Ang Ating Panitikang Filipino

Embed Size (px)

Citation preview

ANG ATING PANITIKANG FILIPINO

ANG ATING PANITIKANG FILIPINO Pangkat A

PANIMULANanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang ugat na titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito nabuo ang salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila ay literatura na batay sa Latin na litera na ang kahulugan ay letra o titik.

ANO ANG PANITIKANG FILIPINO? Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.

MGA URI NG PANITIKAN Panggawaing Panitikan Masining na Panitikan Malikhaing Panitikan

Panggawaing Panitikan Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap ang kaalamannkol sa gayo't ganitong uri ng gawain at karunungan.

Masining na PanitikanAng ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang tinatawag na masining na panitikan.

Ang masining na panitikan ay may kambal na layunin a. pukawin ang guniguni't gisingin ang damdamjn; at

b. magturo o maghikayat,

Malikhaing Panitikan Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin ang ating guniguni at damdamin na nakakakita ng saya sa isang paraluman (ideal). Ito binansagang gayon sapagkat:

a. Ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari, kundi pangyayaring binigyang-kulay ng isang maalab na damdamin at muling hinubog guniguni ng kumatha.

b. Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o damdamin; iyon ang pangitain ukol sa kahulugan ng buhay para sa puso ng lahat ng tao sa lahat ng panahon.

Malikhaing Panitikan

c. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang guniguning ito at sa gayong paraay gisingin sa ating mga puso ang damdaming nag-uudyok dito upang lumikha at maghandog sa mambabasa.

d. Ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay nagdudulot ng isang kagalakang nagtataas sa ating kalagayan sa buhay.

ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PAG-AARAL NG ATING SARILING PANITIKAN 1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.

2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali.

3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.

4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong mapayabong.

5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN Maging tuluyan o patula man, ang apat na paraan ng pagpapahayag ay

ayon sa hinihingi ng hangarin:

1. Paglalahad - kung nais magpaliwanag.

2. Paglalarawan kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis, kulay, at iba pa.

3. Pagsasalaysay kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.

4. Pangangatwiran kung nais magpaniwala, manghikayat, o mag-paganap.

MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYAPI SA PANITIKAN KlimaGawaing Pang-araw-arawKinatitirahanLipunan at Pulitika Relihiyon at Edukasyon

DALAWANG ANYO NG PANITIKAN Ang panitikan ay may dalawang anyo: Patula at Tuluyan.

PANITIKANG PATULA Ang panitikang patula ay masining na pagsasama-sama ng mga piling kaisipan sa mga taludtod, may sukat at tugma o malayang taludturan.

PANITIKANG TULUYANAng panitikang tuluyan naman ay gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan at maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap.

MGA URI NG TULA Tulang Liriko o Tula ng Damdamin Tulang PasalaysayTulang PatniganTulang Pandulaan

Tulang Liriko o Tula ng Damdamin Ito ay matatawag ding tula ng puso. Nagsasaad ito ng marubdob na karanasan, guniguni, o damdamin ng may-akda.

1. Dalit - tulang nagbibigay ng parangal sa Maykapal.

2. Soneto - tulang may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay.

Tulang Liriko o Tula ng Damdamin 3. Elehiya - ang paksa nito ay ang alaala ng isang namatay, Ito ay isang uri ng panaghoy o panangis,

4. Oda - tulang liriko na pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao.

5. Awit ang mga paksa nito ay pag-ibig, kabiguan, pag-asa, kaligayahan, at iba pa.

Tulang Pasalaysay Ito ay tulang may kUwcnto at may mga pangunahing tauhang gumagalaw. Ang mga kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma ang paksa nito.

Epiko - mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga kaaway. Ito ay may mga tagpong kababalaghang hindi kapani-paniwala. Awit at Korido - mga tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe, at prinsesa. Ang awit ay may labindalawang pantig samantalang ang korido ay may wawaluhing pantig. Balad - tulang inaawit habang may sumasayaw

Tulang Patnigan Karagatan - paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang patay. Duplo - paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa bakuran ng namatayan matapos mailibing ang patay bilang pang-aliw sa mga naulila nito. Ensileda - isa pang paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-aliw sa namatayan. Ito ay ginagawa gabi-gabi hanggang sa ikasiyam na gabi. Balagtasan isapang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa pamamaraang patula,

Tulang Pandulaan Ito ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro at komedya.

MGA URI NG TULUYAN Maikling KuwentoSanaysayTalambuhay Dula

Maikling Kuwento Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.

SanaysayIto ay naglalahad ng kuru-kuro at pansariling kaisipan ng manunulat hinggil sa anumang paksa.

Mga Uri ng Sanaysay Pormal o maanyo Impormal o personal

Pormal o Maanyo - seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang paglalahad at lumalayo sa katauhan ng manunulat. Ito ay may malinaw na balangkas at ginagamitan ng maingat na mga salita at mabisang pangungusap.

Impormal o Personal - nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindi seryoso ang pagkakalahad ng paksa. Parang kaswal na pakikipag-usap lamang ng awtor sa mambabasa. Ito ay tinatawag na malayang sanaysay.

Talambuhay Ito ay isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may-akda o buhay ng isang tao na isinulat ng iba.

Mga Uri ng Talambuhay

1. Maikli pinipili ang mga bahagi ng buhay na ilalakip at may tema bilang pokus sa lahat ng gagamiting mga pangyayari.

2. Mahaba lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ayisinasama. Ito ay nagsisimula sa kapanganakan ng isang tao, sa kanyang pakikipagsapalaran, at maging hanggang sa kanyang pagpanaw.

DulaAng dula ay isang uri ng akda na naglalarawan ngbuhay o ugali ng mga tao sa pamamagitan ng mga usapn o dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan na ginaganap sa isang tanghalan.

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA NAGPAPAKILALA NG KASAYSAYAN AT KALINANGAN NG BANSANG PINANGGALINGAN1.Banal na kasulatan mula sa Palestina at Gresia2.Koran mula sa Arabia3.Uncle Toms Cabin mula sa Estados Unidos4.Noli Me Tangere at El Filibusterismo mula sa Pilipinas5.Sanlibot Isang Gabi mula sa Arabia at Persia6.Canterbury Tales buhat sa Inglatera7.Iliad at Odyssey mula sa Gresia8.El Cid Campedor mula sa Espanya

MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINOPanahon Bago Dumating ang mnga Kastila (Bago mag ika-16 na siglo)Ibanahon ng mga Kastila (1565-1898)Panahon ng Propaganda at Himagsikan Laban sa rnga, Kastila (1872-1898)Panahon ng mga Arnerikano (1899-1941)Panahon ng Hapones (1942-1945)Panahon ng Bagong Kalayaan (Simula 1946)Panahon ng Aktibismo (Dekada '70)Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1986)Panahon ng Bagong Demokrasya (Simula 1986)

Panahon Bago Dumating ang mnga Kastila (Bago mag ika-16 na siglo)Pagaling-bibig lamang ang panitikan sa panahong ito at may impluwensiyang kaisipang Malayo-lndoncsyo, Ang panitikan ng panahong ito ay nasa anyo ng alamat, kuwentong-bayan, kantahing-bayan, epiko, at mga karunungang-bayan.

Ibanahon ng rnga Kastila (1565-1898)Naging panrelihiyon ang paksa ng panitikan ng panahon ng rnga Kastila, Ang layunin ng panitikan sa panahong ito ay ang palaganapin ang Kristiyanisrno. Karamihan ga roga akda ay isinulat ng mga prayle, Ito ay panahon ng panunulat at pagkabaguhan ga kaigipang kanluranin.

Panahon ng Propaganda at Himagsikan Laban sa rnga, Kastila (1872-1898)Naging makabayan at mapanghirnagsik ang panitikan sa panahong ito.

Panahon ng mga Arnerikano (1899-1941)Ang panitikang Fil spino ga panahong ito ay rnay impluwensya ng kaisipang demokratiko.

Panahon ng Hapones (1942-1945) Nakilala sa panahong ito ong molayang tula. Tinularan ng ilang makatang Pilipino ang tulang llapon na hoccu o haiku, Pagpapaimbabaw at pagdagsa ng henyong pampanilikan ang nangyari sa panahong ito.

Panahon ng Bagong Kalayaan (Simula 1946)Naging masiglang muli ang panitikan sa panahong ito pagkatapos ng liberasyon ng Pilipinas. Maraming manunulat ang nagsisulat sa mga wikang Filipino at Ingles.

Panahon ng Aktibismo (Dekada '70)Sa panahong ito'y naging maiinit ang paksa ng panitikan, na kinapalooban ng mga tinig at titik ng protesta o paglaban sa pamahalaan o awtoridad.

Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1986)Sikil ang mga panulat sa panahong Vito. Limitado ang mga paksang matatalakay. Ang mga manunulat ay hindi malayang magpahayag ng mga sariling damdamin at kanilang mga kaisipan.

Panahon ng Bagong Demokrasya (Simula 1986)Sumigla ang pamamahayag, Malaya ang mga mamamahayag at mga mamamayan na tumalakay at tumuligsa sa mga pangyayari sa bayan. Nagsimula ito sa isang mapayapang rebolusyon na humantong sa pagsigla ng panitikan sa iba't ibang larangan.