2
Para sa karagdagang impormasyon www.ontario.ca/powersmarter Ang pagiging mas matipid sa paggamit ng enerhiya ay maganda sa negosyo. Heto ang ilang simpleng bagay na maaari ninyong gawin upang mabawasan ang pagkonsumo ng inyong kuryente: Patayin ang mga ilaw na hindi ginagamit, lalo na sa mga bakanteng opisina, kuarto kung saan nagpupulong, mga palikuran, kuarto para sa pagkopya, kuarto para sa pahinga at mga lugar na pinag-iimbakan. Palitan ang mga bombilyang ilaw ng mas matipid na compact fluorescent light (CFL) na bombilya. Maaari rin ninyong pag-isipang maglagay ng T8 fixtures para mas lalong makatipid. Kapag bumibili ng bagong kagamitan para sa lamig at init, piliin ang pinakamatipid sa enerhiya. Tapalan at takpan ang mga siwang sa palibot ng mga pintuan, bintana, sa palibog ng mga ding-ding o mga windowtype HVAC units, mga saksakan ng kuryente at mga panlabas na makatawag pansin tulad ng mga tsimniya. Panatilihin ang tamang temperatura sa mga ref at freezer. Ang mga ref ay dapat nasa pagitan ng 3°C at 6°C; ang freezer ay dapat nasa pagitan ng -31°C at -26°C. Maglagay ng mga auto door-closer at mga strip curtains sa mga walk-in freezers o cooler. Sa tag-init, ilagay ang mga thermostat sa 25°C at itaas ang mga ito sa 28°C kapag walang tao, gamit ang programmable thermostat. Pangasiwaan ang inyong gastusin sa kuryente. Sina Mark at Anita ay nagmamay-ari ng isang maliit na negosyo. Naghahanda na sila sa paglipat sa presyo ng Oras-ng-paggamit ng kuryente. Sila ay nagpapatakbo ng isang tindahan at mail-order na negosyo, gamit ang anim na cash register, 15 ilaw na fluorescent, central air, mga kompyuter at monitor, isang soft-drink cooler at isang malaking ref sa kanilang silong. Ang mga kagamitang ito ay nagkakahalaga ng taunang bayarin sa kuryente ng $2,500. Alam nila na ang pagtitipid ng enerhiya ay makakabuti sa kanilang negosyo at naghahanap ng mga paraan upang mas makatipid sa paggamit ng kuryente. Kapag sila ay lumipat sa Oras-ng-Paggamit na presyon, sila ay magbabayad ng mas kauti upang paandarin ang mga kagamitan sa gabi at sa Sabado at Linggo at mas lalo pa kung maghapon. Kaya napagpasiyahan ni Mark at Anita na gumawa ng ilang pagbabago. Mula ngayon, napagpasiyahan nilang patayin ang mga ilaw malapit sa bintana upang magamit ang likas na liwanag, gamitin ang kanilang programmable thermostat upang mabawasan ang dami ng init at lamig kapag sarado ang tindahan, at patayin ang mga kompyuter pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho. Ang mga pagbabagong ito ay makakabawas ng walong porsiyento sa kanilang paggamit ng enerhiya – at mas mapapabuti ang pangangasiwa sa kanilang gastusin sa kuryente. Nakikipag-ugnayan din sila sa kanilang lokal na kumpaniya na tagapamahagi [local distribution company] upang alamin kung may mga insentibong pinansiyal para makatulong sa gastusin sa retrofits. Ang pulyetong ito ay magpapaliwanag kung paano ang presyo sa Oras-ng-Paggamit ng kuryente at kung paano ninyo magagamit ito para sa inyo. Kayo na mismo ang tumingin! Ang impormasyon sa SMART METER (MAHUSAY NA METRO) para sa inyong negosyo ay online na! Bisitahin ang www.torontohydro.com/tou para makita gaano kadaming walang-kasagsagan, medyo-kasagsagan at sa-kasagsagan (off -peak, mid-peak at on-peak) na kuryente ang inyong nagagamit. Kuryente. Mas mahusay. IPINAKIKILALA PRESYO NG ORAS-NG- PAGGAMIT MADALIANG GABAY Ihanda ang inyong negosyo para sa presyo ng Oras-ng-Panggamit ng kuryente

PRESYO NG ORAS-NG- - Toronto Hydro Home Landing · PDF fileupang mabawasan ang pagkonsumo ng inyong kuryente: • Patayin ang mga ilaw na hindi ginagamit, ... ito sa 28°C kapag walang

  • Upload
    buithuy

  • View
    245

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PRESYO NG ORAS-NG- - Toronto Hydro Home Landing · PDF fileupang mabawasan ang pagkonsumo ng inyong kuryente: • Patayin ang mga ilaw na hindi ginagamit, ... ito sa 28°C kapag walang

Para sa karagdagang impormasyon www.ontario.ca/powersmarter

Ang pagiging mas matipid sa paggamit ng enerhiya ay maganda sanegosyo. Heto ang ilang simpleng bagay na maaari ninyong gawinupang mabawasan ang pagkonsumo ng inyong kuryente:

• Patayin ang mga ilaw na hindi ginagamit, lalo na sa mgabakanteng opisina, kuarto kung saan nagpupulong, mga palikuran,kuarto para sa pagkopya, kuarto para sa pahinga at mga lugar napinag-iimbakan.

• Palitan ang mga bombilyang ilaw ng mas matipid na compactfluorescent light (CFL) na bombilya. Maaari rin ninyong pag-isipangmaglagay ng T8 fixtures para mas lalong makatipid.

• Kapag bumibili ng bagong kagamitan para sa lamig at init, piliinang pinakamatipid sa enerhiya.

• Tapalan at takpan ang mga siwang sa palibot ng mga pintuan,bintana, sa palibog ng mga ding-ding o mga windowtype HVACunits, mga saksakan ng kuryente at mga panlabas na makatawagpansin tulad ng mga tsimniya.

• Panatilihin ang tamang temperatura sa mga ref at freezer. Ang mgaref ay dapat nasa pagitan ng 3°C at 6°C; ang freezer ay dapatnasa pagitan ng -31°C at -26°C.

• Maglagay ng mga auto door-closer at mga strip curtains sa mgawalk-in freezers o cooler.

• Sa tag-init, ilagay ang mga thermostat sa 25°C at itaas ang mgaito sa 28°C kapag walang tao, gamit ang programmablethermostat.

Pangasiwaan ang inyong gastusin sa kuryente.

Sina Mark at Anita ay nagmamay-ari ng isang maliit na negosyo.Naghahanda na sila sa paglipat sa presyo ng Oras-ng-paggamit ngkuryente.

Sila ay nagpapatakbo ng isang tindahan at mail-order na negosyo,gamit ang anim na cash register, 15 ilaw na fluorescent, central air,mga kompyuter at monitor, isang soft-drink cooler at isang malakingref sa kanilang silong. Ang mga kagamitang ito ay nagkakahalaga ngtaunang bayarin sa kuryente ng $2,500.

Alam nila na ang pagtitipid ng enerhiya ay makakabuti sa kanilangnegosyo at naghahanap ng mga paraan upang mas makatipid sapaggamit ng kuryente. Kapag sila ay lumipat sa Oras-ng-Paggamit napresyon, sila ay magbabayad ng mas kauti upang paandarin ang mgakagamitan sa gabi at sa Sabado at Linggo at mas lalo pa kungmaghapon.

Kaya napagpasiyahan ni Mark at Anita na gumawa ng ilangpagbabago. Mula ngayon, napagpasiyahan nilang patayin ang mgailaw malapit sa bintana upang magamit ang likas na liwanag, gamitinang kanilang programmable thermostat upang mabawasan ang daming init at lamig kapag sarado ang tindahan, at patayin ang mgakompyuter pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho. Ang mgapagbabagong ito ay makakabawas ng walong porsiyento sa kanilangpaggamit ng enerhiya – at mas mapapabuti ang pangangasiwa sakanilang gastusin sa kuryente. Nakikipag-ugnayan din sila sa kanilanglokal na kumpaniya na tagapamahagi [local distribution company]upang alamin kung may mga insentibong pinansiyal para makatulongsa gastusin sa retrofits.

Ang pulyetong ito ay magpapaliwanag kung paano ang presyo saOras-ng-Paggamit ng kuryente at kung paano ninyo magagamit itopara sa inyo.

Kayo na mismo ang tumingin!Ang impormasyon sa SMART METER (MAHUSAY

NA METRO) para sa inyong negosyo ay on l ine na! B is i tah in ang www.torontohydro.com/tou paramaki ta gaano kadaming walang-kasagsagan,

medyo-kasagsagan a t sa-kasagsagan (o f f -peak,mid-peak a t on-peak) na kuryente ang inyong

nagagamit .

Kuryente. Mas mahusay.

IPINAKIKILALAPRESYO NGORAS-NG-PAGGAMIT

MADALIANG GABAY

Ihanda ang inyong negosyo para sa presyo ng Oras-ng-Panggamit

ng kuryente

Page 2: PRESYO NG ORAS-NG- - Toronto Hydro Home Landing · PDF fileupang mabawasan ang pagkonsumo ng inyong kuryente: • Patayin ang mga ilaw na hindi ginagamit, ... ito sa 28°C kapag walang

Ipinakikilala ang isang bagong pamamaraan para mapan-gasiwaan ang inyong mga gastusin sa kuryente at maging

bahagi ng plano sa pagtitipid ng probinsiya.

Ang mga presyo ng SMART METERs (MAHUSAY NA METRO) at Oras-ng-Paggamit [Time-of-Use (TOU)] ay mga bagong kapamaraanan sapangangasiwa ng enerhiya na makakatulong sa inyo para mapabanayadang “kasagsagan ng pangangailangan” (peak demand).

Kapag sabay-sabay tayong gumagamit ng maraming kuryente,gumagawa tayo ng oras ng “kasagsagan ng pangangailangan” (peakdemand). At ang pagbibigay ng kuryente sa mga ganoong kasagsagangoras ay may mga iba’t-ibang epekto:

• Nakakadagdag sa ating gastusin sa kuryente dahil sa ang mataas napangangailangan ay nagdudulot ng mataas na presyo.

• Pasakit sa kalikasan dahil para mapunan ang pangangailangan sakasagsagan ng kuryente ay mangangailangan ng pagtatayo ngkaragdagang planta ng kuryente.

• Nakakadagdag ito sa halaga ng bagong paglikha, paghahatid atpamamahagi ng imprastraktura na kailangan gawin ng Ontario; atang mga tagatangkilik ang kailangang magbayad.

• Nagpapabigat ito sa ating sistema ng kuryente.

Kaya ang pagtutulungan natin upang mabawasan ang ating paggamit sakasagsagan ng oras ay makatuwiran.

Gusto ninyong malaman pa? Basahin itong Madaliang Gabay sa presyong Oras-ng-paggamit, pagkatapos ay pumunta sawww.torontohydro.com/tou - at tuklasin kung paano makakatulong sainyo ang mga presyo ng TOU sa pangangasiwa sa inyongpangangailangan sa kuryente.

Paalala: Kung kasalukuyang kayong bumibili ng inyong kuryente sa isangretailer (nagbebenta ng patingi-tingi) kayo ay patuloy na susunod sa mgakasunduan at presyo na nakasaad sa inyong kontrata.

Ang buod ng lahat ng nasabi tungkol sa paggamit ng kuryente.

Bilang isang nagmamay-ari ng isang negosyo, palagi kayong humanapng paraan para makatipid. Kung kayo ay lilipat sa presyo ng Oras-ng-paggamit, baka gusto ninyong maghanap muna ng mga bagong paraanupang makontrol ang paggamit ng kuryente. Malalaman mo na kauntilamang ang kailangan mong gawin para ilipat ang inyong kuryente saoff-peak (walang kasagsagan) na oras, pero malamang may ibang mgailan pang mga paraan para kayo ay makatipid sa enerhiya sapangkalahatan.

Tumingin kayo sa inyong paligid. Noon pa ba ninyong gustong magpalit ngmga lumang mga kagamitan? Ang mga ilaw ba ay kadalasang naiiwanangnakasindi kapag wala namang tao? May mga kagamitan bang maaaringpaandarin sa magkakaibang oras sa araw? Ang kaalaman kung gaanokadaming kuryente ang inyong nagagamit at kapag inyong ginagamit ayang unang hakbang para sa pagkontrol sa paggamit ng inyong kuryente.

Ang tamang oras ang pinakamahalaga.

Sa Oras-ng-paggamit na presyo, magkakaroon ng tatlongmagkakaiba-ibang mga presyo : walang-kasagsagan (off-peak),medyo-kasagsagan (mid-peak) at on-peak (sa-kasagsagan). Angmga presyong ito ay nirerendahan ng Lupon ng Enerhiya ng On-tario (Ontario Energy Board) at maaaring magbago tuwing Mayo atNubyembre. Ipinapakita ng pie chart kung anong oras sa araw atlinggo nababago ang mga bagong presyo.

Bakit may tatlong magkakaibang presyo? Tumataas ang presyokapag mataas ang pangangailangan sa kuryente; ito ay nasapinakamababa kapag ang pangangailangan at nasapinakamababa.

Paalala: Bisitahin ang Lupon ng Enerhiya ng Ontario (Ontario Energy Board) sawww.oeb.gov.on.ca para sa kasalukuyang presyo.

Para sa mga negosyo na naghahanap ng masmagandang pangangasiwa sa kanilang gastusin sa

kuryente, heto ang ilang mapagpipilian:

• Huwag magbayad sa hindi ninyo nagagamit. Tingnan angpaligid ng inyong negosyo para sa anumang mga hindi kailangangpaggamit ng kuryente. Ang inyong aircon ba ay nasa “high” at anginyong pintuan sa harap ay nakabukas? Nakabukas ba ngmagdamag ang inyong mga kompyuter kahit hindi ginagamit? Angpagpatay sa mga kagamitan kapag hindi naman kailangan aynangangahulugan na magbabayad lang kayo sa inyong nagamit.

• Lumipat na. Tignan kung may mga paraan para makalipat mula samga makonsumo-sa-enerhiya na mga aktibidades tungo sawalang-kasagsagan (off-peak) na oras para magamit ang Oras-ng-Paggamit na presyo. Ang presyo ay pinakamababa sa Luneshanggang Biernes (weekdays) sa pagitan ng 9pm at 7am, at buongaraw sa Sabado at Linggo (weekends).

• Magtipid at mag-ipon. Ang pagtitipid ng enerhiya ay makakatulongupang mabawasan ang inyong pangkalahatang gastusin. Masmakakakuha kayo sa enerhiya ng inyong dolyares sa tamangpangangalaga ng inyong kasalukuyang kagamitan at paglipat sa mgakagamitang matipid sa kuryente at mga pagpipiliang mga ilaw.

• Maghanap ng mga insentibo. Ang inyong lokal na kumpaniya natagapamahagi [local distribution company (LDC)] ay nagbibigay ng mgaprograma sa pagtitipid ng enerhiya para matulungan ang mga maliliit nanegosyo na mabawasan ang pangangailangan sa kuryente. Makipag-ugnayan kayo sa inyong LDC upang malaman kung kayo aykwalipikado.

• Subaybayan ang paggamit ninyo ng enerhiya. Angpagsubaybay sa inyong paggamit ng enerhiya kada bayaran aymakakatulong din sa inyo upang maintindihan paano mapapabutiang pangangasiwa sa inyong gastusin sa kuryente. Maaari rinninyong makita online ang inyong account upang malaman anginyong konsumo ng kuryente. Ang Lupon ng Enerhiya ng Ontario(Ontario Energy Board) ay nagbibigay ng detalye ng kumpletongbayarin ng kuryente sa www.oeb.gov.on.ca.

HATING GABI

TANGHALI

HATING GABI

TANGHALI

HATING GABI

TANGHALI

Tag-init Sabado at Linggo

(Mayo 1 – Oktubre 31)

Taglamig Araw sa isang linggo

(Nubyembre 1 – Abril 30)

Sabado at LinggoMga Itinakdang piyesta opisyal

¢ Walang-kasagsagan Medyo-kasagsagan Sa-kasagsagan¢¢ ¢¢¢