7
Kabataan, Itakwil ang Rehimeng US-Aquino at Ibagsak ang Bulok na Sistema! Pahayag sa Ika-49 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan Nobyembre 30, 2013 Sa lungsod at kanayunan at saan- mang sulok ng bansa, ipinagdiri- wang natin ngayon ang ika-49 na taon ng pagkakatatag ng rebolusy- onaryong Kabataang Makabayan (KM), kasabay sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Andres Boni- facio, dakilang lider ng Katipunan at Rebolusyong Pilipino ng 1896. Pinagpupugayan natin ang mga kasapi at lider ng bawat balangay ng KM; at sumasaludo sa paglalaan ng araw na ito sa mga paggunita at pag- pupugay, hindi lamang sa KM kundi maging kay Andres Bonifacio. Ginawa natin ito sa iba’t ibang par- aan ― mula sa paglulunsad ng mga pulong-pagaaral hinggil sa rebo- lusyon at lipunang Pilipino; mga pangkulturang pagtatanghal at pagdiriwang; raling-iglap; opera- tion pinta-operation dikit; at iba pa. Kasama sa ating mga aktibidad ang pag-aalay ng parangal sa mga martir ng KM at pambansa demokratikong pakikibaka, sa kanilang maningning na ambag na patuloy na inspirasyon sa atin sa pagsusulong ng digmang bayan. Ibinubudyong natin sa araw na ito ang nagpapatuloy na demokra- tikong rebolusyong bayan na hin- di natapos ng Rebolusyong 1896. Matapos lumaya sa kuko ng kolon- yalismong Espanyol, ang Estados Unidos ay lumusob at sumakop sa atin na kumitil sa batang republika ng Pilipinas at pumatay sa mahigit isang milyong Pilipino. Nagpapatuloy ang hindi direkta o neokolonyal na paghahari ang Amerika sa lahat ng aspeto ng lipu- nang Pilipino. Nagdidikta ito sa la- hat ng patakaran ng reaksyonaryong gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng mga papet na rehimen na naluklok sa poder mula pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pinangun- gunahan ni B.S. Aquino sa ngayon. Ipinagkakait ng imperyalistang Es- tados Unidos, sa pamamagitan ng papet na gobyerno at mga lokal na naghaharing uring panginoong- maylupa at malalaking komprador, ang katarungang panlipunan, tunay na reporma sa lupa at pambansang Oktubre - Disyembre 2013 1

Sa ika-49 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan: Kabataan, Itakwil ang rehimeng US-Aquino; Ibagsak ang Bulok na Estado

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang KALAYAAN ang opisyal na pahayagan ng Kabataang Makabayan. Ito ang rebolusyonaryong tindig ng mga makabayang kabataan at estudyante. Ang KM ay alyadong organisasyon ng National Democratic Front ng Pilipinas.

Citation preview

Page 1: Sa ika-49 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan: Kabataan, Itakwil ang rehimeng US-Aquino; Ibagsak ang Bulok na Estado

Kabataan, Itakwil ang Rehimeng US-Aquino at Ibagsak ang Bulok na Sistema!Pahayag sa Ika-49 Anibersaryo ng Kabataang MakabayanNobyembre 30, 2013

Sa lungsod at kanayunan at saan-mang sulok ng bansa, ipinagdiri-wang natin ngayon ang ika-49 na taon ng pagkakatatag ng rebolusy-onaryong Kabataang Makabayan (KM), kasabay sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Andres Boni-facio, dakilang lider ng Katipunan at Rebolusyong Pilipino ng 1896. Pinagpupugayan natin ang mga kasapi at lider ng bawat balangay ng KM; at sumasaludo sa paglalaan ng araw na ito sa mga paggunita at pag-pupugay, hindi lamang sa KM kundi maging kay Andres Bonifacio. Ginawa natin ito sa iba’t ibang par-aan ― mula sa paglulunsad ng mga pulong-pagaaral hinggil sa rebo-lusyon at lipunang Pilipino; mga pangkulturang pagtatanghal at pagdiriwang; raling-iglap; opera-tion pinta-operation dikit; at iba pa. Kasama sa ating mga aktibidad ang pag-aalay ng parangal sa mga martir ng KM at pambansa demokratikong pakikibaka, sa kanilang maningning na ambag na patuloy na inspirasyon sa atin sa pagsusulong ng digmang bayan. Ibinubudyong natin sa araw na ito ang nagpapatuloy na demokra-tikong rebolusyong bayan na hin-

di natapos ng Rebolusyong 1896. Matapos lumaya sa kuko ng kolon-yalismong Espanyol, ang Estados Unidos ay lumusob at sumakop sa atin na kumitil sa batang republika ng Pilipinas at pumatay sa mahigit isang milyong Pilipino. Nagpapatuloy ang hindi direkta o neokolonyal na paghahari ang Amerika sa lahat ng aspeto ng lipu-nang Pilipino. Nagdidikta ito sa la-hat ng patakaran ng reaksyonaryong

gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng mga papet na rehimen na naluklok sa poder mula pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pinangun-gunahan ni B.S. Aquino sa ngayon. Ipinagkakait ng imperyalistang Es-tados Unidos, sa pamamagitan ng papet na gobyerno at mga lokal na naghaharing uring panginoong-maylupa at malalaking komprador, ang katarungang panlipunan, tunay na reporma sa lupa at pambansang

Oktubre - Disyembre 2013 1

Page 2: Sa ika-49 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan: Kabataan, Itakwil ang rehimeng US-Aquino; Ibagsak ang Bulok na Estado

industriyalisasyon sa mamamayang Pilipino. Kaya higit kailanman, kailangang padagundungin ang mensahe ― na nagpapatuloy at ibayong sumusu-long ang rebolusyong Pilipinong pambansa demokratiko, at may so-syalistang perspektiba sa pamumu-no ng Partido Komunista ng Pilipi-nas. Mula pa sa aral na ipinamana nina Andres Bonifacio, isinisiwalat nito na armadong lakas at pagla-ban ng mamamayan lamang ang magtitiyak na makakamtan ang pambansang kalayaan at demokra-sya.

Labanan ang papet, kriminal at anti-mamamayang gobyernong Aquino Sa gitna ng mga kalamidad na nag-daan, napatunayan ng sambayanan na hindi kailanman kakalingain ng rehimeng US-Aquino ang mga kababayan nating hinagupit ng Yolanda at iba pang sakuna. Higit sa 10 milyong mamamayan ang na-kababatid nito nang pinagtiis sila sa gutom, uhaw at pagtangis sa delu-byong dala ng Yolanda at ng krimi-nal na kapabayaan ni Aquino bago at matapos ang bagyo.

Ilang milyong mamamayang Moro at mamamayan sa kanayunan ang tuwirang nakakaalam sa terorismo at pananalasa sa karapatang pantao ng rehimeng Aquino, sa todo-giyera nitong pagwasiwas ng kontra-rebo-lusyonaryong panunupil, sa ilalim ng programang Oplan Bayanihan. Ang mga kabataan ay napopoot sa katiwalian ng gobyerno at lansa-kang pagnanakaw sa gitna ng mala-wak na kahirapan at pagdurusa ng mamamayan; at sa pagkapapet at pagsuko sa pambansang dignidad sa imperyalistang US na amo nito. Napopoot ang kabataang Pilipino sa pagyurak ng gobyernong Aquino sa karapatang magtamasa ng kabataan

at mamamayang Pilipino ng edu-kasyon at serbisyong panlipunan tulad ng serbisyo sa kalusugan at paninirahan.

Sa halip, patuloy ang pagtatanggol ni Aquino at kanyang mga alyado sa PDAF, DAP at inilulusot ang mga kontratang pagkakakitaan niya at iba pang anyo ng pagnanakaw sa kabang-bayan. Binabarat at sinasa-gad pababa ang sahod ng mga man-ggagawa; pinapalayas at marahas na winawasak ang mga kabahayan at kabuhayan ng maralitang lungsod; kinakamkam ang lupain ng mga magsasaka upang bigyang katiyakan ang super-tubo ng mga malalaking dayuhang kapitalista, mga lokal na komprador at panginoong maylupa, at mga kaanak at kroni ni Aquino. Halimaw ang rehimeng Aquino, at ang mga galamay nito ay pahirap at nakalingkis na sumasaid sa dugo ng mamamayang Pilipino. Kabataan, kumilos at magbalikwas laban sa bulok na sistemaSa gitna ng pagdalamhati at galit da-hil sa malawakang pinsala at pagkit-il sa buhay ng mga kababayan natin sa nagdaang kalamidad, itaas natin ang kapasyahang labanan ang mag-nanakaw, kontra-mamamayan at papet ng US na gobyernong Aquino. Nararanasan natin ang mas mat-inding hagupit ng rehimeng US-Aquino. Ang kolektibong paglaban ang pinakamaasahang pansalag sa delubyong hatid nito. Kailangang ang bawat kabataang makabayan ay magkaisa at pag-ibayuhin ang pagmumulat, pago-organisa at pag-papakilos laban sa rehimeng US-Aquino at bulok na sistemang pan-lipunan.

Kailangang isiwalat ang totoong ap-ing kalagayan ng sambayanang Pili-pino sa kuko ng imperyalismo,

Oktubre-Disyembre 2013

MGA NILALAMAN

Ang Kabataang Makabayan (KM) ay rebolusyo-naryong pangmasang

organisasyon ng mga kabataan na naka-ugat sa iba’t-ibang sektor at rehiyon sa Pilipinas. Layon nitong makamit ang lipunang may pambansang kalayaan, tunay na demokrasya at kapayapaang

nakabatay sa katarungang panlipunan.Ang Kabataang Makabayan ay alyadong organisasyon ng National Democratic

Front (NDF).

philippinerevolution.net

-Pahayag sa Ika-49 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan

-BALITA:-Lightning Rally ng Kabataang Makabayan, Matagumpay na Nailunsad- Rehimeng US-Aquino, Inutil sa Gitna ng Trahedyang Dulot ng Bagyong Yolanda - KM- Atake sa Karapatan sa Edukasyon, Sinalubong ng mga Protesta

- PAGPUPUGAY SA MGA MARTIR NGKABATAAN AT SAMBAYANAN!

- Puspusang Ipagdiwang ang Ika-45 na Anibersaryo ng PartidoKomunista ng Pilipinas!

- Ang Buwitre sa Gitna ng Trahedya at ang Pambansa-Demokratikong Pakikibaka Laban sa Imperyalistang Panghihimasok

- Kabataang Makabayan, masiglang isikad ang Ka Roger Enlistment!

Oktubre - Disyembre 2013 2

yang pagpapasampa sa ating BHB ng daan-daan at libong mga kabataan. “Ang Kabataang Makabayan, ang re-bolusyonaryong organisasyong masa ng kabataan sa buong Pilipinas ay bu-kas sa lahat ng gustong mag-ambag ng panahon, talino at lakas para sa pam-bansa demokratikong rebolusyon. Rebolusyonaryo at makasaysayang tungkulin ng kilusang kabataan ang pagsanib sa mas malawak na kilusan ng mamamayan para sa tunay na pag-babago. Rebolusyonaryo at makasay-sayang tungkulin din ng Kabataang Makabayan na mag-ambag sa lahat ng rebolusyonaryong larangan ng gawain at higit sa lahat sa armadong pakikibaka sa kanayunan.” Ipinangalan ang kampanyang ito kay Ka Gregorio “Roger” Rosal bilang pagpupugay at pagdakila sa kani-yang buhay at pakikibaka at walang pagiimbot na pagaalay ng talino, la-kas, panahon at buhay para sa rebo-lusyonaryong pagbabago. Si Ka Roger ay kasapi ng KM sa Batangas noong dekada ’70, tumulong sa pagtatanim ng binhi ng BHB at Partido Komuni-sta ng Pilipinas (PKP) sa Timog Kata-galugan at Bicol, at naging tagapag-salita ng PKP hanggang sa kanyang pagpanaw noong Hunyo 22, 2011.

Paano ilulunsad ang Ka Roger Enlist-ment Campaign?

Ang KM ay may dati nang mga kam-panya para sa pagsampa sa ating BHB. Gawin natin itong mas sistematiko, at hikayatin ang lahat ng balangay na magkaroon ng konkretong plano at programa sa bawat balangay kaugnay nito. Una sa lahat, hinihikayat ang la-hat ng kasapi at balangay ng KM na magkaroon ng programa para sa inte-grasyon sa ating BHB at sa kanayunan. Maaring magtagal ito sa minimum ng dalawang buwan at lagpas pa. Ihanay din natin at pataasin ang komitment ng mga kasama para maihandang su-mapi sa BHB nang pangmatagalan at buong-panahon.

Kailangang ihanay din ang iba pang suporta tulad ng tulong materyal para sa ating hukbo, panustos na pagkain, mga gamot, telang pang-duyan at pang-bubong, pagiipon ng pambili ng bala o baril, gamit pangkomunikasy-on, pagkalinga sa mga sugatan, pag-aayos ng maaring bahay-tuluyan para sa hukbo sa mga espesyal na tungku-lin, at iba pa. Ilunsad natin ang mas maraming mga sirkulo ng pag-aaral hinggil sa demokratikong rebolusyong bayan, mga aralin at praymer hinggil sa BHB at lipunan at rebolusyong Pilipino. Itanghal natin ang BHB bilang pangu-nahing pang-masang organisasyong armado na nasa absolutong pamu-muno at gabay ng PKP, para isulong at ipagtagumpay ang demokratikong rebolusyong bayan patungo sa sosyal-ismo. “Sa paglakas ng ating BHB (at kung gayon ang pinaka-radikal na mensahe para sa pagbabago), patuloy na nag-bibigay ito ng inspirasyon sa mas mal-awak na mamamayan para lumaban. Inilalantad ng paglakas ng armadong pakikibaka na hindi na kailanman monopolyado ng reaksyunaryong estado, ng mga pasistang galamay ng militar at pulisya ang ‘panun-upil’. Ang BHB ang ating natatanging pangmasang organisasyon na may kakayahang lipulin, at lansagin ang armadong lakas ng anti-mamama-yang reaksyunaryong estado. Ang ating BHB, katuwang ang mga organ-isasyong masa sa kanayunan ay direk-ta ding nagpapahina sa dominasyon ng (uring) panginoong-maylupa sa pamamagitan ng pagsusulong ng re-bolusyong agraryo.” (mula sa mensa-he ng KM para sa Ika-44 anibersaryo ng BHB).Panawagan ng PKP sa KM at Ka-bataang PilipinoInilabas ng PKP ang panawagan noong Abril 2012 bilang pagsuporta sa Ka Roger Enlistment at hinikayat ang kabataang Pilipino na sumapi sa BHB at rebolusyonaryong kilusan sa

kanayunan sa patuloy na pag-alim-puyo at pag-igting ng rebolusyonary-ong digmang bayan sa kanayunan.

“May malaking pangangailangan para sa ilampung libong nakapag-aral na mga kabataan upang makatulong sa pagtatayo ng rebolusyonaryong gubyernong bayan, sa paglulunsad ng mga kampanya sa edukasyon at kultura, sa pagbubuo ng mga pang-kat para sa ibayong pagpapalawak ng mga larangang gerilya, sa pagsuporta sa pakikibaka para sa reporma sa lupa ng mga magsasaka at sa pagsapi sa Bagong Hukbong Bayan bilang mga Pulang mandirigma at kumander.”

“Hayaang magsilbing modelo at in-spirasyon ang kwento ng buhay ni Ka Roger para sa kasalukuyang hen-erasyon ng kabataang Pilipino na du-maranas ng parehong mga suliranin na nagtulak sa masang anakpawis ng mga manggagawa at magsasaka para maglunsad ng pakikibakang masa at armadong paglaban,” dagdag ng PKP.

Lalong mahalaga ang panawagang su-mapi sa BHB sa gitna ng nakakapoot na rehimeng US-Aquino; sa lubos na pangangayupapa nito sa imperyalis-mong US; sa patuloy na pagpayag sa pagnanakaw ng mga multinasyunal at dayuhang mga monopolyo kapital-ista, ng mga lokal na kasapakat nitong mga burgesyang komprador at mga panginoong-maylupa habang sina-salanta ang mayoryang naghihirap na sambayanan.

Walang ibang daan at walang ibang lakas ang mamamayang pinagsasa-mantahan kundi ang sama-samang pakikibaka para sa rebolusyonary-ong pagbabago. Makatarungan ang maghimagsik at lumaban sa naagnas at mapagsamantalang sistemang pan-

Oktubre - Disyembre 2013 11

1

4

6

7

8

10

Page 3: Sa ika-49 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan: Kabataan, Itakwil ang rehimeng US-Aquino; Ibagsak ang Bulok na Estado

Aquino at pagpapawalang-bisa’t paglaban sa lahat ng kasunduan at batas na nagbibigay ng “espesyal na relasyon” sa EU at iba pang impery-alistang alyado nito.

Programa para sa Usaping Panlabas

Sa larangan ng usaping panlabas, nakabatay ang programa ng pam-bansa demokratikong kilusan sa mga sumusunod na punto: (1) na ang mga kasunduan sa labas ng ban-sa ay batay sa soberanya, pagsand-ig-sa-sarili at pakikipagkaibigan sa lahat ng rebolusyunaryong kilusan at pamahalaan; (2) pagtiyak na pan-tay ang pakinabang sa mga kasun-duang ito; paglantad sa United Na-tions bilang kasangkapan ng EU para sa madulas nitong pagpapatu-pad ng mga neoliberal na polisiya; (3) paglaban sa mga kumperensiya at institusyong instrumento ng EU sa Asya-Pasipiko tulad ng Asso-ciation of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Southeast Asia Treaty Organization (SEAT) pagkampan-ya laban sa mga tagapayo ng EU sa mga lokal na reaksyunaryong papet nito sa Pilipinas; at (4) pagsabuhay ang diwa ng proletaryong internas-yunalismo.

Ang tinatanaw nating demokra-tikong gobyernong bayan ay ga-gabayan ng proletaryong inter-nasyunalismo at pandaidigang nagkakaisang prente. Bahagi nito ang pagbibigay ng lahat ng uri ng suportang moral at materyal sa mga rebolusyunaryong kilusang masa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kabila ng buong lakas na hamba-los ng panunupil at armadong kon-tra-rebolusyon, laluna sa pananalasa ng presensya ng tropang Amerikano sa bansa, at ng mga kahirapa’t limi-tasyong kailangang pangibabawan,

ang rebolusyonaryong kilusan ay patuloy na nagkakamit ng mga makabuluhang tagumpay.

Malawak ang diskuntento ng mga mamamayan sa kasalukuyang mara-has na paghahari ng imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudal-ismo sa bansa. Habang tumatagal at lumalakas ang ating kilusan ay pab-ulusok ang reaksyunaryong estado sa Pilipinas. Sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, pwersa ng Bagong Hukbong bayan at malawak na nagkakaisang pren-teng sumusuporta dito, kabahagi na ang Kabataang Makabayan, tiyak ang pagbagsak ng bulok na mala-kolonyal at mala-pyudal na sistema at maisusulong ang tagumpay ng re-bolusyon ng mga mamamayan pa-tungong sosyalismo.

Ang paglaban at pagdurog sa im-peryalismo at mga reaksyunaryong kasapakat nito ay ang makabayan at pandaidigang tungkulin ng mga Pilipinong matagal ng nagsilbing moog ng interes ng mga ito.

Kabataang Makabayan, masiglang isikad ang Ka Roger Enlistment!

Humungos, malawakang sumapi sa BHB!

Mula sa PAHINA 5...(BALITA)

ang pag-amyenda sa UP System Code ay nagpatibay ng polisiya ng UP na magpautang na lamang nang may interes imbes na sagutin ang usapin ng mataas na matrikula. Ilang araw matapos nito ay humarap si Pascual sa mga konseho ng mga mag-aaral at itinangging opisyal na aprubado na ang mga nasabing polisiya.

Sa kabilang banda, matagumpay na naglunsad ng walk-out ang mga estudyante ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute for Science and Technology (EARIST) noong ika-26 ng Nobyembre 2013. Limang libong (5,000) mga estudyante ng pamana-tasan ang nag-protesta at lumahok sa pagkilos upang labanan ang pag-pataw ng mga iligal na bayarin sa pa-mantasan. Ang kanilang panawagan ay ibalik at ibasura ang mga iligal na bayarin, itaas ang badyet sa edukasy-on at labanan ang patuloy na kum-ersyalisasyon sa ilalim ng Rehimeng US-Aquino. ■

Ibagsak ang bulok na sistema! Isulong ang digmang bayan sa panibagong antas!

Ano ang Ka Roger Enlistment Campaign?Ang Ka Roger Enlistment Campaign ay panawagan na inilabas sa pahayag ng Kabataang Makabayan noong Marso 29, 2013 sa selebrasyon ng ika-44 an-ibersaryo ng pagkakatatag ng ating Bagong Hukbong Bayan. Ang Ka Roger Enlistment Campaign ay panawagan sa mga kabataan, mga kasapi at balangay ng KM na tanganan ang makasaysayang tungkulin nito sa gitna ng papaigting na krisis panlipunan na magambag sa armadong pakikibaka sa pamamagitan ng pagsapi sa BHB at pagsuporta sa pakikibaka sa kanayunan. Kaakibat nito nanawagan tayo sa lahat ng mga balangay ng KM na masiglang isikad ng lahat ng balangay at kasapi ng KM ang Ka Roger Enlistment o ang programa ng malakihang pagtungo sa kanayunan o kahalintulad na kampan

Oktubre - Disyembre 2013 10

burukrata-kapitalismo at pyudal-ismo; at ang papel ng kasalukuyang rehimeng US-Aquino sa pagpap-anatili nito. Kailangang ipalaganap na ang tanging daan para maibsan at wakasan ang malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino ay sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan na may sosyalis-tang hinaharap. Sa gabay ng Partido Komunista ng Pilipinas, isinusulong natin ang pagtataas ng digmang bayan sa antas ng pagkakapatas sa reaksyunaryong lakas ng estado. Tungkulin ng rebolusyonaryong ki-lusang kabataan estudyante na itayo at mag-ambag para palakasin ang daan-daang pambansa demokratiko at progresibong mga organisasyon ng kabataan at mga aping sektor at uri. Sila ay dapat na umabot at lu-matag sa mas malawak na mamama-yan para kumilos at silaban ang pag-aalsang bayan laban sa naghaharing rehimeng US-Aquino at bulok na malakolonyal at malapyudal na sis-tema.

Kailangang magsikhay ang KM sa pagpapalawak at pagbubuo ng pinakamaraming balangay. Itrans-porma natin ang mga KM bilang sirkulo ng mga pagaaral sa lipunan at rebolusyong Pilipino at mga dak-ilang aral ng Marxismo, Leninismo at Maoismo. Ibandila natin ang demokratikong rebolusyong bayan sa lahat ng pagkakataon at pagpo-propaganda sa masa. Ipalaganap natin ang Kampanyang Ka Roger Enlistment at laksang pag-ambag sa kanayunan at pagpasapi sa ating Bagong Hukbong Bayan. Laksang pagkaisahin at kolektibong pakilusin ang kabataan at mamama-yan para sa rebolusyonaryong pag-babago. Ang kinikimkim na galit ng kabataang Pilipino at sambayanan, ay nararapat na kolektibong itrans-

porma sa organisado at tuloy-tuloy at papalaking mga pagkilos. Ang pagsambulat nito ay makapangyari-hang unos pampulitikang yayanig sa reaksyunaryo pangkating US-Aquino at sa bulok na sistemang ipinagtatanggol nito.

At tulad ng makasaysayang papel ng kabataan, nananawagan ang KM na maglingkod at sumanib ang ka-bataang Pilipino sa kanayunan at sa armadong hukbo ng mamamayan. Nanawagan ang KM sa kabataang Pilipino na mag-ambag ng talino at lakas para sa pagtatayo ng muog ng rebolusyon sa kanayunan at binhi ng gobyerno ng mamamayan; sa pagsusulong ng tunay repormang agraryo; at pagsanib sa tunay na hukbo ng sambayanan ― ang Bagong Hukbong Bayan.

Tapos na ang panahon ng kawalang pag-asa’t katiyakan ng kabataang Pilipino at sambayanan sa ilalim ng kasalukuyang bulok na sistema. Itransporma ang poot sa kolektibo-ng pagkilos! Tanging sa pakikibaka ang pag-asa! Kabataang Pilipino, imulat ang kaisipan, paglingkuran ang aping sambayanan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan! Mabuhay ang ika-49 anibersaryo ng Kabataang Makabayan!

Mabuhay ang demokratikong re-bolusyong bayan sa pamumuno ng PKP!

Ibagsak ang bulok na sistema sa ilalim ng imperyalismo, yudal-ismo at burukrata-kapitalismo!

Kabataan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang CPP-NPA-NDFP!

HAMON SA

KABATAANG

MAKABAYAN

Kami’y nalinlang sa ilusyon ng sistema.Hinubog na maging galamay ng mapagsaman-tala.Binulag sa ideya ng ligayang petiburgesya.Ngunit ngayon ay nasa harap ng sangandaan.Tanong sa sarili’y dapat nang sagutin:Talinong angkin, sa anakpawis ay paano pagsisil-bihin?

Dugo at pawis, buong buhay ang puhunanSa putikang bungkalan ng aming kabuhayan.Alimura’t panlalait ibinabato sa aming harapan.Daan-taong tiniis ang panginoong sa lupa’y kumamkam.Pagtitimpi’y may wakas, panahon na ng pagsam-bulat!Uri nami’y babangon, ganid ay lilipuling lahat!

Gapos sa kontrata ng pagka-aliping sahuran.Kayod-kabayo sa empresa ng gahaman.Ang aming gantimpala sa walong oras na pag-gawaLimos lamang kung itatapat sa kayamanang nilikha.Ngunit di-hahayaang tanikala’y habambuhay.Lalagutin ng pagkakaisang Partido Komunista ng Pilipinas Ang gabay!

Kaming mga kabataan sa sistema’y mulat na.Sa hamon ng panahon, pagharap ay handa.Iisa ang tungkulin ng nagkakaisang hanay.Sabay-sabay na lumaban, buong giting na Mag-alay.

Magbangon ka kabataan, tumatawag ang bayan.Magbangon ka kabataan, naghihintay ang mga Larangan.Tangan ang dakilang aral ng dakilang kasaysayan,Hahakbang tayo sa harapan ng dakilang pagla-ban.

Maso at karet ang Pulang Tala sa Silangan.Buong lakas na isulong ang ating Digmang Bayan!Diwang Mapanlaban sa tuwi-tuwina’y dapat taglay.Nang sumulong mula depensiba tungo sa pa-tas, Mula patas tungo sa tagumpay.

Kabataang Makabayan, magigiting na mga anak Ng bayan.Panawagan para sa estratehikong patas ay iyong dinggin.Paigtingin ang paglaban, sumapi, palakasin ang mga larangan. Tanganan ang sandata, armasan ang kaisipan.Buong-pusong mag-alay sa bayan.KABATAAN, SUMAPI SA BAGONG HUK-BONG BAYAN!PULANG PATNUBAY, DAPAT NATING ITANGHAL,MABUHAY ANG PARTIDO,

Oktubre - Disyembre 2013 3

Page 4: Sa ika-49 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan: Kabataan, Itakwil ang rehimeng US-Aquino; Ibagsak ang Bulok na Estado

BALITA:Lightning Rally ng Kabataang Makabayan, Matagumpay na NailunsadNagsagawa noong Nobyembre 28 ng lightning rally ang Kabataang Makabayan, rebolusyonaryong pangmasang-organisasyon ng mga kabataan, sa pagdiriwang nito ng ika-49 taong anibersaryo.

Kasabay ng ika-150 kaarawan ni Andres Bonifacio, sinabi ng KM na nararapat lamang na gunitain ang ika-150 kaarawan ng lider ng Kataastaasan Kagalang-galangang

Katipunan ng Bayan (KKK) at ng Rebolusyong 1896 na humudyat sa pagkakaisa ng mamamayang Pili-pino laban sa kolonyalismong Es-panyol at nagpatuloy sa pakikibaka laban sa giyera at kolonyalismong Amerikano.

“Umaalingawngaw ang katulad na panawagan na pumukaw kina An-dres Bonifacio at mga Katipunero lalo’t higit sa kasalukuyang hen-erasyon. Nanawagan ang KM sa lahat ng kabataang Pilipinong nag-mamahal sa bayan na magbalik-was laban sa sistemang nabubulok at mapang-api, at sumanib sa mga demokratikong mga organisasyon tulad ng KM na nakikibaka kasa-ma ang batayang sektor at inaap-ing mamamayan para sa ganap na

kalayaan at rebolusyonaryong pag-babago,” ani Ma. Laya Guerrero, tagapagsalita ng KM.

Nagmartsa ang KM sa kahabaan ng Morayta-Recto Ave., Manila ng hu-migit kumulang tatlumpung minuto habang ibinubudyong ang mga re-bolusyonaryong mga islogan tulad ng “Ibagsak ang Bulok na Sistema!”, “Kabataang Makabayan, Pagling-kuran ang Sambayanan”, “KM, Tu-mungo sa Kanayunan, Sumanib sa NPA!”.

Nagsagawa din ng operation pinta ang KM sa lansangan ng Recto at pinagpugayan ang Partido Komu-nista ng Pilipinas na nakatakdang magdiwang ng ika-45 anibersaryo sa Disyembre 26.

Oktubre - Disyembre 2013 4

ing ito, laging nakaamba ang agresy-on nila sa pamamagitan ng pagiging bahagi sa mga pasistang opera-syon ng reaksyunaryong hukbo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa CPP-NPA, MILF at mga sibilyang Pilipino.

Sa kabilang banda, ginagamit din ng EU ang AFP bilang pwersang mili-tar sa mga agresyon nito sa iba pang bansa. Sa kasaysayan, ang ganitong “pagtutulungan” ng tropang Ameri-kano at ng AFP ay walang ibang ibinubunga kundi matinding teror-ismo, panunupil, karahasan at ma-saker sa hanay ng mga mamamayan.

Maksimisado ang ka-inutilan ni Aquino bilang pangulo upang pa-banguhin ang pangalan ng mga tro-pang Amerikano bilang mga bayani. Ang EU muli ang ating “tagapaglig-tas”; tila ang buwitre’y binihisan ng kapang nagniningning sa dugong dumanak mula sa mga mamama-yang inutas nito. Pwestado ang prop-aganda ng Rehimeng EU-Aquino upang ipalunok sa mga mamama-yan ang sitwasyong ito at tanggapin na tama lamang ang panghihimasok ng EU sa ating bansa.

Ang reyalidad, walang malinaw na kinabukasang naghihintay sa mga mamamayang biktima ng Yolanda, lalo na ang mga kababayan nating magsasaka at mangingisdang walang pagkukuhanan ng kabuhayan dahil sa pagkasalanta ng mga taniman at karagatan. Pinilay ng imperyal-ismong pananalakay, panunupil at panghihimasok ang ekonomiya at pulitika ng bansa upang maging de-pendyente tayo dito. Mula sa diwang palaban ng masang api ay tinuturu-an tayong maging maamo at patu-loy na tinatapyasan ng kakayahang tumindig at paunlarin ang sariling bayan natin.

Ang sirang nagawa ng Yolanda ay dulot ng trahedyang bunga ng ka-inutilan at kawalang-interes na mag-bigay serbisyo sa mamamayang Pili-pino ng gobyerno. Nagpapatunay ito na ang pambansang soberanya at demokrasya ay hindi maaabot kung hindi wawasakin ang mga pwersa ng imperyalistang EU at lokal na pyu-dalismo na ang makauring interes ay kumakanlong sa nagpapatuloy na pang-aalipin at pagsasamantala sa mga mamamayang Pilipino.

Hawak sa Leeg

Bilang malakolonyal at malapyu-dal na lipunan, nangingibabaw ang interes ng EU sa ating bansa. Ang huwad na kalayaang iginawad sa Pilipinas noong 1946 ng imperyal-istang EU ay dahil sa tumitinding mga kilusan sa pagpapalaya. Sapat nang napatibay na rin ng EU ang mga makinarya ng reaksyunaryong estado ng Pilipinas na magtitiyak ng kanyang interes kahit na hindi niya ito direktang kolonya.

Isang tagumpay ang pagbasura sa Military Bases Agreement noong 1992 para ipakita ang pagtuligsa natin sa pagyurak ng soberanya sub-alit kailangang tuloy-tuloy tayong makibaka upang tuluyan itong wakasan. Ang kasalukuyanng rehi-men ay walang alinlangang tumatal-ima sa lahat ng utos ng EU sa kanya. Nanatili ang mga kasunduang nag-bibigay-laya sa imperyalistang EU na magtukoy ng mga lugar sa bansa na gagawin nitong base militar tu-lad ng Visiting Forces Agreement (VFA) at sumisikil sa karapatan ng mga mamamayan tulad ng Oplan Bayanihan na nakabalangkas sa US Counter Insurgency Guide (COIN). Sa gabay ng mga ayuda at utang ng IMF, WB at WTO, papahigpit nang

papahigpit lalo ang hawak ng mga imperyalista sa leeg ng mga neo-kolonyal na estado sa lahat ng aspe-to ng mga ito sa ekonomiya, pulitika at kultura.

Lunsaran ng digma at katuparan ng mga neoliberal na polisiya; ito ang Pilipinas sa ilalim ng Rehimeng EU-Aquino. Ang ganitong kalagayan ang nagpapatibay ng pangangailangang tuloy-tuloy na imulat, organisahin at pakilusin ang mga mamamayan laban dito. Ang imperyalismo ay ang bisperas ng proletaryong rebo-lusyon. Ngunit gaano man kalala ang krisis na dulot ng imperyal-ismo, hindi ito kusang babagasak. Mapagpasya ang suhetibong pwersa ng rebolusyon upang samantalahin ang mga mga kondisyong ito upang magpalakas ng kilusang masang bibigwas sa imperyalismo hanggang sa tuluyan itong mapabagsak.

Pagsusulong ng Pambansa Demokratikong PakikibakaBahagi ng pandaidigang kilusang anti-imperyalista ang matagalang digmang bayan sa Pilipinas. Isinu-sulong nito ang landas ng arma-dong pakikibaka upang durugin at pabagsakin ang impluwensiya at armadong pwersa ng reaksyunary-ong estado. Lahat ng patriyotiko at progresibong uri, grupo at mga indibidwal ay pinupukaw, inoor-ganisa at pinapakilos upang buuin ang nagkakaisang prenteng nagpa-palakas ng armadong pakikibaka at maghihiwalay sa kapangyarihan at impluwensiya ng mga imperyalista, malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa.

Sa pangkabuuan, ang tanging batay-an para sa isang independyente at aktibong polisiyang panlabas ay ang pagbaklas ng Pilipinas sa pagpapa-katuta nito sa Rehimeng EU-

Oktubre - Disyembre 2013 9

Page 5: Sa ika-49 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan: Kabataan, Itakwil ang rehimeng US-Aquino; Ibagsak ang Bulok na Estado

Ang Buwitre sa Gitna ng Trahedya at ang Pambansa-Demokratikong

Pakikibaka Laban sa Imperyalistang Panghihimasok

Ang pagtindi ng krisis panlipunan ay pagtining ng mga tunggalian sa hanay ng mga nagsasamantala at pinagsasamantalahan ― kung sa kalagayan ng Pilipinas ito, sa pagi-tan ng imperyalistang EU kasama ang mga kasapakat nito sa reaksyu-naryong papet na Rehimeng Aqui-no at ng mayorya ng mamamayang Pilipino. Pagpasok ng buwang ito ay sinalubong tayo ng matinding sakuna sa gitnang bahagi ng Pilipi-nas kasama na ang Central Visayas, Eastern Visayas, Panay, Negros, Masbate, Palawan, Bikol, Timog Katagalugan, Hilaga at Silangang Mindanaw. Tinatayang P12.7 bilyon ang halaga ng nasirang ari-arian ng bagyong Yolanda at storm surges na dala nito. Halos 10% o mahigit 9 na milyong Pilipino ang apektado nito. Litaw sa pangyayaring ito ang pagbabalat-kayo ni Noynoy Aquino na umaktong handa at nasa kontrol niya ang sitwasyon noong paparat-ing pa lamang ang bagyo.

Pagdagsa ng Armadong Pwersa ng Estados Unidos

Tanda ng lubusang pagkatuta ni Noynoy ay ang pagsasamantala nila ng kanyang among Estados Uni-dos (EU) sa malaganap na mili-tarisasyong nagpapanggap bilang humanitarian missions para sa mga biktima ng bagyo. Sa ilalim ng bandera ng “Operation Damayan”, labing-tatlong libong (13,000) tro-pang Amerikano ang direkta at di-direktang bahagi ng panghihimasok gamit ang trahedyang dala ng Yolan-da. Kasama rito ang 5000 US Naval Troops, 243 US Marines, at 700 US

Special Forces. Ito ang nagtakda sa gitnang bahagi ng Pilipinas bilang pinaka-militarisadong lugar mata-pos ang isang sakuna. Dagdag pa rito ay ang paggulong ng disensyong “inter-operationability” ng EU kung saan makikibahagi ang mga tropang Hapon at Australyano sa mga pang-hihimasok na ito.

Walang ipinagkaiba ang sitwasyong ito sa panahong may pinakamadu-gong digmaan sa pagitan ng Ameri-ka at Pilipinas pagpasok ng ika-20 siglo kung saan milyong mga Pili-pino ang minasaker. Sa pamamagi-tan ng gyerang ito ay tuluyan nang pumailalim sa direktang kolon-yal na paghahari ng Amerika ang Pilipinas. Samakatuwid, ang “be-nevolent assimilation” noon ay ang “responsibility to protect” ng United Nations at “humanitarian interven-tion” ni Obama ngayon. Kaakibat ng “tulong” na nabanggit sa taas ay ang lantarang pagyurak sa sobera-nya at kakayahang magpasya n gat-ing bayan; at sanlaksang salaping maglulubog pa lalo sa Pilipinas sa walang katapusang utang-panlabas at mas mahigpit na pagkagapos ng mga mamamayang Pilipino sa tani-kala ng EU.

“Pivot to Asia”May sakuna man o wala, batayang katangian ng imperyalismo ang digma at pagtitiyak nito ng terito-ryal at pang-ekonomiyang kontrol sa malaking bahagi ng daidig. Sa kasaysayan ng paghahari ng im-peryalismo sa daidig, ang EU ay ang siyang nakapaglunsad ng pina-ka-brutal na digma sa Indo-Tsina;

pinaka-mapangwasak na anti-ko-munistang panunupil; at pinaka-malupit na digmang agresyon sa Gitnang-Silangang Asya.

Sa kasalukuyan, lantaran ang paki-kialam ng EU sa pagitan ng Pilipi-nas ng Tsina sa usapin ng presensya ng huli sa mga teritoryong pinag-tatalunan ng dalawang bansa. Pi-naspas din ang pag-apruba sa access agreement sa pagitan ng gobyer-nong EU at sa ehekutibo ng Pilipi-nas o sa bahagi ni Noynoy bilang pangulo ng bansa. Laman ng kasun-duang ito ang pagkakaroon ng “ro-tational troops” na hindi bababa sa 1,000 tropang Amerikano sa isang takdang panahon na walang ipinag-kaiba sa Balikatan Exercises noong 2012.

Sa pamamagitan ng Joint Special Operations Task Force Philippines (JSOTFP), sinusuhayan ang pag-base ng 700 tropang Amerikano sa Camp Navarro sa Zamboanga. Ang mga ito ay mga pamamaraan ng EU upang pigilan ang lumalak-ing impluwensiya ng Tsina sa buong daidig at pagtitiyak ng kanyang kon-trol sa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Ang Pilipinas bilang isa sa may pinaka-estratehikong heograpikal na posisyon para sa baseng mili-tar at ekonomiya ay may palagiang pagtitiyak ng EU ng kumand nito sa pinakamahigpit nitong tutang si Noynoy.

Ang mga tulad nitong kasunduan ay nagbibigay ng garantiya sa EU ng malayang paglabas-masok sa iba’t ibang lugar at teritoryo ng bansa, gayundin ng walang habas na pag-mamanman at pagbabanta sa anu-mang pwersa o kapangyarihang maaring yumanig sa kontrol nito sa Pilipinas. Liban pa sa panlabas na probokasyon sa Tsina ang hakbang

Oktubre - Disyembre 2013 8

Nilahukan ang lightning rally ng mga balangay ng KM sa Metro Manila tulad ng KM-Balangay Andres Bonifacio, KM-Balangay Robert Amparo, KM-Balangay Ma. PS de Leon, KM-Balangay Gypsy Zabala, KM-Balangay Erica Salang, KM-Balangay Norman Taldo at iba pa. ■

Rehimeng US-Aquino, Inutil sa Gitna ng Trahedyang Dulot ng Bagyong Yolanda - KM

Atake sa Karapa-tan sa Edukasyon, Sinalubong ng mga Protesta

Nobyembre 2013 - Ang Kabataang Makabayan ay nanawagan ng kilu-sang masa para sa kagyat na relief operations and rehabilitation sa la-hat ng mga mamamayang naging biktima ng bagyong Yolanda. Tina-tayang 10,000 mga mamamayan ang namatay sa trahedyang ito at aabot sa bilyong piso ang halaga ng mga ari-ariang nasira. Sa inilabas na pa-hayag noong Nobyembre 11 ni Ma. Laya Guerrero, ang tagapagsalita ng Kabataang Makabayan, ipinanawa-gan nito sa lahat ng mga kabataang Pilipino, mga kasapi at balangay ng Kabataang Makabayan na manguna at magbuo ng mga “Serve the Peo-ple Brigades” upang mangolekta ng pinaka-kailangang relief goods at iba pang mga batayang pangangailan-gan. “Ang mga mamamayan sa mga

liblib na lugar at mga rebolusyunar-yong base na nasalanta ng bagyo ay walang maaasahang makabuluhang tulong mula sa anti-mamamayang Rehimeng US-Aquino,” aniya.

Tinuligsa rin nito ang militarisasy-on sa mga lugar na nasalanta upang protektahan ang logging at mining companies na pagmamay-ari ng dayuhan. “Sa loob ng tatlong taon, isinawalang-bahala ng Rehimeng US-Aquino ang lehitimong kahilin-gan ng mga Pilipino na magtayo ng mga nararapat na imprastrak-turang tutulong sa paghahanda ng mga mamamayan sa pagdating mga kalamidad, nang sa gayon ay maba-wasan ang mga sakunang dulot ng mga ito. Ang Rehimeng US-Aquino ay dapat kundenahin sa paggamit nito ng bagyong Yolanda at mga kalamidad upang ipagtanggol ang korapsyon at sistemang pork bar-rel na pinangungunahan niyang it-aguyod.”, dagdag pa ni Guerrero.

Mabilis na nakatugon ang iba’t ibang

pambansa-demokratiko at progresi-bong organisasyon sa panawagang ito. Ang mga tulong na natipon ay naipaabot at patuloy na ipina-dadala sa mga apektadong lugar at mamamayan. Ang Nobyembre 13, 2013 ay itinakdang International Day of Solidarity for the Victims of Yolanda Super-typhoon. Ang mobi-lisasyong ito ay nilahukan ng iba’t ibang sektor at sumusuportang mga indibidwal. ■

Noong ika-29 ng Nobyembre ay naglunsad ng Black Shirt Day ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Of-fice of the Student Regent at mga progresibong organisasyon. Ito ay bilang protesta sa pag- apruba ng Board of Regents (BOR) ng nasa-bing pamantasan sa matagal nang pinagtatalunang mga anti-estudy-anteng polisiya tulad ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) Reform, System Code at laboratory fees sa College of Engineering. Sinamantala nina UP President Alfredo Pascual, CHED Commissioner Patricia Li-cuanan at Malacaňang apointee Magdaleno Albaraccin ang kawa-lan ng presensya ng Student Regent dahil sa sakit upang aprubahan ang mga nasabing polisiya sa pulong ng BOR noong ika-28 ng Nobyembre 2013. Tumutol ang faculty at staff regents sa nasabing mosyon ngunit nagkaisa na ang tatlong nabang-git sa pag-apruba ng mga nasabing polisya. Ang STFAP ay ang mekanismo at nagsisilbing “smokescreen” sa pag-tataas ng matrikula sa UP habang Sundan sa PAHINA10...(BALITA)

Oktubre - Disyembre 2013 5

Page 6: Sa ika-49 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan: Kabataan, Itakwil ang rehimeng US-Aquino; Ibagsak ang Bulok na Estado

PAGPUPUGAY SA MGA MARTIR NG KABATAAN AT

SAMBAYANAN!

Puspusang Ipagdiwang ang Ika-45 na Anibersaryo ng Partido

Komunista ng Pilipinas!

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ang tagapagpatuloy ng rebolusyon. Sila “ay puno ng buhay at lakas, tu-lad ng araw sa gita ng 8-9 ng umaga. (Mao)”. Sa patuloy na pag-agos ng daluyong ng ating digmang bayan, di na mabilang ang mga kabataan na lumubog sa hanay ng masang anakpawis. Nanalaytay sa kanilang puso at diwa ang dakilang apoy ng paninindigang proletrayo. Hindi na rin mabilang ang mga kapwa natin kabataan na buong giting na nag-alay ng kanilang buhay saanmang larangan ng gawain. Mula rito, pinakamataas na pagpupugay at pagdakila ang iginagawad ng buong kasapian ng Kabataang Makabayan sa lahat ng mga bagong martir ng kabataan at sambayanan.

Pinakamataas na pagpupugay kay Kasamang Felenina Lagmay o mas kilala bilang ‘Nini’ ng mga kasama at kaibigan. Siya ay narekluta sa Ka-bataang Makabayan noong 2000 sa balangay sa hanay ng mga hayskul. Tunay na inspirasyon si Ka Nini, sa ating lahat na matayog ang kagustu-han na paghusayan ang kanya-kanya nating larangan ng gawain at sa huli ay makapagambag sa pinakamataas na anyo ng pakikibaka - sa arma-dong pakikibaka sa hanay ng ating Bagong Hukbong Bayan. Noong 2008, siya ay ganap nang sumapi sa Bagong Hukbong Bayan. Bagaman nakitlan ng buhay si Nini sa piling ng masang magsasaka at pamban-sang minorya ngayong taon sa rurok ng kanyang kabataan at kasiglahan, magpapatuloy ang kanyang alaala at nasimulan sa puso’t diwa ng bawat

isang rebolusyonaryo mula kalun-suran hanggang sa kanayunan.

Pinakamataas na pagpupugay kay Kasamang Robert Amparo o Ka Hektor, kasapi ng Bagong Hukbong Bayan at namatay na martir sa ha-nay ng masang magsasaka. Siya ay narekluta noong 2010 sa Kabataang Makabayan Balangay Erika Salang. Disyembre 2011 ng kumuha ng re-bolusyunaryong pag-aaral sa loob ng larangan si Ka Hektor at mula doo’y napagpasyahan na niyang su-mapi sa Bagong Hukbong Bayan. Namatay siya noong ika-3 ng Hunyo 2013 sa isang depensibong laban ng ating hukbo laban sa reaksyunary-ong hukbo ng AFP.

Maaga mang napatid ang buhay ng mga kabataang rebolusyonaryong ito, ang kanilang diwa’y patuloy na magniningas sa libo-libong mga ka-bataang patuloy na magpapasyang tanganan ang sandata at magsisilbi sa interes ng masang anakpawis at ng rebolusyon. Patuloy na sasanib ang mga kabataan sa Bagong Huk-bong Bayan upang makapag-ambag sa pagpapaigting ng ating Digmang Bayan at pagkakamit ng ganap na tagumpay. Kasabay ng ating pagda-dalamhati at pag-aalay ng mga pu-lang rosas at awit, ay ang panatang “muling tatanganan ang sandatang nabitawan” at ipagpapatuloy ang pa-kikibakang kanilang sinimulan. Da-hil hangga’t may pang-aapi at pag-sasamantala, patuloy na titindig ang Kabataang Makabayan upang mag-alay ng talino, kakayahan, at sigasig, at makiisa sa hanay ng uring anak-

pawis. Ipagpatuloy ang pakikibaka hanggang sa ganap na pagpawi ng mga uri, buhay man ay ialay!

Mabuhay ang mga martir ng sambayanan!

Mabuhay ang Kabataang Makabayan!

Kabataan, Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan! Isulong at Pagtagumpayan ang Armadong Rebolusyon!

Sa darating na ika-26 ng Disyem-bre 2013 ay ipagdiriwang ang ika-45 na anibersayo ng PKP-MLM. Kabahagi ang Kabataang Maka-bayan sa loob at labas ng bansa sa pagsasagawa ng lahat ng porma ng pakikibaka at aktibidad sa bawat sulok ng bansa na nagpapatampok ng mga tagumpay ng mamama-yang Pilipino sa pagrerebolusyon sa pamumuno ng PKP.

Bilang ambag sa buhay at kamatay-

ang pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan, higit pang pala-lakasin ng Kabataang Makabayan (KM) ang panawagan at pagsasa-gaw nito ng tungkulin sa paglul-unsad ng armadong pakikibaka sa kanayunan. Gagamitin ang lahat ng pamamaraan upang masikhay na maglunsad ng malawakang pagsu-sulong ng anti-imperyalista, anti-pyudal at anti-pasistang pakikibaka sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga kampanya at pakikibakang

masa; pag-aaral hinggil sa pamban-sang demokratikong rebolusyon at pagbubuo ng base.

Laksang kabataan ang tutungo sa kanayunan upang makibahagi sa selebrasyon. Kasabay nito ay ang buong panahong pag-aalay ng la-kas at talino ng mga kabataang ito para sa armadong pag-aambag sa kanayunan. Sa unang bukang-li-wayway ng araw na ito, ang sanlak-sang kabataang ito, kasama Bagong Hukbong Bayan at ang masang nakikibaka ilalim ngg bandera ng matagalng digmang bayan, ay mag-tatanghal ng armas at magtataas ng watawat ng Partido.

Mabuhay ang ika-45 na anibersaryo ng PKP!

Itaguyod ang Marxismo-Leninismo-Maoismo!

Ibagsak ang imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo!

Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan!

Isulong ang digmang bayan!Mabuhay ang PKP!

Oktubre - Disyembre 2013 6

Oktubre - Disyembre 2013 7

Page 7: Sa ika-49 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan: Kabataan, Itakwil ang rehimeng US-Aquino; Ibagsak ang Bulok na Estado