29
Maikling Maikling Banghay-Aralin Banghay-Aralin (Aspekto ng (Aspekto ng Pandiwa) Pandiwa) Inihanda ni: Maria Cristina O. Brandares STI College-Caloocan

Maikling banghay aralin

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Maikling banghay aralin

Maikling Banghay-Aralin Maikling Banghay-Aralin (Aspekto ng Pandiwa) (Aspekto ng Pandiwa)

Inihanda ni:

Maria Cristina O. Brandares

STI College-Caloocan

Page 2: Maikling banghay aralin

I. MGA LAYUNIN:I. MGA LAYUNIN:Pangnilalaman:1. Naipaliliwanag kung ano ang aspekto ng

pandiwa;

2. Napag-iiba ang tatlong aspekto ng pandiwa; at

3. Nagagamit sa pagbubuo ng makabuluhang mga pangungusap ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa.

Page 3: Maikling banghay aralin

Pandamdamin:Napahahalagahan ang paggamit ng wastong aspekto ng pandiwa para sa maayos at malinaw na komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Page 4: Maikling banghay aralin

Pangkasanayan:Nakapagpapakita ng pagtatanghal na gumagamit ng mga aspekto ng pandiwa sa iba’t ibang mga sitwasyon.

Page 5: Maikling banghay aralin

II. MGA KAGAMITAN:II. MGA KAGAMITAN:

1. Mga larawan

2. Powerpoint Presentation/ Manila Paper

3. Kopya ng maikling pagsusulit

4. Rubric para sa pangkatang gawain

5. Itim at pulang bolpen

Page 6: Maikling banghay aralin

III. PRESENTASYON NG III. PRESENTASYON NG PAKSA PAKSA

(1 ½ oras)(1 ½ oras)

Page 7: Maikling banghay aralin

BAGO MAGSIMULA ANG PAGTALAKAY SA PAKSA

(10 minuto)

Page 8: Maikling banghay aralin

a. Magpapakita ang guro ng mga larawan sa klase. Ang mga larawan ay nagpapakita ng magkaibang kapaligiran noon at ngayon. (1 minuto)

Halimbawa:

Page 9: Maikling banghay aralin

b. THINK-PAIR-SHARE: Pagkatapos maipakita ng guro ang mga larawan, magbibigay ang guro ng dalawang tanong sa klase na kanilang pag-iisipan. Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng isang minuto upang isipin ang kanilang sagot. (1 minuto)

Page 10: Maikling banghay aralin

Ano ang kaugnayan ng larawan ng kalikasan noon sa larawan ng kalikasan sa ngayon?

Kung hindi tayo magbabago, ano kayang uri ng mundo ang makikita o matitirahan natin sa hinaharap?

Page 11: Maikling banghay aralin

d. CLASSROOM SHARING: Magtatawag ang guro ng dalawa hanggang tatlong pareha na magbabahagi ng kanilang kasagutan sa harap ng klase. (5 minuto)

e. Matapos ang pagbabahagi ay lalagumin na ng buong klase ang kanilang repleksyon. Gagamitin ng guro ang paglalagom upang gawing tuntungan sa pagbubukas ng talakayan sa wika. (3 minuto)

Page 12: Maikling banghay aralin

Halimbawa:

“Mula sa ating tinalakay kanina hinggil sa kalagayan ng ating kalikasan noon, ngayon at sa hinaharap, dapat nating maunawaan na ang mga salita ay gaya rin ng ating kalikasan, sila ay maaaring magbago o mag-iba batay sa panahon. Basahin natin ang mga sumusunod na pangungusap…..”

Page 13: Maikling banghay aralin

PAGTALAKAY SA PAKSA (55 minuto)

Page 14: Maikling banghay aralin

Directed Reading Thinking Activity Directed Reading Thinking Activity (DRTA)(DRTA)

a. Magpapakita ang guro ng mga pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa na nasa iba’t ibang aspekto. (1 minuto)

Page 15: Maikling banghay aralin

Halimbawa: Kung hindi tayo magtutulungan upang

pangangalaan ang ating kapaligiran… Sa ngayon, ang lahat ay nagtutulungan sa

pangangalaga ng kapaligiran gaya ng… Nagtulungan na dati ang mga tao upang

mailigtas ang kalikasan ngunit…

Page 16: Maikling banghay aralin

b. Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang napansin sa mga pandiwang may salungguhit.

c. Gagabayan ng guro ang mga mag-aaral upang magmula sa kanila ang pagbubuo na ang mga pandiwang may salungguhit ay nagpapakita ng mga kilos na natapos na, kasalukuyang ginagawa at kilos na gagawin pa lamang. (4 minuto)

Page 17: Maikling banghay aralin

c. Pagtalakay ng guro sa tatlong aspekto ng pandiwa gamit ang isang tsart bilang gabay na biswal. (15 minuto)

d. Pagbibigay ng guro ng mga karagdagang halimbawa ng mga pangungusap na nagpapakita ng mga pandiwa na nasa iba’t ibang aspekto. (2 minuto)

Page 18: Maikling banghay aralin

c. Pagtatawag ng guro ng mga mag-aaral upang magbigay ng sarili nilang mga pangungusap na gumagamit ng iba’t ibang aspekto ng pandiwa. (3 minuto)

Page 19: Maikling banghay aralin

f. PANGKATANG GAWAIN: Pagpapangkatin ng guro ang mga mag-aaral. Ang layunin ng pangkatan ay magamit ng mga mag-aaral ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa mas komunikatibong pamamaraan. Buhat dito, hihilingin ng guro na gamitin ng mga mag-aaral ang mga aspekto ng pandiwa sa iba’t ibang mga sitwasyon. Itatanghal ito ng mga mag-aaral pagkatapos. (20 minuto)

Page 20: Maikling banghay aralin

Halimbawang mga sitwasyon:

(1). Unang araw ng klase

(2). Interbyu para sa trabaho

(3). Pamimili ng kagamitan

(4). Pagtatanong ng direksyon

Page 21: Maikling banghay aralin

PAGTATAPOS NG PAGTATAPOS NG TALAKAYANTALAKAYAN

(25 minuto)

Page 22: Maikling banghay aralin

a. Pagbibigay ng guro ng sampu hanggang labinlimang bilang na maikling pagsusulit. (10 minuto)

b. Pagwawasto ng maikling pagsusulit. Pagtalakay sa mga aytem na nahirapan ang mga mag-aaral (5 minuto)

Page 23: Maikling banghay aralin

c. PAGLALAGOM/PAGBUBUOD: Sa pagsasara ng klase, hihilingin ng guro sa mga mag-aaral na lagumin ang kanilang aralin sa araw na iyon sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga sumusunod na pangungusap: (5 minuto)

Natutunan ko na ang pandiwa ay may iba’t ibang aspekto, ito ay ang mga….

Natutunan ko rin na mahalagang wasto ang paggamit sa mga aspekto ng pandiwa dahil…

Page 24: Maikling banghay aralin

d. Pagpapaligpit ng guro sa mga gamit ng mga mag-aaral, pagsasaayos ng mga upuan, pagpupulot ng mga kalat at iba pa.

e. Pagpapaalam ng guro.

(5 minuto)

Page 25: Maikling banghay aralin

IV. CLASSROOM IV. CLASSROOM MANAGEMENTMANAGEMENT

Page 26: Maikling banghay aralin

StrategicStrategic PlanningPlanning1. Motibasyon / lunsaran

2. Pag-uugnay ng lunsaran sa aralin sa wika

3. Pagtalakay sa aralin sa wika

4. Komunikatibong pagsasanay

5. Maikling Pagsusulit

6. Paglalagom

7. Pagsasara ng klase

Page 27: Maikling banghay aralin

PacingPacingPagtatakda ng partikular na oras na ilalaan sa bawat aktibidad na gagawin.

TransitionTransition1. Paggamit ng mga hand signals gaya ng pagtataas

ng kanang kamay para sa “tumahimik o makinig”.2. Pagsulat sa pisara ng nalalabing oras para sa

aktibidad o gawain.3. Pagdadala ng bell o instrumentong panghudyat sa

oras na tapos na ang oras na nakalaan para sa aktibidad.

Page 28: Maikling banghay aralin

Teacher PresenceTeacher Presence1. Pag-ikot ng guro sa bawat pangkat sa

pangkatang aktibidad o sa maikling pagsusulit.

2. Paglapit ng guro o paglalakad palapit sa mga mag-aaral na sumasagot o nagbibigay ng kanilang mga pagtingin o opinyon.

Page 29: Maikling banghay aralin

•MARAMING MARAMING SALAMAT PO!! SALAMAT PO!!