39
PANAHON NG MGA KASTILA

Panahon ng Kastila

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Panahon ng Kastila

PANAHON NG MGA KASTILA

Page 2: Panahon ng Kastila

Hindi nagsimula ang pananakop ng mga Kastila sa pagdaong ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas nong ika-16 ng Marso, 1521. Gayunpaman, naganap ang unang misa sa Samar tanda ng kanilang pagtatagumay na makayaka sa ibang pulo.

Hindi sila nakamalagi sa kapuluan sapagkat buong giting ng pinaglaban ni Lapu-lapu ang kanilang paninindigan sa pulo at nagapi si Magellan.

Page 3: Panahon ng Kastila
Page 4: Panahon ng Kastila

Nagsimula ang pananakop ng Kastila noong dumating si Miguel Lopez de Legaspi at nagtatag ng unang pamayanan sa Pilipinas noong 1565. Naganap ang sanduguan sa pagitan nina Legaspi at Raha Sikatuna.

Maraming mga kalat-kalat na paghihimagsik ang isinagawa ng mga katutubo laban sa Kastila ngunit lahat ng iyo’y napagtagumpayan ng mga Kastila hanggang sa umabot na sa kasukdulan ang pagtitimpi ng mga mamamayan. (GOMBURZA)

Page 5: Panahon ng Kastila
Page 6: Panahon ng Kastila

Layunin ng Kastila

1. Upang palaganapin ang Katolosimo.2. Ipagpalawak ng kapangyarihan sa

pamamagitan ng pagpaparami ng mga sakop na mga bansa.

3. Paghahanap ng mga pampalasa (spices), yaman-likas at mga hilaw na materyales upang tustusan ang mga pangangailangang pang-ekspedisyon.

Page 7: Panahon ng Kastila

Sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng mga katutubo sa dahilang ang mga iyon daw ay likha ng demonyo.

Nagtatag ng paaralang magtuturo ng wikang kastila

Hindi naganap ang plano ng mga kastila dahil sa paglabag na ginawa ng mga prayle.

DAHIL SA LAYUNIN NA MAPALAGANAP ANG KRISTIYANISMO

Page 8: Panahon ng Kastila

ALIBATA

ALPABETONG ROMANO

Page 9: Panahon ng Kastila

Mas madaling matututunan ng isang misyonaryo ang wika ng isang relihyon kaysa ituro sa lahat.

Higit na magiging kapanipaniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita ng katutubong wika.

NAG-ARAL NG WIKANG KATUTUBO ANG MGA KASTILA DAHIL:

Page 10: Panahon ng Kastila

1. Ang mga Gramatica Arte Reglas de la Lengua Tagala (Padre Blancas

de San Jose, 1960) Compendio del Arte dela Lengua Tagala (Tomas

Pinpin) Ensayo de Gramatica Hispano Tagala (Padre

Minguella) Lecciones de Gramatica HispanoTagalo (Padre

Jose Hevia Campomanes) Arte de la Lengua Iloca (Padre Francisco Lopez) Arte de la Lengua Pampanga (Padre Diego

Bergano)

DAHIL SA KAGUSTUHAN NG MGA PRAYLE NA MATUTUNAN ANG WIKANG KATUTUBO:

Page 11: Panahon ng Kastila

2. Ang mga Diksyunaro at mga Bokabularyo Arte y Diccionario de Tagala (Padre de

Plasencia) Vocabulario Tagala (Padre Miguel Ruiz) Arte y Regla de la Lengua Tagala (Padre

Francisco Blancas de San Jose) Vocubulario de la Lengua Tagala (Padre de San

Buenaventura) Diccionario Tagalog-Español (Rosalia Serrano) Diccionario Hispano-tagalo (Pedro Serrano

Laktaw)

DAHIL SA KAGUSTUHAN NG MGA PRAYLE NA MATUTUNAN ANG WIKANG KATUTUBO:

Page 12: Panahon ng Kastila

PAKSAIN NG PANAHON NG KASTILA

Panahong ng Panitikang Pansimbahan

Panahon ng Awit at Korido

Page 13: Panahon ng Kastila

DOCTRINA CHRISTIANA Ang unang aklat na

nalimbag sa Pilipinas noong 1593.

Ito’y nasa wikang Kastila at Tagalog.

Batay sa sipi sao Vaticano, pangalan ni P. Domingo Nieva ang nasa takip ngunit batay sa pananaliksik ang may gawa ng nasabing aklat ay si Juan de Plasencia.

Page 14: Panahon ng Kastila

Panitikang PansimbahanA. DALIT

Iba’t ibang santo’t santa ang pinagdadalitan. May dalit kay Maria na naging kaugalian na

sa ibang lalawigan.Nag-aalay ng mga bulaklak ang mga bata

habang dinadalit ang mga pagpupuri sa Mahal na Birhern.

Ang mga pagpupuring ito’y isinulat ni Padre Mariano Servilla na taga-tundo. Humalaw siya ng mga awit na Italyano ni Muzzarelli (Il Mese di Maggio) at pinamagatan niyang “Flores de Mayo.”

Page 15: Panahon ng Kastila

Panitikang PansimbahanB. MGA NOBENA

Ang nobena ay mga katipunan ng mga panalangin na kailangan ganapin sa loob ng 9 na araw, maaaring sunod-sunod na araw o tuwing Martes.

Ang mga ritwal ng mga katutubo’y isa ring uri ng pagnonobena sapagkat may mga araw rin silang binibilang sa pagdaraos ng kanilang mga pagdiriwang na may kaugnayan.

Pagpapasalamat sa magandang aniPaghingi ng ulanPagpapaalis ng sakit na nananalana sa kanilang

tribuPaglilibong sa mga yumao

Page 16: Panahon ng Kastila

Virgen nang Capayapaan (Padre Joaquin Tuazon)

Mabuting Paglalayag (Padre Joaquin Tuazon)

Novena nang Calinis-linisang Paglilihi cay Mariang Cabanalbanalan Ina nang Dios at Panginoong natin Pintacasi sa simbahan nang Cagalanggalang na Orden Tercera nang ating Amang si S. Francisco de Asis sa Bayan ng Sampaloc” (Francisco Borondio, Bicol)

Novena (Santo Domingo de Guzman)Peregrina (Joaquin de Coria)Novenang hain nang Bayan nang

Biñang cay San Isidro Labrador (Padre Modesto de Castro)

Page 17: Panahon ng Kastila

Panitikang PansimbahanC. MGA BUHAY-BUHAY NG MGA

SANTO’T SANTASumulat ang mga Kastila ng mga nauukol

sa buhay-buhay ng mga santo’t santa para gawing halimbawa ng mga tao. Nais nilang bigyang diin na sa dapat may walang hanggang pagpapakasakit sa diyos upang huwag malubid sa impyerno ang kanilang kaluluwa.

Pasyong MahalVida de Rita (Padre Francisco Bencuchillo)Buhay ng Santo nang Bouan ng Febrero

Sta. Margarita de Cortona (Joaquin Tuazon)

Page 18: Panahon ng Kastila

Panitikang PansimbahanD. AKDANG PANGMAGANDANG-ASAL

Kaalinsabay ng pagtuturo ng relihyon ang pagtuturo ng kagandanhang-asal, mabuting pakikipamuhay sa kapwa, paggalang sa sarili, sa magulang at sa nakatatanda, atb.

Urbana at Feliza (Padre Modesto de Castro)

Ito’y pagsusulatan ng magkapatid na Urbana at Feliza. Nagpunta sa Maynila si Urbana at siya ang nagpapayo sa kapatid na si Feliza at Honesto ng mga nararapat gawain sa iba’t ibang pagkakataon sa iba’t ibang pook.

Page 19: Panahon ng Kastila

Panahon ng Awit at KoridoAng awit ay binubuo ng 12 pantig sa loon

ng isang taludtod, apat na taludtod sa isang taludturan. Ang paksa’y tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay. Ang musika’y madalang o andate.

Ang Korido naman batay kay Del Costa ay romansa o awit o sayaw na isinasagawa sa saliw ng gitara katulad ng pandanggo. Ayon kay Trinidad Pardo de Tavera nama’y ang corrido ay binabalbal na salitang Mehikano na buhat sa pananampalataya, alamat at kababalaghan. Ang musika nito’y mabilis o allegro. Ang sukat sa loob ng taludtod ay walong pantig.

Page 20: Panahon ng Kastila

Panahon ng Awit at KoridoSa Pilipinas, ang Korido ay hinggil sa

mga lamat at di-kapani-paniwalang kasaysayan na ang buod at paksa’y nababatay sa mga naganap sa Europa.

1.Edad Medya sa Europe 2.España at Portugal (El Cid)3.Mga kuwentong bayan sa ibang lupain

(Cinderella, Golden Bird)4.Kalinangang Silanganin (1001 Nights)5.Bibliya

Page 21: Panahon ng Kastila

Panahon ng Awit at KoridoKaraniwang nagsasaling-bibig

lamang ang mga korido at hindi batid kung sino ang may akda.

Mga Kilalang Manunulat:1. Jose de la Cruz (Joseng Sisiw)2. Ananias Zorilla3. Francisco Balagtas

Page 22: Panahon ng Kastila

Panahon ng Awit at Korido

AWIT

Florante at LauraPitong Infates de LaraD. Alejadre at D. LuisDoce Pares ng PransyaHaring Patay

KORIDO

• Kabayong Tabla• Don Juan Tiñoso• Ang Ibong Adarna• Ang Dama Ines• Prinsipe Florinio• Rodrigo de Villas

Page 23: Panahon ng Kastila

Panahon ng Awit at KoridoNilalaman ng Awit at Korido:1. Imobokasyon2. Paghingi ng paumanhin3. May isang matanda na siyang sumusubok

ng katangian ng tauhan.4. May hinahanap na panlunas5. May kagagalaghan o mahika o milagro o

engkanto6. Di-karaniwang katangian ng pangunahing

tauhan7. May Paglalaban, pakikipagsapalaran at

pagsubok

Page 24: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanMga lugar na pinagdarausan ng dula:

1. Sa tahanan

2. Sa labasan

3. Sa tiyak na tanghalan

Page 25: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanA. ANG DUPLO

Ang duplo ay mimetikong larong ginagawa kapag lamay o pasiyam upang aliwin ang mga namatayan.

Ito’s isang tagisan ng talino sa pamamagitan ng pagtula at mga kaisipang taglay ng berso ay kadalasang buhat sa mga awit, korido, salawikain, at kasabihan.

Page 26: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanB.ANG KARAGATAN

Ang karagatan ay isang mimetikong laro ng mga Tagalog na ginaganap kapag may lamay upang aliwin ang mga namatayan.

Ito ay bata sa alamat ng isang prinsesang sa hangad na makaisang-dibdib ang binatang mahirap na kanyang iniibig.

Page 27: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanC. ANG PANGANGALULUWA

Ang pangangaluwa ay dulang panrelihiyon sa mga lugar ng Katagalugan na ginaganap sa mga bahay-bahay tuwing bisperas ng Araw ng mga Kaluluwa.

Ang mga batang babae at lalaki ay nagpupunta sa mga bahay-bahay bilang mga kaluluwang nagbuhat sa purgatoryo at humihingi ng indulhensya para sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa.

Page 28: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanD. ANG TIBAG

Ang tibag ay dulang pangrelihiyong itinatanghal tuwing Mayo sa Bulacan, Bataan, Rizal, Nueva Ecija at Bicol. Binubuo ito ng mga tulang panrelihiyon at ng Lao.

Ang bilang nga pantig sa bawat taludtod ay hindi pare-pareho dahil inaayon ang diyalogo sa kailangang sabihin ng tauhan. Itinatanghal ito ng ikatatlo ng hapon at ang mga tauhan ay sina Haring Constatino, Santa Elena, ay mga kawal.

Page 29: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanE. ANG SANTAKRUSAN

Ito ay dulang panlansangan at panrelihiyong naglalarawan ng paghahatid ng krus sa simbahan.

Ito ay isang maranyang parada ng mga sagala (mga tauhan ng bibliya) at mga konsorteng lumilibot sa mga kalye.

Reyna SentinsyadaReyna EstherInfanta JudithReyna de las FloresReyna Elena at ang kosertong si Constantino

Page 30: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanF. ANG MORO-MORO O KOMEDYA

Ito ay anyo ng dulang dala ng mga Kastila sa Pilipinas. Binubuo ito ng mga karakter na mga Kristiyano at Muslim.

Inilalarawan ang mga Moro o muslim bilang matatapang at magugulo samantalang ang mga Kristiyano ay mababait at tahimik.

Kadalasan, ang banghay ay umiinog sa lalaking Muslim na iibig at sasagutin ng babaing Kristiyano. Ang mga magulang ng babae ay tutol dito.

Page 31: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanG. ANG KARILYO

Ito ay dulaang binubon ng mga papet na nilikha buhat sa ginupit na mga kartong naglalarawang ng iba’t ibang karakter at pinagagalaw sa pamamagitan ng mga patpat na nakakabit sa papet at sa harap ay may puting tabing kung saan makikita ang mga anino ng papte bunga sa ilawan o lamparang nagbibigay ng liwanag sa likran ng puting tabing.

Page 32: Panahon ng Kastila
Page 33: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanH. ANG SENAKULO

Ito ay dulang pangrelihiyon na palasak sa Luzon at Kabisayaan tuwing Kwaresma o Mahal na Araw.

Idinaraos ito sa mga bakanteng lote at nakahiligang aliwang ng mga Pilipino sa gabi.

Ito ay ang pagsasadula ng buhay at pagpapasakit ni Jesus. Ang mga pangunahing tauhan ay sina Jesucristo, Birheng Maria, San Jose at Maria Magdalena.

Page 34: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanI. ANG PANANAPATAN

Ito ay isang tradisyon ng mga Katolikong Tagalog na ginagawa tuwing Mahal na Aran sa mga pabas.

Pagkarinig sa mapanglaw na awitin mula sa loob ng bahay o kapilya, ito ay sasagutin ng mga gumagalang mang-aawit hanggang ang lahat ay kasali na sa pag-awit nang sabay-sabay.

Page 35: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanJ. ANG PANUNULUYAN

Ito ay isang dulang panrelihiyon ng mga Tagalog na ginaganap tuwing bisperas ng Pasko.

Ipinapakita rito ang mag-asawang Birhen Maria at San Jose na naghahanap ng kanilang matutuluyan.

Page 36: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanK. ANG SALUBONG

Ito ay isang dula ng mga paroko ng Katoliko at Aglipay.

Ito’y ang pagsasadula ng pagsasalubong ng “nabuhay” na muling si Cristo at ng Birheng Maria sa umaga ng Linggo ng Pagkabuhay at isinasagawa sa saliw ng awtin at sayaw.

Page 37: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanL. ANG HUWEGO DE PRENDA

Ito’y mimetikong larong isinasagawa kapag may pasiyam o bilasyon.

Ang mga manlalaro ay nagkakabit-kabit nang pabilog at nasa gitna. Sinisimulan ang laro sa pagsindi ng kandila o posporo at ipapasa ito pakanan.

Magpapatuloy ang pasahan at ang manlalarong aabutan ng pagpatay ng kandila o posporp ay bibigkas ng ilang bersong nagsaad ng pangako sa hari.

Page 38: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanM.ANG BULAKLAKAN

Ito ay isang mimetikong larong ginagawa kapag pasiyam o bilasyon at palasak sa mga Katagalugan.

Ang mga lalaki ay binibigyan ng mga pangalang prutas at ang mga kababaihan naman ay bulaklak.

Nagsisimula ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng hari na siya ay ay alagang paruparong lumipad at dumapo sa isang prutas o bulaklak.

Page 39: Panahon ng Kastila

Ang Dula at DulaanN. ANG SARSWELA

Ito ay isang anyong dulang musikal na unang umunlad sa España noong ika-17 siglo.

Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinasaniban ng mga sayaw at tugtugin at may mga paksang mitolohikal at kabayanihan.