10
Liksyon 9 para sa ika-30 ng Nobyembre, 2019

Liksyon 9 para sa ika-30 ng Nobyembre, 2019 ang mapagmahal na pag-iingat ng Panginoon, ng maingat na pag-aalala ng Mabuting Pastol. Ang wika ng puso ay hindi makasarili na nagrereklamo

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Liksyon 9 para sa ika-30 ng Nobyembre, 2019 ang mapagmahal na pag-iingat ng Panginoon, ng maingat na pag-aalala ng Mabuting Pastol. Ang wika ng puso ay hindi makasarili na nagrereklamo

Liksyon 9 para sa ika-30 ng Nobyembre, 2019

Page 2: Liksyon 9 para sa ika-30 ng Nobyembre, 2019 ang mapagmahal na pag-iingat ng Panginoon, ng maingat na pag-aalala ng Mabuting Pastol. Ang wika ng puso ay hindi makasarili na nagrereklamo

Banal na mga gamit (Ezra 1:9-11)

Mga nakabalik sa bayan (Ezra 2:1; Nehemias 7:5-7)

Mga naiwan: mga Levita (Ezra 8:1-20)

Mga taga Jerusalem (Nehemias 11:1-24)

Mga myembro ng pulutong (Nehemias 12)

Nakaranas ng mga pagsubok at pagdurusa ang bayan ng Israel sa pagbalik nila sa Babilonia.

Hindi madali ang pagbalik sa Lupang Pangako. Gayunpaman, lagi silang iniingatan at pinapalakas ng Dios.

Ang mga aklat ng Ezra at Nehemias ay nagpapakita na ang Dios ang may hawak sa kasaysayan. Inaalala Niya rin ang bawat isa sa atin at bawat detalye ng ating buhay.

Page 3: Liksyon 9 para sa ika-30 ng Nobyembre, 2019 ang mapagmahal na pag-iingat ng Panginoon, ng maingat na pag-aalala ng Mabuting Pastol. Ang wika ng puso ay hindi makasarili na nagrereklamo

SInabi ng Daniel 1:2 kinuha ni Nabucodonosor ang mga gamit sa templo at inilagay iyon sa templo ng kanyang diosdiosan.

Nilista ni Ezra ang 2,499 na gamit sa 5,400 na naibalik sa Templo sa Jerusalem.

Iningatan ng Dios lahat ng gamit, at walang naiwan sa Babilonia. Kontrolado Niya ang kasaysayan at inaasikaso Niya ang bawat detalye.

Pinarusahan si Belshazar dahil sa pagtangkang gamitin ang mga banal na gamit sa pangkaraniwan. Ayaw niyang tanggapin ang kabanalan ng Dios.

Page 4: Liksyon 9 para sa ika-30 ng Nobyembre, 2019 ang mapagmahal na pag-iingat ng Panginoon, ng maingat na pag-aalala ng Mabuting Pastol. Ang wika ng puso ay hindi makasarili na nagrereklamo

“Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu.” (Ezra 2:64)

Karamihan sa mga Judio ay nagtatala ng kanilang mga nagkan. Hindi nila nawala ang kanilang pagkakakilanlan kahit sa pagkabihag. Alam nila ang kanilang tribu at pamilya.

Alam ng Dios ang bawat isa at pamilya, pati ang kanilang gawain. Ito ay makikita sa listahan ng mga pangalan ni Ezra.

Kahit iyong mga hindi alam ang kanilang angkan (mahigit 10,000 Judio) ay naitala din sa listahan ng mga nakabalik.

Bawat isa sa atin ay may natatanging bahagi sa gawain ng Dios.

Page 5: Liksyon 9 para sa ika-30 ng Nobyembre, 2019 ang mapagmahal na pag-iingat ng Panginoon, ng maingat na pag-aalala ng Mabuting Pastol. Ang wika ng puso ay hindi makasarili na nagrereklamo

Marami ang ayaw umalis kung saan sila ipinanganak sa kabila ng nakakapagtakang katuparan ng hula sa Deuteronomio 30:1-6.

Gayunpaman, naganyak ang ilan sa panawagan ni Ezra upang bumalik sa Juda at samahan ang mga tao doon na bumalik 80 taon na ang nakakaraan.

Nagtaka si Ezra nang walang mga Levita sa listahan ng mga aalis (Ezra 8:15).

Page 6: Liksyon 9 para sa ika-30 ng Nobyembre, 2019 ang mapagmahal na pag-iingat ng Panginoon, ng maingat na pag-aalala ng Mabuting Pastol. Ang wika ng puso ay hindi makasarili na nagrereklamo

Mahalaga ang mga Levita. Kailangan nilang tulungan ang mga pari upang matupad ang espiritwal na pagpapasigla ni Ezra. Kaya, nanawagan sa ikalawang pagkakataon upang himukin ang mga Levitang pumunta sa Jerusalem.

Nagpadala ng mga mensahero si Ezra sa Casipia upang makipag-usap sa mga Levita. Nagpadala si Iddo ng 38 Levita at 220 mga lingkod sa templo (v. 17-20).

Nagtipon sila, nag-ayuno at nagpakumbaba sa harapan ng Dios. Ipinangako ng Dios na babalik sila sa kanilang tinubuang-bayan, kaya hiniling nila ang Kanyang proteksyon papunta doon.

Kinilala nilang sa Dios lang sila umaasa.

Page 7: Liksyon 9 para sa ika-30 ng Nobyembre, 2019 ang mapagmahal na pag-iingat ng Panginoon, ng maingat na pag-aalala ng Mabuting Pastol. Ang wika ng puso ay hindi makasarili na nagrereklamo

“Kung mayroon tayong iisang isip ng

Dios, ang sarili nating kalooban ay

masasakop ng kalooban ng Dios at

susunod tayo saan man manguna ang

Dios. Gaya ng mapagmahal na anak na

humakawak sa kamay ng kanyang ama,

at lumalakad kasama niyang may

sakdal na tiwala madilim man o

maliwanag, ay gayon din ang mga anak

ng Dios ay dapat lumakad kasama si

Jesus sa ligaya o dalamhati.”

E.G.W. (That I May Know Him, September 1)

Page 8: Liksyon 9 para sa ika-30 ng Nobyembre, 2019 ang mapagmahal na pag-iingat ng Panginoon, ng maingat na pag-aalala ng Mabuting Pastol. Ang wika ng puso ay hindi makasarili na nagrereklamo

Naitayo na muli ang pader ng Jerusalem. At dapat bumalik na sa karaniwan ang buhay. Bawat tao ay makakabalik na sa kanilang tahanan.

Karamihan sa mga tao ay nakatira sa mga nayon sa palibot ng Juda.

Iilan lang ang mga gustong mag-iwan ng mga lupa ng kanilang ninuno at lumipat sa Jerusalem (Nehemias 11:2).

Iyon ay malaking sakripisyo, ngunit kailangang magkaroon ulit ng mga tao ang Jerusalem, at ang manatili ang paglilingkod sa Templo.

Page 9: Liksyon 9 para sa ika-30 ng Nobyembre, 2019 ang mapagmahal na pag-iingat ng Panginoon, ng maingat na pag-aalala ng Mabuting Pastol. Ang wika ng puso ay hindi makasarili na nagrereklamo

“Sa gayo'y nagsitayo ang dalawang pulutong nila na nangagpasalamat sa bahay ng Dios, at ako, at ang

kalahati sa mga pinuno na kasama ko.” (Nehemias 12:40)

Tinulungan sila ng Dios na maitayong muli ang pader. Ngayon, kailangan nila itong italaga at pasalamatan ng hayagan ang Dios dahil sa Kanyang tulong.

Nagtala si Nehemias ng mga pari at Levita, at, nagtalaga siya ng mga mang-aawit sa dalawang pulutong na magtatalaga sa pader. Sa pader, pinangunahan ni Ezra ang isang pulutong

at si Nehemias naman sa isa. Bawat pulutong ay pumunta sa magkaibang bahagi ng syudad at nagkita sa Templo.

Nagpuri ang lahat ng tao sa Dios. Ang kanyang pagsasaya ay narinig sa malayo (Nehemias 12:43).

Page 10: Liksyon 9 para sa ika-30 ng Nobyembre, 2019 ang mapagmahal na pag-iingat ng Panginoon, ng maingat na pag-aalala ng Mabuting Pastol. Ang wika ng puso ay hindi makasarili na nagrereklamo

“Kung may malalim tayong

pagkilala sa awa at kabutihan ng

Dios, pupurihin natin Siya, sa halip

na magreklamo. Pag-uusapan natin

ang mapagmahal na pag-iingat ng

Panginoon, ng maingat na pag-

aalala ng Mabuting Pastol. Ang

wika ng puso ay hindi makasarili

na nagrereklamo at dumadaing.

Pagpuri, gaya ng Dalisay, umaagos

na batis, ang darating mula sa mga

tunay na mananampalataya ng

Dios.”

E.G.W. (Sons and Daughters of God, July 10)