2
Ang pang-abay ay nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o sa iba pang pang-abay. Halimbawa: - Masayang nag-aaral ang mga bata. Ang masaya ay nagbibigay-turing sa pandiwang nag-aaral. - Parehong matatalino ang magkapatid. Ang pareho ay nagbibigay-turing sa pang-uring matatalino' - Totoong sobrang matiisin ang mga Pilipino. Ang totoo ay nagbibigay-turing sa pang-abay na sobra. Ang mga pang-abay na salita o parirala ay napapangkat sa mga sumusunod: 1. PANG-ABAY NA PAMANAHON - Nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Halimbawa: Simula bukas ay mag-aaral ka na. 2. PANG-ABAY NA PANLUNAN - Tumutukoy sa lugar na pinangyarihan, pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: Maraming iniaalok na produkto sabazaar. 3. PANG-ABAY NA PAMARAAN - Naglalarawan kung paano naganapt nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Halimbawa: Nananalangin siya nang taimtim. 4. PANG-ABAY NA PANG-AGAM - Naghuhudyat ng di-katiyakan.

PANG-ABAY.docx

Embed Size (px)

DESCRIPTION

All about adverbs and types of adverbs in Filipino.

Citation preview

Page 1: PANG-ABAY.docx

Ang pang-abay ay nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o sa iba pang pang-abay.

Halimbawa:

- Masayang nag-aaral ang mga bata.

Ang masaya ay nagbibigay-turing sa pandiwang nag-aaral.

- Parehong matatalino ang magkapatid.

Ang pareho ay nagbibigay-turing sa pang-uring matatalino'

- Totoong sobrang matiisin ang mga Pilipino.

Ang totoo ay nagbibigay-turing sa pang-abay na sobra.

Ang mga pang-abay na salita o parirala ay napapangkat sa mga sumusunod:

1. PANG-ABAY NA PAMANAHON - Nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

Halimbawa: Simula bukas ay mag-aaral ka na.

2. PANG-ABAY NA PANLUNAN - Tumutukoy sa lugar na pinangyarihan, pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa: Maraming iniaalok na produkto sabazaar.

3. PANG-ABAY NA PAMARAAN - Naglalarawan kung paano naganapt nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.

Halimbawa: Nananalangin siya nang taimtim.

4. PANG-ABAY NA PANG-AGAM - Naghuhudyat ng di-katiyakan.

Halimbawa: Marahil ay darating siya.

5. PANG-ABAY NA KUNDISYUNAL - Nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa: Kapag nakiisa ang lahat ay magtatagumpay ang proyekto.

Page 2: PANG-ABAY.docx

6. PANG-ABAY NA PANANG-AYON - Nagsasaad ng pagsang-ayon.

HalimbaWa: Talasans mabait ans bata.

7. PANG-ABAY NA PANANGGI - Nagsasaad ng pagtanggi.

Halimbawa: Marami pa rin ang ayaw sa artipisyal na pagplano ng pamilya.

8. PANG-ABAY NA PANGGAANO - Nagsasaad ng timbang o sukat.

Halimbawa: Tumangkad si Alliah nang isang pulgada.

9. PANG-ABAY NA KAWSATIBO- Nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa: Nanuuna siya sa klase dahil sa pag-aaral na mabuti.

10. PANG-ABAY NA BENEPAKTIBO- Nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkakaganap ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa: Naghanda siya para sa mga batang lansangan.

11. PANG-ABAY NA PANGKAUKULAN- Pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.

Halimbawa: Naspulong sila hinggil sa mga proyekto.