Click here to load reader
View
7
Download
0
Embed Size (px)
ANG BANAL NA KURAN
Sa pagsasalin ni
ABDUL RAKMAN H. BRUCE
http://quranphil.com/ http://quranphil.com/ http://quranphil.com/
Copyright 1982
By
ABDUL RAKMAN H. BRUCE
2 nd
Edition January 2012
http://quranphil.com/ http://quranphil.com/
PAMBUNGAD
Mahirap mapagtakipang ang Banal na Kuran sa Wikang Arabika o Wikang Ingles o alinmang
isinalin sa wikang banyaga ay mahirap maunawaan ng karamihan sa karaniwang Pilipinong Muslim sa
Mindanao o sinumang Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas dahil sa paggamit ng malalim at
matalinghagang mga salita sa pagsasalin ng Banal na Kuran sa ibang wikang banyaga o sa Wikang
Arabikang nangangailangan ng marubdob na pagsusuri bago ito lubusang maunawaan. Ito rin marahil
ang dahilan kung bakit may ilang napapalayong Pilipinong Muslim sa Mindanao sa alituntunin ng
tunay na Muslim ayon sa Banal na Kuran.
Bilang isang Muslim, ang pagsasalin ng Banal na Kuran sa Wikang Pilipino ay aking
pinaghirapang ginawa upang ang sinumang karaniwang Pilipinong may pagkakaunawa ng kanyang
sariling Wikang Pambansa ay makabatid ng alituntunin ng isang tunay na Muslim na napapaloob sa
Banal na Kuran.
Ang Nagsalin
ABDUL RAKMAN H. BRUCE
CAPTAIN PN (Ret)
http://quranphil.com/ http://quranphil.com/ http://quranphil.com/ http://quranphil.com/ http://quranphil.com/ http://quranphil.com/
TALAAN NG NILALAMAN
SURA PAMAGAT PAHINA
I Ang Pasimula 1
II Ang Baka 1
III Ang Mag-Anak ni Imran 31
IV Ang Mga Kababaihan 49
V Ang Mantel 68
VI Bakahan 81
VII Ang Kataasan 97
VIII Mga Samsam Sa Labanan 115
IX Pagsisisi 122
X Hona 135
XI Hud 144
XII Hosep 155
XIII Ang Kulog 164
XIV Abraham 169
XV Ang Mabatong Lupain 173
XVI Ang Bubuyog 179
XVII Ang Mga Anak Ni Israel 190
XVIII Ang Yungib 199
XIX Maria 208
XX Ta Ha 215
XXI Ang Mga Propeta 224
XXII Ang Pilgrimahe 232
XXIII Ang Mga Naniniwala 238
XXIV Liwanag 246
XXV Ang Batayan (Ng Wasto at Mali) 252
XXVI Ang Mga Makata 258
XXVII Ang Langgam 269
XXVIII Ang Kasaysayan 276
XXIX Ang Gagamba 284
XXX Ang Mga Romano 290
XXXI Lukman 294
XXXII Ang Pagdapang Nakatungo 297
XXXIII Ang Mga Lipi 300
TALAAN NG NILALAMAN
SURA PAMAGAT PAHINA
XXXIV Siyeba 307
XXXV Ang Mga Anghel 311
XXXVI Ya Sin 316
XXXVII Ang Mga Yaong Nagtakda Ng Mga Tungkulin 321
XXXVIII Sad 330
XXXIX Ang Mga Pangkat 335
XL Ang Naniniwala 342
XLI Sila Ay Ipinaliwanag 349
XLII Tagapayo 353
XLIII Mga Gintong Palamuti 358
XLIV Usok 364
XLV Tumutungo 367
XLVI Ang Nililok Ng Hanging Mga Bulubunduking Buhangin 370
XLVII Muhamad 373
XLVIII Pagwawagi 376
XLIX Ang Mga Pansariling Silid 379
L Kap 381
LI Ang Pumapagaspas Na Mga Hangin 384
LII Ang Bundok 387
LIII Ang Bituin 390
LIV Ang Buwan 393
LV Ang Mapagbigay 396
LVI Ang Pangyayari 400
LVII Bakal 405
LVIII Siyang (Babaeng) Nakipagtalo 408
LIX Pagpapatapon Sa Malayong Lupain 410
LX Siyang (Babaeng) Susubukan 413
LXI Ang Mga Katungkulan 414
LXII Ang Pagtitipon 416
LXIII Ang Mga Mapagpanggap 417
LXIV Gantihang Walang Pagkamalikmata 418
LXV Paghiwalay Sa Asawa 419
TALAAN NG NILALAMAN
SURA PAMAGAT PAHINA
LXVI Pagbabawal 421
LXVII Ang Nasasakupan 422
LXVIII Ang Pluma 424
LXIX Ang Katunayan 427
LXX Ang Paakyat Na Mga Hagdanan 430
LXXI Noa 432
LXXII Ang Diwang Makalupa 434
LXXIII Ang Isang Binalot 436
LXXIV Ang Isang Nakakapa 437
LXXV Ang Pagkabuhay 440
LXXVI “Panahon” O “Tao” 442
LXXVII Ang Mga Tagahatid 444
LXXVIII Ang Mga Pambugad 446
LXXIX Ang Mga Yaong Humila Sa Pangmasid 448
LXXX “Siya Ay Sumimangot” 451
LXXXI Ang Pagbabagsak 453
LXXXII Ang Paghahati 454
LXXXIII Pandaraya 455
LXXXIV Ang Paghihiwalay 457
LXXXV Ang Mga Malalaking Tahanan Ng Mga Bituin 458
LXXXVI Ang Pang-umagang Bituin 459
LXXXVII Ang Pinakamataas 460
LXXXVIII Ang Nakapangyayari 461
LXXXIX Ang Bukang Liwayway 462
XC Ang Lungsod 464
XCI Ang Araw 465
XCII Ang Gabi 466
XCIII Ang Umagang Mga Oras 467
XCIV Pagkaaliw Sa Kapighatian 467
XCV Ang (Punongkahoy Na) Pig 468
XCVI Ang Namumuong Bunton 468
XCVII Kapangyarihan 469
XCVIII Ang Maliwanag Na Katibayan 470
TALAAN NG NILALAMAN
SURA PAMAGAT PAHINA
XCIX Ang Lindol 470
C Ang Mga Nagpapatungo 471
CI Ang Sakuna 471
CII Pag-aaway Sa Makadaigdig Na Pagdami 472
CIII Ang Pababang Araw 472
CIV Ang Naninira Ng Puri 473
CV Ang Elepante 473
CVI “Taglamig” o “Kurais” 474
CVII Maliit Na Mga Kabaitan 474
CVIII Kasaganaan 474
CIX Ang Mga Hindi Naniniwala 475
CX Saklolo 475
CXI Hibla Ng Palma 475
CXII Ang Pag-iisa 476
CXIII Ang Pagkabasag Ng Araw 476
CXIV Sangkatauhan 476
1
SURA I
ANG PASIMULA
(Isiniwalat sa Meka)
Sa pangalan ni Allah, ang Mapagbigay,
ang Maawain.
1. Ang papuri ay maging kay Allah,
Panginoon ng mga Daigdig.
2. Ang Mapagbigay, ang Maawain.
3. May-ari ng Araw ng Paghuhukom.
4. lkaw (lamang) ang aming sinasamba;
lkaw (lamang) ang hinihingan namin ng
tulong.
5. lpakita sa amin ang tuwid na landas;
6. Ang landas ng mga yaong Iyong
tinangkilik;
7. Hindi (ang landas) ng mga yaong
kumita ng Iyong galit o ng mga yaong
pumunta sa pagkaligaw.
SURA II
ANG BAKA
(Isiniwalat sa Al-Madina)
Sa pangalan ni Allah, ang Mapagbigay,
ang Maawain.
1. Alip. Lam. Mim.
2. Ito ay ang Kasulatang doon ay walang
pag-aalinlangan, isang batayan sa mga
nagtatakwil (sa masama).
3. Na naniniwala sa hindi nakikita at
nagtaguyod ng pagsamba, at gumugol niyang
Aming ipinagkaloob sa kanila;
4. At naniniwala diyan sa isiniwalat sa iyo
(Muhamad) at diyan sa isiniwalat bago sa iyo,
at tiyak sa Kabilangbuhay.
5. Ang mga ito ay umaasa sa batayan
galing sa kanilang Panginoon. Sila ay ang
matagumpay.
6. Para sa mga hindi naniniwala, balaan
mo man sila o hindi mo sila balaan itong lahat
ay isa para sa kanila; sila ay hindi naniniwala.
7. Tinakipan ni Allah ang kanilang
pandinig at ang kanilang mga puso, at sa
kanilang mga mata ay may isang takip. Ang
kanila ay magiging isang nakahihindik na
wakas.
8. At sa Sangkatauhan ay ilang nagsabi:
Kami ay naniniwala kay Allah at sa Huling
Araw, samantalang sila ay hindi naniniwala.
2
9. Sila ay nag-isip na gumanyak kay Allah
at sa mga yaong naniniwala, at sila ay
gumanyak sa wala maliban sa kanilang mga
sarili; nguni't hindi sila nakatanto.
10. Sa kanilang mga puso ay isang sakit,
at pinarami ni Allah ang kanilang sakit. Isang
masakit na wakas ang kanila sapagka't sila
ay nagsinungaling.
11. At nang sinabi sa kanila: Huwag
gumawa ng kasamaan sa lupa, sila ay
nagsabi: Kami ay mga tagapamayapa
lamang.
12. Hindi ba sila talaga ay ang mga
gumagawa ng kasamaan? Nguni't hindi sila
makatanto.
13. At nang sinabi sa kanila: ManiwaIa
tulad sa paniniwala ng mga tao, sabi nila:
Kami ba ay maniniwala tulad sa paniniwala
ng walang isip? Hindi kaya silang talaga ay
ang walang isip? Nguni't hindi nila alam.
14. At nang sila ay humanay kasama ang
mga yaong naniniwala, sila ay nagsabi: Kami
ay naniniwala; nguni't nang sila ay
pumuntang magkahiwalay patungo sa
kanilang mga demonyo sila ay nag