25
Ang Mangangaral 1:1 1 Ang Mangangaral 1:13 Ang Mangangaral 1 Ito ang mga salita ng Mangangaral, ang anak ni David at hari sa Jerusalem. 2 Sabi ng Manganagaral. “Tulad ng isang singaw ng ambon, tulad ng isang simoy sa hangin, lahat ay maglalaho, mag-iiwan ng maraming katanungan. 3 Anong mapapala ng sangkatauhan mula sa lahat ng gawain na kanilang pinaghirapan sa ilalim ng araw? 4 Isang angkan ang lumilipas, at isa namang angkan ang dumarating, ngunit mananatili ang daigdig magpakailanman. 5 Sumisikat ang araw at lumulubog ito at nagmamadaling babalik sa lugar kung saan muli itong sisikat. 6 Umiihip ang hangin sa timog at magpapaikot- ikot hanggang sa hilaga, laging lilibot sa ganitong landas at magpapabalik-balik muli. 7 Umaagos patungo sa dagat ang lahat ng mga ilog, ngunit ang dagat ay di mapupuno. Kung saan patungo ang ilog, doon muli ito tutungo. 8 Ang lahat ay nakakapagod, at wala ni isa man maka- pagpapaliwanag nito. Ang mata ay walang kasiyahan sa nakikita nito, ni tainga man ay napupuno ng naririnig nito. 9 Anuman ang nangyari ay siya rin ang mangyayari, at anuman ang nagawa ay siyang magagawa. Walang bago sa ilalim ng araw. 10 Mayroon bang anumang bagay na maaaring masabi, 'Masdan mo, ito ay bago'? Anuman ang nangyayari ay nangyari na sa matagal na panahon, noong mga panahong nauna pa sa atin. 11 Tila wala ni isa man ang nakakaalala sa mga bagay na naganap sa sinaunang panahon. At ang mga bagay na nangyari sa nauna pang panahon at ang mangyayari sa hinaharap ay malamang na hindi rin maaalala.” 12 Ako ang Mangangaral, at ako ay naging hari ng buong Israel sa Jerusalem. 13 Inilaan ko

AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

  • Upload
    others

  • View
    5

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 1:1 1 Ang Mangangaral 1:13

Ang Mangangaral1 Ito ang mga salita ng Mangangaral, ang anak ni

David at hari sa Jerusalem. 2 Sabi ng Manganagaral.“Tulad ng isang singaw ng ambon, tulad ng isang simoysa hangin, lahat ay maglalaho, mag-iiwan ng maramingkatanungan. 3 Anong mapapala ng sangkatauhan mulasa lahat ng gawain na kanilang pinaghirapan sa ilalimng araw? 4 Isang angkan ang lumilipas, at isa namangangkan ang dumarating, ngunit mananatili ang daigdigmagpakailanman. 5 Sumisikat ang araw at lumulubog itoat nagmamadaling babalik sa lugar kung saan muli itongsisikat. 6 Umiihip ang hangin sa timog at magpapaikot-ikot hanggang sa hilaga, laging lilibot sa ganitong landasat magpapabalik-balik muli. 7Umaagos patungo sa dagatang lahat ng mga ilog, ngunit ang dagat ay di mapupuno.Kung saan patungo ang ilog, doon muli ito tutungo.8 Ang lahat ay nakakapagod, at wala ni isa man maka-pagpapaliwanag nito. Ang mata ay walang kasiyahan sanakikita nito, ni tainga man ay napupuno ng naririnignito. 9Anuman ang nangyari ay siya rin ang mangyayari,at anuman angnagawa ay siyangmagagawa. Walang bagosa ilalim ng araw. 10 Mayroon bang anumang bagay namaaaringmasabi, 'Masdanmo, ito ay bago'? Anuman angnangyayari ay nangyari na samatagal na panahon, noongmga panahong nauna pa sa atin. 11 Tila wala ni isa manang nakakaalala sa mga bagay na naganap sa sinaunangpanahon. At ang mga bagay na nangyari sa nauna pangpanahon at ang mangyayari sa hinaharap ay malamangna hindi rin maaalala.” 12 Ako ang Mangangaral, at akoay naging hari ng buong Israel sa Jerusalem. 13 Inilaan ko

Page 2: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 1:14 2 Ang Mangangaral 2:5ang aking pag-iisip sa pag-aaral at pagsisiyasat gamit angkarunungan sa lahat ng ginawa sa ilalim ng kalangitan.Ang pagsisiyasat na iyon ay isang mabigat na gawainna ibinigay ng Diyos sa mga anak ng tao upang pagka-abalahan. 14 Nakita ko ang lahat ng gawaing ginanap sailalim ng araw, at masdan, lahat ng mga ito ay magigingsingaw at isang pagtangkang habulin ang hangin. 15 Angbaluktot ay hindi na maitutuwid. Ang nawala ay hindina mabibilang. 16 Sinabi ko sa aking puso, “Masdan, angnakamit kong karunungan ay higit kaysa mga nauna saakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawakna karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko saaking puso na matutunan ang karunungan at magingkabaliwan at kahangalan din. Naintindihan ko rin naito ay isang pagtangkang habulin ang hangin. 18 Dahilsa kasaganaan ng karunungan ay maraming kabiguan, atsiya nanagdaragdagnang kaalaman aynagdaragdagnangkalungkutan.

21 Sinabi ko sa aking puso, “Pumarito ka ngayon,

susubukin kita sa kasayahan. Kaya magsawa ka sakalayawan.” Ngunit masdan, ito rin ay pansamantalalamang. 2Sabi ko tungkol sa halakhak, “ito ay kabaliwan,”at tungkol sa kasiyahan, “Anong silbi nito” 3 Sinaliksik kosa aking puso kung paano ko mapagbibigyan ang akingmga pagnanasa sa pag-inom ng alak. Hinayaan konggabayan ako ng karunungan kahit na pinanghahawakanko pa rin ang kahangalan. Nais kong malaman kungano ang makabubuti para sa tao na gawin sa ilalim ngkalangitan sa mga araw ng kanilangmga buhay. 4Nagawako ang mga dakilang bagay. Nagtayo ako ng mga bahaypara sa aking sarili at nagtanim ngmga ubasan. 5Nagtayo

Page 3: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 2:6 3 Ang Mangangaral 2:13ako ng mga hardin at mga liwasan para sa aking sarili;sa loob ng mga ito ay nagtanim ako nang lahat ng uring bungang kahoy. 6 Lumikha ako ng mga lawa ng tubigupang diligan ang isang kagubatan kung saan naglalak-ihan ang mga puno. 7 Bumili ako ng mga aliping lalakiat aliping babae; mayroon akong mga aliping isinilangsa aking palasyo. Mayroon din akong mga malalakingpag-aari na mga bakahan at mga kawan, higit na maramikaysa sa sinumang haring namuno sa Jerusalem bagoako. 8 Nakapag-ipon ako para sa aking sarili ng pilak atginto, angmga kayamanan ngmga hari at mga lalawigan.Mayroon akongmga lalaki at babaengmang-aawit para saaking sarili; sa pagmamagitan ngmaraming asawa at mgaiba pang babaeng kinakasama, ginawa ko ang mga bagayna maaaring magdulot nang kaligayahan sa sinumanglalaki sa ibabaw ng mundo. 9 Kaya ako ay naging higitna dakila at mas mayaman kaysa sa lahat ng nauna saakin sa Jerusalem, at ang aking karunungan ay nanatilisa akin. 10 Anuman ang hangarin ng aking mga mata,hindi akonagpipigil sa kanila. Hindi ko pinipigil ang akingpuso sa anumang kasiyahan, dahil ang puso ko ay natuwasa lahat ng pinaghihirapan ko, at ang kasiyahan ay angaking gantimpala sa lahat ng aking gawain. 11Pagkataposminasdan ko ang lahat ng mga gawain na tinapos gawinng aking mga kamay, at sa pinagsikapang gawin, ngunitmuli, ang lahat ng bagay ay parang singaw at isangpagtangkang habulin ang hangin. Wala itong pakinabangsa ilalim ng araw. 12 Pagkatapos bumaling ako parapagtuunan ang karunungan, gayundin ang kabaliwan atkahangalan. Para ano angmaaaring gawin ng susunod nahari, na hindi pa rin nagagawa? 13 Pagkatapos nagsim-ula kong maunawaan na ang karunungan ay mayroongkalamangan sa kamangmangan, gaya ng liwanag na mas

Page 4: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 2:14 4 Ang Mangangaral 2:23mabuti kaysa kadiliman. 14 Ang matalinong tao ay gi-nagamit ang kaniyang mga mata sa kaniyang ulo paramakita ang kaniyang patutunguhan, pero angmangmangay naglalakad sa kadiliman, kahit na alam kong iisangkapalaran ang nakalaan sa lahat. 15 Pagkatapos sinabiko sa aking puso, “Kung ano ang mangyayari sa mang-mang ay mangyayari rin sa akin. Kaya anong mayroongpagkakaiba kung ako ay napakatalino?” Napagpasyahanko na sa aking puso, “Ito man ay parang singaw lamang.”16Para samatalinong tao, tuladngmangmang, ayhindi namaaalala sa mahabang panahon. Sa mga darating na mgapanahon ang lahat ay matagal na kalilimutan. Ang taongmatatalino ay mamamatay katulad lang ng mangmang.17 Kaya kinamuhian ko ang buhay dahil lahat ng ginawasa ilalaim ng araw ay masama para sa akin. Ito ay dahilang lahat ay parang singaw at isang pagtangkang habulinang hangin. 18Kinamuhian ko ang lahat ng aking natupadna aking pinaghirapan sa ilalim ng araw dahil kailangangiwanan ko sila sa taong susunod sa akin. 19 At sino angnakakaalamkung siya aymagigingmatalinong tao o isangmangmang? Gayunman siya ay magiging panginoon salahat ng bagay sa ilalim ng araw kung saan naitayo angaking gawa at naitatag ang aking karunungan. Ito rin ayusok. 20 Dahil doon nag-umpisang malungkot ang akingpuso sa lahat ng paghihirap na aking ginawa sa ilalim ngaraw. 21 Sapagkat maaaring may isang taong gumagawanang may karunungan, may kaalaman, at kahusayan,ngunit iiwan niya ang lahat na mayroon siya sa isangtaong walang nagawa sa anuman dito. Ito rin ay usok atisang malaking kapahamakan. 22 Para sa anong pakina-bang ang makukuha ng tao na nagsisikap magtrabaho atsa kaniyang puso ay pinipilit tapusin ang kaniyang mgagawain sa ilalim ng araw? 23 Bawat araw, ang kaniyang

Page 5: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 2:24 5 Ang Mangangaral 3:8trabaho aymasakit at mahirap, kaya sa gabi ang kaniyangkaluluwa ayhindimakahanapnang kapahingahan. Ito rinay usok. 24Walangmabuti sa isang tao maliban lamang sakumain at uminom at masiyahan sa kung ano ang mabutisa kaniyang ginagawa. Nakita ko na ang katotohanangito ay nagmumula sa kamay ng Diyos. 25 Kaya sino angmakakakain o sino ang magkakamit ng kahit anong urinang kasiyahan na hiwalay sa Diyos? 26 Kaya sa isangtaong nagbibigay lugod sa kaniya, ibinibigay ng Diyosang karunungan, kaalaman at kagalakan. Gayun man, samakasalanan ibinibigay niya ang gawain ng pag-iipon atpagtatabi para maaari niyang ibigay ito sa isang taongnagbibigay kaluguran sa Diyos. Ito rin ay katumbas ngsingaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.

31 Sa lahat ng mga bagay ay mayroong isang itinakdang

panahon, at isang kapanahunan sa bawat layunin sailalim ng langit. 2 Panahon ng kapanganakan at panahonng kamatayan, panahon ng pagtatanim at panahon ngpagbubunot ng mga pananim, 3 panahon ng pagpatay atpanahon ng pagpapagaling, panahon ng paggiba at pana-hon ng pagtatayo, 4 panahon ng pag-iyak at panahon ngpagtawa, panahon ng pagtangis at panahon ng pagsayaw,5panahon ng paghahagis ngmga bato at panahon ng pag-iipon ng mga bato, panahon na pagyakap sa ibang tao,at panahong hindi pagyakap, 6 panahon sa paghahanapsa mga bagay at panahon ng paghinto sa paghahanap,panahon ng pag-iingat ng mga bagay at panahon ngpagtatapon ng mga bagay, 7 panahon ng pagpunit ngkasuotan at panahon ng pananahi ng kasuotan, panahonng pananahimik at panahon ng pagsasalita, 8panahon ngpag-ibig at panahon ng pagkamuhi, panahon ng digmaan

Page 6: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 3:9 6 Ang Mangangaral 3:20at panahon ng kapayapaan. 9 Anong pakinabang angmakukuha ngmanggagawa sa kaniyang gawain? 10Nakitako na ang gawain na ibinigay ng Diyos sa tao para tapusin.11 Ginawang angkop ng Diyos ang lahat ng bagay para sabawat panahon. Inilagay din niya ang kawalang hanggansa kanilang mga puso. Ngunit hindi nauunawaan ngsangkatauhan ang mga gawang ginawa ng Diyos, mulasa simula hanggang sa wakas. 12 Alam ko na walangmabuti sa isang tao maliban sa magsaya at gumawa nangkabutihan habang siya ay nabubuhay— 13 at ang bawatisa ay dapat kumain at uminom, at dapat maunawaankung paano matuwa sa kabutihang nagmumula sa lahatng kanyang ginawa. Ito ay isang kaloob mula sa Diyos.14Alam ko na anuman ang ginawa ng Diyos ay magtatagalmagpakailanman. Walang maaaring maidagdag pa omaalis, dahil ang Diyos ang siyang gumawa dito upanglumapit ang mga tao sa kaniya nang may karangalan.15 Anuman ang nangyayari ay nangyari na; anuman angmangyayari pa ay nangyari na. Hinahayaan ng Diyos nahanapin ng tao angmga nakatagong bagay. 16At nakita kosa ilalim ng araw na kasamaan ang nangyayari kung saandapat naroon ang katarungan, at sa lugar nang katuwiran,kasamaan ay madalas matagpuan. 17 Sinabi ko sa akingpuso, “Hahatulan ng Diyos ang matuwid at ang masamasa tamang panahon sa bawat bagay at sa bawat ginawa.18 Sinabi ko sa aking puso, “Sinusubok ng Diyos ang taopara ipakita sa kanila na sila ay tulad ng mga hayop.19Dahil parehong kapalaran ang nagaganap samga tao nanagaganap samgahayop. Katuladngmgahayop, angmgatao ay lahat namamatay. Lahat sila ay dapat ihinga angparehong hangin, upang sa gayong paraan ang mga taoay walang kalamangan sa mga hayop. Hindi ba ang lahatng bagay ay isang mabilis na paghinga lamang. 20 Lahat

Page 7: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 3:21 7 Ang Mangangaral 4:8ng bagay ay mapupunta sa iisang lugar. Lahat ng bagayay nagmula sa alabok, at lahat ng bagay ay nagbabalik saalabok. 21 Sinong nakakaalam kung ang kaluluwa ng mgatao ay mapupunta paitaas at ang kaluluwa ng mga hayopay mapupunta sa lupa? 22 Kaya muli kong naunawaan nawalang mainam sa kahit na sinong tao kundi magalak sakaniyang gawain, dahil ito ang kaniyang bahagi. Sino angmaaaring magpabalik sa kaniya upang maipakita kungano ang magaganap pagkatapos niya?

41 Minsan inisip ko ang tungkol sa lahat nang pag-

uusig na ginagawa sa ilalim ng araw. Pagmasdan angmga luha ng mga taong inusig. Wala silang taga-aliw.Ang kapangyarihan ay nasa kamay ng kanilang mang-uusig, ngunit walang taga-aliw ang mga taong inuusig.2 Kaya binabati ko ang mga patay na tao, silang mga na-matay na, hindi ang nabubuhay, sila na nanatiling buhaypa. 3 Subalit, mas mapalad kaysa sa kanilang dalawaang isang hindi pa nabubuhay, ang isang hindi nakakitang anumang masamang gawain na ginawa sa ilalim ngaraw. 4 Pagkatapos aking nakita na ang bawat paggawa atbawat mahusay na paggawa ay kinaiingitan ng kanilangkapwa. Ito rin ay parang singaw at isang pagtangkanghabulin ang hangin. 5 Ang mangmang ay naghahalup-kipkip ang kaniyang mga kamay at hindi gumagawa,kaya ang kaniyang pagkain ay kaniyang sariling laman.6 Ngunit mas mabuti ang isang dakot na pakinabang samatahimik na gawain kaysa dalawang dakot ng gawainna sinusubukang habulin ang hangin. 7 Pagkatapos mulikong naisip ang tungkol sa marami pang walang kabu-luhan, marami pang naglalahong usok sa ilalim ng araw.8Mayroong isang uri ng tao na nag-iisa. Wala siyang kahit

Page 8: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 4:9 8 Ang Mangangaral 5:1na sino, walang anak o kapatid. Walang katapusan anglahat ng kaniyang gawain, at ang kaniyang mga mata ayhindi nasisiyahan sa pagdami ng kayamanan. Nagtatakasiya, “Para kanino ang aking pagbubungkal at inaalis sasarili ko ang kasiyahan? Ito rin ay usok, isang masamangkalagayan. 9 Ang gawain ng dalawang tao ay mas mabutikaysa sa isa; sabay silang makikinabang sa isang mainamna kabayaran sa kanilang gawain. 10 Kapag nabuwalang isa, maaaring ibangon ng isa ang kaniyang kaibigan.Subalit, kalungkutan ang sumusunod sa nag-iisa kapagnabuwal siya kung walang magbabangon sa kaniya. 11 Atkung ang dalawa ay magkasamang mahihiga, maaarisilang mainitan, ngunit paanong maaaring mainitan angnag-iisa. 12Ang isang taong nag-iisa ay maaaring madaig,ngunit maaring mapagtagumpayan ng dalawa ang isangpagsalakay, at ang isang tatlong ikit na lubid ay hindi agadmalalagot. 13Mainam pa ang maging isang mahirap peromatalinong kabataan kaysa sa isang matanda at hangalna haring hindi na marunong makinig sa mga babala.14 Ito ay totoo kahit maging hari ang kabataang mulasa bilangguan, o kahit ipinanganak siyang mahirap sakaniyang kaharian. 15 Subalit, nakita ko ang lahat nangnabubuhay at naglilibot sa ilalim ng araw ipinapasailalimang kanilang mga sarili sa isa pang kabataang tumayobilang hari. 16Walang katapusan ang lahat ng taong naissundin ang bagong hari, pero kalaunan marami sa kanilaay hindi na pupuri sa kaniya. Sigurado ang kalagayangito ay parang singaw at isang pagtangkang habulin anghangin.

51 Ingatan ang inyong pag-uugali kapag kayo ay nasa

tahanan ng Diyos. Magtungo doon para makinig. Mas

Page 9: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 5:2 9 Ang Mangangaral 5:10mabuti ang pakikinig kaysa mga handog ng mga mang-mang habang hindi nalalaman na ang kanilang ginagawasa buhay ay masama. 2 Huwag agad-agad magsasalitaang inyong bibig, at huwag hayaan ang inyong puso ayagad-agad maghain ng anumang bagay sa harapan ngDiyos. Ang Diyos ay nasa langit, ngunit ikaw ay nasaibabaw ng mundo, kaya hayaang kakaunti ang iyong mgasalita. 3 Kapag ikaw ay napakaraming ginagawa at ini-intindi, ikaw ay maaaring magkaroon ng mga masamangpanaginip. At habang dumadami ang iyong sinasabi, la-long dumadami angmga kahangalangmaaaringmasasabimo pa. 4 Kapag ikaw ay mamamanata sa Diyos, huwagpatagalin ang pagtupad nito, dahil walang kasiyahan angDiyos sa mga mangmang. Gawin ang iyong panata. 5Masmainam pa na hindi magbigay ng isang panata kaysamagbigay ng isa na hindi mo naman matutupad. 6Huwaghayaan ang inyong mga bibig ay magdulot ng kasalanansa inyong katawan. Huwag ninyong sabihin sa tagapag-balita ng pari, “Ang panatang iyon ay isang pagkakamali.”Bakit ginagalit ang Diyos sa maling panata, hinahamonang Diyos upang wasakin ang gawa ng iyong mga kamay?7Kaya samaramingmga panaginip, katulad ngmaramingmga salita, ito aywalang kabuluhang parang singaw. Kayamatakot sa Diyos. 8 Kapag nakikita mong inaapi angmahihirap at pinagnanakawan ng katarungan at wastongpagtrato sa iyong lalawigan, huwagmagtaka na para bangwalang nakaka-alam, dahil mayroong mga taong nasakapangyarihannanangangalaga sa kanilangnasasakupanat mayroon pang mas mataas sa kanila. 9 Karagdaganpa, ang ani ng lupain ay para sa lahat, at nakikinabangang hari mismo sa ani mula sa mga bukirin. 10 Sinumangnagmamahal sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak, atsinuman ang nagmamahal sa yaman ay maghahangad

Page 10: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 5:11 10 Ang Mangangaral 5:20pa nang marami. Ito din ay parang singaw. 11 Habangnadaragdagan angkasaganaan, gayondinnamanangmgataong nangangailangan nito. Anong pakinabang sa may-ari ng yaman ang mayroon ito kundi pagmasdan ito ngkaniyang mga mata? 12 Ang tulog ng isang manggagawaay mahimbing, kahit kaunti ang kinain o napakarami,ngunit ang kayamanan ng taong mayaman ay hindi siyapinahihintulutangmatulog nangmahimbing. 13Mayroonisang malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalimng araw: mga kayamanang inimbak ng may-ari, nag-dudulot ng sarili niyang kapighatian. 14 Kapag nawalang mayaman na tao ang kaniyang kayamanan dahil sakamalasan, ang sarili niyang anak, na kaniyang inarugaay walang naiwang anuman sa kaniyang mga kamay.15 Gaya ng isang taong ipinanganak nang hubad mula sasinapupunan ng kaniyang ina, gayon din hubad niyangiiwan ang buhay na ito. Walang madadala ang kaniyangkamaymula sa kaniyang paggawa. 16 Isa pangmalubhangkasamaan ay kung paanong dumating ang isang tao,gayon din siya dapat umalis. Kaya anong pakinabangangmakukuha ng sinuman na gumagawa para sa hangin?17 Sa kaniyang kapanahunan, kumakain siya kasama angkadiliman at lubhang balisa sa kaniyang karamdamanat galit. 18 Pagmasdan mo, ang nakita kong mabutiat karapat-dapat ay kumain at uminom at magsaya sapakinabang mula sa lahat ng ating gawain, habang tayoay gumagawa sa ilalim ng araw sa lahat ng mga arawnitong buhay na ibinigay ng Diyos sa atin. Dahil ito angbahagi ng tao. 19 Ang sinumang pinagkalooban ng Diyosng kayamanan, kasaganaan at ang kakayahang tanggapinang kaniyang bahagi at magalak sa kaniyang gawain – itoay isang kaloob mula sa Diyos. 20 Sapagkat hindi niyamadalas inaalala ang mga araw ng kaniyang buhay, dahil

Page 11: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 6:1 11 Ang Mangangaral 6:9ginagawa ng Diyos na siya ay maging abala sa mga bagayna nasisiyahan niyang gawin.

61Mayroon akong nakitangmasama sa ilalim ng araw, at

ito aymalubha para sa mga tao. 2Maaaringmagbigay angDiyos ng kayamanan, kasaganaan at karangalan sa isangtao upang hindi siya magkulang sa mga hinahangad niyapara sa kaniyang sarili, ngunit pagkatapos, hindi ibibigayng Diyos ang kakayahan upang magsaya sa mga ito. Sahalip, iba pa angmakikinabang ng kaniyangmga kagami-tan. Ito ay parang singaw, isang masamang kalungkutan.3 Kung ang isang lalaki ay maging ama ng isang daanganak at mabuhay ng maraming taon, sa gayon ang mgaarawng kaniyangmga taon aymarami, ngunit kung hindinasiyahan ang kaniyangpuso sa kabutihan at siya ayhindiinilibing nang may karangalan, kaya aking sasabihin naang isang sanggol na patay ipinanganak aymasmabuti pakaysa sa kaniya. 4 Kahit pa ang isang sanggol ay isinilangnang walang kabuluhan at mamamatay sa kadiliman atang kaniyang pangalan ay mananatiling lihim. 5 Kahithindi na nakita ng batang ito ang araw o nalaman anganumang bagay, ito ay may kapahingahan bagaman angtaong iyon ay wala. 6 Kahit mabubuhay ang isang tao ngdalawang libong taon ngunit hindi matutunang matuwasa mabuting mga bagay, mapupunta siya sa parehonglugar kagaya ng iba pa. 7 Kahit na lahat ng gawainng isang tao ay para punuin ang kaniyang bibig, gayonman ang kaniyang gana sa pagkain ay hindi mapupunan.8 Kaya, anong pakinabang mayroon ang matalinong taona higit pa sa hangal? Anong pakinabang mayroon angisang mahirap na tao kahit pa malaman niya kung paanokumilos sa harapan ng iba? 9 Mabuti pang masiyahan

Page 12: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 6:10 12 Ang Mangangaral 7:8sa nakikita ng mga mata kaysa sa paghahangad ng isanglumalawak na pananabik sa pagkain, na para ring singawat isang pagtangkang habulin ang hangin. 10 Anumangbagay ang naririto ay nabigyan na ng kaniyang pangalan,at nalalaman na kung ano ang katulad ng sangkatauhan.Kaya walang saysay makipagtalo sa isang makapangyari-hang hukom ng lahat. 11 Kapag mas maraming sinasabi,lalong walang kabuluhan, kaya ano nga ba pakinabangniyan sa isang tao? 12 Dahil sino ang nakakaalam ngmabuti sa buhay ng tao sa kaniyang walang kabuluhan atbilang na mga araw na kaniyang dadaanan tulad ng isanganino? Sino angmakapagsasabi sa isang tao kung ano angsasapitin sa ilalim ng araw pagkatapos siyang mamatay?

71 Ang mabuting pangalan ay mas mahalaga sa mama-

haling pabango at ang araw ng kamatayan ay higit namabuti sa araw nang kapanganakan. 2 Mas mabutingmagtungo sa lamayan kaysa bahay ng kasayahan, dahildumarating sa lahat ng tao ang pagluluksa sa katapusanng buhay, kaya dapat ilagay ito sa puso ng mga taongnabubuhay pa. 3 Ang kalungkutan ay mas mabuti sakatuwaan, dahil pagkatapos ng kalungkutan ng mukhasasapit ang kagalakan ng puso. 4Ang puso ngmatalino aynasa bahay ng pagluluksa, ngunit ang puso ngmangmangay nasa bahay nang kasayahan. 5Mas mabuting makinigsa pagsuway ng matalino kaysa pakinggan ang awit ngmga mangmang. 6 Dahil tulad ng nasusunog na mgatinik sa ilalim ng isang palayok, gayon din ang halakhakng mga mangmang. Ito man ay usok. 7 Tunay na angpangingikil ay nagpapamangmang sa mga matatalinongtao, at ang suhol ay nagdudungis ng puso. 8Mas mabutiang katapusan ng isang bagay kaysa sa simula; at ang

Page 13: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 7:9 13 Ang Mangangaral 7:18taong may diwang mahinahon ay mas mabuti kaysaang palalong kaisipan. 9 Huwag madaling magalit saiyong diwa, dahil naninirahan ang galit sa puso ng mgamangmang. 10Huwag sabihin, “Bakit ang mga nakaraangmga araw ay mas mabuti kaysa sa mga ito? Ngunitito ay hindi dahil sa karunungan kaya tinanong n'yoito. 11Ang karunungan ay kasing-inam ng mahahalagangmga bagay na ating minana mula sa ating mga ninuno.Nagdudulot ito ng mga pakinabang sa mga nakakakitasa araw. 12 Sapagkat ang karunungan ay nagdudulotng pangangalaga gaya ng pagdudulot ng salapi nangpangangalaga, ngunit ang kalamangan ng kaalaman aynagbibigay ng buhay ang karunungan sa sinumang may-roon nito. 13 Pag-isipan ang mga ginawa ng Diyos: Sinoang maaaring magtuwid ng anumang bagay na ginawaniyang baluktot? 14 Kapag mabuti ang mga panahon,masayang mamuhay sa kabutihang iyon, ngunit kapagmasama ang mga panahon, pag-isipan ito: ipinahintulotng Diyos na magkatabing mamalagi ang dalawang ito.Sa kadahilanang ito, walang isa man ang makakaalamng anumang bagay na darating sa kaniya. 15 Nakita koang maraming bagay sa aking walang kahulugang mgapanahon. Mayroong mga matuwid na taong naglalahosa kabila ng kanilang pagkamakatuwiran, at mayroongmasasamang taong nabubuhay nang mahabang buhaykahit na sila ay masama. 16 Huwag maging mapag-matuwid sa sarili, matalino sa iyong sariling mga mata.Bakit dapat mong sirain ang iyong sarili? 17Huwag mag-ing napakasama omangmang. Bakit dapat kangmamatayng wala pa sa iyong oras? 18Makakabuti na iyong pang-hahawakan ang karunungang ito, at huwag nang ilalayoang iyong mga kamay sa katuwiran. Dahil ang taongmay takot sa Diyos ay makatutupad sa lahat ng kaniyang

Page 14: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 7:19 14 Ang Mangangaral 7:29mga tungkulin. 19 Ang karunungan ay makapangyarihansa matalinong tao, higit pa sa sampung pinuno ng isanglungsod. 20 Walang isang matuwid na tao sa ibabaw ngmundo na gumagawa nang kabutihan at kailanman hindinagkasala. 21Huwag mong pakinggan ang bawat salitangsinasabi, dahil maaaring mong marinig ang sumpa ngalipin mo sa iyo. 22 Sapagkat madalas ding nalalaman ngiyong sarili na sa iyong puso ay malimit mong sinusumpaang iba. Katulad nang pagkilala mo sa iyong sarili na saiyong sariling puso ay madalas mong sumpain ang iba.23Ang lahat ng ito ay napatunayan ko sa pamamagitan ngkarunungan. Sinabi ko, “Magiging matalino ako,” ngunitito ay higit sa ninais ko. 24Napakalayo at napakalalim ngkarunungan. Sino ang makakahanap nito? 25 Ibinaling koang aking puso sa pag-aaral at pagsusuri at pagsaliksiksa karunungan at ang mga paliwanag ng katotohanan,at maunawaan na ang kasamaan ay kahangalan at angkamangmangan ay kabaliwan. 26 Natuklasan ko na masmapait kaysa kamatayan ang sinumangbabaena angpusoay puno ng mga patibong at mga bitag at ang kaniyangmga kamay ay mga tanikala. Sinumang nakalulugod saDiyos ay makakatakas sa kaniya, ngunit ang makasalananay makukuha niya. 27 “Pag-isipan kung ano ang akingnatuklasan,” sabi ng Mangangaral. Idinadagdag ko angisang natuklasan sa iba pa para magkaroon ng isang pali-wanag ng katotohanan. 28 Ito pa rin ang aking hinahanap,ngunit hindi ko pa rin ito natatagpuan. May natagpuanakong isang matuwid na lalaki sa gitna ng isang libo,ngunit hindi ko natagpuan ang isang babae sa kanilanglahat. 29Natuklasan ko ang isang ito: na nilikha ng Diyosang sangkatauhan na matuwid, ngunit sila ay lumayongnaghahanap sa maraming kahirapan.

Page 15: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 8:1 15 Ang Mangangaral 8:118

1 Ano ang isang taong matalino? Ito ay isang taongnakakaalam ng kahulugan ng mga kaganapan sa buhay.Ang karunungan sa isang tao ay nagpapaningning ngkaniyang mukha, at ang katigasan sa kaniyang mukha aynagbabago. 2 Pinapayuhan ko kayong sundin ang utosng hari dahil sa pangako ng Diyos na ipagtatanggol siya.3Huwag magmadaling lumayo sa harapan niya at huwagkang mamalagi sa maling bagay, dahil magagawa ng hariang anumang ninanais niya. 4 Ang salita ng hari aymaghahari, kaya sino ang magsasabi sa kaniya, “Ano angiyong ginagawa?” 5 Sinumang sumusunod sa mga utos nghari ay lumalayo sa kapahamakan. Ang isang matalinongpuso ng tao ay nakikilala ang nararapat na landas at orasng pagkilos. 6 Sapagkat sa bawat bagay ay mayroongwastong pagtugon at oras sa pagtugon, dahil ang mgakaguluhan ng tao ay napakalaki. 7 Walang nakakaalamkung ano ang susunod. Sino angmakapagsasabi sa kaniyakung ano ang susunod? 8 Walang may kapangyarihangpigilan ang paghinga ng hangin ng buhay, at walangmay kapangyarihan sa araw ng kaniyang kamatayan.Walang tinitiwalag sa hanay ng hukbo habang nasa isangdigmaan, at ang kasamaan ay hindi magliligtas sa mgaalipin nito. 9 Naintindihan ko ang lahat ng ito; inilagayko sa aking puso ang bawat uri ng gawa na naganap sailalim ng araw. Mayroong isang panahon kung saan angisang tao ay may kakayahang gumawa ng masama sa iba.10 Kaya nakita kong lantarang inilibing ang masama. Silaay dinala mula sa lugar at inilibing saka pinuri ng mgatao sa lungsod kung saan nila ginagawa ang masasamangmga gawain. Ito rin ay walang pakinabang. 11 Kapag angisang hatol sa isang masamang krimen ay hindi agad ip-inatupad, hinihikayat nito ang puso ng taong gumawa ng

Page 16: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 8:12 16 Ang Mangangaral 9:1masama. 12 Kahit isang daang ulit gumagawa ng masamaang isangmakasalanan at nabubuhay pa rin sa mahabangpanahon, gayon man alam ko na magiging mabuti samga gumagalang sa Diyos, siyang pinararangalan angkaniyang presensiya sa kanila. 13 Ngunit hindi magigingmabuti sa isang taong masama; ang kaniyang buhay ayhindi pahahabain. Ang kaniyang mga araw ay katulad ngisang naglalahong anino dahil hindi niya pinararangalanang Diyos. 14 May isa pang walang silbing usok - isangbagay pa na naganap sa ibabaw ng mundo. Ang mgabagay na nangyayari sa taong matuwid ay nangyayaridin sa taong masama, at ang mga bagay na nangyayarisa taong masama ay nangyayari din sa taong matuwid.Sinasabi ko na ito rin ay walang silbing parang singaw.15 Kaya ipinayo ko ang kasayahan, dahil ang isang tao aywalang mas mabuting gawin sa ilalim ng arawmaliban sakumain at uminom at maging masaya. Itong kasiyahanang makakasama niya sa kaniyang gawain sa lahat ngmga araw ng kaniyang buhay na ibinigay ng Diyos sakaniya sa ilalim ng araw. 16 Nang ginamit ko ang akingpuso upang malaman ang karunungan at maunawaanang gawaing naganap sa ibabaw ng mundo, ang gawaingmadalas nagaganap nang walang tulog para sa mga matasa gabi o sa araw, 17 at namasdan ko lahat ng gawain ngDiyos at hindi maunawaan ng tao ang gawaing ginawa sailalim ng araw. Gaano man ang pagsisikap ng tao parahanapin ang mga kasagutan, hindi niya ito mahahanap.Kahit na sa paniwala ng isang matalino ay alam na niyaang lahat, sa totoo lang hindi niya alam.

91 Dahil inisip kong mabuti ang lahat ng mga ito para

maintindihan ang mga matuwid at matalino at ang kani-

Page 17: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 9:2 17 Ang Mangangaral 9:10lang mga gawa. Lahat sila ay nasa mga kamay ng Diyos.Dahil walang nakakaalam kung pag-ibig o pagkamuhi angdarating sa isang tao. 2Ang lahat ng tao ay may parehongkapalaran. Parehong kapalaran ang naghihintay sa mgamatuwid na tao at makasalanan, mabuting mga tao atmasama, ang malinis at marumi, at ang nag-aalay at anghindi nag-aalay. Tulad ng pagkamatay ng mabubutingtao, ganoon din ang makasalanan. Tulad ng pagkamatayng nanunumpa, ganoon din ang taong takot gumawa ngpanunumpa. 3 Mayroong masamang kapalaran para salahat ng ginawa sa ilalim ng araw, isang tadhana para salahat ng tao. Ang mga puso ng tao ay puno ng kasamaan,at kahibangan ay nasa kanilang mga puso habang silaay nabubuhay. Kaya pagkatapos noon, pumupunta silasa mga patay. 4 Dahil mayroon pang pag-asa para sanabubuhay, katulad ng buhay na aso na mas maigi pakaysa sa patay na leon. 5 Dahil alam ng mga nabubuhayna tao na mamamatay sila, ngunit walang alam ang mgapatay. Wala na silang gantimpala dahil ang kanilangalaala ay nakalimutan na. 6Ang kanilang pag-ibig, pagka-muhi, at inggit ay matagal nang naglaho. Hindi na silamagkakaroon ng lugar sa anumang bagay na ginawa sailalim ng araw. 7 Humayo ka, masaya mong kainin angtinapay mo, at inumin ang alak mo nang may masayangpuso, dahil pinapayagan ng Diyos ang pagdiriwang ngmgamabubuting gawa. 8 Lagi mong panatilihing puti angiyong mga damit at ang iyong ulo ay pinahiran ng langis.9Masaya kang mamuhay kasama ang iniibig mong asawasa lahat ng araw ng buhay mo nang walang pakinabang,ang mga araw na ibinigay sa iyo ng Diyos sa ilalim ngaraw sa mga araw nang walang pakinabang. Iyon anggantimpala ng buhay mo para sa ginawa mo sa ilalim ngaraw. 10 Anuman ang gawin ng mga kamay mo, gawin

Page 18: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 9:11 18 Ang Mangangaral 9:18mo ito gamit ang iyong lakas, dahil walang gawain opaliwanag o kaalaman o karunungan sa libingan, anglugar kung saan ka pupunta. 11 Nakakita ako ng ilangkawili-wiling bagay sa ilalim ng araw: Ang takbuhan ayhindi para sa mabibilis na tao. Ang labanan ay hindipara sa malalakas na tao. Ang tinapay ay hindi para samatatalinong tao. Ang kayamanan ay hindi para sa mgataong may pang-unawa. Ang pabor ay hindi para sa mgataong may kaalaman. Sa halip, ang oras at pagkakataonang nakakaapekto sa kanilang lahat. 12 Dahil walangnakakaalam ng oras ng kaniyang pagkamatay, tulad ngisda na nahuli sa lambat ng kamatayan, o katulad ngmga ibon na nahuli sa patibong. Katulad ng mga hayop,ang mga tao ay nakakulong sa masasamang panahonna biglang dumarating sa kanila. 13 Nakita ko rin angkarunungan sa ilalim ng araw sa paraan na kahanga-hanga para sa akin. 14Mayroong isang maliit na lungsodna may kaunting mamamayan, at may isang malakas naharing dumating laban dito, sinalakay ito at nagtayo ngmga malalaking rampang pangsalakay dito. 15Ngayon salungsod na iyon, mayroong isang mahirap na matalinonglalaki, na sa pamamagitan ng kaniyang karunungan aynailigtas niya ang lungsod. Ngunit kinalaunan, walangnakaalala sa mahirap na taong iyon. 16Kaya pinagpalagayko, “Ang karunungan ay mas mainam kaysa sa kalakasan,ngunit ang karunungan ng mahirap na tao ay hinamakat ang kaniyang mga salita ay hindi pinakinggan.” 17Angmga salita ng matatalino na sinabi nang pabulong ay masnaririnig kaysa sa mga sigaw ng sinumang pinuno sa mgamangmang. 18 Ang karunungan ay mas mabuti kaysa samga sandata sa digmaan, ngunit kayang sirain ng isangmakasalanan ang maraming kabutihan.

Page 19: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 10:1 19 Ang Mangangaral 10:1410

1 Katulad ng mga patay na langaw na nagpapabahong pabango, ganoon din ang munting kamangmangan aykayang mahigitan ang karunungan at karangalan. 2 Angpuso ng matalinong tao ay papunta sa kanan, ngunitang puso ng mangmang ay papunta sa kaliwa. 3 Kapagnaglalakad ang mangmang sa lansangan, kulang angkaniyang pag-iisip, pinatutunayan sa lahat na siya aymangmang. 4 Kapag ang mga damdamin ng pinuno aysumiklab laban sa iyo, huwag mong iwan ang gawain mo.Kayang patahimikin ng kahinahunan ang labis na galit.5May nakita akong kasamaan sa ilalim ng araw, isang uring pagkakamali na nanggagaling sa isang pinuno: 6 Angmga mangmang ay binibigyan ng posisyon sa pagkapin-uno, habang ang mga taong matagumpay ay binibigyanng mababang posisyon. 7 Nakakita ako ng mga alipin nanakasakay sa mga kabayo, at angmga taongmatagumpayay naglalakad na parang mga alipin sa lupa. 8 Sinumanang nagbubungkal ng hukay ay maaaring mahulog dito,at kapag mayroong sumisira sa pader, maaari siyangkagatin ng ahas. 9 Sinuman ang nagtatapyas ng bato aymasasaktan nito, at ang taong nagpuputol ng kahoy aynanganganib dito. 10Kung ang talim ng bakal aymapurol,at hindi ito hinahasa ng isang tao, kailangan niyanggumamit nang mas maraming lakas, ngunit nagbibigayng kalamangan ang karunungan para sa katagumpayan.11 Kung ang ahas ay nanuklaw bago pa ito mapaamo,walang kalamangan para sa nang-aamo. 12 Magiliw angmga salita ng bibig ng matalinong tao, ngunit nilululonang mangmang ng kaniyang sariling mga labi. 13 Sa pag-agos ng mga salita mula sa bibig ng mangmang, angkamangmangan ay lumalabas, at sa huli umaagos sa bibigniya ang masamang kahibangan. 14Pinaparami ng mang-

Page 20: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 10:15 20 Ang Mangangaral 11:5mang ang mga salita, ngunit walang nakakaalam kungano ang paparating. Sino ang nakaaalam kung ano angparating pagkatapos niya? 15 Pinapagod ng mga mabibi-gat na gawain ang mga mangmang, kaya hindi man langnila alam ang daan papuntang bayan. 16Mayroong gulosa inyong lupain kapag bata pa ang inyong hari, at angmga pinuno ninyo ay magdiriwang sa umaga! 17 Ngunitmasaya ang lupain kapag ang hari ay anak ngmgamahar-lika, at kumakain angmga pinuno ninyo kapag oras na ngkainan at ginagawa nila iyon para lumakas, hindi para sapaglalasing! 18Dahil sa katamaran nalalaglag ang bubong,at dahil sa mga tamad na kamay may tagas ang bahay.19Naghahanda ang mga tao ng pagkain para sa pagtawa,nagbibigay ng kasiyahan sa buhay ang alak, at pinupunong pera ang pangangailangan sa lahat ng bagay. 20Huwagmong sumpain ang hari, kahit sa iyong isipan, at huwagmong sumpain ang mayayaman sa iyong silid-tulugan.Sapagkat maaaring dalhin ng ibon sa himpapawid angmga salita mo; maaaring ikalat ng anumang may pakpakang bagay na iyon.

111Magtapon ka ng tinapay sa katubigan, at makikita mo

ulit ito pagkatapos ng ilang araw. 2 Ibahagi ito sa pito,maging sa walong tao, dahil hindi mo alam kung anongmga sakuna ang darating sa mundo. 3Kung puno ng ulanangmga ulap, ipinapatak ito sa lupa, at kungnatumba angpuno sa dakong timog o hilaga, saan man ito natumba,doon ito mananatili. 4 Sinuman ang pinanonood anghangin aymaaaring hindimakapagtanim, at sinuman angpinanonood ang ulap ay maaaring hindi makapag-ani.5 Kung paanong hindi mo alam kung saan manggagalingang hangin, maging kung paano lumalaki ang mga buto

Page 21: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 11:6 21 Ang Mangangaral 12:3ng sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina, gayon dinhindi mo rin mauunawaan ang gawa ng Diyos, na siyanglumikha ng lahat. 6 Sa umaga, itanim mo ang binhi;hanggang sa gabi, magtrabaho ka gamit ang iyong mgakamay ayon sa pangangailangan, dahil hindi mo alamkung alin ang sasagana, umaga man o gabi, o ito o iyan,o pareho man silang magiging mabuti. 7 Tunay nga namatamis ang liwanag, at kaaya-ayangmakita ngmgamataang araw. 8 Kung may taong mabubuhay ng maramingmga taon, hayaan mo siyang sumaya sa lahat ng iyon,ngunit hayaan mo siyang isipin ang paparating na mgaaraw ng kadiliman, dahil marami sila. Lahat ng daratingay naglalahong usok. 9 Magalak ka, batang lalaki, saiyong kabataan, at hayaang magalak ang iyong puso samga araw ng iyong kabataan. Ipagpatuloy ang mgamabubuting hangarin ng iyong puso at anumang nakikitang iyongmgamata. Gayunpaman, isipinmona hahatulanka ng Diyos para sa lahat ngmga bagay na ito. 10Palayasinmo ang galit mula sa iyong puso, at huwagmong pansininang anumang sakit ng iyong katawan, dahil ang kabataanat ang lakas nito ay usok.

121 Alalahanin mo rin ang iyong Manlilikha sa araw ng

iyong kabataan, bago dumating ang araw ng paghihirap,at bago dumating ang mga taon na sasabihin mong,“Hindi ako nasisiyahan sa kanila,” 2 bago dumilim angliwanag ng araw at buwan at mga bituin, at bumalikang mga maiitim na ulap pagkatapos ng ulan. 3 Iyonang panahon na manginginig ang mga tagapagbantay ngpalasyo, at yuyuko ang mga malalakas na tao, at ang mgababaengnagdidikdik ay titigil dahil kaunti sila, at angmgatumatanaw sa mga bintana ay hindi na makakakita nang

Page 22: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 12:4 22 Ang Mangangaral 12:14malinaw. 4 Iyon ang panahon na isasara ang mga pintosa lansangan, at titigil ang tunog ng pagdidikdik, kapagnasisindak angmga lalaki sa tinig ng ibon, at kapag lumili-pas na ang mga kanta ng mga babae. 5 Iyon ang panahonna matatakot ang mga lalaki sa mga matataas na lugarat sa mga kapahamakan sa lansangan, kapag sumaganaang puno ng pili, at kapag hinahatak ng mga tipaklongang mga sarili nila, at kapag naglaho ang mga likas napagnanasa. Pagkatapos, pupunta ang tao sa kaniyangwalang hanggang tahanan at angmga nagdadalamhati aytutungo sa mga lansangan. 6 Alalahanin mo ang iyongManlilikha bago maputol ang pilak na tali, o madurogang gintong mangkok, o mabasag sa batis ang lalagyanng tubig, o masira ang gulong ng tubig sa balon, 7 bagobumalik ang alabok sa lupa kung saan ito nanggaling,at bumalik sa Diyos ang espiritu na siyang nagbigaynito. 8 “Usok,” ang sabi ng Mangangaral, “ang lahat aynaglalahong usok.” 9 Ang Mangangaral ay matalino, attinuruan niya ang mga tao nang kaalaman. Inaral, inisipat iniayos niya ang maraming kawikaan. 10 Hinangad ngMangangaral na magsulat ng mga malinaw at tuwid namga salita nang katotohanan. 11 Ang mga salita ng mgamatatalinong tao ay parang mga panusok. Gaya ng mgapako na ibinaon nang malalim ang mga salita ng mgadalubhasa samaramingmga kawikaan na itinuro ng isangpastol. 12Aking anak, maging maingat ka sa mas higit namga bagay: ang paggawa ng maraming libro, na walangkatapusan. Angmatinding pag-aaral ay nagbibigay pagodsa katawan. 13 Sa huli, pagkatapos marinig ang lahat ngbagay, ay dapat kang matakot sa Diyos at ingatan angkaniyang mga utos, dahil ito ang buong tungkulin ngsangkatauhan. 14 Dahil hahatulan ng Diyos ang bawatgawain, kasama ang bawat nakatagong bagay, mabuti

Page 23: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

Ang Mangangaral 12:14 23 Ang Mangangaral 12:14man ito o masama.

Page 24: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

24

banal na BibliyaTagalog Unlocked Literal Bible

copyright © 2018 Door43 World Missions CommunityLanguage: TagalogTranslation by: Door43 World Missions CommunityContributor: Abantes, Glosamie R., Abluyan, Nieves, Aggasid, John Stephen, Aldana,Marvin J., Ancheta, Jonathan, Andaya, Reymond, Aril, Rene, Atienza, MelchizedekEleazar, Atmagol, Efraim P., Auxillo, Alfredo S., Balbieran, Ruth M., Bibay, RolandDave, Cadiente, Dandel, Ca s, Randy, Ca , Benedicto, Canonoy, Neil Ian P., Castelo,Kathleen, Castillo, Madeline, Chiong, Armie, Co, Corizin F., Covita, Mark, Delos Reyes,Rachel, Dingle, Buena Kathleen, Eloja, Nestor Raul P., Emboc, Tano, Eugenio, Alfred,Evangelista, Carmelita, Fajardo-Barcebal, Rosalle, Fianza, Arlyn, Flores, ChristopherV., Flores, Rommel, Fradejas, Daniel G., Frias, Ronald, Galvez, Garry C., Gatchalian,James A., Gomez, Roniza May L., Inway, Jennilyn, Langres, Arsenio, Langres, Vicki M.,Langres, Zimri, Lantion, Ralph, Lapira, Ronaldo Jr, C., Laya, Anita, Lazo, Jeffrey, Lopez,Josephine, Lorona, Marvina U., Mampo, Genelyn U., Mijares, Racquel, Monteverde,Julian Angelo, Morales, Gilbert, Oday, Gabriel, Ong, Reynante, Ordo Arsenio Jr., Osabel,Hesa Joyce, Pabellion-Lasinga, Beryl Joi, Palagimlan, Ray Mart E., Paller, Beth, Paller,Romy, Palomar, Carmina, Panes, Jona Mae K., Pawid, Jake, Pido, Miriam, Pin-ag, RoseAnn, Revilla Adelaido D. Jr, Reyes, Dominic, Riate, Erick Jan, Rivera, Diana, Salda Helen,Saptang, Bethlehem P., Sibayan, Mizpha, Talimodao, Sheldon Jay T., Tuang, MandelJohn C., Umpatang, Jimmy, Vergara, Johanne G., Villorente, Dea Rose, Achacoso, HamirIbrahim, Adriano, Wilfredo R., AKI, Aril, Lala, Atienza, Melchizedek Eleazar, Auxillo,Alfredo S., Bagamaspao, Elison C., Balbieran, Romilyn, Balbieran, Ruth, Baldemor,Emily Mary Jane, Baldemor, Nathaniel, Bantique, Flor, Basto, Pacifico Jr., Bayang,Rochelle , Bernales, Vicente P., BJMP, Bubod, Fortunato M., Buzeta, Drake Nikko,Cabigting, Romeo, Cabrera, Teresita, Camandero, Vivian, Castillo, Madeline, Cuarto,Victor Immanuel, Depending2Christ1990, Eloja, Nestor Raul P., Emboc, Tano, Enojas,David James, Evangelista, Carmelita, Fianza, Arlyn, Gab, Galvez, Garry, Ganiban, Rafael,Gatchalian, James A., Glosa, Gumangan, Julius, Gutierrez, Robin Rhoy, Inway, Jennilyn,Jimenez, Alvin, Julito Opider, Lanira, Rolando U. Jr, Laya, Anita, Lopez, Josephine,Madawat, Glory, Mam, Geneohoy, Manaois, Charlie Jay, Mharus, Mijares, Racquel,Palagimlan, Rey Mart E., Palileo, Reynaldo Jr., Paller, Romy, Panes, Jona Mae K.,Pangadlin, Jun, Paraiso, Lorelie Rachel, Pavin, Pawid, Jake, Peralta, Rodolfo, Perez, IanHudson, Phraim 91, Pin-ag, Rose Ann, Pobadora, Josephine M., Pura, Saniel, Ralph,Lantion, Rene Aril, Revilla, Adelaido Jr, Rull, Fernando, Rupa, Jonathan, Saptang,Bethlehem P., Selle, Serqui Bernard, Singgangan, Josie, Talimodao, Sheldon Jay T.,Veloso, Alfonil, Veloso, Helen, Venus, Jorito, Vergara, Johanne G., Villorente, Dea Rose,

Page 25: AngMangangaralakin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman. 17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan

25Yosores, Momer B.This translation is made available to you under the terms of the Creative CommonsAttribution Share-Alike license 4.0.You have permission to share and redistribute this Bible translation in any format andto make reasonable revisions and adaptations of this translation, provided that:

You include the above copyright and source information.If you make any changes to the text, you must indicate that you did so in a way

that makes it clear that the original licensor is not necessarily endorsing yourchanges.

If you redistribute this text, youmust distribute your contributions under the samelicense as the original.

Pictures includedwith Scriptures and other documents on this site are licensed just forusewith those Scriptures and documents. For other uses, please contact the respectivecopyright owners.Note that in addition to the rules above, revising and adapting God's Word involves agreat responsibility to be true to God's Word. See Revelation 22:18-19.2020-06-10PDF generated using Haiola and XeLaTeX on 20 Jul 2021 from source files dated 10 Feb2021d15a3f7e-4ceb-5222-86f9-9960bef1c32b