15
Sanaysay Group 4 Pen2x: Macalolot Almeda Espinoza Monsanto Paredes

Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Embed Size (px)

DESCRIPTION

PPT po ito tungkol sa sanaysay

Citation preview

Page 1: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Sanaysay

Group 4 Pen2x:MacalolotAlmeda

EspinozaMonsantoParedes

Page 2: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Tinuturing ang Sanaysay bilang isang uri ng

pantikan na hindi mauubusan nggamit. Iba-iba ang maaring maging porma nito. Maaring personal, na parangnakikipagusap, o kaya naman analitikal at siyentipiko. Gumagamit ito ngpagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa upang magpahayag ng katotohan o kayamga karaniwang karanasan ng tao. Maari itong maikli o mahaba, at walang hadlang sadami ng mga maaring isulat bilang isang sanaysay.

Sanaysay

Page 3: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

. Iba-iba rin ang maaring paraan ngpagsusulat ayon sapersonalidad ng may-akda.Nagmula ang salitang sanaysay sa makatang si Alejandro Abadilla, nanangangahulugang " pagsasanay sa pagsusulat ng isang sanay o nakasulat nakaranasan." Nahahati ito sa dalawang uri ayon kay Genoveva Edroza Matute: palagayan / impormal - malikhaung paghahayag ng saloobin

mula sa mgapersonal na karanasan o obserbasyon sa mga bagay sa paligid.

maanyo / pormal - diskusyon ng mga seryosong paksa batay sa pagsasaliksik atpag-aaral ng mga impormasyon.Maari ring igrupo ang sanaysay bilang satirikal, pulitikal, panlipunanpangkasaysayan, pilosopikal, ispiritwal, inspirasyonal, pampanitikan o patawa, ayon kay Abadilla. Ngunit madalas na naghahalo ang mga anyong ito.

Sanaysay

Page 4: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Nang nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas,

nagsikap ang mga mananakop,sa tulong ng mga pari na magsulat ng mga sanaysay ukol sa relihiyon at wika namaaring ituro sa mga katutubo. Ilan sa mga ito ay ang Declaracion de los mandamientos de la ley de dios,isang paliwanag ukol sa Sampung Utos at ang Arte y reglas de las lengua tagala na nagsaad ng mga batas sa pagsulat at pagsasalita ng wikang Tagalog.

Kasaysayan ng Sanaysay

Page 5: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Maitututing na unang sanaysay na sinulat ng isang

Pilipino ay ang Librong Pag- Aaralan nang manga Tagalog nang Unicang Castilani Tomas Pinpin. Dito ay sunod-sunod nang natuto ang mga tao ng mga prosa, tulad ng apuntes(memoirs) at informes(accounts). Kahit na pangpersonal lang ang mga ito kadalasan, mababasa din dito angilang mga isyu sa pulitika, relihiyon at ekonomiya.

Sa pagsisimula ng Samahang Repormista, nagsimula ang mga manunulat namagsulat ng mga sanaysay na naglalabas ng mga pang-aabuso ng mga mananakop, at humihiling sa mga Pilipino na kumilos laban dito.

Page 6: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Ilan sa mga nakilalang manunulatnoon ay si Fr.

Jose Burgos, Pedro Paterno at Marcelo H. del Pilar. Si Jose Rizal aynagsulat din ng mga sanaysay na naging batayan sa kanyang mga pampubikongpananalita. Sa panahon ding ito lumabas ang La Solidaridad na naglilimbag ng mgasanaysay at artikulo ng mga repormista.Nang nagsimula ang rebolusyon, naiba ang hangarin ng mga manunulat patungosa pagkakaisa ng mga Pilipino sa paglaban sa mga Kastila.

Page 7: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Nagsimulang isulat angmga salaysay gamit ang mga katutubong wika. Una sa mga ito si Andres Bonifacio, anglider ng Katipunan, tulad ng kanyang mga akdang Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog at Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan. Sila Emilio Jacinto at Apolinario Mabini ay nagsulat rin ng mga kahalintulad na akda, tulad ng Liwanag at Dilim at Kartilya ng Katipunan.Sa pagdating ng mga Amerikano, nauso ang paggamit ng wikang Ingles bilangwika sa pagsusulat ng mga sanaysay.

Page 8: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Madalas itong impormal at sentimental,

ngunitang iba'y nanatili sa pagsusulat tungkol sa kalayaan ng bansa. Nakilala sina CarlosRomulo, Fernando Marang, Maria Paz Mendoza Guanzon at Vicente Hilario. Nabuo din sa panahong ito ang Kapisanang Panitikan na nagnanais umalis sa mga lumangpamantayan ng pagsusulat ng panahon. Pagkatapos ng digmaan, marami sa mga naisulat na sanaysay ay ginagamit sapagsulat ng balita o artikulo sa dyaryo. Nakilala noong panahon na ito sila Francisco Icasiano, Nick Joaquin, Kerima Polotan, Gilda Fernando at Renato Constantino.

Page 9: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Angmga sanaysay noon ay mailalarawan sa

kanilang kritisismo sa Amerika at angnasyonalismo na laganap bago ang pagdating ng Martial Law. Sa panahon ngPangulong Marcos, nasikil ang mga sanaysay na ito at nauso ang mga satirikongpagsusulat o mga sanaysay na personal ang tema.Sa modernong panahon, naging iba-iba na ang tema ng mga sanaysay nalumabas. May mga nakilala sa mga sanaysay na pambalitaan, tulad ng kay BarbaraGonzalez, Ceres Doyo at Jo-Ann Maglipon.

Page 10: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Si Cristina Pantoja-Hidalgo naman aynakilala sa

mga sanaysay ukol sa kanyang mga paglalakbay, at sina Doreen Fernandez at Edilberto Alegre ay nagsulat tungkol sa pagkain. Sina Paz Latorena, N.V.M Gonzalezat Ildefonso Santos ay lumipat sa pagsulat sa wikang Filipino. Nauso din ang mgaakdang pang-talambuhay at mga sanaysay ukol sa mga kuntemporaryong isyu, tulad ng HIV-AIDS.

Page 11: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Pamagat (Title) - nagsasaad kung ano ang

nilalaman ng sanaysay, atnakakatulong ito sa mga mambabasa upang makuha ang kanilang atensyon.

Thesis -ito ang masasabing "punto" ng sanaysay; kung ano ba ang nais naipahayag ng manunulat. Sa mga sanaysay, hinihingi na dapat maikli ngunitmalaman ito. Maari itong maglaman ng argumento upang maging epektibo angsanaysay. Maari itong makita sa umpisa, gitna o dulo ng sanaysay.

Elemento ng Sanaysay

Page 12: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Organisasyon - Kung paano ba naka-ayos ang

mga laman ng sanaysay. Sapagsulat nito, dapat na may magandang pagkakaayos ang laman mula saumpisa hanggang sa dulo ng sanaysay, at dapat madaling maiintindihan ngmambabasa kung anong nais mong sabihin.

Pasimula (Introduksyon) - Unang talata ng sanaysay na nagpapakilala sa lamannito o mga impormasyong mahalaga upang maintindihan ang

thesis.

Elemento ng Sanaysay

Page 13: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Katawan (Body) - Mga sumusoportang

talata sa thesis.Naglalaman ito ng mgapunto na nagbibigay-diin sa mensahe ng sanaysay.

Kongklusyon (Conclusion) - Dito ibinubuod ang lahat ng laman ng sanaysay.Hindi katulad ng pasimula kung saan sinasaad ang punto ng sanaysay, dito naisisaad ng manunulat na tama ang kanyang mga sinasabi.

Elemento ng Sanaysay

Page 14: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

Mga Kilalang Manunulat ng

Sanaysay Fr. Jose Burgos Pedro Paterno Jose Rizal Marcelo H. Del Pilar  Graciano Lopez - Jaena   Antonio Luna Andres Bonifacio Emilio Jacinto Apolinario Mbaini Trinidad Pardo de Tavera Teodoro M. Kalaw Claro M. Recto

Fernando Maramag Maria Paz Mendoza Guanzon Teodoro A. Agoncillo Nick Joaquin Renato Constantino Carmen Guerrero-Nakpil Kerima Polotan Genoveva Edroza - Matute   Alejandro Abadilla Rogelio Sicat Virgilo S. Almario Lamberto E. Antonio

Page 15: Sanaysay sa panahon ng mga KASTILA

END