2
Panahon Pangyayari Iba Pang Detalye 1935 Si Pangulong Manuel Luis M. Quezon ay sumang-ayon sa panukala ng pangkat nina Lope K. Santos na ibatay ang wikang pambansa sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Bago mangyari ang gayon, may mga anekdotang nasulat na diumano'y ikinalulungkot nang labis ni Quezon na siya'y hindi makaintindi ng ibang wika ng Pilipinas gayong siya ay Pilipino at pangulo pa naman ng bansa. Ito marahil ang labis na nagbunsod sa kanya upang mamuno sa pagkakaroon ng iisang wikang pambansa. (Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV) Nobyembre 13, 1937 Pinagtibay ng Unang Pambansang Asambleya ang isang batas na "lumilikha sa isang surian ng Wikang Pambansa upang magsagawa ng isang pag-aaral at sarbey ng bawat umiiral na wikaing katutubo, na may layuning pumili mula sa mga ito ng gagamitin bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas. Hinirang ni Pangulong Quezon ang sumusunod upang bumuo sa Surian ng wikang pambansa: Jaime C. De Veyra - tagapangulo Santiago A. Fonacier - kagawad Filemon Sotto- Kagawad Casimero Perfecto- Kagawad Felix S. Sales Rodriguez- Kagawad Hadji Butu- Kagawad Cecilio Lopez- Kagawad at Kalihim Disyembre 31, 1937 Inihayag ng Pangulong Quezon ang isang wikang batay sa Tagalog bilang Pambansang Wika ng Pilipinas. Hulyo 4, 1946 Mababasa sa Batas Komonwelt Blg. 570, ang paggamit ng Pambansang Wika bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas sa mga tanggapan ng pamahalaan. Humalili si Jose Villa Panganiban bilang Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa. Marso 26, 1954 Sa panahon ng Pangulong Ramon Magsaysay, sa bisa ng kanyang proklamasyon Blg. 12, Unang Pinagdiwang ang Buwan ng Wika noong Marso 29 hanggang Abril 4 na ang pinaka tampok na petsa ay ang kapanakan ng Dakilang Makatang Francisco Balagtas. Septyembre 23, 1955 Binago ang petsa ng Linggo ng Wika Sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186, inilipat niya ang pagdiriwang sa Agosto 13-19 na ang tampok namang petsa ay Agosto 19 na kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa. 1956 Nilagdaan naman ni Gregorio Hernandez, Direktor ng mga Paaralang Bayan, ang Sirkular BLG. 21 na nag-uutos na ituro at awitin sa mga paaralan ang Lupang Hinirang. Agosto 13, 1959 Nagkaroon ng konretong pangalan ang wikang pambansa matapos ang 24 na taon. Tinawag itong Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ni Jose E. Romero. Pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Naitakda ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 at Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 Enero 15, 1973 Naitatag ang Kautusang Panglahat Blg. 17 at Atas ng Pangulo Blg. 73 Nautos na limbagin ang Konstitusyon sa mga Wikang Pilipino at Ingles bago idaos ang plebisito sa ratipikasyon nito. 1974-1975 Naitatag ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura. 1979-1980 Sa panahon ng Parliamentrayong Gobyerno sa

Ebolusyon ng Wikang Pilipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

dated evolution of the Philippine Language

Citation preview

Page 1: Ebolusyon ng Wikang Pilipino

Panahon Pangyayari Iba Pang Detalye

1935

Si Pangulong Manuel Luis M. Quezon ay sumang-ayon sa panukala ng pangkat nina

Lope K. Santos na ibatay ang wikang pambansa sa isa sa mga umiiral na wikang

katutubo.

Bago mangyari ang gayon, may mga anekdotang nasulat na diumano'y ikinalulungkot nang labis ni Quezon na siya'y hindi makaintindi ng ibang wika ng Pilipinas gayong siya ay

Pilipino at pangulo pa naman ng bansa. Ito marahil ang labis na nagbunsod sa kanya upang mamuno sa

pagkakaroon ng iisang wikang pambansa. (Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV)

Nobyembre 13, 1937

Pinagtibay ng Unang Pambansang Asambleya ang isang batas na "lumilikha sa

isang surian ng Wikang Pambansa upang magsagawa ng isang pag-aaral at sarbey ng bawat umiiral na wikaing katutubo, na may

layuning pumili mula sa mga ito ng gagamitin bilang batayan ng pambansang

wika ng Pilipinas.

Hinirang ni Pangulong Quezon ang sumusunod upang bumuo sa Surian ng wikang pambansa:

Jaime C. De Veyra - tagapanguloSantiago A. Fonacier - kagawad

Filemon Sotto- KagawadCasimero Perfecto- Kagawad

Felix S. Sales Rodriguez- KagawadHadji Butu- Kagawad

Cecilio Lopez- Kagawad at Kalihim

Disyembre 31, 1937Inihayag ng Pangulong Quezon ang isang

wikang batay sa Tagalog bilang Pambansang Wika ng Pilipinas.

Hulyo 4, 1946Mababasa sa Batas Komonwelt Blg. 570,

ang paggamit ng Pambansang Wika bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas sa

mga tanggapan ng pamahalaan.

Humalili si Jose Villa Panganiban bilang Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa.

Marso 26, 1954Sa panahon ng Pangulong Ramon

Magsaysay, sa bisa ng kanyang proklamasyon Blg. 12, Unang Pinagdiwang

ang Buwan ng Wika noong Marso 29 hanggang Abril 4 na ang pinaka tampok na

petsa ay ang kapanakan ng Dakilang Makatang Francisco Balagtas.

Septyembre 23, 1955Binago ang petsa ng Linggo ng Wika Sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186, inilipat niya

ang pagdiriwang sa Agosto 13-19 na ang tampok namang petsa ay Agosto 19 na kaarawan ng Ama ng Wikang

Pambansa.

1956Nilagdaan naman ni Gregorio Hernandez,

Direktor ng mga Paaralang Bayan, ang Sirkular BLG. 21 na nag-uutos na ituro at

awitin sa mga paaralan ang Lupang Hinirang.

Agosto 13, 1959Nagkaroon ng konretong pangalan ang

wikang pambansa matapos ang 24 na taon. Tinawag itong Pilipino sa bisa ng Kautusang

Pangkagawaran Blg. 7 ni Jose E. Romero.

Pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos

Naitakda ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 at Kautusang Tagapagpaganap Blg.

304

Enero 15, 1973Naitatag ang Kautusang Panglahat Blg. 17

at Atas ng Pangulo Blg. 73Nautos na limbagin ang Konstitusyon sa mga Wikang

Pilipino at Ingles bago idaos ang plebisito sa ratipikasyon nito.

1974-1975Naitatag ang Kautusang Pangkagawaran

Blg. 25Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng

Edukasyon at Kultura.

1979-1980Sa panahon ng Parliamentrayong Gobyerno sa panahon parin ni Marcos ay lagdaan ng

Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang kautusang Pangministri Blg. 22 na naguutos na isama ang Pilipino sa lahat

ng kurikulum pandalubhasaan.

1987Tiniyak ng Konstitusyon ng 1987 ang

kasalukuyang ngalan ng pambansang wika ng Pilipinas, ang Filipino.

Nagpalabas noong Mayo 21 ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 si Kalihim Lourdes R. Quisimbing ng Kagawaran ng

Edukasyon, Kultura at Isports na mas kilala sa Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987.

Mayo 13, 1992Unang inilahad ng KWF ang batayang

deskripsyon ng Filipino sa kanilang Resolusyon Blg, 92-1

Agosto 28, 1996 Sinusugan ang batayang deskripsyon ng Filipino

Marso 19, 1990 Kapapasok pa lamang ng dekada '90, nilagdaan ni Kalihim Isidro Carino ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at

Isports ang isang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagsasaaf na gamitin ang Filipino sa Panunumpa ng katapatan sa Konstitusyon at sa bayan.

Page 2: Ebolusyon ng Wikang Pilipino

Agosto 14, 1991 Pinagtibay ni Pangulong Aquino ang Batas Republika Blg. 7104 na "Lumilikha ng

Komisyon sa Wikang Filipino, nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin

at mga gawain, naglalan ng gugulin ukol dito, at para sa iba pang mga layunin."

Hunyo 12 1996 Hindi Malilimot ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 343 ni Pangulong

Ramos na nagpapatibay sa "Panunumpa ng Katapatan sa Watawat" bilang opisyal na

panata ng katapatan para sa lahat ng Pilipino.

Hulyo 15 1997 Naitala ang isa sa mga mahalagang bahagi ng kasaysayan ng wikang pambansa, ang

Proklamasyon Blg. 1041.

Sa halip na isang linggong pagdiriwang lamang, intinakda niyang ang uong buwan ng Agosto ay tanghaling buwan

ng wikang pambansa.Oktubre 11, 1999 SA maikling panunungkulan naman ni

Pangulong Joseph Ejercito Estrada naibalik nya ang KWF sa ilalim ng pamamahalang

pampangasiwaan ng Tanggapan ng Pangulo sa bisa ng kanyang Kautusang

Tagapagpaganap Blg. 158