang bernakular sa paggamit ng Filipino. Patuloy itong gagamiting wika ng tahanan, ng pamayanan at rehiyon; gayundin, bilang katulong na wikang panturo sa lahat ng antas.