46
Install driver SyncMaster 920NW

Virgilio A. Rivas Institute for Cultural Studies...Sa kabuuan, talaban ito sa pag-iral sa pagitan ng soberaniya at pusis, ng humanismo at natura. Pero, mula sa . paunang pagsambulat

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Virgilio A. Rivas Institute for Cultural Studies...Sa kabuuan, talaban ito sa pag-iral sa pagitan ng soberaniya at pusis, ng humanismo at natura. Pero, mula sa . paunang pagsambulat

Virgilio A. Rivas Institute for Cultural Studies Polytechnic University of the Philippines Pambungad

Ano ang meron sa talaban ng katipunan (basa: kati-punan) at anthropocene? Bago ang lahat, gagamitin ko ang katagang meron ayon sa pagsasalin ng banyagang katagang “Being” o Sein sa Aleman sa wikang Filipino ni Father Roque Ferriols, S.J. bilang meron.

Nabanggit ko ang katagang talaban bilang obheto ng pagmemeron o paghahalungkat sa isang uri ng pag-iral—mula doon ay sisikapin kong ipatampok ang pagmemeron ng talaban o affectation sa Ingles sa umiiral na relasyon sa pagitan ng dalawang konseptong nabanggit.

Pero bago pa lumalim ang usapan, may obligasyon akong ihayag ang pagkiling ng papel na ito.

May kinikilingan akong kaisipan at iyon ay nagsasabing may kakayanang gumanap ang konsepto, o ang sinasabi sa ‘critical theory’ na performative concept or principle. May pag-iral na tinatanghal ang mga konsepto, taliwas sa pananaw ng bulgar na materyalismo at maging ng atrasadong materyalismo ni Jean-Paul Sartre.

Minsang nagwika ang pala-isip na Pranses na ito na walang kakayanan ang ‘matter’ o pisikal na substance na sumalungat sa anumang puwersa, o ang sinasabi niyang inertness ng matter. Sa pagsusuma, anthropocentric ang pananaw ni Sartre sa pag-iral o existence, dangan kasi walang pag-iral kung walang maghahandog ng puwersa sa pag-iral, at kailangang may angking soberaniya ang paghahandog na ito. At kung itinuturing ni Sartre na ang tao ay

Page 2: Virgilio A. Rivas Institute for Cultural Studies...Sa kabuuan, talaban ito sa pag-iral sa pagitan ng soberaniya at pusis, ng humanismo at natura. Pero, mula sa . paunang pagsambulat

may ganap na soberaniya ng pagganap kumpara sa mga bagay na walang kaluluwa, kundi man mapagpaliban sa paggampan, nangangahulugan lang na ang tao ang tunay na lumilikha ng kaayunan ng buhay sa pagganap nito sa buhay. Pero, inspirasyong Cartesian ito—dahil tao lang ang tinuturing na may soberaniya sa pagganap. Nakaligtaan dito na may mga sinaunang kaayusan o talabang umiiral bago pa pumutok ang maligalig na orgasmo ng pag-iral na lumikha sa malikot na intelihensya sa uniberso o kosmos.

Pusis sa wikang Griyego o sabihin nating Natura sa Latin. Ito ang nakaligtaan ng pala-isip na si Sartre at ng mga tagapagmana ng kaisipang materyalismo sa kontemporaryong panahon. Nakaligtaan nila na may pusis at naturang umiiral na tunay ngang mapagpaliban sa pagganap (hindi inert gaya ng pagtingin ng pamosong eksistensyalistang Marxista na natutunan niya kay Engels). Tinawag ito ng pala-isip na Alemang si Heidegger na ‘withdrawal’ o withdrawal from interest kung ibabangga ang konsepto ng withdrawal na ito sa konsepto ng interest na lupos ang pagkiling sa soberaniya ng tao. Taliwas sa ligalig ng simbuyo o desire na bumabalot sa konsepto ng soberaniya ang konsepto ng withdrawal ng mga bagay na mapagpaliban. Salungat ng pagkaligalig ang pagpapaliban. Sa pagsusuma, napaikot si Sartre ng sariling pagmemeron ng kanyang pagsasakonsepto ng soberaniya, isang uri ng paggampan (performative) na rin, upang itanggi sa kalaunan na may kapangyarihan ang pagsasakonsepto na mag-dagdag-bawas sa kameronan ng obheto ng pagsasakonsepto (walang obheto na hindi naisakonsepto). Masasabi tuloy na performative contradiction ang pagsasakonsepto ni Sartre na ‘inert’ ang matter. Taliwas sa inakala, patunay lamang ito na tumalab ang ‘inertia’ ng matter sa pagmemeron ni Sartre sa pamamagitan ng pagpapaliban ng matter, ng withdrawal (pagpapaliban o pag-urong, deferral) nito sa pagmemeron ng interes ng soberaniya.

Baka ito ang talabang hinahanap ng papel na ito, talaban sa pag-iral sa pagitan ng ligalig ng soberaniya at pagpapaliban ng mga bagay. Sa kabuuan, talaban ito sa pag-iral sa pagitan ng soberaniya at pusis, ng humanismo at natura. Pero, mula sa

Page 3: Virgilio A. Rivas Institute for Cultural Studies...Sa kabuuan, talaban ito sa pag-iral sa pagitan ng soberaniya at pusis, ng humanismo at natura. Pero, mula sa . paunang pagsambulat

paunang pagsambulat ng ating kritisismo sa Cartesianismo ni Sartre, tinuturing nating negatibo ang talaban na ito. Sa dulo ng panayam na ito, ibabangga ko ang talaban na ito sa talabang kinikilingan ng papel na ito—ang talaban ng katipunan (assemblage) at anthropocene.

Ano ang Anthropocene?

Ayon sa mga datos na nalikom simula ng huling nagdaang anim na dekada, nagkaroon ng pagkakasundo ang mga siyentipiko na di umano’y may nagaganap na kakaibang pagmemeron ang talabang umiiral sa pagitan ng soberaniya at pusis.

Kung dati’y sigurado sila na ang kaganapan ng pag-iral ng planeta ay sumasakto sa representasyon ng agham ng heolohiya na tinatawag na Holocene, hindi na ngayon dahil ang mga datos ng mga nakaraang dekada’y nagpapameron sa panibagong sukat ng pag-intindi sa talabang nagaganap sa pagitan ng soberaniya at natura o pusis. Hindi na sumasakto dahil may pagpapalibang nagaganap, o withdrawal na sinasabi ni Heidegger—hindi na umaayon ang datos sa paradigma ng Holocene na dating itinuturong paradigma ng ebolusyon ng pinaka-kontemporaryong heolohikal na kaayusan ng planeta, kasama na ang mga pisikal na pagbabago sa espero ng buhay sa loob ng kaayusang ito, o ang natural na proseso ng pagbabago na may sinusunod na batas, batas ng pusis.

Sa kabila ng pagiging moderno, at kumpara sa kalawakan ng uniberso, masasabing hindi sapat ang alam ng agham tungkol sa mga batas na ito, marami sa kaalaman nito’y sapantaha, patunay na may natural na proseso ng pagpapaliban ng pusis, ng pagmemeron ng pagpapaliban ng natura na ibunyag ang kanyang mga sekreto. Pero sekreto ito ng mga nakaraang pagmemeron ng pusis bilyon-bilyong taon na ang nagdaan, ayon na rin sa agham, at patuloy pa rin ang pagpapaliban ng naturang ito sa kanyang pagganap sa sariling conatus o puwersa ng buhay na walang pagpanaw. Kaya’t kahit ngayong napakaunlad ng agham, maligalig pa rin ito sa pagbabakasaling tumalab ang eksperimento, teorya at

Page 4: Virgilio A. Rivas Institute for Cultural Studies...Sa kabuuan, talaban ito sa pag-iral sa pagitan ng soberaniya at pusis, ng humanismo at natura. Pero, mula sa . paunang pagsambulat

ipotesis sa kinikilos na pagpapaliban ng natura, hanggang sa sumulpot ang anthropocene.

Maituturing ang anthropocene na kasukdulan ng lahat ng paradigma ng agham. Bakit hindi? Kung ang lahat ng inipong dumi ng tao at ng mga kagagawan ng malalaking tao’y nagbubunying baguhin ang pagmemeron ng pusis sa kanyang natural na pagpapaliban, sa pamamagitan ng paglikha ng sapat na kondisyon upang tumalima ang pusis sa interes ng progreso, maituturing na anthropocenic na nga ang kaganapan ng dominanteng pag-iral ng kabihasnan, ng pagmemeron nito laban sa natura. Sa dahilang ito, maling-mali na ang diyalektikal na materyalismo ni Sartre at ng modernista (o bagong Marxistang) tagapagmana nito dahil may pruweba nang ipinamamalas ang pagtalima ng pisikal na substance (pasalungat na tugon nito sa pagmemeron ng soberaniya, halimbawa, human-induced climate change), lalo’t higit sa panahon ng tumitinding krisis ng neoliberalismo. Lupos sa kaganapan na maituturing ang soberaniya ng anthropocene nang makamit nito ang sekreto sa pagtalima ng natura. At ang sekreto ay performative—ang sapilitang pag-iisang loob ng soberaniya at pusis.

Sa ganitong kondisyon, tuluyang wawasakin ng anthropocene ang dualismo ng pag-iral; bukas makalawa, wala ng silbi ang dati’y tampok na konsepto sa humanidades—ang salungatan ng nature at nurture, ng natura at kultura, pusis o soberaniya, ng kalikasan at tao. Dahil isa na lang ang meron—ang kaganapan ng anthropocene, ang bagong planeta.

Malaki ang magiging implikasyon ng pagwasak na ito ng dualismo sa pagpasok ng anthropocene. Dahil iisa na lang ang Meron, wala ng katuturan ang dati’y masalimuot na talaban sa pagitan ng unibersal at partikular, ng global at nasyunal, at maging ng bahaginan ng mga uri, sekswalidad, yaman, paggawa. Kamakailan lamang, matagumpay na naisabatas sa India ang panukala na itanghal na non-human persons ang mga lumba-lumba. Bilang ‘persons’ unti-unting wawasakin ng mga dolphins ang humanistikong pundasyon ng batas ng tao. May karapatan na rin ang kalikasan, at ang mga dating itinuring ng tao na taga-labas.

Page 5: Virgilio A. Rivas Institute for Cultural Studies...Sa kabuuan, talaban ito sa pag-iral sa pagitan ng soberaniya at pusis, ng humanismo at natura. Pero, mula sa . paunang pagsambulat

Pero, may kabalintunaan ito Wala ng labas dahil wala ng kawala sa loob, wala ng kawala sa sapot ng dominanteng soberaniya, ng kaganapan ng humanismo, ng ambisyon ng modernismo.

Wala na rin kasing kawala sa init na bumabalot sa planeta, ng climate change, ng global warming, o ng mga ahente ng apokalipsis sa himpapawid at karagatan, sa mga ilog, sa ilalim ng mga tectonic plates ng nagbabangayang kontinente. At kung ito na nga ang hudyat ng anthropocene ano na ang tawag sa tao? Kung dati ay may tao dahil may puwersang salungat sa pagmemeron nito (difference as a principle of identity) gaya ng pusis o natura, ngayong di-umano’y magkaisang-loob na ang lahat ng umiiral sa planeta, ano pa ang silbing tawagin tayong tao? Kung ang tao ay sa Holocene, post-human naman sa anthropocene. Post-human o android, maraming puwedeng itawag. Anupaman, interes ng android na lumikha ng panibagong talaban sa bagong yugto ng pag-iral; interes nitong lumikha ng panibagong dualismo sa pagitan ng android at ng bagong planeta; interes ito ng modernismo na noon pa man ay inaasinta na ang lupos na kaganapan ng soberaniya ng humanismo. At hayun na nga, dahil sa pagnanais na maging-pusis bangungot o distopya ang binunga.

Sa tulong ng makabagong teknolohiya at sa ngalan ng progreso, at upang manaig ang kabihasnan laban sa nakaka-iritang pagpapaliban ng pusis na nagsisilbing limitasyon sa progreso, kailangang lumikha ng kondisyon upang ganap na umalma ang natura. Simple lang, kailangang mag-astang natura, mag-astang pusis.

Pero, taliwas sa inaasahan, hindi natinag ang pusis dahil patuloy ang pagpapaliban nito hanggang sa lumapad ang agwat ng talaban ng kabihasnan at natura nitong sinasabing huling yugto ng Holocene. Sa siyentipikong pananaw ni James Lovelock, isang climate scientist, sa kanyang akdang “The Vanishing Face of Gaia: A Final Warning (2009),”nangangahulugan ito na inaabandona na tayo ng natura (tayo bilang kabihasnan, o tayo na dating tayo/tao ngayo’y abandonada/abandonado), bagay na dapat ikabahala sapagkat sa ganitong katulad na proseso ng paglapad ng agwat ng

Page 6: Virgilio A. Rivas Institute for Cultural Studies...Sa kabuuan, talaban ito sa pag-iral sa pagitan ng soberaniya at pusis, ng humanismo at natura. Pero, mula sa . paunang pagsambulat

natura at pag-iral sa planeta ay nalipol, limang beses na ito sa kasaysayan ng mundo, ang buhay sa loob ng kaayusan nito.

Habang lumalapad ang agwat ng soberaniya sa natura sabay namang natutuyuan ng suplay ang kabihasnan, o enerhiya ng planeta na unti-unting binabawi ng pusis. Ayon kay Lovelock, ang pagbawi na ito ng pusis ay indikasyon na nauulit ang siklo ng extinction habang abala ang pusis sa paglikha ng panibagong talaban na malinaw na hindi na pumapabor sa interes ng kabihasnan, at mas masahol, sa interes ng patuloy na paggulong ng buhay sa loob ng bagong kaayusan ng anthropocene. Sa paglapad ng agwat nito sa kabihasnan, lumilikha ang pusis ng panibagong uri ng talaban kung saan wala sa ekwasyon na mapabilang sa proseso ang patuloy na pag-iral ng kabihasnan habang mabilis na natutuyuan ng suplay ang palumang sistema ng pag-iral sa planeta.

Pero, bago pa magunaw ang mundo, dadako na ako sa huling yugto ng papel na ito na may kinalaman sa Katipunan (basa: kati-punan o assemblage) at kung paano nito sinasalungat ang apokalipsis ng modernismo.

Ang Katipunan at ang Modernismong Konsepto ng “End Times”

Kanina, sa pambungad, nasabi ko na ako ay partisano ng kaisipang nagtatanghal sa kakayanan ng konseptong gumampan o magpaganap (performative). Sa kabuuan, sinasalungat ng performative ang kaisipang may natural na orihen o ontological origin ang mga bagay. Kung may paglikha, naroon ang performance o pagganap (malapit ito sa konseptong pinasikat ni Stiegler na ‘non-origin’ o ‘default of origin), dahilan upang maging vulnerable sa atake ng ilusyon ang pagganap sa pag-iral dahil na rin sa kawalan ng natural na orihen ng mga bagay na umiiral. Walang natural na pamantayan ang pagganap maliban sa dinidikta ng interes; walang natural na moralidad na kaakibat ang pagganap. Dito nagiging self-prophetic ang performance.

Page 7: Virgilio A. Rivas Institute for Cultural Studies...Sa kabuuan, talaban ito sa pag-iral sa pagitan ng soberaniya at pusis, ng humanismo at natura. Pero, mula sa . paunang pagsambulat

Sa kawikaan ni Manuel Delanda, labanan sa espasyo ang direksyon ng di-patas na talaban ng modernismo at ng umuusig dito. At dahil nga wala namang natural na umiiral na pag-iisang loob ng kameronan ng pusis (global concept of Nature), walang maituturing na common space o common world; ang meron lang ay multiple o multiple dualities na may potensyal na magtalaban na siyang lilikha ng kamunduhan (hindi ng mundo). Samakatuwid, walang ‘global’ bilang konsepto ng kameronan ng mundo.

Bilang mag-aaral ng kasaysayan, hindi na kaila sa atin ang ambisyon ng kolonyalismong Atlantiko—ang pag-isang-loob ng mundo sa kabila ng mga nagbabangayang korona sa Europa gamit ang makinaryang militar at komersyo noong ika-19 na siglo. Ito ang unang pagtatangkang global sa kasaysayan ng tao simula ng matuklasan ni Magellan ang rutang paroo’t parito sa karagatan ng planeta. Maituturing kung gayon na fluido ang konseptong global. Hatid ng alon ng dagat ang ambisyon ng Modernismong Atlantiko. Ang korelasyon ng dagat at modernismo ay di-makakaila. Maliban sa tsunami, red tide at ilan pang balang sakuna na hatid ng dagat, hatid ng alon nito ang apokalipsis ng soberaniyang Atlantiko.

At tama lang na usigin o paghandaan ng katipunan (assemblage) ng lupa (kapatagan at kabundukan) ang apokalipsis na ito. Insureksyon ng lupang-tinubuan laban sa apokalipsis ng dagat, laban sa modernismo ng paroo’t parito ng mapanupil na konseptong global. Hatid ng dagat ang kaisipang global, ang pag-iisang loob ng mundo; hatid din nito ang malalaking alon na maglilibing sa mga lokal na porma ng pag-iral, na magwawaksi sa lupa upang angkinin ng soberaniyang global. Ang lahat ng mga pag-uusig laban sa modernismo ay tama lang na maganap sa kabundukan, lalo’t sa mga bahaging hindi kayang abutin ng alon. Kaya’t may obligasyon sa mga pag-uusig na ito na protektahan ang mga nakaangat na bahagi ng lupa na tinutubuan ng lokal na pag-iral, ng pusis at ng tao, o sa wika ng La Liga Filipina, ng “catipunan [o assemblage] na malago, masicap at iisa ang loob.” Ang pag-iisang loob ng kapuluan ay performative na laban sa global. Lokal laban sa global. Insureksyon laban sa apokalipsis.

Page 8: Virgilio A. Rivas Institute for Cultural Studies...Sa kabuuan, talaban ito sa pag-iral sa pagitan ng soberaniya at pusis, ng humanismo at natura. Pero, mula sa . paunang pagsambulat

Pero, paano mananaig ang insureksyon laban sa napakalaking alon ng apokalipsis sa ngalan ng modernismong soberaniya? Paano nga ba?

Ang tugon ng ating mga bayani (na makikita sa layunin ng La Liga Filipina) ay isang ‘catipunang malago, masicap at iisa ang loob,’ katipunan o assemblage approach sa pilosopiya ni Deleuze at Guattari.

Naudlot ang La Liga, pero ang assemblage approach na ito ay pinagpatuloy naman ng KKK, o Katipunan. Diskarteng pulu-pulutong gaya ng ayos ng arkipelago—diskarte sabi nga ni Deleuze, isang anti-modernistang pala-isip, kung paano maging katulad ng lupa na nabubuo sa pagtitipon at paghahawaan sa isa’t-isa ng mga granula ng bato o putik. Ganito rin ang diskarte o performance ng Katipunan sa paglikha ng talaban o affectation ng mga kasapi upang magtipon-tipon na parang lupa laban sa alon ng apokalipsis bunsod ng kolonyalismong Atlantiko. Matutunghayan ang assemblage/affectation approach na ito sa ikapitong utos ng Dekalogo ng Katipunan:

“Ang kaugalian natin sa ating sarili at pagtupad sa ating tungkulin ay siyang kukunang halimbawa ng ating kapwa.”

Malinaw na utos ng Dekalogo na labanan ang alon ng modernismong gumaganap na android sa ngayon, nag-aastang post-human sa pagpasok ng anthropocene sa pamamagitan ng muling pag-iisang loob ng arkipelago, sa pagganap na muli ng lokal na pag-iral laban sa performance ng soberaniyang global—ang dambuhalang ahente ng apokalipsis. Malinaw na utos ng Dekalogo na pigilan ang pagpasok ng anthropocene, kundi man paghandaan ang mga naka-ambang alon ng apokalipsis.

Konklusyon

Wala ng bago pa sa ambisyon ng modernismo. Pero marami na ang nagbago sa mundo magmula nang mabigo ang maka-modernong iskema ng pagbabago na tinitignan ang paroon o ang bukas bilang

Page 9: Virgilio A. Rivas Institute for Cultural Studies...Sa kabuuan, talaban ito sa pag-iral sa pagitan ng soberaniya at pusis, ng humanismo at natura. Pero, mula sa . paunang pagsambulat

pamantayan ng pagsulong, o pangarap ng paglago at pag-ahon. May pangarap ang bukas, ika nga. Ito ang ilusyon o metapisika ng pagsulong ng modernismo; agresibong pagsulong hanggang sa marating ang sukdulan sa pagpasok ng anthropocene.

Magmula nang mangyari ang Holocaust, magmula nang mabigo ang komunismo, hanggang sa lumalalang krisis ng neo-liberalismo, hanggang sa kasalukuyang estado ng pisikal na pag-iral ng pusis o natura na unti-unting tinutungo ang landas ng extinction (may limang beses nang naganap ang malawakang pagkalipol ng buhay sa planeta, milyon-milyong taon na ang nagdaan; tinatayang ang panahon natin ay pang-anim), unti-unting nauubusan ng pangako ang dako paroon, o ang daan sa kinabukasan. Kung meron pang pangako ang paroon, iyon ay landas ng kawalan, ng extinction, ng distopya, ng pagkaubos ng pagkain, ng tubig na maiinom, ng langis; ng pagsiklab ng kaguluhan. Kung totoo man ito, gaya ng sinasabi sa pinakabagong ulat ng IPCC (Intergovernmental Panel on Climate Change) hinggil sa climate departure timetable, hindi naman tamang isuko ang pagka-meron (Being) sa pahibalo ng Kawalan (Nothingness) hatid ng apokalipsis. Kung wala ng bukas may nakaraan na puwedeng balikan, kapulutan ng aral.

“Only the past can save us,” sabi ng estudyante ko. Tugon ko sa kanya, “The promise of resurrection lies not in the future but behind us.”

Sa kontemporaryong idyoma ng palaisip na anti-modernistang Aleman na si Peter Sloterdijk, ang tanging panlaban sa kawalan ng kaseguruhan ng bukas dulot ng climate change ay ‘mutual immunity’. May dalawang siglo na ang nagdaan, ganito rin ang sinabi ng La Liga na pinagpatuloy sa Dekalogo ng Katipunan. May limang layunin ang La Liga, pero magbabanggit lang ako ng tatlo na nauukol sa bagong hamon ng ating panahon:

Una, ‘pisanin ang lahat ng Arkipelago sa isang catipunang malago, masicap at iisa ang loob’;

Pangalawa, ‘damayan sa balang sacuna at cailangan sa buhay’;

Page 10: Virgilio A. Rivas Institute for Cultural Studies...Sa kabuuan, talaban ito sa pag-iral sa pagitan ng soberaniya at pusis, ng humanismo at natura. Pero, mula sa . paunang pagsambulat

At pangatlo, ‘masaquitan sa anomang ligalig at calapastanganan.”

Sanggunian

Anderson, Benedict. Under Three Flags. Anarchism and the Anti-Colonial Imagination. London: Verso, 2005.

Cohen, Tom (ed.).Telemorphosis. Theory in the Era of Climate Change. Vol. 1. Michigan: Open Humanities Press, 2012

De Bevoise, Ken. Agents of the Apocalypse. Epidemic Disease in the Colonial Philippines. Princeton, New Jersey: Princeton University Press, 1995.

Delanda, Manuel. A New Philosophy of Society. Assemblage Theory and Complexity. London: Continuum, 2006.

Deleuze, Gilles and Felix Guattari. A Thousand Plateaus. Capitalism and Schizophrenia. Translated by Brian Massumi. London and Minneapolis: University of Minnesota Press, 1987.

Ellsworth, Elisabeth and Jamie Kruse (ed.). Making The Geologic Now. Responses to Material Conditions of Contemporary Life. Brooklyn, New York: Punctum, 2012.

Ferriols, Roque. Pambungad sa Metapisika. Quezon City, Philippines: Office of Research and Publication, Ateneo De Manila University, 1997.

Heidegger, Martin. Basic Writings of Martin Heidegger. Edited by David Farrell Krell. London: Routledge, 1993.

Lovelock, James. The Vanishing Face of Gaia. A Final Warning. New York: Basic Books, 2009.

Page 11: Virgilio A. Rivas Institute for Cultural Studies...Sa kabuuan, talaban ito sa pag-iral sa pagitan ng soberaniya at pusis, ng humanismo at natura. Pero, mula sa . paunang pagsambulat

San Juan, Jr. E. Rizal in Our Time. Essays in Interpretation. Manila: ANVIL, 2011.

Sloterdijk, Peter. You Must Change Your Life. On Anthropotechnics . Translated by Wieland Hoband. Cambridge, MA: Polity, 2012.

Stiegler, Bernard. Acting Out. Translated by David Barrison, Daniel Ross and Patrick Cogan. Stanford: Stanford University Press, 2009.