*& 0/-/( * . dekada 1970 at pagbabantang ibasura ang Military Bases Agree-ment. Ito'y kasunduan noong

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Text of *& 0/-/( * . dekada 1970 at pagbabantang ibasura ang Military Bases Agree-ment. Ito'y kasunduan...

  • ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

    Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

    Tomo LI Blg. 3

    Pebrero 7, 2020

    www.cpp.ph

    EDITORYAL

    Hungkag ang asta ni Duterte laban sa VFA

    Kamakailan ay inulit na naman ni Pres. Rodrigo Duterte ang kan-yang pagmamaktol sa gubyerno ng US. Nitong huli, inanunsyoniya na itutulak niya ang pagbabasura sa Visiting Forces Agreement (VFA). Gagawin daw niya ito sa loob ng isang buwan, kung hindi aayusin ng US ang visa o papeles ng masugid niyang tagapalak- pak, ngayo'y senador, na si Ronald "Bato" dela Rosa.

    Hindi raw siya nagbibiro, ani Duterte. Pero, kung titingnan ang mga pangyayari sa likod nito, pati na ang dati na niyang mga patut- sada sa US, makikitang hindi ser- yoso si Duterte. Hungkag ang pag- aasta niyang ibasura ang VFA. Pu- mopostura siya hindi para sa ha- ngaring itaguyod ang pambansang kalayaan ng Pilipinas, kundi para sa makasariling interes sa puliti- ka.

    Ang pagpoposturang ito ni Du- terte ay hindi malayo sa pag-aas- tang makabayan ni Marcos noong dekada 1970 at pagbabantang ibasura ang Military Bases Agree-

    ment. Ito'y kasunduan noong 1946 na nagbigay sa US ng pribi- lehiyo na magbase militar sa ma- higit 50,000 ektarya sa Clark, Su- bic at marami pang lugar. Pero ang asta noon ni Marcos ay nauwi lamang sa tawaran para sa mas malaking bayad-upa ng US at paghingi ng mas malaking ayudang militar bilang pagsuporta sa kan- yang batas militar.

    Sa estilong-Marcos, ginagamit ni Duterte ang usapin ng pamban- sang kasarinlan na pandekorasyon para tabingan ang kanyang pan- sariling interes. Una, karugtong

    "Hungkag...," sundan sa pahina 2

    5 sundalo patay

    sa armadong

    aksyon ng BHB

    LIMANG SUNDALO ANG nasawi sa aksyong militar na inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)- Mindoro noong Enero 26. Binigwa- san ng BHB ang pwersa ng 4th IB sa Sityo Kianay, Barangay Naibu- an, San Jose, Occidental Mindoro.

    Ayon kay Ka Madaay Gasic, tagapagsalita ng BHB-Mindoro, ang armadong aksyon ay tugon sa tumitinding nakapokus na opera- syong militar sa Timog Mindoro. Nagsimula ang pananalasa ng mi- litar noong Enero 11 sa Bulalacao, Oriental Mindoro at sa mga bayan ng Magsaysay at San Jose sa Occidental Mindoro.

    Sagot din ang opensiba sa Retooled Community Support Program Operations na ginaga- mit ng AFP para linlangin at ta- kutin ang mga mamamayan ng Mindoro.

  • Pebrero 7 , 2020 ANG BAYAN2

    Nilalaman

    Editoryal: Hungkag ang asta ni Duterte

    laban sa VFA 1

    Armadong aksyon ng BHB-Mindoro 1

    Dakilain at tularan ang FQS 3

    Pandarambong sa FSMR 3

    Atake sa mga drayber ng Angkas, habal 5

    Trapik sa Pilipinas 5

    Laban, manggagawa 6

    Largadong FMO sa Southern Tagalog 8

    Hustisya para kay Randy Malayao 8

    19 na magsasaka, iligal na inaresto 9

    Sangtwaryo, sinalakay ng mga paramilitar 9

    Ika-33 taon ng Mendiola Massacre 11

    Proyektong Aerotropolis, pasakit 10

    Pondong paniktik ng DICT, kinundena 10

    Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

    ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

    ng pag-aasta niyang "lilipat na sa panig ng China at Russia," gina- gamit niya ang astang kontra-VFA para itulak ang US na magbigay ng mas marami at bagong mga ar- mas, helikopter, bomba, at iba pang kagamitan para sa brutal na gera ng panunupil ng AFP laban sa masang Pilipino at sa huwad na "gera kontra-droga." Sa bagay na ito, pwede niyang makuha ang su- porta ng mga maka-US na upisyal ng AFP. Ikalawa, ginagamit niya itong baraha upang palakihin ang kanyang halaga at salagin ang pang-iipit sa kanya ng ilang grupo sa US na kumokontra sa kanya ka- tuwang ang mga kalaban niya sa pulitika.

    Kung mayroong kahit gahiblang pagkamakabayan si Duterte, sa- na'y matagal na niyang ibinasura ang VFA at pinalayas ang mga sun- dalong Amerikano at mga pasilidad militar nila sa Pilipinas. Nagbubu- lag-bulagan si Duterte sa ginagawa ng mga Amerikano sa Fort Magsay-

    say, Clark, Subic, Villamor Air Ba- se, Mactan Air Base, Lumbia Air- port, Camp Ranao, Camp Bautista, Carlito Cunanan Naval Station, Camp Navarro at iba pang lugar. Ang mga kampong ito'y sentro ng kanilang panghihimasok. Dito sila nag-eespiya, nagpapalipad ng mga drone, nagsasanay ng mga sunda- long Pilipino para sa kanilang pa- kikialam sa mga panloob na usapin ng Pilipinas sa tabing ng "kontra-terorismo."

    Para sa sambayanang Pilipi- nong naghahangad ng tunay na kalayaan mula sa neokolonyal na paghahari-harian ng US, mauuwi lamang sa wala ang asta ngayon ni Duterte kontra sa VFA. Paglipas ng panahon, mababaon lang ito sa li- mot tulad ng deklarasyon niya noon na ititigil na ang Balikatan "war exercises" at tatapusin ang EDCA.

    Syempre, ang aktwal na kalala- basan ng astang kontra-VFA ni Du- terte ay depende kung papaano niya lalaruin ang barahang ito. Maaari

    itong humantong sa simpleng "pag- rebyu," bagong negosasyon o ba- gong kasunduan, o pagbibigay ng US ng simpleng pabuya kay Duterte (tulad ng hinihingi niyang visa para kay Bato). Pero may risgo rin itong umigkas sa kanya lalo na kung hindi kaagad kumagat ang US, mapasob- ra ang kanyang pag-aasta na mag- papalakas sa loob ng ilang upisyal ng AFP, kasabwat ng mga pwersang panseguridad ng US at lokal na oposisyon, na sipain siya sa poder. Anu't anuman, sa pinakasaligan, hindi binabago o mababago ng pag- aasta ni Duterte ang dominasyon ng US sa pulitika sa bansa.

    Matagal nang isinisigaw ng sambayanang Pilipino ang pagba- basura sa VFA, at iba pang di pan- tay na tratadong militar sa pagitan ng US at Pilipinas. Kabilang dito ang Mutual Defense Treaty ng 1951 at ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng 2014.

    Lahat ng kasunduang ito ay nagbibigay ng kapangyarihan at karapatan sa militar ng US sa Pili- pinas at pawang yumuyurak sa ka- sarinlan ng Pilipinas. Ang mga ka- sunduang ito'y malaking sampal sa pambansang integridad ng mga Pi- lipino.

    Sa ilalim ng VFA, sa partikular, buong laya ang paglabas-masok ng mga sundalong Amerikano sa ban- sa. Hindi man lamang pwedeng inspeksyunin ang kanilang sasakyan kung nagdadala ng mga sandatang nukleyar para ipatupad ang probi- syon ng konstitusyon ng Pilipinas. Ang mga sundalong Amerikano na nakagawa ng krimen ay agad na bi- nibigyang-proteksyon ng gubyer- nong US at, kung di dahil sa ingay at protesta, ay pinalulusot sa kani- lang pananagutan.

    Ang mga kasunduang ito, pati na ang paghahari ng mga dayu- hang kapitalista at bangko sa eko- nomya ng bansa, ang pinakama- tingkad na palatandaan ng neoko- lonyal na pang-aapi sa bansang

    Tomo LI Blg. 3 | Pebrero 7, 2020

    ANG

    instagram.com/progressiveviews

    @prwc_info

    cppinformationbureau@gmail.com

    Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

    wikang Pi l ipino, Bisaya, I loco,

    Hi l igaynon, Waray at Ingles.

    Tumatanggap ang Ang Bayan ng

    mga kontribusyon sa anyo ng mga

    artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

    mga mambabasa na magpaabot ng

    mga puna at rekomendasyon sa

    ikauunlad ng ating pahayagan.

    "Hungkag...," mula sa pahina 1

    "Hungkag...," sundan sa pahina 3

  • ANG BAYAN Pebrero 7 , 2020 3

    panya sa agribines ng mapagsa- mantalang mga iskema gaya ng sis- temang leasehold at growership para mapalawak ang kani-kanilang plan- tasyon. Sa ilalim ng sistemang lea- sehold, inuupahan ng kumpanya ang mga lupang pribado o publiko para gawing plantasyon, madalas sa na- pakababang presyo. Ang growership naman ay sistema kung saan nag- papatanim ang kumpanya sa mga pribadong indibidwal. Sagot ng ka- pitalista ang lahat ng gastos pero obligadong ibenta sa kumpanya ang produkto sa presyong dikta nito.

    Sa kaso ng Dole Philippines Inc. (Dolefil), lokal na subsidyaryo ng multinasyunal na Dole Food Company na nakabase sa US, tinatayang lu- mawak tungong 70,000 ektarya ang saklaw ng operasyon nito dahil sa pagpapatupad ng nasabing mga is- kema. Ito ay kahit mayroon lamang minamantine na 9,364-ektaryang baseng plantasyon ang kumpanya.

    Mula 2014, walang puknat ang mga operasyong kombat ng Task Force Central ng 6th ID sa Sultan

    Dakilain at tularan ang diwa ng FQS—JMS

    Sa ika-50 taong anibersaryo ng First Quarter Storm (FQS), ginunita ngiba't ibang organisasyon ang kabuluhan nito sa kasaysayan ng rebolu- syonaryong kilusan. Simula Enero 26, inilunsad ang serye ng mga aktibidad sa pangunguna ng FQS Movement. Ayon kay Prop. Jose Maria Sison, dakila at napapanahong tungkuling gunitain ang FQS ng 1970 at tularan ang mga ak- tibista na lumahok sa daluyong na ito sa pamamagitan ng mga mobilisasyon, talakayan at iba pang pagtitipon.

    Iba't ibang mukha ng pandarambong sa FSMR

    Inianak ng FQS ang maraming kabataang aktibista at grupo ng mga kabataan. Naging susi ito sa pagmu- mulat, pag-oorganisa at pagpapaki- los ng mga kabataan. Pinasigabo nila ang pagsusulong ng pambansa-de- mokratikong kilusan at nanguna sa gawaing masa sa hanay ng mga manggagawa, magsasaka, katutubo, kabataan, kababaihan at mga prupe- syunal. Pinalakas din nila ang hanay ng Partido Komunista ng Pilipinas.

    Pagbabahagi pa ni Sison, mabilis

    na dumami ang kasapian ng Partido, Bagong Hukbong Bayan at iba pang pangmasang organisasyon bilang re- sulta ng FQS. Nang ideklara ang ba- tas militar noong Setyembre 21, 1972, malaking bilang ng mga akti- bista ang lihim na kumilos at lumahok sa paglaban sa pasistang rehimen.

    Bukod sa talakayan, nagtipon din ang mga beterano at bagong mga aktibista sa Mendiola noong Enero 30 upang alalahanin ang ika-

    Mahigit tatlong taon na ang mga kampanyang panunupil ng Armed Forcesof the Philippines (AFP) sa Far South Mindanao Region (FSMR). Naglu