23
53 Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang sa Libro, Teatro, Telebisyon, at Radyo ni Christine S. Bellen This paper analyzes how the popular stories of Severino Reyes have been translated into various forms of media. After Gilda Cordero-Fernando translated the story into English in 1997 for Tahanan Books, Lola Basyang stories became even more a part of children’s literature. On the other hand, the publication of Lola Basyang picture books in 2004-2005 and 2007 paved the way for the stories to be adapted for dance, theater, television, and radio. Each of these media required different ways of adapting the classic stories. B ago sumapit ang Dantaon 21, naisalin sa iba’t ibang anyo ang “Mga Kuwento ni Lola Basyang”, mula sa orihinal na mga kuwentong nalathala sa Liwayway magasin noong 1925. Naisa- radyo ito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naisa- pelikula kinalaunan noong 1947, 1952, at 1958. Naisa-komiks din ang ilan sa mga kuwento nang mga taong iyon at inilathala ang unang tatlong antolohiya mula sa mga piling kuwento. Nasundan ito ng muling pagsasa-antolohiya ng dalawang aklat noong 1975 upang gunitain ang ika-50 anibersaryo ng pinakaunang kuwento na inilathala sa Liwayway magasin noong 1925, “Ang Plautin ni Periking.” Dekada 1980 nang muli itong maulit sa pelikula na ipinalabas ng Regal Films. Bagama’t hindi talaga hinalaw sa mga kuwento ni Severino Reyes ay naging tanyag ang pelikula sa paggamit ng Lola Basyang sa kuwento na pinangunahan ni Chichay. Naging inspirasyon din ang Lola Basyang sa paglabas ni Ora Plaridel (February 2009) 6:1, 53-74 ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM 53

Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

  • Upload
    hakhue

  • View
    503

  • Download
    17

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

53

Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyangsa Libro, Teatro, Telebisyon, at Radyoni Christine S. Bellen

This paper analyzes how the popular stories of Severino Reyes have beentranslated into various forms of media. After Gilda Cordero-Fernandotranslated the story into English in 1997 for Tahanan Books, Lola Basyangstories became even more a part of children’s literature. On the other hand,the publication of Lola Basyang picture books in 2004-2005 and 2007paved the way for the stories to be adapted for dance, theater, television, andradio. Each of these media required different ways of adapting the classicstories.

Bago sumapit ang Dantaon 21, naisalin sa iba’t ibang anyoang “Mga Kuwento ni Lola Basyang”, mula sa orihinal na mga

kuwentong nalathala sa Liwayway magasin noong 1925. Naisa-radyo ito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naisa-pelikula kinalaunan noong 1947, 1952, at 1958. Naisa-komiksdin ang ilan sa mga kuwento nang mga taong iyon at inilathala angunang tatlong antolohiya mula sa mga piling kuwento. Nasundanito ng muling pagsasa-antolohiya ng dalawang aklat noong 1975upang gunitain ang ika-50 anibersaryo ng pinakaunang kuwentona inilathala sa Liwayway magasin noong 1925, “Ang Plautin niPeriking.” Dekada 1980 nang muli itong maulit sa pelikula naipinalabas ng Regal Films. Bagama’t hindi talaga hinalaw sa mgakuwento ni Severino Reyes ay naging tanyag ang pelikula sapaggamit ng Lola Basyang sa kuwento na pinangunahan ni Chichay.Naging inspirasyon din ang Lola Basyang sa paglabas ni Ora

Plaridel (February 2009) 6:1, 53-74

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM53

Page 2: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

54

Engkantada, na mayroon ding lolang nagkukuwento napinangunahan naman ni Luz Fernandez. Noong 1997 ay inilathalang Tahanan Books ang antolohiyang The Best of Lola Basyang/Timeless Tales for the Filipino Family, na isinalin sa Ingles niGilda Cordero-Fernando at binigyan ng introduksyon ni Dr.Bienvenido Lumbera. Naging simula ito upang muling mapanuodang adaptasyon ng tatlong kuwento mula sa “Mga Kuwento niLola Basyang” sa Hirayamanawari ng ABS CBN 2. Mula noong2000, muli itong nabuhay sa iba pang mga anyo – dulang musikalat ballet, telebisyon at radyo. Sa papel na ito, sisikaping mailahadang mga pinagdaanang proseso sa paglipat-lipat ng anyo ng mgakuwento sa kasalukuyan at ang pagtatasa sa mga pagbabago,gayundin sa mga katangiang patuloy na nananatili rito bilang tatakng tunay na “Mga Kuwento ni Lola Basyang”.

Si Severino Reyes o Don Binoy

Nabuhay si Severino Reyes sa mga huling bahagi ng dominasyonng mga Kastilang mananakop at unang bahagi ng panahon ngpananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ipinanganak siya noongPebrero 11, 1861 at namatay noong Setyembre 15, 1942.Edukasyong Kastila ang humubog kay Reyes. Nagsimula siya ngpag-aaral sa ilalim ni Don Catalino Sanchez at nagpatuloy sa escuelade segunda enseñanza sa San Juan de Letran. Nakapagtapos siya ngPilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Upang maiwasan noonang sapilitang serbisyon militar o quintas sa ilalim ng Espanya,pumasok si Severino Reyes o Don Binoy bilang empleyado saTesoreria General de Hacienda. Dito siya unang nakitaan ng diwang pagsuway sa patakaran ng mga mananakop. Sa mgapagkakataong may okasyon sa kanyang trabaho, pinipili niyangisuot ang Barong Tagalog na katutubong kasuotan kaysaamerikanang isinusuot ng kanyang mga kasama sa trabaho.Napangasawa niya si Maria Paz Puato at nagkaroon sila ng 17anak ngunit ilan lamang dito ang nabuhay.

Bellen

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM54

Page 3: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

55

Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, nanaig kayReyes ang patriotismo. Naging mahalaga ang ambag niya sa dulaan,nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga dulang komedyao moro-moro. Naging kanlungan ang anyo ng sarsuwela para sa mgatemang sedisyoso na siyang umusbong aa dulaan noong unangdekada ng Dantaon 19 laban sa pananakop ng mga Amerikano.Noon kinilala si Reyes bilang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”.

Nakapagbukas ng daan ang pag-usbong ng magasin sapanahon ng mga Amerikano upang maipagpatuloy ni SeverinoReyes ang kanyang pagsusulat. Matapos ang naging napakahalaganiyang ambag sa dulaan, nagsimula siyang magsulat sa Liwaywaymagasin noong 1925. Nakapagsulat siya ng maraming kuwento atartikulo bago iluwal ang “Mga Kuwento ni Lola Basyang” na sataong iyon rin lumabas at dito ay higit siyang nakilala. Nagingregular na ang labas nito simula noong Mayo 22, 1925 nang isulatniya ang “Ang Plautin ni Periking” sa “Mga Kuwento ni LolaBasyang”. Pantasya na may impluwensya ng Romantisismo anganyo ng mga kuwento na umabot sa higit na 500 kuwento mula1925 hanggang 1942. Masasabing malaki ang ambag ng katutubongtradisyong oral sa mga kuwento ni Reyes, kahit ang mga ito’ynakalimbag na.

Maraming kasabay na manunulat si Reyes nang mgapanahong iyon, ngunit nagtagal ang kanyang mga kuwento, naitinuturing na isa sa mga dahilan kung bakit din nagtagal angpagtangkilik sa Liwayway magasin. Ang 80 porsyento ng mgakuwento ay tapusan at kaunti lamang ang tuluyan. Isa sa katangianng mga kuwento noon dahil sa komersyalismo ay ibitin ang mgatagapagbasa sa kanilang kuwento upang bumili silang muli sasusunod na sipi ng lingguhang magasin upang mabasa angkarugtong ng sinusubaybayang kuwento. Lubhang masipag si Reyessa kanyang pagsusulat ng “Mga Kuwento ni Lola Basyang”, nakaramihan ay halaw sa mga katutubong kuwentong bayan ofolktales, kasama na ang mga mito, alamat, at sa mga sarilingkuwento. Ang kakayanan niyang bigyan ng panibagong bihis –ang iangkop o bigyan ng apropriasyon sa kulturang Pilipino ang

Magkukuwento si Lola

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM55

Page 4: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

56

mga tradisyunal na kuwento – ang siyang dahilan upangmakipagtagisan ang mga ito sa panahon.

Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway Magasin

Mahahati sa walong uri ang tema ng mga kuwento na lumabas saLiwayway (1925-1942), na siya ring ginawang 15 picture books ngmuling pagsasalaysay ng “Mga Kuwento ni Lola Basyang” sakasalukuyan. Una, ang mga kuwento ukol sa katarungan. “AngBioling Mahiwaga” (lumabas noong Enero 22 at 29, 1937), “AngHiganti ng Duwende” (Setyembre 18, 1925), at “Rosamistica”(Disyembre 31, 1926) ay nagpapakita ng amo na malulupit sakanilang mga katulong. Sa “Rosamistica,” tiyuhin at tiyahingumampon kay Rosamistica ang umapi sa kanya at itinuring siyangkatulong. Sa “Sino ang Dapat Pugutan” (Hulyo 17, 1931),nakaranas ang amo ng kalupitan ng kapwa amo, ang kanyangministro, nang magkunwari ang sultan na karaniwang tao, kaya’tginawaran niya ang ministro ng parusang kamatayan.

Ikalawa ay ang tema ng pag-ibig at pakikipagkaibigan. Angpagtatanggol ng prinsesa sa prinsipe sa “Ang Prinsipeng Mahabaang Ilong” (Oktubre 20 at 27, 1933) sa pangungutya rito ng mgatao ang naging daan para sila maging magkaibigan, atmagkasintahan. Sa “Prinsipeng Ibon” (Oktubre 28, 1932 atNobyembre 4, 1932) inibig ng Prinsesa Singsing ang PrinsipengIbon sa kabila ng pagiging taong ibon nito at sa huli, dahil sa ayawsilang payagan ng hari na magsama, ay nagpasya ang prinsesa namaging ibon na rin at sumama sa prinsipe ng mga ibon. Tumapangnaman ang prinsipe sa “Ang Duwag” (Disyembre 25, 1936 at Enero1, 1937) matapos siyang iligtas ng Prinsesa Maria sa digmaan kungsaan nakipagpalit ito sa asawa ng kasuotang pandigma upangmaitago ang kahihiyan ng pagiging duwag ng prinsipe. Sa pag-iibigan rin nauwi ang pagliligtas ni Yani sa Prinsipe Beni Hamadmula sa sumpa ng Reyna ng mga Ada sa “Palasio ng Duende”(Hulyo 24, 1931).

Bellen

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM56

Page 5: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

57

Ikatlo ay ang tema ng pakikipagsapalaran na matatagpuansa “Si Pandakotyong” (hindi mahanap ang petsa ng paglalathala),na isang maliit na lalaking pinatunayan ang kanyang talino at tapangkaya’t naging hari sa huli. Gayundin naman ang paghahanap niPedro sa tatlong mga kapatid na Maria na kinuha ng malakingahas na nananahanan sa puno ng Kolesmeloko na pinutol ngkanilang ama sa “Ang Kapatid ng Tatlong Maria” (Mayo 2, 9, 16,23, at 30, 1930).

Ikaapat ay ang tema ng kapangyarihan ng babae na ginamitang talino at ganda laban sa isang datu na hindi payag sa pag-iibigan ng karaniwang babae at ng anak na prinsipe. Makikita itosa “Ang Binibining Tumalo sa Mahal na Hari” (Setyembre 6, 1929).

Ikalima ay ang tema ng pagpapahalaga sa kalikasan,partikular na ang paglilinis ng ilog kung saan namamahay ang mgalamok, sa “Ang Pangako ng Higante” (Nobyembre 11 at 18, 1938).

Ikaanim ay ang tema ng pagpapahalaga sa kapatid sa “AngPlautin ni Periking” (Mayo 22, 1925), na kahit na iniiwan-iwannina Pedro at Tolo ang kanilang bunsong kapatid na si Periking ayiniligtas pa rin sila nito mula sa Gobernador ng Pangasinan nanagnakaw ng kanilang mga “galing” at nagpakulong sa kanila.

Ikapito ay ang pagsubok para sa anting-anting napinagdaanan ni Huwan upang makakuha ng mahiwagang bagay namagpapatapang sa kanya. Ang huli ay ang katatawanan omasasabing kuwentong nonsensical sa “Ang Pitong Tarantado”(Nobyembre 22, 1929) na dumaan sa pakikipagsapalarang walangkawawaan.

Sa mga panahong nailathala ang mga kuwento saLiwayway, hindi naging kaila ang popularidad nito. May isang talaukol sa naging pagtangkilik sa sirkulasyon ng lingguhang magasinna siyang pinaglathalaan ng mga kuwento.

Noong mga 1930, noong wala pang gaanong libangan angmga tao, ang Liwayway, pagdating sa kalsada ay hindi nagtatagalsa mga tagapaglako at sadyang inaabangan na ng mga mambabasa.Ang magasin ay babasahin ng ina ng tahanan na ipapasa sa mgaanak at pagdating ng gabi ay babasahin naman ng ama ng tahanan

Magkukuwento si Lola

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM57

Page 6: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

58

pagkagaling sa trabaho. Ang magasin ay hinihiram ng kapitbahaykinabukasan at pagpapasahan ng pamilya nito. Lumitaw angtelebisyon, dumami ang mga sinehan at nagkaroon ng iba’t ibanglibangan ang tao, ngunit ang Liwayway bilang babasahin ay hindinaisantabi. Patuloy na nakipaglaban ang Liwayway bilang isanganyo ng libangan. At nagtagumpay ito (Samson, 1981: 26).

Mayroong ilang mga panayam sa mga matatandang maygulang 70 pataas na nagpapatunay na kapakipakinabang ang “MgaKuwento ni Lola Basyang” na binabasa nila sa Liwayway bukodpa sa aral at aliw na nakukuha nila rito. May matatandang Tsinona ginamit pa ang mga kuwento ni Reyes upang mag-aral ng wikangTagalog sa mayamang koleksyon noon ng Liwayway magasin saopisina ng Chinese Association na siyang kumupkop sa kanila.Ang mga kuwento ay nagsisilbi ring tagapagpaalala sa mgamambabasa noon sa kanilang kasaysayan sa loob ng kasaysayanng kanilang bayan (Bellen, 2003: 52-55).

Sa mga kuwento, nabubuo sa imahinasyon ng mgamambabasa, na si Tandang Basyang bilang lola na nagkukuwentoay karaniwang nakaupo habang napaliligiran ng mga apongnakikinig, tulad ng orihinal na pinaghalawan ng inspirasyon niSeverino Reyes na si Gervasia Guzman de Zamora o TandangBasiang ng Quiapo, Maynila. Naging padron ng mga kuwento angdayalogo kung saan humihiling ang mga apo kay Lola Basyang namagkuwento. Saka ito magsisimula ng, “Ang kuwento natin aytungkol sa o pinamagatang…” at sa huli o pagkatapos ng kuwentoay sasabihin naman nitong “At diyan nagtatapos ang kuwento”.Susundan pa ito ng papuri ng mga apo dahil sa ganda ng kuwentongnapakinggan nila. Isang halimbawa ang hinalaw sa mga lumangsipi ng Liwayway.

Sa siping ito, gumugol ng espasyo sa kuwento ang pilitansa simula ng magnununo. Tumutuloy rin sa biruan ng mga apo nanagsisilbing daan upang makasilip ang mambabasa sa mundo ngpamilya ni Lola Basyang bago magbukas ang daigdig ng kuwento.

Bellen

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM58

Page 7: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

59

“Lola, ibig ko sana’y iyong may mga loob sa Dios”ani Panching.“Oo iba: May loob sa Dios, sa tuwi na’y may loobsa Dios ang ibig na batang ito, di malayong paglakinitong si Panching ay magmadre”.“Adios, Sor Panching!” ang sigawan ng mga lalaki.“Magtigil kayo, mga sanggano” ani Panching namuhing-muhi.“At bakit, masama bang magmadre?”“Kung madre de muehos hijos ay mabuting-mabuti”ani Vicenting, “Kung sin hijos, ay huwag”.Tigil na kayo at ako’y magsisimula na” anangTandang Basiang .

Sa katapusan ng mga kuwento, karaniwang maikli nalamang ang sinasabi ng mga apo o ni Lola Basyang bilangpagwawakas. Pinakamadalas na pagtatapos ang papuri ng mgaapo sa kuwento ng lola. Marahil may kinalaman din sa espasyo ngpahina sapagkat may kahabaan ang “Mga Kuwento ni LolaBasyang.”

Sa ganitong istruktura ng mga kuwento kung saan maykuwento sa loob ng kuwento, tumimo na sa kamalayan ng mgamambabasa na tunay ang lolang nagkukuwento. Mayroong dramasa “sariling pamilyang” kaabalahan niya sa buhay. Bumabagayang istratehiyang ito para magkaroon ng simpatya o pakikiramaysa dynamics o sistema ng pamilya na siyang tumatangkilik ngbabasahin. Ang pagkakaroon ng “sense of community” o pakikipag-kamag-anak ay sumusunod din sa pamilyarisasyon ng pagsubaybaysa mga kuwento kung saan nakikila ang mga apo ni Lola Basyangat ng mga pinagdadaanan din nila. May kinalaman din ang mga itosa paraan ng kung paano pinagpapasa-pasahan ang babasahin, nalalong nagpapatatag sa pamilyarisasyon ng mga kuwento.

Tinangkilik din ito ng mga batang maliliit, na hindi pamarunong o hindi pa bihasa sa pagbabasa. Nagiging karanasandin nila, kung gayon, ang imahen ng lola at mga apo sa kuwento.

Magkukuwento si Lola

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM59

Page 8: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

60

Pagsasanib ito ng tradisyong oral sa tradisyong nakalimbag.Bagamat nakalathala, kinakailangan itong basahin nang malakasat pakinggan naman ng mambasasa na sa ganitong kaso ay nagigingaudience na. Maaaring hindi rin mawawala rito ang pagtatanghalng tagapagkuwento. Hindi man sa galaw ng katawan, nagtatanghalang tinig nito sa pagbabasa upang mapanatili ang interes ng mganakikinig sa kanya.

Bukod pa sa mga nabanggit ang pinakamahalagangpagdalumat sa mga babaylang tagapagkuwento noon ng mgakatutubong Pilipino. Kaya’t sa pagbabasa pa lamang ng pamagatna “Mga Kuwento ni Lola Basyang” ay nabubuo na agad angimahen ng isang matandang babaeng pinakikinggan ng lahat.Kaya’t tumulay man ito sa ibang anyo, binubuhay pa rin ang imahenng isang lola na nagkukuwento sa kanyang mga apo.

Ang Iba’t Ibang Anyo sa Kontemporanyong Panahon

Aklat Pambata, Ang Picture Books(Muling Pagsasalaysay ng Mga Kuwento ni Lola Basyang)

Hindi naitala si Severino Reyes sa kasaysayan ng maiklingkuwentong Tagalog bilang isa sa mga maikling kuwentista sa mgapanahong ang mga kasabayan niyang manunulat sa Liwayway aykinilala. May pagkakahawig man ang moda ng kanilang panulatna nasa impluwensya ng Romantisismo, higit na matingkad napinangatawanan ni Reyes ang pagtahak sa pagsusulat sa anyongpantasya. Masasabing hindi man lahat ng kanyang kuwento aynasa ganitong anyo, naging tanyag ang mga kuwento ng pantasyadahil sa unang tatlong antlohiyang inilathala noong 1950 na piniling kanyang anak na si Pedrito Reyes. Tulad ng nabanggit nakaramihan dito ay mula sa mga tradisyunal na kuwentong halawsa mga kuwentong bayan. Naging dahilan ito upang sa kinalaunanay sa kanyang mga kuwento inugat ang pagsusulat ng modernong

Bellen

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM60

Page 9: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

61

kuwentong pambata sa Pilipinas. Naging institusyon ang mgakuwento, kung gayon, sa Panitikang Pambata.

Kinagigiliwan ng mga bata ang mga kuwentong halaw samga kuwentong bayan dahil sa mga katangian nito, tulad ng anyongpantasya at pantastiko, ang katatawanan o humor, angpakikipagsapalaran ng mga tauhan o bayani. Nauunawaan nilaang drama ng buhay sa ganitong mga kuwento. Isa rin sa mgadahilan kung bakit ito naibigan ng mga bata nang muli itongisalaysay ay dahil sa panulat pa lamang ni Reyes ay tinimplahan naito ng sensibilidad na Pilipino.

There was a growing interest among writers and scholars inpreserving the genuine traditional tales being told among the commonfolk. These they began to collect with laborious care, writing themdown with scrupulous fidelity in the very words of the storyteller.Although the interest of the scholars was largely in the light thesefolk tales cast on ancient beliefs,customs, and superstitions, childrenfound the stories packed with humor and drama, beauty andwonder. (Smith, 1953: 26)

Bilang anyong pampanitikan, ang mga kuwentong pambataay isang uri ng panulat na mayroong tiyak na audience. Ito ang isasa mga isinaalang-alang sa muling pagsasalaysay ng “Mga Kuwentoni Lola Basyang”. Konsepto ng serye ng Anvil Publishing namaglathala ng mga kuwento ni Reyes para sa mga bata sa antasprimarya. Pinili ang mga kuwentong magugustuhan ng mga bataat tutukoy sa kanilang mga isyu. Taglay ng mga aklat ang tema ngrelasyong magkakapatid, pamilya at magkakaibigan, ang naiiba atiniiba, ang katapangan, ang talino ng kababaihan, kalikasan,hustisya at pag-ibig sa iba’t ibang antas. Sinuyod para sa picturebooks ang antolohiya noong 1950 at dalawang antolohiya noong1975. Gayundin ang mga manuskritong nailathala sa Liwaywayngunit hindi naisa-aklat. Layunin ng picture books na magingpedagohikal bagama’t alternatibong babasahin. May pagsasaalang-alang ito sa husay ng wika bilang anyong pampanitikan. Sa unang

Magkukuwento si Lola

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM61

Page 10: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

62

limang mga aklat, pinag-eksperimentuhang gawing Filipino angpangunahing wika at naglagay na lamang sa likod ng buod sa wikangIngles. Ngunit hindi ito naging epektibo, dahil kinailangan dingabutin ang mga batang anak ng diaspora. Ang mga kuwento niReyes ay maituturing na klasiko kaya’t mainam na maiparatingang mga ito sa lahat ng batang Pilipino. Kaya’t sa mga sumunodna sampu pang mga aklat, ginawa na itong bilingual. Nasa likodrin ng pahina ang mga gabay na tanong at glosari.

Isang katotohanan na taglay na ng picture books sa Pilipinasang lahat – ang pedagohikal na aspekto at aliw sapagkat bukod pasa politika ng mga aklat-pambatang Pilipino (na ito ay nahihirapangtumapat sa pagkahilig ng mga may kaya sa aklat pambatang Ingles)ay isinasaalang-alang naman ang pang-ekonomiyang sitwasyon sapag-abot sa mga pangkaraniwangpamilyang bibili ng aklat.

Larawan ang isangaspektong lalong nagpatingkadsa picture books ng “MgaKuwento ni Lola Basyang”.Nabigyan ng buhay ng mgailustrador na sina Albert Gamos,Frances Alcaraz, Ruben deJesus, Eliza Flores, Elbert Or atHubert Fucio ang mgapakikipagsapalaran sa buhay ngmga tauhan sa kuwento.

Nilimitahan ng pahina ngpicture book ang pagsasama pang “drama” ng lola at ng kanyangmga apo sa una at huli ngkuwento ngunit maririnig pa rinsa mga bahagi ng kuwento angboses ng lolang tagapagsalaysaysa pamamagitan ng pagtatanongo kaya’y pagbibitiw ng mga

Bellen

Ang pabalat ng isang aklat saserye ng mga pambatang picturebooks na inilathala ng Anvi lPublishing. Kinuha noong Pebrero17, 2009 mula sa http://w w w .an v i l pu b l i s h i n g .c om/s t a c k s / p i c 2 k 5 /lbseverinoprev.jpg

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM62

Page 11: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

63

kasabihan. Halimbawa, sa kuwentong “Ang Prinsipe ng Mga Ibon”matapos ang dalawang beses na hindi pagtupad ng Hari sa pangakosa kanyang anak na prinsesa na kapag natulungan ang kahariannila ng katipan nitong ibon ay papayag na siyang magpakasal angdalawa, matutunghayan ang ganitong katanungan:

“Ano kaya ang mangyayari sa pag-ibig ni PrinsesaSingsing at ng Prinsipe ng mga ibon?”

O sa “Ang Alamat ng Lamok”, matapos matuklasan ng mga tagaTungaw na kinakain ng higanteng Amok ang marurumi nilangkababayan:

“Iwanan kaya nila ang kanilang maruming bayan?”

Ang mga picture books na ito ang naging daan sa atingpanahon upang mapukaw ang interes sa mga kuwento ng iba pangmga grupong pangkultura at maging ng komersyal na telebisyonna may adbokasiya para sa mga bata.

Ang Philippine Educational Theatre Association o PETA(Dulang Musikal na Pambata: Mga Kuwento ni Lola Basyang)

Matapos ng dalawang taong pagtatanghal ng Hans ChristianAndersen Must Be a Filipino ni Rene O. Villanueva, itinanghalng PETA ang adaptasyon ng tatlong kuwento ni Lola Basyang.Pinili mula sa mga picture books ang mga kuwentong “AngPrinsipeng Mahaba ang Ilong”, “Ang Binibining Tumalo sa Mahalna Hari” at “Ang Prinsipeng Duwag”. Isinaalang-alang ng PETAsa pagpili ng mga ito ang layunin ng kanilang organisasyongpanteatro na buhayin ang kultura at pagpapahalagang Pilipino samga bata at itaguyod ang mga karapatang pambata. Kinatawan ngtatlong dula ang mga tema ng pagkakaibigan, talino at lakas ngbabae at kapayapaan. Inilahad ang mga dula sa pamamaraangliteraryo at kulturang popular na siyang mapapansin sa mga wikang

Magkukuwento si Lola

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM63

Page 12: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

64

ginamit dito. Sa naunang dalawang dula ay nasa antas literaryo angdiyalogo at pati na mga awit, samantalang kolokyal naman atkulturang popular sa kasalukuyan ang ginamit sa huling dula.

May totoong “lola” na siyang si Lola Basyang sa dula, nasa paglabas pa lamang sa entablado ay tinatawag na ng mga bata.Brechtian ang konsepto ng dula kaya’t interactive ito, kinakausapng Lola ang mga audience. Tumatahimik ang mga batangmanonood dahil bilin ito ni Lola Basyang bago magsimula angdula o kaya’y kapag pinaaalalahanan sila. Siya rin ay sumasagotng mga tanong at nagbubuod ng mga aral matapos ang bawat isangkuwento. Gumaganap din si Lola Basyang bilang tauhan sa mgadula, sa papel na malapit sa kanyang tauhan, tulad ng matandangermitanyo sa gubat.

Sa bersyong 2005 ng PETA, nagsisimula ang palabas sakuwento ng tatlong batang hindi magawa ang karaniwan nilangroutine tulad ng pagi-Internet, panonood ng DVD at pagbabasadahil sa walang kuryente. Ito ang dahilan kaya dinalaw nilangmuli si Lola Basyang. Ngunit ayaw nang magkuwento ng matandadahil sa wala nang nakikinig sa kanya. Napagpasyahan ng tatlongbata na sila ang magsalaysay ng mga kuwento ni Lola Basyang.Sila ang nagsiganap na mga pangunahing tauhan sa kani-kanilangmga ikinuwento.

Adaptasyon ang ginawa sa dula sapagkat may mga elementosa aklat na kinakailangang hindi lamang ikuwento kundi ipakita atpagalawin sa entablado. Halimbawa, sa aklat na “Ang PrinsipengMahaba ang Ilong”, prinsesa ang naging kaibigan ng prinsipe, nanakilala ng prinsipe nang minsang payagan siyang mamasyal sagubat (hindi pinapayagang lumabas ang prinsipe dahil sa kanyangmahabang ilong). Sa dula pinatingkad ang usapin ng mga iniiba o“other” kaya’t isang babaeng maitim na mangangahoy ang kanyangnaging kaibigan. Hindi rin taumbayan ang nanukso sa kanya kundidalawang taong nakasalubong niya na ang isa ay bungal at ang isaay bungi ngunit saksakan ng mga pintasero. Nakadagdag angkatatawanan sa interes ng mga batang manonood. Ipinaramdamdin ng dula ang pagiging sangkot ng audience sa dula nang mahulog

Bellen

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM64

Page 13: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

65

sa kumunoy ang mga pintasero at kailangan ng mahabang bagayupang hilahin sila. Walang tali o baging, hindi rin sapat angmahabang ilong ng prinsipe kaya’t kailangang humingi ng tulongang Prinsipeng Mahaba ang Ilong mula sa mga bata sa audienceupang hilahin at mailigtas sina Bungal at Duling.

Limitado ang mga tauhan sa dula. Sampu lamang angitinakda ng PETA dahil kailangang bumagay sa mobile theater angkanilang mga dulang pambata. Ang 10 aktor ay may kakayahanggampanan ang higit sa isang papel. Kailangan ding maging“portable” ang mga props, magaan at kaunti ngunit epektibo sapagbuhay ng pantasya sa mga kuwento. Mahusay na ilaw ang isasa mga sangkap ng pagtatanghal, bagama’t hindi ito lagingmaasahan kapag nagtatanghal sa mga gym, basketball court at mgapublic school kapag nasa tour ang palabas. Sa kabuuan, lubos na

Magkukuwento si Lola

Ang mga gumanap sa Dulang Musikal na Pambata ng Mga Kuwento niLola Basyang na isinadula ng PETA noong 2005.

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM65

Page 14: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

66

tinangkilik ang dula at hindi lamang ito ipinalabas ng dalawangtaon kundi nasa ikaapat na taon na ito ngayon.

Ang GMA 7: Mga Kuwento ni Lola Basyang

Hindi isinama si Lola Basyang bilang tauhan ng Mga Kuwento niLola Basyang sa TV dahil sa katatapos lamang ng kanilangMahiwagang Baul kung saan may tauhan din na lola. Si ManilynReynes, na kunwaring apo ni Lola Basyang, ang nagpadaloy ngmga kuwento. Isa siyang biyuda na pinangalanang Gervy (mula saGervasia Guzman de Zamora) at may anak siyang lalaki na si Efrenat alagang asong si Pitik. Tuwing Linggo ay dala ng mag-ina angkanilang mobile library at tumutungo sila sa iba’t ibang lugar kungsaan may mga bata — sa mga parke, sa tabing dagat, sa mga baryoat mga kalsada. Dala nila ang panghihikayat na magbasa ang mgabata, at ang pagtuturo ng mga aral na inaawit ni Manilyn sa bawatpagtatapos ng kuwento.

Mula sa muling pagsasalaysay, naging adaptasyon din angmga kuwento para sa telebisyon. Kung sa teatro ay “ipinakita angkuwento” sa pamamagitan ng paglikha ng mga sitwasyongnangangailangan ng interaksyon sa audience, dito naman aykailangang magamit ang mga special effects, tulad ng mga digital imagesmula sa computer, para maganyak ang audience na manood. Totoongmahigpit ang labanan ng mga network sa mga palabas na pantasya.Kailangang lumikha ng tinatawag na visual fantasy sa tulong ngteknolohiya. Kung sa picture books ay tumutulong ang mgailustrasyon upang mabuhay ang kuwento, sa telebisyon ay literalna kailangang pagalawin ang mga bagay, pagsalitain ang mga hayopat gawing nakamamangha at magical ang ilang sitwasyon.Halimbawa, nilagyan ng gunting na nagsasalita ang “Ang GuwapongSastre” kahit wala ito sa pinaghalawang kuwento ni Reyes. Angmga nagsasalitang bagay, tulad ng mga nagsasalitang kalabaw atmanok sa “Ang Parusa ng Duwende,” ay humahatak sa interes ngmga batang manonood. Gayundin ang mga diwatang deus ex

Bellen

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM66

Page 15: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

67

machina, lalo pa’t maganda ang artistang gaganap dito, kahit walaring diwata sa kuwento, tulad sa “Ang Prinsipeng Unggoy.”

Naghanap din ng mga lokasyong may mga “totoongpalasyo”, ang makukulay na kasuotan para sa iba’t ibang panahonng mga kuwento at prosthetics o make up para sa mga tauhang tuladng taong unggoy sa “Ang Prinsipeng Unggoy” at mahiwagang kubasa “Mahiwagang Kuba.”

Sapagkat nagkukuwento rito ang “apo” ni Lola Basyang,may drama din sila ng kanyang anak, pati ang asong si Pitik. Maymga sitwasyon na nagbubunsod sa kuwentong kanyang isasalaysayat sila mismong mag-ina ay natututo sa aral ng kuwento. Isangmakabagong tumba-tumbang yari sa magaang bakal ang ginagamitni Gervy. Lagi nila itong dala sa kanilang mobile library na hilanaman ng kanilang pick-up na sasakyan. Bumabalik din panaka-naka ang kamera sa tagapagkuwento at sa mga nakikinig ng kanyangkuwento, habang ipinalalabas ang kuwento nang oras na iyon.

Magkukuwento si Lola

Kasama ng may-akda (kaliwa) sina Manilyn Reynes (kanan) at Paul Salas(gitna) sa press conference ng Mga Kuwento ni Lola Basyang naipinalabas sa GMA 7 noong 2007.

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM67

Page 16: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

68

Nagtatanong din si Gervy o kaya’y nagsasaway ng mga makukulitna bata at nanghihikayat naman ng mga batang naroon ngunit hindinakikinig.

Isinasaalang-alang sa pagpili ng mga artista ang mga loveteamna “nakakakilig” sa audience, lalo pa’t kung ang kuwento ay tungkolsa prinsipe at prinsesa. Halimbawa, nang ma-link noon sina MarkHerras at Katrina Halili, sila ang pinagtambal sa “Ang PrinsipengUnggoy” at sina Jennylyn Mercado naman at Patrick Garcia sa“Ang Mahiwagang Kuba.” Kinukuha rin para sa episode ang mgatinatawag na rater o yung malakas ang appeal sa mga manonood.Kasagsagan din noon ng Starstruck kaya’t naging baluartengsanayan din ang palabas para sa maliit ngunit mahalagang papel sapalabas.

Dalawampu’t pitong episode ang ipinalabas ng GMA 7.Sayang at nasa kasagsagan ng paggamit dito ng ilang paaralan bilangassignment sa panitikan nang ito ay nahinto. May kahirapan ayon sanetwork ang mga kuwentong pantasya. Hindi ito tulad ng deseryeng palabas na pantasya na hindi pabagu-bago ang lokasyon athitsura ng mga tauhan. Malaking halaga ang ginugugol sa mgakuwento bawat linggo. Nanalo ng Best Children’s TV Programnoong 2007 ang Mga Kuwento ni Lola Basyang at isangpanghihinayang na hindi na ito naipagpatuloy bilang programangpambata sa telebisyon.

Ang Ballet Manila: Tatlong Kuwento ni Lola Basyang

Nakatulong nang malaki ang mahusay na ilustrasyon ni FrancesAlcaraz sa mga kuwentong Ang Mahiwagang Biyulin, AngPrinsipe ng mga Ibon at Ang Kapatid ng Tatlong Maria upangmakumbinse si Lisa Macuja-Elizalde, ang direktor ng Ballet Manila,na maaaring sayawin ang tatlong kuwento.

Tinaguriang “Ballerina of the People” si Lisa Macuja-Elizalde. Inilalapit niya sa mga karaniwang tao ang sining ng Ballet.Tulad rin ng “Mga Kuwento ni Lola Basyang,” ang sayaw ng BalletManila ay kapwa sining at kulturang popular. Ito ang mga uri ng

Bellen

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM68

Page 17: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

69

sining na masasabing epektibo sapagkat hindi ekslusibo angaudience. Sa panonood nila, nagiging mayaman ang karanasan ngmga tumatangkilik.

Alam ni Lisa Macuja-Elizalde na hindi nauunawaan ng mgakaraniwang manonood ang classical ballet. Lalo pa sa Pilipinas kungsaan higit na sanay ang mga tao sa espektakulo mula sa impluwensyang moro-moro o komedya, sa drama na impluwensya ng sarsuwelaat ng siste at katatawanan na matatagpuan sa ating mga kuwentongbayan. Matatagpuan ang mga katangiang ito sa iba pang mga anyotulad ng mga pelikula, palabas sa telebisyon, gayundin sa mga ritwalng kultura tulad ng mga prusisyon at piyesta o, sa katagang sabi, satinatawag na folk culture (Reyes, 2001:189). Sa ganito, sinisiguradoniyang hindi masasayang ang panonood ng kanyang mga audiencebagama’t hindi rin masasakripisyo ang kalidad ng isang mahusayna sining.

Sa Tatlong Kuwento ni Lola Basyang, mayroong tauhangLola Basyang na ginampanan ni Luz Fernandez. Mayroon dingtatlong mga bata na kanyang mga “apo.” Si Lisa Macuja-Elizaldeay siyang tagapakinig tulad ng mga “apo,” nagsisilbi rin siyang saksi

Magkukuwento si Lola

Ang mga gumanap sa Tatlong Kuwento ni Lola Basyang na inihandogng Ballet Manila.

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM69

Page 18: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

70

sa mga kuwentong isinasayaw. Pumapasok-pasok siya sa mgabahagi bilang isang hindi nakikitang tauhan ngunit nagsisilbingpatunay na “totoo” ang mga kuwento dahil naroon siya at bahagisiya nito.

Kolaborasyon naman ng sayaw at musika ang pagtatanghalng ballet. Tatlong mahuhusay na kompositor ang lumikha ng musikang tatlong kuwento. Sina Mon Faustino ang nagsaayos ng mgakomposisyon ng mga beteranong kompositor, tulad nina NicanorAbelardo, Antonino Buenaventura, Levi Celerio, Lucrecia Kasilagat George Canseco (Prinsipe ng mga Ibon), samantalang ginamitpara sa dalawang kuwento ang orihinal na komposisyon nina JoeyAyala (Kapatid ng Tatlong Maria) at Ryan Cayabyab(Mahiwagang Biyolin). Tatlong mahuhusay na koryograper dinang bumuo ng sayaw sa bawat kuwento -- sina Osias Barroso, LisaMacuja-Elizalde, at Tony Fabella. Hybrid ang estilong ginamit, napinaghalong classical ballet, ethnic dance, at mime.

Hindi rin matatawaran ang set design at mga costume na hindiinilayo sa mga ilustrasyon ni Frances Alcaraz. Layunin ngpagtatanghal na itaguyod ang pagbabasa ng mga aklat sapamamagitan ng pagpapakilala sa mga tauhan sa ballet. Nagingmatapat ang produksyon sa muling pagsasalaysay ng tatlongkuwento at matagumpay na standing ovation ang naging pagtanggapsa bawat pagtatanghal dahil sa husay ng kabuuang produksyon ngBallet Manila.

Ang Jesuit Communications at Drama sa Radyo:Mga Kuwento ni Lola Basyang

Pinaka-epektibo ang radyo sa pag-abot sa mga audience sa mgamalalayong lugar. Pinakahuli ang proyekto ng JesuitCommunications na drama sa radyo na “Mga Kuwento ni LolaBasyang” na isinasahimpapawid ng Radio Veritas 846 tuwingBiyernes, ika-1:00 hanggang 1:30 ng hapon. Isang kaaya-ayangjingle ang simula ng programa kasunod ng “drama” sa buhay ngmaglolola. Nag-iiba-iba ang mga apo dito ni Lola Basyang, hindi

Bellen

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM70

Page 19: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

71

tulad ng orihinal sa Liwayway na may nakatakdang mga pangalanang paulit-ulit na lumalabas bilang mga apo ni Lola Basyang tuladnina Panching, Charing, Felicing at Efren. Sa radyo, lahat ay “apo”ni Lola Basyang kaya’t palipat-lipat siya ng mga bahay sa mgapamilyang may kaya at karaniwan, sa siyudad man o sa mga liblibna probinsya, sa mga subdibisyon hanggang sa mga bahay sa tabingdagat at bundok, sa mga Kristiyano at Muslim.

Halimbawa, sa kuwentong “Ang Prinsipeng Duwag,”dinalaw ni Lola Basyang sina Ben at Tanya. Tulad din ng nasakuwento, kung saan ang Prinsesa Maria ang lumaban sa digmaandahil duwag ang kanyang asawa, may pagbubuwag rito sa istiryotipong katangian ng babae at lalaki. Mahilig magluto si Ben kaya’tsiya ang inaasahan sa pagluluto ng hapunan pagkagaling niya sapaaralan, sapagkat nagtatrabaho sa pabrika ang kanyang mgamagulang. Si Tanya naman ay mahilig sa pagkukumpuni ng mga

Magkukuwento si Lola

Ang may-akda (kanan) sa istasyon ng Radio Veritas 846 na siyangnagsasahimpapawid ng Mga Kuwento ni Lola Basyang na handog ngJesuit Communications.

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM71

Page 20: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

72

kung anu-ano sa bahay. Sa episode na iyon, kinukumpuni ni Tanyaang gripo sa kanilang banyo nang dumating si Lola Basyang.

Karaniwang ibinubunsod ng mga sitwasyon ng dinatnangmga “apo” ni lola ang magiging kuwento niya. Hindi sinasabi angaral sa huli ngunit may mga realisasyon ang mga tauhang apo okaya’y may nagiging pagbabago sa sitwayon. Simple ang mga soundeffects at karaniwang volunteer lamang ang mga nagsisipag-bosessa drama. Tanging si Devi Paez na nagboboses bilang Lola Basyangang siyang mainstay sa programa.

Presentable ang drama, bagama’t wala pang ganap napagtatasa sa tinatakbo ng programa. Gayunpaman ay nagpapatuloypa rin ito sa kanyang ikatlong buwan.

Konklusyon

Sa iba’t ibang anyo ng “Mga Kuwento ni Lola Basyang,” naginginstitusyon ang boses ng matandang babaeng tagapagkuwento.Dahil na rin sa imahen ng lolang nagkukuwento sa kanyang mgaapo, naitatak hanggang sa kasalukuyan ang nakapaloob ditongdynamics ng pamilyang Pilipino kung saan ekstensyon ang lola sapagpapalaki ng mga apo dahil sa nagtatrabaho ang mga magulang.Gayundin naman ang tradisyong naipapasa sa mga anak ang mgapagpapahalagang humubog din sa kanilang mga magulang sapamamagitan ng matatanda sa pamilya na siyang nagsisilbing gabaysa mga bata tulad ng lola. Kaya’t wala man ang lola sa nagingprograma sa telebisyon at pati na sa mga picture book, sumasapatang pamagat upang “makita” ng mga audience at mambabasa siLola Basyang at pakinggan ito ng anumang henerasyong nais niyangkausapin. Nagsisilbing panoptic ang lola. Kaya nga higit na nagingepektibo ang dula, ballet at radyo dito nang muling ibalik ang lolaat ang kanyang mga apo. Nakauugnay nang higit ang mga audiencesapagkat nailalapit sa kanila ang mga paksang ikukuwento dahilsa may kaugnayan ito sa kanilang buhay, panahon, espasyo,posisyon, at sitwasyon. Ayon nga sa antropolohistang si Dr.

Bellen

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM72

Page 21: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

73

Prospero Covar, “Ang pundasyon ng Pilipinas ay nakasalalay sapamilya (sambahayan) at nakaangkla naman sa lakas ng bayan(sambayanan).

Maipaliliwanag rin ang patuloy na paglalahad ng “MgaKuwento ni Lola Basyang” sa iba’t ibang anyo dahil sa paggamitng apropriasyon sa mga tradisyunal na kuwento para maiangkopang mga banyagang kuwento sa kultura at pagpapahalagangPilipino. Halimbawa, maaaring ang mga tagpuan ng kuwento ayEuropa, Tsina, at Persia, subalit Pilipino ang mga tauhan atnamumuno sa mga bayang iyon. Sa isang postkolonyal na pagtingin,masasabing paraan din ng “pananakop” ng isang bansang nagdaansa ilalim ng pananakop ang ganitong mekanismo ng mga kuwento.

Ang anyo namang pantasya ng mga kuwento ang nagingdahilan upang hindi agad magkaroon ng tiyak na lugar ang mgakuwento sa kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas, ngunit ito rinang naging dahilan upang kilalanin ito bilang isa sa mga pinag-ugatan ng mga kuwentong pambata sa Pilipinas sa kinalaunan.Isang epektibong genre ang panitikang pambata sa pagtatanim ngmga pagpapahalagang Pilipino sa mga susunod na tagapamuno ngkanilang henerasyon.

Talasanggunian

Ang babaing mahiwaga. (1926, Mayo 28). Liwayway.Ang prinsesang naging pulubi. (1926, Enero 29). Liwayway.Ang Relikaryo ni Attan. (1926, Pebrero 5). Liwayway.Bellen, C. S. (2003). Bisa ng pantasya: Ang imahinasyon sa mga kuwento

ni Lola Basyang ni Severino Reyes. Unpublished master’s thesis,College of Social Sciences and Philosophy, University of thePhilippines, Diliman.

Hernandez, P., OSA. (1991). The Augustinians in the Philippines and theircontribution to the printing press, philology, poetry, related literary historyand sciences. Makati: Colegio de San Agustin Press.

In hoc signo vinces (Himala ng krus. (1927, Abril 8). Liwayway.

Magkukuwento si Lola

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM73

Page 22: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

74

Bellen

__________________Christine S. Bellen is a faculty member of the Department of Filipino,School of Humanities, Ateneo de Manila University and the current directorof the Ateneo Institute for Literary Arts and Pratices (AILAP). She haswritten prize-winning stories for children and authored children’s booksretelling the stories of Lola Basyang.

Lumbera, B. & Lumbera, C. N. (1997). Philippine literature: A history andanthology (rev.). Manila: Anvil Publishing Inc.

Lumbera B. (1997). Revaluation 1997. Manila: UST Publishing House.Reyes, S. (ed.). (2001). Tellers of tales, singers of songs: Selected critical essays.

Manila: De La Salle University Press.Rosenberg, D. (1997). Folklore (myths and legends): A world perspective. NTC

Publishing Group.Samson, L. (1981). Kahirapan at ideolohiya sa panitikang popular. Diwa:

Dyornal sa Sikolohiya, Agham, Kultura at Lipunan, 10(1-4).Smith, L. (1953). The unreluctant years: A critical approach to children’s literature.

Chicago: American Library Association.

ISSUE 11 media and folklore v6.pmd 3/7/2011, 5:58 PM74

Page 23: Magkukuwento na si Lola: Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ...plaridelbucket.s3.amazonaws.com/articles/feb_2009_v6n1_03bellen... · nang sikapin niyang mapalitan ng sarsuwela ang mga

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������