4
PANITIKANG TAGALOG Literatura 1 mischelledmariano Panitikang Tagalog sa Pagdating ng mga Mananakop Ang paglitaw ng mga akdang mapanghimagsik sa Panitikang Tagalog ay dahil sa pagkakagarote ng tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, kasama na rin ang kabuktutan ng mga Kastila. Noong panahon ng mga Amerikano ay dumami ang mga samahan sa panitikan sa Kamaynilaan na may kanya-kanyang panuntunan at mga paligsahan. o Ilaw at Panitik o Akademya ng Wikang Tagalog o Kapulungang Balagtas o Aklatang Florante o Aklatang Bayan Umunlad ang panitikang Tagalog dahil sa maraming pahayagan at magasin na naglathala ng mga akdang pampanitikan. Pinamahalaan ni Lope K. Santos ang mga babasahing Tagalog, noong 1902 sinimulang ilathala ang Muling Pagsilang sa isang pahayagang Kastila. Naglathala rin ng mga kathang Tagalog ang mga kabataang manunulat noon gaya nina Faustino Aguilar, Valeriano Hernandez Peña, Iñigo Ed Regalado, Francisco Laksamana, atbp. Nagpakita rin ng sigla sa pagsusulat ng maikling kwento nang itatag ang pahayagang Ang Mithi na sinundan ng Taliba at ang Demokrasya. Naitatag ang Liwayway noong 1930 nina Amado V. Hernandez, Nemesco Caravana, Cirio H. Panganiban, at Lazaro Francisco. Ang nobela noong panahon ng mga Amerikano ay tumatalakay sa pang- araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga tao at mga pangyayari na umuugnay sa mga suliraning may kinalaman sa lipunan, pulitika at ekonomiya. Panitikang Tagalog Simula noong 1950 Umunlad ang panitikang Tagalog sa panahong ito. Ang mga dating sumusulat sa Ingles ay lumipat at nawili sa pagsulat sa Tagalog. Sa panahong ito pumili ng tatlong pinakamahusay na kwento – Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes, unang gantimpala; Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo, ikalawang gantimpala; at Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan ni NVM Gonzales, ikatlong gantimpala. Naging malaki ang papel ng dula sa panahong ito sapagkat lahat ng sinehan ay nakapinid dahil sa pagbabawal na maipalabas ang lahat ng pelikulang Amerikano. Karamihan sa mga dulang itinanghal ay naisalin mula sa Ingles, sina Narciso Pimentel at Francisco S. Rodrigo ang nagsalin. Sila rin ang nagtatag ng “Dramatic Philippines,” isang samahan ng mga mandudulang Pilipino. Ilan sa mga dula noon ay:

Panitikang Tagalog

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Lektyur Tungkol sa Panitikang Tagalog

Citation preview

PANITIKANG TAGALOG Literatura 1 mischelledmarianoPanitikang Tagalog sa Pagdating ng mga Mananakop Ang paglitaw ng mga akdang mapanghimagsik sa Panitikang Tagalog ay dahil sa pagkakagarote ng tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, kasama na rin ang kabuktutan ng mga Kastila. Noong panahon ng mga Amerikano ay dumami ang mga samahan sa panitikan sa Kamaynilaan na may kanya-kanyang panuntunan at mga paligsahan. Ilaw at Panitik Akademya ng Wikang Tagalog Kapulungang Balagtas Aklatang Florante Aklatang Bayan Umunlad ang panitikang Tagalog dahil sa maraming pahayagan at magasin na naglathala ng mga akdang pampanitikan. Pinamahalaan ni Lope K. Santos ang mga babasahing Tagalog, noong 1902 sinimulang ilathala ang Muling Pagsilang sa isang pahayagang Kastila. Naglathala rin ng mga kathang Tagalog ang mga kabataang manunulat noon gaya nina Faustino Aguilar, Valeriano Hernandez Pea, Iigo Ed Regalado, Francisco Laksamana, atbp. Nagpakita rin ng sigla sa pagsusulat ng maikling kwento nang itatag ang pahayagang Ang Mithi na sinundan ng Taliba at ang Demokrasya. Naitatag ang Liwayway noong 1930 nina Amado V. Hernandez, Nemesco Caravana, Cirio H. Panganiban, at Lazaro Francisco. Ang nobela noong panahon ng mga Amerikano ay tumatalakay sa pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga tao at mga pangyayari na umuugnay sa mga suliraning may kinalaman sa lipunan, pulitika at ekonomiya.

Panitikang Tagalog Simula noong 1950 Umunlad ang panitikang Tagalog sa panahong ito. Ang mga dating sumusulat sa Ingles ay lumipat at nawili sa pagsulat sa Tagalog. Sa panahong ito pumili ng tatlong pinakamahusay na kwento Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes, unang gantimpala; Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo, ikalawang gantimpala; at Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan ni NVM Gonzales, ikatlong gantimpala. Naging malaki ang papel ng dula sa panahong ito sapagkat lahat ng sinehan ay nakapinid dahil sa pagbabawal na maipalabas ang lahat ng pelikulang Amerikano. Karamihan sa mga dulang itinanghal ay naisalin mula sa Ingles, sina Narciso Pimentel at Francisco S. Rodrigo ang nagsalin. Sila rin ang nagtatag ng Dramatic Philippines, isang samahan ng mga mandudulang Pilipino. Ilan sa mga dula noon ay: Sino ba Kayo? Dahil sa Anak Higanti ng Patay Libingan ng mga Bayani Ang pansin ng mga manunulat na Tagalog ay nalipat din sa pagsulat ng mga aklat pampaaralan (pambalarila at pampanitikan) sa Pilipino. Ipinalimbag din ni Alejandro Abadilla ang Panitikang Tagalog noong 1949, isang katipunan ng mga piling tula mula sa panahon nina Huseng Sisiw at Balagtas hanggang sa kanyang kapanahunan. Noong 1975 naman ay nailimbag ang katipunan ng kanyang mga tula na may pamagat na Ako ang Daigdig.

Mga Pangalan Nakilala sa Larangan ng Panitikang Tagalog Pagkatapos ng Himagsikan1. Florentino Collantes Batikang Duplero, simula ng kanyang pagkabata ay nakakitaan na ng pagkahilig sa pagbasa ng mga awit at korido, kabisado rin niya ang lahat ng laman ng Pasyon Naging bihasa siya sa pagtula sa edad na labinlimang taon Naging tagapatnugot sa mga pahayagang Buntot Pagi, Pagkakaisa, Watawat, Pakoka, at Ang Bansa2. Amado V. Hernandez Isinilang sa Tondo, Maynila Kinilalang Makata ng mga Manggagawa Naging patnugot ng lingguhang Sampaguita at ng mga pahayagang Pagkakaisa at Mabuhay Isa siyang tunay na mambibigkas Ang mga tulang nagpasikat sa kanya ay pinamagatang Bonifacio, Guro ng Lahi, at Ang Aklasan3. Julian Cruz Balmaceda Kilala at nagkapangalan bilang tanyag na mandudula at may kagalingan rin sa pagtula Makata ng Bayan at naging tanyag sa kanyang pagbigkas4. Iigo Ed Regalado Isang nobelista at may kahusayan din sa pagtula Naging tanyag sa kanyang mga tulang Ang Pinagbangunan, Larawan ng Buhay at Damdamin na nagtamo ng unang gantimpala sa Timpalak Komonwelt noong 1941 Kilala sa sagisag-panulat na Odalager5. Ildefonso Santos Kilalang manunulat ng mga tula, ang pamamaraan niya panitikan ay payak ngunit tapat sa diwa at may kaisipang taglay Ilan sa mga nagpatanyag sa kanya ay ang Sa Tabi ng Dagat, Gabi, Ang Ulap, Ang Mangingisda6. Lope K. Santos Nagsulat sa pinakamahalagang nobelang Pilipino sa loob ng maraming taon na Banaag at Sikat na unang nalimbag noong 1906 at ito ay naglalarawan sa mga kaugaliang Pilipino at pagtalakay na sosyalismo, gayundin ang panunudyo sa kinaugaliang pagbibinyag sa bata at pagpapakasal ng magkasintahan bago magsama Ama ng Balarilang Pilipino Naging gobernador ng Rizal pagkatapos ay Nueva Vizcaya at naging senador ng pamahalaan ng Pilipinas7. Francisco Laksamana Inilarawan sa kanyang nobelang Anino ng Kahapon ang buhay na dinanas na kalupitan ng ating mga kababayan sa kamay ng mga dayuhan Naging sagisag ang mga pangalan ginamit sa mga pangunahing tauhan Modesto Magsikap at Elisea Liwayway (pagsisikap hanggang sa magliwayway ang kalayaang pinakaaasam)8. Severino Reyes Kilala sa tawag na Don Binoy Siya ang may-akda ng Mga Kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway Siya rin ang sumulat ng Walang Sugat na tanging hangarin ang magkaroon ng reporma at patriotismo Sinundan pa ito ng pagsulat ng mga dula at kwento tulad ng Ang Kalupi at R.I.P.9. Cecilio Apostol May taguring Prinsipe ng Makatang Pilipino Siya ang nagsalin sa Tagalog ng Biag ni Lam-ang, at sa Pranses ng Dekalogo ni Andres Bonifcaio Marunong magsalita ng Espanyol, Aleman, Griyego, Italyano, at Latin10. Faustino Aguilar Isinilang sa Malate, Maynila Siya ng may-akda ng: Pinaglahuan Busabos ng Palad Lihim ng Isang Pulo Sa Ngalan ng Diyos11. Jose Palma Ipinanganak sa Tondo, Maynila noong Hunyo 6, 1876 Nakababatang kapatid ni Rafael Palma Pinakadakilang naiambag niya sa panitikang Pilipino ay ang titik ng pambansang awit Akda niya ang Ven, Oh Paz, El Filibusterismo (tula) at Al Martir12. Liwayway Arceo Premyadong manunulat ng mga nobela, maikling kwento, at dulang panradyo. Mula sa kanyang panulat ang: Uhaw ang Tigang na Lupa Titser Nasaan ang Ligaya Ayoko sa Iyo Ako ang Iyong Ina13. Mauro R. Avena Isang makata, mandudula, kwentista at kritiko. Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila. Akda niya ang sumusunod: Rain and Other Poem Alienation The Orphanage Balintataw14. Jesus Balmori Pinarangalan bilang Makatang Pandaigdig Tubong Maynila rin Nagsimulang magsulat sa gulang na sampu Isinulat niya ang sumusunod: Rimas Malaya Balagtasan Mi Casa de Nipa El Hombre Y La Mujera Himno a Rizal15. Gerardo Chanco Isa siyang mangangatha at nobelista at kilala rin bilang mamamahayag Isinilang sa San Miguel, Maynila Ginamit ang sagisag-panulat na Geranio, Martin Bantayan, Doyante at Kayumanggi Ilan sa mga nasulat niya ang: Sa Gitna ng Lusak Anak: Sakit ng Sangkatauhan