3
Mga Uri ng Tayutay: 1. Pagtutulad (simile) - ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa. Gumagamit ng mga salitang tulad ng, gaya ng, para ng, kawangis, atbp 2. Pagwawangis (metaphor) - katulad ng pagtutulad ngunit hindi ito gumagamit ng mga salita gaya ng sa pagtutulad. 3. Pagmamalabis (hyperbole) - lubhang nagpapalabis sa kalagayan ng tao, hayop, bagay at halaman 4. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) - maaari dito banggitin ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maaaring isang tao ang kumakatawan sa isang grupo 5. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. 6. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. 7. Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas. 8. Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang- ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin. 9 . Pagbibigay katauhan ( Personipikasyon ) - Pagsasalin ng mga katangian ng Tao sa mga karaniwang bagay. 10. Paglilipat- wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri 11. pagsalungat o epigram - ang mga salitang pinag-uugnay nito ay pinagsasalungatan sa kahulugan. 12. Pagpapalit tawag - Ito'y ang paggamit ng isang salita sa halip ng ibang salitang kaugnay nito 13. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. 14. Pagtatambis - ang tayutay na itoy bumabanggit ng mga bagay na magkakasalungat upang mapabisa at

Mga Uri Ng Tayutay

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino

Citation preview

Page 1: Mga Uri Ng Tayutay

Mga Uri ng Tayutay:

1. Pagtutulad (simile) - ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa. Gumagamit ng mga salitang tulad ng, gaya ng, para ng, kawangis, atbp2. Pagwawangis (metaphor) - katulad ng pagtutulad ngunit hindi ito gumagamit ng mga salita gaya ng sa pagtutulad.3. Pagmamalabis (hyperbole) - lubhang nagpapalabis sa kalagayan ng tao, hayop, bagay at halaman4. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) - maaari dito banggitin ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maaaring isang tao ang kumakatawan sa isang grupo5. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. 6. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. 7. Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.8. Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.9. Pagbibigay katauhan (Personipikasyon) - Pagsasalin ng mga katangian ng Tao sa mga karaniwang bagay. 10. Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri11. pagsalungat o epigram - ang mga salitang pinag-uugnay nito ay pinagsasalungatan sa kahulugan. 12. Pagpapalit tawag - Ito'y ang paggamit ng isang salita sa halip ng ibang salitang kaugnay nito13. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.14. Pagtatambis - ang tayutay na itoy bumabanggit ng mga bagay na magkakasalungat upang mapabisa at mangibabaw ang isang kaisipan.15. Pag uulit - Ang pag-uulit ng salita o parilala ay nakalilikha ng musika o ng isang padron na maganda ang dating sa tenga. Maaaring makatulong ito sa pagkakabisa sa tula o sa pagbibigay-diin sa isang konsepto o aksyon.16. Pagdaramdam (Exclamation) – ay nagsasaad ng di-pangkaraniwang damdamin, ginagamitan ng damdam (!) sa dulo ng pangugusap.

1. Pagtutulad : *sasakyang parang ipu-ipo sa bilis*babaeng parang pagong sa bagal 

Page 2: Mga Uri Ng Tayutay

2. Pagwawangis : *Siya'y langit na di kayang abutin nino man. *Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi. 

3. Pagmamalabis : *Pilit na binuhat ang sandaigdigan Upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.

4. Pagpapalit saklaw :*Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak*Ayaw kong makita ang mukha niya! 

5. Paghihimig :*Ang busina ng bus ang nangingibabaw sa kalye*Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong

6. Pag-uyam : *Kung anong iginanda mo siya namang ikinapangit ng ugali mo.*Bagay na bagay sa iyo ang damit na iyan, nagmumukha kang suman sa ibus. 

7. Pasukdol : *Tumilapon na sa pagkakalaglag ang dilim*Humagis na sa pagkakabagsak ang takipsilim

8. Pagtanggi : *Hindi sa ayaw ko siyang pasamahin ngunit puno na ang van.*Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.

9. Pagbibigay katauhan : *Tik-tak na orasan ay naghahabulan*Masayang umihip ang hanging amihan

10. Paglilipat wika : *Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.*Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor.

11. Pagsalungat : *Ang iyong kalakasan ang iyong kahinaan.

12. Pagpapalit Tawag : *Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.

13. Pagtawag : * O tukso! Layuan mo ako!

14. Pagtatambis : *  Nalulungkot ako sa pananalo mo Sa pagwawagi mo, hustisya’y natalo.

15. Pag uulit :* ipinanganganib ay baka mabigla, matuloy hiningang mapatid

16. Pagdaramdam : * Aking nadarama ang kapighatian 

Sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!