Upload
trankhanh
View
328
Download
1
Embed Size (px)
Citation preview
1
2
Mga Nilalaman
1. Ang Krisis sa Langit ………………………….. 5
2. Ang Tinig sa Ilang ……………………………. 10
3. Pagharap sa Mesias …………………………... 15
4. Ang Pang-aaliw at Pangangalaga
ng Manlilikha ………………………… ………20
5. Nakatitig sa Kordero …………………………..25
6. Ibahagi sa Ating Kapuwa ……………………..31
7. Ang Pakikipagpunyagi ng Nalabi …………….36
8. Nakikipagtulungan sa Langit …………………41
9. Tinawagan Upang Maging Saksi ……………...46
10. Tumutulong sa mga Kaluluwa ………………52
11. Matiyagang mga Misyonero …………………57
12. Pangwakas na Tagumpay …………………....62
13. Ang Huling Mga Araw ng Sanlibutan ………67
14. Isang Sulyap ng Walang Hanggan …………..72
Mga Aralin Mula sa Biblia, isang programa para sa araw-araw na pag-aaral,
na batay lamang sa Biblia at Espiritu ng Hula na walang idinagdag na
opinyon. Ang mga sipi ay sinikap na mapaikli, upang maibigay ang maikli,
tuwirang mga kahulugan. Ang mga panaklong [ ] ay ginamit sa ilang
pagkakataon upang tiyakin ang malinaw, tamang kahulugan, at maayos na
pagbasa. Ang malawakang pag-aaral sa mga pinagkunan ng mga sipi ay
matapat na iminumungkahi.
3
Paunang Salita
Ang Mga Araling Pansabado Mula sa Biblia para sa susunod na kuwarter ay
kinapapalooban ng Ikalawang Bahagi ng pag-aaral ng Mga Kaalaman Mula sa Aklat
ni Isaias. Tulad ng ating nakita sa nakaraang kuwarter, sa mga pangitain ni Isaias ay
nahayag na tunay na kailangan nating maunawaan ngayon. Higit sa mga ito ay
patungkol sa mga huling araw ng kasaysayan ng planetang ito--at ang ilan sa mga ito
ay umaabot mula pa noong bago nilalang ang ating sanlibutan at hanggang
pagkatapos na ito’y muling likhain. Isang malawak, maluwang na kaalaman ang
matatamo sa pag-aaral ng mga sinulat ng pangunahing propetang ito!
Halimbawa, “sa Isaias 41 hanggang 45, lubos na ipinahayag ng Diyos ang
Kanyang layunin para sa Kanyang bayan, at ang mga kapitulong ito ay dapat na pag-
aralang may pananalangin. Ang Diyos ay hindi nagtuturo sa Kanyang bayan na humi-
walay mula sa Kanyang karunungan at hanapin sa tao ang karunungan.”--TM, p. 480.
“Ako’y tinagubilinan na ituon ang isipan ng ating bayan sa kapitulo 56 ng Isaias.
Ang kapitulong ito ay naglalaman ng mahahalagang aral para sa mga nakikibaka sa
panig ng Panginoon sa labanan ng mabuti at masama.”--RH, June 23, 1904.
“[Isa. 59:13-17sinipi.] Ang kalagayan ng sanlibutan bago ang unang pagparito ni
Kristo ay isang larawan ng sanlibutan bago ang Kanyang ikalawang pagparito.
Kaparehong kasamaan ang mananagana, si Satanas ay magpapakita ng kaparehong
kapangyarihan sa panlilinlang sa isipan ng mga tao. Kanyang pinagtatrabaho ang
kanyang mga bihasang mga kasangkapan, at pinagagalaw sila sa pinakamasidhing
pagkilos. Tinitiyak niya ang mga taong kawal niya na makisangkot sa huling
pakikibaka laban sa Prinsipe ng buhay, upang pabagsakin ang kautusan ng Diyos, na
siyang saligan ng Kanyang luklukan. Si Satanas ay gagawa gamit ang mga himala
upang patatagin sa mga tao ang paniniwala na ang kanyang pag-angkin ay totoo--ang
prinsipe ng sanlibutang ito, at siya ang magtatagumpay. Kanyang ibabaling ang
kanyang puwersa laban sa mga tapat sa Diyos, ngunit bagaman siya’y makakalikha
ng hapdi, kabalisaan, at pagdaing ng tao, hindi niya magagawang dumhan ang
kaluluwa. Maaari siyang lumikha ng kapighatian sa bayan ng Diyos tulad ng kanyang
ginawa kay Kristo, ngunit hindi niya magagawang ilagay sa kapahamakan ang isang
munting lingkod ni Kristo. Ang bayan ng Diyos sa huling mga araw na ito ay dapat
maghanda sa pagpasok sa matinding pakikibaka.”--4 SDA BC [E.G. White
Comments], p. 1153.
Kapalit ng kanyang buhay ang matapang na pagsasakatuparan ni Isaias ng
kanyang tungkulin sa panghuhula. Kabilang siya sa mga taong ‘nilagari…. At ang
lahat ng ito, na tumanggap ng mabuting dinig sa pamamagitan ng pananampalataya,
ay hindi pa natanggap ang pangako: Ang Diyos ay nagbigay sa atin ng mas mainam
na mga bagay, upang sila na hindi natin kasama ay hindi maging sakdal” (Heb. 11:37-
40.
“Gawin ninyo, mga kapatid, ang mga propeta, na nagsalita sa pangalan ng
Panginoon, na halimbawa ng pagdurusa ng kapighatian, at ng pagtitiis” (Sant. 5:10).
Na isaalang-alang ang dakilang paghihirap na kailangan upang ang mga hulang ito ay
maingatan para sa ating kaligtasan sa huling mga araw na ito, atin ngang pahalagahan
ang halaga ng mga ito at pakaingatan sa ating puso!
The General Conference Sabbath School Department
4
5
Leksiyon 1 Sabbath, Oktubre 1, 2016
Ang Krisis sa Langit
“Pahihintuin ko ang kahambugan ng papalo, at ibababa ko ang
katigasan ng kilabot” (Isa. 13:11).
“Ang tanggulan ni Satanas ay hindi magtatagumpay. Ang tagumpay ay
kasama ng mensahe ng ikatlong anghel. Kung paanong winasak ng Kapitan
ng Panginoon ang mga pader ng Jerico, gayon din ang tagumpay ng mga
sumusunod sa kautusang bayan ng Panginoon, at lahat ng mga lumalaban ay
matatalo.”--TM, p. 410.
Mungkahing Babasahin: Patriarchs and Prophets, pp. 33-43.
Linggo Setyembre 25
1. SINO NGA BA SI JESUS?
a. Ano ang dapat nating maunawaan tungkol sa papel ni Jesukristo sa
paglikha ng sansinukob at sa mga naninirahan dito? Juan 1:1-3; Col.
1:16; Heb. 1:1, 2.
“Ginawa ng Ama ang lahat ng nabubuhay sa langit sa panahon ng
paglikha sa pamamagitan ng Kanyang Anak.”--PP, p. 34.
b. Anong kaibahan ang nananatili sa pagitan ng lahat ng nilalang at ni
Kristo na siyang, sa pamamagitan ng pagpapasiya, naging
Tagapagligtas natin? Heb. 1:6-8, 13, 14; Luc. 1:30-35.
“Mula kay Jesus kinuha ang ating buhay. Nasa Kanya ang buhay na
orihinal--hindi hiram, hindi kinuha kanino man. Sa Kanya ay may bukal ng
buhay.”--RH, Aug. 6, 1914.
“Kung pag-uusapan ang Kanyang unang buhay, dinadala tayo ni Kristo
pabalik sa walang pasimulang mga panahon. Tinitiyak Niya sa atin na hindi
kailan man nagkaroon ng pagkakataon na Siya’y hindi naging kasama ng
walang hanggang Diyos.”--ST, Aug. 29, 1900.
6
Lunes Setyembre 26
2. ANG PAMAHALAAN NG LANGIT
a. Ano ang ilan sa mga katangian ng pamahalaan kung saan ang
Manlalalang ay palaging namamahala sa sansinukob? Awit 89:14;
Roma 7:12.
“Ang kautusan ng Diyos ay nariyan na bago pa nilikha ang tao. Ito’y
iniangkop sa kalagayan ng banal na mga nilalang; maging ang mga anghel ay
pinamamahalaan nito.”--ST, Apr. 15, 1886.
“Ang kautusan ng pag-ibig na siyang saligan ng pamahalaan ng Diyos,
ang kaligayahan ng lahat ng mga matatalinong nabubuhay ay nakabatay sa
sakdal na pagsunod sa mga dakilang prinsipyo ng katuwiran nito. Hinihingi
ng Diyos mula sa lahat ng Kanyang mga nilalang ang paglilingkod ng pag-
ibig--paglilingkod na mula sa paghanga sa Kanyang ugali. Hindi Siya
nalulugod sa napilitang pagsunod; at binibigyan Niya ang lahat ng kalayaan
ng kalooban, upang sila’y makapagbigay sa Kanya ng kusang paglilingkod.
“Hangga’t kinikilala ng lahat ng mga nilalang ang katapatan ng pag-
ibig, may sakdal na pagkakasundo sa buong sansinukob ng Diyos. Kagalakan
ng makalangit na hukbo na tuparin ang hangarin ng kanilang Manlilikha.
Nalulugod sila na ipakita ang Kanyang kaluwalhatian at ang Kanyang
kapurihan. At habang nangingibabaw ang pag-ibig sa Diyos, ang pag-iibigan
sa isat-isa ay matapat at di-makasarili. Walang bahid ng di-pagkakasundo sa
makalangit na kaayusan.”--PP, pp. 34, 35.
b. Ano ang palaging kaugalian ng di-nagkasala, banal na mga anghel kay
Kristo? Apoc. 5:11, 12. Ano din ang ipinahayag ng Ama, bilang Hari
ng Sansinukob, tungkol kay Kristo? Heb. 1:3-6.
“Ang Anak ng Diyos ay nakikibahagi sa luklukan ng Ama, at ang
kaluwalhatian ng Isang walang hanggan, walang pinagmulan ay nakapalibot
sa Kanila…. Sa harapan ng nagkakatipon na mga nananahan sa langit sinabi
ng Hari na walang sinoman kundi si Kristo lamang, ang Nag-iisang Anak ng
Diyos, ang lubos na makakapasok sa Kanyang mga layunin, at Siya’y
inatasang ipatupad ang makapangyarihang mga payo ng Kanyang kalooban.
Ang Anak ng Diyos ay isinagawa ang kalooban ng Ama sa paglikha ng lahat
ng hukbo sa langit; at sa Kanya, at gayon din sa Diyos, ang kanilang
pagsamba at katapatan ay nararapat. Kailangang gamitin ni Kristo ang
Kanyang banal na kapangyarihan, sa paglikha ng lupa at mga naninirahan
dito. Subalit sa lahat ng ito ay hindi Niya hinangad ang kapangyarihan o
pagtataas ng Kanyang sarili na labag sa plano ng Diyos, kundi itinaas ang
kaluwalhatian ng Ama at isinagawa ang Kanyang mga panukala ng
kagandahan at pag-ibig.”--Ibid., p. 36.
7
Martes Setyembre 27
3. ANG PAGPILI NG PINAHIRANG KERUBEN
a. Sa ilalim ng sagisag ng hari sa Tero, ano ang matututunan natin
tungkol kay Lucifer, ang pinahirang keruben, na naging Satanas, ang
kaaway? Eze. 28:11-15.
“Si Satanas ay minsang naging anghel na pinararangalan sa langit,
sumunod kay Jesukristo. Ang kanyang mukha ay maamo, nagpapakita ng
kaligayahan tulad ng ibang mga anghel. Ang kanyang noo ay mataas at
malawak, at nagpapakita ng dakilang katalinuhan. Ang kanyang anyo ay
sakdal. Siya noon ay marangal, napakaganda.”--1 SG, p. 17.
“Si Satanas noon ay tagapanguna sa mga mang-aawit ng langit. Siya ang
nagbibigay ng unang nota; at ang lahat ng mga anghel ay nakikiisa sa kanya,
at maluwalhating tunog ng musika ang umaalingawngaw sa buong kalangitan
bilang parangal sa Diyos at sa Kanyang mahal na Anak.”--1 SOP, p. 28.
b. Ano ang nagdala sa pagkakasala ni Lucifer? Eze. 28:17(unang bahagi).
“Unti-unti na si Lucifer ay nagpakabuyo sa pagnanasang itaas ang
sarili…. Bagaman ang lahat niyang kaluwalhatian ay mula sa Diyos, ang
makapangyarihang anghel na ito ay ibinilang itong pag-aari niya. Hindi
nasiyahan sa kanyang posisyon, bagaman iginagalang na pinakamataas sa
hukbo ng langit, siya’y nangahas na imbutin ang pagsamba na para lamang sa
Manlilikha. Sa halip na sikaping gawing pinakamataas ang Diyos sa mga
damdamin at katapatan ng lahat ng mga nilalang, sinikap niyang agawin ang
kanilang paglilingkod at katapatan. At sa pag-iimbot sa kaluwalhatian na
ibinigay ng Ama sa Kanyang Anak, ang prinsipe ng mga anghel na ito ay
nangarap ng kapangyarihan na para lamang kay Kristo.”--PP, p. 35.
k. Gaano kalakas na di-mapipigilan ang espiritu ng inggit at
paninibugho? Kaw. 27:4; 6:34. Anong nangyari nang ang Ama, ang
Anak, at ang mga anghel ay nagsubok na mangatwiran kay Lucifer?
“Ang pagpapasiya ni Lucifer na paglingkuran ang kanyang sarili sa halip
na ang kanyang Manlilikha ay gumising ng damdamin ng pagkabahala kapag
namamasdan ng mga naniniwala na ang kaluwalhatian ng Diyos ang dapat na
pinakamataas…. Subalit ang babala, na ibinigay ng walang kapantay na pag-
ibig at habag, ay gumising lamang ng espiritu ng paglaban. Pinahintulutan ni
Lucifer ang kanyang paninibugho kay Kristo na maghari, at lalong naging
masikap.”--Ibid., pp. 35, 36.
8
Miyerkules Setyembre 28
4. MAPANLINLANG NA PANDARAYA
a. Ano ang ipinakita ni Isaias tungkol sa kakaibang naangking ugali ni
Lucifer? Isa. 14:12-14.
“May kagalakang kinikilala ng mga anghel ang kataasan ni Kristo, at
nagpapatirapa ng kanilang sarili sa harapan Niya, na ibinubuhos ang kanilang
pag-ibig at pagsamba. Si Lucifer ay yumuyukong kasama nila, subalit sa
kanyang puso ay may kakaiba, malalim na pakikibaka. Ang katotohanan,
hustisya, at katapatan ay nakikipagpunyagi laban sa inggit at paninibugho….
Ang mataas na karangalang ipinagkaloob kay Lucifer ay hindi pinahalagahan
bilang natatanging kaloob ng Diyos, kung kaya hindi ito gumising ng pasasalamat sa kanyang Manlilikha. Siya’y nagluwalhati sa kanyang katalinuhan at
pagiging mataas at nangarap na maging kapantay ng Diyos.”--PP, pp. 36, 37.
b. Paano ang ugali ni Lucifer sumira sa langit? Sant. 3:16.
“Ang kataasan ng Anak ng Diyos na kapantay ng Ama ay lumitaw na
isang kawalan ng katarungan kay Lucifer, na nag-aangking may karapatan din
sa mataas na paggalang at parangal. Kung ang prinsipeng ito ng mga anghel
ay nanatili sa kanyang tunay, mataas na posisyon, malaking kabutihan sana
ang maidaragdag sa buong hukbo ng langit; sapagkat layunin niya na
mabigyan ng kalayaan ang lahat. Subalit ngayon maging ang kalayaang
kanilang tinatamasa ay nagwakas na; sapagkat ang isang ganap na Pinuno ay
itinakda sa kanila, at sa Kanyang kapangyarihan lahat ay dapat sumamba. Ito
ang mapanlinlang na pandaraya na sa pamamagitan ng mga pakana ni Lucifer
ay mabilis na natatamo sa hukuman sa langit.
“Walang pagbabago sa posisyon at kapangyarihan ni Kristo…. Marami
sa mga anghel ang nabulag ng panlilinlang ni Lucifer.
“Sinamantala ang mapagmahal, matapat na pagtitiwala na binibigay sa
kanya ng banal na mga anghel sa ilalaim ng kanyang pangunguna, may
katalinuhan niyang naitanim sa kanilang mga isipan ang kanyang sariling
kawalan ng tiwala at kawalan ng kasiyahan na hindi napapansin ng kanyang
mga kasamahan. Ipinakilala ni Lucifer ang layunin ng Diyos sa maling
liwanag--na inililigaw at dinadaya sila upang gisingin ang pagtutol at kawalan
ng kasiyahan. May katusuhan niyang inakit ang kanyang mga tagapakinig
upang ilabas ang kanilang mga damdamin; at kanyang inulit ang mga salitang
ito kapag magagamit niya ito sa kanyang layunin, bilang patunay na ang mga
anghel ay hindi lubos na sang-ayon sa pamahalaan ng Diyos…. Habang lihim
na naghahasik ng kaguluhan at paghihimagsik, may katusuhan niyang
pinalalabas na ang tangi niyang layunin ay palakasin ang katapatan at
panatilihin ang pagkakaisa at kapayapaan.
“Ang espiritu ng kawalan ng kasiyahan ay sumiklab.”--Ibid., pp. 37, 38.
9
Huwebes Setyembre 29
5. ANG BUNGA NG PAGHIHIMAGSIK
a. Nang ang manlilinlang na anghel sa wakas ay nakapaghasik ng
hayagang paghihimagsik sa langit, ano ang naging bunga? Apoc. 12:7-
9. Ano ang kanyang magiging wakas? Isa. 14:15-17.
b. Ano nga ba ang tunay na bagay na nakataya sa digmaan sa langit?
Awit 119:126.
“[Iniudyok ni Lucifer] ang pag-aalinlangan sa mga kautusan na
namamahala sa makalangit na mga nilalang, na sinasabing bagaman ang
kautusan ay kinakailangan para sa mga naninirahan sa mga sanlibutan, ang
mga anghel, dahil higit na mataas, ay hindi nangangailangan ng gayong mga
pagbawal, sapagkat ang kanilang sariling karunungan ay sapat na upang
maging gabay.”--PP, p. 37.
k. Anong naghayag sa sakdal na karunungan ng Diyos sa pagharap sa
krisis na ito? Hudas 6; 1 Cor. 6:3 (unang bahagi); Fil. 2:10, 11.
“Kung [si Satanas] ay agad na pinuksa, ang ilan ay maglilingkod sa
Diyos dahil sa takot kaysa sa pag-ibig. Ang impluwensiya ng manlilinlang ay
hindi lubusang masisira, ni ang espiritu ng paghihimagsik ay lubusang
mapapawi. Para sa ikabubuti ng buong sansinukob sa walang hanggang
panahon, dapat niyang lubos na palaugin ang kanyang mga prinsipyo, upang
ang kanyang mga paratang laban sa banal na pamahalaan ay makita sa tunay
nitong liwanag ng lahat ng mga nilalang, at upang ang hustisya at habag ng
Diyos at ang pagiging di-mababago ng Kanyang kautusan ay walang
hanggang maging malinaw na walang pag-aalinlangan.”--Ibid., p. 42.
Biyernes Setyembre 30
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Paano natin sasagutin ang ilang karaniwang maling pagkakilala
tungkol kay Kristo?
2. Bakit masasabi natin na ang pamahalaan ng Diyos ay timbang at
matuwid?
3. Ano ang ugat ng problema ni Lucifer?
4. Bakasin ang mga hakbang na kanyang nilakaran na sumira sa
matamis na pagkakasundo sa langit.
5. Bakit hindi nalang agad na pinuksa ng Diyos si Satanas?
10
Leksiyon 2 Sabbath, Oktubre 8, 2016
Ang Tinig sa Ilang
“Ang kanyang tinig na sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan
ng Panginoon, gumawa ng tuwid at maluwang na daan sa ilang para sa
ating Diyos “(Isa. 40:3).
“Ang ating gawain ng pagbabalita ng ikalawang pagdating ni Kristo ay
katulad ng kay Juan Bautista, ang tagapanguna ni Kristo noong unang
pagparito Niya. Dapat nating ipangaral sa sanlibutan ang mensahe, ‘Ang
dakilang araw ng Panginoon ay malapit na.’ ‘Maghanda kayo upang
salubungin ang Diyos.’ Dapat tayong gumawa higit kaysa sa ating nagawa
na.”--RC, p. 201.
Mungkahing Babasahin: Testimonies, vol. 8, pp. 9-13.
Linggo Oktubre 2
1. PAG-ASA PARA SA NANLULUPAYPAY
a. Ano ang isa sa pinaka kaibig-ibig na mga mensahe ni Isaias na
kanyang isinulat? Isa. 40:1, 2.
“Ang tipanang habag ng Diyos ay nagdala sa Kanya upang mamagitan
para sa kapakanan ng Kanyang bayang Israel matapos ang kanilang matinding
parusa sa harapan ng kanilang mga kaaway. Pinili ng Israel na lumakad sa
sarili niyang karunungan at katuwiran sa halip na sa karunungan at katuwiran
ng Diyos, at bilang bunga ang kanyang bansa ay nawasak. Pinahintulutan ng
Diyos na magdusa sila sa ilalim ng dobling pamatok, upang sila’y mapahiya
at magsisi. Subalit sa kanilang pangangalat at pagkabihag, ang mga Hudyo ay
hindi iniwan sa kalagayang walang pag-asa. Binigyan sila ng pag-asa, sapagkat
sa pamamagitan ng kahihiyang ito sila ay madadala sa paghahanap sa Panginoon.
Ang Diyos ay nagbigay kay Isaias ng mensahe para sa bayang ito: [Isa. 40:1, 2 sinipi].
“Nang ang mga hudyo ay nangalat mula sa Jerusalem, kabilang sa kanila
ang mga kabataang lalaki at babae na matatag tulad ng malaking bato sa
prinsipyo, mga lalaki at mga babae na hindi lumalakad sa gawain na ang
Panginoon ay mahihiyang tawagin silang bayan Niya. Sila ay nalulungkot sa
kanilang puso sa pagtalikod sa Diyos na hindi nila mahahadlangan. Ang mga
walang salang ito ay kailangang magdusa kasama ng mga nagkasala; subalit
palalakasin sila ng Diyos na sapat para sa kanilang araw. Para sa kanila kaya
pinadala ang mensahe ng pag-asa. Ang pag-asa ng bansa ay nakasalalay sa
mga kabataang lalaki at babaeng ito na nag-ingat ng kanilang dangal.”--4 SDA
BC [E.G. White Comments], p. 1144.
11
Lunes Oktubre 3
2. ISANG INIHULANG MENSAHERO
a. Sa anong paglalarawan inihula ni Isaias si Juan Bautista? Isa. 40:3;
Luk. 3:2-4. Sa anong diwa si Juan ay naging “isang tinig sa ilang”?
“May malaking gawaing itinakda kay propeta Juan, subalit walang
paaralan sa lupa kung saan maaari siyang pumasok. Ang kanyang pag-aaral
ay dapat matamo malayo mula sa mga siyudad, sa ilang.”--5 SDA BC [E.G.
White Comments], p. 1115.
b. Ano ang nagbibigay kakayahan kay Juan, tulad ni Isaias at Elias na
nauna sa kanya, na tumayong walang takot sa harapan ng mga tao sa
pagsasakatuparan ng kanyang gawain sa buhay? Isa. 33:17; 6:5.
“Si Juan ay hindi nakadama na sapat ang kanyang lakas upang tumayo sa
malakas na hila ng tukso na kanyang haharapin sa lipunan. Natakot siya na
baka ang kanyang ugali ay mahubog ayon sa laganap na mga kaugalian ng
mga Hudyo, at pinili niya ang ilang bilang paaralan, kung saan ang kanyang
isipan ay ganap na mahuhubog at madidisiplina mula sa dakilang aklat ng
kanilasan ng Diyos. Sa ilang, mas madaling tanggihan ni Juan ang kanyang
sarili at supilin ang kanyang panlasa, at magdamit ng ayon sa likas na
kasimplihan. At walang anomang bagay sa ilang ang aagaw ng kanyang
isipan mula sa pagbubulaybulay at panalangin. Si Satanas ay may daan tungo
kay Juan, kahit na isinara na niya ang bawat daanan ng kanyang
kapangyarihan kung saan siya ay maaaring pumasok. Subalit ang kanyang
kasanayan ay lubos na dalisay at natural na kaya niyang makilala ang kalaban,
at may malakas na espiritu at matatag na ugali upang labanan siya.”--Ibid.
“Sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu, [Si Juan] ay nag-aral ng
mga balumbon ng mga propeta. Sa araw at sa gabi, si Kristo ang kanyang
pinag-aaralan, ang kanyang binubulay, hangga’t ang isipan at puso at
kaluluwa ay mapuspos ng maluwalhating pangitain.
“Siya’y tumingin sa kagandahan ng Hari, at nawala sa paningin ang
kanyang sarili. Nakita niya ang kataasan ng kabanalan, at nakilala niya ang
kanyang sarili na walang kakayahan at di-karapatdapat. Mensahe ng Diyos
ang dapat niyang ipangaral. Sa kapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang
katuwiran siya’y dapat tumayo. Siya’y handa ng humayo bilang mensahero ng
Langit, hindi nasisindak sa tao, sapagka’t siya ay tumingin sa Diyos. Siya’y
makakatayong walang takot sa mga hari sa lupa, sapagkat may pangangatal
siyang yumuyuko sa harapan ng Hari ng mga hari.”--GW, p. 54.
12
Martes Oktubre 4
3. TINUTUWID ANG MALULUWANG NA DAAN
a. Paano binuod ng pantas na tao sa kasaysayan ang ating hulog na
kalagayan bilang tao? Ecle. 1:15. Gayon pa man, anong mensaheng
puno ng pag-asa ang dapat dalhin ni Juan Bautista, kaayon sa hula ni
Isaias? Isa. 40:4; Luc. 3:5.
“Bawat bagay na magagawa ng Diyos ay ginawa para sa kapakanan ng tao.
Bawat pangangailangan ay pinaghandaan; bawat kahirapan, bawat biglang
pangangailangan, ay tinustusan. Ang liku-likong mga dako ay ginawang
tuwid, ang magagaspang ay pinakinis, kung kaya walang sinoman ang magda-
dahilan sa panahon ng paghuhukom, kung inibig niya ang di-pagsampalataya
at linabanan ang paggawa ng Banal na Espiritu.”--FCE, p. 251.
b. Sa huling mga araw, paano natin dapat pahintulutan ang Banal na
Espiritu upang gumawa sa pamamagitan natin sa mga paraan na
hindi natin inisip na mangyayari? Isa. 40:5; Luc. 3:6.
“Binigay ng Panginoon [kay Juan Bautista] ang kanyang mensahe.
Lumapit ba siya sa mga saserdote at mga pinuno upang magtanong kung
maaari niyang ipangaral ang mensaheng ito?--Hindi, inilayo siya ng Diyos sa
kanila upang hindi siya maimpluwensiyahan ng kanilang espiritu at turo. Siya
ang tinig na sumisigaw sa ilang [Isa. 40:3-5 sinipi.] Ito ang mensahe na dapat
ibigay sa ating mga tao; malapit na tayo sa wakas ng panahon, at ang mensahe
ay, Linisin ninyo ang daan ng Hari; alisin ang mga bato; itaas ang pamantayan
para sa bayan. Ang mga tao ay dapat magising. Hindi na panahon ngayon
upang sumigaw ng kapayapaan at kaligtasan.”--1 SM, p. 410.
“Gawin ng mga may natatanging talento na gumawa para sa mga di-
mananampalataya sa matataas na dako at gayon din sa mabababang dako ng
buhay. Hanaping masikap ang mga napapahamak na kaluluwa….
“Paliwanagin ang inyong ilawan na panatilihin ang mga sinag upang
walang sinoman ang tatayo sa paghuhukom at sasabihin, ‘Bakit hindi ninyo sa
akin sinabi ang tungkol sa mga katotohanang ito? Bakit wala kayong
malasakit sa aking kaluluwa?’
“Maging masipag tayo sa pamimigay ng mga babasahin na maingat na
inihanda para sa mga wala pa sa ating pananampalataya. Gamitin natin ng
masikap ang bawat pagkakataon upang kunin ang pansin ng mga di-
mananampalataya. Bigyan natin ng babasahin ang bawat kamay na tatanggap
nito. Ating italaga ang ating sarili sa pangangaral ng mensahe, ‘Ihanda ninyo
ang daan ng Panginoon, ituwid ang mga maluluwang na daan sa ilang para sa
ating Diyos’ (Isa. 40:3)!... Ito na ang araw ng ating tungkulin.”--COS, pp.
189, 190.
13
Miyerkules Oktubre 5
4. ANG KAPAKUMBABAAN AY HINDI DAPAT MALIITIN
a. Anong pang-buong panahong prinsipyo ang nagpapakita kung paano
gagantimpalaan ng Diyos ng tagumpay maging ang pinakamaliit na
pagsisikap ng mga tapat na nagsisikap na isulong ang Kanyang
gawain? Zac. 4:9, 10.
“Ang daan ng sanlibutan ay nagsisimula sa karangyaan at pagmamataas.
Ang daan ng Diyos ay ginagawang pasimula ang araw ng maliliit na bagay ng
maluwalhating tagumpay ng katotohanan at katuwiran. Minsan sinasanay
Niya ang Kanyang mga manggagawa sa pagbibigay sa kanila ng kabiguan at
tila kamalian. Layunin Niya na sila ay masanay sa mga kahirapan….
“Kung panghahawakan nila ang pasimula ng kanilang pagtitiwala na
matibay hanggang wakas, paliliwanagin ng Diyos ang daan. Ang tagumpay ay
darating sa kanila habang sila’y nagpupunyagi laban sa mga kahirapan. Sa
harapan ng walang takot at di-nag-aalinlangang pananampalataya ni
Zerubabel, ang matataas na bundok ng kahirapan ay mapapatag; at siya na ang
kamay ang siyang naglatag ng patibayan, ang ‘kanyang kamay din ang tatapos
nito.’ ‘Kanyang dadalhin doon ang palatandaang bato na may pagsigaw,
Biyaya, biyaya ang sumakanya’ (Zac. 4:9, 7).”--PK, p. 595.
b. Sa pamamagitan ng anong mga paraan tayo ay makikipagtulungan sa
Diyos upang bigyang liwanag ang mga naninirahan sa madilim na
planetang ito? Zac. 4:6.
“Ang Panginoon ay gagawa sa huling gawain na ito sa paraang ibang-iba
sa karaniwang kalakaran ng mga bagay, at sa paraang salungat sa anomang
plano ng tao. Mayroon sa ating mga taong palaging nais panghawakan ang
gawain ng Diyos, magdikta kung anong mga kilusan ang gagawin habang ang
gawain ay sumusulong sa ilalim ng pangunguna ng anghel na nakiisa sa
ikatlong anghel sa mensaheng dapat ibigay sa sanlibutan. Ang Diyos ay
gagamit ng mga paraan kung saan makikita na hawak Niya sa Kanyang mga
kamay ang renda. Ang mga manggagawa ay magtataka sa mga simpling
paraan na Kanyang gagamitin upang tapusin at pasakdalin ang Kanyang
gawain ng katuwiran.”--TM, p. 300.
k. Paano ang mensaheng dapat nating dalhin naglalarawan ng unang
bahagi ng mensahe ni Juan Bautista? Mat. 3:2; Luc. 3:8-14.
“[Mat. 3:2 sinipi.] Ang kaparehong mensaheng ito, sa pamamagitan ng
babasahin mula sa ating mga palimbagan, ay dapat na ibigay sa sanlibutan
ngayon.”--7 T, p. 139.
14
Huwebes Oktubre 6
4. WALANG HIHIGIT KAY JUAN BAUTISTA
a. Ipaliwanag ang hangarin ng pagtuturo ni Juan? Mat. 3:4-12.
“Nangaral si Kristo ng mensahe na katulad ng ipinangaral ni Juan. [Mat.
4:17 sinipi.] Subalit habang si Juan ay nangangaral sa ilang, nagawa na ni
Kristo ang gawain sa mga tao. Upang maabot Niya ang mga makasalanan
saan man sila naroroon, pinalibutan Niya ang buong lahi ng Kanyang
mahabang makataong bisig, habang ang Kanyang makaDiyos na bisig ay
nakakapit sa luklukan ng Diyos, na idinudugtong ang tao sa Diyos, at pinag-
uugnay ang lupa sa langit.”--RH, Aug. 15, 1899.
b. Aling utos ang ipinakilala ni Juan sa harapan ni Herodes, at ano ang
naging bunga? Mar. 6:17-29. Ano ang sinabi ni Jesus tungkol kay Juan? Luc. 7:28.
“Si Herodes ay nasaktan habang nakikinig sa malakas, tuwirang nga
patotoo ni Juan, at sa malalim na interes siya’y nagtanong kung ano ang dapat
niyang gawin upang maging alagad niya. Alam ni Juan ang katotohanang
kanyang aasawahin ang asawa ng kanyang kapatid, habang ang asawa nito’y
buhay pa, at matapat na sinabi kay Herodes na hindi ito mabuti. Si Herodes ay
hindi handang gumawa ng anomang sakripisyo. Inasawa niya ang asawa ng
kanyang kapatid, at sa pamamagitan ng kanyang impluwensiya, ipinahuli si
Juan at binilanggo, ngunit plano din niya na pakawalan siya…. Di-nagtagal si
Juan ay pinugutan ng ulo, dahil sa impluwensiya ng asawa ni Herodes. Nakita
ko na ang pinakamapagpakumbabang mga alagad na sumunod kay Jesus, nakasaksi ng Kanyang mga himala, at nakarinig ng nakakaaliw na mga salita mula sa
Kanyang mga labi, ay dakila kaysa kay Juan Bautista; na sila ay higit na itinataas at
pinarangalan, at may higit na kasiyahan sa kanilang buhay.”--EW, pp. 154, 155.
Biyernes Oktubre 7
Personal na mga Katanungan Para sa pagbabalik-aral
1. Anong pag-asa ang iniaalok ng Diyos sa lahat na magpapasakop sa
Kanyang pamalo?
2. Ano ang dapat nating matutunan mula sa pagmamalasakit ni Juan sa
kanyang paligid?
3. Paano ang ating mga babasahin lubos na nakakatulong sa panahon
kung saan tayo ay nabubuhay?
4. Bakit gugulatin tayo ng Diyos sa paraan ng Kanyang pagpapaliwanag
sa sanlibutan?
5. Ano ang ilang mga bagay na matututunan natin mula sa buhay at
pagmiministeryo ni Juan Bautista?
15
Leksiyon 3 Sabbath, Oktubre 15, 2016
Pagharap sa Mesias
“Pakakainin niya ang kanyang kawan tulad ng isang pastor: iipunin
niya ang mga kordero sa kanyang bisig, at bubuhatin sila sa kanyang
kandungan, at marahang pangungunahan yaong mga may maliliit” (Isa.
40:11).
“Si Jesus ang Mabuting Pastor. Inaalagaan Niya ang kanyang mahina,
masakitin, naliligaw na tupa. Kilala Niya silang lahat sa pangalan. Ang
panglulupaypay ng bawat tupa at bawat kordero ng Kanyang kawan ay
kumikilos sa Kanyang puso ng nagmamalasakit na pag-ibig, at ang sigaw na
humihingi ng tulong ay nakakarating sa Kanyang tainga.”--5 T, p. 346.
Mungkahing Babasahin: Testimonies, vol. 5, pp. 629-635.
Linggo Oktubre 9
1. ANG KALAKASAN NG DIYOS AT ANG ATING KAHINAAN
a. Habang isinasaalang-alang natin ang ating plano para sa hinaharap,
ano ang dapat nating alalahanin? Isa. 40:6-8. Ano pang ibang paglala-
rawan ang nagpapakita din ng kadakilaan ng Diyos, at nagtuturo din
ng kaalamang mula sa siyensiya? Talatang 22 (unang bahagi).
“Sa panahong ito, bago ang dakilang krisis, tulad ng unang pagkagunaw
ng daigdig, ang mga tao ay lulong sa mga kalayawan at pagsunod sa panlasa.
Wiling-wili sa mga nakikita at pansamantala, nawala sa kanilang paningin ang
mga di-nakikita at walang hanggan. Para sa mga bagay na nasisira, kanilang
isinasakripisyo ang di-nasisirang mga kayamanan. Ang kanilang isipan ay
dapat maitaas, ang kanilang mga pananaw sa buhay ay dapat palawakin.
Dapat silang gisingin mula sa pagkakatulog sa makasanlibutang panaginip.
“Mula sa pagbangon at pagbagsak ng mga bansa ayon sa ipinaliwanag
sa Banal na Sulat, dapat nilang matutunan kung gaanong walang saysay ang
panglabas lamang at makasanlibutang kaluwalhatian. Ang Babelonya, sa
buong kapangyarihan nito at kagandahan, isang anyo na hindi pa nakita ng
ating sanlibutan--kapangyarihan at kagandahan na para sa mga tao sa
panahong iyon ay tila pangwalang-hanggan--lubusan itong naglaho! Tulad
‘ng bulaklak ng damo’ ito’y nawasak. Gayon din mawawasak ang lahat na
hindi Diyos ang saligan. Tanging ang mga nakaugnay lamang sa Kanyang
mga layunin at nagpapakita ng Kanyang ugali ang mananatili. Ang Kanyang prinsipyo ang siyang tanging matatag na bagay sa sanlibutang ito.”--Ed. p. 183.
16
Lunes Oktubre 10
2. ANG TANGING TUNAY NA DIYOS
a. Kung paanong si Isaias ay naghula sa matagumpay na pagpasok ni
Kristo sa Jerusalem, ano ang kanyang ipinahayag tungkol sa gawain
ng Mesias? Isa. 40:9-11.
“Ang mga katotohanan ng mensahe ng ikatlong anghel ay ipinangangaral
ng ilan bilang isang walang siglang teorya; subalit sa mensaheng ito ay dapat
ipangaral si Kristo na Isang Nabubuhay. Siya ay dapat ipahayag na una at
huli, bilang Ako Nga, ang Ugat at Anak ni David, at ang maliwanag at Tala sa
umaga. Sa pamamagitan ng mensaheng ito ang ugali ng Diyos kay Kristo ay
dapat ihayag sa sanlibutan.”--6 T, p. 20.
“Kay Kristo ay may kaamuan ng pastor, ang pagmamahal ng magulang,
at ang walang kapantay na biyaya ng mahabaging Tagapagligtas. Ang
Kanyang mga pagpapala ay ipinakikilala Niya sa pinaka-nakakaakit na mga
salita. Hindi Siya nasisiyahan na ipaalam lamang ang mga pagpapalang ito;
ipinakikilala Niya ito sa pinaka-nakakahalinang paraan, upang gisingin ang
pagnanasang makamtan ang mga ito. Gayon din ang Kanyang mga lingkod ay
dapat ipahayag ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng di-mabigkas na
Kaloob. Ang kahanga-hangang pag-ibig ni Kristo ay lulusaw at susupil sa
mga puso, habang ang pag-uulit lamang ng mga doktrina ay walang
maisasaktuparan…. Saysayin Siya sa mga tao ‘na Pinuno ng sampung libo,’ at
Siya na ‘lubusang kaibig-ibig’ (Awit ni Sol. 5:10, 16). Hindi ito kayang
saysayin ng salita lamang. Ipakita ito sa ugali at ipahayag sa buhay…. Sa
bawat-isa ang pag-ibig ni Kristo na mapagtiis, ang Kanyang kabanalan, kaamuan, habag, at katotohanan ay dapat mahayag sa sanlibutan.”--DA, pp. 826, 827.
b. Saan natin dapat hanapin ang kaligtasan, at bakit? Isa. 45:21, 22.
“Lumapit kay Jesus ng buong puso. Pagsisihan ang iyong mga
kasalanan, mangumpisal ka sa Diyos, iwanan ang lahat ng kasamaan, at
matatanggap mo sa iyong sarili ang lahat Niyang mga pangako.”--5 T, p. 634.
“Hindi ba itititig ng mga miyembro ng ating iglesia ang kanilang mga
mata sa napako sa krus at muling nabuhay na Tagapagligtas, kung saan ang
kanilang inaasahang walang hanggang buhay ay nakasentro? Ito ang ating
menshae, ang ating pangangatwiran, ang ating doktrina, ang ating babala sa
mga hindi nagsisisi, ang ating pampasigla sa mga nalulumbay, ang pag-asa ng
bawat mananampalataya. Kung magagawa nating gisingin ang interes sa
isipan ng mga tao upang ititig nila ang kanilang mga mata kay Kristo, maaari
na tayong tumabi, at sabihin lamang sa kanila na patuloy na ititig ang
kanilang mga mata sa Kordero ng Diyos. Natanggap na nila ang kanilang
aralin.”--6 SDA BC [E.G. White Comments], p. 1113.
17
Martes Oktubre 11
3. ISANG NAGPAPATULOY NA PAGKAKAISA
a. Paano inilarawan ng Panginoon ang Kanyang maibiging pag-aalaga sa
Kanyang mga anak? Isa. 49:15, 16; Mat. 12:50; Gal. 3:29. Paano natin
matitiyak na tayo ay kabilang sa mga anak na iyon?
“Sinomang nakikibahagi sa paghihirap at paghamak kay Kristo ngayon
ay makikibahagi sa Kanyang kaluwalhatian sa darating na panahon. Siya’y
‘hindi mahihiyang tawagin silang kapatid’ (Heb. 2:11). Ang Kanyang mga
anghel ay maglilingkod sa kanila. Ang Kanyang ikalawang pagdating ay
bilang Anak ng tao, kung kaya maging sa Kanyang kaluwalhatian ay
ipinapakilala ang Kanyang sarili bilang isang tao. Sa mga nakiisa sa Kanya,
Kanyang sinabi: ‘Malimutan man ng ina ang kanyang anak, “ngunit hindi Ko
kayo malilimutan. Narito, iniukit Ko kayo sa Aking mga palad” (Isa. 49:16).
Kayo ay mananatili sa harapan Ko.’…
“Ang pakikiisa kay Kristo sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya
ay magpapatuloy; ang ibang pagkakaisa ay mapapawi. Si Kristo ang unang
pumili sa atin, na binayaran ang walang kasing halagang bayad para sa ating
katubusan; at ang tunay na mananampalataya ay pinili si Kristo bilang una at
huli at pangunahin sa bawat bagay. Subalit ang pagkakaisang ito ay may
hinihingi sa atin. Ito’y pagkakaisa ng sukdulang pagtitiwala, na papasukin ng
isang papalong nilalang. Lahat ng bumubuo ng pagkakaisang ito ay dapat
makadama ng kanilang pangangailangan ng tumutubos na dugo ni Kristo.
Dapat na mabago ang kanilang puso. Dapat nilang isuko ang kanilang sariling
kalooban sa kalooban ng Diyos. Mayroong pakikibaka sa panlabas at panloob
na mga hadlang. Mayroong masakit na gawain ng pagtanggal at gayon din ng
pagkabit. Ang kapalaluan, pagkamakasarili, pagmamataas, pagkamaka-
sanlibutan--lahat ng uri ng kasalanan--ay dapat mapanagumpayan kung nais
nating pumasok sa pakikiisa kay Kristo. Ang dahilan kung bakit marami ang
nahihirapan sa buhay Kristyano, bakit sila’y pabagubago, paibaiba, ay
sapagkat ikinakabit nila ang kanilang sarili kay Kristo na hindi muna tinaggal ang kanilang sarili sa mga minamahal na mga diyusdiyusang ito.”--5 T, pp. 230, 231.
b. Habang isinusuko natin ang buong pagkatao sa gabay ng Mabuting
Pastor, anong katiyakan ang dumarating sa atin? Awit 36:7; 34:22.
“Siya na nagkatawang-tao ay nalalaman kung paano makiramay sa paghihirap ng
sangkatauhan. Hindi lamang nakikilala ni Kristo ang bawat kaluluwa, at ang naiibang
mga pangangailangan at mga pagsubok ng kaluluwang iyon, bagkus alam Niya lahat
ng mga pangyayari na nagpapahirap at nagpipighati sa espiritu. Ang Kanyang mga
bisig ay nakaunat na may kahabagan sa bawat nagdurusang anak. Yaong higit na
nagdurusa ay may higit na pakikiramay at habag. Dama Niya ang ating mga kahinaan,
at nais Niya na ating ilagak ang ating mga pagkabahala at kabalisaan sa Kanyang
paanan at iwanan ito doon.”--MH, p. 249.
18
Miyerkules Oktubre 12
4. PAGPAPATIBAY NG KAUTUSAN
a. Anong gawain ang nais ni Kristong gawin natin para sa mga kaluluwa
na nasa kadiliman? Isa. 42:5-7.
“Bilang isang bayan tayo ay dapat na mahikayat, mapabanal ang ating
buhay upang mangaral ng katotohanan na nakay Kristo. Sa gawain ng
pagpapalaganap ng ating mga babasahin, magsasalita tayo ng pag-ibig ni
Kristo mula sa mainit at tumitibok na puso. Tanging ang Diyos lamang ang
may kapangyarihan upang patawarin ang mga kasalanan; kung hindi natin
bibigkasin ang mensaheng ito sa mga hindi hikayat, ang ating kapabayaan ay
magbubunga ng kanilang kapahamakan. Ang pinagpala, nagliligtas ng
kaluluwa na mga katotohanan sa Biblia ay inilimbag sa ating mga babasahin.
Marami ang maaaring makatulong sa gawain ng pagbibinta ng ating mga
babasahin. Nananawagan ang Panginoon sa ating lahat na magsikap na
magligtas ng mga napapahamak na kaluluwa. Si Satanas ay gumagawa upang
dayain ang mga pinili, at ito na ang ating panahon upang gumawa na may
pagbabantay. Ang ating mga aklat at mga papel ay dapat maipaalam sa mga tao; ang ebanghelyo ng kasalukuyang katotohanan ay dapat ibigay sa ating mga
siyudad na walang pagkaantala. Hindi ba tayo gigising sa ating mga tungkulin?
“Kung ang buhay at mga aral ni Kristo ang ating pinag-aaralan, bawat lumilipas
na mga kaganapan ay magpapaliwanag ng isang talata para sa madiing talumpati.
Ganito ang Tagapagligtas nangaral ng ebanghelyo sa malalawak at maliliit na daan; at
habang Siya’y nagsasalita, ang maliit na pulutong na nakikinig sa Kanya ay
kumakapal sa isang malaking pulutong.”--9 T, p. 63.
b. Paano kinikilala ng Diyos ang Kanyang kautusan? Isa. 42:21. Ano ang
matututunan natin mula dito?
“Dapat tayong magsikap upang gisingin ang mga miyenbro ng iglesia, at yaong
mga hindi nagtatanyag, upang makita at sundin ang mga hinihingi ng kautusan ng
Langit. Dapat nating pagtibayin ang kautusang ito at igalang.”--2 SM, p. 403.
“Ang Isang nabubuhay na noon pa na nagsalita ng kautusan mula sa Bundok ng
Sinai, ay pumarito ngayon upang pagtibayin ito at igalang. Sa Kanyang sermon sa
Bundok Kanyang ipinaliwanag ang kautusan, na ipinapakita kung ano ang kahulugan
ng bawat alituntunin. Ang pag-iimbot ay ipinakita Niya na pagsamba sa diyusdiyusan,
ang pita ay pangangalunya, at ang galit ay pagpatay. Kanyang ipinakita ang pagiging
espirituwal ng kautusan, at ipinakita na ito’y umaabot sa bawat bahagi ng buhay.
“Sa harapan ng sansinukob ng langit, sa harapan ng mga nagkasalang anghel, at
sa harapan ng Kanyang mga iniligtas, ipinamuhay ni Kristo ang kautusan ng Diyos.
Sa pamamagitan ng Kanyang pinakamataas na pagsunod sa mga alituntunin nito,
Kanyang itinaas at ipinatupad ito….
“Kung paanong ipinamuhay ni Kristo ang kautusan sa pagiging tao, magagawa
din natin ito kung tayo ay hahawak ng malakas para sa kalakasan.”--ST, Mar. 4, 1897.
19
Huwebes Oktubre 13
5. INIINGATAN ANG ATING MGA MATA AT TAINGA
a. Ano ang nais ng Panginoon na gawin natin sa ating mga mata at
tainga? Isa. 42:19, 20. Bakit?
“Hindi nais ng Diyos na pakinggan natin ang lahat na ating mapapa-
kinggan, o tingnan ang lahat na makikita. Isang malaking pagpapala ang isara
ang mga tainga, upang hindi tayo makarinig, at ang mga mata, upang hindi
tayo makakita. Ang dapat na pag-isipan natin ay kung paano magkaroon ng
malinaw na paningin upang makilala ang ating sariling mga pagkukulang, at
ang matalas na tainga sa pakikinig sa lahat ng kailangang mga saway at
tagubilin, at baka sa hindi natin pakikinig at kapabayaan makalampas ang
mga ito at maging makakalimuting tagapakinig at hindi tagapagtupad ng
gawain.”--1 T, pp. 707, 708.
“Ang ating ipinapasok sa ating isipan at kaluluwa ay gumagawa ng
kaibahan. Maaari nating pahintulutang manahan ang ating isipan sa mga
kuwento ng pag-ibig at imahinasyon, at ano ang bunga nito sa atin? Ito’y
wawasak sa ating kaluluwa at katawan…. Nais nating magkaroon ng
kapangyarihan na magbibigay sa atin ng kakayahan na ipikit ang mga mata sa
mga tanawing hindi nagpapabanal, hindi nagpapadakila, hindi dumadalisay at
nagpapakinis sa atin; at panatilihin ang ating mga tainga na sarado sa bawat
bagay na ipinagbabawal ng Salita ng Diyos. Ipinagbabawal Niya sa atin ang
pag-aakala ng masama, pagsasalita ng masama, at maging ang pag-iisip ng
masama.”--OHC, p. 334.
b. Ano ang nais ng Diyos na titigan natin? Heb. 12:1, 2.
“Tayo’y tumitig kay Jesus at isaalang-alang ang kagandahan ng Kanyang
ugali, at sa pagtitig tayo ay mababago tungo sa katulad na anyo.”--Ibid.
Biyernes Oktubre 14
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Paano ang pagkaunawa ng ating pagiging mortal magbibigay sa atin
ng mas mainam na pananaw sa buhay?
2. Sa anong mga paraan masasabi natin sa iba ang tungkol kay Jesus at
ang Kanyang pag-ibig?
3. Ipaliwanag ang lalim ng tunay na pakikiisa kay Kristo.
4. Sa anong diwa na pinagtibay ni Kristo ang kautusan sa Kanyang mga
pangangaral at halimbawa?
5. Sa anong mga bagay dapat nating isara ang ating mga mata at tainga?
20
Leksiyon 4 Sabbath, Oktubre 22, 2016
Ang Pang-aaliw at Pangangalaga
ng Manlilikha
“[Ang lingkod ng Diyos] ay hindi manghihina ni manlulupaypay,
hangga’t kanyang itakda ang kahatulan sa lupa: at ang mga isla ay
maghihintay sa kanyang kautusan” (Isa. 42:4).
“Sa pag-aaral ng salita ng Diyos makikita natin na hindi tayo pinabayaan
sa ating mga kahinaan, sa ating pag-aalinlangan, at walang pagkakataon na
malubog sa panlulupaypay. Pag-usapan ang pananampalataya; gumawa sa
pananampalataya. Linangin ang pananampalataya na gumagawa sa
pamamagitan ng pag-ibig at nagdadalisay ng kaluluwa.”--RH, May 19, 1896.
Mungkahing Babasahin: The Ministry of Healing, pp. 29-43.
Linggo Oktubre 16
1. ISANG HUWARAN PARA SA ATIN
a. Saan tayong lahat hinihimok ng Diyos Ama na tumitig--at bakit? Isa.
42:1.
“Si Jesus ang bukal ng nagpapagaling na habag para sa sanlibutan; at sa
pamamagitan ng lahat ng mga taon na nahiwalay Siya sa Nazareth, ang
Kanyang buhay ay dumaloy ng pakikiramay at pagmamahal. Ang matanda,
ang nalulumbay, at ang nabibigatan sa kasalanan, ang mga batang naglalaro sa
kanilang masayang kamusmusan, ang maliliit na nilalang sa gubat, ang
matiising hayop na maypasan--lahat ay napapasaya ng Kanyang presensiya.
Siya na sa kapangyarihan ng salita ay nagtutustos ng mga daigdig ay bumaba
upang gamutin ang nasugatang ibon. Walang bagay na hindi Niya napapansin,
walang anomang bagay ang hindi Niya pinaglingkuran. “At habang Siya ay lumalaki at nagkakaisip, si Jesus ay lumago sa kaluguran
ng Diyos at ng tao…. Ang kapaligiran ng pag-asa at kalakasan na pumapalibot sa
Kanya ay pagpapala para sa bawat tahanan….
“Siya ay nabuhay upang paluguran, at parangalan, at luwalhatiin ang Kanyang
Ama sa karaniwang mga bagay ng buhay. Ang Kanyang gawain ay nagsimula sa
pagtatalaga sa mababang negosyo ng isang manggagawa na nagpapagod para sa
kanilang pagkain araw-araw. Siya ay naglilingkod sa Diyos habang nasa upuan ng
karpentero tulad din ng Siya’y gumagawa ng mga himala para sa karamihan. At
bawat kabataang sumusunod sa halimbawa ni Kristo ng katapatan at pagsunod sa
Kanyang simpling tahanan ay maaaring hingin ang salitang Kanyang binigkas,…
‘Narito ang Aking Lingkod; na Aking inaalagaan; Aking Pinili, na kinalulugdan ng
Aking kaluluwa’ (Isa. 42:1).”--DA, p. 74.
21
Lunes Oktubre 17
2. ANG KAKAIBANG PUNONG GURO
a. Ano ang ibig sabihin ng hula ni Isaias tungkol sa tinig ni Jesus? Isa.
42:2.
“Ang tinig ni Kristo ay hindi narinig sa daan, sa maingay na
pakikipagtalo sa mga lumalaban sa Kanyang doktrina. Hindi rin narinig ang
Kanyang tinig sa daan na nananalangin sa Kanyang Ama, upang marinig ng
mga tao. Ang Kanyang tinig ay hindi narinig sa masayang tawanan. Hindi
narinig ang Kanyang tinig upang itaas ang sarili, at upang magtamo ng papuri
at pambobola ng mga tao. Kapag nangangaral, inilalayo Niya ang Kanyang
mga alagad sa maingay at magulong siyudad tungo sa tahimik na lugar na
higit na angkop sa mga aral ng kapakumbabaan, kahabagan, at kagalingan, na
nais Niyang ikintal sa kanilang isipan. Itinakwil Niya ang papuri ng tao at
pinili ang malayo at tahimik na pahingahan kaysa sa maingay at magulong
buhay ng tao. Ang Kanyang tinig ay madalas na naririnig sa taimtim, masikap
na pagsusumamo sa Kanyang Ama; at para sa mga gawaing ito pinili Niya
ang tahimik na bundok, at madalas na gumugugol ng buong gabi sa
panalangin para sa lakas na magbibigay sa Kanya ng kakayahan sa ilalim ng
mga tukso na Kanyang haharapin, at upang isakatuparan ang mahalagang
gawain na dapat Niyang gawin para sa kaligtasan ng tao. Ang Kanyang mga
pagsusumamo ay masikap at may kasamang malakas na pagtangis at pagluha.
At sa kabila ng gawain ng kaluluwa sa gabi, hindi Siya tumitigil sa paggawa
sa araw. Sa umaga Siya ay nagpapatuloy sa Kanyang gawain ng kahabagan at
di-makasariling kawang-gawa.”--2 SOP, pp. 30, 31.
“Kabaliktaran sa mga guro sa Kanyang panahon ang paraan ng
Tagapagligtas sa gitna ng mga tao. Sa Kanyang buhay ay walang maingay na
pagtatalo, walang marangyang pagsamba, walang gawaing humihingi ng
papuri, ang makikita. Ang Mesias ay dapat maikubli sa Diyos, at ang Diyos
ay dapat na mahayag sa ugali ng Kanyang Anak.”--PK, p. 693.
b. Ano ang sinabi ng mga nakarinig sa mga salita ni Jesus tungkol sa
paraan ng Kanyang pananalita? Juan 7:46.
“Si Jesus ang ating halimbawa. Ang Kanyang tinig ay parang musika, at
hindi tumataas, nasisintunado habang Siya’y nagsasalita sa mga tao. Hindi
Siya nagsalita ng napakabilis na ang Kanyang mga salita ay magkakapatong-
patong at mahirap na maunawaan. Malinaw Niyang binigkas ang bawat
salita.”--RH, Mar. 5, 1895.
“[Ang mga alagad sa silid sa itaas] ay nakita ang mga kamay at paa na
may bakas ng mga pako. Nakilala nila ang Kanyang tinig, na hindi pa nila
narinig sa kanino man.”--DA, p. 803.
22
Martes Oktubre 18
3. ABUTIN ANG MGA IBA
a. Ano pa ang inihula ni Isaias tungkol kay Jesus? Isa. 42:3. Ano ang
kabilang sa gawain ng Panginoon? Juan 10:16; Mat. 12:20, 21.
“Ang iglesia ay hindi naturuan ng tama upang gumawa sa labas ng
kanilang mga nasasakupan. Maraming tao sa labas ng iglesia ang nabigyan
sana ng liwanag, at malaking liwanag sana ang nadala sa iglesia, kung ang
bawat miyembro sa bawat bansa, na nagtatanyag na taglay ang mataas na
liwanag ng katotohanan, ay gumawang may puso at kaluluwa at tinig upang
dalhin ang mga kaluluwa sa katotohanan. Kakaunti ang ginagawa ng mga
miyembro ng iglesia para sa mga nangangailangan ng liwanag, ng mga nasa
labas ng iglesia ng Adventista…. Binaggit na ng Panginoon ang tungkulin ng
bawat kaluluwa. Sa paghuhukom walang sinoman ang magkakaroon ng
dahilan sa hindi pagganap sa tungkulin.”--TM, pp. 127, 128.
“Sa puso ni Kristo ang tanging nakababalisa ay ang tawag ng saklolo.
Ang dukha, ang maysakit, ang wasak, ang itinakwil, ang nanlulupaypay, ang
nawawalan ng pag-asa, ay nakakasumpong sa Kanya ng mahabaging
Tagapagligtas, isang Makapangyarihang Manggagamot…. Ipinakilala ni
Kristo ang Kanyang interes sa mga nagdurusang tao, at sinabi Niya sa atin na
anoman ang ating gawin upang tulungan ang isang naghihirap, ginagawa natin
ito para sa Kanya.”--MM, p. 121.
b. Para sa anong layunin si Jesus ay pumarito sa sanlibutan? Juan 3:17.
Ano ang nagpapakita ng Kanyang pagtitiis sa mga makasalanan?
“Nang si Judas ay sumali sa mga alagad, nadarama niya ang kagandahan
ng ugali ni Kristo. Nadarama niya ang impluwensiya ng banal na
kapangyarihan na umaakit ng mga kaluluwa tungo sa Tagapagligtas. Siya na
pumarito hindi upang putulin ang nasugatang tambo o patayin ang umuusok
na halamang flax ay hindi itataboy ang kaluluwang ito habang may iisang
layunin na umaabot tungo sa liwanag. Nababasa ng Tagapagligtas ang puso ni
Judas; alam Niya ang lalim ng kasamaan kung saan, malibang mailigtas ng
biyaya ng Diyos, si Judas ay lulubog. Nang iniugnay ang taong ito sa
Kanyang sarili, inilagay Niya siya kung saan, araw-araw, makakaugnay sa
bukal ng Kanyang di-makasariling pag-ibig. Kung bubuksan niya ang
kanyang puso kay Kristo, papawiin ng banal na biyaya ang kasamaan ng
pagkamakasarili, at maging si Judas ay magiging layunin ng kaharian ng
Diyos.”--DA, p. 294. “Si Jesus ay sabik sa kaluluwa ni [Judas]. Nadarama Niya para sa kanya ang
pasanin tulad ng para sa Jerusalem nang Siya ay umiyak sa isinumpang siyudad. Ang
Kanyang puso ay umiiyak, paano kita pababayaan? Ang humihimok na kapang-
yarihan ng pag-ibig na iyon ay nadama ni Judas.”--Ibid., p. 645.
23
Miyerkules Oktubre 19
4. ISANG HINDI NAGKUKULANG NA SAKLOLO
a. Ano ang ugali ni Jesus sa mahirap na mga kalagayan, at paano
makakatulong sa atin ang halimbawang ito? Isa. 42:4.
“Abot [ni Jesus] ang kalaliman ng kaabahan at kahirapan ng tao, upang
sagipin ang tao kapag nasumpungan Niya ito, isang taong puno ng kasiraan,
nalulong sa bisyo, puno ng kasalanan, at kasama ni Satanas sa pagtalikod sa
Diyos, at itinataas Niya ito sa upuan ng Kanyang luklukan. Subalit isinulat
tungkol sa Kanya na ‘hindi Siya manghihina ni manlulupaypay,’ at Siya’y
humahayo sa daan ng pagtanggi sa sarili at pagpapakasakit sa sarili, na
binibigyan tayo ng halimbawa upang sundan natin ang Kanyang mga yapak.
Dapat tayong gumawa tulad ni Jesus, na humiwalay sa ating sariling
kaluguran, lumayo sa pangsusuhol ni Satanas, itakwil ang kagaanan, at kasuk-
laman ang pagkamakasarili, upang ating mahanap at mailigtas ang nawaglit,
na dalhin ang mga kaluluwa mula sa kadiliman tungo sa liwanag, sa sikat ng
pag-ibig ng Diyos. Tayo ay inatasan na humayo at ipangaral ang ebanghelyo
sa bawat nilalang. Dapat nating dalhin sa nawaglit ang mga balita na si Kristo
ay nagpapatawad ng kasalanan, nagbabago ng likas, dinadamtan ang kaluluwa
ng Kanyang katuwiran, dinadala ang makasalanan sa Kanyang tamang isipan,
at tinuturuan siya at iniaangkop bilang kamanggagawa ng Diyos.”--FCE, p. 199.
b. Anong katiyakan ang dumarating sa lahat na nagsisikap na gumawa
para sa Diyos sa kanilang lugar? Isa. 40:30, 31.
“Kahangahanga ang mga tungkulin sa harapan ng mga kabataan na
panghawakan ang mga pangako ng Salita ng Diyos. Bahagyang mauunawaan
ng isipan ng tao ang espirituwal na mga layunin na maaari nilang marating
habang sila’y nagiging kabahagi ng banal na likas. Araw-araw ay itinutuwid
ang mga kamalian at nagtatamo ng mga tagumpay, sila’y lumalago tungo sa
matalino, malakas na mga lalaki at babae kay Kristo….
“Ang taong naghihintay sa Panginoon ay malakas sa kanyang kalakasan,
sapat ang lakas upang humawak ng matibay sa ilalim ng matinding bigat.
Subalit madali siyang pakiusapan sa panig ng awa at habag, na siyang panig
ni Kristo. Ang kaluluwang nagpapasakop sa Diyos ay handang gawin ang
kalooban ng Diyos; siya ay masikap at mapagpakumbabang hinahanap ang
kaloobang iyon. Tumatanggap siya ng disiplina, at natatakot na lumakad sa
kanyang sariling pagpapasya. Siya’y nakikipag-usap sa Diyos, at ang kanyang
pakikipag-usap ay sa langit.
“Nakaugnay sa Diyos, ang tao ay nagiging kabahagi ng banal na likas.
Sa kanya ay walang bisa ang mga sibat ng masama; sapagkat nadadamtan siya
ng sandata ng katuwiran ng Kristo.”--ML, p. 277.
24
Huwebes Oktubre 20
5. NAPAKADAKILA NG DIYOS NA ATING PINAGLILINGKURAN
a. Ano ang sinabi sa atin ni Isaias tungkol sa kapangyarihan ng Diyos?
Isa. 40:26-29.
“Sa awit ng mga ibon, ang buntong-hininga ng mga puno, at ang musika
ng dagat, naririnig pa rin natin ang Kanyang tinig na nakipag-usap kay Adan
sa Eden sa kulimlim ng araw. At samantalang nakikita natin ang Kanyang
kapangyarihan sa kalikasan nakakasumpong tayo ng kaginhawahan, sapagkat
ang salita na lumalang ng lahat ng bagay ang nagsasalita ng buhay sa
kaluluwa. Siya ‘na nag-utos sa liwanag na sumikat mula sa kadiliman, ay
sumisikat sa ating puso, upang magbigay ng liwanag ng kaalaman sa kaluwal-
hatian ng Diyos sa mukha ni Jesukristo’ (2 Cor. 4:6).”--DA, pp. 281, 282.
“Ang mga bituin din ay may mensahe ng kagalakan para sa bawat tao. Sa
mga oras na dumarating sa lahat, kapag ang puso ay humina at mabigat ang
dumarating na tukso; kapag ang mga hadlang ay tila di-kayang lampasan, ang
hangarin ng buhay ay imposibling maabot, ang malinaw na pangako ay tulad
ng mga mansanas sa Sodoma; saan nga ba, ang gayong kalakasan at katatagan
masusumpungan tulad ng naroon sa aralin na iniutos sa atin ng Diyos na pag-aralan ang mga bituin at ang kanilang walang kabalisaang pagkilos?”--Ed, p. 115.
b. Habang pinag-aaralan natin ang kadakilaan ng Diyos, sa anong
gawain dadalhin tayo nito? 1 Sam. 12:24; Mar. 5:19; Awit 31:19.
“Ang punong-kahoy sa disyerto ay sagisag ng sinasabi ng Diyos na
buhay ng Kanyang mga anak sa sanlibutang ito. Sila’y patnubay para sa
pagod na mga kaluluwa, puno ng kabalisaan, at handa ng mapahamak sa
disyerto ng kasalanan, tungo sa buhay na tubig.”-- Ibid., p. 116.
Biyernes Oktubre 21
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Paano gaganapin ng mga Kristyano--kabilang ang mga kabataan--ang
Isaias 42:1 sa kanilang araw-araw na buhay?
2. Ano ang nagpapaging kakaiba mula sa sanlibutang ito ang paraan ng
pagtuturo ni Kristo?
3. Paano natin masusundan ang halimbawa ni Kristo sa pagtulong sa
mga nasa labas ng iglesia?
4. Habang tayo’y lumalago sa karunungan, ano ang dapat nating gawin
araw-araw?
5. Anong aral ang matututunan natin mula sa mga bituin?
25
Leksiyon 5 Sabbath, Oktubre 29, 2016
Nakatitig sa Kordero
“Siya’y sinugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y binugbog
dahil sa ating mga kasamaan: ang parusa para sa ating pakikipag-
payapaan ay ipinataw sa kanya; at sa kanyang mga latay tayo ay
gumaling” (Isa. 53:5).
“Tumingan ka, O tumingin ka sa krus ng Kalbaryo; titigan mo ang
marangal na handog na nagdurusa dahil sa ating kasalanan.”--TMKH, p. 65.
Mungkahing Babasahin: Testimonies, vol. 2, pp. 200-215.
Linggo Oktubre 23
1. ANG DILA NG GURO
a. Paano tayo mangungusap sa iba tulad ng ginawa ni Jesus? Isa. 50:4, 5.
“Likas sa atin ang mapagpahalaga sa sarili at matigas sa sariling opinyon.
Ngunit kapag natutunan natin ang mga aral na nais ni Kristong ituro sa atin,
tayo ay nagiging kabahagi ng Kanyang likas; mula ngayon ating ipinamu-
muhay ang Kanyang buhay. Ang kahanga-hangang halimbawa ni Kristo, ang
walang kapantay na kaamuan kung saan Siya ay pumasok sa damdamin ng
iba, na tumatangis kasama ng mga umiiyak, nakikisaya sa mga nagagalak, ay
dapat magkaroon ng malalim na impluwensiya sa ugali ng lahat na sumu-
sunod sa Kanya ng tapat….
“Lahat ng nakapalibot sa atin ay nagdadalamhating mga kaluluwa. Dito
at doon, sa bawat dako, masusumpungan natin sila. Hanapin natin ang mga nagdurusang ito at mangusap ng salita na napapanahon upang aliwin ang kanilang
puso. Dapat tayong maging mga daluyan ng nagpapanariwang tubig ng kahabagan.
“Sa lahat ng ating nakakasalamuha ay dapat alalahanin na sa karanasan
ng iba ay may mga kabanatang hindi nakikita ng mata ng tao. Sa mga pahina
ng alaala ay may malulungkot na kasaysayan na maingat na itinatago sa mga
mapang-usisang mga mata. May mga matagal ng naroon, mahihirap na
pakikibaka na may mapanubok na mga pangyayari, maaaring kaguluhan sa
tahanan, na sa araw-araw ay nagpapahina ng lakas, pagtitiwala, at
pananampalataya. Ang mga nakikibaka sa labanan ng buhay sa matinding
balakid ay maaaring mapalakas at mapasigla sa pamamagitan ng kaunting
pagpansin na nagkakahalaga lamang ng mapagmahal na pagsisikap. Sa gayon
ang malakas, matulunging hawak ng kamay ng isang tunay na kaibigan ay
mas mahalaga kaysa sa ginto at pilak. Ang malalambing na salita ay
katanggap-tanggap tulad ng ngiti ng mga anghel.”--MH, pp. 157, 158.
26
Lunes Oktubre 24
2. ISANG TANAWIN NA DAPAT BULAYBULAYIN
a. Ano ang ilan sa mga bagay na pinagdusahan ni Kristo para sa atin?
Bakit ginawa Niya ito? Isa. 50:6; 52:13-15.
“Ang maluwalhating Anak ng Diyos… ay nagtiis ng pangungutya,
paghamak, at nakakahiyang pagmamalabis, hangga’t ‘ang Kanyang mukha ay
lubhang nadungisan ng higit sa kanino pa man, at ang kanyang anyo higit sa
mga anak ng tao’ (Isa. 52:14).
“Sino ang makakatarok ng ipinahayag na pag-ibig na ito! Ang hukbo ng
anghel ay nakakita na may paghanga at may pighati sa Kanya na Kataastaasan
ng langit, na noon ay nakasuot ng putong ng kaluwalhatian, at ngayon ay
putong ng mga tinik, nagdurugong biktima ng matinding galit ng malaking
pulutong, nag-aapoy sa poot ng galit ni Satanas. Narito ang matiising
Nagdurusa! Sa ulo Niya ay ang putong ng tinik. Ang Kanyang dugo ay
dumadaloy mula sa lahat ng hiniwang ugat. Lahat ng mga ito ay bunga ng
kasalanan! Walang sinoman ang humikayat kay Kristo upang iiwan ang
Kanyang karangalan at kataasan sa langit, at pumarito sa makasalanang
sanlibutan, upang pabayaan, hamakin, at itakwil ng mga taong Kanyang
ililigtas, at sa wakas ay magdusa sa krus, kundi ang walang hanggan,
tumutubos na pag-ibig, na mananatiling isang hiwaga.”--2 T, p. 207.
“Ang kapalaluan at pagsamba sa sarili ay hindi yayabong sa kaluluwa na
pinananatiling sariwa sa alaala ang mga tanawin sa Kalbaryo.”--DA, p. 661. b. Ilarawan ang anyo ni Jesus ayon sa inihula ni propeta Isaias. Isa. 53:2.
Bakit marami ang hindi nagkagusto sa Kanyang simpling anyo?
“Ang mga pakikisama sa mga makasanlibutan ay umaakit at nakakasilaw
sa pandama upang ang kabanalan, at takot sa Diyos, katapatan, at kataimtiman
ay di-magkaroon ng kapangyarihan upang patatagin ang tao. Ang
mapagpakumbaba, hindi mapaghangad na buhay ni Kristo ay tila lubos na
hindi nakakaakit. Sa marami na nag-aangking mga anak na lalaki at babae ng
Diyos, si Jesus na Kataastaasan sa langit, ay ‘tulad ng isang ugat na binunot
mula sa tuyong lupa: wala Siyang anyo o kagandahan.’”--AH, p. 461.
“Sinabi ng hula na si Kristo ay makikitang tulad ng isang ugat na binunot
sa tuyong lupa. [Isa. 53:2, 3 sinipi.] Ang talatang ito ay dapat pag-aralan.
Ipinapakilala nito si Kristo bilang Kordero ng Diyos. Yaong mga
nagmamataas sa kapalaluan, na puno ng pagmamataas ang kaluluwa, ay dapat
tumingin sa larawang ito ng kanilang Manunubos, at papagpakumbabain ang
kanilang sarili sa alabok. Ang buong kapitulo ay dapat sauluhin. Ang
impluwensiya nito ay susupil at magpapakumbaba sa kaluluwang nadumhan
ng kasalanan at itinaas ng sariling pagmamataas.”--YI, Dec. 20, 1900.
27
Martes Oktubre 25
3. HINAMAK AT ITINAKWIL
a. Paano ang marami tumutugon sa pag-ibig ni Jesus? Isa. 53:3. Ano ang
Kanyang tiniis para sa atin? Talatang 4, 5.
“Sa pamamagitan ng walang kapantay na sakripisyo at di-mabigkas na
paghihirap, inilagay ng ating Manunubos ang katubusan na abot-kamay natin. Siya ay
hindi kinilala at hindi kilala sa sanlibutang ito, upang, sa pamamagitan ng Kanyang
kahanga-hangang pagpapakababa at kapakumbabaan, Kanyang maitaas ang tao upang
tumanggap ng walang hanggang karangalan at kagalakan sa langit. Sa Kanyang
tatlumpung taong buhay sa lupa ang Kanyang puso ay piniga ng di-maisip na
pagdadalamhati. Ang daan mula sa sabsaban tungo sa Kalbaryo ay nalililiman ng
pighati at kalungkutan. Siya ay isang tao ng kalungkutan, at bihasa sa kapighatian,
nagtitiis ng gayong hapdi ng puso na hindi mailarawan ng salita ng tao. Masasabi
Niya sa katotohanan, ‘Titigan at tingnan ninyo kung mayroong kalungkutang tulad ng
aking kalungkutan’ (Pan. 1:12). Napopoot sa kasalanan ng sakdal na pagkapoot,
subalit Kanyang inipon sa Kanyang kaluluwa ang mga kasalanan ng buong
sanlibutan. Walang kasalanan, pinasan Niya ang parusa ng makasalanan. Walang
kasalanan, ngunit inihandog ang Kanyang sarili na kahalili ng mananalangsang. Ang
bigat ng bawat kasalanan ay nagpabigat sa banal na kaluluwa ng Manunubos ng
sanlibutan. Ang masasamang isipan, ang masasamang salita, ang masasamang gawa
ng bawat anak na lalaki at babae ni Adan, ay humihingi ng kabayaran sa Kanyang
sarili; sapagkat Siya’y naging kahalili ng tao. Bagaman ang bigat ng kasalanan ay
hindi sa Kanya, ang Kanyang espiritu ay nawasak at sinugatan ng mga pagsalangsang
ng tao, at Siya na walang nalalamang kasalanan ay naging kasalanan para sa atin,
upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos sa Kanya.”--1 SM, p. 322.
“Kakaunti lamang ang may kaalaman sa paghihirap na nagwasak sa puso
ng Anak ng Diyos sa tatlumpung taon ng Kanyang buhay dito sa lupa.”--
TMKH, p. 66.
“Ang Anak ng Diyos ay itinakwil at hinamak dahil sa atin. Magagawa
mo ba, sa buong pagtanaw sa krus, na nakikita ng mata ng pananampalataya
ang paghihirap ni Kristo, na sabihin ang kuwento ng iyong kaabahan, ang
iyong mga pagsubok? Aalagaan mo ba sa iyong puso ang paghihiganti sa
iyong mga kaaway habang ang dalangin ni Kristo na mula sa Kanyang
namumutla at nangangatal na mga labi para sa mga nagpapahirap sa Kanya, sa
mga pumapatay sa Kanya--‘Ama ko, patawarin mo sila; sapagkat di nila alam
ang kanilang ginagawa’ (Luc. 23:34)?...
“Hindi tayo dapat umurong mula sa kalaliman ng kapakumbabaan kung
saan ang Anak ng Diyos ay nagpasakop upang itaas tayo mula sa kababaan at
pagiging alipin ng kasalanan tungo sa upuan sa Kanyang kanang kamay….
Napapanahon na upang ating italaga ang kaunting natitirang mahahalagang
oras ng ating pagkakataon sa paglinis ng ating mga damit ng ugali at paputiin
sila sa dugo ng Kordero, upang mapabilang tayo sa pulutong na nakasuot ng puting damit na makakatayo sa harapan ng dakilang puting luklukan.”--Ibid., p. 65.
28
Miyerkules Oktubre 26
4. ANG HINDI NAGREREKLAMONG BIKTIMA
a. Ano ang dapat nating matutunan mula sa paraan ng tugon ni Jesus sa
pagmamalabis na ibinunton sa Kanya sa panahon ng pagpako sa
krus? Isa. 53:6-9; 1 Ped. 2:19-24.
“Dapat tayong tumayo sa ating angkop na lugar sa mapagpakumbabang
pagtitiis sa paanan ng krus. Maaaring matutunan natin ang mga aral ng
kaamuan at kababaan ng isipan habang tayo ay papaakyat sa Bundok ng
Kalbaryo, at, nakatitig sa krus, nakikita ang ating Tagapagligtas na
nahihirapan, ang Anak ng Diyos na naghihingalo, ang Matuwid para sa di-
matuwid. Titigan Siya na maaaring magpadala ng laksa ng mga anghel upang
tulungan Siya sa isang salita lamang, na ngayon ay kinukutya at
pinagtatawanan, pinahihirapan at kinapopootan. Kanyang ibinigay ang sarili upang maging handog para sa kasalanan. Nang inalimura, hindi Siya nagbanta; nang
pinaratangan, hindi Niya binuksan ang Kanyang bibig. Nanalangin Siya sa krus para
sa mga pumapatay sa Kanya. Siya’y namatay para sa kanila. Siya ay nagbabayad ng
di-masukat na halaga para sa bawat-isa sa kanila. Hindi Niya nais na isa man sa
Kanyang binili ng dakilang halaga ay mawaglit. Ibinigay Niya ang Kanyang sarili
upang hampasin at paluin na walang pagbubulung-bulong. At ang di-nagrereklamong
biktimang ito ay ang Anak ng Diyos. Ang Kanyang luklukan ay mula sa walang
hanggan, at ang Kanyang kaharian ay walang wakas.”--TMKH, p. 65.
“Sa Kanyang pagkatao si Kristo ay sinubukan ng napakabigat na tukso, ng higit
na kinakailangang lakas kaysa sa pagtukso sa tao ng isang masama, kung paanong
ang Kanyang likas ay mas malakas kaysa sa tao. Ito ang malalim na hiwaga ng
katotohanan, na si Kristo ay naitali sa sangkatauhan ng pinakasensitibong
pakikiramay. Ang masasamang gawa, ang masasamang isipan, ang masasamang salita
ng bawat anak na lalaki at babae ni Adan ay nagpabigat sa Kanyang banal na
kaluluwa. Ang mga kasalanan ng tao ay humihingi ng kabayaran sa Kanyang sarili,
sapagka’t Siya’y naging kahalili ng tao, at kinuha sa Kanyang sarili ang mga
kasalanan ng sanlibutan.”--Ibid., p. 66.
b. Ano ang layunin ng langit sa pagkakatawang-tao ni Kristo? Isa. 53:10.
“Ang kataas-taasan ng langit ay hindi pinaluguran ang Kanyang sarili. Anomang
Kanyang ginawa ay para sa kaligtasan ng tao. Ang pagkamakasarili sa lahat nitong
anyo ay sinawata ng Kanyang presensiya. Kinuha Niya ang ating likas upang Siya’y
maghirap kapalit natin, na ginawang handog para sa kasalanan ang Kanyang
kaluluwa. Siya’y pinarusahan ng Diyos at pinahirapan upang iligtas ang tao mula sa
hampas na nararapat sa kanya dahil sa pagsalangsang sa kautusan. Sa pamamagitan
ng liwanag na sumisikat mula sa krus, nais ni Kristong ilapit sa Kanya ang lahat ng
tao. Ang Kanyang makataong puso ay nananabik sa lahi. Bukas ang Kanyang mga
bisig upang tanggapin sila, at inaanyayahan Niya ang lahat na lumapit sa Kanya. Ang
Kanyang buhay sa lupa ay patuloy na gawain ng pagtanggi sa sarili at
pagpapakababa.”--4 T, p. 418.
29
Huwebes Oktubre 27
5. ISANG USAPING DAPAT PAG-ISIPAN
a. Ano ang nagpalakas kay Kristo upang tiisin ang gayong nakakahiyang
kamatayan? Isa. 53:11, 12.
“Ang kahanga-hangang Manunubos… ay hindi namatay bilang isang
bayani sa mga mata ng sanlibutan, na puno ng karangalan, tulad ng
mandirigma. Siya ay namatay bilang isang nahatulang kriminal, nakabitin sa
pagitan ng kalangitan at ng lupa--namatay sa isang di-malilimutang
kahihiyan, lantad sa pangungutya at paghamak ng isang mababa, puno ng
kasalanan, napakasamang pulutong!... “Lahat ng pagpapakababang ito ng Kataastaasan ng langit ay para sa makasa-
lanan, nahatulang tao. Siya’y bumaba ng bumaba sa Kanyang pagpapakumbaba,
hangga’t wala ng mas mababa pang lalim na Kanyang mararating, upang itaas ang tao
mula sa kanyang moral na karumihan. Lahat ng ito ay para sa iyo.”--TMKH, p. 68.
b. Ano ang dapat na pag-isipan natin mula sa kahanga-hangang
pagpapakababang ito? Heb. 2:3, 14, 15.
“Gaano man kasama, gaano man kabigat ang iyong kasalanan, ikaw ay
tinawag, ikaw ay pinili. ‘Lumapit ka sa Diyos, at Siya’y lalapit sa iyo’ (Sant.
4:8). Wala ni isa man ang pipiliting lumapit kay Jesukristo na labag sa
kanyang kalooban. Ang Kataas-taasan ng langit, ang nag-iisang Anak ng
tunay at buhay na Diyos, ay nagbukas ng daan para sa iyo upang lumapit sa
Kanya, sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang buhay bilang handog sa
krus ng Kalbaryo. Ngunit habang pinagdudusahan Niya ang lahat ng ito para
sa iyo, Siya ay lubos na dalisay, Siya ay lubos na matuwid, upang tingnan ang
kasamaan. Subalit maging ito ay hindi kailangang maglayo sa iyo mula sa
Kanya; sabi Niya, ‘Naparito ako hindi upang tawagin ang matuwid, kundi ang
makasalanan sa pagsisisi’ (Mar. 2:17).”--FCE, pp. 251, 252.
Biyernes Oktubre 28
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Ano ang dapat nating matutunan upang maging higit na pagpapala sa
iba?
2. Ano ang magiging epekto sa atin kung isasaisip natin ang Isaias 53?
3. Habang ating tinatanaw ang paghihirap ni Jesus sa krus, ano ang
makakaya nating gawin?
4. Bakit nanatiling tahimik si Jesus doon sa krus, maliban sa pana-
nalangin para sa Kanyang mga kaaway?
5. Paano natin maipapakita ang ating pagpapahalaga sa ginawa ni Jesus
para sa atin?
30
31
Leksiyon 6 Sabbath, Nobyembre 5, 2016
Ibahagi sa Ating Mga Kapuwa
“Huwag kayong mabahala, ni matakot man: hindi ba’t sinabi ko
sainyo mula noon, at ipinahayag ko sainyo ito? Kayo nga ay aking mga
saksi. May iba pa bang Diyos maliban sa akin? Oo, wala ng ibang Diyos;
wala akong nalalaman” (Isa. 44:8).
“Bawat-isa sa atin ay dapat malaman at saysayin sa iba na ang bawat
pangako ng Diyos ay totoo. Sa pamamagitan ng tuwirang patotoo sa salita at
gawa, na tayo ay ibinibilang na totoo, tapat na mga saksi para kay Kristo.”--
RH, July 7, 1903.
Mungkahing Babasahin: Prophets and Kings, pp. 367-378.
Linggo Oktubre 30
1. PAG-ABOT SA MGA HINDI NAABOT
a. Ilarawan ang plano ng Diyos para sa Kanyang tupa na nasa labas ng
Kanyang kulungan. Eze. 34:12-14. Ano ang iniutos sa modernong mga
mensahero ng Diyos na dapat nilang sabihin sa pangangailangang ito?
“Habang ako’y naglalakbay sa Timog tungo sa Kapulungan, nakita ko
ang magkakasunod na siyudad na walang gumagawa. Ano ang problema?
Ang mga ministro ay palipat-lipat sa mga iglesia, na nakakaalam na ng
katotohanan, habang libu-libo ang namamatay na wala kay Kristo. Kung
binigyan sana ng tamang tagubilin, kung sinundan ang tamang mga paraan,
bawat miyembro ng iglesia ay gagawa ng kanyang gawain bilang isang
miyembro ng katawan. Siya ay gagawa ng Kristyanong gawain ng
pangangaral. Subalit ang mga iglesia ay naghihingalo, at kailangan nila ng
ministro upang mangaral sa kanila. Dapat silang maturuan na matapat na
magdala ng kanilang ikapu sa Diyos, upang sila’y Kanyang palakasin at
pagpalain. Sila ay dapat madala sa hanay ng gawain, upang ang hininga ng
Diyos ay makarating sa kanila. Dapat silang maturuan na malibang sila ay
makatayong mag-isa, na wala ang ministro, sila ay dapat na muling
mahikayat, at muling mabautismuhan. Dapat silang ipanganak na muli.”--E.G.
White 1888 Mat. p. 1750.
“Dapat na bigyang babala ang sanlibutan. Ang mga ministro ay dapat
gumawa ng masikap at may pagtatalaga, na magbukas ng mga bagong bukirin
at gumawa ng personal na paggawa para sa mga kaluluwa, sa halip na palipat-
lipat lamang sa mga iglesia na mayroon ng dakilang liwanag at marami ng
mga pagpapala.”--7 T, p. 255.
32
Lunes Oktubre 31
2. NAPALAKAS SA PAMAMAGITAN NG PAGLILINGKOD
a. Anong nagliligtas na liwanag ang dapat ibigay sa bawat tao sa lupa?
Isa. 42:6; Mar. 16:15. Paano bilang indibidwal na mananamlapataya
madalas na nalilimutan natin ang tungkuling ito--lalo na kapag
nagkakatipon sa mas malaking kongregasyon?
“Ang atas ni Kristo ay dapat na isulat sa titik. Ang bayan ng Diyos ay
dapat na italaga sa Kanya ang kanilang mga ari-arian at kakayahan. Ang
matapat na mga kawal ng krus ni Kristo ay dapat humayo sa labas ng
kampamento, na pagtiisan ang paghamak at sundan ang daan ng pagtanggi sa
sarili na nilakaran ng Manunubos.
“Ang mga ministro na palipat-lipat lang sa mga iglesia, na nangangaral
sa mga nakakaalam na ng katotohanan, ay mas mabuting pumaroon sa mga
lugar na nasa kadiliman pa. Malibang gawin nila ito, sila mismo at ang
kanilang kongregasyon ay hindi lalago. Ang ating relihiyon ay nagiging
mahina at masakitin sapagkat ang mga miyembro ng iglesia ay iniwan ang
kanilang unang pag-ibig. Maaari sana silang maging malakas na mga lalaki at
babae kay Kristo kung susundin nila ang mga tagubilin ng Panginoon…
“Ang sanlibutan ay napapahamak sa kasalanan. Gaano pa katagal na
pahihintulutan ninyo ang inyong sarili na mahadlangan mula sa dakila,
nangangailangang ubasan, habang ang kasaysayan ng sanlibutang ito ay
malapit ng magwakas?”--RH, Feb. 9, 1905. “Marami sa miyembro ng ating malalaking iglesia ang walang ginagawa, na
makakagawa sana ng malaking gawain, kung sa halip na magsamasama, sila ay
magsikalat sa mga lugar na hindi pa napasok ng katotohanan.”--RH, Nov. 26, 1914.
b. Ano ang dapat tandaan ng bawat ministro at miyembro? Isa. 43:11.
“Ang bayan ng Diyos na nagtataglay ng liwanag at kaalaman ay hindi
isinagawa ang mataas at banal na layunin ng Diyos. Hindi sila sumulong sa
mga pananagumpay, na magdagdag ng mga teritoryo, itaas ang pamantayan
sa mga siyudad at sa labas nito. Malaking espirituwal na pagkabulag ang
ipinakita ng mga nagtataglay ng malaking liwanag na ibinigay sa kanila ng
Panginoon, subalit hindi isinulong ang liwanag sa mas malaki at mas malaki
pang liwanag. Ang mga miyembro ng iglesia ay hindi hinimok na gamitin ang
espirituwal na mga nerbiyos at mga kalamnan sa gawin ng pagsulong….
“Sa bawat iglesia dapat na pumili ng mga kabataang lalaki at babae upang
magpasan ng mga tungkulin. Gawin nila ang bawat pagsisikap upang maging
karapatdapat na tumulong sa mga hindi nakakaalam ng katotohanan. Ang
Diyos ay nananawagan sa masikap, buong kaluluwang mga manggagawa.
Ang mapagpakumbaba at bagbag ay matututo sa pamamagitan ng personal na
karanasan na maliban sa Kanya walang tagapagligtas.”--9 T, p. 139.
33
Martes Nobyembre 1
3. INUMIN PARA SA NAUUHAW
a. Ano ang pangako ng Diyos na gagawin para sa mga nagsisikap na
isakatuparan ang Kanyang kalooban ng buong puso? Isa. 44:3, 4.
“Tayo ay tinuruan ng salita ng Diyos na ito na ang panahon, higit sa iba
pa, na ating hanapin ang liwanag mula sa langit. Ngayon ang panahon upang
tayo’y umasa ng pananariwa mula sa presensiya ng Panginoon. Dapat tayong
maghintay sa pagkilos ng probidensiya ng Diyos tulad ng mga kawal ng Israel
na nagbabantay para sa ‘tunog ng pag-akyat sa puno ng balsamo’ (2 Sam.
5:24)--ang itnakdang hudyat na ang langit ay gagawa para sa kanila.
“Hindi luluwalhatiin ng Diyos ang Kanyang pangalan sa pamamagitan
ng Kanyang bayan habang sila’y nakasandal sa tao at ang tao ang kanilang
bisig. Ang kanilang kasalukuyang kalagayan ng kahinaan ay magpapatuloy
hangga’t si Kristo lamang ang itaas; hangga’t kasama ni Juan Bautista sila ay
magsabi mula sa mapagpakumbaba at magalang na puso: ‘Siya ay itataas, at
ako ay bababa’ (Juan 3:30). Binigyan ako ng mga salita upang bigkasin sa
bayan ng Diyos: ‘Itaas Siya, ang Tao ng Kalbaryo. Lumagay sa likod ang tao,
upang makita Siya ng lahat na sa Kanya ang kanilang pag-asa ng buhay na
walang hanggan nakasentro.’… “Para sa nauuhaw na kaluluwa kaya binuksan ang bukal ng buhay na tubig….
[Isa. 43:3 sinipi.] Sa kaluluwa na masikap na naghahanap ng liwanag at tinatanggap
na may kagalakan ang bawat sinag na lumiliwanag mula sa Kanyang banal na salita,
sa kanya lamang ang liwanag ibibigay. Sa pamamagitan ng kaluluwa ihahayag ng
Diyos ang liwanag at kapangyarihan na magpapaliwanag sa buong lupa ng Kanyang
kaluwalhatian.”--5 T, pp. 728, 729.
b. Ilarawan ang kahangalan ng sanlibutan sa pagtitiwala sa kanilang
mga diyusdiyusan. Isa. 44:9, 14-17; 46:5-8. Anong nagpapalakas na
balita ang kailangang marinig ng mga sumasamba sa diyusdiyusan?
Isa. 44:22; Awit 103:11-13.
“Nananabik ang Diyos na hingahan ang nanghihinang sangkatauhan ng hininga
ng buhay. At hindi Niya pahihintulutan ang sinomang kaluluwa na manlupaypay na
tapat sa kanyang pananabik para sa mas mataas at banal kaysa sa anomang bagay na
maibibigay ng sanlibutan. Palaging Siya ay nagpapadala ng Kanyang mga anghel sa
mga taong habang napapaligiran ng mga nakakapanghinang mga pangyayari,
nananalangin na may pananampalataya para sa kapangyarihan na mas mataas kaysa
sa kanilang sarili, na manahan sa kanila at magdala ng kaligtasan at kapayapaan. Sa
ibat-ibang mga paraan ay ipapahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa kanila at
iuugnay sila sa mga probidensiya na magpapatatag ng kanilang pagtitiwala sa Isang
nagbigay ng Kanyang sarili na pantubos sa lahat, ‘upang ilagak nila ang kanilang pag-
asa sa Diyos, at hindi makalimutan ang mga gawain ng Diyos, kundi sundin ang
Kanyang kautusan’(Awit 78:7).”--PK, pp. 377, 378.
34
Miyerkules Nobyembre 2
4. PAGPAPALAWAK NG ATING MGA HANGGANAN
a. Ano ang nais gawin ng Diyos sa Kanyang hinamak, itinakwil na
nalabi? Awit 5:11; Isa. 54:1.
“Ang buong limamput-apat na kabanata ng Isaias ay naaangkop sa bayan
ng Diyos, at bawat detalye ng hula ay matutupad.”--4 SDA BC [E.G. White
Comments], p. 1148.
b. Ipaliwanag ang katiyakang ibinigay sa mga nagbukas ng kanilang
puso at tahanan para sa iba. Isa. 54:2, 3; Heb. 13:1, 2.
“Nagbigay ang Diyos sa akin ng isang mensahe para sa Kanyang bayan.
Sila’y dapat na gumising, buksan ang kanilang mga tolda, at palawakin ang
kanilang mga hangganan. Mga kapatid kong lalaki at babae, kayo ay binila ng
halaga, at lahat ng nasa inyo ay dapat gamitin para sa kaluwalhatian ng Diyos
at para sa ikabubuti ng inyong kapuwa. Si Kristo ay namatay sa krus upang
iligtas ang sanlibutan mula sa pagkapahamak sa kasalanan. Hinihingi Niya
ang inyong pakikipagtulungan sa gawaing ito. Kayo ay dapat na maging
kamay Niya. May matiyaga, di-natitinag na pagsisikap kayo ay dapat
magsikap na iligtas ang nawaglit. Alalahanin na ang mga kasalanan ninyo ang
dahilan kaya kailangan ng krus. Nang tinanggap ninyo si Kristo bilang
Tagapagligtas kayo ay nangako na makikiisa sa Kanya sa pagpasan ng krus.
Sa buhay at kamatayan man kayo ay nakatali sa Kanya, bahagi ng dakilang
plano ng pagtubos.
“Ang bumabagong kapangyarihan ng biyaya ni Kristo ay hinuhubog ang
isang nagtalaga ng kanyang sarili sa paglilingkod sa Diyos. Puspos ng
Espiritu ng Manunubos, siya ay handang tanggihan ang sarili, handang
magpasan ng krus, handang gumawa ng anomang sakripisyo para sa
Panginoon. Hindi na siya magwawalang-bahala sa mga kaluluwa na
napapahamak sa palibot niya. Siya ay naitaas higit sa paglilingkod sa sarili.
Siya ay muling nilalang kay Kristo, at ang paglilingkod sa sarili ay walang
puwang sa kanyang buhay.”--7 T, pp. 9, 10.
k. Anong kahanga-hangang mga pangako ang kasama ng uri ng
pagmimisyonerong ito? Isa. 54:4, 5, 10, 17.
“Ang walang hanggang bisig ng Diyos ay nakapalibot sa kaluluwa na
humihingi sa Kanya ng tulong, gaano man kahina ang kaluluwang iyon. Ang
mahahalagang bagay ng mga burol ay mawawala; subalit ang kaluluwa na
namumuhay para sa Diyos, hindi natitinag ng pagpuna, hindi nasisira ng
papuri, ay mananahan sa Kanya magpakailan man.”--4 T, p. 328.
35
Huwebes Nobyembre 3
5. MAY MGA MAAASAHANG NAGHIHINTAY
a. Ano ang nais ng Diyos na maganap sa atin para sa mga nakapalibot sa
atin, at anong mga pangako ang naroon para sa mga gaganap ng
gawaing ito? 2 Cro. 16:9; Isa. 11:10-13; 57:13, 14.
“Ang mga grupo ng mga misyonero sa lupain ng mga pagano ay
inihalintulad ng propeta sa watawat na itinayo upang maging gabay para sa
naghahanap ng liwanag ng katotohanan…
“Ang araw ng kaligtasan ay malapit na…. Sa lahat ng mga bansa, lipi, at
wika, nakikita Niya ang mga lalaki at babae na nagdarasal para sa liwanag at
kaalaman. Ang kanilang mga kaluluwa ay hindi nasisiyahan; matagal silang
pinakain ng abo. Tingnan ang Isaias 44:20. Ang kaaway ng lahat ng
katuwiran ay inilihis sila, at sila’y nangangapa tulad ng bulag na mga tao.
Subalit tapat sila sa kanilang puso at nananabik na matuto ng mas mabuting
daan. Bagaman nasa kalaliman ng pagiging pagano, na walang kaalaman sa nasusulat na kautusan ng Diyos ni ng Kanyang Anak na si Jesus, sila’y nagpahayag sa
iba’t-ibang paraan ng paggawa ng banal na kapangyarihan sa isipan at ugali.
“Minsan yaong mga hindi nakakakilala sa Diyos maliban sa kanilang
natanggap sa pamamagitan ng paggawa ng banal na biyaya ay mabait sa
Kanyang mga lingkod, ipinagtatanggol sila kahit nasa panganib ang sarili
nilang buhay. Ang Banal na Espiritu ay nagkikintal ng biyaya ni Kristo sa
puso ng maraming tapat na naghahanap ng katotohanan, pinalalakas ang
kanyang pagmamalasakit laban sa kanyang likas, laban sa kanyang dating
kaalaman.”--PK, pp. 375, 376. “Nagpadala ang Panginoon ng mensahe, ‘Alisin ninyo ang katitisuran sa daan ng
mga tao.’ Masikap na paggawa ang kailangan upang labanan ang mga impluwensiya
na humahadlang sa mensahe sa panahong ito. Isang taimtim na gawain ang dapat
magawa sa maikling panahon.”--4 SDA BC [E.G. White Comments], p. 1148.
Biyernes Nobyembre 4
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Kung tayo ay tunay na hikayat, ano ang ating handang gawin para sa
ating mga iglesia?
2. Ipaliwanag ang hindi mabuti sa malaking kongregasyon?
3. Kanino lamang ibibigay ang liwanag, at ano ang gagawin nila sa
liwanag na ito?
4. Sa paanong paraan “mapapalawak” ko ang aking “tolda” para sa
Panginoon?
5. Anong hakbang ang maaari nating gawin upang tulungan ang mga
nangangapang bulag para sa liwanag?
36
Leksiyon 7 Sabbath, Nobyembre 12, 2016
Ang Pakikipagpunyagi ng Nalabi
“Makinig kayo sa akin, kayo na nakakaalam ng katuwiran, ang
bayang nasa puso ang aking kautusan; huwag kayong matakot sa
paghamak ng mga tao, ni masindak sa kanilang pag-aalimura” (Isa.
51:7).
“Ang kautusan ng Diyos ay tatayong lubos na malinaw. Makikita na ang
lahat ng pakikitungo ng Diyos ay isinagawa ayon sa walang hanggang
ikabubuti ng Kanyang bayan, at sa ikabubuti ng lahat ng daigdig na Kanyang
nilikha.”--PP, pp. 338, 339.
Mungkahing Babasahin: Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 117-119.
Selected Messages, bk. 1, pp. 121-143.
Linggo Nobyembre 6
1. MAPANUBOK NA MGA PANAHON PARA SA MATUWID
a. Sa panahon ni Isaias, anong paglago ang naganap sa Juda sa
paghahari ni Haring Manases? 2 Hari 21:16; 2 Cro. 33:9-11.
“Ang kaharian ng Juda… ay muling ibinagsak sa mahabang panahon ng
masamang paghahari ni Manases, nang muling binuhay ang paganismo, at
marami sa mga tao ang nadala sa pagsamba sa diyusdiyusan…. Ang
maluwalhating liwanag ng mga nakalipas na henerasyon ay sinundan ng
kadiliman ng mga pamahiin at kamalian. Malaking kasamaan ang lumago at
lumawak--kalupitan, pang-aapi, poot sa lahat ng mabuti. Ang hustisya ay
pinasama; karahasan ang naghari.
“Subalit ang masasamang panahong iyon ay hindi nawalan ng mga saksi
para sa Diyos at sa tama. Ang mapanubok na mga karanasan kung saan ang
Juda ay ligtas na dumaan sa panahon ni Ezekias ay nagpalago, sa puso ng
marami, ng katatagan ng ugali na ngayon ay nagsisilbing tanggulan laban sa
naghaharing kasamaan. Ang kanilang patotoo para sa katotohanan at
katuwiran ay gumising sa galit ni Manases at ng kanyang mga kasamahan sa
kapangyarihan, na nagsikap na itatag ang kanilang sarili sa masasamang gawa
sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa tinig ng di-pagsang-ayon. [2 Hari
21:16 sinipi.]
“Isa sa unang pinabagsak ay si Isaias, na sa loob ng kalahating dantaon
ay tumayo sa harapan ng Juda bilang itinakdang mensahero ni Jehova.”--PK,
pp. 381, 382.
37
Lunes Nobyembre 7
2. ANG PANGINOONG MAKAPANGYARIHAN SA PAGLIGTAS
a. Ano ang dapat nating matutunan mula sa pagsisisi ni Manases? 2 Cro.
33:12, 13; 2 Ped. 3:9.
“Sa kasaysayan ni Manases ang Panginoon ay nagbigay sa atin ng
halimbawa ng paraan kung paano Siya gumagawa. [2 Cro. 33:9-13 sinipi.]
“Madalas na nagsasalita ang Panginoon sa Kanyang bayan ng babala at
pagsaway. Ipinapakita Niya ang Kanyang sarili sa awa, pag-ibig, at kabaitan.
Hindi Niya iniiwan ang Kanyang tumalikod na bayan sa kalooban ng kaaway,
kundi pinagtiisan sila ng mahabang panahon, maging sa panahon ng matigas
na pagtalikod. Subalit matapos na hindi pakinggan ang pagsumamo, Kanyang
inihahanda ang pamalo ng kaparusahan. Mahabaging pag-ibig ang ipinakita
ng Diyos sa Kanyang bayan! Maaaring lipulin ng Panginoon sa kanilang
pagkakasala yaong mga sumasalungat sa Kanyang layunin, subalit hindi Niya
ito ginawa. Nakaunat ang Kanyang mga bisig. May dahilan tayo upang
pasalamatan ang Diyos na hindi Niya inalis ang Kanyang Espiritu mula sa
mga tumangging lumakad sa Kanyang daan.”--3 SDA BC [E.G. White
Comments], p. 1132.
b. Matapos na gamitin ng Diyos ang Babelonya upang parusahan ang
tumalikod na Israel at ginamit ang Medo-Persia upang wasakin ang
Babelonya, paano Niya ipinangako na ililigtas ang Kanyang bansa
pagkatapos ng panahon ng parusa? Isa. 44:24, 28; 45:1-6, 13.
“Higit isang daang taon bago ang pagsilang ni Ceru, ang Kinasihan ay
binanggit na ang kanyang pangalan, at itinala ang tunay na gawain na
kanyang dapat gawin sa pagsakop sa siyudad ng Babelonya na hindi
namamalayan, at ang paghahanda ng daan para sa pagpapalaya sa mga anak
ng pagkabihag. Sa pamamagitan ni Isaias ang salita ay binigkas: [Isa. 45:1-3
sinipi].”-- PK, p. 551.
k. Paano natupad ang hulang ito? Ezra 1:1-4; 6:3-5. Anong prinsipyo ang
ipinapaalala sa atin ng katotohanang ito? Bil. 11:23.
“Ang Panginoon ay may mga kaparaanan. Ang Kanyang kamay ay nasa
makinarya. Nang dumating ang panahon upang muling itayo ang Kanyang
templo, Siya’y kumilos kay Ceru bilang Kanyang kasangkapan upang
unawain ang mga hula tungkol sa Kanyang sarili, at upang palayain ang
bansang Hudyo.”--4 SDA BC [E.G. White Comments], p. 1175.
38
Martes Nobyembre 8
3. TUNAY NA REPORMASYON NA DI-NAGWAWAKAS
a. Anong espirituwal na pagsasauli na inihulang magaganap sa ating
panahon ang sinasagisagan ng pagsasauli sa panahon ni Nehemias?
Isa. 61:4; 58:12, 13.
“Ang espirituwal na pagsasauli na isinagawa sa panahon ni Nehemias ay
sagisag, binalangkas sa mga salita ni Isaias: [Isa. 61:4; 58:12 sinipi].
“Inilarawan dito ng propeta ang isang bayan na sa panahon ng
pangkalahatang paglayo mula sa katotohanan at katuwiran, ay nagsisikap na
ibalik ang mga prinsipyo na siyang saligan ng kaharian ng Diyos. Sila ay mga
tagapag-ayos ng butas na ginawa sa kautusan ng Diyos--ang pader na
Kanyang inilagay sa palibot ng Kanyang mga pinili para sa kanilang
proteksiyon, at ang pagtalima sa mga alituntunin ng hustisya, katotohanan, at
kadalisayan ang patuloy nilang kaligtasan.
“Sa mga salita na hindi nagkakamali ang kahulugan ang propeta ay
itinuro ang gawain ng nalabing bayang ito na nagtatag ng pader. ‘Kung
iuurong ninyo ang inyong paa sa Sabbath, sa paggawa ng inyong kalayawan
sa Aking banal na araw; at tawagin ang Sabbath na kaluguran, isang banal na
araw ng Panginoon, marangal; at igalang Siya, na hindi gumawa ng inyong
sariling mga daan, ni hanapin ang inyong sariling kalayawan, ni magsalita ng
inyong sariling mga salita: at inyong kalulugdan ang inyong sarili sa
Panginoon; at kayo’y pasasakayin Ko sa matataas na dako sa lupa, at
pakakainin Ko kayo ng pamana ni Jacob na inyong ama: sapagkat ang
Panginoon ang nagsabi nito’ (Talatang 13, 14).
“Sa panahon ng wakas bawat banal na instituston ay ibabalik. Ang butas
na ginawa sa kautusan nang ang Sabbath ay pinalitan ng tao ay aayusin.”--PK,
pp. 677, 678.
b. Bakit napakahalaga na magkaroon ng mabuting pundasyon sa gawain
ng repormasyon? Awit 11:3. Paano ito naaangkop sa ating gawain
ngayon sa paghahanda para sa pagbalik ng Panginoon? Mat. 3:9, 10;
17:11.
“Ang nalabing bayan ng Diyos, nakatayo sa harapan ng sanlibutan
bilang mga repormador, ay dapat ipakita na ang kautusan ng Diyos ang siyang
saligan ng lahat ng nagpapatuloy na repormasyon at ang Sabbath ng ikaapat
na utos ay tatayong isang alaala ng paglalang, isang patuloy na nagpapaalala
ng kapangyarihan ng Diyos. Sa malinaw, maliwanag na mga hanay dapat
nilang ipangaral ang pangangailangan ng pagtalima sa lahat ng mga alituntunin
ng Kautusan. Nahimok ng pag-ibig ni Kristo, sila ay makikipagtulungan sa Kanya sa
pagtatayo ng mga nasirang dako. Sila ay magiging mga tagapag-ayos ng butas,
tagapagsauli ng mga daan upang panahanan.”--Ibid., p. 678.
39
Miyerkules Nobyembre 9
4. NAGSISIKAP NA SUMULONG
a. Gaano ba tayo mapagpakumbaba sa ating paggawa para sa iba? Luc.
17:10; Gal. 6:1; Isa. 51:1.
“Dapat nating gabayan ang mga tao na may pagtitiyaga at dahan-dahan,
na inaalaala ang butas ng balon kung saan tayo hinukay.”--3 T, p. 21.
b. Anong mga pangako sa espirituwal na mga anak ni Abraham ang
para sa atin ngayon? Isa. 51:2, 3; Gal. 3:28, 29.
“Ang bayan ng Diyos ay may malaking gawain sa kanilang harapan,
isang gawain na dapat na patuloy na lumago sa mas malaking katanyagan.
Ang ating mga pagsisikap sa pagmimisyonero ay dapat na lalong maging
malawak….
“Ang ubasan ay kinabibilangan ng buong sanlibutan, at bawat bahagi
nito ay dapat trabahuhin. May mga lugar na ngayon ay tulad sa ilang ang
moral, at ang mga ito’y dapat na maging halamanan ng Panginoon. Ang
sirang mga dako ng lupa ay dapat linangin, upang silay umusbong at
mamulaklak tulad ng rosas. Dapat pasukin ang mga bagong lupain ng mga
taong kinasihan ng Banal na Espiritu. Dapat magtayo ng mga bagong iglesia,
magbuo ng bagong mga kongregasyon. Sa panahong ito ay dapat magkaroon
ng mga kinatawan ng kasalukuyang katotohanan sa bawat siyudad at sa liblib
na mga bahagi ng lupa. Ang buong lupa ay dapat maliwanagan ng
kaluwalhatian ng katotohanan ng Diyos. Ang liwanag ay dapat na sumikat sa
lahat ng lupain at lahat ng mga tao. At magmumula ito sa mga tumanggap ng
liwanag na sisikat. Ang tala sa umaga ay sumikat sa atin, at dapat natin itong
paliwanagin sa mga daan ng mga nasa kadiliman.
“Isang krisis ang nasa harapan natin. Dapat na ipangaral natin ang
dakilang katotohanan ngayon para sa huling mga araw na ito sa pamamagitan
ng Banal na Espiritu. Hindi na magtatagal na ang bawat isa ay maririnig ang
babala at magpasya. At ang wakas ay darating.
“Ang pinakadiwa ng lahat ng tamang pananampalataya ay ang gawin
ang tamang bagay sa tamang panahon. Ang Diyos ang dakilang Punong
Manggagawa, at sa pamamagitan ng Kanyang probidensiya Kanyang
inihahanda ang daan para sa Kanyang gawain upang matapos. Nagbibigay
Siya ng mga pagkakataon, nagbubukas ng mga hanay ng impluwensiya at
mga daan ng paggawa. Kung ang Kanyang bayan ay nagmamasid sa mga
palatandaan ng Kanyang probidensiya at nakatayong handa upang
makipagtulungan sa Kanya, makikita nila ang dakilang gawaing natapos…. Ang ating gawain ay tungo sa repormasayon, at layunin ng Diyos na ang pinakamataas na paggawa sa lahat ng hanay ang siyang aralin para sa mga tao.”--6 T,
pp. 23-25.
40
Huwebes Nobyembre 10
5. HINDI MAILIGAW
a. Anong nangyayari kapag itinakwil ng bayan ang Salita ng Diyos upang
isulong ang kanilang sariling panukala? Isa. 50:11; Juan 12:48; 1 Tes.
2:11.
“Ipinakita sa akin ng Panginoon na yaong mga nabulag ng kaaway sa
anomang sukat, at hindi lubos na nakabalik mula sa pandaraya ni Satanas, ay
mapapasapanganib sapagkat hindi nila makikilala ang liwanag mula sa langit,
at mahihilig sa pagtanggap ng kasinungalingan. Ito’y makakaapekto sa buong
takbo ng kanilang isipan, ng kanilang mga pagpapasya, ng kanilang mga
mungkahi, ng kanilang mga payo. Ang mga patunay na bigay ng Diyos sa
kanila ay hindi patunay para sa kanila, sapagkat sila’y nabulag ng kanilang sariling mga mata sa pamamagitan ng pagpili ng kadiliman sa halip na liwanag. At
sila’y lilikha ng bagay na tatawagin nilang liwanag, na tinatawag ng Panginoon na
kislap ng kanilang sariling pagsindi, at ito’y kanilang lalakaran….
“Sa marami, ang mga salita na ipinadala ng Panginoon ay itatakwil, at
ang mga salitang bibigkasin ng tao ay tatanggapin bilang liwanag at
katotohanan. Ang karunungan ng tao ay maglalayo mula sa pagtanggi sa
sarili, mula sa pagtatalaga, at lilikha ng maraming mga bagay na nakahilig sa
pagpapawalang bisa ng mensahe ng Diyos. Hindi natin magagawa sa anomang
ligtas na paraan na umasa sa mga tao na hindi nakaugnay sa Diyos.”--4 SDA BC
[E.G. White Comments] pp. 1146, 1147.
b. Anong pangunahing punto ang dapat nating tandaan sa gawaing ito? 1
Cor. 14:8.
“Gawin ng iglesia na bumangon at magsisi sa kanyang pagtalikod sa Diyos.
Gumising ang mga bantay at patunugin ang pakakak ng isang malinaw na tunog.”--1
SM, p. 126.
Biyernes Nobyembre 11
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Gaano kalayo na si Haring Manases nalugmok sa kalaliman ng
kasamaan?
2. Bumanggit ng mga halimbawa na nagpapakita ng kahanga-hangang
pagpapahinuhod ng ating Manunubos.
3. Marami ang nagtatanyag na mga repormador--subalit ano ang
batayan ng Diyos sa tunay na repormasyon?
4. Anong pinakamahalagang gawain ang dapat nating masikap na
ginagampanan ngayon?
5. Banggitin ang mga uri ng problema na nagliligaw sa mga tao mula sa
katotohanan.
41
Leksiyon 8 Sabbath, Nobyembre 19, 2016
Nakikipagtulungan sa Langit
“Sapagkat akong Panginoon ninyong Diyos ay hahawakan ang
inyong kanang kamay, na sinasabi sainyo, Huwag kayong matakot;
tutulungan ko kayo” (Isa. 41:13).
“Ang nananahang Tagapagligtas ay ginagawang ari-arian natin ang
Kanyang kapangyarihan. Ang katotohanan ay nagiging kalakal natin. Walang
kalikuang nakikita sa buhay. Nakakapagsalita tayo ng mga salita na
napapanahon sa mga hindi nakakaalam ng katotohanan. Ang presensiya ni
Kristo sa puso ay kapangyarihang nagpapalakas, na pinapasigla ang buong
pagkatao.”--7 T, p. 71.
Mungkahing Babasahin: Education, pp. 169-184.
Linggo Nobyembre 13
1. MGA SALITA NG KAALIWAN AT KAGALINGAN
a. Anong nakakaaliw na mensahe sa naligaw na Juda ang umaalingaw-
ngaw hanggang sa atin ngayon sa ating mithiing mabuhay para sa
Diyos at isulong ang Kanyang gawain? Isa. 41:10-14.
“Ang Diyos ay ipinangako ang Kanyang sarili na gagawing kapurihan
ang Kanyang pangalan sa lupa. Anong kapangyarihan ang Kanyang
ipinangako sa lahat na gagawa sa pakikipagtulungan sa langit! Ang tatlong
pinakamataas na kapangyarihan sa sansinukob ay nangako na gagawa kasama
ng mga nagsisikap na magligtas ng nawaglit. Nais ng Diyos na hingiin ng
Kanyang bayan ang Kanyang pangakong tulong para sa pagtatapos ng
Kanyang gawain sa sanlibutan.”--RH, Aug. 12, 1909. “Magtiwala tayo at magpakalakas. Ang kawalan ng pag-asa sa gawain ng Diyos
ay masama at di-makatuwiran. Alam Niya ang bawat pangangailangan natin. Taglay
Niya ang lahat ng kapangyarihan. Maaari Niyang ibigay sa Kanyang mga lingkod ang
sukat ng kakayahan na kakailanganin nila. Ang Kanyang di-masukat na pag-ibig at
habag ay hindi napapagod. Sa kataasan ng pinakamakapangyarihan sa lahat Kanyang
pinagsasanib ang kaamuan at pangangalaga ng isang mapagmahal na pastor. Hindi
tayo dapat matakot na hindi Niya tutuparin ang Kanyang mga pangako. Siya ay
walang hanggang katotohanan. Hindi Niya kailan man babaguhin ang tipanan na
Kanyang ginawa sa mga umiibig sa Kanya. Ang Kanyang mga pangako sa Kanyang
iglesia ay tatayo sa walang hanggan. Gagawin Niya siya na isang walang hanggang
kagalingan, isang kagalakan ng maraming henerasyon.
“Pag-aralan ang Isaias 41, at sikaping unawain ito sa lahat nitong kahulugan.”--
8 T, pp. 38, 39.
42
Lunes Nobyembre 14
2. PAMPASIGLA SA ATING MISYON
a. Anong mga katiyakan mayroon tayo sa pag-ibig ng Diyos at
proteksiyon sa pagsusulong ng ating misyon, maging sa gitna ng mga
pagsubok? Isa. 43:1-6.
“Ang hurno ng apoy ay hindi pupuksa kundi magpapakinis, maglilinis,
magpapabanal. Kung walang pagsubok hindi natin lubos na madarama ang
ating pangangailangan sa Diyos at sa Kanyang tulong; at tayo ay
magmamataas at magtitiwala sa sarili. Sa mga pagsubok na dumarating sainyo
nakikita ko ang patunay na ang mata ng Panginoon ay nasa inyo at nais
Niyang ilapit kayo sa Kanya. Hindi ang malusog kundi ang nasugatan, ang
nangangailangan ng manggagamot; yaong mga nabibigatan ng halos hindi na
makaya ang nangangailangan ng saklolo. Bumaling ka sa tanggulan. Pag-
aralan mo ang mahalagang aral: ‘Pumarito kayo sa Akin, kayong mga
nangabibigatang lubha, at bibigyan Ko kayo ng kapahingahan. Pasanin ninyo
ang Aking pamatok, at matuto kayo sa Akin; sapagkat Ako’y maamo at may
mababang puso: at kayo’y makakasumpong ng kapahingahan ng inyong
kaluluwa. Sapagkat ang Aking pamatok ay magaan, at ang Aking pasanin ay
hindi mabigat’ (Mat. 11:28-30).”--Ibid., pp. 123, 124.
b. Anong mga aral ng pakikipagtulungan at kalakasan maging sa mga
sumasamba sa diyusdiyusan ang maiaangkop natin ngayon sa ating
gawain para sa Diyos? Isa. 41:6, 7.
“Makakatulong sa mga kabataan, at sa mga magulang at sa mga guro,
ang pag-aaral sa aralin ng pakikipagtulungan ayon sa itinuturo sa Kasulatan.
Kabilang sa maraming mga paglalarawan dito ay pansinin ang gusali ng
tabernakulo--ang aralin ng pagtatatag ng ugali--kung saan ang buong bayan
ay nagkakaisa, ‘bawat-isa na ang puso ay nagising, at ang bawat-isa na ang
espiritu ay handa’ (Exo. 35:21). Basahin kung paano muling itinatag ang
pader ng Jerusalem ng mga bumalik na bihag, sa gitna ng kadukhaan,
kahirapan, at panganib, ang dakilang gawain ay matagumpay na naisagawa
sapagkat ‘ang mga tao ay may kaisipang gumawa’ (Neh. 4:6). Pag-aralan ang
bahaging ginampanan ng mga alagad sa himala ng Tagapagligtas sa pagpapakain ng karamihan. Ang pagkain ay dumami sa mga kamay ni Kristo, subalit
tinanggap ito ng mga alagad upang ipamahagi sa naghihintay na pulutong.
“ ‘Tayo ay miyembro ng isat-isa.’ Kung paanong ang bawat isa ay
tumanggap ng kaloob, kayo din ay maglingkod sa isat-isa, bilang mabubuting
katiwala ng masaganang biyaya ng Diyos’ (Efe. 4:25; 1 Ped. 4:10). “Naway ang mga salitang isinulat ng mga tagapagtayo ng diyusdiyusan noon,
sa mas mahalagang layunin, ay maging kasabihan ng mga tagapagtatag ng ugali
ngayon: [Isa. 41:6 sinipi].”--Ed, p. 286.
43
Martes Nobyembre 15
3. KAAYON SA ATING MANLILIKHA
a. Paano ang Mang-aawit at si Isaias kapuwa nagpahayag ng kaibahan
ng ating Manlilikha? Awit 72:18; Isa. 44:6-8; 45:11, 12. Ano ang dapat
nating isaalang-alang sa bagay na ito?
“Tayo’y lalo pang magtiwala sa ating manunubos. Huwag bumaling sa
mga tubig sa Lebanon upang uminom sa basag na mga sisidlan, na hindi
makakasalok ng tubig. Manampalataya sa Diyos. Ang malakas na pagtitiwala
kay Jesus ay nagbubunga ng tagumpay na hindi lamang posible, kundi tiyak.
Bagaman ang karamihan ay nagsisikap sa maling daan, bagaman ang tanawin
ay palaging nakapanglulupaypay, subalit maaari tayong magkaroon ng lubos
na katiyakan sa ating Pinuno; sa pagkat ‘ako ang Diyos,’ sabi niya, ‘at wala
ng iba pa.’ (Isa. 45:22). Siya’y walang kapantay sa kapangyarihan, at
makakapagligtas ng lahat na lalapit sa Kanya. Wala ng iba pa na ating
mapagtitiwalaang ligtas.”--RH, June 9, 1910.
b. Sa halip na makipagtulungan sa ating Manlalalang sa Kanyang
layunin para sa atin, ano ang madalas nating ginagawa? Isa. 45:9, 10.
Paano ang paganong hari, na si Ciru, tumugon sa layunin ng Diyos
para sa kanya? Talatang 13.
“Tayo ay naniniwala sa pangkalahatang paraan, ngunit marami ang
mawala sa atin sapagkat hindi tayo lubos na nagtiwala sa Diyos na ating
Manlilikha. Kung magagawa natin, hindi man kanaisnais ang pangyayari,
magtiwala ng lubos sa Kanyang pag-ibig at ikubli ang ating sarili sa Kanya,
na nananahang mapayapa sa Kanyang pag-ibig, ang pagkadama ng Kanyang
presensiya ay magpapasigla ng malalim, payapang kagalakan. Ang
karanasang ito ay nagbubunga sa atin ng pananampalataya na nagbibigay sa
atin ng kakayahan upang hindi mayamot, hindi mag-alala, kundi magtiwala sa
isang Kapangyarihan na walang hanggan.”--9 MS, p. 289. “Nang nakita ni haring [Ciru] ang mga salitang naghuhula, higit isang daang
taon bago siya isilang, ng paraan kung paano masasakop ang Babelonya; nang nabasa
niya ang mensahe na para sa kanya ng isang Pinuno ng sansinukob [Isa. 45:5b, 6a
sinipi], nang nakita niya sa kanyang mga mata ang sinabi ng walang hanggang Diyos,
“Para kay Jacob na aking lingkod, at kay Isarel na Aking pinili, tinawag kita sa iyong
pangalan: Binigyan kita ng pangalan, bagaman hindi mo Ako nakikilala;” habang
binabakas niya ang kinasihang tala, “Ibabangon Ko siya sa katuwiran, at iuutos Ko
ang kanyang mga daan: itatayo niya ang Aking siyudad, at palalayain niya ang Aking
mga bihag, hindi dahil sa premyo ni sa gantimpala,” ang kanyang puso ay lubos na
nakilos, at siya’y nagpasyang tuparin ang kanyang misyong itinakda ng Diyos
(talatang 4, 13). Palalayain niya ang mga bihag na taga Judea; tutulungan niya sila na
muling itayo ang templo ni Jehova.”--PK, pp. 557, 558.
44
Miyerkules Nobyembre 16
4. ANG KATIYAKAN NG SALITA NG DIYOS
a. Kapag natutuksong mag-alinlangan sa salita ng Diyos, ano ang dapat
nating alalahanin tungkol sa Diyos? Isa. 46:8-10.
“Imposible para sa isipan ng tao na maunawaan ng lubos ang ugali o ang
gawain ng Diyos….
“Nauunawaan natin ang Kanyang pakikitungo sa atin, at ang mga motibo
ng Kanyang mga ginagawa, upang ating makilala ang walang hanggang pag-
ibig at awa na pinag-isa sa walang hanggang kapangyarihan. Mauunawaan din
natin ang Kanyang mga layunin sapagkat makakabuti para sa atin na malaman
ito; at sa kabila nito dapat tayong magtiwala sa kalakasan ng Pinakamaka-
pangyarihan sa lahat, ang pag-ibig at karunungan ng Ama at Pinakamataas sa
lahat…. Subalit ibinigay sa atin ng Diyos sa Kasulatan ang sapat na katibayan
ng kanilang banal na ugali, at hindi tayo dapat mag-alinlangan sa Kanyang
salita dahil hindi natin maunawaan ang lahat ng mga hiwaga sa Kanyang
probidensiya…. Lahat ng nakikita ng Diyos na nararapat na ipaalam ay ating
tanggapin sa kapangyarihan ng Kanyang salita. Maaaring mababaw lamang
na pangungusap ng mga katotohanan ang ibinigay, na walang paliwanag kung
bakit o paano; ngunit bagaman hindi natin maunawaan ito dapat tayong
maniwala na ito’y totoo, sapagkat ang Diyos ang nagsabi nito. Lahat ng
kahirapan ay nakabatay sa kahinaan at kakitidan ng utak ng tao.”--5 T, pp.
698-700.
“Sa mga salaysay ng kasaysayan ng tao ang paglago ng mga bansa, ang
pagbangon at pagbagsak ng mga kaharian, ay makikitang nakabatay sa
kaisipan at lakas ng loob ng tao. Ang paghubog ng mga kaganapan ay tila, sa
malaking antas, makikilala sa kanyang kapangyarihan, ambisyon, o kapritso.
Subalit sa salita ng Diyos ang tabing ay hinawi, at nakita natin, sa likod, sa
itaas, at sa lahat ng agos at pagsalungat ng interes at kapangyarihan at mga
hilig ng tao, ang mga kasangkapan ng Isang mahabagin sa lahat, tahimik, may
pagtitiis na isinasakatuparan ang mga pagpapasya ng Kanyang sariling
kalooban.”--Ed, p. 173.
b. Sa Kanyang layunin na gamitin si Ciru upang iligtas ang Juda mula sa
Babelonya, anong dakilang espirituwal na kaligtasan ang tiniyak ng
Diyos, at sa pamamagitan nino darating ito? Isa. 46:11-13.
“Sa salita at sa gawa ang Mesias, sa Kanyang gawain sa lupa, ay
ipinahayag sa tao ang kaluwalhatian ng Diyos Ama. Bawat gawain ng
Kanyang buhay, bawat salitang binigkas, bawat himalang ginawa, ay upang
ipakilala sa tao ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos.”--PK, p. 696.
45
Huwebes Nobyembre 17
5. MGA KAMANGGAGAWA NG DIYOS
a. Anong mahalagang karansan dapat magkaroon tayong lahat upang
makipagtulungan sa Diyos sa pinagpalang gawain ng pagligtas ng
kaluluwa? Awit 51:10-13; 2 Cor. 4:1-7. Bakit?
“Bawat tunay na alagad ay isinilang sa kaharian ng Diyos bilang isang
misyonero. Siya na umiinom ng buhay na tubig ay nagiging bukal ng buhay.
Ang tumanggap ay nagiging tagapagbigay. Ang biyaya ni Kristo sa kaluluwa
ay tulad ng bukal sa disyerto, nagbubukal upang painumin ang lahat, at ang mga handa ng mamatay ay pinananabik na uminom ng tubig ng buhay.”--DA, p. 195.
“Siya na naging anak ng Diyos mula ngayon ay dapat tumingin sa
kanyang sarili bilang isang dugtong sa tanikala na ibinaba upang iligtas ang
sanlibutan, kaisa ni Kristo sa Kanyang plano ng awa, humahayong kasama
Niya upang hanapin at iligtas ang nawaglit.”--MH, p. 105.
“May malalim ka bang pagpapahalaga sa sakripisyo ni Kristo sa
Kalbaryo na handa mong ibaba ang bawat interes kasunod ng gawain ng
pagligtas ng mga kaluluwa? Katulad na bigat ng pananabik na iligtas ang mga
makasalanan na nakita sa buhay ng Tagapagligtas ang makikita din sa buhay
ng Kanyang tunay na mga tagasunod. Ang Kristyano ay walang hangarin na
mabuhay para sa sarili. Nalulugod siya na italaga ang lahat na nasa kanya sa
paglilingkod sa Panginoon. Siya ay nakilos ng di-mailarawang pananabik na
magligtas ng kaluluwa kay Kristo. Ang sinomang walang ganitong pananabik
ay maaaring kaligtasan lamang ng sarili ang iniisip. Manalangin sila para sa
espiritu ng paglilingkod.”--7 T, p. 10. “Ang ating gawain ay tinatakan na para sa atin ng ating Ama sa langit. Dalhin
natin ang ating Biblia at humayo upang bigyang babala ang sanlibutan. Dapat tayong
maging mga kamanggagawa ng Diyos sa pagligtas ng mga kaluluwa--daluyan ng
Kanyang pag-ibig sa araw-araw tungo sa mga napapahamak.”--9 T, p. 150.
Biyernes Nobyembre 18
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Bumanggit ng ilang mga paraan na makikinabang ang gawain ng
Diyos sa ating pakikipagtulungan?
2. Ano ang dapat nating alalahanin kapag kaharap ang matinding mga
pagsubok at kahirapan?
3. Kung tayo ay nananahan sa pag-ibig ng Diyos at lubusang itinalaga
ang ating sarili sa Kanya, ano ang ating mapapakinabang?
4. Bakit ang hula ay kapakipakinabang sa paglalatag ng pundasyon ng
pananampalataya sa Diyos?
5. Bakit ang kasigasigan sa pangangaral ng ebanghelyo ay tumpak na
batayan ng tunay na pagkahikayat?
46
Leksiyon 9 Sabbath, Nobyembre 26, 2016
Tinawagan Upang Maging Saksi
“Napakaganda sa mga bundok ang mga paa ng nagdadala ng
mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan; na nagdadala ng
mabuting balita ng kabutihan, na naghahayag ng kaligtasan; na
nagsasabi sa Sion, Ang iyong Diyos ay naghahari!” (Isa. 52:7).
“Sa pagbabahagi sa iba ng biyayang natanggap, tayo ay nagiging
kabahagi ng masaganang mga pagpapala ng Diyos.”--RH, Feb. 25, 1909.
Mungkahing Babasahin: Testimonies, vol. 7, pp. 9-24.
Linggo Nobyembre 20
1. MULING PAGBUHAY NG ATING PAG-IBIG SA KATOTOHANAN
a. Kapag natutuksong aksayahin ang ating oras sa makasariling mga
hangarin o walang kabuluhang mga bagay, ano ang dapat nating
isipin? Isa. 55:6, 7; Heb. 3:12, 13.
“Mga kapatid ko, hanapin ninyo ang Panginoon habang masusumpungan
pa Siya. Darating ang panahon na yaong mga nag-aksaya ng kanilang oras at
pagkakataon ay mag-iisip na sana’y hinanap nila Siya.”--9 T, pp. 106, 107.
b. Bakit mahalaga na pag-aralan ang Salita ng Diyos ngayon? Amos 8:11,
12. Anong bunga mayroon ang personal na pag-aaral ng Biblia sa
atin? Juan 8:31, 32; 17:17
“Yaong mga nag-aaral ng Biblia, ng payo ng Diyos, at nagtitiwala kay
Kristo ay may katalinuhang makakagawa sa lahat ng panahon at sa lahat ng
kalagayan. Maipapakita sa aktuwal na buhay ang mabubuting prinsipyo.
Tanggapin lamang na taimtim ang katotohanan ngayon at maging batayan ng
ugali, at ito’y magbubunga ng katatagan sa layunin, na ang pang-aakit ng
kalayawan, ang pabago-bagong hilig, ang paghamak ng maibigin sa
sanlibutan, at ang hilig ng sariling puso sa pagpapakabuyo sa sarili ay walang
kapangyarihan upang makaimpluwensiya. Ang konsiyensiya ang dapat
munang maliwanagan, ang kalooban ay dapat masupil. Ang pag-ibig sa
katotohanan at katuwiran ay dapat maghari sa kaluluwa, at ang ugali ay
makikita na sasang-ayunan ng langit.”--5 T, p. 43.
47
Lunes Nobyembre 21
2. MULING PAGBUHAY SA ATING PAG-IBIG KAY KRISTO AT SA
IBA a. Sa anong gawain tayo dinadala ng humihikayat na pag-ibig ng Diyos?
2 Cor. 5:14, 15.
“Kung ang pag-ibig ng Diyos ay nasa puso, ito’y tiyak na mahahayag sa
matamis na pag-ibig sa iba. Ang Panginoon ay nasisiyahan sa ating mga
gawain ng awa, sa ating pagiging mapagmalasakit sa mga kapos-palad at
naghihirap. Ang bao at ang ulila ay nangangailangan ng higit kaysa sa ating
tulong. Kailangan nila ang pakikiramay at pangangalaga, mga salita ng awa,
at ang matulunging kamay na maglalagay sa kanila sa kalagayan kung saan
matutulungan nila ang kanilang sarili. Lahat ng ginawa upang tulungan ang
mga nangangailangan ng tulong ay ginawa para kay Kristo. Sa ating pag-aaral
kung paano matutulungan ang mga kapos-palad, dapat nating pag-aralan ang
paraan na ginawa ni Kristo. Hindi Siya tumangging gumawa sa mga
nagkakamali; ang Kanyang gawain ng awa ay isinagawa para sa bawat uri ng
tao, matuwid man at di-matuwid. Sapagkat silang lahat ay pinagaling Niya sa
sakit at tinuruan ng mga aral.”--ST, July 14, 1909.
b. Kapag wala ang motibong ito, anong panawagan para sa pagsisisi ang
dapat nating tanggapin--at bakit? Apoc. 2:4, 5.
“Kapatid ko, ano ang ginagawa mo para kay Kristo? Nagsisikap ka ba na
maging pagpapala para sa iba? Ang iyong mga labi ba ay bumibigkas ng mga
salita ng kabaitan, pakikiramay, at pag-ibig? Nagsisikap ka ba na magdala ng
kaluluwa sa Tagapagligtas?
“Ito’y isang hiwaga na mayroong hindi lamang isang daan ang nasa
gawain at ngayon ay iisa na lamang. Ang makalangit na sansinukob ay
nagtataka sa kawalang interes, ang pagiging malamig at matamlay, ng mga
nagtatanyag na mga anak ng Diyos. Sa loob ng ilang mga taon ang gawain ay
nasa ating harapan, subalit marami ang natutulog.”--RH, Aug. 7, 1913.
k. Paano ang paggawa ng ating “unang mga gawain” sa misyonerong
hanay magpapalago ng ating espirituwal sa iglesia?
“Bawat paghiwalay mula sa tunay na misyonerong pagsisikap, bawat
pagkabigo na mahalin ang espiritu ng pagmimisyonero, ay may bunga sa
iglesia, at nagkakaroon ng pagbaba ng espirituwalidad. Subalit ang bawat
pagsisikap na ginawa sa hanay ng misyonero ay nagbibigay ng kalakasang
espirituwal sa iglesia, at hindi lamang nagpadami ng miyembro sa iglesia,
kundi nagpalakas din ng banal na sigasig at kagalakan.”--TM, pp. 205, 206.
48
Martes Nobyembre 22
3. BUNGANG NAGBIBIGAY-GANTIMPALA
a. Anong pampasiglang mga salita ang naglalarawan ng pasasalamat ng
mga nakakarinig ng mensahe sa mga nagdadala ng mensahe?Isa. 52:7.
“Nais ng [Diyos] na magsagawa kayo ng mga pagpupulong para sa mga
nasa labas ng iglesia, upang ang mga tao ay matuto ng katotohanan ng huling
mensahe ng babala na ito. May mga lugar na kayo ay masayang tatanggapin,
na ang mga kaluluwa ay magpapasalamat sainyong pagpunta upang tulungan
sila. Tulungan nawa kayo ng Panginoon upang isagawa ang gawaing ito na
hindi pa ninyo naisagawa noon.
“Magsimula tayong gumawa sa mga wala pang liwanag…. Kailangan
natin ay ang buhay na pananampalataya, pananampalataya upang ipahayag sa
nawasak na libingan ni Jose na tayo ay mayroong isang nabubuhay na
Tagapagligtas, isang tagapanguna natin at gagawang kasama natin. Gagawin
ng Diyos ang gawain kung bibigyan natin Siya ng mga kasangkapan.
Kailangan sa gitna natin ang higit na panalangin at higit na pagbawas ng di-
pagsampalataya. Kailangan nating itaas ang pamantayan ng higit pang mataas
sa harapan ng mga tao. Kailangan nating alalahanin na si Kristo ay palaging
nasa ating kanang kamay habang tayo ay nangangaral ng kalayaan sa mga
bihag at nagpapakain ng tinapay ng buhay sa mga nagugutom na kaluluwa.
Kung palagi nating iniisip ang pagmamadali at kahalagahan ng ating gawain,
ang kaligtasan ng Diyos ay mahahayag sa isang kapansin-pansing paraan.
“Tulungan nawa tayo ng Diyos upang isakbat ang sandata at gumawa ng
masikap, na pinapahalagahan ang mga kaluluwa ng mga lalaki at mga babae
upang iligtas. Hanapin natin ang isang bagong pagkahikayat.”--9 T, p. 107.
b. Ano ang maaaring mangyari kung magkakapit-kamay tayo sa
malaking gawaing ito? Isa. 52:8, 15.
“Ang Diyos ay nananawagan sa Kanyang bayan na gumawa sa ibat-
ibang hanay ng gawaing misyonero. Yaong mga nasa malalawak at maliliit na
daan ay dapat makarinig ng nagliligtas na mensahe ng ebanghelyo. Ang mga
miyembro ng iglesia ay dapat mangaral sa mga tahanan ng kanilang mga
kaibigan at kapit-bahay na hindi pa nakatanggap ng buong patunay ng
katotohanan.”--RC, p. 202.
“Kung ituturo natin ang katotohanan tulad ng ginawa ni Jesus, ituturo
natin ito sa espiritu ng tunay na Tagapagturo; at hindi tayo magkakaroon ng
ibat-ibang opinyon, at hahawak sa ating sariling mga kaisipan na may
pagmamatigas, kundi magtitinginan ng mata sa mata.”--7 SDA BC [E.G.
White Comments], p. 914.
49
Miyerkules Nobyembre 23
4. NAKIKINIG SA TAWAG NA PANGGISING
a. Paano inulit ni Pablo ang panawagan sa paglilingkod ni Isaias? Roma
10:13-15.
“Ang buhay ni [Kristo] ay paglilingkod na hindi makasarili, at ito ang
dapat na aklat-aralin natin.
“Ang mga tao ay walang karapatan na mag-isip na mayroong hangganan
ang kanilang pagsisikap sa gawain ng pagligtas ng kaluluwa. Si Kristo ba ay
napagod sa Kanyang paggawa? Siya ba ay sumuko mula sa mga sakripisyo at
kahirapan? Dapat na isakabuhayan ng mga miyembro ng iglesia ang patuloy,
at matiyagang pagsisikap na Kanyang ginawa.”--RH, Aug. 7, 1913.
b. Kailangan ba nating maghintay ng batas ng pamahalaan o batas ng
General Conference upang tayo’y magising? Kung hindi, bakit hindi?
Roma 13:11-14; 1 Tes. 5:4-8.
“Ang buong lupa ay dapat maliwanagan ng kaluwalhatian ng katotohanan
ng Diyos. Hindi isasara ng Diyos ang panahon ng pagkakataon hangga’t ang
mensahe ay maipangaral ng malinaw. Ang pakakak ay dapat magbigay ng
malinaw na tunog. Ang kautusan ng Diyos ay dapat ipangaral, ang mga
hinihingi nito ay dapat ipahayag sa kanilang tunay, banal na katangian; upang
ang mga tao ay magpasya sa panig ng katotohanan o laban dito….
“Matagal ninyong hinintay ang kahanga-hangang nakakagising na mga
kaganapan na mangyayari bago ang pagdating ng Anak ng tao sa alapaap ng
langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. Ngayon tinatanong
ko, Handa ba kayo na patunugin ng malinaw ang pakakak? Alam ba ninyo na
kayo ay nakaugnay sa Diyos, at nabubuhay sa liwanag ng Kanyang mukha?
Sino ang nakakadama na siya ay kabilang sa dakilang pagtutulungan upang
parangalan si Kristo sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng plano ng
Panginoon para sa katubusan ng mga tao? Ang pinakamabuting paraan upang
mapanatili ang inyong kaluluwa sa pag-ibig ng Diyos ay ang maging masipag
na manggagawa para sa kaligtasan ng iba….
“Ang buong langit, kung maaari kung gamitin ang salaysay, ay nauubos
na ang pagtitiis sa paghihintay sa mga tao upang makipagtulungan sa mga
makalangit na kasangkapan sa paggawa para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.
[Isa. 52:7 sinipi.] Sino ang babangon at sisikat sapagkat ang liwanag ay
dumating na, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sainyo? Sino ang
umanib sa Panginoon sa banal na tipanan na maging mga daluyan ng
pakikipag-ugnayan ng liwanag at biyaya ng langit sa ating sanlibutan?”--GC
Bulletin, Jan. 28, 1893.
50
Huwebes Nobyembre 24
5. GUMAGAWA NG MABUTING PAGPAPAHAYAG
a. Anong pahayag ang kailangan nating gawin habang may pagkakataon
pa? Isa. 45:23; Rom. 14:11; 10:9, 10.
“Huwag mag-aksaya ng oras; ipahayag si Kristo na walang pagkaantala.
Ang Banal na Espiritu, ang Mang-aaliw, ang Espiritu ng katotohanan ang
magpapatotoo kay Kristo. Sabi ni Jesus, ‘Matatanggap ninyo ang
kapangyarihan, kapag ang Banal na Espiritu ay dumating sainyo: at kayo ay
magiging mga saksi sa akin kapuwa sa Jerusalem, at sa buong Judea, at sa
Samaria, at sa lahat ng sulok ng lupa’ (Gawa 1:8). Ang pagdalamhatiin ang
Banal na Espiritu na siyang gagawa upang ikaw ay maging saksi ni Kristo ay kakilakilabot na bagay. Hindi mo alam kung kailan mo huling pinagdalamhati ang
Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ay hindi gagawa sa puso ng tao upang pilitin
kang ibigay ang iyong sarili kay Kristo, upang pilitin ka na isuko ang iyong
konsiyensiya: subalit [ang Espiritu] ay sumisikat sa mga silid ng isipan upang
bagbagin ka sa iyong kasalanan, at upang akitin ka tungo sa katuwiran. Kung hindi
mo ipapahayag si Kristo ngayon, ang panahon ay darating, nag-uumapaw sa
pagkadama ng malalaking bagay na nawala sa iyo, ikaw ay magpapahayag. Subalit
bakit hindi ipahayag si Kristo ngayon habang ang tinig ng awa ay nag-aanyaya sa
iyo?”--YI, Aug. 1, 1895.
b. Kapag ipinahayag natin si Kristo bilang pinanggagalingan ng ating
lakas at katuwiran, ano ang epekto nito sa ating mga gawain ng
pagmimisyonero? Isa. 45:24, 25.
“Sa natatanging paraan ang katotohanan ay ibinagay ayon sa pangangailangan
ng bawat puso ng tao. Habang iniisip ng mga anak ng Diyos ang kakayahan ng
Panginoon upang tustusan ang kanilang mga pangangailangan, tutulungan din nila
ang pangangailangan ng mga kaluluwang napapahamak sa kasalanan. Tatanggapin ng
Diyos ang lahat na magpapakita ng pananampalataya sa Kanya at gumaganap ng
Kanyang mga salita.”--RH, Aug. 12, 1909.
Biyernes Nobyembre 25
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Bakit mahalaga sa atin na malaman ang katotohanan?
2. Anong nangyayari sa ating espirituwal kung tayo ay bigong gumawa
ng gawaing misyonero?
3. Kapag nagsisikap na ibahagi si Kristo, kanino dapat magsimula ang
ating pansin?
4. Anong halimbawa ang ibinigay ni Kristo sa araw-araw na buhay--at
paano natin ito masusundan?
5. Paano ang aking pagpapahayag kay Kristo magiging higit na
mabisang patotoo?
51
52
Leksiyon 10 Sabbath, Disyembre 3, 2016
Tumutulong sa mga Kaluluwa
“Nang sunod na araw ng Sabbath ay dumating ang halos buong
siyudad upang makinig ng salita ng Diyos” (Gawa 13:44).
“Ang malambing na espiritu, isang maamo, naghihikayat na kilos, ay
magliligtas ng nagkasala at magkukubli ng maraming mga kasalanan.”--MH,
p. 166.
Mungkahing Babasahin: Testimonies, vol. 7, pp. 25-41; vol. 6, pp. 31-57.
Linggo Nobyembre 27
1. ISANG MENSAHE PARA SA PANAHONG ITO
a. Anong gawain ngayon ang inihula sa hula ng Isaias 56? Talatang 1, 2.
“Ang gawain ng repormasyon sa Sabbath na isasakatuparan sa huling
mga araw ay inihula sa hula ni Isaias. [Isa. 56:1, 2, 6, 7 sinipi.]”--GC, p. 451.
b. Sa anong paraan higit tayong makakapagpatotoo sa malalaking
siyudad? Luc. 14:23.
“Gawain natin na ibigay sa buong sanlibutan--sa bawat bansa, lipi, wika,
at bayan--ang nagliligtas na katotohanan ng mensahe ng ikatlong anghel.
Subalit mahirap na suliranin ang malaman kung paano mararating ang mga
tao sa malaking sentro ng populasyon. Hindi tayo pinapayagang pumasok sa
mga simbahan. Sa mga siyudad ang malalaking pulungan ay mahal, at
kadalasan ay kakaunti ang dumadalo sa magagarang pulungan. Tayo ay
tinuligsa ng mga hindi nakakakilala sa atin. Ang dahilan ng ating
pananampalataya ay hindi nauunawaan ng mga tao, at tayo ay ibinibilang na
mga panatiko na sa halip na Linggo ang ipinangingilin ay Sabado. Sa ating
gawain tayo ay nalilito kung paano malampasan ang mga hadlang ng
pagkamakasanlibutan at masamang akala, at madala sa mga tao ang
mahalagang katotohanan na napakahalaga para sa kanila. Tayo ay binilinan ng
Panginoon na ang mga pagpupulong ay isa sa mahahalagang kasangkapan
para sa pagtatapos ng gawaing ito.”--6 T, pp. 31, 32.
53
Lunes Nobyembre 28
2. PAG-ABOT SA KABILA NG ATING PALIBOT
a. Ano ang ipinakita kay Isaias tungkol sa plano ng Diyos para sa
mahalaga, tapat na mga kaluluwa sa labas ng kawan ni Kristo? Isa.
56:3-5. Paano ito nakita sa pangangaral ng mga apostol? Gawa 13:44.
“Palakas ng palakas ang pagkilala ng mga Hudyo sa kanilang sarili
bilang pinakamataas sa banal na karapatan sa iba pang mga tao sa lupa;
subalit hindi sila naging maingat sa pagpapanatili ng kanilang hiwalay at
banal na ugali sa pamamagitan ng pagtalima sa lahat ng kautusan ng Diyos.
Ngayon sinabi ng propeta na ang dayuhan na magmamahal at susunod sa
Diyos ang magtatamasa ng mga pribilihiyo na para lamang sana sa piniling
bayan. Hanggang ngayon, ang pagtutuli at ang mahigpit na pangingilin ng
mga seremonyal na kautusan ang siyang kondisyon kung saan ang mga Gentil
ay matatanggap sa kongregasyon ng Israel; subalit ang mga pagkakilanlang
ito ay pinawi na ng ebanghelyo.”--ST, Feb. 28, 1884.
b. Anong makasariling kahinaan ng tao ang dapat natin at ng ating
pamilyang pagsikapang labanan? Hag. 1:4.
“Ang inyong interes, at pagsisikap, at mga pagkabahala ay para sa
inyong pamilya at mga kamag-anak. Subalit hindi ninyo iniisip ang pagtulong
sa iba na nasa paligid ninyo, na labanan ang inyong pag-aatubili na magpakita
ng impluwensiya sa labas ng natatanging paligid. Ginagawa ninyong
diyusdiyusan ang sarili, at sinasaraduhan ang inyong sarili sa loob ng inyong
sarili lamang. Upang ako’y iligtas ng Panginoon at ang aking sarili lamang
ang malaking pasanin. Ang espiritung ito ay dapat munang mamatay bago ka
lumago sa Panginoon at tumaas ang espirituwal, bago ang iglesia lalago at
dumagdag ang mga kaluluwa sa kanila at sila’y maligtas.”--2 T, p. 77.
k. Paano natin maiiwasan ang patibong ng pagsisiksikan sa iisang lugar?
Luc. 9:6.
“Ilang mga bayan at siyudad ang lubhang napabayaan. Ang ating mga
tao ay pinipinsala ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsisiksikan sa
iisang lugar. Kapag ang mga puno at halamanan ay makapal at nagsisiksikan,
hindi sila lalago ng malusog at matibay. Ilipat ang mga puno mula sa inyong
makapal na halamanan. Hindi naluluwalhati ang Diyos sa pag-iipon ng
maraming mga pakinabang sa iisang lugar. Gawin itong malawak; itanim ang
inyong mga halaman sa maraming lugar, kung saan ang isa ay hindi sasandal
sa isa. Bigyan sila ng lugar upang lumago. Ito ang hinihingi ng Panginoon
sainyo.”--8 T, p. 147.
54
Martes Nobyembre 29
3. ANG UGNAYAN NG ATING MGA PANLASA AT KASANAYAN
a. Ano ang kahangahangang pangakong ibinigay sa bagong mga
mananampalataya? Isa. 56:6, 7. Paano natin gagampanan ang ating
papel sa pagbabahagi ng katotohanan?
“Bawat iglesia ay nangangailangan ng humahawak na kapangyarihan ng
Banal na Espiritu, at ngayon na ang panahon upang idalangin ito. Subalit sa
lahat ng gawain ng Diyos para sa tao ay plano Niya na ang tao ay
makipagtulungan sa Kanya. Upang tapusin ito ang Panginoon ay
nananawagan sa iglesia na magkaroon ng mas mataas na kabanalan, higit na
pagkadama ng tungkulin, mas malinaw na pagkaunawa sa kanilang mga
tungkulin sa kanilang Manlalalang. Tinatawagan Niya sila na maging dalisay,
banal, gumagawang bayan. At ang Kristyanong gawain ng pagtulong ay isang
paraan upang isakatuparan ito, sapagkat ang Banal na Espiritu ay nakikipag-
ugnayan sa lahat ng gumagawa sa gawain ng Diyos….
“Gumawa ng katamtaman, organisadong paggawa upang itaas ang mga
miyembro ng iglesia mula sa patay na kalagayan sa loob ng maraming taon.
Magpadala sa mga iglesia ng mga manggagawa na ipamumuhay ang
prinsipyo ng pagbabagong pangkalusugan. Ipadala ang mga makakakita ng
pangangailangan ng iglesia ng pagtanggi sa sarili sa panlasa, dahil kung hindi
sila ay magiging silo sa iglesia. Tingnan kung ang hininga ng buhay ay hindi
pumapasok sa ating mga iglesia.”--6 T, pp. 266, 267.
b. Ano ang salot sa mga Pariseo, at paano natin ito maiiwasan? Mat.
23:1-3; 7:24-29. Paano ang ating personal na kasanayan sa kalusugan
nakakaapekto sa ating Kristyanong pagsaksi? Isa. 56:10-12; 1 Cor. 9:26,
27.
“Ang Panginoon ay hindi nalulugod sa tumalikod na kalagayan ng Kanyang
bayan tungkol sa pagbabagong pangkalusugan. Kung hindi sila gigising sa panganga-
ilangan ng pakikinig ng liwanag sa pagbabagong pangkalusugan, sila ay mabibigong
makita ang kahalagahan ng ibang mga bahagi ng mensahe.”--SMC, p. 418.
“Kung ang mga iglesia ay naghihintay ng kalakasan, dapat nilang ipamuhay ang
katotohanan na ibinigay sa kanila ng Diyos. Kung ang mga miyembro ng ating iglesia
ay binaliwala ang liwanag sa [pagbabagong pangkalusugan], aanihin nila ang tiyak na
bunga kapuwa sa espirituwal at sa pangkatawang pagbagsak. At ang impluwensiya ng
matatandang mga miyembro ng iglesiang ito ay makakahawa sa mga bago sa
pananampalataya. Ang Panginoon ay hindi ngayon gumagawa upang magdala ng
maraming kaluluwa sa katotohanan, dahil sa mga miyembro ng iglesia na hindi
hikayat at sa mga dating hikayat ngunit tumalikod. Ano ang impluwensiya ng mga
hindi tapat na mga miyembrong ito sa mga bagong hikayat? Hindi ba’t mawawalan
ng bisa ang ibinigay na mensahe ng Diyos na dapat dalhin ng Kanyang bayan?”--6 T,
pp. 370, 371.
55
Miyerkules Nobyembre 30
4. MALAMBING SA MGA PALABOY
a. Ilarawan ang natatanging pangangalaga ng Diyos sa mga higit na
nangangailangan nito. Isa. 56:8.
“Bawat-isa na umiibig sa Diyos sa kataimtiman at katotohanan ay iibigin din
ang mga kaluluwa na dahilan ng kamatayan ni Kristo. Kung nais nating gumawa ng
mabuti sa mga kaluluwa, ang ating tagumpay sa mga kaluluwang ito ay katumbas ng
kanilang paniniwala at ng ating paniniwala, at ng pagpapahalaga sa kanila. Ang
paggalang na ipinakita sa nakikibakang kaluluwa ang siyang tiyak na paraan sa
pamamagitan ni Jesukristo upang ibalik ang nawalang paggalang sa sarili ng tao. Ang
ating lumalagong kaisipan sa kahihinatnan niya ay isang tulong na hindi natin lubos
na mapapahalagahan. Kailangan natin ang masaganang biyaya ng Diyos sa bawat
oras, at siya ay magkakaroon ng masagana, praktikal na karanasan, sapagkat ang
Diyos ay pag-ibig. Siya na nananahan sa pag-ibig, ay nananahan sa Diyos. Ibigay ang
pag-ibig sa kanila na higit na nangangailangan nito. Ang pinakamahirap, yaong mga
may pinakamasamang ugali ay nangangailangan ng ating pag-ibig, ng ating
paglambing, ng ating awa. Yaong mga sumusubok ng ating pagtitimpi ay higit na
nangangailangan ng pag-ibig. Minsan lang tayo dadaan sa sanlibutan; anomang
mabuting bagay na magagawa natin, gawin natin ng masikap, walang pagod, tulad sa
espiritu ng paggawa ni Kristo. Hindi Siya nabigo ni nanlupaypay man. Ang
magaspang, matigas ang ulo, matampuhin ang siyang nangangailangan ng higit na
tulong. Paano sila matutulungan? Sa pamamagitan lamang ng pag-ibig na ipinapakita
sa pakikitungo sa kanila na ipinakita din ni Kristo sa nagkasalang tao. Pakitunguhan
sila ng ayon din sa nararapat na pakikitungo sa atin. Paano kung gayon din ang
pakikitungo ni Kristo sa atin? Siya na hindi nararapat, ay pinakitunguhan ng ayon sa
nararapat sa atin. Pinakikitunguhan din tayo ni Kristo ng biyaya at pag-ibig na hindi
nararapat sa atin, kundi ayon sa nararapat sa Kanya. Pakitunguhan sila ng ayon sa
nararapat sa kanila, at inyong pinuputol mula sa kanila ang huling hibla ng pag-asa,
sinisira ang inyong impluwensiya at winawasak ang kaluluwa. Nararapat ba ito?
Hindi, sinasabi ko hindi, isang daang beses na hindi. Itali ang mga kaluluwang ito na
nangangailangan ng lahat na maibibigay ninyong tulong ng mahigpit sa mapagmahal,
nakikiramay, mahabaging puso, nag-uumapaw sa pag-ibig ni Kristo, at inyong
inililigtas ang kaluluwa mula sa kamatayan at ikinukubli ang maraming mga
kasalanan.”--FCE, pp. 281, 282.
b. Paano tayo makakagawa para sa mga palaboy sa ating kalagitnaan?
Sant. 5:19, 20.
“Marami ang nagkakamali at nakakadama ng kanilang kahihiyan at kahibangan.
Tinitingnan nila ang kanilang mga kamalian at kasalanan hanggat sila’y madala sa
halos kawalan ng pag-asa. Hindi natin dapat pabayaan ang mga kaluluwang ito.
Kapag may lumangoy na salungat sa agos, nasa kanya ang buong puwersa ng agos
upang hilahin siya pabalik. Iunat sa kanya ang matulunging kamay tulad ng kamay ng
Nakakatandang Kapatid sa nalulunod na si Pedro. Bigkasin sa kanya ang mga salita
na puno ng pag-asa.”--HP, p. 295.
56
Huwebes Disyembre 1
5. SUMUSUNOD SA HALIMBAWA NG PANGINOON
a. Paano ang mahabaging paglilingkod ni Kristo sa mga makasalanang
kaluluwa maipapakita at matutularan sa buhay ng Kanyang mga
tagasunod? Isa. 61:1-3.
“Ang misyon ni Kristo ay ang pagalingin ang maysakit, palakasin ang walang
pag-asa, pahilumin ang nasugatang puso. Ang gawaing ito ng pagsasauli ay dapat na
isagawa sa mga nangangailangan, naghihirap na mga tao. Ang Diyos ay nananawagan
hindi lamang sa inyong kawang-gawa, kundi sa inyong masayang mukha, puno ng
pag-asang mga salita, ang paghawak ng inyong kamay. Tulungan ang ilang
naghihirap na anak ng Diyos. Ang ilan ay maysakit, at wala ng pag-asa. Ibalik ang
sikat ng araw sa kanila. May mga kaluluwa na nanlulupaypay; kausapin sila,
manalangin kasama nila. May mga nangangailangan ng tinapay ng buhay. Basahin sa
kanila ang Salita ng Diyos. May kaluluwang ang sakit ay walang kagamutan.
Idalangin sila, at dalhin sila kay Jesukristo. At sa lahat ng inyong ginagawa, si Kristo
ay naroon upang maghasik sa puso ng mga tao.”--MEHE, p. 23.
“Hindi na kailangang pumaroon tayo sa Nazareth, sa Capernaum, o sa Betanya,
upang lumakad sa mga yapak ni Jesus. Masusumpungan natin ang Kanyang mga
yapak sa gilid ng higaan ng maysakit, sa kubo ng mga dukha, sa nagsisiksikang daan
ng malalaking siyudad, at sa bawat dako na mayroong puso ng tao na
nangangailangan ng tulong.
“Dapat nating pakainin ang mga nagugutom, damtan ang mga hubad, at aliwin
ang mga naghihirap at napipighati. Dapat tayong maglingkod sa mga nanlulupaypay,
at bigyang pag-asa ang mga walang pag-asa.
“Ang pag-ibig ni Kristo, na ipinakita sa di-makasariling paglilingkod, ay higit na
mabisa sa pagbabago sa mga gumagawa ng kasamaan kaysa sa tabak o sa hukuman.
Ang mga ito ay kailangan upang takutin ang mga lumalabag sa batas, subalit ang
mapagmahal na misyonero ay higit ang magagawa. Madalas na ang pusong napatigas
sa ilalim ng saway ay malulusaw sa ilalim ng pag-ibig ni Kristo.”--MH, pp. 105, 106.
Biyernes Disyembre 2
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Para sa anong layunin ang mga pagpupulong unang pinanukala, at
bakit?
2. Bakit dapat tayong magpakita ng interes sa bagong mga kaluluwa na
walang pamilya sa pananampalataya?
3. Ano ang kinalaman ng ating personal na kasanayan sa kalusugan sa
tagumpay ng ating pagmimisyonero?
4. Ano ang nangyayari kapag pinakikitunguhan natin ang mga tao ayon
sa nararapat? Paano tayo pinakitunguhan ni Jesus?
5. Saan kayo makakasumpong ng pagkakataon na maglingkod ng
personal tulad ng ginawa ni Kristo?
57
Leksiyon 11 Sabbath, Disyembre 10, 2016
Matiyagang mga Misyonero
“At ang bawat isa na nauuhaw, ay lumapit sa tubig, at ang walang
salapi; lumapit kayo, at bumili, at kumain; oo, lumapit kayo, bumili kayo
ng alak at gatas na walang salapi at walang halaga” (Isa. 55:1).
“Di magtatagal magkakaroon ng kaguluhan sa buong sanlibutan. Bawat-
isa ay mananabik na makilala ang Diyos. Wala ng panahon upang tayo’y
maantala. Sa kasipagan at pag-alab ang mensahe ay dapat ibigay: [Isa. 55:1;
56:1 sinipi].”--9 T, p. 228.
Mungkahing Babasahin: Testimonies, vol. 5, pp. 385-389;
Ibid., vol. 6, pp. 14-29.
Linggo Disyembre 4
1. PAGTITIYAGA SA KAHIRAPAN
a. Anong mensahe ang dapat ibigay sa bawat-isa ngayon, anoman ang
mahihirap na kalagayan na ating makaharap? Isa. 55:1, 2. Bakit
pinahihintulutan ng Diyos ang mga pagsubok na dumating sa
Kanyang iglesia?
“Sa lahat ng panahon ng mga itinakdang mensahero ng iglesia ng Diyos
ay inilantad ang kanilang sarili sa paghamak at pang-uusig dahil sa
katotohanan. Subalit saan man mapilitang pumaroon ang bayan ng Diyos,
bagaman, tulad ng mga minamahal na mga alagad, sila ay pinawi sa mga
islang disyerto, malalaman ni Kristo kung nasaan sila at palalakasin at
pagpapalain sila, at pupuspusin sila ng kapayapaan at kagalakan….
“Ang pag-ibig ng Diyos sa Kanyang iglesia ay walang hanggan. Ang
Kanyang pangangalaga sa Kanyang pamana ay walang patid. Hindi Niya
pinapayagang dumating sa Kanyang iglesia ang kapighatian maliban kung
ito’y kinakailangan sa kanyang kadalisayan, sa kanya kasalukuyan at walang
hanggang kabutihan. Dadalisayin Niya ang Kanyang iglesia kung paanong
dinalisay Niya ang templo sa pasimula at pagtatapos ng Kanyang gawain sa
lupa. Lahat ng Kanyang dinala sa iglesia na pagsubok ay dumarating upang
ang Kanyang bayan ay magtamo ng mas malalim na kabanalan at higit na
lakas upang itaguyod ang tagumpay ng krus sa lahat ng bahagi ng sanlibutan.
Siya ay may gawain para sa lahat. Dapat na magkaroon ng patuloy na pagpapalawak at paglago. Ang gawain ay dapat lumawak mula sa siyudad tungo sa
isa pang siyudad, mula sa isang bansa tungo sa isa pang bansa, na patuloy na sumu-
sulong at umaangat, napapatibay, napapalakas, at napapatatag.”--9 T, pp. 227, 228.
58
Lunes Disyembre 5
2. TUMINDIG KA, AT LUMIWANAG!
a. Anong liwanag ang dapat na sumikat sa puso ng lahat na nakakarinig
ng mensahe ng ebanghelyo? 2 Cor. 4:6. Sa kanino at sa pamamagitan
nino sisikat ang liwanag na ito ngayon? Isa. 9:2; Fil. 2:15.
“Si Kristo ay pumarito sa sanlibutan upang ipahayag ang Ama sa gitna
ng kadiliman ng kamalian at mga pamahiin na naghahari. Ang mga alagad ni
Kristo ay dapat ipakita Siya sa kanilang araw-araw na buhay, at sa gayon ang
tunay na liwanag mula sa langit ay sisikat sa malinaw, di-nagbabagong mga
sinag sa sanlibutan; sa gayon ang ugali ay nahahayag ng lubos na naiiba mula
sa mga nakikita sa mga taong hindi ginawang gabay at pamantayan ang salita
ng Diyos. Ang pagkakilala sa Diyos ay dapat panatilihin sa gitna ng kadiliman
na nagtatakip sa sanlibutan at sa matinding kadiliman na bumabalot sa mga
tao. Sa bawat panahon ang dalisay na ugali ni Kristo ay ipinakilala ng pamali
ng mga nagtatanyag na nananampalataya sa Kanya at sa salita ng Diyos.”--
TM, p. 152.
b. Gaano kalawak ang naabot ng liwanag ng pagkakilala kay Kristo at sa
Kanyang kaluwalhatian? Isa. 49:6.
k. Paano mahahayag ang kaluwalhatian ng Diyos sa huling mga araw na
ito? Isa. 60:1, 2; Mat. 5:16.
“Ang kadiliman ng maling pagkakilala sa Diyos ang bumabalot sa
sanlibutan. Ang mga tao ay nawawalan ng kanilang pagkakilala sa Kanyang
ugali. Mali ang pagkaunawa at ang pagkakilala dito. Sa panahong ito isang
mensahe mula sa Diyos ang dapat ipangaral, isang mensaheng lumiliwanag sa
impluwensiya nito at nagliligtas ang kapangyarihan nito. Ang Kanyang ugali
ay dapat ipaalam. Sa kadiliman ng sanlibutan ay dapat paliwanagin ang
Kanyang kaluwalhatian, ang liwanag ng Kanyang kabutihan, awa, at
katotohanan.”--COL, p. 415.
“Ang mga miyembro ng ating iglesia ay makakagawa ng isang gawain
na dati ay bahagya nilang sinimulan…. Kung saan ay may pagkakataon upang
magtamo ng kabuhayan, gawin ng mga pamilya na matatag sa katotohanan na
pumasok, isa o dalawang pamilya sa isang lugar, upang gumawa bilang mga
misyonero…. Maaari silang mamigay ng mga babasahin, magdaos ng
pagpupulong sa kanilang mga tahanan, makipagkilala sa kanilang mga
kapitbahay, at anyayahan sila na dumalo sa mga pagpupulong na ito. Ganito
nila paliliwanagin ang kanilang ilawan sa mabubuting gawain.”--8 T, p. 245.
59
Martes Disyembre 6
3. PINUPUNO ANG LUPA NG KALUWALHATIAN!
a. Paano inilalarawan ng Diyos ang panghuling dakilang misyonerong
gawain? Apoc. 18:1-4. Bakit hindi maaaring gawin ito sa
pamamagitan ng kahalili?
“Ang Diyos ay nagpadala ng sunod-sunod na mensahe upang gisingin
ang mga tao na gumawa, at gawin na ito ngayon. Subalit sa panawagang,
‘Sino ang aking susuguin?’ kakaunti lamang ang tumugon, ‘Narito ako;
suguin mo ako’ (Isa. 6:8).”--9 T, p. 46.
“Maraming nagtatanyag ng relihiyon ang walang ginagawa para kay
Kristo sa pamamagitan ng personal na paggawa. Sila ay kontento na sa
ginagawa ng iba na sila sana ang dapat na gumanap, at sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mahinang impluwensiya sa mga manggagawa, nadarama nila
na sila ay gumagawa ng mabuti sa pamamagitan ng kahalili. Ang mga taong
ito ay hindi nagtataglay ng pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan
ng pag-ibig, at nagdadalisay ng kaluluwa. Wala silang tunay na relihiyan na
pumapasok sa kanilang araw-araw na gawain at nagtutuwid sa bawat pagkilos
ng kanilang buhay. Ang buhay na pananampalataya kay Kristo ay ipinapakita
sa pamamagitan ng mabubuting gawa sa ating pamilya at mga kapitbahay, sa
pamamagitan ng mapagmalasakit, at praktikal na mga pagtulong sa mga
dukha, sa pamamagitan ng pagdalaw at pag-aliw sa mga bao at mga ulila sa
kanilang kapighatian, sa pamamagitan ng pag-iingat ng ating sarili na hindi
madungisan ng sanlibutan, at sa pamamagitan ng paggamit ng ating mga ari-
arian at impluwnesiya upang isulong ang gawain ng Diyos. Ito ay hindi dapat
gawin na may pagtatalo o pagbubulungbulong, kundi maluwag sa puso at may
kagalakan tulad din ni Jesus na ibinigay sa atin ang lahat.”--ST, Aug. 22, 1878.
b. Ano ang ilan sa mga paraan na tayo ay magiging mga kamanggagawa
ng Diyos sa gawaing ito? 1 Cor. 3:9, 10.
“Ngayon na ang panahon na kinakailangan ng higit na masikap, nagsasakri-
pisyong paggawa sa gawain ni Kristo, kung saan ang mga oras ng pagkakataon ay
mabilis na nagwawakas…. Mga kapatid, tutugon ba kayo sa panawagan ng mga [taga
Macedonia]? na nagsasabi: ‘Gagawin namin ang aming magagawa, na padadalhan
kayo ng mga misyonero at ng salapi. Tatanggihan namin ang aming sarili sa
pagpapaganda ng aming mga bahay, sa pagpapaganda ng aming pagkatao, at sa
pagpapalugod sa panlasa. Ibibigay namin ang mga ari-arian na ipinagkatiwala sa amin
para sa gawain ng Diyos, at itatalaga namin ang aming sarili na walang pasubali sa
gawain ng Diyos.’…
“Makakatulong ang kanilang salapi sa pagpapadala ng mga babasahin at mga
aklat sa mga wala pang liwanag ng katotohanan; makakatulong sila na bayaran ang
mga gastusin ng mga mag-aaral na inihahanda sa gawaing misyonero. Ilagay ninyo sa
banko ng langit ang bawat dolyar na inyong maitatabi.”--5 T, pp. 732, 733.
60
Miyerkules Disyembre 7
4. PAGBIBIGAY LIWANAG SA MGA TAO
a. Anong nagbibigay katiyakang paanyaya ng awa tayo ay tinatawagan
upang ibigay sa lahat ng bansa, at paano natin ito ibibigay? Isa. 55:3-5.
“Aking hinihimok ang bayan ng Panginoon na huminto sa pagpupunaan,
at italaga ang kanilang sarili sa pangangaral ng katotohanan sa panahong
ito…. Kailangan natin ngayong yumuko sa harapan ng Diyos sa tunay na
kapakumbabaan ng kaluluwa; sapagkat ang araw ng mga alapaap at makapal
na kadiliman ay mabilis na dumarating.
“Ang huling dakilang labanan ay nasa harapan natin; subalit ang tulong ay darating sa lahat na umiibig sa Diyos at tumutupad sa Kanyang utos, at ang lupa,
ang buong lupa, ay maliliwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos.”--RH, Apr. 19, 1906.
“Ang gawaing ito ay ibinigay sa lahat na nangangaral na si Kristo ay
ipinako sa krus sa gitna nila. Sa pamamagitan ng bautismo ng Banal na
Espiritu, ang bayan ng Diyos ay gagawa, sa pamamagitan ng kasangkapan ng
kanilang Panginoon, ng gawain na ginawa ni Kristo. Ipapakita nila ang
kagandahang-loob ng Diyos sa ating sanlibutan. Kabahagi ng banal na likas,
hindi lamang sariling kaluluwa ang ililigtas nila, sa pamamagitan ng
pananampalataya kay Jesus; kundi sinabi ni Kristo sa kanila, Kayo ang mga
kamanggagawa ng Diyos. Bilang Kanyang mga saksi, binigay Niya sa kanila
ang kani-kaniyang gawain. Bilang kinatawan Niya, dadalhin nila sa sanlibutan
ang mensahe ng paanyaya ng awa.
“Iniutos ni Kristo sa Kanyang mga alagad na itaas ang Manunubos ng
sanlibutan. Dapat nilang madama ang kanilang tungkulin na italaga ang
ipinagkatiwalang kakayahan sa gawain ng pagdala ng mga kaluluwa sa
ebanghelyo Niya na gumawa ng lubusang sakripisyo para sa kaliwanagan at
pagbawi ng sanlibutan.”--Ibid., Mar. 22, 1898.
b. Ano ang dapat alalahanin ng mga nagsisikap na ibahagi sa iba ang
liwanag ng kasalukuyang katotohanan na tuwirang mula sa Salita ng
Diyos? Isa. 55:9-11.
“Ang plano ng pagsasagawa ng pagbabasa ng Biblia ay kaisipang mula sa
langit. Maraming mga lalaki at babae, ang maaaring makisangkot sa gawaing ito ng
pangangaral. Maaaring linangin ang mga manggagawa na maging malakas na tao ng
Diyos. Sa paraang ito ang Salita ng Diyos ay naibigay sa libu-libo; at ang mga
manggagawa ay nadala sa personal na pakikiugnay sa mga tao ng lahat na bansa at
wika. Nadala ang Biblia sa mga pamilya, at ang banal na katotohanan nito ay nanahan
sa konsiyensiya. Nahimok ang mga tao na magbasa, magsaliksik, at magpasya para sa
kanilang sarili, at sila ay dapat na sumunod sa mga tungkulin ng pagtanggap o pagtak-
wil sa banal na liwanag. Hindi papayagan ng Diyos na ang mahalagang gawaing ito
para sa Kanya na hindi mabigyan ng gantimpala. Puputungan Niya ng tagumpay ang
bawat munting mga pagsisikap na ginawa sa Kanyang pangalan.”--CS, p. 141.
61
Huwebes Disyembre 8
5. ANG BANAL NA PAMANTAYAN AY ITINAAS
a. Kapag pinahihirapan tayo ng kaaway ng mga tukso upang manghina
sa ating gawain ng paghanap ng mga kaluluwa, ano ang gagawin ng
Diyos para sa atin? Isa. 59:19.
b. Anong uri ng kaisipan ang magbibigay sa atin ng kakayahan na
magpatuloy sa kabila ng mahihirap na mga pangyayari? Isa. 50:7.
“Sa aking kabataan ako’y nagpasya na kung papayagan kong madaig ng
mga pangyayari, ang buhay ko’y walang kabuluhan; ako’y humayo sa nalala-
man kong tungkulin, bagaman ang kapaligiran ay laban sa akin. Madalas na
sinasabi ng aking ama, ‘Ellen, kung tungkulin mong humayo sa lugar na iyon,
magiging malinaw at hindi ka mag-aalinlangan sa mga bagay-bagay. Tungkol
sa iyong pagiging kabataan at mahina, bibigyan ka ng Panginoon ng malinaw
na patunay ng iyong tungkulin; at bibigyan ka Niya ng lakas na gawin ito na
walang kahirapan.’ ‘Subalit,’ sabi ko, ‘Ama, kung dumating man ang mga
kahirapan, gagawa ako ng mas malaking paraan upang harapin sila, at sa
paggawa nito ako’y magtatamo ng mahahalagang karanasan na makakatulong
sa akin upang gamitin ng tama ang mga kakayahang ipinagkatiwala sa akin.’
“Narito ang gawain para sa bawat isa sa atin. Hindi ko pa nakita at
nadama noon ang halaga ng mga kaluluwa tulad ng nadarama ko ngayon.
Paano natin maiisip ang kahalagahan ng gawain ng kaligtasan? Kung
ihahambing sa halaga ng kaluluwa, ang bawat bagay ay mawawalan ng
halaga. Ang sanlibutang ito at ang kayamanan, ang buhay na ito at ang
kaligayahan, ay may maliit lamang na mga bunga, kung ihahambing natin sa
kagalakan ng kahit isang kaluluwa na naligtas ng walang hanggan. Hanggat
magkaroon tayo ng malinaw at maliwanag na kaisipan kung ano ang tatamasain ng
kaluluwa kapag naligtas sa kaharian ng kaluwalhatian; hanggat lubusan nating
maunawaan ang halaga ng buhay na masusukat sa buhay ng Diyos; hanggat ating
lubusang maisip ang kasaganaan ng gantimpala na naghihintay sa mga nagtagumpay--
hindi natin malalaman ang di-masukat na halaga ng kaluluwa.”--RH, Mar. 25, 1880.
Biyernes Disyembre 9
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Paano tayo magiging matiyaga sa gawain ng pangangaral ngayon?
2. Paano ang mga miyembro makakagawa ng kahanga-hangang gawain
sa pagpapalaganap ng katotohanan?
3. Paano natin pakikinggan ang sigaw ng mga taga Macedonia?
4. Paano ang tunay na relihiyon gumagawa sa buhay?
5. Kailan mawawalan ng halaga sa atin ang sanlibutan at ang mga
kayamanan?
62
Leksiyon 12 Sabbath, Disyembre 17, 2016
Pangwakas na Tagumpay
“Sa dakilang kapangyarihan ang mga apostol ay nagpatotoo sa
muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang nasa
kanilang lahat” (Gawa 4:33).
“Sa panahong ito ang Espiritu ng [Diyos] at ang Kanyang biyaya ay para
sa lahat na nangangailangan sa kanila at manghahawak sa Kanyang salita.”--8
T, p. 20.
Mungkahing Babasahin: The Acts of the Apostles, pp. 47-56;
Christ’s Object Lessons, pp. 415-421.
Linggo Disyembre 11
1. NAGPAPATOTOO NA MAY KAPANGYARIHAN
a. Ilarawan ang karanasan ng unang iglesia matapos ibuhos ang Banal na
Espiritu sa panahon ng Pentecostes. Gawa 2:16, 17; 4:33.
“[Sa panahon ng unang mga apostol], daan-daan ang nangaral ng
mensahe: ‘Ang kaharian ng Diyos ay malapit na.’ Hindi sila mapipigilan o
mahahadlangan ng mga pagbabanta. Ang Panginoon ay nagsalita sa
pamamagitan nila; at, saan man sila pumaroon, ang maysakit ay napagaling,
at ang dukha ay inaralan ng ebanghelyo.
“Makapangyarihang gagawa ang Diyos kapag italaga ng tao ang
kanilang sarili sa pangunguna ng Kanyang Espiritu.”--8 T, p. 20.
b. Anong hula ang may higit na lubos na katuparan sa huling mga araw
na ito? Isa. 60:3-5.
“Kapag lubusang inihiwalay ng bayan ng Diyos ang kanilang sarili mula
sa kasamaan, doon lamang Niya maibibigay sa kanila ang liwanag ng langit sa
masaganang sukat, at sisikat mula sa kanila sa sanlibutan, at lubusang
matutupad ang inihula ni Isaias higit sa mga nakaraan, [Isa. 60:3-5 sinipi].”--
HP, p. 313.
“Alisin na ng mga Kristyano ang lahat ng hidwaan at italaga ang sarili
sa Diyos para sa pagligtas ng mga nawaglit. Ang pagbuhos ng Espiritu sa mga
araw ng mga apostol ay ang “unang ulan,” at maluwalhati ang bunga. Subalit
ang huling ulan ay higit na masagana.”--8 T, p. 21.
63
Lunes Disyembre 12
2. ANG MGA PANAHON NG PAGDILIG
a. Anong tiyak na pangako ng muling pagbangon at pagdilig ang ibi-
nigay ni Hoseas sa ilalim ng sagisag ng una at huling ulan? Hos. 6:1-3.
b. Ano ang mga kondisyon ng pagtanggap ng pangakong “panahon ng
pagdilig”--ang lubusang pagbuhos ng Banal na Espiritu sa
kapangyarihan ng huling ulan? Gawa 3:19-21.
“Ang gawain ng abanghelyo ay hindi matatapos na may kaunting
pagpapahayag ng kapangyarihan ng Diyos kaysa noong pasimula. Ang mga
hulang natupad sa pagbubuhos ng unang ulan sa pasimula ng ebanghelyo ay
muling matutupad sa huling ulan sa pagtatapos nito. Narito ang ‘panahon ng
pagdilig’ na hinihintay ni apostol Pedro… [Gawa 3:19, 20 sinipi].”--GC, pp.
611, 612.
“Ang mga tumanggap ng tatak ng buhay na Diyos at may proteksiyon sa
panahon ng kabagabagan ay dapat ipakita ng lubos ang larawan ni Jesus.
“Nakita ko na marami ang nagpapabaya sa paghahanda na napakahalaga
at naghihintay sa panahon ng ‘pagdilig’ at sa ‘huling ulan’ upang ihanda sila
sa pagtayo sa araw ng Panginoon at mamuhay sa Kanyang paningin. O,
napakarami ang nakita ko na sa panahon ng kabagabagan ay walang
proteksiyon! Pinabayaan nila ang napakahalagang paghahanda; kung kaya
hindi nila natanggap ang pagdilig na kailangan ng lahat upang maihanda sila
na mamuhay sa paningin ng banal na Diyos.”--EW, p. 71.
k. Upang matanggap ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu na walang
sukat, anong gawain ang dapat na magawa para sa atin at sa
pamamagitan natin? Isa. 43:25; 44:22.
“Maaari nating hingiin ang pinagpalang pangako, ‘Pinawi ko na, tulad ng
makapal na ulap, ang inyong mga pagsalangsang’ (Isa. 44:22). Ang inyong
‘mga kasalanan, na napakarami, ay pinatawad na’ (Luc. 7:47). O,
napakatamis, napakasarap, ang sikat ng araw ng pag-ibig ng Diyos! Ang
makasalanan ay maaaring tumingin sa Kanyang di-nabahiran ng kasalanang
buhay, at magsabi, ‘Sino ang humahatol? Si Kristo na namatay.’ ‘Kapag ang
kasalanan ay nananagana, ang biyaya ay higit na nananagana’ (Roma 8:34;
5:20). Si Kristo na Tagapagsauli ay nagtanim ng isang bagong prinsipyo ng
buhay sa kaluluwa, at ang halamang ito ay lumago at namunga. Ang biyaya ni
Kristo ay nagdadalisay habang nagpapatawad, at iniaangkop ang tao para sa
banal na langit. Dapat tayong lumago sa biyaya at sa pagkakilala sa ating
Panginoong Jesukristo hanggang sa maabot natin ang kalubusan ng lalaki at
babae kay Kristo.”--RH, July 14, 1891.
64
Martes Disyembre 13
3. ANG MGA KASUOTAN NG KALIGTASAN
a. Habang nararamdaman nating hindi tayo karapatdapat, anong kati-
yakan maaari tayong magkaroon na tayo ay tatanggapin ng
Panginoon kapag tayo ay lumapit sa Kanya sa pagsisisi? Isa. 61:10.
“Huwag makinig sa udyok ng kaaway na manatiling malayo kay Kristo
hangga’t mapabuti mo ang iyong sarili; hangga’t ikaw ay maging ganap na
mabuti upang lumapit sa Diyos. Kung hihintayin mo ito, hindi ka kailan man
makakalapit. Kapag itinuro ni Satanas ang iyong maruming kasuotan,
banggitin mo ang pangako ng Diyos, ‘Siya na lumalapit sa Akin ay hindi Ko
kailan man itatakwil’ (Juan 6:37)….
“Sa magandang parabolang hula ni Zacarias, ang mataas na saserdote na
si Josue, na nakatayong nadadamtan ng maruming kasuotan sa harapan ng
anghel ng Panginoon, ay sumasagisag sa makasalanan. At ang Panginoon ang
nagsabi, ‘Hubarin ninyo sa kanya ang maruming kasuotan. At sa kanya ay
sinabi Niya, Narito, Aking pinalipas sa iyo ang iyong kasamaan, at dadamtan
kita ng bagong kasuotan…. At nilagyan nila siya ng malinis na turbante sa
kanyang ulo, at dinamtan siya ng kasuotan’ (Zac. 3:4, 5). Gayon din ang
Diyos ay dadamtan kayo ng ‘kasuotan ng kaligtasan,’ at babalutin kayo ng
‘damit ng katuwiran’ (Isa. 61:10).”--COL, pp. 205, 206.
b. Ano ang malapit ng maganap sa ilalim ng kapangyarihan ng “huling
ulan” ng Banal na Espiritu? Isa. 61:11; Joel 2:23, 28-31.
“Hindi tayo dapat maghintay sa huling ulan. Ito’y darating sa lahat na
kikilalanin at iaangkop ang hamog at ulan ng biyaya na ibinubuhos sa atin.
Kapag inipon natin ang mga kalat na liwanag, kapag pinahalagahan natin ang
tiyak na mga habag ng Diyos, na nananabik na magtiwala tayo sa Kanya, ang
bawat pangako nga ay matutupad. [Isa. 61:11 sinipi]….
“Ang panahon ng pagsubok ay malapit na sa atin, sapagkat ang malakas
na sigaw ng ikatlong anghel ay nagsimula na noong ipinangaral ang katuwiran
ni Kristo, ang nagpapatawad ng kasalanan na Manunubos. Ito ang pasimula
ng liwanag ng anghel na ang kaluwalhatian ay pupuno sa lupa.”--7 SDA BC [E.G. White Comments], p. 984.
“Isang gawain ang dapat magawa sa bayan, kung hindi marami ang
hindi mahahanda sa pagtanggap ng liwanag ng anghel na sinugo mula sa
langit upang paliwanagin ang buong lupa ng kanyang kaluwalhatian. Huwag
ninyong isipin na kayo ay masusumpungan bilang mga sisidlan para sa
karangalan sa panahon ng huling ulan, upang tumanggap ng kaluwalhatian ng
Diyos, kung itinataas ninyo ang iynong kaluluwa sa mga walang kabuluhan,
nagsasalita ng masasamang bagay, at lihim na nagmamahal ng mga ugat ng
poot.”--1 MS, p. 175.
65
Miyerkules Disyembre 14
4. NAGHAHANDA PARA SA ULAN
a. Paano tayo dapat maghanda ng ating puso sa pakikibahagi sa huling
ulan? Joel 2:12-14; Hos. 10:12.
“Ang Diyos ay ginagabayan ang Kanyang bayan sa bawat hakbang.
Dinadala Niya sila sa ibat-ibang mga kalagayan na tinatayang maipapakita
kung ano ang nasa puso. Ang ilan ay nakakatiis sa ibang punto ngunit
bumabagsak sa sumunod…. Ang ilan ay handang tumanggap ng isang punto;
ngunit kapag dinala sila ng Diyos sa isang pagsubok, sila’y umuurong dito,
sapagkat nasusumpungan nila na ito’y humahampas ng tuwiran sa ilang
minamahal na mga diyusdiyusan. Dito ay may pagkakataon silang makita
kung ano ang nasa puso nila na nagsasara kay Jesus. Pinapahalagahan nila ang
mga bagay na mas mataas kaysa sa katotohanan, at ang kanilang puso ay
hindi handang tanggapin si Jesus. Bawat-isa ay sinusubukan sa mahabang
panahon upang makita kung kanilang isasakripisyo ang kanilang mga
diyusdiyusan at makikinig sa payo ng Tunay na Saksi. Ang sinomang hindi
madalisay sa pamamagitan ng pagtalima sa katotohanan, at mapanagumpayan
ang kanilang pagkamakasarili, ang kanilang kapalaluan, at masasamang hilig,
ang anghel ng Diyos ay magsasabi: ‘Sila ay umanib sa kanilang diyusdiyusan,
pabayaan ninyo sila,’ at sila’y magpapatuloy sa kanilang gawain, na iiwanan
sila na hindi nasupil ang masasamang ugali, sa panghahawak ng masasamang
anghel. Ang sinomang manaig sa bawat punto, at tumayo sa bawat pagsubok,
at magtagumpay, anoman ang kapalit, nakinig sa payo ng Tunay na Saksi, at
sila’y tatanggap ng huling ulan, at magiging angkop sa paglipat.”--1 T, p. 187.
b. Maliban sa malalim na pagsasaliksik ng puso at tunay na pagsisisi,
anong ibang tungkulin mayroon tayo tungkol sa huling ulan? Mat.
5:6; Zac. 10:1.
“Bakit hindi tayo nagugutom at nauuhaw sa kaloob ng Espiritu, kung ito
ang paraan na tayo ay makakatanggap ng kapangyarihan? Bakit hindi natin
pinag-uusapan ito, idinadalangin ito, ipinangangaral ito?”--8 T, p. 22.
“Ang mga nabubuhay lamang sa liwanag na taglay nila ang tatanggap
ng higit pang liwanag. Malibang araw-araw tayong lumalago sa pagpapakita
ng buhay na mga kagalingan ng Kristyano, hindi natin makikilala ang
pagpapakita ng Banal na Espiritu sa huling ulan.”--TFILB, p. 333.
“Kapag tayo’y lubusan, buong-pusong nagtalaga sa paglilingkod kay
Kristo, kikilalanin ito ng Diyos sa pamamagitan ng pagbuhos ng Kanyang
Espiritu na walang sukat; subalit hindi ito magaganap habang ang malaking
bahagi ng iglesia ay hindi kamanggagawa ng Diyos.”--RH, July 21, 1896.
66
Huwebes Disyembre 15
5. NAGSISIKAP PARA SA TATAK NG PAGSANG-AYON NG DIYOS
a. Ano ang dapat na pangunahing iniisip ng bawat tagasunod ni Kristo--
at bakit napakahalaga nito? Apoc. 3:5; 7:1-4, 13, 14; 2 Cor. 7:1.
“Ang tatak ng buhay na Diyos ay ilalagay lamang sa mga nagdadala ng
wangis ni Kristo sa ugali.”--RH, May 21, 1895.
“Nang tayo’y naging mga anak ng Diyos, ang ating pangalan ay naisulat
sa aklat ng buhay ng Kordero, at nananatili ito doon hanggang sa panahon ng
sumisiyasat na paghuhukom. At ang pangalan ng bawat-isa ay tatawagin, at
sisiyasatin Niya ang kanyang tala na nagsabi, ‘Nalalaman Ko ang iyong mga
gawa.’ Kung sa araw na iyon ay makitang ang lahat ng ating masasamang
gawa ay hindi lubusang pinagsisihan, ang ating pangalan ay buburahin mula
sa aklat ng buhay, at ang ating mga kasalanan ay tatayong laban sa atin. Kung
ang nagtatanyag na tagasunod ay magtiwala sa sarili, kung sa salita o sa
espiritu ay linabag niya ang pinakamaliit na alituntunin sa banal na kautusan
ng Diyos, mali ang pagpapakilala niya kay Jesus, at sa paghuhukom ang
nakakagulat na mga salita ay bibigkasin, ‘Burahin ang kanyang pangalan
mula sa aklat ng buhay; siya ay manggagawa ng kasamaan.’ Subalit
kinahahabagan ng Ama ang hindi nagtitiwala sa sarili, natatakot sa Diyos na
kaluluwa, binabagabag man ng mga pag-aalinlangan at tukso. Si Jesus ay
nagsusumamo para sa Kanya, at ipinakikilala ang kanyang pangalan sa harapan ng
Ama at ng Kanyang banal na mga anghel.”--ST, Aug. 6, 1885.
“Subalit yaong mga naghihintay na makita ang himalang pagbabago sa
kanilang mga ugali na walang pagsisikap sa kanilang bahagi upang
mapanagumpayan ang kasalanan ay mabibigo. Wala tayong dahilan upang
matakot habang nakatitig kay Jesus, walang dahilan upang mag-alinlangan
kundi magtiwala na ililigtas Niya ang lahat na lumalapit sa Kanya; subalit lagi nating katakutan na baka ang dati nating likas ay magharing muli, na ang kaaway ay
makagawa ng ilang bitag upang tayo ay kanyang mabihag…. Kung paanong ang
waks ay nalalagyan ng tatak, gayon din ang kaluluwa ay tinatatakan ng Espiritu ng
Diyos at napapanatili ang wangis ni Kristo.”--1 SM, pp. 336, 337.
Biyernes Disyembre 16
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Anong mga bunga ang maaasahan nating makita sa ilalim ng kapang-
yarihan ng huling ulan?
2. Sino lamang ang tatanggap ng tatak ng Diyos?
3. Ano ang hahadlang sa atin sa pagtanggap ng huling ulan?
4. Ano ang dapat nating mapanagumpayan upang matanggap ang huling
ulan?
5. Ano ang dapat nating katakutan tungkol sa pakikibaka sa kasalanan?
67
Leksiyon 13 Sabbath, Disyembre 24, 2016
Ang Huling mga Araw ng Sanlibutan
“Sa katuwiran kanyang hahatulan ang dukha, at sasawayin na may
katarungan para sa mga maamo sa sanlibutan: at kanyang hahampasin
ang lupa ng tungkod ng kanyang bibig, at sa hininga ng kanyang mga
labi ay pupuksain niya ang masama” (Isa. 11:4).
“Tayo ay nabubuhay sa pinakataimtim na panahon ng kasaysayan ng
sanlibutan upang maging walang ingat at pabaya.”--SD, p. 118.
Mungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 603-614, 622-626,
635-644.
Linggo Disyembre 18
1. ISANG NAKAKAMANGHANG PAGKAGISING
a. Bakit ang huling ulan ang siyang pinakamasayang kaganapan sa
kasaysayan? Hos. 6:1-3.
“Ang mga lingkod ng Diyos, na nagniningning at nagliliwanag sa banal
na pagtatalaga ang mga mukha, ay magmamadali sa ibat-ibang lugar upang
ipahayag ang mensahe mula sa langit. Sa pamamagitan ng libu-libong tinig, sa
buong lupa, ibibigay ang babala. Magaganap ang mga himala, pagagalingin
ang maysakit, at kasunod ng mga mananampalataya ang mga tanda at
kababalaghan. Si Satanas din ay gagawa ng huwad na mga kababalaghan, na
magpapababa ng apoy mula sa langit sa paningin ng mga tao (Apoc. 13:13).
Dito kailangang magpasya ang mga naninirahan sa langit.
“Ang mensahe ay ipapangaral hindi sa pamamagitan ng pagtatalo kundi
ng malalim na pagkahikayat ng banal na Espiritu. Ang mga pangangatwiran
ay naipahayag na. Ang binhi ay naihasik na, at ngayon ito’y tutubo at
magbubunga. Ang mga babasahin na ikinalat ng mga misyonerong
manggagawa ay nagpakita ng kanilang impluwensiya, subalit maraming
naniwala ang nahadlangan mula sa lubusang pagkaunawa sa katotohanan o sa
pagtalima. Ngayon ang mga sinag ng liwanag ay tumatagos sa bawat dako,
ang katotohanan ay nakikita sa kaliwanagan nito, at ang tapat na mga anak ng
Diyos ay pinutol ang tali na pumipigil sa kanila. Ang relasyon ng pamilya,
relasyon ng iglesia, ay walang kapangyarihan upang pigilan sila. Ang
katotohanan ay higit na mahalaga sa lahat ng bagay. Bagaman ang mga
ahensiya ay pinagsanib laban sa katotohanan, isang malaking bilang ang
magpapasya sa panig ng Panginoon.”--GC, p. 612.
68
Lunes Disyembre 19
2. ANG DAKILANG TUNGGALIAN AY NAHAYAG
a. Ano pa ang bunga ng matagumpay na pangangaral ng ebanghelyo sa
ilalim ng kapangyarihan ng huling ulan? Ecle. 11:1, 2; 2 Cor. 2:14-17.
“Ang mga tao ng pananampalataya at panalangin ay mahihimok na
humayo na may banal na sigasig, na ipinapahayag ang mga salitang ibinigay
sa kanila ng Diyos. Ang kasalanan ng Babelonya ay mahahayag. Ang
nakakatakot na bunga ng pagpapatupad ng mga pangingilin ng iglesia ng
kapangyarihan ng pamahalaan, ang pagsalakay ng espiritwalismo, ang patago
ngunit mabilis na paglago ng kapangyarihan ng papa--lahat ay mahahayag. Sa
pamamagitan ng taimtim na babalang ito ang mga tao ay magigising. Libu-
libo ang makikinig na hindi pa kailan man nakarinig ng ganitong mga salita.
Sa pagtataka sila’y nakinig sa patotoo na ang Babelonya ay iglesia, nahulog
dahil sa kanyang mga kamalian at kasalanan, dahil sa kanyang pagtakwil sa
katotohanan na pinadala sa kanya mula sa langit. Habang ang mga tao ay
pumaroon sa dati nilang mga guro na may masikap na pagtatanong, Totoo ba
ang mga bagay na ito? Ang mga ministro ay magtuturo ng mga pabula,
maghuhula ng mababaw na mga bagay, upang pahupain ang kanilang takot at
patahimikin ang nagising na konsiyensiya. Ngunit dahil marami ang hindi
nasiyahan sa kapangyarihan lamang ng tao at humingi ng malinaw na
‘Sinasabi ng Panginoon,’ ang kilalang ministeryo, tulad ng mga Pariseo noon,
nagalit dahil ang kanilang kapangyarihan ay pinagdududahan, ay sasabihing
ang mensahe ay kay Satanas at gagalitin ang mga taong maibigin sa kasalanan
upang kutyain at usigin ang mga nangangaral nito.
“Habang ang tunggalian ay umaabot sa ibang mga lupain at ang isipan
ng mga tao ay nagigising sa niyurakang kautusan ng Diyos, si Satanas ay
nagalit. Ang kapangyarihang nangangalaga sa mensahe ay gagalitin lamang
ang mga lumalaban dito. Ang mga pastor ay gagamitin ang halos di-
karaniwang pagsisikap upang paalisin ang liwanag at baka sumikat ito sa
kanilang kawan. Gamit ang lahat ng paraan, kanilang sisikaping sugpuin ang pag-uusap tungkol sa mahahalagang usaping ito. Ang iglesia ay lumapit sa malakas
na bisig ng pamahalaan, at, sa gawaing ito, ang papa at ang protestante ay nagsanib.
Habang ang kilusan para sa pagpapatupad ng Linggo ay nagiging hayagan at tuwiran,
ang batas ay hihingin laban sa mga tumutupad ng kautusan. Sila’y pagbabantaan ng
multa at pagkabilanggo, at ang ilan ay aalukin ng mataas na posisyon, at ang iba ay
gantimpala at mga pakinabang, bilang paghimok upang talikuran ang kanilang
pananampalataya. Subalit ang matatag nilang sagot ay: ‘Ipakita ninyo sa amin mula sa
salita ng Diyos ang aming kamalian’--ganito rin ang pakiusap ni Luther sa katulad na
pagkakataon. Yaong mga nililitis sa hukuman ay nagbigay ng malinaw na paliwanag
tungkol sa katotohanan, at ang ilang nakarinig sa kanila ay nagpasya na tuparin ang
lahat ng utos ng Diyos. Ganito nadala ang liwanag sa libu-libo na wala sanang alam
sa mga katotohanang ito.”--GC, pp. 606, 607.
69
Martes Disyembre 20
3. TANGING MULA SA DIYOS ANG PROTEKSIYON
a. Habang ang iglesia at pamahalaan ay nagsanib sa matigas na paghihi-
magsik laban sa sampung kautusang moral ng Diyos, ano ang
sasapitin ng iilang matapat na nagsisikap na sumunod sa mga banal
na alituntunin nito? 2 Tim. 3:12; Apoc. 13:11-17.
“Habang ang Sabbath ay nagiging pangunahing punto ng tunggalian sa
buong Kristiyanismo, at ang pangrelihiyon at pangsanlibutang kapangyarihan
ay nagsanib upang ipatupad ang pangilin ng Linggo, ang matigas na
pagtanggi ng maliit na bilang na sumuko sa hinihingi ng nakararami ay
magiging dahilan upang sila’y maging tampulan ng pagtuligsa ng buong
mundo. Igigiit na ang kakaunti na tumatayong laban sa institusyon ng iglesia
at ng batas ng pamahalaan ay hindi dapat hayaan; na mas mabuti pa na sila ay
magdusa kaysa sa magkaroon ng kaguluhan at lumabag sa batas ang mga
bansa…. Ang katuwirang ito ay lilitaw na kapani-paniwala; at ang batas sa
wakas ay ipatutupad laban sa mga nangingilin ng Sabbath ng ikaapat na utos,
na pararatangan sila na nararapat sa pinakamalupit na parusa at binibigyan
ang mga tao ng kalayaan, pagkatapos ng takdang panahon, na sila ay patayin.
Ang Dating Romanismo at ang tumalikod na Bagong Protestantismo ay
susundan ang katulad na gawain sa mga gumagalang sa lahat ng banal na
alituntunin.
“Ang bayan ng Diyos ngayon ay masasadlak sa gayong tanawin ng
kapighatian at kahirapan na inilarawan ng propeta na tulad sa panahon ng
kabagabagan ni Jacob.”--GC, pp. 615, 616.
b. Kapag ang karaniwang mga daanan ng kalakalan ay pinutol na at ang
proteksiyon ng pamahalaan ay inalis na, paano mabubuhay ang
kaunting matatapat sa Diyos? Isa. 43:18-21; 41:17-20; 33:16.
“Ipinakita sa akin ng Panginoon ng paulit-ulit na salungat sa Biblia na
mag-imbak tayo para sa temporal na pangangailangan sa panahon ng
kabagabagan. Nakita ko na kung ang mga banal ay may pagkain na inihanda o
sa bukirin sa panahon ng kabagabagan, kapag ang tabak, kagutom, at mga
salot ay nasa lupain, aagawin ito sa kanila ng malulupit na kamay at aanihin
ng mga dayuhan ang kanilang bukirin. Ito na nga ang panahon upang
magtiwala tayo ng lubos sa Diyos, at tutustusan Niya tayo. Nakita ko na ang
ating tinapay at tubig ay tiyak sa panahong iyon, at hindi tayo magkukulang o
magugutom man; sapagkat ang Diyos ay kayang maglatag ng hapag para sa
atin sa ilang. Kung kinakailangan ay susuguin Niya ang mga uwak upang
pakainin tayo, tulad ng ginawa Niya kay Elias, o magpaulan ng mana mula sa
langit, tulad ng ginawa Niya sa mga Israelita.”--EW, p. 56.
70
Miyerkules Disyembre 21
4. MATATAG NA KATIWASAYAN
a. Ano ang iniutos na gawin ng bayan ng Diyos sa paghihintay sa
panahon ng kabagabagan--at paano sila iingatan? Isa. 26:20, 21;
49:15, 16.
“Ang mga bahay at mga lupain ay wala ng kabuluhan sa mga banal sa
panahon ng kabagabagan, sapagkat sila’y tatakas sa galit na galit na mga tao,
at sa panahong iyon ang kanilang mga ari-arian ay hindi na maipagbibili
upang gamitin sa gawain ng kasalukuyang katotohanan. Nakita ko na
kalooban ng Diyos na ang mga banal ay dapat humiwalay sa mga pabigat
bago ang panahon ng kabagabagan dumating, at makipagtipan sa Diyos sa
pamamagitan ng sakripisyo. Kung sila’y may ari-arian sa dambana at tapat na
nagtatanong sa Diyos ng kanilang tungkulin, tuturuan Niya sila kung kailan
ipagbibili ang mga bagay na ito. At sila’y magiging malaya sa panahon ng
kabagabagan at walang mga hadlang na magpapabigat sa kanila.
“Nakita ko na kung mayroong nanghahawak ng kanilang ari-arian at
hindi nagtanong sa Panginoon ng kanilang tungkulin, hindi Niya ipapaalam sa
kanila ang tungkulin, at pahihintulutan silang panatilihin ang kanilang ari-
arian, at sa panahon ng kabagabagan ito’y magiging tulad ng bundok na
wawasak sa kanila, at sisikapin nilang ipagbili ito, subalit hindi na
magagawa.”--EW, pp. 56, 57.
“Sa panahon ng matinding pagsubok sabi ni [Kristo], ‘Lumapit kayo,
bayan ko, pumasok kayo sa inyong mga silid, at inyong ipinid ang pintuan:
magtago kayo sa maikling panahon, hanggang lumipas ang galit’ (Isa. 26:20).
Ano ang mga silid kung saan sila ay magtatago? Ito ay ang proteksiyon ni
Kristo at ng banal na mga anghel….
“Nakita ko na ang mga banal ay umaalis sa mga siyudad at mga nayon,
at nagsasamasama, at naninirahan sa pinakamalayong mga lugar.
Tinutustusan sila ng mga anghel ng pagkain at tubig, habang ang masasama
ay nagdurusa sa gutom at uhaw. “Noong nakaraang gabi isang nakakamanghang tanawin ang ipinakita sa akin.
Tila nagkaroon ng malaking kalituhan at labanan ng mga sundalo. Isang mensahero
mula sa Panginoon ang tumayo sa harapan ko, at nagsabi, ‘Tawagin mo ang iyong
sambahayan. Gagabayan ko kayo; sumunod kayo sa akin.’ Dinala niya ako sa
madilim na daanan, tungo sa isang gubat, at tungo sa bangin ng mga bundok, at
nagsabi, ‘Dito ay ligtas kayo.’ May iba pang dinala sa pahingahang ito. Sabi ng
mensahero ng langit. ‘Ang panahon ng kabagabagan ay darating tulad ng
magnanakaw sa gabi, tulad ng babala ng Panginoon sainyo ito’y darating.’
“Sa panahon ng kabagabagan bago dumating si Kristo, ang matuwid ay iingatan
sa pamamagitan ng paglilingkod ng mga anghel sa langit; subalit walang kaligtasan
para sa mga mananalangsang ng kautusan ng Diyos. Hindi maaaring ingatan ng
anghel ang mga mananalangsang ng banal na mga alituntunin.”--Mar. p. 270.
71
Huwebes Disyembre 22
5. PAGLIGTAS!
a. Sino ang ligtas sa oras ng galit ng Diyos? Isa. 33:13-16; 52:9, 10.
b. Anong nakakamanghang kaganapan ang dahilan na ang sanlibutan ay
mababaliktad--marahil upang ang bawat mata ay makita ito sa halos
magkakasabay na panahon? Isa. 11:4; 24:1-6, 19-22; Apoc. 1:7. Ano
ang sasabihin ng mga banal? Isa. 25:9.
“Hating-gabi ang pinili ng Diyos upang iligtas ang Kanyang bayan….
Ang maitim, makapal na mga ulap ay lumabas at nagsalpukan. Subalit
mayroong iisang malinaw na lugar na kinalalagyan ng kaluwalhatian, kung
saan nagmumula ang tinig ng Diyos tulad ng maraming tubig, na inaalog ang
kalangitan at lupa. Nagkaroon ng malakas na lindol. Nabuksan ang mga
libingan, at yaong mga namatay sa pananampalatay sa ilalim ng mensahe ng ikatlong anghel, nangingilin ng Sabbath, ay lumabas sa kanilang higaang alabok,
maluwalhati, upang pakinggan ang tipanan ng kapayapaan na gagawin ng Diyos sa
mga nagsitupad ng Kanyang utos.”--EW, p. 285.
“Hindi nagtagal ay lumitaw sa silangan ang maliit at maitim na ulap, kalahati
ng kamay ng tao ang laki. Ito ang ulap na pumapalibot sa Tagapagligtas na nakikita
mula sa malayo na napapalibutan ng dilim. Ang bayan ng Diyos ay alam na ito ay
tanda ng Anak ng tao. Sa taimtim na katahimikan sila’y tumingala dito habang ito’y
palapit ng palapit sa lupa, nagiging maliwanag at maluwalhati, hanggat ito’y naging
isang malawak at maputing ulap, ito’y nakapatong sa kaluwalhatian na tulad sa
sumusupok na apoy, at sa ibabaw nito ay ang bahaghari ng tipanan. Si Jesus ay
nakasakay bilang makapangyarihang mananakop.”--GC, pp. 640, 641.
“Pagdating ni Kristo ang masasama ay mabubura sa buong lupa--masusupok ng
espiritu ng Kanyang bibig at mapupuksa sa liwanag ng Kanyang kaluwalhatian.
Dinala ni Kristo ang Kanyang bayan sa Siyudad ng Diyos, at ang lupa ay wala ng
naninirahan. [Isa. 24:3, 5, 6 sinipi.]”--GC, p. 657.
Biyernes Disyembre 23
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Bakit ang lahat na naghahasik ng mga binhi ng katotohanan ngayon
ay maaaring gumawa na may kagalakan at pagtitiwala?
2. Ano ang magiging bunga ng ilang ipinatawag upang magpatotoo para
sa kanilang pananampalataya?
3. Paano tayo dapat maghanda ngayon para sa aktuwal na krisis sa
panahon ng kabagabagan?
4. Ano ang mangyayari sa ating mga ari-arian kapag dumating na ang
tunay na krisis?
5. Bakit dapat tayong magpasalamat na binigyan tayo ng Diyos ng
maraming detalye tungkol sa darating na hinaharap?
72
Leksiyon 14 Sabbath, Disyembre 31, 2016
Isang Sulyap ng Walang Hanggan
“Narito, Ako’y lumikha ng bagong kalangitan at isang bagong lupa:
at ang dati ay hindi na maaalala, o maiisip man” (Isa. 65:17).
“Isang walang hanggang kalugihan kung makamtan natin ang buong
sanlibutan, kasama ng lahat ng kalayawan at kaluwalhatian nito, subalit
mawala ang kaluluwa. Ang langit ay mura lamang sa anomang halaga.”-- RH,
Mar. 18, 1875.
Mungkahing Babasahin: The Great Controversy, pp. 644-652, 658-678.
Linggo Disyembre 25
1. PATUNGO SA LANGIT
a. Ano ang maluwalhating gantimpala ng Diyos sa kakaunting matapat?
Isa. 26:1, 2.
“Ang pilak na pakakak ni Jesus ay tumutunog, habang Siya ay
bumababa sa alapaap, nababalot ng nagliliyab na apoy. Siya’y tumanaw sa
mga libingan ng natutulog na mga banal, at tumingin at itinaas ang mga
kamay sa langit, at sumigaw: ‘Gumising! Gumising! Gumising! Kayo na
natutulog sa alabok, at bumangon.’ At nagkaroon ng malakas na lindol.
Nabuksan ang mga libingan, at lumabas ang mga patay na nabibihisan ng
walang kamatayan… at sa kasabay na sandali tayo ay nabago, at dinalang
magkakasama upang salubungin ang Panginoon sa hangin.
“Tayong lahat ay pumasok sa alapaap na magkakasama, at pitong araw
na paakyat sa dagat na bubog, nang dinala ni Jesus ang mga putong, sa
Kanyang sariling kanang kamay ay inilagay ang mga ito sa ating ulo.
Binigyan Niya tayo ng gintong alpa at palma ng tagumpay. Dito sa dagat na
bubog ang 144,000 ay nakatayo sa sakdal na parisukat. Ang ilan ay may
putong na napakakinang, ang iba ay hindi gaanong makinang. Ang ilang
putong ay makikitang mabigat dahil sa mga bituin, habang ang iba ay kaunti
lamang. Lahat ay talagang nasisiyahan sa kani-kaniyang putong. At silang
lahat ay nabihisan ng maluwalhating puting pantakip mula sa kanilang balikat
hanggang sa paa. Ang mga anghel ay lahat nakapalibot sa atin habang tayo’y
nagmamartsa sa ibabaw ng dagat na bubog tungo sa pintuan ng siyudad. Itinaas ni
Jesus ang Kanyang malakas, maluwalhating mga bisig, hinawakan ang mala-perlas na
pintuan, at idinuyan ito sa kumikislap na mga bisagra, at sinabi sa atin: ‘Kayo’y
naglinis ng inyong damit sa Aking dugo, tumayong matatag para sa Aking
katotohanan, pumasok kayo.’ Tayong lahat ay nagmartsa papasok at nadama na tayo
ay may sakdal na karapatan doon.”--1 T, pp. 60, 61.
73
Lunes Disyembre 26
2. SA NALALAPIT NA HINAHARAP…
a. Ihambing ang hinaharap ng masasama sa mga pagpapala ng matuwid.
Isa. 33:24; 34:1, 2. Anong isang bagay ang magpapaalala sa atin sa
sanlibutang ito ng kasalanan? Zac. 13:6.
“Bawat bakas ng sumpa ay pinawing lahat…. Isang alaala ang naiwan:
Ang ating Manunubos ay palaging dala-dala ang tanda ng Kanyang
pagkapako sa krus. Sa sinugatan Niyang ulo, sa Kanyang tagiliran, sa mga
kamay at mga paa, ay naroon ang tanging mga bakas ng malupit na gawaing
ginawa ng kasalanan…. Ang tinusok na tagiliran kung saan lumabas ang
pulang bukal na nagsauli ng tao sa Diyos--naroon ang kaluwalhatian ng
Tagapagligtas, naroon ‘ang nakukubli Niyang kapangyarihan.’… At ang mga
palatandaan ng Kanyang kapakumbabaan ang Siyang pinakamataas Niyang
karangalan; sa buong walang hanggang panahon ang sugat sa Kalbaryo ay
magpapakita ng pauri sa Kanya at magpapahayag ng Kanyang
kapangyarihan.”--GC, p. 674.
b. Sa anong magandang paglalarawan ipinakita ni Isaias ang maluwal-
hating pag-asa ng mga panahon--at paano natin ito matitikman
ngayon? Isa. 35:1-10.
“Sa bawat isa na inihahandog ang sarili sa paglilingkod sa Panginoon,
walang ipinagkakait, ay binibigyan ng kapangyarihan sa pagtamo ng walang
sukat na mga bunga. Ang Diyos ay gagawa ng dakilang mga bagay para sa
kanila. Siya ay gagawa sa isipan ng mga tao upang, bagaman narito sa
sanlibutan, makikita sa kanilang buhay ang katuparan ng pangako ng darating
na kalagayan. [Isa. 35:1-10 sinipi.]”--MH, p. 160.
“Sa ating buhay dito, makalupa, bagaman napipigilan ng kasalanan, ang
pinakadakilang kagalakan at ang pinakamataas na edukasyon ay nasa
paglilingkod. At sa hinaharap na kalagayan, di-nahahadlangan ng mga
limitasyon ng makasalanang pagkatao, ang dakilang kagalakan at ang ating
pinakamataas na edukasyon ay masusumpungan sa paglilingkod--
nagpapatotoo, at habang tayo’y nagpapatotoo ay natututo ng mga bagong
bagay ‘ang kasaganaan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito;’ ‘na si Kristo ay
nasa inyo, ang pag-asa ng kaluwalhatian’ (Col. 1:27).”--Ed. p. 309.
k. Saan dapat nakatuon ang pangunahing isipan natin kapag nagpaplano
ng ating hinaharap? Isa. 65:17-19; Apoc. 21:1; Heb. 11:8, 10, 13-16.
74
Martes Disyembre 27
3. KAPAYAPAAN AT KATAHIMIKAN SA WAKAS!
a. Paano inilarawan ni Isaias ang bagong langit at ang bagong lupa? Isa.
32:18; 60:18-22.
“Sa takot na ang hinaharap na pamana ay gawing lubhang materyal ay
nagdala sa marami na gawing espirituwal ang katotohanan na magdadala sa
atin na tingnan ito bilang ating tahanan. Tiniyak ni Kristo sa Kanyang mga
alagad na Siya ay pumaroon upang maghanda ng mga mansiyon para sa
kanila sa tahanan ng Ama. Sinomang tumanggap ng mga aral ng salita ng
Diyos ay hindi lubusang walang kaalaman tungkol sa makalangit na
tahanan…. [1 Cor. 2:9 sinipi.] Ang salita ng tao ay hindi sapat upang ilarawan
ang gantimpala ng matuwid. Ipapaalam lamang ito sa mga tumitingin dito.
Walang isipan ng tao ang makakatarok ng kaluwalhatian ng Paraiso ng
Diyos.”--GC, pp. 674, 675.
b. Paano inilarawan ni Isaias ang tahimik na kapaligiran doon? Isa. 11:6,
7, 9; 65:25. Bakit dapat tayong magsikap na ilagay ang ating sarili at
ang ating pamilya sa katulad na kapaligiran hanggat maaari, dito man
at ngayon? Isa. 32:17.
“Paulit-ulit na itinuturo sa akin ng Panginoon na ang ating bayan ay
dalhin ang kanilang mga pamilya mula sa siyudad, tungo sa nayon, kung saan
makakapagtanim sila ng kanilang sariling pagkain; sapagkat darating ang
panahon ang problema sa pagbili at pagbenta ay magiging malubha. Dapat na
tayong magsimula ngayong pakinggan ang tagubiling ibinigay sa atin na
paulit-ulit. Lumabas kayo sa siyudad tungo sa nayon, kung saan hindi
nagsisiksikan ang mga bahay, at kayo’y malaya mula sa panghihimasok ng mga kaaway.”--AH, p. 141.
“Ilayo ninyo ang inyong pamilya mula sa siyudad ang aking mensahe.
“Ang panahon ay dumating na, habang binubuksan ng Diyos ang daan,
ang mga pamilya ay dapat lumipat mula sa siyudad. Ang mga bata ay dapat
dalhin sa nayon. Ang mga magulang ay kumuha ng naangkop na lugar ayon
sa kanilang kakayanan…. “Bago dumating ang umaapaw na parusa sa mga naninirahan sa lupa, ang
Panginoon ay nanawagan sa lahat na tunay na Israelita na maghanda sa kaganapang
iyon. Sa mga magulang ay ipinadala Niya ang sigaw ng babala: Ipunin ninyo ang
inyong mga anak sainyong sariling tahanan; ipunin ninyo sila na malayo mula sa mga
lumalabag sa kautusan ng Diyos, na nagtuturo at nagsasagawa ng kasamaan. Lumabas
kayo sa malalaking siyudad ng madalian ayon sa inyong makakaya.
“Ang mga magulang ay maaaring magtayo ng maliit na bahay sa nayon, na may
lupain upang linangin, na magkakaroon sila ng bukirin upang tamnan ng gulay at
maliliit na putas…. Tutulungan ng Diyos ang Kanyang bayan na makasumpong ng
tahanang iyon sa labas ng mga siyudad.”--AH, pp. 139, 140.
75
Miyerkules Disyembre 28
4. ISANG TUNAY NA LUGAR NA MAY KAPAKIPAKINABANG NA
MGA GAWAIN
a. Ilarawan ang ilang ibat-ibang kabuhayan na masusumpungan sa
bagong lupa. Isa. 65:21, 22. Ipaliwanag kung paano natin matitikman
ito ngayon.
“Makakabuti para sa inyo na ilagak ang nakakabalisang mga alalahanin
at maghanap ng kapahingahan sa nayon, kung saan walang malalakas na
impluwensiya upang sirain ang moral ng mga kabataan.
“Totoo, hindi kayo lubos na magiging malaya mula sa kaguluhan at
nakakabalisang mga alalahanin sa nayon; subalit doon ay maiiwasan ninyo
ang maraming mga kasamaan, at masasaraduhan ang pintuan laban sa baha ng
mga tukso na nagbabantang sakupin ang isipan ng inyong mga anak….
“Ang mamuhay sa nayon ay lubos na kapakipakinabang sa kanila; ang
masigla, buhay sa labas ng bahay ay magpapalago ng kalusugan kapuwa ng
isipan at ng katawan. Sila’y dapat na magbungkal ng lupa, kung saan
malilibang sila at kapakipakinabang ang kanilang trabaho. Ang pagsasanay ng
mga halaman at bulaklak ay tungo sa paglago ng panlasa at pagpapasya,
habang ang pagiging bihasa sa kapakipakinabang at magagandang nilalang ng
Diyos ay may nagpapakinis at dumadalisay na impluwensiya sa isipan, na
itinuturo ito sa Manlilikha at Panginoon ng lahat.”--4 T, p. 136.
“Ang kabundukan at mga burol ay nagbabago; ang lupa ay tumatanda
tulad ng damit; subalit ang pagpapala ng Diyos, na naglalatag para sa
Kanyang bayan ng hapag sa ilang, ay hindi magwawakas.”--MH, p. 200.
“Marami ang hindi nais na kumita ng kanilang pagkain sa pamamagitan
ng pawis ng kanilang kilay, at ayaw nilang magbungkal ng lupa. Subalit ang
lupa ay may mga nakatagong pagpapala sa ilalim nito para sa mga may tapang
at layunin at pagtitiyaga upang ipunin ang mga kayamanan nito. Ang mga
ama at mga ina na may kapirasong lupa at may tahimik na tahanan ay mga
hari at reyna.”--FCE, pp. 326, 327.
b. Ano pa ang masasabi tungkol sa bagong lupa? Isa. 64:4.
“Doon, kapag ang lambong na nagpapadilim sa ating paningin ay
maalis na, at makita ng ating mga mata ang daigdig ng kagandahan na ngayon
ay nasusulyapan natin sa pamamagitan ng mikroskopyo; kapag tayo ay
tumingin sa mga kaluwalhatian ng kalangitan, na ngayon ay nababakas sa
malayo sa pamamagitan ng teleskopyo; kapag ang winasak ng kasalanan ay
maalis na, ang buong lupa ay makikita sa ‘kagandahan ng Panginoon na ating
Diyos,’ isang larangan ang mabubuksan sa ating pag-aaral!--Ed, p. 303.
“Doon ay may musika, at awit, musika at awit na di maririnig ng mortal
na tainga o mauunawaan ng isipan, maliban sa mga pangitain ng Diyos.”--Ed, p. 307.
76
Huwebes Disyembre 29
5. ANG PINAKAMATAAS NA PANGARAP
a. Paano ang kapangyarihan at pag-ibig ng Diyos makikita sa bagong
lupa? Efe. 3:17, 20.
“[Sa bagong lupa] ang pag-ibig at pagmamalasakit na itinanim mismo ng
Diyos sa kaluluwa ay doon makakasumpong ng pinakatotoo at pinakamatamis
na pagsasakabuhayan….
“Bawat sangkap ay malilinang, bawat kakayahan ay mapapalakas. Ang
pagtamo ng kaalaman ay hindi magbibigay kapaguran sa isipan o
magpapahina sa lakas. Doon ang pinakadakilang mga gawain ay maaaring
isulong, ang pinakamatayog na mga pangarap ay mararating, ang
pinakamataas na mga ambisyon ay matutupad; subalit maylalabas na bagong
mga matataas upang akyatin, bagong hiwaga upang hangaan, bagong mga
katotohanan upang unawain, sariwang mga bagay upang gamitin ang
kapangyarihan ng isipan at kaluluwa at katawan.”--GC, p. 677.
b. Anong dakilang pagpapala ang mararanasan ng mga tinubos? Isa.
66:22, 23. Paano tayo dapat maghanda para sa bagay na ito ngayon?
“Ang mga taon ng walang hanggan, habang lumilipas, ay magdadala ng
mas masagana at mas maluwalhating mga pahayag ng Diyos at ni Kristo.
Habang lumalago ang kaalaman, gayon din ang pag-ibig, ang paggalang, at
ang kaligayahan ay lalago. Habang lalong nakikilala ng tao ang Diyos, higit
nilang hahangaan ang Kanyang ugali.”--Ibid., p. 678.
“Panahon na upang italaga natin ang natitirang mahalagang mga oras ng
ating pagkakataon sa paglilinis ng ating mga damit ng ugali at paputiin ito sa
dugo ng Kordero, upang tayo’y makasama sa isang pulutong na nakadamit ng
maputi na tatayo sa harapan ng dakilang puting luklukan.”--KH, p. 65.
Biyernes Disyembre 30
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Paano natin malalaman na ang lahat ng tinubos ay masisiyahan sa
kanilang gantimpala?
2. Paano natin mararanasan ang mga kagalakan ng langit ngayon?
3. Kung maaari tayong umasa lamang sa Diyos sa malaking krisis, bakit
kailangang lumipat sa nayon?
4. Paano at bakit ang bagong lupa ay magiging mas mainam kaysa sa
dati?
5. Habang lumalago ang pagkakilala natin sa Diyos, ano ang magiging
bunga?
77