16
Malay 26.1 (2014): 69-84 Copyright © 2014 by De La Salle University Mobasyon at Atyud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas at ang Implikasyon nito sa Filipino bilang Wikang Pambansa: Panimulang Pagtalakay sa Sikolohikal na Aspekto sa Pagpaplanong Pangwika / Language Movaons and Atudes Toward Using English in the Philippines and Its Implicaons on Filipino as a Naonal Language: An Inial Discussion on the Psychological Aspect of Language Planning Jayson D. Petras Unibersidad ng Pilipinas-Diliman [email protected] Sa mahigit isang siglo, litaw ang malaking papel na ginagampanan ng wikang Ingles sa kasaysayang linggwistiko ng Pilipinas. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Maynila noong 1898, kaagad silang bumuo ng mga paaralan kung saan nagsilbing unang guro ang mga Sundalong Amerikano at Ingles ang naging midyum ng pagtuturo. Simula noon, nagpatuloy ang pag-iral ng nasabing wika sa pagtuturo at pagkatuto. Sa antas primarya pa lamang ay hinahasa na ang mga mag-aaral sa pagsasalita ng wikang Ingles na nakabatay sa pamantayang Amerikano. Marami pa ring asignatura, gaya ng Matematika at Agham, na konserbatibong itinuturo sa Ingles. Lahat ng ito ay nagbubunsod ng positibong atityud sa wikang Ingles – pagtingin dito bilang wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud sa wikang Ingles ng mga Pilipino at ang implikasyon nito sa pambansa at mga panrehiyong wika. Tinitingnan nito ang naging epekto ng mga patakaran sa edukasyon mula pananakop ng mga Amerikano hanggang kasalukuyan sa paghubog ng kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa Ingles at kulturang Amerikano. Sa inisyal na pagtataya, kapwa lumilitaw ang instrumental at integratibong motibasyon sa pagkatuto ng Ingles na siyang lumilikha ng mga partikular subalit nag-uugnayang resulta na pumapabor sa nasabing wika. Sa huli, inilutang sa pag-aaral ang usapin hinggil sa sikolohikal na aspekto ng pagpaplanong pangwika na may mahalagang gampanin sa hamong nililikha ng global na wika sa pambansang realidad. Mga Susing salita: wikang Filipino, wikang Ingles, motibasyon sa wika, atityud sa wika, pagpaplanong pangwika For more than a century, English has played a vital role in the linguistic history of the Philippines. When the Americans occupied its capital Manila in May 1898, they immediately started building schools wherein American soldiers served as the first teachers and English was the medium of instruction. Since then, the teaching and learning of this foreign language has continued. As early as preschool, children are trained to speak American Standard English. Subjects, especially Science and Mathematics are solely taught in the said

Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

  • Upload
    others

  • View
    38

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

Malay 26.1 (2014): 69-84

Copyright © 2014 by De La Salle University

Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas at ang Implikasyon nito sa Filipino bilang Wikang Pambansa: Panimulang Pagtalakay sa Sikolohikal na Aspekto sa Pagpaplanong Pangwika /Language Motivations and Attitudes Toward Using English in the Philippines and Its Implications on Filipino as a National Language: An Initial Discussion on the Psychological Aspect of Language Planning

Jayson D. PetrasUnibersidad ng [email protected]

Sa mahigit isang siglo, litaw ang malaking papel na ginagampanan ng wikang Ingles sa kasaysayang linggwistiko ng Pilipinas. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Maynila noong 1898, kaagad silang bumuo ng mga paaralan kung saan nagsilbing unang guro ang mga Sundalong Amerikano at Ingles ang naging midyum ng pagtuturo. Simula noon, nagpatuloy ang pag-iral ng nasabing wika sa pagtuturo at pagkatuto. Sa antas primarya pa lamang ay hinahasa na ang mga mag-aaral sa pagsasalita ng wikang Ingles na nakabatay sa pamantayang Amerikano. Marami pa ring asignatura, gaya ng Matematika at Agham, na konserbatibong itinuturo sa Ingles. Lahat ng ito ay nagbubunsod ng positibong atityud sa wikang Ingles – pagtingin dito bilang wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud sa wikang Ingles ng mga Pilipino at ang implikasyon nito sa pambansa at mga panrehiyong wika. Tinitingnan nito ang naging epekto ng mga patakaran sa edukasyon mula pananakop ng mga Amerikano hanggang kasalukuyan sa paghubog ng kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa Ingles at kulturang Amerikano. Sa inisyal na pagtataya, kapwa lumilitaw ang instrumental at integratibong motibasyon sa pagkatuto ng Ingles na siyang lumilikha ng mga partikular subalit nag-uugnayang resulta na pumapabor sa nasabing wika. Sa huli, inilutang sa pag-aaral ang usapin hinggil sa sikolohikal na aspekto ng pagpaplanong pangwika na may mahalagang gampanin sa hamong nililikha ng global na wika sa pambansang realidad.

Mga Susing salita: wikang Filipino, wikang Ingles, motibasyon sa wika, atityud sa wika, pagpaplanong pangwika

For more than a century, English has played a vital role in the linguistic history of the Philippines. When the Americans occupied its capital Manila in May 1898, they immediately started building schools wherein American soldiers served as the first teachers and English was the medium of instruction. Since then, the teaching and learning of this foreign language has continued. As early as preschool, children are trained to speak American Standard English. Subjects, especially Science and Mathematics are solely taught in the said

Page 2: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

70 Malay Tomo XXVI Blg. 2

language. All of these contribute to the positive attitudes toward English of many Filipinos – seeing it as the language of the learned and the influential. This paper investigates the language motivations and attitudes of Filipinos toward learning English and its implications on Filipino as a national language as well as on other regional languages in the country. This article examines the effect of the educational policies implemented in the country from the American period up to the present in shaping the minds of Filipinos toward English and the American culture. In an initial assessment, results show that both instrumental and integrative motivations for learning English are present and thus create distinct yet complementing attitudes that favor the foreign language in higher functions compared to Filipino and other Philippine languages. As a conclusion, the study raises issues regarding the psychological aspect of language planning in the Philippines that is crucial in answering these challenges imposed by a global language on the national realities.

Keywords: Filipino language, English language, language motivation, language attitude, language planning

Mula sa pagsisimula ng paggamit nito sa isang maliit na isla sa Hilagang Europa, hindi maitatatwang nailuklok na ang Ingles bilang wika ng global na komunikasyon sa kasalukuyan. Ang mga taguri ditong “unibersal na wika” at “wika sa anumang panahon” ay malinaw na indikasyon ng dominanteng papel ng Ingles bilang kauna-unahang wika sa kasaysayang linggwistiko ng daigdig na nakapagbuo ng kontak sa bawat pamilya ng wika (Kachru 19). Ang ganitong paglaganap ay masinsinang naidokumento sa mga pag-aaral nina Cheshire noong 1991, Crystal noong 1995/1997, McArthur noong 1998, Graddol noong 1997 at Ammon noong 2001 (Ferguson 110). Hindi nakapagtataka, kung gayon, ang nabuong pahayag ni Henry Kane (sipi kay Bhatt 527) na ang “Ingles ang dakilang laboratoryo ng mga kasalukuyang sosyolinggwista.”

Kakabit ng paglaganap ng wikang Ingles ang masasalimuot na usapin tungkol sa pag-iral ng wika sa lipunan. Ang ganitong realidad ang tinutugunan ng larangan ng pagpaplanong pangwika na tumutukoy sa “organisadong paghahanap ng solusyon sa mga suliraning pangwika, partikular sa antas pambansa” (Fishman 79). Bahagi ng pagpaplanong pangwika ang pagbubuo ng patakarang pangwika. Kaugnay nito, ayon kay Spolsky (sipi kay Ferguson 110), ang “Ingles bilang global na wika ay isang salik na nararapat isaalang-alang sa patakarang pangwika ng anumang nasyon-estado sa kasalukuyan.” Sa

ganitong konteksto, naiaangat sa makrong lebel na relasyon ng edukasyon, politika, at ekonomiya ng isang lipunan ang usapin ukol sa paggamit ng Ingles.

Gayunman, sa malawakang antas ng pagtutok sa impluwensiya ng Ingles sa bawat bansa, kasabay na mahalagang maisaalang-alang ang pananaw ng mga indibidwal na gumagamit at naiimpluwensiyahan nito. Mahalagang sangkap ang mga mamamayan sa pagbuo ng lipunan. Ang bawat institusyong panlipunan ay nilalahukan at pinagtitibay rin ng mga mamamayan ng isang bansa. Samakatuwid, ang anumang pamamayani o panlulumo ng wikang Ingles ay nararapat ding masiyasat sa antas ng payak na pamamahalang pangwika (“simple language management” ayon kay Spolsky) na kinapapalooban ng praktis pangwika, pagpapahalaga, at ideolohiya ng mga indibidwal na kalahok sa nasabing wika. Mula rito, ganap na mabibigyang-pansin din ang mga makapangyarihang salik panlipunan na nagdidikta o humuhubog sa kamalayan sa wika ng mga mamamayan.

Mula rito, lumulugar ang kasalukuyang pananaliksik hinggil sa motibasyon at atityud ng mga mamamayan sa paggamit/pagkatuto ng wikang Ingles sa Pilipinas at ang implikasyon nito sa mga patakarang pangwika para sa Filipino bilang wikang pambansa.. Nagkaugat sa nakaraan ng Pilipinas ang Ingles dulot ng karanasang kolonyal at patuloy na pinaiigting sa kasalukuyan

Page 3: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

71Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas J. Petras

bilang bahagi ng pagtugong global bunga ng pagkakadikit ng Ingles sa Estados Unidos at Britanya na itinuturing na mga “arkitekto” ng pandaigdigang ekonomiya (Constantino 311). Mula rito, inaasahang mababakas ang mga espasyo ng pagtanggap at/o pagkalas sa Ingles bilang panimulang paglalatag sa sikolohikal na pagdalumat sa pagpaplanong pangwika.

Ang Paglaganap ng Wikang Ingles

Maituturing na penomenal ang pandaigdigang ekspansiyon ng wikang Ingles. Ayon kay Crystal, tinatayang may apat na di katutubong ispiker ng Ingles sa bawat katutubong ispiker nito (Kachru 21). Dagdag pa ni Kachru, sa kanyang pagtataya noong 1985, lumalabas na ang Ingles ay ginagamit bilang unang wika ng 350 milyong tao, bilang ikalawang wika ng 180 milyong tao, at bilang banyagang wika ng 100 milyon hanggang 1 bilyong tao (Nelson at Aarts 107-108). Sa pagtataya ni Graddol noong 2006 (14; Melchers at Shaw 6), inaasahang aabot ng 2 bilyong tao ang nagsasalita ng Ingles sa susunod na sampu hanggang labinlimang taon. Ang pagdami ng mga nagsasalita nito ang “pinakamatingkad na halimbawa ng paglaganap ng wika sa ikadalawampung siglo kung hindi man sa lahat ng naitalang kasaysayan” (Platt et al.; sipi kay Bhatt 529) Dinaig nito ang iba pang kilalang kaso gaya ng paglaganap ng wikang Latin sa panahon ng Imperyong Romano.” Susog ito sa pananaw ni John Adams (Kachru; sipi kay Bhat 529) na ang “Ingles ang siyang magiging pinakarespetado at pinakamalawakang binabasa at sinasalita sa anumang wika ng daigdig.”

Sinasabing ang paglaganap o pagkawala ng wika ay higit na maiuugnay sa kapangyarihan at yamang tangan ng mga katutubong tagapagsalita nito kaysa sa anumang katangiang mayroon ang isang wika. Sa kaso ng Ingles, ang pandaigdigang paglaganap nito ay naipunla ng naging papel ng Imperyong Ingles/Britanya sa kasaysayan at sa paghaharing ekonomiko, militar, at politikal ng Estados Unidos sa kasalukuyan (Ferguson 110).

Mula sa paglaganap sa Wales noong 1535, sa Scotland noong 1603, at sa ibang bahagi ng Ireland noong 1707, lumawak ang sakop ng wikang Ingles sa labas ng Europa sa pamamagitan ng pagtungo at pananatili ng mga katutubong tagapagsalita nito sa iba’t ibang teritoryo gaya ng Hilagang Amerika, Canada, Australia, at New Zealand (Bhatt 529). Sa pagbuo ng mga bagong bansa, itinampok ang Ingles bilang siyang wikang gagamitin na nagresulta ng pagkakahanay nito sa iba pang pangunahing wika ng daigdig gaya ng Arabik, Pranses, Aleman, Hindi, Ruso, at Espanyol.

Kaalinsabay ng pangingibang-lugar ng mga katutubong tagapagsalita ang kolonisasyon ng iba’t ibang bansa sa Asya, Aprika, at Oceania. Sa pagkakataong ito, nagkaroon ng kontak ang wikang Ingles sa mga tagapagsalita ng hindi kapamilyang wika gaya ng Indo-Aryan, Dravidian, Altaic, at Austronesyanong wika sa Asya at pamilyang Niger-Congo sa Aprika (Bhatt 529). Nagresulta ito ng pagiging bilingguwal ng mga sinakop, partikular ng mga sektor ng elite, sa wikang Ingles. Gayunman, dulot ng bentaheng panlipunan at ekonomiko ng banyagang wika, nalikha ang sitwasyong diglosiko kung saan ginamit ang mga katutubong wika sa di pormal na larangan samantalang nailuklok ang Ingles sa mga publiko at pormal na larangan (Ferguson 111). Bukod pa ito sa lehitimisasyon ng wikang Ingles na nakabatay sa istandard ng mananakop, sa pamamagitan ng mga ahensiya ng English language teaching (ELT) gaya ng British Council at ng Teachers of English to Speakers of Other Languages (TESOL), sa kabila ng pag-iral ng mga nabuong varayti ng Ingles dulot ng impluwensiya ng wika ng sinakop sa wika ng mananakop. Ang ganitong imposisyon ang tinawag ni Phillipson (sipi kay Bhatt 532) na “imperyalismong lingguwistiko/linguistic imperialism” na maaring kongkretong matunghayan sa atityud ng mga mamamayan ng mga bansang gumagamit ng Ingles.

Isa pang perspektiba sa paglaganap ng Ingles ang modelong ekonokultural na ipinanukala ni Quirk noong 1988 (Bhatt 532). Sa panukalang

Page 4: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

72 Malay Tomo XXVI Blg. 2

ito, tinitingnan ang matingkad na papel ng rebolusyong industriyal, kalakalan, at iba pang kaganapang komersiyal noong huling hati ng ika-18 siglo at unang hati ng ika-19 na siglo sa Inglatera sa pagtatakda ng wikang gagamitin sa pandaigdigang pamilihan. Naging natural ang pag-aangat sa Ingles bilang wika ng global na komersiyo dulot ng pagiging sentro ng kapitalismo ng Britanya at Estados Unidos. Higit pa itong napagtibay sa pamamayagpag ng Estados Unidos sa usaping ekonomiko, militar, at politikal sa pagsapit ng ika-20 siglo. Sa tala ni Ferguson (111) noong 2003, ang nasabing bansa ang may pinakamalaking ekonomiya sa GDP nitong umaabot sa US $ 10,383 bilyon, na tinatayang tatlong beses na mas malaki kaysa sa Hapon na ikalawang may pinakamalaking ekonomiya. Ang paggugol nito sa usaping militar na umaabot sa 43 porsyento ay higit na malaki nang maraming ulit sa mga kasunod nitong bansa. Estados Unidos din ang nagsisilbing headquarter ng napakaraming multinasyonal na kompanya gaya ng McDonald’s, Microsoft, at Disney. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naitatag ang United Nations, World Bank, UNESCO, UNICEF, World Health Organization, at iba pa na lalong nagpatingkad sa Estados Unidos at sa paggamit ng wikang Ingles sa iba’t ibang aspektong panlipunan (Mazrui at Mazrui; Brutt-Griffler; Bhatt 532). Dulot ng lahat ng ito, hindi nakapagtataka ang malaking pagpapahalagang ibinibigay sa Ingles sa larangan ng edukasyon lalo na sa mga paaralan sa mga sinakop na bansa sa Asya at Aprika. Ayon kay Bhatt (533), umabot pa ang pagpapatampok sa wikang ito sa pagtutol ng mga prominenteng lider ng India at mga Nigerian sa paggamit ng mga katutubong wika sa paaralan sapagkat nakikita

nila itong pagkakait ng lingguwistikong kapital na kailangan sa pagtamasa ng ekonomiko at politikal na kapangyarihan.

Wikang Ingles sa Asya

Naitimo na ang paggamit ng wikang Ingles sa mga bansa sa Asya. Bilang mga dating kolonya o mga kasalukuyang kadikit ng pandaigdigang ekonomiya, kongkretong nasasangkot sa mga pag-aaral tungkol sa paglaganap ng Ingles ang iba’t ibang mga bansa sa nasabing kontinente.

Pinakagamiting ilustrasyon sa paglaganap ng Ingles ay ang mga bilog na modelo ni Braj Kachru (tingnan ang dayagram 1). Sa nasabing modelo, binibigyang-klasipikasyon ang mga nasyon-estado batay sa kani-kanyang naging paggamit ng Ingles. Tatlong pagkakahati o bilog ang nabuo ni Kachru: (1) ang “inner circle” na siyang tumutukoy sa mga nasyon-estado na ginagamit ang Ingles bilang una o katutubong wika; (2) ang “outer circle” na siyang tumutukoy naman sa mga nasyon-estadong naiposisyon ang Ingles bilang pangalawang wika; at (3) ang “expanding circle” na binubuo ng mga nasyon-estadong tumitingin sa Ingles bilang banyagang wika. Mahalagang bigyang-diin na ang modelong ito ni Kachru ay nabuo bago pa ang pagbagsak ng Unyong Sobyet at pagpasok ng panahon ng Internet. Sa proseso ng pagbabago sa daigdig dulot ng globalisasyon, higit pang dumami ang bilang ng mga nagsasalita ng Ingles na nagdudulot ng paglabnaw ng hangganan ng mga bilog partikular ang “outer circle” at “expanding circle”(Melchers at Shaw 8). Gayunman, sa panimulang modelo pa lamang ni Kachru, litaw na ang pagkakalahok ng mga bansa sa Asya na naimpluwensiyahan ng paglaganap ng wikang Ingles.

Page 5: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

73Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas J. Petras

Sa kanyang papel noong 2002, kinilala ni Yoneoka ang ugnayang ng kontinenteng Asya at wikang Ingles sa pamamagitan ng pagtalakay sa naging pag-iral ng nasabing wika sa apat na rehiyong pagkakahati: (1) Timog Asya na kinapapalooban ng India, Bangladesh, Sri Lanka, Pakistan, at Nepal; (2) Timog Silangang Asya na kinapapalooban ng Pilipinas, Singapore, Vietnam, Thailand, Indonesia, Brunei, Myanmar, at Cambodia; (3) Austronesyano na kinapapalooban ng Australia, New Zealand, Papua New Guinea, at mga isla sa Pasipiko; at, (4) Silangang Asya na kinapapalooban ng Hapon, Tsina, Korea, at Mongolia.

Kolonisasyon ng Imperyong Britanya ang nagbukas ng pagkatuto sa Ingles sa Timog Asya. Sa rehiyong ito, tanging ang Nepal ang bansang hindi nakolonisa ng Britanya at nag-iisang hindi kumikilala sa wikang Ingles bilang opisyal na wika. Pinakamatingkad naman ang impluwensiya ng wika ng mananakop sa India. Dulot ng introduksiyon ng wikang Ingles sa nabanggit na bansa noong unang bahagi ng ika-17 siglo, bago pa man ang migrasyon ng mga katutubong tagapagsalita ng Ingles sa Australia at mga isla sa Pasipiko, hindi maitatangging nakaugat na ang wikang dayuhan sa India na sa katunayan

ay maituturing na pinakamatandang Ingles sa Asya (Yoneoka 8). Kaugnay nito, nagkaroon na at patuloy pa ang kodipikasyon ng varayti ng Ingles ng India sa pamamagitan ng Kolhapur Corpus of Indian English at ng paglahok ng bansa sa proyektong International Corpus of English (ICE) na binuo noong 1990 (Nelson at Aarts 109). Mahirap namang panghawakan at patuloy na kontrobersiyal ang kaso ng Ingles sa ibang mga bansa sa nasabing rehiyon. Dagdag pa rito, sa obserbasyon ni Kandiah (277; Yoneoka 8), mapapansin pa rin ang mababang pagtingin ng mga bansa sa varayti ng Ingles na kanilang sinasalita. Gayunman, kinilala rin ni Kandiah ang patuloy na pag-angat ng Ingles ng India tungo sa pagiging respetadong varayti nito.

Maliban sa Thailand, hindi nalalayo sa karanasang kolonyal ng Timog Asya ang mga bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya. Bagama’t hindi gaya sa Timog Asya na inokupa lamang ng Britanya, ang karanasan sa pananakop ng rehiyong ito ay dulot ng iba’t ibang mga bansa na may iba’t ibang sinasalitang wika – Britanya, Estados Unidos, Pransiya, Olandes, at Espanya. Gayunman, mula noon at higit pa sa kasalukuyan, patuloy na lumalawak ang impluwensiya ng Ingles sa mga bansang naririto. Sa kaso ng Pilipinas at

Dayagram 1. Ang mga Bilog na Modelo ni KachruDayagram 1 . Ang mga Bilog na Modelo ni Kachru

OUTER CIRCLE Bangladesh Ghana India Kenya Malaysia Nigeria Pakistan Philippines Singapore Sri Lanka Tanzania Zambia

EXPANDING CIRCLE

China Egypt Indonesia Israel Japan Korea Nepal Saudi Arabia Taiwan USSR Zimbabwe

� INNER CIRCLE USA UK Canada Australia New Zealand

Page 6: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

74 Malay Tomo XXVI Blg. 2

Singapore, makikita ang pagkakabuo ng mga varayti ng Ingles na umuugnay at humihiwalay sa mga kinikilalang “istandard” ng Ingles (Bautista 174-175). Kaugnay nito, ang Ingles ay isang opisyal na wika sa dalawang nabanggit na bansa samantalang nananatiling inaaral na banyagang wika sa iba pa. Gayundin, kinikilala itong lingua franca ng rehiyon at sa katunayan ay siyang itinakdang opisyal na wika ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) (Yoneoka 10).

Natatangi ang estado ng Ingles sa Austronesyano sapagkat ito lamang ang rehiyon sa Asya na may opisyal na kinikilalang katutubong varayti ng Ingles, ang Australian/Aussie English at kung ihihiwalay ay maging ang New Zealand English. Sinasabing ang ganitong pagkakaugat ng Ingles sa nasabing rehiyon ay dulot ng migrasyon at hindi ng dominasyon ng mga mamamayan ng Britanya, kaiba sa naging kaso ng Timog at Timog Silangang Asya. Sa higit 200 taong kasaysayan ng Australian English, malinaw ang naging pag-unlad nitong iba sa direksiyon ng US at British English. Batay sa census noon pa mang 1976, lumalabas na 98.6% ng populasyon ang gumagamit ng Ingles bilang katutubong wika (Yoneoka 12). Gayundin, gaya ng India, nagkaroon na ng kodipikasyon ang kanilang varayti ng Ingles sa pamamagitan ng Macquarie Corpus of Australian English at patuloy pang nag-aambag sa pandaigdigang korpus ng Ingles sa pamamagitan ng proyektong ICE (Nelson at Aarts 109). Tulad sa Australia, malawak ang sakop ng Ingles sa New Zealand. Tinatayang 95% ng populasyon ang nagsasalita ng Ingles bilang unang wika habang naipoposisyon ang wikang Maori bilang ikalawa (Yoneoka 12). Sa mga isla naman sa Pasipiko, na kinapapalooban ng Micronesia, Melanesia, at Polynesia, halos lahat ay kumikilala sa Ingles bilang opisyal na wika. Magkagayunman, ang mga mamamayan ay naiipit pa rin sa isyu sa pagitan ng paggamit ng istandard na varayti ng Ingles para sa ekonomikong kapakinabanangan at sa pagkilala sa Pidgin English na nagbibigay ng sariling pagkakakilanlan. Sa kasalukuyan, ang varayti ng Ingles ng Papua New Guinea ay unti-unting nagkakaroon ng akademikong pagkilala bilang

bagong varayti ng Ingles na kinapapalooban ng estruktura ng Tok Pisin (Yoneoka 13).

Kaiba sa tatlong naunang rehiyon sa Asya, nananatiling banyagang wika ang Ingles sa kalakhan ng rehiyon sa Silangang Asya. Malaking salik nito ang kawalan ng karanasang kolonyal sa mga Kanluraning bansa at sa halip ay nadominahan sila ng karatig-bansang Hapon. Subalit dulot ng kasalukuyang ekonomikong kalagayan, unti-unting nagkakaroon ng pagbabago sa paggamit ng Ingles sa rehiyong ito. Patunay nito ang implementasyon ng Korea sa paggamit ng Ingles sa elementarya simula noong 1998 at ng Hapon bilang bahagi ng sogo gakushui jikan o general studies noong 2002 (Yoneoka 14).

Dahil sa pagkakasangkot ng Asya sa paglaganap at pagbuo ng mga varayti ng Ingles, anim (kasama ang Australia at New Zealand) sa dalawampung bansa/rehiyong kalahok sa proyektong ICE ang Asyano (talaan 1) (Nelson at Aarts 109):

Talaan 1. Mga Bansa at Rehiyong Kalahok sa Proyektong ICE

Australia KenyaCameroon Malawi

Canada New ZealandFiji Nigeria

Ghana PhilippinesGreat Britain Sierra LeoneHong Kong Singapore

India TanzaniaIreland South AfricaJamaica United States

Ang proyektong ICE ay ipinanukala ni Sidney Greenbaum noong 1998 sa kanyang artikulong nailathala sa World Englishes. Ayon sa kanya, sa layuning magkaroon ng sistematikong kaalaman sa mga varayti ng Ingles, mahalaga ang pagkakaroon ng grupo ng mananaliksik na siyang mangongolekta ng mga halimbawa ng Ingles sa mga bansang gumagamit dito bilang una (inner circle) at ikalawang wika (outer circle). Sa pagsisimula ng proyekto noong 1990, itinakda

Page 7: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

75Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas J. Petras

sa bawat korpus ng Ingles ang pangongolekta ng 500 sample o teksto na kinapapalooban ng humigit-kumulang 2,000 salita. Kadikit ng proyektong ICE ang International Corpus of Learner English (ICLE) na tumututok naman sa korpus ng pagsulat ng mga nasyon-estadong nakapaloob sa “expanding circle” na nag-aaral ng Ingles kasabay ng pagsasalita ng iba’t ibang katutubong wika gaya ng Pranses, Espanyol, Aleman, Olandes, Suweko, Czech, Hapones, at Tsino (Granger; Nelson at Aarts109-110).

Sitwasyon at Salik sa Pag-iral ng Wikang Ingles sa Pilipinas

Mula sa naging pagtalakay, dadako ang usapin sa partikular na kaso ng pag-iral ng Ingles sa Pilipinas. Mababakas sa takbo ng kasaysayang pangwika ng bansa ang nagtatalabang posisyon ng wikang pambansa (TagalogàPilipinoàFilipino) at ng wikang Ingles, kasama pa ang maraming wikang bernakular.

Ipinunla ng karanasang kolonyal sa mga Amerikano ang pamamayagpag ng wikang Ingles sa bansa. Sa ganap na pagsasakatuparan na baguhin ang buhay at kultura ng mga Pilipino ayon sa bisyong Amerikanong “Mapagkandiling Asimilasyon,” ginamit ang edukasyon/paaralan bilang institusyong tagapamayapa, kadikit ang Ingles bilang wikang panturo para sa nilalayong pagkakaisa ng mga Pilipino. Sa katunayan, nang mapasok ang Maynila noong Mayo 1898, kaagad na pinasimulan ang paaralan sa Corregidor, kasabay ang anim pang mga paaralan, kung saan nagturo ang mga Amerikanong sundalo gamit ang wikang Ingles. Pagsapit ng 1901, dumating sa Pilipinas ang 1,074 gurong Amerikano mula sa 47 estado na nakapagkamit ng kanilang digri mula sa 192 institusyong akademiko sa Estados Unidos. Bagama’t 509 lamang sa ito ang lulan ng US Transport Thomas, kolektibong kinilala ang lahat ng mga gurong Amerikano bilang Thomasites (Racelis at Ick 4).

Sa orihinal na kautusan ng Pangulo ng Estados Unidos William McKinley noong ika-16 ng Abril 1899 sa Ikalawang Komisyon sa Pilipinas,

isinasaad ang paggamit sa wika ng mamamayan sa pagtuturo sa Kapuluan. Subalit, iba ang nilaman ng kanyang inisyung liham noong ika-7 ng Abril 1900 – itinakda ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng publikong edukasyon sa Pilipinas (Bernardo 29). Pinagtibay pa ito noong ika-21 ng Enero 1901 sa pamamagitan ng Commission Act No. 74 o “Education Bill” na lumilikha sa Department of Public Instruction na siya namang pormal na naglatag sa paggamit ng wikang Ingles bilang tanging wika ng pagtuturo sa pangmadlang paaralan. Nanatili ang ganitong probisyon hanggang noong ika-5 ng Disyembre 1939 (Sibayan 222) sa kabila ng mga naging pagtatasa sa publikong edukasyon sa Pilipinas noon pang 1904, 1913, 1924 (Saleeby), at 1925 (Monroe) na nagsasaad ng suliranin sa pagkatuto gamit ang wikang Ingles (Bernardo 30).

Dahil nakadisenyo sa sosyo-politiko-ekonomiko ang pag-aaral at pagpapahalaga sa Ingles at kulturang Amerikano, mababanaag ang pagsusulong ng impluwensiyang banyaga sa iba’t ibang larangan gaya ng edukasyon, pamahalaan, negosyo at komersiyo, midya, agham at teknolohiya, at propesyon. Sa pagtatampok sa Ingles bilang wikang panturo, natural na magsilbing kagamitang pampagtuturo ang mga lathalang mula sa Estados Unidos. Gayunman, hindi lamang wikang Ingles ang tangan ng mga kagamitang ito kundi maging ang mga imaheng magpupunla ng pag-aasam na umayon sa kultura ng mananakop. Pangunahin dito ang The Baldwin Primer ni May Kirk noong 1899 na kinatatampukan ng mga halimbawang materyal, gaya ng “apple,” na hiwalay sa kamalayan ng mga batang Pilipino.

Sa usapin ng paghahanapbuhay, ang pagsasa-Ingles ng eksaminasyon sa serbisyo sibil (Gonzales 29) ay naglatag ng kamalayan na susi ang Ingles sa magandang trabaho at maunlad na pamumuhay. Bukod pa rito, Ingles din ang naging opisyal na wika ng hukuman at sistemang legal.

Nakubkuban man ng Ingles ang iba’t ibang larangang panlipunan, nanatiling hindi nito sakop ang larangan ng tahanan. Sa 1939 census ng Pilipinas, sa 16,000,303 Pilipino, tanging 4,240,080

Page 8: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

76 Malay Tomo XXVI Blg. 2

o 26.5% lamang ang nagsabing nakapagsasalita ng Ingles. Sa kabila nito, nananatiling dominanteng wika ang Ingles sapagkat ito ang wikang gamit ng mga kumokontrol na larangan (Sibayan 224-225).

Lumamlam ang pagsusulong ng Ingles sa panahon ng pananakop ng mga Hapones mula 1942 hanggang 1945. Alinsunod sa programang “Lupalop ng Magkakasamang Kasaganaan sa Lalong Malaking Silangan” (Greater East Asia Co-Prosperity Sphere), kadikit ang ideyang “Asya para sa mga Asyano” at “Pilipinas para sa mga Pilipino,” ipinatupad ng mga Hapones noong ika-17 ng Pebrero 1942 ang Military Order No. 2 na nagsasaad ng pagpapalaganap ng wikang pambansa ng Pilipinas o ng Tagalog at ng pagpapagamit sa wikang Niponggo. Sinundan pa ito ng Military Ordinance No. 13 noong ika-20 ng Hulyo 1942 na nagtatakda sa pagiging opisyal na mga wikang Niponggo at Tagalog. At sa nabuong Konstitusyong 1943, malinaw ang probisyon ng Artikulo IX Sek. 2 na “Kailangang gumawa ng hakbang ang pamahalaan tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang wikang pambansa” (Paz 80).

Sa pagbalik ng mga Amerikano sa Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang simulain sa wika na ipinatupad ng mga Hapones ay muling napangibabawan ng pagpapanumbalik sa patakarang Ingles. Sa kabila nito, nagpatuloy ang mga Pilipino sa paggigiit ng karapatan sa paggamit ng wika, partikular ang pagtataguyod sa mga lokal na wika noong dekada ’40 at ’50 (Bernardo 30). Kaya naman, sa mga dekada ’60 at ‘70, ang makabayang protesta ay hindi lamang nailunsad sa lansangan kundi maging sa akademya. Tinagurian ni Renato Constantino (6) na misedukasyon ng mga Pilipino ang umiiral na pamamayani ng Ingles sa mga paaralan na tiyakang nagsusulong ang agendang kolonyal at imperyalista ng mga Amerikano. Susog dito, nakita ang bisa ng paggamit ng Pilipino sa pag-unawa sa kamalayan, kultura, at lipunan. Partikular na tumugon dito ang tatlong nasyonalistang iskolar na maituturing na muhon ng kilusan para sa “Pilipinisasyon ng agham panlipunan” – si Dr. Virgilio G. Enriquez para

sa Sikolohiyang Pilipino, si Dr. Zeus A. Salazar para sa Pantayong Pananaw, at si Dr. Prospero R. Covar para sa Pilipinolohiya (Rodriguez-Tatel 2).

Sa usapin ng patakarang pangwika, mababanaag ang kamalayang pag-isahin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbuo ng pambansang wika na tunay na kakatawan sa kabuuan ng Pilipinas. Pinatunayan ito ng Konstitusyong 1973, Artikulo XIV, Sek. 3 na nagtatadhana sa Pambansang Asamblea na magbuo ng hakbang tungo sa pormal na pagkilala sa isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino. Gayunman, kasama ng Pilipinong batay sa Tagalog, nananatiling opisyal na wika ang Ingles.

Patuloy na naging matatag ang Ingles sa larangan ng edukasyon sa kabila ng panahon ng aktibismo. Naging kompromiso sa mga usaping pangwika ang Resolusyon Blg. 73-7 ng National Board of Education noong ika-7 ng Agosto 1973 na lumilikha ng Patakarang Bilingguwal at nagtatakda ng magkahiwalay na paggamit sa Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo. Ginamit ang Pilipino sa Social Studies, Character Education, Work Education, Health Education, at Physical Education. Ingles naman ang naging wika ng Science, Mathematics, at Communication Arts (Galang 271). Sa ganitong probisyon, naging kombinyenteng wika ang Ingles para sa mga usaping siyentipiko at teknikal. Dagdag pa rito ang pagtatago ng Ingles sa kapa ng pagiging “unibersal” ng mga disiplina kung saan walang puwang ang wikang pambansa lalo na ang mga rehiyonal na wika.

Sa pagbagsak ng rehimeng Marcos noong 1986 at sa muling pagpapanumbalik ng demokrasya sa panunungkulan ni Pangulong Corazon C. Aquino, kasabay nito ang muling paglalatag ng panibagong planong panlipunan, kasama na ang pagpaplano sa wika. Naitakda ng Konstitusyong 1987, Artikulo XIV ang sumusunod:

Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng

Page 9: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

77Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas J. Petras

Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo sa sistemang pang-edukasyon.

Malinaw man sa atas ng batas ang nilalayong tunguhin sa wikang Filipino bilang wikang pambansa at opisyal na wika, tumataliwas ito sa probisyon at praktis pangwika ng iba’t ibang larangan, maging ng mismong pamahalaan. Sa katunayan, sa magkakasunod na mga taon ng 2003, 2004, at 2005, lumabas pa rin ang mga panukalang nagpapalakas sa Ingles bilang wikang panturo. Mismong ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang naghatag ng Executive Order No. 210 noong ika-17 ng Mayo 2003 na nagtatakda sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa mga klase sa Ingles, Matematika, at Agham mula ikatlong baitang sa elementarya at bilang pangunahing wikang panturo sa lahat ng mga publikong paaralang sekondarya. Hindi ito nakapagtataka lalo pa’t ang Pilipinas ay nakasandig sa mga Export Processing Zone (EPZ) at Business Process Outsourcing (BPO) kung saan pinakamalaking industriya ang call center na ang pangunahing kahingian ay ang kasanayan sa Ingles. Sa katunayan, sa tala ng Department of Trade and Industry, ang industriya ng call center ay nakalikha ng tinatayang 40,000 bagong trabaho sa loob ng limang taon mula 1999 hanggang 2004, na nagluklok dito bilang pinakamalaking employer sa bansa (Bernardo 37). Sinundan pa ang nasabing kautusan ng House Bill No. 1652 noong 2004 na inihain sa ika-12 Kongreso ni Kinatawan Jose R. Gullas, at kinalaunan ay muling inihain sa muling pagbubukas ng mababang kapulungan ni Kinatawan Eduardo R. Gullas. Sa nasabing panukala, itinatakda ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas simula sa unang baitang at ang hiwalay na paggamit ng Ingles at Filipino sa iba’t ibang mga asignatura. Higit na mapangahas ang House Bill No. 4701 na ipinanukala noong Setyembre 2005 sapagkat ipinag-utos nito ang sapilitang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas, sa lahat ng asignatura (maliban

sa Filipino), at sa lahat ng oras sa bawat sulok ng paaralan simula sa akademikong taon 2007-2008. Kalakip din nito ang paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng eksaminasyon para sa admisyon, akreditasyon, at akselerasyon ng mga paaralan.

Bagama’t hindi naisakatauparan ang mga nabanggit na kautusan at panukala, patunay lamang ito ng patuloy na paggigiit sa wikang Ingles simula noon hanggang ngayon at kawalan ng malasakit sa wikang Filipino sa tinatawag na high functions o pang-itaas na uri ng gamit gaya ng pamahalaan at edukasyon.

Motibasyon at Atityud sa Pagkatuto ng Ingles at Implikasyon nito sa Wikang Filipino

Sa pagtalunton sa naging papel ng wikang Ingles sa lipunang Pilipino, ganap na mahihimay ang mga salik na nakaaapekto sa patuloy na pamamayagpag ng nasabing wika. Dulot ng pagiging wikang global, hindi na ipagtataka ang paggamit ng wikang Ingles ng iba’t ibang bansa, may karanasan man ng kolonisasyon sa Estados Unidos at Britanya o wala. Gayunman, makikita ang partikular na pag-iral ng Ingles sa Pilipinas, kadikit ng motibasyon at atityud ng mga Pilipino sa paggamit nito at sa implikasyon nito sa sariling wikang pambansa.

Malinaw ang papel ng larangan ng edukasyon bilang pangunahing kamay sa pagpapatupad ng anumang patakarang pangwika (Borlongan 75), na sa kaso ng Pilipinas ay ang pagpapalaganap ng wikang Ingles. Litaw ito sa ipinahayag ng isang Amerikano na sumulat ng:

As a practical matter the prevalence of English was foreordained. There was no need for the Americans to endeavor to force its recognition. All that was needed was to extend primary education in that language as rapidly as possible, turn out by hundreds of thousands young potential voters who understood English and not Spanish, and these young people could be relied upon to do the rest... Just as soon as the elective offices, executive and legislative, were filled by English-speaking Filipinos, there

Page 10: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

78 Malay Tomo XXVI Blg. 2

would be little doubt that they would take upon themselves the initiative of forcing the use of the English language upon the courts (Forbes 447; sipi kay Sibayan 224)

Dahil ang edukasyon ay nakikita ng maraming Pilipino bilang susi ng kaunlaran o pag-ahon sa kahirapan, natural na tendensiya na kilalanin ng mga mag-aaral ang halaga ng mga natutuhan sa paaralan. Ayon kay Peregrino (3), nagsisilbi ang edukasyon bilang “pandayan ng kaisipan at pagpapahalaga na sasalamin sa kultura at pagsasabuhay ng mga napag-aralan para sa kalinangan ng bayan.” Kadikit nito, salik ang wika sa paghubog ng kaisipan at pagpapahalaga ng kabataan. Kaya naman, sa pagsusulong ng wikang Ingles sa paaralan, na sinususugan ng iba pang institusyong panlipunan, hindi nakapagtatakang mahubog ang motibasyon at atityud sa mga mag-aaral na nagtatakda sa patuloy na pamamayani ng wikang Ingles kompara sa wikang Filipino at mga wika sa Pilipinas.

Konseptuwalisasyon

Sa ganap na pag-unawa sa paksa, mahalagang bigyang-pansin ang dalawang pangwikang motibasyon sa pagkatuto ng ikalawang wika na tinukoy nina Gardner at Lambert – ang motibasyong instrumental at ang motibasyong integratibo (Hoff 379). Tinutukoy sa motibasyong instrumental ang pagnanais na matutuhan ang wika tungo sa pagkamit ng mga praktikal na mithiin gaya ng pagkakaroon ng magandang trabaho at pagkaunawa sa mga aralin sa paaralan. Samantala, tinutukoy naman sa motibasyong integral ang kagustuhang matutuhan ang isang wika upang magkaroon ng kontak o maging bahagi ng komunidad na nagsasalita ng wikang ito. Ang motibasyong ito ang siyang itinuturing na higit na matagumpay sa pagkatuto ng wika (Gardner at Lambert; sipi kay Hoff 379).

Maaaring lumikha ang dalawang motibasyong nabanggit ng magkaiba, bagama’t magkaugnay, na atityud sa pagkatuto ng wikang nasasangkot.

Dayagram 2. Motibasyon at Atityud sa Pagkatuto ng WikaDayagram 2 . Motibasyon at Atityud sa Pagkatuto ng Wika

Pagkatuto

ng Wika

Motibasyong Instrumental

Motibasyong Integratibo

Atityud Atityud

B

[batay sa intensiyon]

A

[batay sa

pakiramdam]

C

[batay sa paniniwala]

A

[batay sa

pakiramdam]

B

[batay sa intensiyon]

C

[batay sa paniniwala]

Page 11: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

79Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas J. Petras

Sa pakahulugan ni Allport (sipi kay Garrett 19), ang “atityud” ay tumutukoy sa “natutuhang disposisyon ng pakiramdam (A-affective), kaasalan/intensiyon (B-behavioral), at pag-iisip/paniniwala (C-cognitive) sa isang tao o bagay.” Nasa ibaba ang biswal na representasyon nito:

Pagsasakonteksto

Mula sa hulmahang nailatag, mahalagang muling tingnan ang ilang literatura hinggil sa atityud at motibasyon sa pagkatuto ng wika ng mga Pilipino at siyasatin mula sa mga ito ang daynamiks ng pag-iral ng wikang Ingles, katambal ang wikang Filipino. Partikular na bibigyang-pansin ang mga pag-aaral na nabuo nina Borlongan noong 2009, Abalos nooong 2013, at Añonuevo noong 2013. Isinagawa sa mga mag-aaral sa mga tiyak na paaralan (50 mag-aaral sa isang pribadong unibersidad sa Maynila ang kay Borlongan; 121 mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo mula sa isang pribadong Katolikong kolehiyo sa Maynila ang kay Abalos; at 65 mag-aaral ng Psycholinguistics sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang kay Añonuevo), nakalap ang mga datos sa pamamagitan ng sarbey (Borlongan at Abalos) at repleksiyong papel (Añonuevo).

Mababakas sa mga pag-aaral ang mga motibasyon sa pagkatuto ng Ingles ng mga mag-aaral na nagbubunga ng kanilang atityud sa nasabing wika. Pinakamatingkad ang instrumental na motibasyon, kung saan litaw ang pamamayagpag ng Ingles bilang wikang ginagamit sa mga domeyn na may pragmatikong ugnay sa tagapagsalita nito: pangmadlang komunikasyon (radyo, telebisyon, at pahayagan), kulturang popular (magasin at komiks), Internet, hanapbuhay, teknikal na usaping gaya ng marketing at interest rates (Borlongan 89-94), at lalo’t higit sa paaralan at mga akademikong gawain (Abalos; Añonuevo 152). Mula rito, kagyat na maiuugnay ang positibong atityud sa pagkatuto ng wikang Ingles. Sa aspektong affective, matingkad ang pakiramdam na mabuti at benepisyal ang Ingles sa pang-araw-araw na transaksiyon. Sa katunayan,

sa pag-aaral ni Añonuevo (152), 12 sa 65 kalahok (18.46%) ang nagbanggit ng pagmamahal sa wikang ito at siyam (13.85%) ang nagnanais na maging mahusay sa nasabing wika. Maididikit sa ganitong pakiramdam ang lumabas sa sarbey ni Borlongan (89-94) hinggil sa preperensiyang (cognitive) palawakin ang pagtangkilik sa Ingles maging sa mga domeyn o sitwasyong kaswal at hindi karaniwang ginagamitan ng wikang ito gaya ng sa tahanan, pakikipag-usap sa katrabaho, pagbibigay ng kautusan, at sa malawakang pakikipag-ugnayan sa komunidad. Dahil sa instrumental na bisa ng wikang ito, makikita ang kagustuhan at kasalukuyang praktis (behavioral) sa ilang tahanan na unang ituro ang Ingles hindi lamang sa paglinang ng kasanayang pangwika sa mga bata kundi maging sa ibang kaanak sa loob ng tahanan (Borlongan 100). Kongkreto itong lumabas sa pag-aaral ni Añonuevo (152), kung saan 15 (23.08%) sa mga kalahok ang nagsabi na ang wikang Ingles ang kanilang itinuturing na unang wika. Ayon pa sa isang kalahok:

Base sa aking alaala, simula’t sapul ay Ingles ang aking ginagamit sa pagsasalita. Noong bata pa ako, sa Ingles ako kinausap ng aking mga magulang at kamag-anak. Ito ang wikang unang itinuro nila sa akin, at ang wikang narinig kong ginagamit nila. Halos hindi ko sila narinig mag-Filipino, sa totoo lang. (Añonuevo 152)

Sa unti-unting pagpasok ng Ingles sa mas malapit na ugnayan ng tahanan, na pinagtitibay pa ng paaralan simula sa murang edad ng bata, mababanaag ang pag-usbong ng integratibong motibasyon sa pagkatuto ng wikang ito, kasabay ng atityud na kailangan ang Ingles upang mapabilang sa iniinugang grupo (cognitive) gaya ng mga Ingleserong kabarkada o pakikipag-ugnayan sa labas ng bansa (Añonuevo 152). Gayunman, ang ganitong paniniwala ay hindi palagiang nakaangkla sa positibong pakiramdam (affective) at intensiyon (behavioral). Nakita ni Abalos na ang pagkatuto at paggamit sa Ingles ay nagbibigay ng pakiramdam na walang kasiguraduhan (84%), hindi masaya (75%),

Page 12: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

80 Malay Tomo XXVI Blg. 2

hindi optimistiko (74%) at hindi positibo (70%), kasama ang pagkahiya sa paggamit nito (47.9%), sa mga kalahok. Pangunahing itinuturo ng ganitong pakiramdam ang takot na nadarama ng mga mag-aaral na hindi bihasa sa Ingles na magkamali sa kanilang grammar at maging sanhi ng katatawanan at lalong hindi pagkakabilang sa grupo. Nagreresulta ito ng hindi pag-imik hangga’t hindi ganap na natututuhan ang Ingles.

Pagpapatuloy sa Pag-aaral

Bilang susog sa mga nasabing pag-aaral, nagpamahagi ng palatanungan ang mananaliksik sa 66 na mag-aaral ng kursong Filipino 40: Wika, Kultura, at Lipunan (unang semestre, akademikong taon 2013-2014) sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), Diliman. Ang mga kalahok ay mula sa dalawang klase at nasa kanilang una o ikalawang taon sa kolehiyo. Dahil bahagi ang Filipino 40 ng General Education Program ng UP Diliman, nagmumula rin sa iba’t ibang kurso ang mga mag-aaral na kumukuha nito. Ang talatanungan ay ibinigay sa mga unang linggo ng semestre upang maiwasang maimpluwensiyahan ng mga talakayan sa klase ang kasagutan ng mga kalahok.

Layunin ng talatanungan na alamin ang pananaw ng mga mag-aaral, hindi sa kanilang sarili (na naisagawa na sa iba pang pananaliksik), kundi sa mga tagapagsalita ng wikang Ingles at ang kabuuang implikasyon/epekto sa wikang Filipino ng pagtangkilik sa banyagang wika. Laman ng talatanungan ang sumusunod na katanungan:

1. Ano ang iyong pananaw sa mga Pilipinong gumagamit ng wikang Ingles?

2. Ano ang tingin mo sa mga Pilipinong “nagkakamali” (i.e. usapin ng gramar, pagbigkas) sa paggamit ng wikang Ingles?

3. Ano ang nakikita mong implikasyon o epekto sa wikang Filipino ng estado ng pagtangkilik sa wikang Ingles sa ating lipunan?

Sa unang tanong, hindi nagkakalayo ang nyutral na pananaw (e.g.“okay lang,” “normal,” “walang problema”) (n=29, 43.94%) at positibong pagtingin (n=28, 42.42%) sa mga taong may kakayahang gumamit ng wikang Ingles. Kaugnay ng positibong pananaw, pangunahing tinitingnan ang nakapagsasalita ng Ingles bilang edukado (n=12/28, 42.86%), na sinusundan ng pagiging matalino (n=5, 17.86%) at bukas sa maraming oportunidad (n=4, 14.29%). Siyam naman sa kabuuang bilang ng mga kalahok (13.64%) ang nagpahayag ng negatibong pananaw sa mga nagsasalita ng Ingles, kung saan pangunahing tinitingnan ang paggamit nito bilang kaartehan lamang (n=4/9, 44.44%).

Kung nakikita ang kakayahang magsalita ng Ingles bilang bagay na positibo, ang pagkakamali naman sa paggamit nito ay tinitingnan bilang negatibo (n=35, 53.03%). Pangunahing iniuugnay na katangian sa nagkakamali sa Ingles ang pagiging “trying hard” o pagpupumilit na magsalita nito kahit wala namang kakayahan (n=10/35, 28. 57%). Nagdudulot din ang pagkakamali ng iritasyon (n=4, 11.43%) o katatawanan (n=3, 8.57%) sa panig ng tagapakinig/kalahok. Dahil dito, may mga kalahok na nagmungkahi na nararapat mag-aral pa ng wikang Ingles (n=8, 22.86%) o “mag-Filipino na lang” kung sadyang hindi kaya (n=3, 8.57%) ang sinumang nagkakamaling magsalita ng Ingles.

Pagdating naman sa kasalukuyang pagtangkilik sa Ingles sa lipunan, 32 kalahok (48.48%) ang nagpahayag ng negatibong implikasyon nito sa wikang Filipino, na pinangungunahan ng posibleng pagkalimot sa pambansang wika (n=16/32, 50%) o kawalan ng kasanayan ng mga tao sa paggamit nito (n=5, 15.63%). Gayunman, mahalagang banggitin na 7 sa kabuuang bilang ng mga kalahok (10.61%) ang naniniwalang hindi matatabunan ang wikang Filipino ng wikang Ingles at sa halip, mahalaga na kapwa malinang sa mga Pilipino ang kasanayan sa mga wikang ito. Walo naman sa 66 kalahok (12.12%) ang kumikilala na kapwa mapauunlad ng dalawang wika ang isa’t isa kung ito ay maituturo nang tama, kasama ang pagpapahalaga sa mga ito.

Page 13: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

81Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas J. Petras

Pangkalahatang Diskusyon

Bagama’t nagkakaiba ang maaaring ibungang atityud sa wikang Ingles ng dalawang motibasyon, matingkad sa kasalukuyan ang ugnayan ng mga ito na nagpapatibay sa posisyon ng nasabing wika bilang higit na makapangyarihan kaysa sa wikang Filipino at sa mga katutubong wika sa Pilipinas. Nagtatakda ito ng hirarkiya na pinakamataas at class na wika sa lahat, kasama na ang tagapagsalita nito. Ayon kay Peregrino (4), ang ganitong pag-iisip ay maituturing na produkto ng “captive mind” na sa pagpapakahulugan ni Syed Hussein Alatas:

...is a product of higher institutions of learning, either at home or abroad, whose way of thinking is dominated by western thought and uncritical manner. It is fragmented in outlook. It is alienated from the major issues of society. It is alienated from its own national tradition. It is unconscious of its own captivity and the conditioning factors making it what it is. (Villacorta 59; sipi kay Peregrino 4)

Ang “captive mind” ay masasabing nakapag-aambag sa pagpapatuloy ng tinatawag sa Sikolohiyang Pilipino na “ kulelat syndrome” at “Dakilang Hating Kultural.” Nilinaw ni Maggay (4) na hindi “damaged culture” ang taglay ng mga Pilipino kundi ang pasuko o talunang disposisyong hatid ng “kulelat syndrome.” Ang ganitong kaisipan ay ipinunla ng kultural na dominasyong bunga ng kolonisasyon at nagpapatuloy sa “pangongolonisa sa ating sarili” sa pamamagitan ng misedukasyon. Nagbunsod ito ng mababang pagtingin sa sariling kultura at anumang nakapaloob dito habang idinadambana ang kulturang banyaga. Kaugnay nito, nagaganap ang “Dakilang Hating Kultural” na sa paliwanang ni Enriquez (22; Pe-Pua at Protacio-Marcelino 16):

Di lamang iba ang pagkain ng mahihirap, iyon ay kung kumakain sila, kundi iba rin ang kanilang libangan. Inaakala silang bakya o kulang sa sopistikasyon (ang bakya

ay tumutukoy sa sapin sa paa na uso sa mga masang Pilipino na hindi kayang bumili ng mamahaling sapatos). Sa katunayan meron silang sariling kultura at wika. Habang ang mayayaman ay nagsasalita ng Ingles at panaka-nakang nagsasambit ng salitang Pranses, ang masang Pilipino ay nagsasalita ng Pilipino o iba pang wikang rehiyonal.

Mula rito, mababanaag na isa ang wika sa lumilikha ng dambuhalang pagkakahating kultural bunga ng perspektibang elitista sa hirarkiya ng wika, kung saan Ingles ang namamayani. Nakikita ni Enriquez na hindi rehiyonalismo ang tunay na naghahati sa mga Pilipino kundi ang aspektong kultural na nilalahukan ng derogatoryong pagbabansag at pagkakahon sa sariling kultura (katutubo at makamasang kultura) ng mga Pilipinong ganap na nagpasakop sa kaisipang maka-Kanluranin bunga ng pagiging produkto ng umiiral na sistema ng edukasyon.

Gayunman, hindi maitatanggi na sa lipunang Pilipino sa kabila ng pamamayagpag ng kaisipang maka-Kanluranin na pinangungunahan ng wikang Ingles, mahalagang pagsimulan ang kaisipang lumabas sa pananaliksik na hindi namamatay ang wikang Filipino at gayundin, hindi tahasang kalaban ng wikang Ingles ang wikang Filipino at maging ang iba pang mga wikang rehiyonal sa Pilipinas. Maaaring maaninag mula sa batayang pananaw na ito ang posibleng katugunan sa mga usaping instrumental at integratibo ng mga umiiral na wika sa bansa. At sa pagpapatampok sa positibong pagtinging ito, isa sa mga mabisang sangkap ang maayos na pagpaplanong pangwika.

Tungo sa Sikolohikal na Pagdalumat sa Pagpaplanong Pangwika

Ayon kay Tollefson (ix), ang patakarang pangwika na esensiyal na bahagi ng pagpaplanong pangwika ay maaaring makatulong sa pag-unlad ng lipunan, wika, at kultura at maaari ding makapagpanatili ng hindi pagkakapantay-pantay sa katayuang sosyo-ekonomiko. Samakatuwid, maha l aga ang me t iku losong pagbuo , pagpapatupad, pagmomonitor at pagtatasa ng

Page 14: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

82 Malay Tomo XXVI Blg. 2

anumang patakarang pangwika upang masigurado ang pakinabang nito sa nakararami at hindi mauwi sa pagkakawatak-watak.

Kung ilulugar ito sa kaso ng mga patakarang nabuo kaugnay ng wikang Ingles sa Pilipinas, mapatutunayang malayo na ang tinahak sa ating kamalayan ng nasabing wika at hindi maitatatwang kadikit na ito ng kasaysayang pangwika ng bansa. Samakatuwid, kung nailatag ang mas malinaw na planong pangwika, higit na mapakikinabangan at hindi magiging sanhi ng pagkakahati-hati ang wikang ito. Ibig sabihin, nararapat ang paglulugar sa wikang Ingles bilang ikalawa o banyagang wika lamang sa ating bansa dahil sa kabila ng masigasig na pagtataguyod sa Ingles bilang wika ng edukasyon, mapapansing hindi ito umusad upang maiangat bilang wikang pambansa ng Pilipinas, dulot ng katotohanang hanggang sa kasalukuyang panahon ay hindi pa rin ito nagiging wika ng buhay ng maraming Pilipino. Ang paggigiit sa isang wikang banyaga sa kamalayan ng mamamayan ay pagdidiin lamang ng kaisipang talunan at patuloy na paghahati sa antas kultural.

Ang pag-alingawngaw ng Ingles, katalaban ng wikang Filipino at maging ng mga wika sa Pilipinas, bilang makapangyarihang wika sa iba’t ibang larangan, partikular ang edukasyon, ay patunay ng masalimuot, magulo at malabong paglalatag ng mga patakarang pangwika at pamamahala sa lipunan. Mailulugar ito sa usapin ng “unplanned language planning” na mahalagang isaalang-alang sapagkat umiiral ito kaalinsabay ng anumang pagpaplano. Ayon kay Baldauf (83), sa isang diglosikong sitwasyon, ang paggamit ng mga wika ay magbibigay-diin sa mahahalagang salik panlipunan at pampolitika. Kung ang isa sa mga wika ay pumapaloob sa pagpaplano, ang kaalaman sa isa pang wika ay esensiyal sa proseso. Samakatuwid, ang pagpapalano sa wikang Filipino ay mananatiling bigo kung hindi isasaalang-alang ang mga salik na kinasasangkutan ng Ingles. Sa kaso ng papel na ito, ang motibasyon at atityud sa paggamit ng wikang Ingles ay nararapat na ganap na makilala. Palagiang magkakaroon ng agam-agam sa Filipino kung sa pagpaplano

ay hindi ito tumutugon sa mga salik na malaon nang natugunan ng Ingles, halimbawa na lamang ay ang malinaw na pagbubuo, implementasyon, pagmomonitor at ebalwasyon ng mga probisyon sa Filipino sa usapin ng edukasyon partikular sa pananaliksik sa Agham at Matematika, at sa paggamit sa pamahalaan at maging sa negosyo. Hangga’t kombinyenteng ipinoposisyon ang Ingles sa mga nasabing larangan, mananatiling pabalat-bunga (“linguistic hypocrisy”) ang kagustuhan sa pagpapalaganap sa wikang Filipino.

Sa kabuuan, mahalaga ang matibay na pag-uugnayan ng mga ahensiyang pangwika sa Pilipinas, pangunahin dito ang Komisyon sa Wikang Fi l ipino bi lang ahensiyang pangunahing magtataguyod sa pambansang wika. Sa kapangyarihang taglay nito, ito ang nasa pinakamabisang posisyon upang pag-isahin ang iba’t ibang institusyong panlipunan na gumagamit at nagpapahalaga sa wika para sa pag-unlad ng bansa. Ang malinaw na pagbubuo, pagmomonitor, at ebalwasyon ng mga patakarang pangwika, hindi lamang sa makro kundi maging sa mikro at batayang lebel, na itinampok sa pag-aaral na ito, ay nararapat bigyang-pansin upang ganap na maitulak at mapahalagahan ang wikang Filipino, kadikit ng pagkilala sa pagkakapantay-pantay, kakanyahan at kalakasan ng mga wika sa Pilipinas.

MGA TALA

1 Sa nasabing panahon, naiposisyon na ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa simula nang hirangin ito ni Pangulong Manuel L. Quezon, batay sa rekomendasyon ng National Language Institute, sa kaniyang Executive Order No. 134 noong ika-30 ng Disyembre 1937.

2 Noong ika-14 ng Agosto 1991, sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104, nalikha ang Komisyon sa Wikang Filipino na nakapalialim sa Opisina ng Pangulo ng Pilipinas.

Sa Seksiyon 14 ng nasabing batas, nakapaloob ang mga kapangyarihan, gawain, at mga tungkulin ng Komisyon. Ang mga ito ay ang sumusunod:

a. magbalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas;

Page 15: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

83Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas J. Petras

b. maglagda ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang isakatuparan ang mga patakaran, mga plano at mga programa nito;

c. magsagawa o makipagkontrata ukol sa mga pananaliksik at iba pang mga pag-aaral upang isulong ang ebolusyon, pagpapaunlad, pagpapayaman at sa dakong huli’y istandardisasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas. Saklaw nito ang pagtitipon at pagsasaayos ng mga akda para sa posibleng paglalakip nito mula sa multilinggwal na diksyunaryo o ng mga salita, parirala, mga idiom, mga koteysyon, mga salawikain at iba pang mga wika na sa kasalukuyan ay karaniwang ginagamit o nakasama na sa lingua franca;

d. magpanukala ng mga patnubay at mga istandard para sa mga anyuing linggwistiko at mga ekspresyon sa lahat ng opisyal na mga komunikasyon, publikasyon, teksbuk at iba pang materyales sa pagbasa at pagtuturo;

e. ganyakin at itaguyod, sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo, mga grant at award, ang pagsulat at paglalathala sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas, ng mga obrang orihinal, pati na mga teksbuk at mga materyales na reperensya sa iba-ibang disiplina;

f. lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng pagsasaling-wika na gaganyak sa pamamagitan ng mga insentibo, magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas na mahahalagang akdang historical at tradisyong kultural ng mga grupong etnolinggwistiko, mga batas, resolusyon at iba pang mga akdang lehistalitbo, executive issuances, mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga dokumentong opisyal, mga teksbuk at mga materyales na reperensya sa iba-ibang disiplina at iba pang mga dayuhang materyales na maaaring ipasyang kinakailangan sa edukasyon at para sa iba pang mga layunin;

g. tawagan ang alin mang department, byuru, opisina, ahensya o alin mang kasangkapan ng Pamahalaan o ang alin mang pribadong entity, institusyon o organisasyon para sa kooperasyon at tulong sa pagtupad ng mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan nito;

h. mangasiwa, sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal ng mga pagdinig publiko, mga komperensya, mga seminar at iba pang mga talakayang panggrupo upang alamin at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas;

i. bumalangkas at maglagda ng mga patnubay, mga istandard at mga sistema para sa pagmomonitor at pagrereport ng tungkol sa pagganap nito sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal; at isumite sa Opisina ng Pangulo at sa Kongreso ang taunang progress report tungkol sa implementasyon ng mga patakaran, mga plano at mga programa;

j. humirang, sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na mga batas, ng mga opisyal at mga empleado nito at ng iba pang mga tauhang kakailanganin para sa mabisang pagganap

ng mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan nito; at itiwalag sila dahil sa malubhang kadahilanan;

k. organisahin at reorganisahin ang istruktura ng Komisyon, lumikha o bumuwag ng mga posisyon, o magpalit ng designasyon ng umiiral na mga posisyon upang matugunan ang nagbabagong mga kondisyon o kailanman at dumarating ang pangangailangan; sa pasubali, na ang naturang mga pagbabago ay hindi makaaapekto sa istatus ng mga nasa pwesto, ibaba ang kanilang mga ranggo, bawasan ang kanilang mga sahod o magresulta sa kanilang pagkatiwalag sa serbisyo; at

l. gampanan ang iba pang mga aktibidad na kinakailangan sa epektibong paggamit ng naturan sa unahan na mga kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan.

SANGGUNIAN

Abalos, Mark Arthur Payumo. “English Me, English Me Not: An Initial Study of Attitudes Towards Learning English Inside and Outside the Philippine Classroom.” The 11th Asia TEFL International Conference 2013. Ateneo de Manila University. 28 October 2013. Conference Presentation.

Almario, Virgilio S., ed. UP Diksiyonaryong Filipino. Quezon City: UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman and Anvil Publishing Inc., 2010. Limbag.

Añonuevo, Krupskaya M. “Kapamilya ko si Filipino, Kaibigan ko si Ingles: Metapora at Tema ng Pakikitungo sa Filipino at Ingles at Pagtingin sa Bilinggwalismo ng Kabataang Pilipino.” Diwa E-Journal 1.1 (November 2013): 144-161.Web. 27 January 2014.

Baldauf, Richard B. Jr. “‘Unplanned’ Language Policy and Planning.” Annual Review of Applied Linguistics 14 (1993/1994):82-89. JSTOR. Web. 18 October 2012.

Bautista, Ma. Lourdes S. “The Philippine English Corpus: Past, Present, Futures.” Issues and Trends in Applied Linguistic in the Philippines. Ed. Shirley N. Dita. Manila: Anvil Publishing, Inc., 2011. 172-178. Limbag.

Bernardo, Allan B.I. “English in Philippine education: Solution or problem?” Philippine English: Linguistic and Literary Perspectives. Eds. Ma. Lourdes S. Bautista and Kingsley Bolton. Manila: Anvil Publishing, Inc., 2009. 29-48. Limbag.

Bhatt, Rakesh M. “World Englishes.” Annual Review of Anthropology 30 (2001): 527-550. JSTOR. Web. 6 March 2012.

Page 16: Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa ... · wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud

84 Malay Tomo XXVI Blg. 2

Borlongan, Ariane Macalinga. “A Survey on Language Use, Attitudes, and Identity in Relation to Philippine English among Young Generation Filipinos: An Initial Sample from a Private University.” Philippine ESL Journal 3 (2009): 74-107. Limbag.

Constantino, Pamela C. “Pananakop at Pagpapasakop sa mga Wikang Pambansa sa Timog-Silangang Asya.” Filipino at Pagpaplanong Pangwika: Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL. Ed. Pamela C. Constantino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman, 2005. 303-313. Limbag.

Constantino, Reanato. The Miseducation of the Filipino. Quezon City: Foundation for Nationalist Studies, 1982. Limbag.

Ferguson, Gibson. Language Planning and Education. Edinburgh: Edinburgh University Press, 2006. Limbag.

Fishman, Joshua A. Advances in Language Planning. The Hague: Mauton, 1974. Limbag.

Galang, Rosita G. “Language Planning in the Philippine Education in the 21st Century: Toward Language-as-Resource Orientation.” Parangal Cang Brother Andrew. Eds. Maria Lourdes S. Bautista, Teodoro A. Llamzon, and Bonifacio P. Sibayan. Manila: De La Salle University Press, 2000. 267-276. Limbag.

Garrett, Peter. Attitudes to Language. UK: Cambridge University Press, 2010. Limbag.

Gonzales, Andrew B., FSC. Language and Nationalism: The Philippine Experience Thus Far. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1980. Limbag.

Hoff, Erika. Language Development. USA: Wadsworth, 2001. Limbag.

Kachru, Braj B. “Englishization and Contact Linguistics: Dimensions of the Linguistics Hegemony of English.” English and Language Planning: A Southeast Asian Contribution. Eds. Thiru Kandiah and John Kwan-Terry. Singapore: Times Academic Press, 1994. 19-49. Limbag.

Maggay, Melba P. Pagbabalik-Loob: Moral Recovery and Cultural Affirmation. Quezon City: Akademya ng Kultura at Sikolohiyang Pilipino and Institute for Studies in Asian Church and Culture, 1993. Limbag.

May, Kirk. The Baldwin Primer. New York: American Book, 1899. Limbag.

Melchers, Gunnel, and Philip Shaw. World Englishes, 2nd ed. London: Hodder Education, 2011. Limbag.

Nelson, Gerald, and Bas Aarts. “Investigating English around the World: The International Corpus of English.” The Workings of Language: From Prescriptions to Perspectives. Ed. Rebecca S. Wheeler. USA: Praeger Publishers, 1999. 107-115. Limbag.

Paz, Vina P. “Pagsusuri sa mga Programa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF): Tungo sa Pagbuo ng Isang Modelo ng Ebalwasyon sa Institusyonal na Pagpaplanong Pangwika.” Diss. University of the Philippines, Diliman, Quezon City, 2011. Limbag.

Pe-Pua, Rogelia and Elizabeth Protacio-Marcelino. “Sikolohiyang Pilipino: Pamana ni Virgilio G. Enriquez.” Binhi 1.1 (2002): 1-40. Limbag.

Peregrino, Jovy M. “Sikolohikal na Perspektiba sa Pagpaplanong Pangwika.” Unpublished Paper, 2005. Limbag.

Racelis, Mary and Judy Celine Ick, eds. Bearers of Benevolence: The Thomasites and Public Education in the Philippines. Manila: Anvil Publishing, Inc., 2001.Limbag.

Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. “Araling Pilipino/Pilipinolohiya/Philippine Studies sa Wikang Filipino: Mulang Lenteng Kolonyal Tungo sa Pagdadalumat mula sa Loob.” 8th ICOPHIL, Philippine Social Science Center, 24 July 2008. Unpublished Conference Paper, 2008. Quezon City. Limbag.

Santos, Vito C. and Luningning E. Santos. New Vicassan’s English Pilipino Dictionary. Pasig: Anvil Publishing, Inc., 1995. Limbag.

Sibayan, Bonifacio P. “The Role and Status of English vis-à-vis Filipino and Other Languages in the Philippines.” English and Language Planning: A Southeast Asian Contribution. Eds. Thiru Kandiah and John Kwan-Terry. Singapore: Times Academic Press, 1994. 218-241. Limbag.

Tollefson, James W., ed. Language Policies in Education: Critical Issues. New Jersey: Lawrence Erlbaum Associates, Publishers, 2002. Limbag.

Yoneoka, Judy. Englishes in Asia. 8 May 2002. Web. 20 January 2012. < http://www2.kumagaku.ac.jp/teacher/~judy/gyoseki/30AsianEnglish.doc>.