6
Volume 1, Issue 1 Iyosan, Almeria, Biliran Hunyo– Disyembre 2011 Congressman Roger Espina, namigay ng bag ni Meralie P. Capangpangan APAT NA KABATAAN MULA sa ating paaralan ang makakapunta ng Provincial Meet ngayong Nobyembre 17-18,2011 sa Larraza- bal, Naval, Biliran. Sila ay sina Jonil Cabidog at Daylen Destor ng Grade V, Christine Joy Juanes at Fred Mark Sina Cong. Roger Espina at Dra. Cicelle Espina (gitna) kasama ang mga guro na pinamumunuan ni Maam Maritess Arancina, ang butihing School Head natin. (SRBP) Ang Opisyal na Pahayagan ng Iyosan Elementary School YEHEEY!!! Makikita ang mga ngiti sa mga labi ng mga mag-aaral sa Unang Baitang habang tinatanggap nila ang bago nilang bag na ibinigay ni Dra. Cicelle Espina,ang maybahay ni Cong. Roger Espina. ( SRBP ) NAMIGAY NG BAGONG school bag si Congressman Roger Espina sa mga mag-aaral sa Unang Baitang noong Agosto 12,2011. May 22 bata sa Unang Baitang ang nabigyan ng bagong school bag. Kasama ng Congressman ang kan- yang butihing maybahay na si Dra. Cicelle Espina sa pa- mamahagi ng mga school bag. Tuwang-tuwa naman ang mga bata nang tanggapin nila ang kani-kanilang bagong bag. Pagkatapos mamigay ng bag ay kinausap ni Cong. Espina ang mga guro tungkol sa mga problema ng paaralan. Hindi naman inaksaya ng mga guro ang pagkakataon upang ipaalam kay Cong. Espina ang mga kailangan ng ating paaralan. Idinaing ng mga guro ang hindi pa natatapos na pagpapapader ng paaralan dahil sa kakulangan ng ma- teryales. Nangako naman si Cong. Espina na magbibigay ng semento para sa pagpapa- pader ng ating paaralan at sa iba pang proyektong gagawin. Nagpapasalamat ang mga guro sa pangakong ito ng Congressman dahil malaki ang maitutulong nito para sa ikatutupad ng ating mga proyekto. Mataganas ng Grade VI. Ang mga isports na sasalihan nila ay athletics at swimming ayon sa pagkakasu- nod-sunod. Magsisimula ang pag- eensayo nila sa Nobyembre 12-15, 2011 sa ACS Upper Campus. May 63 atleta, 30 coaches at officiating officials ang pupunta doon. Lyceum The

TheLyceum - iyosanes.files.wordpress.com€¦ · Ang Opisyal na Pahayagan ng Iyosan Elementary School YEHEEY!!! Makikita ang mga ngiti sa mga labi ng mga mag-aaral sa Unang Baitang

  • Upload
    others

  • View
    19

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: TheLyceum - iyosanes.files.wordpress.com€¦ · Ang Opisyal na Pahayagan ng Iyosan Elementary School YEHEEY!!! Makikita ang mga ngiti sa mga labi ng mga mag-aaral sa Unang Baitang

Volume 1, Issue 1 Iyosan, Almeria, Biliran

Hunyo– Disyembre 2011

Congressman Roger Espina, namigay ng bag ni Meralie P. Capangpangan

APAT NA KABATAAN MULA

sa ating paaralan ang makakapunta

ng Provincial Meet ngayong

Nobyembre 17-18,2011 sa Larraza-

bal, Naval, Biliran.

Sila ay sina Jonil Cabidog at

Daylen Destor ng Grade V,

Christine Joy Juanes at Fred Mark

Sina Cong. Roger Espina at Dra. Cicelle Espina

(gitna) kasama ang mga guro na pinamumunuan

ni Maam Maritess Arancina, ang butihing School

Head natin. (SRBP)

Ang Opisyal na Pahayagan ng Iyosan Elementary School

YEHEEY!!! Makikita ang mga ngiti sa mga labi ng mga mag-aaral sa Unang Baitang habang tinatanggap

nila ang bago nilang bag na ibinigay ni Dra. Cicelle Espina,ang maybahay ni Cong. Roger Espina. ( SRBP )

NAMIGAY NG BAGONG

school bag si Congressman

Roger Espina sa mga

mag-aaral sa Unang Baitang

noong Agosto 12,2011.

May 22 bata sa Unang

Baitang ang nabigyan ng

bagong school bag. Kasama

ng Congressman ang kan-

yang butihing maybahay na

si Dra. Cicelle Espina sa pa-

mamahagi ng mga school bag.

Tuwang-tuwa naman ang

mga bata nang tanggapin nila

ang kani-kanilang bagong bag.

Pagkatapos mamigay ng

bag ay kinausap ni Cong.

Espina ang mga guro tungkol

sa mga problema ng paaralan.

Hindi naman inaksaya ng mga

guro ang pagkakataon upang

ipaalam kay Cong. Espina ang

mga kailangan ng ating

paaralan.

Idinaing ng mga guro

ang hindi pa natatapos na

pagpapapader ng paaralan

dahil sa kakulangan ng ma-

teryales. Nangako naman si

Cong. Espina na magbibigay

ng semento para sa pagpapa-

pader ng ating paaralan at sa

iba pang proyektong gagawin.

Nagpapasalamat ang

mga guro sa pangakong ito ng

Congressman dahil malaki

ang maitutulong nito para sa

ikatutupad ng ating mga

proyekto. ع

Mataganas ng Grade VI. Ang mga

isports na sasalihan nila ay athletics

at swimming ayon sa pagkakasu-

nod-sunod.

Magsisimula ang pag-

eensayo nila sa Nobyembre 12-15,

2011 sa ACS Upper Campus. May

63 atleta, 30 coaches at officiating

officials ang pupunta doon. ع

Lyceum The

Page 2: TheLyceum - iyosanes.files.wordpress.com€¦ · Ang Opisyal na Pahayagan ng Iyosan Elementary School YEHEEY!!! Makikita ang mga ngiti sa mga labi ng mga mag-aaral sa Unang Baitang

ANG BAGONG PROGRAMA

na K + 12 ng Department of

Education o DepEd ay isa sa mga

napakamahalagang programa na

dapat pagtuunan ng pansin ng

departamento sa ngayon.

Ayon sa statistics, kara-

mihan sa ating mga gwadradong

kabataan na nagdesisyong mag-

abroad upang makatulong sa kani-

kanilang pamilya ay kinailangan

pang mag-aral muli ng dalawang

taon kahit pa tapos na sila ng kole-

hiyo dito sa Pilipinas sapagkat ang

sistema ng edukasyon natin dito

ay hindi naaayon sa pandaigdi-

gang standard ng sistema ng

edukasyon.

magpapatuloy sa kolehiyo.

Kailangan dapat na ipakita

ng ating gobyerno ang buong

suporta nito para sa ika-

katagumpay ng programang ito. ع

Kaya naisipan ng ating

pamahalaan na iimplementa ang K

+ 12 program upang matugunan

ang problemang ito. Ito ay isina-

katuparan upang maging kapantay

din natin ang iba’t ibang bansa sa

Asya at Kanlurang bansa sa

larangan ng edukasyon.

Ang K + 12 program ay

binubuo ng Kindergarten at 6 na

taon sa Elementarya, 4 na taon sa

Junior High School at 2 taon sa

Senior High School. Ang hangarin

nito ay upang ang lahat ng mga

kabataang gagradweyt ng Senior

High School ay makatulong na sa

kani-kanilang pamilya sa

paghahanap-buhay kundi man sila

2 OPINYON The Lyceum Hunyo- Disyembre 2011

Editoryal

PATNUGUTAN

Punong Patnugot ……………………. Meralie P. Capangpangan

Pangalawang Patnugot ………………. Marjorie P. Valderosa

Tagapangasiwang Patnugot ……..………. Charlyn B. Caparro

Patnugot sa Balita …...……………………. Justine Q. Pecajas

Patnugot sa Lathalain ………………. Leizel Mae E. Ligoyligoy

Patnugot sa Pampalakasan …………. Hannibal B. Tanguihan

Patnugot sa Panitikan ………………. Christine Joy M. Juanes

Mahal na Patnugot,

Nais ko pong maliwanagan tungkol sa napapansin kong problema

sa Pintakasi ng ating paaralan. Marami kasing mga magulang ang hindi

dumadalo sa buwanang gawain na ito. Ano po ba ang dapat na gawin

para malutas ito dahil nagrereklamo po yung mga magulang na hindi

pumapaltos sa pagdalo sa naturang Pintakasi.? Salamat po!

— Fr. Anonymous

Mahal na Anonymous,

Iyan ang isa sa mga problema ng ating paaralan na hanggang

ngayon ay hindi pa nareresolba. Ito ay dahil sa kadahilanang hindi na-

man marunong sumunod ang ilang mga magulang sa napagkasunduan

noon na bayarin para sa absent ng Pintakasi. Ang mga guro naman ay

hindi rin pwedeng gamitin ang card bilang panlaban sa mga matitigas

magbayad dahil sa order ng DepEd na NO COLLECTION. Siguro,konsensya

na lang yan ng mga magulang kung totoong may malasakit sila sa ka-

nilang mga anak at sa ating mahal na paaralan.

The Lyceum

Mayroon ba kayong mga katanungan? Ipadala ito o bumisita sa opisina ng punong-guro upang maipaabot ang inyong mga katanungan at para mabigyang kasagutan ang mga ito.

Nakapaloob

BALITANG LOKAL p. 1 Congressman Espina, namigay… p.1

EDITORYAL p. 2 Liham sa Patnugutan p. 2

LATHALAIN Mga Pagbabago sa Paaralan p. 3

Sumasali sa contest. ... P. 3 Di Ako Nag-iisa p.4

Mga Salawikain at Kahulugan p. 4

PANITIKAN Trivias p. 5 Magkatugmang Salita p. 5

BALITANG PANGKOMUNIDAD UCCP, taunang selebrasyon p. 6

Senior Sto. Niño ,dumalaw… p. 6 Feeding Program, sinimulan ... p. 6

The Lyceum PATNUGUTAN

Patnugot sa Komunikasyong

Pangkaunlaran ………………..… Angelou G. Caballero

Patnugot sa Pag-aanyo/Pagguhit ……….... Jhodin C. Paghid

Tagapangasiwa sa Pamamahagi ………… Jessica M. Pecajas

Maxine Plojane D. Ondoy

Photojournalist …………………… Shannen Rose B. Pecajas

Mga Tagapayo Punong-Guro

Rosaline Calvez-Gaviola Maritess S. Arancina

Akuna Amotto-Sabondo

Page 3: TheLyceum - iyosanes.files.wordpress.com€¦ · Ang Opisyal na Pahayagan ng Iyosan Elementary School YEHEEY!!! Makikita ang mga ngiti sa mga labi ng mga mag-aaral sa Unang Baitang

3 LATHALAIN/ BALITANG PANGKAUNLARAN The Lyceum Hunyo– Disyembre 2011

Sumasali sa mga contest, suwerte! ni Charlyn Caparro

ni Maxine Plojane Ondoy

MAS MASUWERTE ANG

mga kabataang sumasali sa

iba’t ibang contest, trainings at

seminars na inilunsad ng ating

Dibisyon o Distrito kaysa sa

mga hindi sumasali. Una,

dahil nadadadagdagan ang

marka ng mga mag-aaral na

sumasali sa mga naturang

aktibidades at pangalawa, da-

hil marami silang natutunan

sa kanilang mga sinalihan o

dina luhang trainings gaya ng

journalism, scouting at iba pa.

Lingid sa kaalaman ng

ibang mag-aaral, ang anumang

aktibidades na sinasalihan ng

isang mag-aaral ay may ka-

tumbas na puntos na idinadag-

dag sa kanyang grado. Ang

dagdag na puntos na ito na

makukuha niya sa pagsali sa

mga paligsahan o trainings ay

ginagamit din sa paghihiwalay

ng dalawang mag-aaral na

pareho ang grado sa akade-

miks pagdating ng Marso.

Marami ding makukuha

at matututuhang maha-

halagang impormasyon na

magpapaunlad sa kakayahan

ng isang mag-aaral ang mga

trainings na dinaluhan niya

gaya ng journalism, scouting

at iba pa.

Gaano man ang halaga

na ibinayad natin sa pagsali

sa mga contest at trainings ay

hindi makakatumbas sa kara-

nasan na ating naranasan at

sa mga kaalamang ating

nakukuha sa pagsali natin.

Kaya mga kapwa ko

mag-aaral, huwag kang mata-

kot na sumali at makibahagi

sa mga aktibidades na may

kaugnayan sa ating pag-aaral.

Dahil malay mo, ang kara-

nasan mo sa mga trainings at

contest na ito ang magpapa-

tanyag sayo sa hinaharap.

WALANG IBANG HINANGAD

ang ating mga guro , mga opis-

yales ng PTCA, mga opisyal ng

Brgy. at mga magulang kundi

ang mapaunlad at mapaganda

ang ating paaralan.

Marami na tayong nakiki-

tang pagbabago na lalong

nagpapaganda sa ating paaralan.

Isa na rito ang mga bagong flower

boxes sa pathway natin, pati na

ang pagpapapinturang muli ng

ating pader. Sinimulan na rin ang

pagpapapader ng ating campus

WOW!!! Ito ang larawan ng bagong flower boxes na mula sa pundo ng PTCA at MOOE. ( SRBP )

na naudlot dahil sa hinintay

pa ang pagsukat na muli sa

lote ng ating paaralan.

Ngayong tapos nang

sukatin ang lote ng ating

paaralan ay sisimulan na muli

ang pagpapapader sa buong

campus.

Sinimulan na ring ayusin

ang ating herbal garden

kung saan itatanim ang iba’t

ibang uri ng mga halamang

gamot.

M a r a m i p a n g

nakaplanong mga proyekto

para sa pagpapaunlad at

pagpapaganda ng ating pa-

aralan subalit hinihintay lang

natin ang tamang panahon

upang maisakutaparan ang

mga ito.

Kaya para sa ikauun-

lad ng ating paaralan,

makiisa tayo sa mga gawain

ng ating paaralan.

Kuha sa may herbal garden na sinimulang ayusin

at pagandahin. ( SRBP )

Page 4: TheLyceum - iyosanes.files.wordpress.com€¦ · Ang Opisyal na Pahayagan ng Iyosan Elementary School YEHEEY!!! Makikita ang mga ngiti sa mga labi ng mga mag-aaral sa Unang Baitang

ni Leizel Mae Ligoyligoy

TAYONG MGA PILIPINO AY

sagana sa mga salawikaing

kaiga-igayang bigkasin, may ka-

hulugan at sa madaling salita ay

hindi kaagad natin maiintindi-

han ang tunay na ibig sabihin

nito.

Tunghayan natin ang ilan

sa maraming mga salawikain na

karaniwan nating naririnig sa

araw-araw at mananatiling sala-

wikain sa habang panahon.

“Ang hindi magmahal sa sariling wika

ay higit sa hayop at malansang isda.”

Ang ibig sabihin, maitutu

ring nating isang kataksilan ang

pagtalikod at pagkupkop sa

sarili nating wika gayong siya

namang dapat nating mahalin at

tangkilikin samantalang ang

walang taros na pagyakap sa

wikang dayuhan at pagkakaroon

ng higit na pagkakataong

maging dalubhasa rito ay siyang,

binibigyan ng maraming pagka-

k a t a o n . M a r a m i a n g

nagpapanggap na higit silang

mahusay sa wikang dayuhan

kaysa wikang katutubo at ito

marahil ang tinutukoy ng

nasabing salawikain.

“Kapag may itinanim, may aanihin.”

Ang ibig sabihin, ang sino

mang nilikha na may magan-

dang halimbawang nagawa hindi

lamang sa bayan kundi lalo’t

higit sa kanyang kapwa ay

marami ang nakakaalala. Kung

siya man ay pumanaw. hindi

mawawala sa diwa’t isipan ng

sambayanan ang mg alaalang

kanyang naipunla. Mananatiling

buhay ang larawan ng kanyang

katauhan sa diwa ng kabutihang

kanyang nagawa.

Abangan ang iba pang

m g a s a l a w i k a i n a t a n g

kahulugan nito sa susunod na

issue ng ating pahayagan.

Nawa’y naliwanagan kayo at

natututo sa totoong kahulugan ng

mga salawikaing pamilyar sa

atin. Hanggang sa muli!

Source: Diwang Pilipino, p.89-99

ni Domingo Ma. Panganiban

4 LATHALAIN / PANITIKAN T he Lyceum Hunyo-Disyembre 2011

Congratulations kay Meralie

Capangpangan sa pagkapili nya ng

2nd place sa Editorial Writing

(Filipino) sa ginanap na Division

Training sa Campus Journalism

noong Oktubre 20-22,2011.

Fr. Your Classmates in Gr. VI

Belated Happy Birthday to Ma’am

Akuna Sabondo who celebrated her

b-day last Oct.17.

Fr. The Lyceum

Hi to my crush Arnold! Sana

mapansin mo na ako.

Secret Admirer

Congrats kina Meralie Capang pangan, Justine Pecajas at Charlyn Caparro sa mga nakuha nyong awards sa District Training ng Campus Journalism. Good Luck!!!

Fr. The Lyceum

Saan mang dako ako mapunta

Sa timog, silangan, kanlu-

ran, hilaga

Siya’y naroroon lagi kong

kasama

Di ako nag-iisa,kapiling

ko siya sa tuwi-tuwina.

Anumang problema aking

haharapin

Maliit, malaki kanyang

lulutasin

Anumang pagsubok na sa

akin ay darating

Siya’y laging nandiyan

upang ako ay tulungan.

Kaya kaibigan huwag

panghinaan

Ang lahat ng problema ay

may kalutasan

Tawagin mo lamang ang

kanyang pangalan

Tiyak siya’y darating

upang ikaw ay tulungan.

Page 5: TheLyceum - iyosanes.files.wordpress.com€¦ · Ang Opisyal na Pahayagan ng Iyosan Elementary School YEHEEY!!! Makikita ang mga ngiti sa mga labi ng mga mag-aaral sa Unang Baitang

5 PANITIKAN/ BALITA The Lyceum Hunyo-Disyembre 2011

ni Christine Joy Juanes

TRIVIAS

Ang pinakamabilis na hayop sa

lupa ay ang cheetah na naka-

katakbo ng 70 milya kada oras o

112.63 kilometro bawat oras

Ang pinakamabilis na insekto ay

ang tutubi o dragonfly na

lumilipad ng 36 milya kada oras o

57.92 kilometro bawat oras

Ang isa sa mabagal na hayop ay

ang snail o kuhol na lumalakad

ng 0.13 milya kada oras o 0.21

kilometro bawat oras

Ang pinakamabilis na isda ay

ang sailfish na lumalangoy ng 68

milya kada oras o 109.11 kilo-

metro bawat oras

Kalikasan Ulan

Kapaskuhan Halaman

District Math contest, ginanap ni Justine Pecajas

GINANAP ANG MATH CONTEST

sa ating Distrito sa ACS Upper

Campus noong Nobyembre 4, 2011.

Ang mga delegado ng ating

paaralan para sa Math Quiz ay sina

13th place ayon sa pagkakasunod-

sunod. Samantalang ang mga dele-

gado naman sa Pre-Math Challenge

ng Grade I ay sina Licette Ibañez,

Dinmaika Destor at Christal Shaine

Calvez. Sina Ellen Shane Cezar,

Godwayne Ondoy at Dean Andrei

Velarde naman sa Grade II.

Ang mga manunulat natin na dumalo sa Division

Training on Campus Journalism. Mula sa kaliwa:

Charlyn Caparro, Meralie Capangpangan, Justine

Pecajas, Shannen Rose Pecajas, Jhodin Paghid at

Hannibal Tanguihan. ( SRBP )

Ang mga paksa ng

naturang training ay Editorial

Writing, Editorial Cartooning,

Sports Writing, Feature

Writing, News Writing, Copy-

reading and Headline Writing,

Photojournalism at Script

writing and Radio Broadcast-

ing.

Kasama ng ating mga

manunulat si Ma’am Rosaline

Gaviola upang gabayan sila sa

lahat ng mga ipagagawa ng

mga ispeker ng bawat paksa.

SA HANGARING MAPAUNLAD

pa ang kaalaman ng ating mga ma-

nunulat, dumalo sila sa taunang

training sa Campus Journalism na

ginanap sa Naval Gym noong

Oktubre 20-22, 2011.

Ang mga dumalo ay sina

Meralie Capangpangan, Charlyn

Caparro, Justine Pecajas, Hannibal

Tanguihan, Shannen Rose Pecajas

at Jhodin Paghid.

John Lloyd Paghid ng Grade

III, Eva Jannen Petargue ng

Grade IV, Justine Pecajas ng

Grade V at Meralie Capang-

pangan ng Grade VI.

Sila ay nanalo ng 4th

place, 4th place, 4th place at

Mag-isip ng mga salita na katugma ng mga sumusunod na mga

salita.

Page 6: TheLyceum - iyosanes.files.wordpress.com€¦ · Ang Opisyal na Pahayagan ng Iyosan Elementary School YEHEEY!!! Makikita ang mga ngiti sa mga labi ng mga mag-aaral sa Unang Baitang

SINIMULAN NA ANG FEEDING

ng mga kabataan sa DayCare. Ito ay

naisakatuparan sa pamamagitan ng

pagtutulungan ng mga LGU at ng

ating Mayor na si Hon. Dominador

Agajan.

May 22 kabataan sa DayCare

ang nakikinabang sa programang ito.

Hangarin nito na mabigyan ng sapat

na nutrisyon ang mga kabataan lalo

na yaong may problema sa wastong

nutrisyon.

Nagtutulungan din ang bawat

magulang sa pagluluto ng pagkain sa

araw-araw na siyang ipapakain sa

mga bata.

6 BALITANG PANGKOMUNIDAD The Lyceum Hunyo-Disyembre 2011

niMarjorie Valderosa

OPISYAL NA SINIMULAN NG

mga miyembro ng UCCP Church

ang kanilang taunang selebrasyon

noong nakaraang linggo.

Pinangungunahan ito ng isang

parada sa buong Barangay

pagkatapos ay sinundan ito ng

maikling programa bago sinimulan

ang iba’t ibang laro na paglala-

banan ng mga CYF (Christian

Y o u t h Fe l l ow s h i p) , C Y A F

(Christian Young Adult Fellow-

ship), CWA (Christian Womens As-

sociation)at UCM (United Church

Men).

Tuwang- tuwa ang mga

mga magulang ng mga kabataan

sa Daycare sa naturang

programa.

Magtatapos ang pro-

gramang ito bago magbakasyon

sa Disyembre. ع

Upper Campus.

Dinaluhan ng 146 na

partisipante ang naturang training

na kung saan ang 121 ay mga

kabataan at 25 naman na mga

advisers.

Ang mga ispeker sa naturang

training ay sina Dr. Jhon D. Ro-

magos at Sir Jesus Mangco.

Tinalakay nila ang tungkol sa

News Writing, Sports Writing,

Feature Writing, Editorial

Writing, Editorial Cartooning,

Copyreading and Headline

Writing, Scriptwriting & Radio

Broadcasting.

Ang mga delegado ng ating

paaralan ay sina Meralie

Capangpangan, Charlyn Caparro,

Hannibal Tanguihan, Marjorie

Valderosa at Jhodin Paghid.

Ang mga laro na paglala-

banan ng bawat koponan ay

Volleyball, Basketball, iba’t

ibang parlor games gaya ng

Comical Skit, Bible Quiz, Bible

Drill atbp. Inaasahang dadalo sa

susunod na linggo,ang petsa ng

anibersaryo, ang may higit na

isang daang delegado mula sa

iba’t ibang simbahan sa buong

Biliran.

ni Meralie Capangpangan

ni Angelou Caballero

DINAGSA NG MGA DEBUTO

ang pagdalaw ni Senior Sto. Niño

ng Cebu ditto sa Biliran noong Ok-

tubre 21, 2011.

Mula sa simbahan ng Roma-

no Katoliko ng Naval papuntang

NSU ay hindi na humiwalay

ang mga deboto. Karamihan sa

kanila ay may panyo o anuman

na pwedeng ipunas sa katawan

ng Sto. Niño na pinaniniwalaan

nilang nagmimilagro.

Hanggang sa may panta-

lan ay dagsa pa rin ang mga

deboto nito na ang iba ay

galing pa ng Kalubian, Leyte

at sa iba pang sulok ng Leyte.

Iyon ang kauna-unahang

pagdalaw ng Sto. Niño dito sa

ating Probinsya.

Larawan ng Senior Sto. Niño sa kanyang unang

pagdalaw sa probinsya. ( SRBP )

Announcement!!!

Ang Provincial Meet ay gaganapin

ngayong Nobyembre 17-18,2011 sa

Larrazabal, Naval, Biliran.

Ang kontes sa Tagisan ng Talento

ng mga Kindergarten ay gaganapin

sa Nobyembre 8, 2011 sa District

Office at Nobyembre 9 naman sa

Division.

Ang EVRAA Meet ay gaganapin

ngayong Jan. 29 - Feb. 4, 2012 sa

Guian, Eastern Samar.

District Training sa Campus

Journalism, ginanap

ISINAKATUPARAN ANG TATLONG araw na District Training sa

Campus Journalism noong

Oktubre 28 - 30, 2011 sa ACS

ni Shannen Rose Pecajas