12
EDITORYAL I tinatakwil ng Partido at sambayanang Pilipino ang deklarasyon ni Presidente Duterte ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) noong Pebrero 4 na tatapusin na niya ang negosasyong pangkapa- yapaan ng GRP at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Gayunman, habang walang por- mal na pabatid ng pagtatapos mula sa GRP, itinuturing nating nagpapa- tuloy pa ang negosasyong pangkapa- yapaang GRP-NDFP. Inaantabaya- nan ng panel ng NDFP ang nakatak- dang pag-uusap sa Pebrero 22-24 at Abril 2-6. Binabatikos ng Partido ang utos ni Duterte na kanselahin ang mga pasaporte ng mga negosyador at konsultant ng NDFP at muli silang a- restuhin at ikulong nang walang pyansa. Kung ituloy, ituturing itong labis na kataksilan at malalang pag- labag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees na muling pinagtibay ng GRP at NDFP ilang bu- wan pa lamang ang nakaraan. Tiniti- yak nito ang hindi pagpahamak sa mga tauhang pangkapayapaan ng magkabilang panig. Ang mapusok na pahayag ni Du- terte na tapusin ang negosasyong pangkapayapaang NDFP-GRP ay ka- sunod ng pagtatapos niya sa unilate- ral na deklarasyong tigil-putukan ng GRP sa BHB. Malinaw na wala itong matalinong pagsasaalang-alang sa payo ng kanyang panel pangkapaya- paan at sa tagumpay ng katatapos pa lamang na ikatlong pag-uusap sa Ro- me, Italy mahigit isang linggo lang ang nakakaraan. Iginigiit niya na kung walang "mabigat na dahilan" ay di na muling sisimulan ang negosa- syong pangkapayapaan. Nakadidismaya na mukhang in- teresado lamang si Duterte sa nego- sasyong pangkapayapaan sa NDFP kung magagamit ito para sa pasipi- kasyon upang obligahin ang mga re- SA ISANG MENSAHENG naka- bidyo noong Pebrero 1, inia- nunsyo ni Ka Oris, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), ang magkatambal na desisyon ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at Pambansang Kumand sa Operasyon ng BHB na tapusin na ang unilateral na deklara- syon ng tigil-putukan sa araw ding iyon. Matapos itong ipaba- tid sa Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP), tuluyang ma- wawalan ng bisa ang tigil-putu- kan sa Pebrero 10, alas-11:59 ng hatinggabi. Ayon kay Ka Oris, nagpasya ang pamunuan ng rebolusyo- naryong kilusan na tapusin ang tigil-putukan dahil, "una, nabigo ang rehimeng Duterte na tupa- rin ang pangakong palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal kahit matapos ang halos 160 araw mula nang pinag-usapan ito noong Agosto. Ikalawa, tu- song sinamantala ng GRP ang tigil-putukan ng PKP/BHB para manghimasok sa mga teritoryo ng demokratikong gubyernong bayan." Aniya, kahit pa tinatapos na ng PKP at BHB ang unilate- ral nitong tigil-putukan, patu- loy nitong sinusuportahan ang negosasyong pangkapayapaang NDFP-GRP. Gayunpaman, tutol ang rebolusyonaryong kilusan na gamitin ito "para lamang sa pasipikasyon at pagpilit ng pangmatagalan at walang ta-

· PDF filetid sa Gubyerno ng Republika ng ... Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 7 7 EJK sa ilalim ng ... nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la

  • Upload
    vohanh

  • View
    271

  • Download
    14

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: · PDF filetid sa Gubyerno ng Republika ng ... Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 7 7 EJK sa ilalim ng ... nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-MaoismoANG

EDITORYAL

Tomo XLVI I I Blg.3

Pebrero 21, 2017

www.phi l ippinerevolution. info

Makatarungang kapayapaan,kamtin sa negosasyonat digmang bayan

Itinatakwil ng Partido at sambayanang Pilipino ang deklarasyon niPresidente Duterte ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP)noong Pebrero 4 na tatapusin na niya ang negosasyong pangkapa-

yapaan ng GRP at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).Gayunman, habang walang por-

mal na pabatid ng pagtatapos mulasa GRP, itinuturing nating nagpapa-tuloy pa ang negosasyong pangkapa-yapaang GRP-NDFP. Inaantabaya-nan ng panel ng NDFP ang nakatak-dang pag-uusap sa Pebrero 22-24 atAbril 2-6.

Binabatikos ng Partido ang utosni Duterte na kanselahin ang mgapasaporte ng mga negosyador atkonsultant ng NDFP at muli silang a-restuhin at ikulong nang walangpyansa. Kung ituloy, ituturing itonglabis na kataksilan at malalang pag-labag sa Joint Agreement on Safetyand Immunity Guarantees na mulingpinagtibay ng GRP at NDFP ilang bu-wan pa lamang ang nakaraan. Tiniti-yak nito ang hindi pagpahamak samga tauhang pangkapayapaan ng

magkabilang panig.Ang mapusok na pahayag ni Du-

terte na tapusin ang negosasyongpangkapayapaang NDFP-GRP ay ka-sunod ng pagtatapos niya sa unilate-ral na deklarasyong tigil-putukan ngGRP sa BHB. Malinaw na wala itongmatalinong pagsasaalang-alang sapayo ng kanyang panel pangkapaya-paan at sa tagumpay ng katatapos palamang na ikatlong pag-uusap sa Ro-me, Italy mahigit isang linggo langang nakakaraan. Iginigiit niya nakung walang "mabigat na dahilan" aydi na muling sisimulan ang negosa-syong pangkapayapaan.

Nakadidismaya na mukhang in-teresado lamang si Duterte sa nego-sasyong pangkapayapaan sa NDFPkung magagamit ito para sa pasipi-kasyon upang obligahin ang mga re-. . . sundan sa pahina 3

Unilateral na tigil-putukan, tinaposna ng PKP/BHB

SA ISANG MENSAHENG naka-bidyo noong Pebrero 1, inia-nunsyo ni Ka Oris, tagapagsalitang Bagong Hukbong Bayan(BHB), ang magkatambal nadesisyon ng Komite Sentral ngPartido Komunista ng Pilipinas(PKP) at Pambansang Kumandsa Operasyon ng BHB na tapusinna ang unilateral na deklara-syon ng tigil-putukan sa arawding iyon. Matapos itong ipaba-tid sa Gubyerno ng Republika ngPilipinas (GRP), tuluyang ma-wawalan ng bisa ang tigil-putu-kan sa Pebrero 10, alas-11:59ng hatinggabi.

Ayon kay Ka Oris, nagpasyaang pamunuan ng rebolusyo-naryong kilusan na tapusin angtigil-putukan dahil, "una, nabigoang rehimeng Duterte na tupa-rin ang pangakong palayain anglahat ng bilanggong pulitikalkahit matapos ang halos 160araw mula nang pinag-usapanito noong Agosto. Ikalawa, tu-song sinamantala ng GRP angtigil-putukan ng PKP/BHB paramanghimasok sa mga teritoryong demokratikong gubyernongbayan."

Aniya, kahit pa tinataposna ng PKP at BHB ang unilate-ral nitong tigil-putukan, patu-loy nitong sinusuportahan angnegosasyong pangkapayapaangNDFP-GRP. Gayunpaman, tutolang rebolusyonaryong kilusanna gamitin ito "para lamang sapasipikasyon at pagpilit ngpangmatagalan at walang ta-

Page 2: · PDF filetid sa Gubyerno ng Republika ng ... Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 7 7 EJK sa ilalim ng ... nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la

Pebrero 7 , 2017 ANG BAYAN2

matigas si Duterte na hindi palala-yain ang lahat ng bilanggong puliti-kal sa pamamagitan ng proklama-syong amnestiya, taliwas sa kan-yang pangako at obligasyon ng GRP.

Lumilitaw na ang AFP ang pi-nakamalaking hadlang sa pagpapa-laya ng mga bilanggong pulitikalnang idineklara ni Duterte na dapatrin siyang makinig sa militar, kahitpa katumbas nito'y magbingi-bi-ngihan sa sigaw ng bayan para sakatarungan. Ngayo'y malinaw na siDuterte, na nakasandal sa AFP pa-ra magtagal sa pulitika, ay mas pa-bor sa militar at pulis kaysa mama-mayan.

Iginigiit ng sambayanang Pili-pino ang makatarungan at pang-matagalang kapayapaan sa pama-magitan ng paglutas sa tampok namga suliraning pang-ekonomya atpanlipunan, laluna ang malawak naproblema ng kawalan at pang-aa-gaw ng lupa sa kanayunan, pati angproblema ng talamak na disemple-yo, mababang sahod, kawalan ngseguridad sa trabaho at malawakna mga problemang nagsasadlak samga manggagawa, magsasaka atiba pang saligang sektor.

Dapat mahigpit na tutulan ngmga sektor, organisasyon at perso-nalidad na maka-kapayapaan angbiglaang desisyon ni Duterte na wa-kasan ang negosasyong pangkapa-yaang GRP-NDFP.

Nananatiling bukas ang tang-gapan ng panel sa negosasyon ngNDFP upang patuloy na pag-aralanang posibilidad ng muling pagbu-bukas ng negosasyong pangkapa-yapaan sa gubyernong Duterte,kapwa sa CASER at pati na sa usa-pin ng kasunduan sa tigil-putukankasabay ng pagpapalaya sa mgabilanggong pulitikal.

Dapat paigtingin ng samba-yanang Pilipino kapwa ang kanilangarmado at di-armadong paglabansa lahat ng anyo ng pang-aapi atpagsasamantala. Dapat puspusannilang isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon upangilatag ang mga batayan para samakatarungan at pangmatagalangkapayapaan.

Editoryal: Kapayapaan, kamtin sanegosasyon at digmang bayan 1

Unilateral na tigil-putukan, tinapos 1

Pangatlong serye ng peacetalks 3Konsultant, iligal na inaresto 4JMS, PKP nasa terror listing pa rin ng US 4Mga aksyong pandepensa ng BHB 5Hakbang-pamamarusa ng BHB 6Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 77 EJK sa ilalim ng Oplan Kapayapaan 7Oplan Tokhang ni Duterte 8Hustisya para sa mga manggagawasa HTI 10Kampuhan sa Davao City 11Kamara, nabulabog ng protesta 11Iba't ibang mga protesta 12Mga protesta ng mga tsuper 12

Tomo XLVI I I Blg. 3 | Pebrero 7, 2017

NilalamanANG

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loko,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

instagram.com/prwc.info

youtube.com/PhilippineRevolutionWebCentral

@prwc_info

fb.com/PhilippineRevolutionWebCentral

[email protected]

bolusyonaryong pwersa na pumasoksa matagalang tigil-putukan na hindilang walang makabuluhang pakina-bang sa bayan, kundi nakapipinsalarin sa mamamayan dahil nahahan-tad sila sa walang-habas na militari-sasyon sa kanayunan.

Sa pagsaad ng planong umatrassa negosasyong GRP-NDFP, inulit niDuterte ang pinalaking galit ng AFPsa sunud-sunod na armadong sagu-paang sumiklab sa pagitan ng BHBat AFP na nagresulta sa pagkamatayng anim na tropang militar mula ka-tapusan ng Enero.

Pinagtatakpan niya na siya atang pamunuan ng AFP ang nag-u-tos ng pagdeploy ng mga armadongtropa sa mga sona at baseng geril-ya ng BHB upang sakupin ang mgabaryo sa ngalan ng "kapayapaan atkaayusan," "paghahatid ng serbi-syong panlipunan" at iba pangpagdadahilan, para maghasik ngtakot at intimidasyon sa mamama-yan at maglunsad ng armadongopensiba sa kabila ng magkatugongdeklarasyon ng unilateral na tigil-putukan.

Tumindi ang mga operasyong

strike ng AFP nitong nagdaang mgalinggo na humantong sa pagsalakaysa mga kampo ng BHB noong Enero23 sa Makilala, at noong Enero 26 saMatalam, kapwa sa North Cotabato.Dahil sa walang-awat na mga open-siba ng AFP, naging mahirap panati-lihin ang unilateral na deklarasyon ngtigil-putukan. Bilang tugon, pinasiglang BHB ang mga hakbanging aktibongdepensa nitong nagdaang mga arawupang ipagtanggol ang interes at ka-pakanan ng bayan. Ang pag-anun-syong ginawa ng Partido at BHB ni-tong Pebrero 1 na pagtatapos ngdeklarasyong tigil-putukan ay ginawanang may higit sa sapat na pauna sanagdaang dalawang buwan.

Sa hangaring tapusin angnegosasyong pangkapayapaan, igi-nigiit ni Duterte na hindi niya pwe-deng palayain ang lahat ng bilang-gong pulitikal. Kabulastugan ang si-nasabi niyang katumbas na rin ito ng"pagsurender" ng GRP. Isinasa-isantabi niya ang katotohanang si-la’y sinampahan ng gawa-gawangkaso at biktima ng lansakang inhus-tisya.

Sa nagdaang mga buwan, nag-

Page 3: · PDF filetid sa Gubyerno ng Republika ng ... Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 7 7 EJK sa ilalim ng ... nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la

ANG BAYAN Pebrero 7 , 2017 3

Pangatlo sa serye ng usapan,tagumpay

Sa kabila ng mga pahayag ni Pres. Duterte noong Pebrero 4 na tatapu-sin na niya ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP,

nananatiling bukas ang rebolusyonaryong kilusan sa pagpapatuloy nito.Kabilang sa mga dahilan ang matagumpay na pagdaraos ng pangatlongserye ng usapan sa Rome, Italy noong Enero at ang mga napagkasundu-ang mahahalagang punto rito.

Ayon sa Joint Statement sapagsasara ng pangatlong pag-uu-sap, natalakay na ng mga Recip-rocal Working Committee on SER(RWC-SER) ang unang apat na ba-hagi ng borador ng CASER. Nagsi-mula na ring talakayinang repormang agraryoat pagpapaunlad ng ka-nayunan, kung saannagkaisa sa prinsipyosa pamamahagi nglupa sa mga magbu-bukid bilang bahagi ngbalangkas ng CASER.

Wika pa ni Randall Echanis,tagapagsalita ng NDFP RWC-SER,inaasahang matatapos ang bora-dor sa loob ng taong ito. Nagpali-tan na rin ang magkabilang panigng kanilang mga borador para sakasunduan sa pulitikal at konstitu-syunal na mga reporma.

Kabilang sa mga tagumpay ngusapan ang pagpipirma sa Supple-mental Guidelines for the Joint Mo-nitoring Committee (JMC) at ngmga batayang alituntunin sa mgapulong ng mga reciprocal workingcommittee sa repormang panlipu-nan at pang-ekonomya. Ang mgadokumentong ito ang magtutulak samas mabilis na pagpapatupad ngCARHRIHL, na dati nang napagti-bay ng dalawang panig noong 1998.

Kapag mapatupad ang Supple-mental Guidelines, maaari nangmaglunsad ng magkasanib na im-bestigasyon ang JMC tungkol sapagpapatupad sa CARHRIHL.Magbibigay daan ito sa pag-im-bestiga sa libu-libong kasong isi-nampa sa JMC mula 2004. Sa ba-wat kaso laban sa NDFP ay mayapat na kasong nakasampa laban

sa GRP.Marami sa mga kaso laban sa

GRP ay kaugnay ng ekstrahudisyalna pamamaslang, pagdukot, iligalna pambibilanggo at paglabag samga karapatang-tao at interna-syunal na makataong batas dulot

ng mga operasyong militarna isinasagawa ng mgapwersa ng estado.

Muling inihapagng NDFP ang mga

usapin ng pagla-bag ng GRP sa

CARHRIHL, kabilang na ang pag-babalewala sa doktrinang Her-nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la-ban sa mga salang pulitikal, angpaglibing sa diktador na si Marcossa Libingan ng mga Bayani, angpaggamit ng mga tropang militarsa mga eskwelahan, barangay hallat iba pang istrukturang pangko-munidad, at ang usapin ng ligal naproseso kaugnay ng gerangkontra-droga.

Muli pang iginiit ng NDFP angpagpapalaya sa halos 400 bilang-gong pulitikal bilang pagpapatu-pad ng CARHRIHL. Anang pinunong panel ng NDFP na si FidelAgcaoili sa kanyang pagtatapos napananalita, “hanggang ngayon aywalang natutupad sa binitiwangpangako noong Agosto 2016 ka-palit ng unilateral na deklarasyonng rebolusyonaryong kilusan ngwalang-taning na pagpapalawig ngtigil-putukan.”

Nangako ang GRP na makiki-pagtulungan sa mga abugadongpandepensa upang mapabilis angproseso ng pagpapalaya sa lahatng bilanggong pulitikal, pinakauna

ning na tigil-putukan na walangkongkretong pakinabang sa bayan atrebolusyonaryong kilusan."

Inatasan ng Pambansang Ku-mand ng BHB ang lahat ng kumandat yunit ng BHB, kabilang ang mgamilisyang bayan at yunit pananggol-sa-sarili na bago tuluyang mawalangbisa ang tigil-putukan, magsagawaang mga ito ng "aktibong depensaupang kontrahin, biguin at parusa-han ang mga yunit ng AFP, PNP,CAFGU na nagpapatrulya sa mgasonang gerilya, ang mga yunit ngkaaway na sumasakop sa mga bara-ngay at komunidad pati na ang mgaopensibang operasyong nagpapang-gap na anti-droga o anti-krimen, napawang lumalabag sa mga karapa-tang-tao at yumuyurak sa diwa ngmagkatugong deklarasyong tigil-pu-tukan."

"Sa tuluyang pagtatapos ngunilateral na tigil-putukan, lahat ngpanteritoryo at yunit kumand ngBHB ay inaatasang kunin ang buonginisyatibang maglunsad ng mgakampanyang militar at taktikal naopensiba laban sa AFP, PNP, sa iba'tibang mga grupong paramilitar atdeath squad ng rehimeng Duterte,pati na ang mga armado, abusado atmapandambong na negosyo at ibapang armadong grupo at sindikato,"dagdag pa niya.

Ang anunsyo ay sinundan ngpagsagot ni Ka Oris sa mga tanongng mga myembro ng midya sa pa-mamagitan ng mga social mediaaccount ng Philippine RevolutionWeb Central.

Bilang tugon, ibinagsak na rin niDuterte noong Pebrero 3 ang unila-teral na tigil-putukan ng GRP, isangaraw matapos magpahayag na "hin-di niya gagayahin" ang anunsyo ngPKP/BHB. Inatasan niya ang lahatng mga sundalo ng AFP na "bumaliksa mga kampo, linisin ang kanilangmga riple at maghanda para sa bak-bakan." Noong Pebrero 3, nagsaga-wa ng press conference ang pamu-nuan ng AFP at nangakong "bibig-wasan namin sila (BHB) nang ma-tindi."

"Tigil-putukan. . . , " mula pahina 1

Page 4: · PDF filetid sa Gubyerno ng Republika ng ... Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 7 7 EJK sa ilalim ng ... nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la

Pebrero 7 , 2017 ANG BAYAN4

Konsultant, iligal na inaresto

MARIING KINUNDENA ng rebolusyonaryong kilusan, mga tagapag-tanggol ng karapatang-tao at tagasuporta ng usapang pangkapaya-paan ang iligal na pag-aresto ng magkasanib na pwersa ng pulis atmilitar kay Ariel Arbitrario at isa sa kanyang istap.

Hinarang sina Arbitrario saisang tsekpoynt sa Sirawan,Toril, Davao City bandang alas-9 ng umaga noong Pebrero 6.Pansamantala siyang pinalayanoong Agosto 18, 2016 para lu-mahok bilang konsultant sausapang pangkapayapaan sapagitan ng NDFP-GRP. Dumalosiya sa tatlo sa serye ng mgausapan.

Ito ang unang pang-aares-to matapos inianunsyo ni Du-terte ang pag-atras ng GRP sausapang pangkapayapaan. Ka-sabay ng pag-atras, inutos ni-ya ang pagkansela sa mgapasaporte ng mga konsultantat sinabihang ibabalik sila sakulungan dahil sila ay mga“kriminal.” Inatasan din niya

ang militar na tiktikan ang mgakonsultant at tiyaking alamang kanilang kinalalagyan. Itoay kasabay ng pagbansag saPKP, BHB at maging sa NDFPbilang mga teroristang orga-nisasyon.

Ayon sa pahayag ng NDFPnoong Pebrero 6, lahat ng 17konsultant nito ay nasa Pilipinasna at hindi sila nagtatago. Hindirin sila maaaring basta-bastangarestuhin dahil protektado silang JASIG (Joint Agreement onSecurity and Immunity Gua-rantees). Kailangan din ng 30-araw na palugit para tuluyangmagkabisa ang terminasyon ngusapan matapos maghapag ngnakasulat na pabatid ang isangpanig.

na ang 200 "kwalipikado" paramakalahok sila sa prosesong pang-kapayapaan.

Ang hindi pagtupad sa pagpapalayang mga bilanggong pulitikal ang isa samga dahilan ng pagbawi ng PKP at BHB saunilateral na tigil-putukan epektibo saPebrero 10, bagamat hindi pa rin umaat-ras sa usapang pangkapayapaan at handapa ring hindi ituloy ang pagbawi kung tu-tuparin ng GRP ang mga obligasyon nito.

Ngunit noong Pebrero 3, ipinahayagni Duterte ang pagbawi sa kanilang dek-larasyon ng tigil-putukan at inatasanang AFP na bumwelo na sa operasyon.Kasunod nito ay inis na ipinahayag niyaang pagkalas sa usapan, at idiniin nahindi niya palalayain ang mga bilanggongpulitikal dahil isinasaalang-alang niyadiumano ang sentimyento ng mga sun-dalo ng AFP.

Gayunpaman, nagpahayag ang NDFPna handa pa rin itong umupo sa usapangpangkapayapaan. Ayon sa pahayag niFidel Agcaoili, “umaasa pa rin ang NDFPna magpapatuloy ayon sa nakatakda angusapang pangkapayapaan at ang pinag-uusapang CASER ay maihahanda na parasa pagpapatibay ng magkabilang panigsa katapusan ng 2017.”

Nakatakda pang muling magpulongang mga panel sa Utrecht, The Nether-lands sa Pebrero 20-22 upang talakayinang panukala ng gubyerno na bilateralna tigil-putukan at iba pang usapin sapagpapatupad ng CARHRIHL. Dati ringnapagkaisahan na gaganapin ang ikaa-pat sa serye ng usapan sa Abril 2 hang-gang 6 sa Oslo, Norway. Kailangan pangpormal na ipaabot ng GRP sa NDFP panelat sa Third Party Facilitator ang naka-sulat na pagkalas nito sa usapang pang-kapayapaan bago tuluyan itong maputol.

Samantala, sakitin na nang palayainnoong Pebrero 2 si Reynante Malcampo,41-taong gulang, mula sa CompostelaValley Provincial Rehabilitation Center,Tagum City. Matapos ang limang taongpagkakabilanggo, noon pa lamang siyapinawalang-sala ng husgado sa gawa-gawang kriminal na kaso ng illegal pos-ses- sion of explosives. Hindi siya napa-laya dahil sa pangako ni Pres. Duterteng amnestiya kundi sa sariling pagsisi-kap ng mga tagapagtaguyod ng kara-patang-tao.

US, tumangging alisin si Sison at ang PKP sa terror list

TUMANGGI ANG US nitong Pebrero 2 na tanggalin si Prof. Jose MariaSison at ang Partido Komunista ng Pilipinas sa listahan nito ng mgaterorista. Ito ay matapos pormal na iminungkahi ng Gubyerno ng Re-publika sa Pilipinas (GRP) na iatras ang naturang paglilista. Ang hak-bang na ito ay isa sa mga kaisahan ng NDFP at GRP sa pangatlo saserye ng usapang pangkapayapaan sa Rome, Italy na ginanap noongEnero.

Ayon sa pinag-isang pahayag ng mga negotiating panel ng NDFPat GRP, wala nang dahilan para manatili sa listahan ng mga teroristasi Sison at ang PKP dahil ang alyansa nito, ang National DemocraticFront, ay kasalukuyang nakikipag-usapang pangkapayapaan sa gub-yerno ng Pilipinas. Taliwas ito sa katangian ng mga terorista, ayon pakay Silvestre Bello, pinuno ng GRP panel. Isinama si Sison at ang PKPat BHB sa listahan ng mga terorista noong 2002 sa rekomendasyonng rehimeng Arroyo. Si Bello rin ang noo'y pinuno ng panel ng GRP.

Sa halip ng positibong tugon, sinamantala ng US ang pagkakata-on para pagsabihan ang Pilipinas kaugnay sa mga "maling hakbang"nito sa South China Sea. Pinatutungkulan nito ang pagpapabaya ngrehimeng Duterte sa nababalitang paglalagak ng mga armas ng Chinasa mga pinag-aagawang bahura at isla.

Sa kaugnay na balita, dumating na sa Pilipinas ang ibinenta ng USna mga baril sa AFP bilang bahagi ng "gera kontra-terorismo" nito.Kabilang dito ang 400 grenade launcher, 85 na M40A5 ripleng pang-isnayp at isang RQ-11B Raven unmanned aerial vehicle system na maytatlong drone.

Page 5: · PDF filetid sa Gubyerno ng Republika ng ... Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 7 7 EJK sa ilalim ng ... nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la

ANG BAYAN Pebrero 7 , 2017 5

Aktibong depensa,inilunsad ng BHBmula Enero

Mahigit labing-walong armadong aksyon ang inilunsadng iba’t ibang yunit ng Bagong Hukbong Bayan

(BHB) sa buong bansa bilang pagtalima sa atas ng Pam-bansang Kumand sa Operasyon na magsagawa ng aktibongdepensa upang ipagtanggol ang kapakanan ng mamamayanat mga rebolusyonaryong pwersa.

Isabela. Matagumpay na inam-bus ng yunit ng BHB-South Isabela(Benito Tesorio Command) ang da-lawang elemento ng 86th IB sabayan ng Echague.

Sa pahayag ni Victor Servidoresng BHB-Cagayan Valley, ang dalawaay kabilang sa tropa ng AFP na wa-lang patid na naglulunsad ngoperasyong paniktik sa lalawigan ngCagayan at Isabela.

Tahasang sinasamantala ng mgayunit militar ang gawaing relief, re-habilitation at kontra-drogang kam-panya para makapasok ang mgaoperatibang paniktik at tropangpangkombat ng AFP sa mga teritor-yo ng demokratikong gubyernongbayan.

Batangas. Ilang oras mataposang deklarasyon ng BHB sa termina-syon ng tigil putukan, hinaras ngBHB-Batangas (Eduardo Dagli Com-mand) ang isang detatsment ng Phi-lippine Air Force noong Pebrero 1 saSityo Buntog, Barangay Bulihan,Nasugbu.

Sorsogon. Inambus ng BHB-Sorsogon (Celso Minguez Command)ang nagpapatrulyang mga elementong 31st IB sa Trese Martires, Casi-guran noong Pebrero 6. Dalawangsundalo ang nasugatan. Kaagad nadinumog ng mga sundalo ang lugar.Dahil dito, ilang pamilya ang lumikassa barangay.

Southern Panay. Dalawangmagkasunod na aksyong militar anginilunsad ng BHB-Southern Panay(Napoleon Tumagtang Command)laban sa mga tropa ng 82nd IB at3rd ID na nag-ooperasyon sa Bara-ngay Boloc, Tubungan, Iloilo at Ba-

rangay Oso-rio III, SanRemigio,Antique.

Ang ak-syong militar na ito ay tugon sa ka-hingian ng mamamayan na parusa-han ang mga elemento ng AFP nananggugulo sa kanilang komunidad.

Sa pahayag ng BHB-NTC, sang-kot ang 82nd IB at 3rd ID PA sawalang pakundangang pamamaril samga kabahayan at sapilitang pag-papapirma sa mga taumbaryo sakasulatan na sila’y pumapayag namagkampo ang AFP sa komunidad.

North Central MindanaoRegion. Enero 30, naglunsad ngoperasyong haras ang mga Pulangmandirigma laban sa tropa ng 8thIB na nagkampo sa gusali ngSIDAMCO sa Barangay Concepcion,Valencia City Bukidnon.

Sa panahon ng kanilang pag-kampo, nagtayo ang 8th IB ngDDSM o Duterte Drug Squad Move-ment na pinangunahan ng militaryintelligence battalion, anila’y ‘gerakontra droga’ ngunit tinatarget ang

mgaprogre-

sibong lidersa komunidad.

Gabi-gabi ay iniimbestiga angmga lider magsasaka at pinaaaminkung saan ang kampo ng NPA, sinu-sino ang mga lider at taga-suportang BHB.

Sangkot din ang tropa ng AFP sapagpapalaganap ng malalaswangpalabas, pagsusugal at paglalasingsa komunidad.

Pinasinungalingan ni Alan Jua-nito, tagapagsalita ng BHB-NCMRang pahayag ni Capt. Joe PatrickMartinez ng 4th ID na naglulunsadang yunit ng AFP ng relief operationssa mga biktima ng baha sa ValenciaCity. Aniya, walang sentro ngebakwasyon sa nasabing baryo atwala ring lumikas sa mga taumbaryosa panahon ng bagyo.

Tatlong elemento naman ng 8thIB ang hinarang at nanlaban saisang yunit ng BHB sa Sityo Kalib,Barangay Kibalabag, MalaybalayCity noong Pebrero 1. Patay angtatlong sundalo sa nangyaring

Page 6: · PDF filetid sa Gubyerno ng Republika ng ... Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 7 7 EJK sa ilalim ng ... nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la

Pebrero 7 , 2017 ANG BAYAN6

Mga hakbang pamamarusa ng BHB sa Batangas at Bukidnon

TATLONG HAKBANG-PAMARUSA ang ipinatupad ng mga yunit ng BagongHukbong Bayan sa Batangas at Bukidnon laban sa mga mapagsamantalangkumpanya ng malalaking burgesyang kumprador.

Batangas. Apatnapu't dalawangarmas, kabilang ang 14 na M-16 at20 shotgun, libu-libong bala,magasin at kagamitang pangkomu-nikasyon ang nakumpiska ng BHB sadalawang magkasunod na reyd athakbang pamamarusa sa SelectiveSecurity Agency at 3-I SecurityAgency noong Enero 29, alas-6:30-7:45 ng gabi sa Barangay Papaya,bayan ng Nasugbu.

Pinangunahan ng mga Pulangmandirigma mula sa BHB- Batangas(Eduardo Dagli Command) ang pag-disarma sa mga gwardya na tumata-yong armadong goons ni Henry Sy la-

ban sa mga magsasaka sa HaciendaLooc. Samantala, tiniyak naman ngBHB na walang nasaktan sa mgagwardya at empleyado ng nasabingahensya. Ang aksyong ito ay bahaging hakbang pamamarusa laban kayHenry Sy at mga gwardya nito na gi-nagamit sa marahas at malaganap napangangamkam ng lupa sa HaciendaLooc.

Kabilang sa mga kaso ng mga itoang walang pakundangang paulit-ulit na pagwasak sa mga pananim ngmga magsasaka, pagsunog sa mgakubo at ulingan, pagkumpiska sabunga ng mga pananim at pagba-bawal sa mga magsasaka na mag-bungkal ng lupa.

Sa Sityo Convento, BarangayLooc, Sityo Bangkal at Sityo Cueba,Barangay Bulihan, ilang ulit na na-nutok ng baril ang mga gwardya samga magsasaka. Sangkot din ang

mga ito sa panggigipit sa mga ma-ngingisda kung saan pinagbabawa-lan silang pumondo at mangisda sabaybayin ng Hamilo Cove at mga si-naklaw na bahagi ng ‘development’ni Henry Sy sa Barangay Calayo atBarangay Papaya.

Bukidnon. Iniulat ni Ka AlanJuanito, tagapagsalita ng BHB-North Central Mindanao Region, angpagparalisa ng isang tim ng Mt. Ki-tanglad Subregional Command saisang backhoe at buldoser ng DelMonte, multinasyunal na kumpanyang prutas, noong Pebrero 1.

Kasabay nito, sinunog ng BHB-South Central Bukidnon SubregionalCommand ang isang dump truck napagmamay-ari ng pamilyang Maca-baya sa Libertad, Quezon.

Notoryus ang pamilyang Maca-baya sa pangangamkam ng lupa atdi sapat na pagpapasahod sa mgamanggagawang bukid ng kanilangtubuhan. Sila rin ang responsable sapagdemolis sa may 100 pamilya saBrgy. Salawagan, Quezon.

engkwentro habang nasamsam ng mga Pulang mandirig-ma ang tatlong kalibre .45 pistola ng mga ito.

Northeastern Mindanao Region. Noong Enero 29,dinakip at idineklarang prisoner-of-war (POW) ng BHB-NEMR si PFC Edwin Salan ng 30th IB sa Barangay Boud-lingin, Alegria, Surigao del Norte. Isa si Salan sa 18 tro-pa ng 30th IB na naglulunsad ng operasyong kombat salugar.

Kinabukasan, Enero 30, hinaras ng mga Pulang man-dirigma ang tropa ng 29th IB sa Barangay San Isidro,Barangay Mahayahay at Barangay Hinimbangan, Kitcha-rao, Agusan del Norte at mga tropa ng 75th IB na naglu-lunsad ng mga operasyong "peace and development" saSityo Brazil, Barangay Mat-i, Surigao City. Tatlo ang su-gatan sa AFP.

Noong araw ding iyon, hinaras din ng BHB ang yunitng 36th IB na nag-COPD sa Barangay Magtangali, Anaw-awon, Surigao Norte.

Southern Mindanao Region. Kinundena ni RigobertoSanchez, tagapagsalita ng BHB-Southern Mindanao Re-gion ang pahayag ng AFP na diumano’y kontra krimenang nilulunsad nitong operasyon sa Brgy. Lambog, Ma-nay, Davao Oriental.

Ani Sanchez, tulad ng bigong operasyon ng AFP saBarangay Makilala at Matalam, North Cotabato, mata-

gumpay na nadepensahan ng BHB-Comval-Davao EastCoast Subregional Command ang panibagong atake ng67th IB noong Pebrero 1, 12:30 ng tanghali. Dahil bigongmagdulot ng pinsala sa BHB, pinatay ng mga pasistangAFP ang dalawang magsasaka mula sa Barangay Del Pi-lar.

Enero 31 pa lamang nagdeploy na ng tropangpangkombat ang 67th IB sa mga barangay ng Kayawan,Del Pilar at Kapasnan, bayan ng Manay. Kinabukasan,ilang taumbaryo naman ang isinailalim sa interogasyonat pilit na pinatuturo kung nasaan ang mga Pulangmandirigma.

Tanghali, nagkaroon ng engkwentro sa apat na ko-lum ng AFP at yunit ng BHB sa lugar. Mahusay na na-kapagmaniobra ang mga Pulang mandirigma. Napataysa labanan si 2Lt. Victor Alejo, habang isang elementong kaaway ang lubhang sugatan.

Daang pamilyang Lumad at mga magsasaka angnapilitang lumikas sa kanilang komunidad dahil sa pag-kakampo ng 67th IB.

FSMR. Dalawang elemento ng 39th IB ang dinakipat idineklarang POW ng mga Pulang mandirigma saTelefas, Columbio, Sultan Kudarat noong Pebrero 2.Kinilala ang dalawang POW na sina Sgt. Solaiman Ca-lucop at Pfc Samuel Garay.

Page 7: · PDF filetid sa Gubyerno ng Republika ng ... Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 7 7 EJK sa ilalim ng ... nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la

ANG BAYAN Pebrero 7 , 2017 7

7 ekstrahudisyal na pamamaslang,naitala sa Oplan Kapayapaan

Ilang linggo pa lamang mula nang magbukas ang taon, hindi bababa sapitong lider at aktibistang magsasaka sa Negros at Mindanao ang pinas-

lang dahil sa masigasig na pagtatanggol nila sa kanilang mga karapatan sakanilang lugar.

Sina Wencislao Pacquiao, Jova-ni Paguntalan, Iver Mulasi, Alexan-der “Sander” Ceballos mula sa Neg-ros at sina Veronico “Nico” LapsayDelamente, Emelito "Tatay Intik"Rotimas, at Renato Anglao mula saMindanao ang unang mga biktimang kadedeklara pa lamang na OplanKapayapaan, ang bagong kampan-yang panunupil ng gubyernong Du-terte.

Negros. Enero 25 nang patayinsi Pacquiao, 48, kasapi ng San Beni-to Farmers Association–KMP ban-dang alas 9 ng umaga. Limang balasa ulo ang naging sanhi ng kanyangkamatayan. Isa pang magsasaka, si

Rebeco Pabuaya, ay tinamaan ngu-nit hindi namatay. Kalahok sila noonsa isang aktibidad ng pagsasaka salupa sa Barangay San Benito, Ca-latrava.

Enero 20 naman nang barilin ngnakamaskarang mga elemento ngRPA na bayarang goons ni MayorNehemias dela Cruz si Ceballos, 54,isang magsasaka at lider ng NFSWsa kanyang bahay sa BarangayPandan Silos, Murcia, Negros Occi-dental. Tatlong bala sa ulo ang ku-mitil sa kanyang buhay bandangalas-8 ng gabi.

Si Mulasi naman, na tagapa-ngulo ng Nieves Agro Cooperative

ng Don Salvador Benedicto, NegrosOccidental, ay binaril hanggangmamatay noong Enero 16 sa hara-pan ng kanyang bahay sa BarangayPandanon Silos sa Murcia, katabingbayan ng Don Salvador Benedicto.Si Jovani Paguntalan ay binarilnoong Enero 2.

Ang lupang tinatamnan ninaPacquiao ay dati nang ibinenta ngisang Agustilo Hullesa sa pamama-gitan ng voluntary offer to sell.Ngunit muli itong ipinamahagi ngDepartment of Agrarian Reform(DAR) noong Pebrero 2014 sa mgapekeng benepisyaryo na tauhan niHullesa. Nagsampa ng kaso saDepartment of Agrarian Reform(DAR) ang mga magsasaka.

Si Ceballos ay isa sa mga na-muno ng matagumpay na pakikibaka

Tusong mga opensibang operasyon ng AFP laban sa BHB, kinundena

MAHIGPIT NA KINUKUNDENA ng National DemocraticFront of the Philippines (NDFP) ang dalawang pang-aa-take ng Armed Forces of the Philippines sa mga kampong Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa North Cotabatonoong Enero 21 at 26. Ang mga ito ay kabilang sa mgadahilan kung bakit hindi na kinayang isusteni ng BHB angunilateral na tigil-putukan nito.

Ayon sa NDFP, seryosong paglabag sa sarili nitongtigil-putukan ang isinagawang pang-aatake ng AFP saisang yunit ng BHB sa Makilala noong Enero 21.Nagsimula kinabukasan ang pangatlo sa serye ng usapansa Rome, Italy.

Ayon sa ulat ng Panrehiyong Kumand sa Operasyonng BHB-Southern Mindanao, bandang alas-5 ng umagang araw na iyon, dumating sa Sityo Concepcion, Brgy.Kisante ang mga sundalo ng 39th IB at naglunsad ngoperasyong kombat tungong Sityo Lokatong sa Brgy.Biangan kung saan nagkakampo ang isang yunit ng BHB.Nagmaniobra ang mga Pulang mandirigma paramakaiwas sa labanan. Pero tuluy-tuloy ang operasyon ngmga sundalo at bandang alas-5 ng hapon ay nakasagupang mga ito ang yunit ng BHB. Walong sundalo ang napa-tay habang isang mandirigma ang nasawi. Ang mga lugarna ito ay malayo na sa sentro kaya walang ibang dahilansa presensya ng mga sundalo rito kundi tugisin ang BHBkahit pa may magkatuwang na tigil-putukan.

Ang totoo, ayon sa BHB-SMR, noon pang Agostonang nakaraang taon nananalasa ang 39th IB sa mgakomunidad sa North Cotabato. Isang linggo matapos angdeklarasyon ni Duterte ng tigil-putukan, nagpadala angAFP ng mga peace and development team na nagkamposa mga barangay hall, health center at mga eskwelahansa Kidapawan City at mga bayan ng Pres. Roxas, Magpetat Arakan. Patuloy nitong pinakilos ang mga tropa atparamilitar nito para sa mga operasyong kombat nanagresulta sa mga ekstrahudisyal na pamamaslang atharasment. Kabilang sa mga kaso ng paglabag sa kara-patang-tao ang pagpaslang sa mga sibilyang sina Rita atNorberto Gascon noong Setyembre 13 at Rolan Malignannoong Nobyembre 22. Noong Disyembre 6, napilitangmagbakwet ang ilang pamilya sa Magpet dulot ng ma-tinding militarisasyon.

Noong Enero 26, sinalakay naman ng magkasanib napwersa ng 71st IB, CAFGU at ng Special Action Force ngPhilippine National Police ang isa pang kampo ng BHB saSityo Emilda, Brgy. Taguranao, Matalam. Alas-6 nangumaga nang salakayin ng 50 sundalo ang kampo na tat-long kilometro ang layo sa pinakamalapit na komunidad.Ligtas na nakaatras ang mga Pulang mandirigma habangtatlong sundalo ang napatay sa labanang nagtagal nang45 minuto. Isang daang sundalo ang ipinadala sa Mata-lam noong araw na iyon.

sundan sa pahina 8

Page 8: · PDF filetid sa Gubyerno ng Republika ng ... Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 7 7 EJK sa ilalim ng ... nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la

Pebrero 7 , 2017 ANG BAYAN8

Ang kriminal na Oplan Tokhang ni Duterte

Nitong Enero, umani ang rehimeng Duterteng panibagong serye ng mga batikos kaug-

nay sa malaking bilang ng mga ekstrahudisyal napamamaslang sa mga biktima ng droga at ang kasabaynitong pagkabunyag ng mga kriminal na aktibidad ngmga pulis sa ngalan ng Oplan Tokhang.

Pinakahuli rito ang pagpatay ngmga pulis sa Koreanong negosyan-teng si Jee Ick-Joo sa loob mismong hedkwarters ng PhilippineNational Police (PNP) sa Camp Cra-me. Dahil dito, napilitan si Duterteat ang hepe ng PNP na si Ronald dela Rosa na pansamantalang iatrasang Oplan Tokhang at palabasinginiimbestigahan ang mga pulis na

sangkot sapangingikil atpamamaslang.

Noon pangAgosto 2016, malinawna ang tindig ng PartidoKomunista ng Pilipinaslaban sa "gera kontra-dro-ga" ng rehimen. Sa sumunod na

anim na buwan, lalong tumi-ning ang kontra-mahirap at an-

ti-demokratikong katangian nito sa

ng NFSW sa pagbawi ng lupang kinamkam ni Mayor DelaCruz, isang pulitikong panginoong maylupa ng SalvadorBenedicto, Negros Occidental. Noon pa mang Enero 13at 14, , pinagbantaan na siya ng isang Jigger Costan, ba-digard ni Mayor Dela Cruz, ng kamatayan. Ang anak niCeballos na si Ariel ay dati nang pinagbabaril noong Hul-yo 17, 2015, ngunit nakaligtas siya sa kamatayan.

Ang mga pamamaslang ay mariing kinundena ng Na-tional Federation of Sugar Workers (NFSW), KilusangMagbubukid ng Pilipinas (KMP) at ng Bagong AlyansangMakabayan (BAYAN) sa Negros na naglunsad ng seryeng mga martsa at protestang libing mula Enero 22, angika-30 anibersaryo ng Mendiola Massacre, at sa luksangparangal para kay Ceballos noong Pebrero 1 sa munisipalna sementeryo ng Murcia.

Ayon kay Fidel Agcaoili, punong negosyador ngNDFP, “ang kamatayan ni Ceballos ay pinakahuli lamangsa mga kaso ng karahasan ng panginoong maylupa labansa mga magsasaka na nag-inisyatibang igiit ang kani-lang karapatan sa pagbubungkal sa harap ng kabiguanng mga programa sa repormang agraryo ng magkakasu-nod na mga gubyerno.”

Ipinapakita nito ang pangangailangan ng “malawa-kang reporma sa kanayunan ng Pilipinas upang lansaginang kapangyarihan ng mga panginoong maylupa, lutasinang kagutuman ng magsasaka para sa lupa at wakasanang pang-aapi’t pagsasamantala sa kanayunan.”

Mindanao. Binaril ng kalalakihang nakasakay sa mo-torsiklo si Delamente, 27 taong gulang at lider ng isangtribong Mamanwa, bandang 12:20 ng tanghali noongEnero 20, sa Punta Naga, Brgy. Caagdianao, Claver, Su-rigao del Norte. Provincial coordinator siya ng Katribu

Party mula 2010 at aktibong kasapi ng Kahugpungan saLumadnong mga Organisasyon (KASALO)-Caraga. Isangbata rin ang tinamaan sa pamamaril, at nasa ospital pahanggang ngayon. Malapit sa lugar ng pamamaril angisang detatsment ng militar.

Si Delamente ay kilala sa pamumuno ng pakikibakalaban sa malakihang pagmimina ng nikel sa kanilang lu-pang ninuno. Noong nakaraang Disyembre, nagsampasila ng kaso laban kay Rep. Prospero Pichay ng Surigaodel Sur, may-ari ng Claver Mineral Development Corp. napilit na nagpalayas sa mga Lumad-Mamanwa mula sakanyang konsesyon ng minahan.

Pebrero 6, pinatay si Emelito "Tatay Intik" Rotimas,tagapangulo ng Purok 6 ng Barangay Lapu-lapu, Maco,Compostela Valley. Dalawang lalaking nakasakay samotorsiklo ang bumaril sa kanya alas-11:45 ng tanghalisa labas ng Community Technical College ofSoutheastern Mindanao Incorporated (CTCSM).Naganap ang pamamaril habang nakikipag-usap siRotimas sa ilang estudyante ng CTCSM.

Noong Pebrero 3, iniulat naman ng RuralMissionaries of the Philippines-NMR ang pagpaslang kayRenato Anglao, isang Lumad na kalahok sa pakikibakalaban sa pangangamkam ng mga plantasyon sa kanilanglupang ninuno.

Mahigit 26,000 na ang biktima ng karapatang-tao nanaitala ng Karapatan mula nang maluklok sa pwesto siDuterte. Kabilang dito ang 18 ekstrahudisyal na pama-maslang, 14 na pagtatangkang pamamaslang, 397 iligalna pag-aresto, 7,841 kaso ng pag-okupa sa mga gusalingpang-komunidad, at 14,659 na kaso ng pagbabanta, pa-nanakot o harasment.

"Ekstrahudisyal. . . , " mula pahina 7

sundan sa pahina 9

Page 9: · PDF filetid sa Gubyerno ng Republika ng ... Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 7 7 EJK sa ilalim ng ... nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la

ANG BAYAN Pebrero 7 , 2017 9

brutal at walang pakundangangmga pamamaslang sa mga opera-syong pulis kung saan di kapani-paniwala ang sinasabing "nan-laban" o nagtangkang tumakas angmga biktima. Karamihan sa kanilaay mula sa mga maralitang komu-nidad at baryo at una nang ipinai-lalim sa matinding presyur para"sumurender" at magpatala.

Habang tumatagal, nagigingmalinaw na kriminal at anti-mamamayan ang buong kampanyakontra-droga batay sa sumusunodna dahilan:

1) Sa tala ng PNP mismo, mayabereyds na 30 kada araw ang na-mamatay na sangkot sa droga. Sakabuuan, mahigit 7,000 na ang na-paslang sa loob lamang ng pitongbuwan pero mahigit kalahati ritoay itinatanggi ng PNP na kagaga-wan ng mga pulis. Ayon sa kanila,nasa 2,500 lamang ang napatay sakanilang mga operasyon. Mga sin-dikato na diumano ng droga angpumaslang sa iba pa. Gayunpaman,malinaw na hindi simpleng mga ba-yarang mamamatay-tao ang nag-sasagawa ng mga pamamaslangkundi mga sanay at episyentengtauhan. Malinaw na organisado atsistematiko ang mga ito.

Hindi maitatanggi ang pag-iralng isang pambansang death squadna pinatatakbo ng mga pulis, kundi-man direktang tinatauhan nila, natumutuwang sa mga pamamaslang.Alinsunod sa isang isinagawangimbestigasyon, direktang binaba-yaran ng "hedkwarters" ang mgapulis sa bawat suspek na napapa-tay nila. Nagbibigay din ng pabuyaang mga pulis sa network ng ma-mamatay-tao na nagsisilbing pam-parami sa bilang ng mga pinatay.Hindi iisang kaso ang naiulat kungsaan mga pulis ang nabubunyag namga bayaran ng mga sindikato ngdroga.

2) Para bigyang-katwiran angmaramihang pagpatay, paulit-ulitna pinalalaki ni Duterte ang bilangng mga biktima nito, kasabay ngpagturing sa kanila bilang mga kri-

minal na kailangang ubusin. Lamanito ng halos 70% ng lahat ng kan-yang mga talumpati at dinadala itong kanyang mga alipures sa PNP.Ayon pa sa kalihim nito saDepartment of Justice, hindi mgatao ang mga sangkot sa droga,kaya wala silang mga karapatan.

Gayunpaman, hindi magkatug-ma ang kanyang mga datos samismong estadistika ng kanyanggubyerno. Ayon sa Philippine Dan-gerous Drugs Board, umaabot sa1.8 milyon (2.3% ng populasyon) athindi tatlong milyon ang gumamitng iligal na droga noong 2016. Kahitang "pagkabulok ng isip" ng mgagumagamit ng droga na ipinagdidii-nan ni Duterte at paglaganap nitosa susunod na limang taon ay hindisuportado ng mga pag-aaral. Ayonsa United Nations Office on Drugsand Crime, 12% lamang sa lahat ngmga gumagamit ng droga ang nagi-ging adik sa kalaunan.

3) Ibinigay ni Duterte ang "ge-ra kontra-droga" sa PNP, isangahensyang pinagpupugaran ng mgasindikatong kriminal. Kilala angPNP sa kainutilan, korapsyon, ma-lawakang paglabag sa karapatang-tao at pagkakasangkot sa malala-king krimen. Sa nakaraang dekadalamang, napakarami ng napa-balitang mga kaso ng pamamas-lang, kidnapping, at iba pang kri-men na may kinalaman sa malala-king sindikato sa iligal na drogaang kinasangkutan ng mga pulis.Paulit-ulit nang napatunayang hin-di simpleng iilang "scalawag" o na-bubulok na indibidwal sa loob nitoang sangkot sa mga krimen. Hindimapapawi ng anumang pagpapahi-ya ni Duterte sa iilang mga upisyal

ang reaksyunaryo at kriminal ni-tong katangian.

4) Sa unang bwelo pa lamangng kampanya, malinaw nang gina-gamit ito ni Duterte para konsoli-dahin ang kontrol niya sa pulis atmilitar. Makikita ito sa kanyangpaggamit sa naturang "gera" paraigiit ang konsepto ng awtoritarya-nismo at ipatanggap ang posibili-dad ng pagpapataw ng batas mili-tar. Kasabay nito ang tuluy-tuloyna panunuyo sa mga upisyal attauhan sa anyo ng mas matataasna sweldo at iba pang suhol.

5) Sa pambansang saklaw, gi-namit ni Duterte ang paglalabas ngmga "listahan" para ipitin angkanyang mga kalaban sa pulitika.Tulad ng inaasahan, nauwi sa walaang mga imbestigasyon sa senadoat kongreso. Wala ni isang inaku-sahang sangkot sa engrandengnetwork ng narko-pulitika ang ki-nasuhan. Hanggang ngayon, nana-natiling banta ang "pagpangalan"ni Duterte sa iba pang matataas naupisyal na sangkot sa droga.

HABANG DUMARAMI ang kasong ekstrahudisyal na pamamaslangat kriminalidad, nagiging kasuk-lam-suklam na sa malawak namamamayan ang kanyang todo-to-dong pagpuri at pagtatanggol saPNP. Habang tumatagal, nakari-rindi na ang kanyang walang-tigilna paglalatag ng problema sa dro-ga, ang kanyang pagtatanggol sasariling kampanya at pang-aatakesa mga bumabatikos sa kanya. Ma-linaw na puro hangin lamang angmga ito ngayong napilitan na siyangumatras at amining "bulok sa kai-buturan" ang PNP.

"Oplan Tokhang. . , " mula pahina 8

Page 10: · PDF filetid sa Gubyerno ng Republika ng ... Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 7 7 EJK sa ilalim ng ... nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la

Pebrero 7 , 2017 ANG BAYAN10

Protesta para sa hustisyasa HTI, inilunsad

Ipinanawagan ng mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU)ang hustisya para sa mga biktima ng sunod noong Pebrero 1 sa

House Technology Industries (HTI) sa Cavite sa isang kilos protesta saharap ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Pebrero 3.

Kasabay ng pambansang pro-testa laban sa kontraktwalisasyonat para sa pambansang minimum nasahod, hiningi ng mga nagpuprotes-ta na papanagutin ang ma-neydsment ng HTI, ang PhilippineEconomic Zone Authority (PEZA) atang DOLE sa kanilang pagpapabayasa kalusugan at kaligtasan ng mgamanggagawa na nagdulot ng pag-kamatay at pinsala sa mga mangga-gawa ng kumpanya.

Mahigit 100 manggagawa angnaiulat na napinsala at naospital.Ilan rito ang nag-aagaw-buhay, atmayroon nang namatay. Ngunithindi iniuulat ng PEZA o ng lokal nagubyerno ng Cavite ang tunay nabilang ng nasawi. Hindi pinahintu-lutang lumapit ang midya sa nang-yayaring sunog. Patuloy na nagba-balita si Gov. Remulla na walangmanggagawang nasawi, at ang ta-nging iniuulat ng maneydsment ngHTI ay babayaran nila ang mgamanggagawang nadisgrasya. Ga-yunpaman, sa panahon mismo ngsunog, ipinaabot na ng ilang mgaresidente at ng Workers AssistanceCenter sa Rosario, Cavite na maymga namatay.

Naglunsad ang KMU, GabrielaWomen’s Party at iba pang institu-syong manggagawa ng isang factfinding mission sa Cavite ExportProcessing Zone (CEPZ) noong Peb-rero 2, ngunit marami sa mgamanggagawang kanilang kinapana-yam ay nag-aalangang magsalita satakot na hindi babayaran ng kum-panya ang danyos kung ilantad nilaang tunay na pangyayari. Ayon kayJoms Salvador ng Gabriela, “mayilang mga interes ang nagsisikap nasupilin ang impormasyon, tulad ngmga ulat tungkol sa mga mangga-gawang namatay sa sunog o

suffocation (pagkasulasok sausok)."

Bandang hapon ay pinamunuanng Kilusan ng Manggagawang Ka-babaihan (KMK) ang isang noisebarrage o pag-iingay sa WelcomeRotunda. Ayon kay Avic Villanuevang KMK, malaki ang epekto ng ka-walan ng mga pamantayang pang-kaligtasan sa CEPZ sa kababaihanna bumubuo ng 80% ng lakas pag-gawa rito. Sinundan ito ng isangpagsisindi ng kandila kasabay angmga manggagawa ng KMU.

Ang HTI ay isang pabrikangHapon na gumagawa ng mga yaringbahagi para sa konstruksyon ngmga bahay. Nagtatrabaho rito ang6,000-7,000 manggagawa atempleyado. Nakatayo ito sa pitong-ektaryang lupa na saklaw ng CEPZAo enklabo ng paggawa sa Rosario atGen. Trias. Isa ito sa mga pabrikangpinangangalagaan ng gubyerno saneoliberal na patakarang akitin atbigyang prayoridad ang dayuhangpamumuhunan sa bansa, sukdangilagay sa risgo ang buhay ng mgamanggagawa.

Sa ilalim ng Special EconomicZone Act of 1995, ang mga pabrikasa loob ng mga enklabo ay hindiobligadong sumunod sa mga batasng Pilipinas kaugnay ng paggawa,maging sa mga batas para sa kalu-sugan at kaligtasan ng mga mang-gagawa. Sa halos 300 enklabo sabuong bansa, malayang magnego-syo ang mga dayuhang korporasyonnang walang kahit anong buwis saloob ng walong taon. Pagkataposnito, 5% lamang ng kanilang kitaang ibibigay sa pambansang gub-yerno, samantalang patuloy na libreang lahat ng taripa sa piyer, sapagluluwas-angkat, sa dayuhangtauhan, at iba pa.

Sa kabila ng napakalaking kitaat mga pribilehiyo ng mga korpora-syon, ang karaniwang taunang sa-hod ng mga manggagawa sa mgaengklabo ang ikalawa sa pinakama-babang sahod kasunod lamang ngVietnam at malayong mas mababakaysa China at India.

Ayon kay Elmer Labog ng KMU,“tulad ng mayorya ng mga mang-gagawa ngayon, karamihan sa mgamanggagawa ng HTI ay mgakontraktwal, ang kanilang mga sa-hod ay mas mababa sa pamantayanng disenteng pamumuhay at pi-nagkakaitan ng karapatang mag-unyon. Mga neoliberal na atake angmga ito laban sa mga manggagawana hindi hinaharap ng administra-syong Duterte. Malala pa, angkanyang mga maneyder sa eko-nomya ay nagtataguyod sa lansa-kang kontra-manggagawang mgapatakarang ito.”

Matapos magprograma saDOLE, nagmartsa ang mga raliyistasa Mendiola upang singilin angrehimeng Duterte sa bigong panga-ko nitong wakasan ang kontraktwa-lisasyon at pakinggan ang hinaingng mg manggagawa para sa pam-bansang minimum na arawang sahodng P750 para sa mga manggagawasa pribadong sektor at P16,000 ba-wat buwan sa mga empleyado nggubyerno. Naglunsad din ng mgaprotesta sa Cebu, Negros at iba pangpanig ng bansa.

Page 11: · PDF filetid sa Gubyerno ng Republika ng ... Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 7 7 EJK sa ilalim ng ... nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la

ANG BAYAN Pebrero 7 , 2017 11

Mga magsasaka, nagkamposa Davao City

Libu-libong magsasaka ang nagtipon sa Davao City noong Enero 24-27upang humingi ng ayuda sa kalamidad at iba pang kongkretong solu-

syon sa kanilang mga problema.Nilahukan ang Farmers’ Camp-

out for Food, Land and Justice ng5,000 magsasaka at katutubo mulasa Compostela Valley, Davao delNorte, Davao del Sur at DavaoOriental. Hiniling nila ang kagyatna ayudang 15,000 kaban ng bigas(humigit-kumulang 940,000 kilo),at ang subsidyo sa produksyon pa-ra sa mga gamit pansaka, binhi atmga pataba.

Iginiit ng mga magsasaka ngCompostela Valley na dagdagan ngP1/kilo ang presyo ng kanilangproduktong saging mula sa datingP4/ kilo. Ibinibenta ang mga ito ngmga negosyante ng P8/kilo sa mgapalengke. Mahigit 30,000 pamilyaang nawalan ng bahay at kabuha-yan dahil sa baha.

Kabilang sa mga nagprotestaang mga magsasaka ng MadaumAgrarian Reform BeneficiariesAssociation Incorporated (Marbai)na pinalayas ng Lapanday FoodCorporations (Tingnan ang AngBayan, Disyembre 21, 2016) at angmga nagmula sa Cotabato Founda-tion College of Science andTechnology (CFCST). Iginigiit ngmga magsasaka mula CFCST angkanilang karapatan sa mahigit4,611 ektaryang school reservationsite na binubungkal na nila mula pa1967.

Maliban sa MARBAI, dalawapang kooperatiba—ang Hijo Agra-rian Reform Beneficiaries Coope-rative-B (HARBCO-B) at ang Gu-husnong Mag-uuma AgrarianReform Beneficiaries Inc.(GMARBAI) – ay humihingi ringibalik ng Lapanday ang lupa sanararapat na mga benepisyaryo.Ang HARBCO-B ay may 372 bene-pisyaryong magsasaka at binaba-wi ang 260 ektarya samantalangbinabawi ng GMARBAI ang 116

ektaryang lupa mula sa Lapanday.Katabi ang mga ito ng 136 ektar-yang lupang dati nang binabawi ngMARBAI.

Kinamkam na ng Lapanday angmahigit 1,000 ektaryang lupa nanakalaan para sa reporma sa ilalimng Certificate of Land OwnershipAward (CLOA) na hawak ng mgakooperatiba.

Nagpiket din ang mga kasaping KMP, Unyon ng mga Magsasakasa Agrikultura at mga tagapagta-guyod ng reporma sa lupa sa harapng upisina ng Lapanday sa Makatiat Davao City upang tutulan angpangangamkam ng lupa.

Nakipagdayalog si DAR Secre-tary Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano atmga upisyal ng DAR Region 12 saRizal Park sa ikatlong araw ngkampuhan.

Sa huling araw ng kampuhanay nagmartsa ang mga magsasakaat nagrali sa harap ng himpilan ngEastmincom, AFP sa Panacan,Davao City.

Ang dalawang prubinsya atapat na bayan sa Davao region aynapaiilalim sa state of calamitydahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan atbaha. Batay sa panimulang pagta-ya ng reaksyunaryong gubyerno,di-bababa sa P7.42 milyon angnapinsala sa Davao del Norte. Angpanimulang datos din ng DAR-Davao Region ay nagpapakitangsinalanta ng baha ang 2,320 ek-tarya ng lupa sa limang munisipa-lidad, kung saan pinakamalakingtinamaan ang mga plantasyon ngsaging na umaabot sa P4.17 milyonang nasira.

Ayon sa estadistika ng gub-yerno, 11 sa 20 pinakamahirap naprobinsya ay nasa Mindanao. Angmga rehiyon ng Mindanao ang pi-nakamilitarisado sa Pilipinas.

Kamara, nabulabog

sa protesta ng mga guro

NAGLUNSAD NG kilos-protesta saloob ng Kamara ang mga guro nakasapi ng Alliance of ConcernedTeachers (ACT) laban sa panuka-lang mga reporma sa sistema ngpagbubuwis ng Department of Fi-nance (DOF) noong Pebrero 1. Ha-bang nagtatalakayan ang mgakongresista ukol sa panukala, nag-ladlad ng plakard ang mga guro atsumigaw ng mga islogan, hanggangpatigilin sila ng mga gwardya ngsesyon ng kongreso. Ang ilan samga titser ay binuhat palabas sabulwagan.

Ayon kay ACT Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio, ang panu-kalang excise tax sa mga produk-tong petrolyo ay papasanin ng mgamababang-sahod at mahihirap napamilya. Sinang-ayunan ito ni EmmiDe Jesus ng Gabriela Women’sParty at tagapangulo ng HouseCommittee on Poverty Alleviation,na nagsabing ang mga reporma sapagbubuwis ay “mapanlinlang atkontra-mahirap” dahil ang sinasa-bing pagbawas ng income tax “ayisa lamang panakip sa isang tsuna-mi ng buwis na nakatutok sa mahi-hirap na Pilipino.”

Nilalaman ng panukala na baba-wasan ang buwis sa mga personal nakita mula 32% tungong 25% ngunitbabawiin naman ito sa pagpataw ngdagdag na buwis sa mga remitans,produktong petrolyo, mura o sosya-lisadong pabahay, pamasahe, kur-yente at iba pang serbisyo.

Tataas ang pang-araw-araw nagastusin ng mahihirap, samantalangang buwis sa mga korporasyon, in-teres na kinita ng mga deposito sabangko, pamumuhunan at mgatransaksyong kaugnay ng ari-arianay mababawasan ng malaki. “Mali-naw na ang ultimong benepisyaryong panukalang reporma sa buwis ayang mayayamang pamilya at nego-syo sa bayan,” ani de Jesus. Ayonsa kanya, dadalhin ang isyung ito saserye ng mga kilos protesta hang-gang Marso 8.

Page 12: · PDF filetid sa Gubyerno ng Republika ng ... Tusong pang-aatake ng AFP sa NCOt 7 7 EJK sa ilalim ng ... nandez na nagbabawal sa pagsa-sampa ng mga kasong kriminal la

Pebrero 7 , 2017 ANG BAYAN12

Rali para sa kapayapaan, inilunsad sa Samar

Naglunsad ng isang rali para sa kapayapaan ang hindi bababa sa 1,000magsasaka sa harap ng Samar Provincial Capitol noong Enero 26 upang

ipanawagan ang pagpapaatras sa mga tropa ng AFP na nakakampo sa mgakomunidad sa prubinsya.

Ayon sa mga lider magsasakamula sa Hinabangan, Pinabacdao,Basey at Calbiga, ang mga tropa ng8th ID ay hindi kailanman umalis sakanilang mga baryo at patuloy nanangharas sa mga magsasaka sakabila ng sinasabi nitong tigil-putu-kan. Pinipilit na dumalo ang mgamagsasaka sa mga “pulong” kungsaan ipinamamarali ng AFP na hindina Oplan Bayanihan, kundi OplanKapayapaan, ang kanilang ginaga-wa.

Ikinwento rin ng dumalo na saisang “medical mission” nitong bu-wan, isang magsasakang di maru-nong magbasa ang binigyan ng re-seta mula sa isang sundalong duk-tor, ngunit nang ipabasa niya ito saiba, ang nakasulat pala ay “may iti-natago kang baril."

Sa rali, ipinahayag din ng mgamagsasaka sa pamumuno ng Kapu-nungan han Gudti nga Parag-uma haWeste han Samar (KAPAWA) atPeople Surge-Western SamarProvincial Formation ang patuloy napagsuporta sa usapang pangkapa-yapaang NDFP-GRP.

Samantala, nagtipon ang mgaguro ng pampublikong elementaryaat hayskul mula sa iba't ibang lugarsa Eastern Visayas sa Samar noongPebrero 3 upang sumabay sa pam-bansang pagkilos sa ilalim ng Alli-ance of Concerned Teachers nanananawagan ng dagdag-sahod. Bi-natikos din ng mga guro ang maba-gal na pampinansyang ayuda sa mgaapektado ng super-typhoon Yolan-da, ang atrasadong PerformanceBased Bonus, at ang mga anti-gurona pahayag ni Budget SecretaryBenjamin Diokno.

Patuloy rin ang kilos protesta saiba't ibang lugar sa buong bayan

Metro Manila. Pebrero 3, nag-martsa ang mga aktibista sa ilalimng Bayan mula sa Kalaw St. tungong

Mga tsuper, nagprotesta laban sa phase-out ng dyip

MAHIGIT 500 OPEREYTOR at tsuper ng pampasaherong dyip sa BaguioCity ang nagprotesta sa lansangan noong Enero 21 laban sa mapanlin-lang na iskemang "modernisasyon" ng dyip ng Department of Transpor-tation (DOTr).

Ang nasabing programa, na binuo noong 2015 ng rehimeng Aquino,ay nagtakdang mag-phase-out ng kasalukuyang mga dyip upang palitanng mga sasakyang pinatatakbo ng kuryente (e-jeepney). Umaabot nanghumigit-kumulang P8 milyon ang halaga ng isang e-jeepney, na hindi ka-ya ng mga opereytor at drayber.

“Hindi ito pagpapaunlad kundi dagdag na pahirap sa mga drayber atopereytor ng jeepney. Paano na lang ang mga maliliit ng opereytor ngdyip na hindi kayang bumili at magpamantine ng e-jeepneys?” ani Carli-to Wayas, pambansang bise-presidente ng grupong PISTON.

Sa pagtitipon sa Igorot Park sa Baguio City, inilahad ng pambansangpresidente ng PISTON na si George San Mateo na ang phase-out ay na-kapaloob din sa panukalang Emergency Traffic Powers Bill, na magbibi-gay ng pangkagipitang kapangyarihan sa pangulo sa mga hakbangin ukolsa trapiko. Ang batas na ito ang magpapadulas sa plano ng gubyerno naFleet Management Program, kung saan ang mga prangkisa at yunit ngdyip ay ilalagay sa kamay ng malalaking negosyante, mga financier, atmga upisyal ng gubyerno.

Idinagdag din ni San Mateo na hindi kaya ng e-jeepney na umakyatsa matatarik at malalalim na daan at pasikut-sikot sa interyor ng Cordil-lera. Napatunayan na ito sa isang ginanap na test run sa Baguio Citynoong nakaraan, kung saan mas banayad pa ang mga kalsada.

Sumuporta rin ang PISTON sa inilunsad na welga ng mga dyip saKamaynilaan noong Pebrero 6 sa ilalim ng STOP and GO.

embahada ng US upang iprotestaang mga anti-immigrant na pataka-ran ni Pres. Trump ng US. Itinaonrin ang kilos-protestang ito sa ani-bersaryo ng pagsimula ng DigmaangPilipino-Amerikano noong Pebrero 4.

Pebrero 2, piniket ng mga mag-sasaka sa pangunguna ng KMP, UMAat Anakpawis Party ang upisina ngPhilippine Coconut Authority upanghingin ang kagyat na pagbabalik ngP75 bilyon pondong coco levy samaliliit na magniniyog, hindi ang pri-batisasyon nito o ang pamamahala ngisang bagong pampublikong kor-porasyon.

Mindoro. Matagumpay na na-patigil ng kilos protesta ng mga ma-

ngingisda noong Pebrero 1 ang mu-ling pagtatangkang demolisyon saRizal at San Jose sa OccidentalMindoro, sa lupang inaangkin niAnnaliza Pojas-Lopez.

Kordilyera. Naglunsad ng peaceassembly noong Disyembre 29,2016, ang 300 delegado mula saiba’t ibang prubinsya ng Cordillerabilang bahagi ng pambansangasembleya para sa kapayapaan naipinanawagan ng PKP. Tumampokdito ang panawagan para sa maka-tarungang kapayapaan, ang pagsu-porta sa usapang pangkapayapaangNDFP-GRP, at ang pagpapaalis samga tropa ng AFP sa mga komuni-dad ng katutubo. Pinatampok saasembleya ang pakikibaka ng mgakatutubo para sa karapatan sapagpapasya-sa-sarili sa pamamagi-tan ng Cordillera Peoples’ De-mocratic Front (CPDF).