Click here to load reader
Upload
ivan-bendiola
View
228
Download
36
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Filipino
Citation preview
KOMUNIKASYONG VERBAL
KAHULUGAN
Ang sistemang berbal ay ang paggamit ng wika bilang paraan ng pagbabatid ng kahulugan at pagpapahayag ng ating iniisip at saloobin. Ito rin ang ginagamit natin upang lumikha at magpanatili ng magandang relasyon sa kapwa.
URI
1.Komunikasyong Intrapersonal
Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Sangkot dito ang pag-iisip, pag-alala at pagdama, mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan. Kapag ika'y napapabulong sa iyong sarili, ika'y nakikipagtalastasang intrapersonal. Ang uri ng Komunikasyong ito ang siyang pinakabatayan ng dalawa pang uri ng Komunikasyon.
2. Komunikasyong Interpersonal
Ito naman ay tumutukoy sa Komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o sa pagitan ng isang tao at maliliit na pangkat. Malaking bahagdan ng komunikasyon nagaganap sa ating lipunan ang nasa uring ito.Ang uri ng komunikasyong ito ang humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa.
3. Komunikasyong Pampubliko
Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao. Ang isang tagapagsalitang nagtatalumpati sa harap ng mga tagapakinig ay nakikipagtalastasang pampubliko. Ang mga midyang pangmasa tulad ng telebisyon, radio, pahayagan at pelikula ay nasa ilalim din ng uring ito.
4. Multi-Kultural
Ito ang komunikasyon na nasasangkutan ng mga kultura ng iba't ibang ispiker. Batay nga kay Fishman (1971), sa kanyang "Can Language be Planned" na kailanman ay hindi mapaghihiwalay ang kultura at wika kaya't lagi nang isaalang-alang ang kultura ng tagapagsalita.