14
Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos PAARALANG GRADWADO Lungsod ng Laoag Koda ng Kurso: Panitikan 218 Pamagat ng Kurso : Panitikang Rehiyunal Paksa: Panitikang Muslim Taga-ulat: MISCHELLE D. MARIANO Propesor: DR. ALMA A. SIERRA PANITIKANG MUSLIM SA PILIPINAS Mga Rehiyon sa Mindanao a. Rehiyon IX – Silangang Mindanao b. Rehiyon X – Hilagang Mindanao c. Rehiyon XI – Timog Mindanao d. Rehiyon XII – Gitnang Mindanao e. Autonomous Region of Muslim Mindanao f. CARAGA Ang mga Muslim sa Pilipinas Ang salitang Muslim ay nangangahulugang “isang taong nagpasakop kay Allah” Pinakamalaking minoridad sa Pilipinas Karamihan sa mga Muslim sa Pilipinas ay nasa Timog at Gitnang Mindanao May labintatlong pangkat ng mga Muslim sa Pilipinas Ang pinakamalaki sa mga pangkat na ito ay ang Maguindanaoan, kasunod ang mga Ilanun at Tausug, Maranao, at Samal Ang labintatlong pangkat na ito ng mga Muslim ay mayroong kanya-lanyang dayalekto ngunit Tausug ang lingua franca ng mga Muslim Mga Paniniwalang Muslim 1. Sa digmaan, mas mabuting umuwi ang bangkay na nakapatay ng kalaban kaysa sa buhay na hindi lumaban. 2. Ang Muslim ay dapat magpakasal sa kapwa Muslim. 3. Kapag ang ama ay magnanakaw, gayundin ang anak. Limang Haligi ng Pananampalataya 1 Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at Panitikan Summer 2015

Panitikang Muslim

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ulat tungkol sa Panitikan ng mga Muslim

Citation preview

Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano MarcosPAARALANG GRADWADO

Lungsod ng Laoag

Koda ng Kurso: Panitikan 218Pamagat ng Kurso : Panitikang RehiyunalPaksa: Panitikang MuslimTaga-ulat: MISCHELLE D. MARIANOPropesor: DR. ALMA A. SIERRA

PANITIKANG MUSLIM SA PILIPINAS

Mga Rehiyon sa Mindanaoa. Rehiyon IX – Silangang Mindanaob. Rehiyon X – Hilagang Mindanaoc. Rehiyon XI – Timog Mindanaod. Rehiyon XII – Gitnang Mindanaoe. Autonomous Region of Muslim Mindanaof. CARAGA

Ang mga Muslim sa Pilipinas Ang salitang Muslim ay nangangahulugang “isang taong nagpasakop kay Allah” Pinakamalaking minoridad sa Pilipinas Karamihan sa mga Muslim sa Pilipinas ay nasa Timog at Gitnang Mindanao May labintatlong pangkat ng mga Muslim sa Pilipinas Ang pinakamalaki sa mga pangkat na ito ay ang Maguindanaoan, kasunod ang mga

Ilanun at Tausug, Maranao, at Samal Ang labintatlong pangkat na ito ng mga Muslim ay mayroong kanya-lanyang dayalekto

ngunit Tausug ang lingua franca ng mga Muslim

Mga Paniniwalang Muslim1. Sa digmaan, mas mabuting umuwi ang bangkay na nakapatay ng kalaban kaysa sa buhay

na hindi lumaban.2. Ang Muslim ay dapat magpakasal sa kapwa Muslim.3. Kapag ang ama ay magnanakaw, gayundin ang anak.

Limang Haligi ng PananampalatayaAng limang haliging ito ng pananampalataya ang saligan ng katapatan kay Allah para sa

mga Muslim at itinuturing nila itong seryoso at literal. Ang pagpasok ng isang Muslim sa Paraiso ay nakasalalay sa pagsunod sa limang haliging ito ng pananampalataya.

1. Shahada/Ang patotoo ng pananampalataya: "Walang ibang Diyos maliban kay Allah at si Muhammad ang Kanyang propeta".

2. Salahm/Panalangin: Limang panalangin ang dapat isagawa araw-araw.3. Zakat/Pagbibigay: Nararapat na magbigay ang isang tao sa mga nangangailangan, na

parang ang lahat ay nanggagaling kay Allah.4. Saun/Pag-aayuno: Maliban sa paminsan-minsang pag-aayuno, ang lahat ng Muslim ay

dapat na mag-ayuno sa panahon ng Ramadan (ang ikasiyam ng buwan sa kalendaryo ng Islam).

1Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at PanitikanSummer 2015

5. Hajj: ang paglalakbay sa Mecca (Makkah) ay dapat na isakatuparan ng isang Muslim ng minsan sa kanyang buong buhay (isinasagawa tuwing ika-labindalawang buwan sa kalendaryo ng Islam).

PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG PANITIKANG MUSLIM Ang panitikan ng mga Muslim sa iba’t ibang panahon ay iba sa panitikan ng ibang

rehiyon sa Pilipinas. Sa dahilang hindi nasakop ang mga Muslim ng mga Kastila at Amerikano, hindi nabago ang panitikan ng mga Muslim sa bansa – nagpasalin- salin lamang ang mga ito.

Ang panitikan ng mga Muslim sa Pilipinas ay hindi gaanong kaiba sa panitikan ng mga Muslim sa Timog Silangang Asya. Ang panitikan nila ay sinasalita at kaunti lamang ang mga sinusulat. Halos lahat ng panitikan ay matalinhagang patula at hindi pasalaysay.

A. Panahon Bago Dumating ang mga Kastila at Pagdating ng mga Kastila Bago pa man sinakop ang Pilipinas, mayroon nang mga panitikan ang mga Muslim,

kabilang dito ang mga tula, epiko, mitolohiya, alamat at mga kwentong-bayan.Halimbawa:

Mayroong utos ang DiyosNa dapat ay di baguhinKapag ika’y may asawa, di dapat saktanIto ay dapat sundin ng mga lalakiUpang igalang ang asawa.Dapat iwasan ang pagsaktan sa itoAt dapat ito ay pasayahinAng utos na ito, di dapat labaginMaging tapat sa asawa, huwag hahamakin.

Dahil sa impluwensya ng relihiyong Islam, ang panitikan ay nadagdagan pa ng mga dasal na pang-Muslim. Ito ay ang mga sumusunod:

1. adhan o abang (the call to prayer)2. salat (ritual prayer)3. dwa (supplicatory prayer)

Ang bugtong ng mga Muslim kadalasang payak ang paksa upang madaling mahulaan ng mga tao.

atuka ru sa hulaan moatak na mahindanaw batang Magindanawna ahad iddat sa ysay abot hanggang saysaynaddinog tadsinaggaw ang kanyang palahaw - Agung

migludoy si molumbio’ nagbuno sina taba at payat,ilan ni Molanggas, si taba ang natalosinag si molumbio’ - kumot at taong natutulog

Ang salawikain naman sa Mindanao ay kapupulutan ng magagandang aralIn isug ha way akkal’ way guna’Ang katapangan na wala sa lugar ay wala.

Gam muti in bukug, ayaw in tikud-tikudMabuti pang mamatay kaysa tumakbo sa problema.

Ang mga awiting-bayan ay nagpapahayag ng kultura, kaugalian at pamumuhay. Ang mga kwentong-bayan ay sumasalamin sa makulay na kultura ng mga Muslim.

Karamihan ay nasa anyong alamat na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang lugar o tao.

2Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at PanitikanSummer 2015

Halimbawa: Ang Alamat ng Sarimanok

Ang alamat ng sarimanok ay tungkol sa isang mahiwagang ibon na nais labanan ang maling nakagisnang tradisyon sa kanilang lugar. Sa isang tagpong lugar na tinatawag na Bayang Lawa nakatira ang sarimanok na kung saan ipinagbabawal ang paglipad ng mga ibon. Ang tanging gawain ng sarimanok ay ang pakainin ang mga bagong silang at mga nahihinang ibon sa kanilang lugar. Ngunit dahil na rin sa ipinamulat na mundo ng kaibigan nitng ibon, lumipad ang sarimanok at sa proseso, sinuway ang kanilang tradisyon. Isang parusa ang ginawad sa sarimanok subalit hindi naman nito mapapalitan ang naranasang kalayaan sa paglipad sa himpapawid.

Darangan ang pinakatanyag na epikong Muslim, ito ay salaysay na patula tungkol sa mga kwento ng kabayanihan, mga gawaing kahanga-hanga, at mga di sukat mapaniwalaang kabayanihan at kagitingan ng mga madirigmang Muslim. Ngunit ito ay hindi iisang epiko – marami- ngunit tatlo lamang ang naisalin sa Ingles: ang Bantugan ang pinakakilala sa lahat ng ito.

Buod ng Bantugan

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali. Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.

Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan nang maligaya sa mahabang panahon.

Marami pang ibang epiko ang mga Muslim kabilang na ang Indarapatra at Sulayman, Tulalang at ang hiram mula sa Malay, ang romantikong Bida Sari.

B. Panahon ng Amerikano at Hapon

3Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at PanitikanSummer 2015

Sa panahong ito, may isang manunulat na nakilala na mula sa Mindanao – si Ibrahim A. Jubaira.

Siya ay nakapagkamit ng pagkilala hindi lamang sa buong Mindanao kung hindi sa buong mundo rin. Siya ay nakilala sa kanyang mga maiikling kwento at sa kanyang mga sinulat na sanaysay sa mga magasin at peryodiko tulad ng The Philippine Free Press, This Week, Sunday Times Magazine, Graphic, Arizone Quarterly, San Francisco Chronicle at ang Denver Post. Lahat ng kanyang akda ay naisulat sa wikang Ingles.

C. Panahon ng EDSA hanggang sa Kasalukuyan Nakilala si Leoncio Deriada, hindi siya isang Muslim ngunit isang Kristyanong nakatira

sa palibot ng mga Muslim. Siya ay nakatanggap ng Unang Gantimpala sa 1993 Don Carlos Palanca Memorial

Awards for Literature. Nakamit niya ang Doctoral Degree sa Ingles sa Pamantasan ng Silliman. Nagtapos ng

masteral sa Unibersidad ng Xavier (cum laude) at kolehiyo sa Ateneo de Davao. Nagkamit ng gantimpala ang mga akda ni Dr. Deriada tulad ng The Road to Mawab and

other Stories, The Dog Eaters and Other Plays, Nightmares at the Week of Whales.

QUR’AN: Ang Bibliya ng mga Muslim Ang Qur’an ay isang banal na aklat ng mga Muslim. Ang salitang Qur’an ay mula sa salitang Arabic na gara’a na nangangahulugang

nangolekta ng magkakasamang bagay-bagay o nabasa. Tinawag na Qu’ran ang banal na aklat ng mga Muslim sapagkat ito’y koleksyon o katipunan ng mga tuntunin, mga batas, mga kaugalian at mga paniniwalang panrelihiyon, panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika.

Ito ay mga salita ni Allah na inihayag nang baha-bahagi kay Propeta Muhammad. Ang ilang bahagi ay inihayag sa Mecca, ang iba ay sa Medina sa iba’t ibang pagkakataon sa loob ng dalawampu’t tatlong taon.

Ang Banal na Mensahe ay dinala ng Espiritu Santo na si Gabriel. Sinabi ito sa salitang Arabic kay Muhammad na siya namang nagpahayag sa sangkatauhan.

Naniniwala ang mga Muslim, ang mga tagasunod ng Islam na walang hanggan at perpekto ang mga salita ni Allah. Tinatanggihan nila ang salin ng Koran sa ibang mga lenguwahe. Walang ibang salin ang tinatanggap kundi ang salin sa wikang Arabo.

Walang pari ang Islam. Dahil dito, ang bawat Muslim ay obligadong malaman at maunawaan ang mensahe ng kanyang relihiyon at ang mga aral nito sa abot ng kanyang makakaya para sa kanyang ikatatagumpay at ikaliligtas.

IBA PANG ANYONG PAMPANITIKAN NG MGA MUSLIM

Mga Di Pang-Islam1. Tutol (kwento)

a. Tutol sa Pagkapoon (Kwento tungkol sa Pinagmulan)b. Tutol sa Piyakakuyakad (Nakatutuwang Kwento)

Hal: Ang mga Kwento ni Pilandokc. Tutol sa Panganganyamon (Kwento tungkol sa Hayop)

2. Tubad-tubad (maiiksing tulang pampag-ibig) Pupulayog so paspas ka pupumagapas-apasKa tulakin kon ko banogNo diron pukatalakinKa daon kasarakti

Flying hard, the swift is

4Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at PanitikanSummer 2015

Trying to catch up with the hawkBut he cannot equal himBecause he is far too small

3. Kadaonga (Love Fest)Ino ko diPapanok ka so NoriApai so amber ianDa ngka kasampiroti

Why will I not be sureThat the bird Nori is mineWhen in flight it is freeBut when it perched it’s caught

4. Pananaroon (matatalinhagang kasabihan) binibigkas tuwing pinarurusahan ang isang bata upang matuto o para

uyamin ang isang tao

So bawing a ketesenNa mi song bo a ketesenNa makapemagenesa

A bunch of bawing plantsMay grow far apartBut they are one when being pulled

5. Sowa-sowa-I (Drama)a. Kamboyka – Ang bayok ay mga patulang berso na tumatalakay sa iba’t

ibang paksa. Ang tema ay umiikot sa uri ng kapistahang pinagdiriwang.b. Kaganat sa Darangen - isang interpretatibong sayaw at kanta. Ginagaya ng

tagapagtanghal si Prinsipe Lomna nang pinadala siya upang mag-alok ng kasal para sa kanyang ama.

c. Diabro, Onta and Kokok – Ang diabro at ang kokok ay laging magkasama tuwing kasal, koronasyon at iba pang magkatulad na pagdiriwang. Ang diabro ay nakabihis ng tuyong dahon ng saging. Ang kokok naman ay isang nagmumukhang halimaw na nanggaling sa gubat. Ang onta ay isang paggaya sa kamelyo. 

d. Sagayan - Ang sagayan (sayaw pandigma) ay nagmula sa Darangen. Ito ay pagsasadula ng kabayanihan ni Bantugan habang ihinahanda ang kanyang sarili para sa pakikidigma sa mga kalaban-Ikadaraanen.

e. Sadoratan - Sa isang kabanata sa epiko, ang prinsesa matapos siyang dukutin ng isa pang prinsipe, ay lumakad sa gitna ng napakaraming tao na nasilayan ang kanyang kagandahan.

6. Limpangan ago Antoka (Puzzles and Riddles) Ang limpangan ay para sa mga matatanda habang ang antoka ay para sa

mga bata.Halimbawa ng Limpangan:

Ladia sa Kalaan A cup from the forestA di ketangalan sa ig. Which cannot hold water

- bird’s nestHalimbawa ng Antoka:

Karanda a subangan A container from the east

5Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at PanitikanSummer 2015

Na mapupuno I ipas Is full of compartments- Lanzones

7. Sakuba (Rhymes) Kasiya-siyang pakinggan na may dalawang ibig kahulugan

Ino ako den a-i Why am I Mala ako den a-i A grown upPekelilid ako den rolling?

Kapag isinulat at binaybay sa ibang paraan, ganito ang kahulugan:Ino a koden den a-i Why is thisMala a koden den a-i big potPekelilid a koden rolling?

Mga Pang-Islam1. Dekir (Dirge Song)

Ang Dekir (dekr sa salitang Arabo) ay nangangahulugang sambahin ang Panginoon. Ang isang berso mula sa Koran o ang buong Koran ay itinuturing na dekir. Sa mga Maranao, ang ibig sabihin ng dekir ay isang kanta na inaawit sa huling gabi ng vigil. Kiakailangang dalawang tao ang aawit ng dekir. Ito ay mayroong mataas na tono. Kung maabot ng mang-aawit ang pinakamataas na tono, hihinto siya sa pagkanta at ipagpapatuloy ng isa pang mang-aawit.

2. Quiza (Religious Story) Ang mga quiza ay mga relihiyosong kuwento na nagmula sa Koran para sa

mga nanampalataya at di nananampalataya. Ang isang halimbawa nito ay ang kuwento ni Abraham nang isakripisyo niya ang kanyang sariling anak.

3. Kandidiagao (Crying over the dead) Ito ay kakaibang paraan ng pag-iyak para sa namatay. Ito ay katulad ng

dekir. Iba ang pamamaraan ng Kandidiagao ng lalaki sa babae. Ang tawag sa paraan ng lalaki sa pagkanta ay kakemama.

4. Khutba (Sermons) Ito ay mga passsages mula sa Koran na para sa mga nanampalataya at para

rin sa di nanampalataya. Ito ay isinasagawa ng Imam (pari) tuwing kapistanhan tulad ng Eid-al Fitr, Mauleed-en-Nabi at sa mga dasal tuwing Biyernes (Salatul Juma-at).

5. Koranic Exegis Ito ay mahalaga sa Muslim sa kanilang pag-interpreta ng scriptures. Ito ay

di lamang para sa Muslim, para rin ito sa mga di Muslim.

6. Explicatory Statements tungkol sa Islam Ito ay maaring bahagi ng ng mahabang khutba o interpretasyon ng Koran.

Ito ay para sa Muslim at di Muslim.

7. Dua’a Ito ay binibigkas pagkatapos ng salat (dasal) at maaari rin pagkatapos ng

kandori (thanksgiving).

6Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at PanitikanSummer 2015

8. Mga relihiyosong Kanta Ang mga ito ay naging sikat nang dumating ang mga misyonaryong Arabo

mula Ehipto patungo sa Pilipinas upang magturo sa Madrasah na paaralan.

Halimbawa :Inao Tuhan ani Dear GodA kibogi an ko podi To whom praise is dueMiaden ko donia Creator of the worldAgo langon a kaaden And all living thingsRakmati kami ngka Give us your blessingsAgo rapeg a reski And luckNa go so kambowai ami Long life, tooNa go ami pekilalan So we can continueNem rokon a iman The six obligationsGo rokon a islam And the pillars of IslamAn kami makaogop So that we can helpA memolia ko Nabi Offer our thanks to the ProphetMakasapaat sa tao And serve our peopleA pepegislam And not forgetA di ami kalipatan So di i kambarorantang Our obligationsKipelalanen ami and proclaim with sinceritySo Lailahailalah God is Greatest

7Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at PanitikanSummer 2015

MGA PILING AKDA

Tula

The Divine Art of BrotherhoodAndan T. Misah

When humanity shall comeTo understand and believeIn the spirit of Perpetuity

Of man kingdom on earth;In the spirit of perpetuity…

To whom each man is inescapably tangibleAs unto the leaves the tree is,

So unto men is God –So near is man to man

So near to spirit to spirit,So entwined are God and Men,

So pure is the brotherhood of men…So ideal will be this world of ours.And when humanity shall come

To understand and believeIn the oneness of power

In god who owns and lends us that power, –As of the vast wisdom in the minds of men

In the oneness of lifeIn god who owns and lends us that life –

As of the vast knowledge in the minds of men:As unto the bulbs the current is,

As unto men is God.And in the creation of Man Kingdom,Adam was made lifeless, baked clay

Into whose body Almighty GodBreathes his spirit of life,

And the spirit of perpetuityThat generates the lineage of mankind.

Maikling Kwento

Blue Blood of the Big Astana (buod)Ibrahim A. Jubaira

The story starts as a flashback of the life of Jaafar as an orphan and a young servant of the Datu's daughter. He narrates the bittersweet memories he shared with Dayang-Dayang.

As they get older and become teens, Jaafar always thinks about her and his emotions and feelings towards Dayang-Dayang grow stronger but he always reminds himself that he should not be in love with her because he has no blue blood. Months later, a young Datu from Bonbon asked for Dayang-Dayang's hand in marriage, leaving Jaafar brokenhearted.

Seven years later, when they lived their separate lives, the royal family encountered many problems. Muramuraan, Dayang-Dayang;s husband, raised hand against Christian goverment and was

8Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at PanitikanSummer 2015

sent to jail, his servants died fighting for the wrong cause, Datu Appah and Amboh, Dayang-Dayang’s parents died and all their lands and possessions were confiscated.

Jaafar went to Bonbon on business and saw Dayang with her children. He saw that she was working and stressed and saw that she was not used to the hard labor. Jaafar wants to go back to Dayang, help her and take care of her because he misses her and still loves her.

Even though Jaafar really wanted to go back to Dayang-Dayang, he stopped himself from running to her because he still has no blue blood and "Not even the fingers of Allah could weave our fabrics to equality."

Nobela

The Sultanate

Jose L. Angliongto

The main events in The Sultanate unfold in the immediate aftermath of the Second World War. Recently widowed, 50-year-old Generoso Dy Angco, a successful businessman, leader of the Chinese community in Davao, and son of a Chinese trader who married a Tausug princess, is assassinated allegedly at the instigation of his business rivals. His three Philippine-born, grieving sons each deal with the tragedy in their own ways. Rolando, the youngest, finds himself adrift, rudderless, in life. Mariano, the eldest, concentrates on his business, eventually becoming a tycoon. Grieving is more protracted for middle son Ricardo whose father’s death triggers an identity crisis.

Frustrated by the inability of his relatives and the factionalized Chinese community to bring his father’s killers to justice, Ric embarks on a study trip to China. He writes to his brother Mariano with his observations of a China in political and social crisis and returns to the Philippines determined to build “his own sultanate out of sweat and brawn” (Angliongto 1969, 14) and “in the hearts of people” (ibid., 149). Convinced that the communist takeover of China means that the security of the Philippines is at stake (ibid., 130) and setting out to prove “to the Filipino people that those who came from Chinese stock are as good citizens if not better than those of Malayan, Indonesian, Spanish or even American extraction” (ibid., 120), Ric becomes a counterespionage agent for the Philippine state, and spends ten years working undercover within the Chinese community to identify the “red infiltrators.”

In his conversations with his Filipino contacts and friends, he discourses at length on the Chinese problem and proposes easier access to citizenship and assimilation as the solutions. Ric falls in love with Lileng; the lovers are cleaved—in its double senses of clinging together and splitting apart—by their respective patriotic commitments to the Philippines and Taiwan. Another woman, Chin Fong, an ardent communist sympathizer, whom Ric admires for her intellect, commits suicide after she returns to communist China. Ric buys an islet south of the Mindanao Sea to serve as the “seat of his sultanate” and transplants the molave saplings planted by their father in the old family property. The book ends with Ric holding the hands of his Filipina lover, Esperanza.

9Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at PanitikanSummer 2015

DulaCountry in Need of a Hero

Malou Jacob

10Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at PanitikanSummer 2015