24
Questions and Answers SERIES No. 18 Oktubre 2010 ISSN 1655-2814 ORGANIC FERTILIZER Philippine Rice Research Institute ® FILIPINO VERSION

ORGANIC FERTILIZER - pinoyrice.com · para sa isang ektarya? p. 12 20. Posible bang maging sobra ang inilagay na organikong pataba? p. 13 21. Ano ang mangyayari kung nakapag-aplay

Embed Size (px)

Citation preview

Questions and AnswersSE

RIES

No.

18

Oktubre 2010

ISSN 1655-2814

ORGANIC FERTILIZER

Philippine Rice Research Institute

®

FILIPINO VERSION

July 2010

Inilathala Oktubre 2010 ng Philippine Rice Research InstituteMaligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija

Q&A Series

1 Hybrid Rice

2 Varieties and Seeds

3 Integrated Pest Management

4 Integrated Nutrient Management

5 Rice Biotechnology

6 Rice Postproduction Technology

7 Economics of Rice

8 Golden Rice

9 Organic Fertilizer

10 Location-specific Technology Development

11 Hybrid Rice (Filipino version)

12 Varieties and Seeds (Filipino version)

13 Integrated Pest Management (Filipino version)

14 Integrated Nutrient Management (Filipino version)

15 Rice Biotechnology (Filipino version)

16 Rice Postproduction Technology (Filipino version)

17 Economics of Rice (Filipino version)

18 Golden Rice (Filipino version)

19 Organic Fertilizer (Filipino version)

Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

NilalamanSa Organikong Pataba

1. Ano ang organikong pataba? p. 12. Ano ang likas at fortified na organikong pataba? Ano ang

kanilang pagkakaiba? p. 13. Paano nakakukuha ang halaman ng sustansiya mula sa

organikong pataba? p. 24. Anu-ano ang mga benepisyong makukuha sa paggamit ng

organikong pataba? p. 25. Lagi bang ligtas ang paggamit ng organikong pataba? p. 3

Sa komersyal na organikong pataba6. Ang komersyal na organikong pataba ba ay iba-iba ang

nilalaman? p. 37. Paano malalaman ang tiyak na sustansiya sa komersyal na

organikong pataba? p. 38. Paano malalaman na ang komersyal na organikong pataba ay

mayroong magandang kalidad? p. 4

Sa paggawa ng sariling organikong pataba 9. Anu-ano ang iba’t ibang organikong materyal na maaaring

gamitin sa paggawa ng organikong pataba? p. 410. Anu-ano ang mga paraan sa pagpapalit-anyo ng dayami

hanggang maging isang mapagkukunan ng organikong pataba? p. 5

Sa organikong pataba at ang epekto nito sa lupa 11. Ano ang mas mainam na gamitin: purong organiko, purong

inorganiko, o pareho? p. 712. Ang paglalagay ba ng organikong pataba ay nakaaapekto ng

kulay ng lupa? p. 813. Bakit maraming damong tumutubo kapag ginamitan ng

organikong pataba? p. 8 14. Bakit ang putik ay lumalalim pagkatapos gumamit ng

organikong pataba? p. 9

July 2010

Sa organikong pataba at sa kapaligiran ng palayan 15. Ang pag-aplay ba ng organikong pataba ay nakababawas sa

pananalasa ng peste at sakit? p. 916. Ang paggamit ba ng organikong pataba ay magreresulta sa

likas-kayang produksyong pang-agrikultura? p. 1017. Bakit mabaho ang organikong pataba? p. 1118. Kung mag-aaplay ba ng 100 bag ng organikong pataba sa

palayan, nangangahulugan bang organikong palay na ang aking ani? p. 11

Sa paggamit ng organikong pataba19. Gaano karaming bag ng organikong pataba ang kailangan

para sa isang ektarya? p. 1220. Posible bang maging sobra ang inilagay na organikong

pataba? p. 1321. Ano ang mangyayari kung nakapag-aplay sa palayan ng

sobrang organikong pataba? p. 1322. Babawasan ko ba ang dami ng inorganikong pataba kung

magdadagdag ako ng organikong pataba? p. 1323. Kailan ang tamang panahon ng paglalagay ng organikong

pataba? p. 1424. Gaano katagal ang dapat na paggamit ng organikong pataba? p. 1525. May mga pag-iingat bang kailangang gawin bago gumamit ng

organikong pataba? Anu-ano ang mga ito? p. 1526. Papaano natin masisiguro na walang patoheno sa organikong

pataba? p. 15

Sa ekonomiks ng paggamit ng organikong pataba27. Totoo bang nababawasan ang gastos sa input kung gagamit

ng organikong pataba? p. 17

Nilalaman

Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

1

Sa organikong pataba

1. Ano ang organikong pataba?

Ang organikong pataba ay gawa sa binulok na dumi ng hayop o halaman na ang itsura ay parang lupa, ngunit ligtas sa mga organismong nagdudulot ng sakit. Dagdag pa rito, ang organikong pataba, likas man o pinalakas (fortified), ay nagtataglay ng hindi bababa sa 20% organikong bagay o organic matter (OM) kung pinatuyo sa oven at ito ay may kakayahang magbigay ng mga sustansiya sa halaman. Tinatawag namang pampakondisyon ng lupa o sangkap ang iba pang mga bagay sa lupa na hindi nakaabot sa pamantayan bilang organikong pataba.

2. Anoanglikasatfortifiednaorganikongpataba?Anoangkanilang pagkakaiba?

Ang likas na organikong pataba ay halaman o dumi ng hayop (meron man o walang likas na pampabulok) na nabulok sa natural na paraan. Ang mga ito ay isinasalansan at kalaunan`y inihahalo sa lupa bilang karagdagang pataba. Ang mga ito ay nagtataglay ng 1-3% na pagkain ng halaman. Sa kabilang banda, ang pinalakas na organikong pataba naman ay ang likas na organikong pataba na hinaluan ng mga organismong mikrobyo, karagdagang kemikal, o inorganikong pataba para mapataas ang sustansiyang taglay o lalong pabilisin ang pagbulok ng mga ito. Ito ay may taglay na higit sa 7% kabuuang pagkain ng halaman.

Oktubre 2010

2

3. Paano nakakukuha ang halaman ng sustansiya mula sa organikong pataba?

Ang mga sustansiyang mula sa organikong pataba ay magpapalit-anyo muna, mula organiko patungong inorganiko, bago mapakinabangan ng halaman. Ang mga organikong bagay ay nagkakapira-piraso o naghihiwa-hiwalay muna sa mas maliliit na bahagi (physical breakdown) at pagkatapos ay daraan sa prosesong kemikal (chemical breakdown) upang maging mga mineral na siyang magagamit ng mga halaman.

4. Anu-anoangmgabenepisyongmakukuhasapaggamitngorganikong pataba?

Ang paggamit ng organikong pataba ay may mga benepisyong taglay katulad ng mga sumusunod:

o Sa mahahangin o sa matataas na lupa, partikular sa mga mabuhanging lupa, ito ay nagpapataas sa kakayahan ng lupa na manatiling mahalumigmig o basa na siyang nagiging dahilan para maging madali sa mga ugat na makakuha ng sustansiya. Subali’t, sa mga bahaing lupa, hindi ito nangyayari.

o Nagpapataas ng populasyon at pagkakaiba-iba ng mga organismong tumutulong sa mahusay na pagpapalit-anyo ng pataba sa lupa, mula anyong organiko hanggang maging anyong maaari nang magamit ng halaman.

Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

3

o Kung sa mga kamang punlaan ginamit, mas madali ang pagbunot sa mga punlang halaman.

o Pinananatili nito ang pagiging matatag na istraktura ng lupa.

5. Lagi bang ligtas ang paggamit ng organikong pataba?

Oo. Laging ligtas gamitin ang organikong pataba lalo na kung husto ang pagkabulok nito. Mas ligtas ang organikong pataba na sariling gawa kaysa sa mga komersyal na organikong pataba dahil sigurado ka sa pinanggalingan at nilalaman ng pataba gayundin kung paano ito naproseso. Sa ganitong paraan, mababawasan ang pag-aalinlangan sa mga komersyal na organikong pataba na gagamitin.

Sa komersyal na organikong pataba

6. Angkomersyalnaorganikongpatababaayiba-ibaangnilalaman?

Oo. Ang nilalaman ng komersyal na organikong pataba o commercial organic fertilizer (COF) ay depende sa mga materyales na ginamit ng gumagawa ng organikong pataba. Marami sa mga komersyal na organikong pataba ay purong organiko lamang habang ang iba ay may dagdag na sangkap, ang iba ay ginamitan ng pampabulok, samantalang ang iba pa ay likas namang pinabulok.

7. Paanomalalamanangtiyaknasustansiyasakomersyalna organikong pataba?

Ang dapat, ang sako na pinaglagyan ng pataba ay kakikitaan ng talaan ng mga sustansiyang taglay ng komersyal na organikong pataba. Nguni’t, karamihan, maliban sa mga may dagdag na urea o organismong

Oktubre 2010

4

pampabulok, ang mga komersyal na organikong pataba ay may NPK na mula 1% hanggang 3%.

8. Paanomalalamannaangkomersyalnaorganikongpatabaaymayroongmagandangkalidad?

Hindi tayo makasisiguro sa kalidad ng komersyal na

organikong pataba. Ang mapanghahawakan lang natin ay kung ano ang analisis ng NPK na nakasaad sa sako. Ang Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), ang ahensiyang pampatakaran ukol sa pataba, ay hindi rin nakatitiyak na ang kalidad ng organikong pataba na isinumite sa ahensiya, kahit may tatak na ang sako na FOR REGISTRATION, ay napananatili habang ginagawa ang produkto ng maramihan. Kalimitan, base sa aming pag-analisa, kung ano ang nakasaad sa sako ay hindi ang aktwal na nilalaman na NPK. Kaya, mas mabuti kung sariling-gawang organikong pataba na lamang ang gagawin gamit ang mga nabubulok na bagay sa bukid at sa kusina. Sa ganitong paraan, alam natin ang kalidad ng organikong pataba na ating gagamitin at makatitipid pa tayo sa gastos.

Sa paggawa ng sariling organikong pataba

9. Anu-anoangiba’tibangorganikongmateryalnamaaaring gamitin sa paggawa ng organikong pataba?

Dayami ang pinakamadalas gamiting patapong

bagay sa bukid sa paggawa ng organikong pataba. Subali’t marami pang mga ibang patapong bagay na maaaring gamitin. Makikita sa sumusunod na talataan ang ibang mga organikong materyal o bagay pati ang dami ng posporo (phosphorus) at potasyo (potassium) na kanilang maibibigay sa bawat 1,000 kilogramo.

Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

5

10. Anu-anoangmgaparaansapagpapalit-anyongdayamihanggang maging isang mapagkukunan ng organikong pataba?

Maraming paraan upang maging organikong pataba ang mga dayami. Ang mga sumusunod ay mga mungkahing pamamaraan:

Pamamaraan 1: Direktang paghalo sa lupa ng walang organismong pampabulok

Tadtarin at ikalat agad ang mga dayami sa bukid pagkatapos umani. Sa unang pag-aararo o 30 araw bago ang lipat-tanim, ihalo ang dayami sa lupa.

Organikong Materyal Phosphorus (kg)

Potassium (kg)

Sariwang azollaDayami at hindi na sariwang dumi ng bakaSariwang dahon ng ipil-ipilHindi na sariwang dumi ng manokHindi na sariwang dumi ng baboySariwang Sesbania rostata

2556

15101.5

15

1010154

Oktubre 2010

6

Pamamaraan 2: Direktang paghalo sa lupa na may organismong pampabulok

Tadtarin at ikalat agad ang dayami sa palayan pagkatapos umani. Sa unang pag-aararo o 30 araw bago ang lipat-tanim, ihalo ang dayami sa lupa. Sa ika-14 na araw bago ang lipat-tanim o sa unang pagsuyod, lagyan ng EM-based na organismong pampabulok (EMBI) ang lupang sinabugan ng dayami sa timpladang 1 litrong EMBI sa bawat 10 kg na dayami upang mas mapabilis ang pagbubulok.

Pamamaraan 3: Gamitin muna sa pagpapatubo/pagpaparami

ng kabute, bago ihalo sa lupa

Gamitin muna ang dayami bilang materyal sa pagpapatubo/pagpaparami ng kabute. Pagkatapos anihin ang mga kabute, diretsong ihalo ang bahagya nang nabubulok na mga dayami sa lupa.

Pamamaraan 4: Muling paggamit ng dayami para sa pagpaparami ng bulate (vermiculture), bago ang paghalo sa lupa

Ang mga dayaming ginamit sa pagpaparami ng kabute ay

gawing pagkain muna ng mga bulate. Kaya, sa halip na mga dayaming bahagyang nabulok, ang mga dumi/tae ng mga bulate ang gamitin bilang organikong pataba sa mga halamang palay.

Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

7

Pamamaraan 5:

Pasalansang Pagbubulok

Isalansan ng masinsin ang mga dayami. Ihalo ito sa mga dumi ng hayop. Diligan at haluin araw-araw upang mapalabas ang init na nasa ilalim. Pagkalipas ng isang buwan, ang dayami ay husto na ang pagkabulok at puwede nang gamitin.

Sa organikong pataba at ang epekto nito sa lupa

11. Ano ang mas mainam gamitin: purong organiko, purong inorganiko,opareho?

Base sa dalawang pag-aaral ng Philrice na sumiyasat sa epekto ng pataba sa katabaan at pagiging produktibo ng lupa, at sa paglaki at ani ng palay, ang paggamit ng kombinasyong organiko at inorganikong pataba pa rin ang pinakamainam.

Hanggang noong anihang 2006, napatunayan sa pag-aaral na hindi sapat ang paggamit ng organikong pataba lamang sa pagkamit ng mataas na ani ng palay. Una, napakababa ng taglay na NPK ng organikong pataba (1-3%). Dagdag pa rito, ang nitrohenong taglay ng organikong pataba ay naobserbahang bumaba sa ika-28 araw pagkatapos magtanim (DAT) na siyang yugtong kailangang-kailangan ng palay ang sustansiyang nitroheno. At ang huli, ang paunang mga sustansiyang galing sa organikong mga bagay na nasa lupa ay 50% lamang ng kabuuang pangangailangan ng palay.

Oktubre 2010

8

12. Angpaglalagaybangorganikongpatabaaynakaaapektosa kulay ng lupa?

Oo. Sa katagalan, ang paglalagay ng organikong pataba ay nagreresulta sa pagiging kulay itim o itim-kayumanggi ng lupa, na nagsasaad ng pagiging mataas sa organikong bagay ng lupa.

13. Bakitmaramingdamongtumutubokapagginamitanngorganikong pataba?

Karaniwan, ang buto ng damo ay hindi namamatay habang nabubulok ang organikong materyal, lalo na kung ang pinanggalingan ng organikong pataba ay pinaghalong bulok na halaman at dumi ng hayop. Dagdag pa rito, ang damo ay hindi namamatay kahit makain ng mga hayop na nanginginain ng damo dahil sa ang mga buto ng damo ay nasa tulog na yugto lamang. Kapag ang abono na maaaring nagtataglay ng mga butong na ito ay inihalo na sa lupa at naging maganda ang kondisyon sa lupa, tulad ng pagkakaroon ng tubig, hormon ng mga maykroorganismo, tamang init, at tamang liwanag ng araw, ang mga buto ng damo ay madaling tumubo.

Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

9

14. Bakit ang putik ay lumalalim pagkatapos gumamit ng organikong pataba?

Sa paglalagay ng organikong pataba, nagiging buhaghag at tumataas ang kakayahan ng lupa na maging mahalumigmig o basa dahil sa tumataas na mga organikong bagay. Bunga nito,kung sobra ang pagbubungkal ng lupa, ang putik ay tuluyang lalalim habang nababasag ang mga tigang na lupa.

Sa organikong pataba at sa kapaligiran ng palayan

15. Ang pag-aplay ba ng organikong pataba ay nakababawas sapananalasangpesteatsakit?

Wala pang mga datos sa ngayon kung nakapagpapababa sa pananalasa ng sakit at peste ang paggamit lamang ng organikong pataba. Subali’t may isang pag-aaral na isinagawa ng isang mag-aaral ng Central Luzon State University (CLSU) na nagsaad na ang populasyon ng lamok na nagdadala ng dengue ay mas mababa sa mga lugar na nilagyan ng organikong pataba kesa sa mga lugar na nilagyan ng inorganikong NPK na pataba.

Oktubre 2010

10

Para maging ligtas, sanaying gamitin ang pinagsama-samang pamamaraan sa pamamahala ng peste. Ito ay natural na pumipigil ng mga peste sa halamang ginamitan ng organikong pataba o maging ng inorganikong pataba.

16. Angpaggamitbangorganikongpatabaaymagreresultasalikas-kayangproduksyongpang-agrikultura?

Hindi gaano; pero may maitutulong ito. Ito ay sa kadahilanang ang organikong pataba ay isa lamang sa mga usaping isinasaalang-alang kung ang usapin ay tungkol sa likas-kayang produksyong pang-agrikultura. Ang likas-kayang agrikultura ay naka-pokus sa mga usapin sa kapakinabangan ng sakahan, pamamahala ng kapaligiran, at mauunlad na mga pamayanan. Ang ibig sabihin, habang sinusubukan nating isagawa ang lahat ng hakbangin upang mapataas ang produksyon ng mga lupang sakahan, dapat din nating hanapan ng paraan ang kasiguraduhan na ang mga susunod na salinlahi ay may mapagkukunan pa ng pangangailangan upang mabuhay at dumami. Makatutulong ang pagpapanibagong-gamit ng mga patapong mga bagay para maging organikong pataba. Ngunit dapat ding isaalang-alang ito kung magiging sapat ito para magresulta sa isang likas-kayang produksyong pang-agrikultura.

Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

11

17. Bakit mabaho ang organikong pataba?

Ang organikong pataba na may mainam na kalidad ay walang mabahong amoy. Kung ang organikong pataba o kompost ay amoy maasim, nabubulok, maanta, o may mabahong amoy, ang ibig sabihin nito ay hindi pa kumpleto ang pagkabulok kaya huwag munang gamitin ang organikong pataba. Muli itong bulukin hanggang mawala ang mabahong amoy.

18. Kung mag-aaplay ba ng 100 bag ng organikong pataba sa palayan, nangangahulugan bang organikong palay na ang aking ani?

Hindi. Ang palay ay hindi magiging ‘organikong palay’ nang ganoon lang. Batay sa Organic Product Standarization, ang produkto ay mapagtitibay na organiko kung walang inilagay o ginamit na kahit anong sintetiko o kemikal gaya ng pestisidyo at pataba. Ang palayang bibigyan ng katibayan na ito ay organiko ay dapat malayo sa ibang palayan na gumagamit ng hindi organikong pataba o pestisidyo. Ang panghuli, ang tubig na ginagamit sa palayan ay hindi dapat dumadaan sa katabing palayan na gumagamit ng inorganikong pataba o nag-iispray ng mga pestisidyo. Ibig sabihin, ang lugar na bibigyang-katibayan bilang organikong bukirin ay dapat nakahiwalay sa ibang bukirin at ang patubig

Oktubre 2010

12

ay nakahiwalay sa mga kanal ng irigasyon. Imposible para sa mga lupang bana o mabababang lupain na makaani ng tinatawag na organikong palay. Dagdag pa rito, hindi matatawag na organiko o inorganiko ang palay kung ang pataba ang kunsiderasyon. Bakit? Dahil bago masipsip o magamit ng palay ang mga sustansiya o mineral mula sa organikong pataba, ang mga organikong pataba ay dapat munang dumaan sa proseso ng pagpapalit-anyo, mula organiko hanggang maging inorganiko.

Sa paggamit ng organikong pataba

19. Gaano karaming bag ng organikong pataba ang kailangan parasaisangektarya?

Walang eksaktong dami ng organikong pataba ang rekomendadong gamitin para sa isang ektarya dahil ang dami ng organikong pataba na iaaplay ay nakadepende sa dami ng organikong bagay na nasa lupa. Upang malaman ito, dapat munang magkaroon ng pag-aanalisa ang lupa.

Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

13

20. Posiblebangmakapag-aplayngsobrangorganikongpataba?

Oo. Pero sa mga aerobic na ekosistema ng palayan o doon sa matataas na lugar, at mga lupang sahod-ulan na kung saan napakabilis maubos ang mga sustansiya sa lupa dahil sa mabilis na mineralisasyon, ang paglalagay ng organikong pataba ay walang limitasyon. Ang ibig sabihin nito, maaaring maglagay ng organikong pataba kahit gaano karami o kadalas at mananatiling walang negatibong epekto ito.

21. Ano ang mangyayari kung nakapag-aplay sa palayan ng sobrang organikong pataba?

Sa bahaing lupain o sa patuloy na binabahang kalagayan ng lupa, ang sobrang paglagay ng organikong pataba ay magpapataas sa Iron (Fe) at Manganes (Mn) na nasa lupa, at Phosphorus (P) na nagreresulta ng kakulangan sa Zinc na isa sa pinakamahalagang sustansiyang kailangan ng halamang palay. Ang sobrang paglalagay naman sa mga lupang laging binubungkal ng may tubig, nagre-resulta sa pagiging burak nito at mahirap nang pamahalaan.

22. Babawasankobaangdaminginorganikongpatabakungmagdadagdagakongorganikongpataba?

Para sa mas mataas at likas-kayang pag-ani, hustong dami ng rekomendadong NPK na pataba para sa palay ang dapat ilagay kasama ng kung anong mayroon na organikong pataba na nasa bukid. Dapat

Oktubre 2010

14

isaalang-alang na mababa lamang ang porsyento ng NPK sa mga organikong pataba. Ang pangunahing benepisyong makukuha sa paggamit ng organikong mga bagay ay para sa pagsustento ng pang-istrakturang katatatagan ng lupa at bilang pagkain ng populasyon ng mikrobyo at hindi bilang pangunahing mapagkukunan ng sustansiya ng palay. Datapwa’t ang dami ng rekomendadong inorganikong pataba sa luwag o lagkiting lupa ay maaaring bawasan ng hanggang 50% pagkatapos ng tatlong taon ng patuloy na paglalagay ng mga organikong pataba maliban sa nitrohenong pataba.

23. Kailan ang tamang panahon ng paglagay ng organikong pataba?

Ang hindi pa nabulok at hindi pa naprosesong mga organikong materyal, katulad ng dayami, ay kailangang ihalo sa palayan 3 hanggang 4 na linggo bago maglipat-tanim. Ang ganuong haba ng panahon ay sapat na upang mabulok ng husto ang dayami at mabigyan ng sapat na panahon na maalis ang mga mapanirang mga organikong asido. Sa kabilang banda, ang naprosesong organikong pataba ay maaaring ihalo sa lupa sa panahon ng huling pagsuyod ng lupa o isang linggo bago ang lipat-tanim o bago isabog ang mga pinatubong buto ng palay. Ang sumusunod na talaan ay nagpapakita ng isang mas detalyadongg iskedyul ng paglalagay ng iba`t ibang organikong pataba.

Organikong Pataba Kailan ilalagay*

Hindi pa bulok na dayamiMakatas na berdeng dumiKomersyal na organikong patabaDayami na may EM1**Bulok na dayami

28-30 araw bago maglipat-tanim1-2 araw bago maglipat-tanim7-10 araw bago maglipat-tanim21-30 araw bago maglipat-tanim7-10 araw bago maglipat-tanim

*Batay sa pag-aaral sa pattern ng pagsingaw ng nitroheno sa pagkakakulob (Javier et al, 1999)

** EM1 o Effective Microorganism 1.

Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

15

24. Gaanokatagalangdapatnapaggamitngorganikongpataba?

Maaaring gumamit ng organikong pataba hanggang ang palayan ay may mga patapong bagay pa rin na magagamit, dahil mas mainam na ibalik ang mga ito sa palayan bilang organikong pataba kaysa hindi mapakinabangan. Ang muling paggamit ng mga patapong bagay bilang mapagkukunan ng mga sustansiya ay magpapanatili sa likas na suplay ng sustansiya sa lupa na hindi kailangang gumastos ng malaki.

25. May mga pag-iingat bang kailangang gawin bago gumamit ng organikong pataba? Anu-ano ang mga ito?

Oo. Sa karaniwan, ang organikong pataba ay nakapagpapalala ng kondisyon ng bahaing lupa. Kaya, bago gumamit nito, siguraduhin muna na ang lupa ay may taglay na organikong pataba na mas mababa sa 3%. Kapag piniling gumamit ng organikong pataba, siguraduhin na wala itong mga buto ng damo na maaaring tumubo, organismong nagdudulot ng sakit, at mga parasitiko na maaaring manalasa sa palayan pagkatapos mailagay.

26. Papaanonatinmasisiguronawalangpatohenosa

organikong pataba?

Kung posibleng may sakit ang pananim na ang patapong bahagi ang gagamitin na organikong pataba, maaari muna itong sunugin o hayaang mababad sa tubig bago ihalo sa lupa upang maiwasan ang organismong patoheno bagamat ito ay magreresulta sa pagkawala ng mga sustansya ng mga organikong mga bagay. Para sa mga komersyal na organikong pataba, ang FPA ang siyang dapat magpapatotoo na walang makikitang patoheno dito. Subali’t ito ay magiging totoo lamang kung ang sampol na ipinasuri ay mula sa organikong pataba na ginawa ng maramihan.

Oktubre 2010

16

Sa ekonomiks ng paggamit ng organikong pataba

27. Totoo bang nababawasan ang gastos sa input kung gagamit ng organikong pataba?

Kung ang hangad mo ay makamit ang pinakamataas na ani ng iyong pananim, hindi. Dahil ang nakasaad sa tanong at sagot bilang 11,ang organikong pataba ay dapat na gamitin kasama ng rekomendadong NPK na pataba upang makamit ang pinakamataas na ani. Kaya nga, maaaring tumaas pa nga ang gastusin sa input maliban na lang kung ang gagamitin ay ang mga patapong bagay sa bukid na hinayaang kusang mabulok sa bukid (in situ composting) o kaya naman ay inihanda bilang organikong pataba. Kung organikong pataba lamang ang gagamitin o bibilhin, magiging mas magastos dahil mangangailangan ang halaman ng napakaraming sako ng organikong pataba upang matugunan ang kinakailangang sustansiya ng halaman.

Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

17

Subali’t kung sapat na sa magsasaka ang katamtamang ani (dahil kakaunti lamang ang kayang ibigay na sustansiya ng organikong pataba bilang pang-suporta sa paglaki at pag-ani ng palay), at siya ay desididong gumamit lamang ng organikong pataba, ang paggamit ng sariling-gawang organikong pataba ay mas mura kaysa bumili ng komersyal na inorganikong pataba. Nguni’t kung tutuusin, sa mababang gastos sa input nguni’t mababa lang ang ani, ang gastos para sa isang kilo ng palay ay maaaring pareho o mas mababa

Kaya, kung ang mga magsasaka ay gustong makamit ang pinakamataas na potensyal na ani ng kanilang pananim na palay nguni’t tipid sa gastos sa input sa pamamagitan ng pagbabawas sa gagamiting NPK na pataba, maaaring gumamit sila ng mga kagamitan sa pamamahala ng sustansiya gaya ng Minus-One Element Technique (MOET), Nutrient Omission Plot (NOPT), o Leaf Color Chart(LCC) at Soil Test Kit (STK).

Oktubre 2010

18

Sanggunian

Dobermann A and T Fairhurst. 2000. Rice: Nutrient Disorders & Nutrient Management. Potash & Phosphate Institute (PPI), Potash and Phosphate Institute of Canada (PPIC), and International Rice Research Institute (IRRI).

IRRI. 2003. Rice Fact sheets: Organic Materials and Manures. http://www.knowledgebank.irri.org/factsheets/Nutrient_Management/Nutrient_Management_Practices/fs_orgMatMaure.pdf.

Javier EF and RE Tabien. 2003. NITROGEN DYNAMICS IN SOILS AMENDED WITH DIFFERENT ORGANIC FERTLIZERS. The Phil J of Crop Science. vol 3:49-55.

Javier EF and JM Rivera. 2007. Efficacy Test of Popular Foliar Fertilizers. Philippine Rice R&D Highlights. pp86-87.

Javier, EF, Pascua SR, Birginias, MCB, Rivera, JM, Liboon, SP, Santin, CA and Grospe, FS. 2007. Organic -based Diversified Rice Cropping Systems ( Optimizing Rice Yield Under Pure Organic Farming in Rainfed Lowland Area. Philippine Rice R&D Highlights. pp186-188.

Mamaril, CP. 2004. Organic Fertilizer In Rice: Myths And Facts. All About Rice. A public education series of the Asia Rice Foundation. Vol. 1(1). http://www.asiarice.org/ sections/chapters/philippines/AllAboutRiceIssueNo1.pdf.

Mamaril, CP, Castillo, MB, Sebastian, LS. 2009. Facts and Myths about Organic Fertilizer. Philippine Rice Research Institute. Maligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija. pp.117.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:

Philippine Rice Research InstituteMaligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva EcijaTel: (044) 456-0285; -0258 local 212, 217, or 512Farmers’ Text Center: (+63) 920-911-1398

Hinihiling na magbigay ng kaukulang pagkilala kung ninanais na kopyahin ang anumang nilalaman ng babasahing ito.

Mga Espesyalista sa Paksain Evelyn F. Javier *** Corazon A. Santin *** Constancio A. Asis, Jr., PhD **

(* Filipino version ** English version *** English at Filipino version)

Tagapamahalang Patnugot Ev Parac

Tagapayong Pangpatnugutan Ronilo A. Beronio Andrei B. Lanuza

July 2010

For more information, write, visit or call:

PhilRice Central Experiment StationScience City of Muñoz

3119 Nueva EcijaTrunklines: (44) 456-0277, -0258,

-0649, -0426, -0433Telefax: (44) 456-0651 to 52 loc 218,

261, 309, 413, 512, 515, and 529Text Center: 0920-911-1398

E-mail: [email protected]: http://www.philrice.gov.ph

PhilRice AgusanBasilisa, RTRomualdez 8611 Agusan del Norte

Tel: (85) 818-4477; 343-0778Tel/Fax: 343-0768

E-mail: [email protected]

PhilRice Batac17 Tabug, Batac City

2906 Ilocos NorteTel/Fax: (77) 792-2545, -4702

E-mail: [email protected]

PhilRiceWe are a government corporate entity attached to the Department of Agriculture. We were

created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipi-nos.

We accomplish this mission through research and development work in our central and six branch stations, coordinating with a network that comprises 57 agencies and 70 seed centers strategically located nationwide.

To help farmers achieve holistic development, we will pursue the following goals in 2010-2020: attaining and sustaining rice self-sufficiency; reducing poverty and malnutrition; and achieving competitiveness through agricultural science and technology.

We have the following certifications: ISO 9001:2008 (Quality Management), ISO 14001:2004 (Environmental Management), and OHSAS 18001:2007 (Occupational Health and Safety Assessment Series).

PhilRice IsabelaSan Mateo, 3318 IsabelaTel/Fax: (78) 664-2280, -2954E-mail: [email protected]

PhilRice Los BañosUPLB Campus, College 4031 LagunaTel: (49) 536-3631 to 33Fax: 536-3515; -0484 E-mail: [email protected]

PhilRice MidsayapBual Norte, Midsayap9410 North CotabatoTel: (64) 229-8178 Tel/Fax: 229-7242E-mail: [email protected]

PhilRice NegrosCansilayan, Murcia6129 Negros OccidentalTel/Fax: (34) 446-0835E-mail: [email protected]

PhilRice Field OfficeCMU Campus, Musuan 8710 BukidnonTel: (088) 222-5744

Philippine Rice Research Institute

Department of Agriculture

®

®