57
EMILIO DIZON JACINTO ni Edberto M. Villegas, PhD Pangkalahatang Kalihim at Ministro ng Estado ng Katipunan(KKK) na itinuring ni Gat Andres Bonficaio na “kaluluwa” o utak ng samahang ito. Natalaga na Pangkalahatang Heneral ng Hukbo ng Hilaga ng Katipunan dahil sa kagalingan niya sa larangan militar sa pagsiklab ng himagsikan laban sa kolonyalistang Kastila. Patnugot ng “Kalayaan”, pahayagan ng Katipunan, at siyang may-akda ng “Kartilya” na naging katibayan ng pagsapi at basehan ng tamang asal at paguugali ng mga myembro ng organisasyong ito. Tinawag na Henyo ng Himagsikan ng mga Pilipino noong siglo isang libo at siyam na raan. _____________________ Ang buhay in Emilio Jacinto ay napakaiksi (1875- 1899), ngunit puno ng mga mahahalagang nagawa niya para sa kasaysayan ng Pilipinas dahil sa buong-puso paghahandog ng lahat ng kanyang kagalingan at mismong buhay para sa lupang tinubuan. Kabataan

· Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

  • Upload
    lehanh

  • View
    413

  • Download
    29

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

EMILIO DIZON JACINTO

ni Edberto M. Villegas, PhD

Pangkalahatang Kalihim at Ministro ng Estado ng Katipunan(KKK) na itinuring ni Gat Andres Bonficaio na “kaluluwa” o utak ng samahang ito.

Natalaga na Pangkalahatang Heneral ng Hukbo ng Hilaga ng Katipunan dahil sa kagalingan niya sa larangan militar sa pagsiklab ng himagsikan laban sa kolonyalistang Kastila.

Patnugot ng “Kalayaan”, pahayagan ng Katipunan, at siyang may-akda ng “Kartilya” na naging katibayan ng pagsapi at basehan ng tamang asal at paguugali ng mga myembro ng organisasyong ito.

Tinawag na Henyo ng Himagsikan ng mga Pilipino noong siglo isang libo at siyam na raan.

_____________________

Ang buhay in Emilio Jacinto ay napakaiksi (1875-1899), ngunit puno ng mga mahahalagang nagawa niya para sa kasaysayan ng Pilipinas dahil sa buong-puso paghahandog ng lahat ng kanyang kagalingan at mismong buhay para sa lupang tinubuan.

Kabataan

Si Emilio Jacinto ay ipinanganak noong ika-15 ng Disiyembre, 1875 sa Troso, Tondo, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Mariano Jacinto, isang “tenedor de libros”(taga-alaga ng mga aklat o “bookeeper’) ng isang establisimiento komersyo at ang nanay niya ay si Josefa Dizon (kilala din bilang Nora Pangoy), isang magaling na hilot. Nagtratrabaho din ang nanay niya sa isang pabrika ng sigarilyo “La Insular Cigar” sa Plaza Calderon de la Barca sa Binondo.

Namatay ang tatay niya noong bata pa siya, kaya nagkahirap-hirap ang kalagayan ng pamilya niya. Para dagdagan ang kita ng nanay ni Emilio, ginawa ang

Page 2: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

isang bahagi ng bahay nila bilang pagawaan ng tabako pangngatngat. Sa kadukhaan ng pamilya , di makapagpagupit si Emilio at ang mga damit niya ay mga hiningi sa mga kamag-anak o kabayaran kaya sa ina niya bilang hilot. Minsan bumibili din sila ng mga naremateng damit sa mga sanlaan o Casa de Agencia. Dahil sa kanilang lubos na pananalat sa kabuhayan ay kumukuha na lamang ng basahang itim ang nanay niya at matapos pirasuhin ito ay siyang ginagawang sintas ng sapatos ni Emilio. Tinatahi din ng nanay niya ang mga ito bilang panali ng kanyang suot habang pumapasok siya sa eskuwelahan. Si Emilio ay napakalapit sa kanyang ina at inalay ang isang tula niya dito na pinamagat “A Mi Madre”. Ngunit, di mapigilan ni Josefa ang anak niya nang ito ay sumanib sa rebolusyon bagaman ito ay labag sa kanyang kalooban sapagkat si Emilio ay kaisa-isang anak na lalaki ng mga Jacinto.

Pinamalas ng batang Emilio ang kanyang marubdob na kalapitan ng damdamin sa mga mahihirap at inaapi sa isang insidente. Noong may prosesyon sa piyesta sa Troso, may isang matanda na lumapit sa mga nagdadala ng imahe ng mga santo upang manood ng malapitan, ngunit ito ay ipinagtutulak ng mga cazadores ( gwardya sibil) at tumulong pa ang Kastilang tenyente ng mga gwardya. Nang makita ni Emilio ito, ay dinulungan niya ang matanda at tinulak ang tenyente. Dito pinagtulongtulungan bugbugin ng mga cazadores si Emilio at bumagsak ito sa isang kanal, nagkaputik-putik, namaga ang muhka at nagdurugo ang nguso. Dinala pa ang batang Emilio sa kwartel ng mga Kastila, ngunit pinalaya din noong gabing iyon at dinulungan ng ina sa bahay.

Edukasyon

Dahil sa kasalatan, ipinaubaya na lamang ni Josefa ang pagpaaral sa kanyang anak sa kanyang kapatid na si Jose Dizon. (Si Jose Dizon ay isa sa nagtatag ng KKK at isa sa mga naunang naaresto pagsiklab ng higmasikaan noong 1896 at binaril ng mga Kastila sa Bagumbayan.) Nakuhang pag-aralin ng kanyang tiyo si Emilio sa pribadong paaralan ng hais-iskul ni Pascual Ferrer sa Troso. Dahil sa itsura niya na di nagpapagupit at tali-tali ang mga kasuotan, ay laging tinutusok siya ng kanyang mga kamag-aral. Noong pumasok si Emilio sa San Juan de Letran, sa tulong din ng kanyang tiyo, lalong umigting ang pagaalipusta sa kanya ng mga kamag-aral lalo na ng mga mayayamang Kastila. Si Emilio ay kilalang matalinong estudyante, na naging poborita na ilang guro niya, tahimik, seryoso, ngunit

Page 3: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

naghahamon ng suntukan kung minamaltrato. Nagamit ni Emilio ang kalapitan niya sa isang propesor sa Letran, noong kasapi na siya ng Katipunan nang humingi siya ng mga rekomendasyon dito para ipasok ang ilang myembro ng KKK sa mga ahensiya ng gobyerno upang magmanman dito. Nang makatapos si Emilio sa Letran ng Bachelora de Artes, nilipat siya ng tiyo Jose niya sa Unibersidad de Santo Tomas(UST) upang kumuha ng abogasiya. Dito nabasa niya ang mga akda ng mga propagandista kagaya nina Marcelo H. del Pilar at Jose Rizal.

Noong anim na taon pa lamang si Emilio, ipinakita na niya ang kanyang katalinuhan at nakakasalita na siya na tinatawag na kastilang tindahan o “lenguaje de tienda”, ang kinaugaliang gamitin ng mga naninirahan sa Maynila. At noong nagaral siya sa Letran, naging napakahusay siyang mag-kastila, ngunit mahina pa sa pagwika sa Tagalog na napino niya nang naging kasapi na siya ng Katipunan. Ipinagbabawal kasi ng Katipunan ang pagamit ng wikang Kastila sa mga pulong nito at iba pang aktibidades at sinumang lalabag dito ay minumultahan ng 16 na kwalta, katumbas ng diyes sentimos. Kaya mabilis napagaling ni Emilio ang pagsulat at pagwika sa Tagalog, na hinahangaan ni Gat Andres Bonifacio na nagsabi na naging mas mahusay pa si Emilio kaysa sa kanya sa pagamit ng wikang ito. Kaya yung sinulat ni Gat Andres na mga alintutunin para sa mga asal at gawi ng mga Katipunero ay minarapat niyang palitan ng Kartilya na si Emilio ang may akda. Mahilig magbasa si Emilio, lalo na tungkol sa mga kasaysayan ng mga bansa. Ang mga paborito niyang aklat ay ang “La Historia de la Revolucion Francesa” at “Los Misterios de la Inquisition” at iba pang libro tungkol sa mga himagsikan. Ang kahiligan ni Jacinto sa pagbabasa at ang paniwala niya na kailangan magagap ang katotohanan sa pag-aaral ng kasaysayan ay makikita sa pagmungkahi niya noong Pangkalahatang Kalihim na siya ng KKK na magtayo ng isang aklatan-bayan sa loob ng samahan. Ayun sa kanya, popondahan ito ng kilusan at ipagagamit ang mga sariling koleksyon na mga libro ng mga kasapi ng KKK para dito.

Ang Pagsanib sa Katipunan

Sa pamamagitan ng kanyang pinsan-buo na si Marina Dizon, anak ni Jose Dizon, ay nakilala niya si Gat Andres sa Carlos Fressel and Co., isang Aleman na kumpanya na nagtitinda ng mga semento at baldosa, na ang bodega ay nasa daungan ng Manila Bay. Si Gat Andres ay isang bodegero doon at kung si Emilio ay naging manggagawa din sa kumpanyang ito ay di pa tiyak. Si Marina Dizon ay

Page 4: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

isang kasapi na ng seksyon ng kababaihan sa Katipunan na ang kabuoang myembro na babae noong 1893 ay dalawampu‘t siyam. Naging matalik na kaibigan ni Emilio si Gat Anders na nakilala agad ang katalinuhan at pagkamakabayan ng una na noon ay 16 anyos lamang.

Sumanib si Emilio sa Katipunan noong Mayo, 1893, sa edad 17, kasama ang kaklase niya sa UST na si Pio Valenzuela na kumukuha ng medisina sa paaralang ito. Noong naging kasapi siya ng Katipunan, minarapat ni Emilio na maging pul-tym at iniwan ang pagaaral sa dismaya ng kanyang mahal na ina . (Si Pio Valenzuela ay ipinatuloy ang pagaaral at naging ganap na doktor na siyang kaisa-isang propesyonal sa loob ng liderato ng Katipunan.) Di kalaunan ay kinubkob din ng Katipunan ang ina ni Emilio at noong panahon ng himagsikan ay inaalagaan ito sa kanilang mga kampo.

Noong sumanib si Jacinto sa Katipunan ang kasalukuyang Supremo ay si Roman Basa na pumalit kay Deodato Arellano. Ang KKK ay pormal na itinatag noong 7 de Julyo, 1892, sa bahay ni Arellano sa kanto ng dating Azcarraga(ngayon ay Recto) at Elcano, bagaman may mga panimulang dokumento ang kasapiang ito na lumabas noong pang Enero 1892. Ang paglago ng kasapian sa ilalim nina Basa at Arellano ay mabagal, ngunit nang nahalal si Bonifacio na Supremo at si Jacinto bilang Pangkalahatang Kalihim noong ika-24 ng Disyiembre, 1894, bilis lumundag ang kasapiang ito mula sa 300 na naging 30,000(ayun kay Dr. Valenzuela) pagsiklab ng himagsikan ng 1896. Humanga si Gat Andres sa dedikasyon at sipag (“parang isang kabataan sinapitan ng ispirito”) sa trabaho sa pagoorganisa ni Jacinto at kahusayan nito sa pagsulat tungkol sa mga alintuntunin ng KKK at pangangasiwa sa organisasyon. Sa katunayan, sa nabanggit na, pinalitan ni Bonifacio ang kanyang sinulat na Dekalogo na mga alintuntunin ng KKK ng Kartilya ni Jacinto na siyang naging batayan ng gawi, asal at paraan sa pagsanib sa kilusang lihim na ito.

Sa mungkahi ni Jacinto, inaaalala ang pagkabitay sa mga pari, Gomez, Burgos at Zamora, taon-taon, noong febrero, 1894 at febrero, 1895 sa bahay ni Gat Andres. Naglagay sa sala ni Gat Andres ng isang tumbang may gayak na itim, may isang bungo at nakasulat ang pangalan ng tatlong paring binitay. Sa manukala ni Jacinto ay pinasusumpa ang bawa’t kasama na dumarating na

Page 5: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

ipaghihiganti ang kamatayan ng tatlong pari. Bumigkas si Emilio sa isang okasyong ito ng isang talumpati na ikinaluha ng maraming nakikinig.

Sa loob din ng KKK napangasawa ni Jacinto si Catalina de Jesus batay sa ritwal ng kilusang lihim na ito. Hindi kinikilala ng KKK ang kasal sa simbahan Katoliko at pati si Gat Andres ay nakipagkaisang-dibdib kay Gregoria de Jesus(Ka Oyang) sa loob ng KKK bagaman kasal na sila ni Ka Oyang, sa hiling ng pamilya ng huli, sa simbahang Katoliko. Walang masiyadong alam ang mga istoryador kay Catalina de Jesus bukod sa nagkaroon si Jacinto ng isang anak dito, ngunit namatay si Emilio nang sanggol pa ito.

Ang Sanggunihang Lihim

Dahil kalat noon ang mga espiya ng mga Kastila (ng Cuerpo de Vigilancia y Seguridad), minungkahi ni Jacinto ang pagbuo ng isang Sanggunihang Lihim na siyang maglilitis sa mga taksil at episya sa loob ng KKK. Tatlo ang naging direktor nito, si Gat Andres, Dr. Pio Valenzuela, at si Jacinto na tumatayo bilang taga-usig o piskal. Kapag nilagyan ng hugis ng isang kopa at ahas ang nililitis ay papatayin. Lima ang nahatulan ng kamatayan sa Sanggunihang Lihim. Mayroon na nangangalan Florencio Reyes, isang ahente ng mga Kastila, na naatasan barilin mismo ni Jacinto. Kinuha ni Emilio ang titik ng pagkilala o permiso (ID ngayon) ni Reyes dahil ito ay maaaring gamitin niya kung kakailanganin upang lusotan ang mga kaaway. Ito ay nangyari nga noong Febrero 1898, nang tambangan ang isang grupo ng mga Katipunero ng isang pwersa ng mga cazadores sa may kagubatan ng Maimpis, Laguna. Dalawampung Katipunero silang nangangabayo nang paputukan sila ng mga cazadores. Tinamaan si Jacinto sa paa at nahulog sa kabayo at naiwan ng mga kasama. Para maiwasan ang mga cazadores, nagpagulong-gulong si Jacinto sa may putikan ng isang ilog at nagpaanod dito hanggang dalhin siya ng tubig sa isang bayan. Doon na siya humingi ng saklolo, ngunit ang tenyente ng nayon ay dinala siya sa kwartel ng mga Kastila. Dito ipinakita ni Emilio ang titik ng pagkilala ni Reyes at sinabi siya ay nabihag ng mga Katipunero at tinamaan ng bala noong tambangan sila ng mga cazadores. Pinaniwalaan naman siya ng mga kaaway at pagkatapos ipagamot ay pinalaya na.

Upang kontrahin ang paniniktik ng mga Kastila, bumuo ng isang grupo ng mga sariling espiya ang Sanggunihang Lihim at kumuha ng mga rekomendasyon sa mga kilalang tao sina Bonifacio at Jacinto upang makapasok sa mga ahensiya ng

Page 6: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

gobyerno ang ilang kasapi ng Katipunan. Nakakuha ng ilang rekomendasyon si Jacinto sa isang dating propesor niya sa Letran (nabanggit na sa itaas) upang matanggap ang ilang Katipunero sa mga opisina ng pamahalaan ng Kastila para magmanman. Si Bonifacio naman, sa rekomendasyon ng kura parako ng Santa Cruz, ay nagawa ipasok ang Katipunerong si Julio Navarro sa servicio de informacion (secret service) mismo ng mga kaaway.

Pagpapanatili ng Disiplina at Kalinisan sa loob ng KKK

Ang Katipunan ay mahigpit na ipinapatupad ang displina at mabuting asal sa kanilang kasapian. Halimbawa, sa isang pulong ng Kataastaasang Kapisanan, (Supreme Assembly), ,Nobyiembre 30 – 1 Disiyembre, 1895, sa Caloocan kung saan si Jacinto ang nagtala ng mga pinagusapan bilang Pangalahatang Kalihim ay tinalakay kung sino-sinong myembro ng Katipunan na ititiwalag dahil sa masamang asal, paninira sa mga kasama, masasamang bisyo at kakulangan ng disiplina. Ang Kataastaasaang Kapisanan(KK) ay binubuo ng mga representante mula sa mga Sagunihang Bayan (SB )at mga balangay(by) at siyang pinakamataas na taga-pagpasiya sa KKK. Ayun kay Jacinto, ang sinomang lumabag sa kautusan ng KK ay paparusahan. Ang Mataas na Sanggunihan(MS) naman ay siyang namamahala sa mga lalawigan na may mga SB at balangay at hinahalal ng mga representante ng mga SB at by sa mga probinsiya. Samakatuwid sila ang pinakamataas na organisasyon sa mga lalawigan, ngunit napapailalim din sa KK at Kataastaasang Sangunihan(KS) (Supreme Council) o ang ehektibong organisasyon ng KKK. Si Gat Andres ay siyang nahalal na Pangulo ng KS noong 1894 na nabanggit na. May daan-daan na ng mga SB at by sa Maynila at mga probinsiya ang kumikilos noong sumiklab ang himagsikan laban sa mga Kastila.

Ang kabuoang itiniwalag sa pulong ng KK noong Nobyiembre 30, 1896, ay 46 na kasapi, ang ilan dito ay binanyagan bilang “traidor” sa ilalim ng mga letrato ng mga itiniwalag na ipapadala sa lahat na balangay at Suggunihang Bayan,(popular council) ng KKK. Kabilang sa itiniwalag ay ang dating Supremo ng Katipunan na si Roman Basa ng Balangay Nagtahan dahil sa kawalan ng disiplina na naging matamlay na sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang kasapi ng Katipunan. Si Roman Basa ay nagkakalat din ng istorya na binubulsa daw ni Gat Andres ang pondo ng KKK. Upang kontrahin ang pagiintriga ni Basa, nagpalabas ng kautusan ang KS na bawat SB at by ay kailangan magpadala ng tatlong myembro

Page 7: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

nila buwan-buwan upang busisiin ang pondo ng KS. At para maiwasan ang anumang hinala, kailangan na di pareho-parehong tao ang ipadala buwan-buwan. ( Si Roman Basa ay isa sa nabaril ng mga Kastila noong 1897.)

Lima sa mga itiniwalag noong Nobyeimbre 30, 1896, ay mga dating rin myembro ng Kataastaasang Sangunihan na sina Tomas Remigio, Teodoro Vedua, Teodoro Gonzales, Restituto Javier, at Faustino Manalac. Si Tomas Vedua ay masidhi na pinuna sa kanyang pagka-babaero at masamang asal na nakakasira sa dangal ng KKK. Ang isang itinawalag, na ang ngalan ay si Eulogio Rodriguez, ay dahil sa pagtakbo niya ng pera ng kanyang balangay, ang By Nagtahan. Mayroon isang kasapi na si Marcelo Badell na sumali sa servicio de informacion ng mga Kastila na hindi nagpaalam sa KKK na itinawalag bilang traidor na babantayan ng mga kasama at kung may masamang gagawin ay papatayin.

Sa pulong na ito ng KK na dinaluhan ng mga 40 katao, iminunkahi ni Jacinto ang pagtatayo ng Sanggunihang Lihim na natalakay natin sa itaas. Bagaman kailangan mahigpit ang pagpapairal ng tamang asal at ugali batay sa Kartilya ng Katipunan, iminungkahi din ni Jacinto na sinoman na naitiwalag na hindi naman nakagawa ng karudumal-dumal na kasalanan laban sa KKK ay maaaring magsungguni muli sa kilusan at ilalagay siya sa tatlong buwan na probasyon. Magbabayad muli siya ng butaw ng isang peso sa pagiging kasapi ng KKK.

Sa mga pulong ng KKK, nagaabuloy ng kalahating peso ang mga dumalo para sa pambayad sa kanilang pagkain sa tanghalian at hapunan(ang mga pulong ay kalimitan ay tumatagal hanggang kinabukasan) at para mabigyan din ng kaunting tulong ang nagpagamit ng bahay para sa pulong. Lagi may nakatalagang bantay sa labas upang agad bigyan ng babala ang mga kasama kung may kaaway na dumarating. Halimbawa, sa pulong na nabanggit, dahil 30 ng Nobyiembre, kung may kaaway na gagambalin ang pulong, sasabihin ng mga nagsidalo na pinagdidiwang nila ang kaaarawan ni Gat Andres na totoo naman na sa petsang ito naganap. At kung hindi maniwala ang mga kaaway, ay makikipaglaban na ang mga Katipunero. Ang ilan sa mga talata(minutes) ng mga pulong ng KKK ay nasa koda o cipher nakasulat at nangangailangan pang analisahin ng masinsinan ng mga istoryador para malaman ang sinasabi nito. (Tingnan ang Katipunan Documents and Studies ni Jim Richardson)

Page 8: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Bilang Patnugot ng Kalayaan

Minungkahi ni Jacinto ang pagtatatag ng isang pahayagan ng Katipunan para sa propaganda na makatulong sa pagpapalawak ng kasapian nito. Siya ang pumili ng pangalan ng dyaryo “Kalayaan” at bumili ng limbagan mula kay Antonio Salazar na isa sa mga nabaril ng mga Kastila. Ang pera na ginamit ay donasyon ng dalawang mangagagawa, mga tinatawag na buso o maninisid, na nagtratrabaho sa Australia o mga OFWS. Sila ay mga bisaya na sina Fransico del Castillo at Candido Iban, pawang mga Katipunero, na nanalo ng 8,000 peso sa isang Loterya ginanap sa Australia at binigay ang 400 peso para sa limbagan ng kilusang lihim.(Si del Castillo at Iban ay parehong binaril ng mga Kastila noong 1897.) Lumaki ang gastos para sa paglabas ng Kalayaan dahil sa mga ibang letra para dito na binibili naman ni Jacinto sa limbagan ni Isabelo de los Reyes.

Kung saan-saan nilipat ang limbagan ng Kalayaan upang di matuklasan ng mga kaaway. Una muna ito ay nasa Carriedo, Santa Cruz, Maynila, pagkatapos ay sa Laverzares, Binondo at binalik uli sa Anyahan, Santa Cruz. Di kalaunan, ay nilipat din ito sa kagubatan pagkatapos masamsam ang lahat ng mga kopyo nito sa pangalawang paglabas nito at sinunog ng mga Kastila. Akala ng mga Kastila ay sa Yokohama, Hapon, nililimbag ang Kalayaan.

Bilang patnugot, na tinutulungan ng manunula na si Aurelio Tolentino, isang Katipunero din, si Jacinto ay siyang nagaayos ng lahat na lathalain sa Kalayaan. Ang unang isyu nito petsa Enero 18, 1896(ngunit noong Marzo, 1896, na nakalabas) ay naglalaman ng mga sinulat ni Andres Bonifacio, “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” at “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”. Ang ginamit na pangalan ni Gat Andres sa mga akda niya ay Agapito Bagumbayan. Ang mga lathala naman ni Emilio Jacinto sa unang isyu ay “Pahayag”, at “Sa Mga Kababayan” sa ngalan Dimasilaw.(Ang alyas naman ni Jacinto sa Katipunan ay Pingkian.) Mayroon isang artikulo din sa unang labas ng Kalayaan si Dr. Pio Valenzuela, “Katuwiran din Naman” sa ngalan Madlang Away. Dahil nais ng batang Jacinto palakasin ang sariling kultura ng mga Pilipino ay pinilit niya huwag nang gumamit sa Kalayaan ng mga titik na Kastilang e, g, j at iba pa, kundi ng k, h, w, at iba pa. Ang mga katibayan ng pagsapi sa Katipunan na sinulat ni Jacinto ay sa

Page 9: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

limbagan din ng Kalayaan iniimprenta. Pati na ang mga tula at komposiysyon sa musika ni Julio Nakpil, Katipunero at makabayang artista, ay dito din nilalabas.

Dalawang libong kopya ang unang labas ng Kalayaan, na ipinamahagi sa lahat na mga balangay at Sangguniang Bayan, mga lihim na samahan na itinayo ng Katipunan sa iba’t-ibang lupalop ng bayan. ( Kapag lumaki na ang isang balangay, maaaring gawing ito bilang Sangguniang Bayan, ngunit kailangan aprubahin muna ito ng Kataastaasang Sanggunian. Ang pangalan balangay ay kinuha ng Katipunan sa tawag sa kanilang mga komunidad ng mga katutubo bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas.) Pinagpasa-pasa ang pagbabasa ng Kalayaan ng mga kasapi at taga-suporta ng kilusang lihim. Nakakuha ang mga ahente ng mga Kastila ng kopya nito, sa tulong na bumaligtad na si Teodoro Patino na isinumbong nito noong Agosto 19, 1896 ang tungkol sa kilusang lihim sa Kastilang kura paroko ng Tondo na si Padre Mariano Gil. Ni-raid ng mga cazadores ang bodega kung saan nakatago ang pangalawang isyu ng Kalayaaan sa isang kalye sa Binondo bago pa man ito ay malabas at sinunog ang mga ito. Sa pangalawang labas ng dyaryo, si Jacinto ang may akda ng karamihan na artikulo at si Dr. Valenzuela ang sumulat ng iba. Ang ilang kopya ng pangalawang isyu ay nasa museo at aklatang pambansa ng Espanya. Mula sa pangalawang isyu, nakuha ng Pilipinong istoryador na si Jose P. Santos, anak ni Efipanio de los Santos, ang “Kasalanan ni Cain” ni Jacinto tungkol sa mga abuso ng mga Kastilang prayle. Ang “Burgos, Gomez at Zamora” na sinulat din ni Jacinto para sa pangalawang isyu ay nakuha naman ni Dr. Jim Richardson mula sa arkibo militar sa Madrid, Espanya.

Ang Tangkang Iligtas si Dr. Jose Rizal sa mga Kastila

Alam na ng madla, kung paano tinanggihan ni Dr. Jose Rizal suportahan ang paglulunsad ng higmagsikan ng Katipunan. Nagtungo noong ika-15 na Junyo, 1896, si Dr. Pio Valenzuela sa sugo ni Gat Andres sa Dapitan, Mindanao, upang kunin ang pang-sangayun ni Rizal sa himagsikan na nakatakda na isagawa noong Septyiembre, 1896, ngunit napaaga ng isang buwan dahil sa pakabunyag tungkol dito ng traidor na si Teodoro Patino. Upang makausap si Rizal, sinama ni Dr. Valenzuela ang isang matandang nangangalan Mata, na malabo ang paningin, sa kunyaring dahilan na ipapagamot ito kay Rizal na bantog sa sakit sa mata. Tinanggihan ni Rizal tulungan ang paglulunsad ng higmasikan dahil hindi ito

Page 10: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

suportado ng mga mayayaman. Nang malaman ito, nagalit si Gat Andres na nagwika “Saan libro nabasa ni Dr. Rizal na kailangan tumulong muna ang mga mayayaman para magwagi ang isang himagsikan”.

Bagaman nabigo sila makuha ang suporta ni Dr. Rizal para sa rebolusyon, tinangka din nina Gat Andres iligtas ang doktor sa kamay ng mga kaaway. Nagboluntaryo si Rizal tumulong sa hukbo ng mga Kastila sa Cuba bilang manggagamot laban sa mga insurektos sa bayang ito. Noong ika-6 ng Agosto, 1896, nang nakadaong ang maliit na lantsa na sinasakyan ni Rizal sa Manila Bay upang ilipat siya sa munting bapor na Otalera na maglilipat naman sa kanya sa “Isla de Panay”, malaking barko na magdadala sa kanya sa Cuba, nakuhang lapitan siya ni Jacinto. Dahil ang patrono ng maliit na lantsa ay isang Katipunero, na nangangalan Reyes, pinayagan si Jacinto na magpanggap bilang isang taga-lampaso ng sahig ng lantsa kasama ang isa pang Katipunan na si Guillermo Masangkay.(Sabi ng iba ang balatkayo ni Jacinto ay isang Insik na kargador.) Naglalaro noon si Rizal ng ahedres sa tenyente ng mga bantay niya, ngunit nang makita si Jacinto nahulaan na niya ang pakay nito. Tinigil muna ni Rizal ang paglalaro at dinala si Jacinto sa kwarto niya sa lantsa. Dito sinabi ni Jacinto na ang ilang Katipunero ay nasa pantalan kasama si Gat Andres at handang iligtas siya sa kamay ng mga kaaway. Nagalit si Rizal at sinumbatan si Jacinto na huwag pakialaman siya sapagkat alam niya ang kanyang ginagawa.

Hindi nawalang pagasa si Gat Andres nang malaman niyang tumanggi si Rizal maligtas sa mga kaaway, at nakuha ulit niyang ipadala si Jacinto na napanggap naman ngayon bilang labandero taga-Kawit sa bapor ng Otalera na maglilipat kay Rizal sa Isla de Panay. Ngunit, hindi na makalapit si Jacinto kay Rizal dahil sa higpit ng pagbabantay sa huli.

Ang Labanan sa Balintawak, Pasong Tamo, San Juan del Monte at Intramuros

Noong Mayo, 1896 nang natatag ang Unang Republika ng Bayan na tinawag nina Bonifacio Haring Bayang Katagalugan (tinawag Tagalog Republic ng ilang peryodistang dayuhan) ay nahalal si Jacinto bilang Ministro ng Estado. Ang layunin ng pamahalaang ito ay pangasiwaan ang paglunsad ng himagsikan at ang pagpatakbo ng bansa kapag napatalsik na ang mga Kastila. Ang mga nahalal na opisyal mula sa Kataastaasang Sanggunihan ay ang mga sumusunod: Pangulo-Andres Bonifacio, Ministro ng Estado – Emilio Jacinto, Ministro ng Digmaan –

Page 11: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Teodoro Plata, Ministro ng Hustiya – Briccio Plata, Ministro ng Pinansiya – Enrique Pacheco at Ministro ng Interyor – Aguede del Rosario.

Napasiyahan na ilulunsad na ang himasikan ng huling linggo ng Agosto 1896, napaaga ng isang buwan dahil sa pagkabunyag nito sa mga Kastila na nabanggit na. Ilang araw bago nagtawag ng isang pangkalahatang pulong na magdedeklara ng rebolusyon, tumungo sina Bonifacio at Jacinto sa bundok Tapusi sa San Mateo, Morong (ngayon ay Rizal) upang humanap ng atrasan kung sakali maipit sila ng mga Kastila. Kasama nila sa pagsisiyasat na ito sina Aurelio Tolentino, Guillermo Masangkay, Francisco del Castillo(nabaril ng mga Kastila), Candido Iban(binaril ng mga Kastila), Pedro Zabala, Faustino Manalak(binaril din) at Aguedo del Rosario. Ang naging giya nila sa paghahanap ng taguan ay isang tandang Peles na kabisado ang pasikot-sikot sa gubat ng bundok Tapusi. Natuklasan nila ang tinatawag na malaking yungib ni Bernardo Carpio at nagpasiya silang mainam na taguan ng mga armas at atrasan ang yungib na ito.

Nang handa na ang lahat, si Jacinto, bilang Pangkalahatanag Kalihim, ay naatasan magpalabas ng kautusan sa lahat ng mga lider ng Katipunan upang dumalo sa isang malaking Asembleya na ginawa sa Balintawak sa bakuran ni Juan Ramos, anak ni Melchora Aquino(Tandang Sora), noong 23 ng Agosto, 1896, upang ideklara ang panimula ng himagsikan. Ang direktiba ay ipinadala sa mga pamunuan ng Katipunan sa lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Laguna, Cavite, Batangas, Morong(Rizal), Bataan, Zambales, Camarines, Tayabas(Quezon), Mindoro, Ilocos at Palawan. Sa pangalawang araw, 24 ng Agosto, 1896, lumabas si Bonifacio katabi si Jacinto sa batalan ng bahay ni Ramos at ideneklara ang paglunsad ng himagsikan sa harap ng daan-daang lider ng Katipunan. Pagkatapos, pinunit ng mga Katipunero ang kanilang sedula sa ilalim ng gobyerno ng Kastila at sumigaw “Mabuhay Mga Kapatid! Mabuhay ang Katagalugan!”

Mahalagang banggitin ang testimoniya ng dating Katipunero na si Guillermo Masangkay (sa isang interbyu sa dyaryong Bagong Bayan, 1952) tungkol kung sino-sino ang dumalo sa Balintawak nang ideklara ang rebolusyon laban sa Espanya, na ang natatandaan niya ay 56 na personahe sa daan-daan naroroon na mga Katipunero. Dahil ito lamang ang kaisa-isang datos na makukuha ng mga istoryador tungkol sa mga Katipunero nasa Balintawak, mahalagang alamin ang mga trabaho ng 56 na mga ito upang matanto ang pinangalingan uri

Page 12: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

nila. Sa kabuoang 56, walo lamang ang hindi mga manggagawa, sa produksyon man o serbisyo. Sa walong ito, dalawa ay may ari-arian(property owners), tatlo ay mga kuridor (bumibili at nagbebenta ng mga gamit), isa ay doktor (si Dr. Pio Valenzuela), isa ay estudyante (si Emilio Jacinto), at isa ay kapitan municipal ng Pandacan(Ramon Bernardo). Sa natitirang 48, may taga-gawa ng tabako, mga mekaniko, nagtratrabaho bilang tagabuhat ng bagahe sa tren(Procopio Bonifacio), salesman(isa dito ay si Macario Sakay) at mga nagtratrabho sa pamahalaan ng Kastila bilang mga clerk, mga gwardya sa Custom at mga tag -patay ng apoy( firemen). Sa 56 na ito, tama sabihin na ang komposiyon ng kasapi ng KKK ay mula sa mga di-mayari ng kagamitan sa produksyon o mga indibiduwal galing sa uring proletaryado. (Mula sa Katipunan Documents and Studies, na hinalaw ni Jim Richardson)

Naaulinigan ng mga Kastila ang mga pangyayari sa Balintawak at nagpadala sila ng malaking pwersa na sumalakay sa mga Katipunero. Pagkatapos ng mainit na labanan sa Balinawak at Pasong Tamo noong 26 hanggang 29 ng Agosto, 1896, umatras sina Gat Andres sa Marikina kung saan nagplano ng kontra-opensiba tungo sa Intramuros. Pinayuhan ni Jacinto si Gat Andres na salakayin muna ang tinatawag na El Deposito sa San Juan del Monte sa may Balara kung saan may nakatambak na daan-daang armas ang mga Kastila. Sa pamumuno niya ng 800 na kawal, sinalakay at nalupig nina Bonifacio ang 100 na mga Kastila nakatalaga sa El Deposito at napasakamay nila ang daan-daan na riple(karamihan ay mga Mauser) at mga bala nakatago doon. Sa isang labanan sa mga araw na ito , muntik nang napatay si Jacinto nang mahagingan siya ng bala mula sa kaaway. Kundi nayapos agad at tinulak siya ni Gat Andres, sana’y napuruhan siya. Sa mabuting palad, ang punlo ay dumaplis lamang sa kuwelyo ni Gat Andres.

Pagkatapos ng babakan sa San Juan del Monte, umabante na ang mga Katipunero tungong Intramuros. Ayun sa kasunduan, ang pagsiklab ng higmasikan sa Maynila ay magiging hudyat upang magalsa ang mga pangkat ng Katipunan sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Sinunod ang pagsalakay sa Maynila ng mga paglulunsad ng rebolusyon sa mga sumusunod na probinsiya: Bulacan, Batangas, Laguna, Nueva Ecija, Tarlac, Tayabas, Pampanga, Bataan, Zambales, Cavite, La Union, Ilocos, Cagayan, Pangasinan, Camarines Norte, Batanes, Palawan, Cebu, Iloilo, Negros, Aklan, Capiz, Jolo, Cotabato, Iligan, Lanao at Zamboanga. Malinaw na ang himagsikan ng Katipunan ay may katangian pambansa na ikinagulat ng

Page 13: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

mga kolonyalistang dayuhan. Sa katunayan, nahigop palabas ang pwersa ng mga Kastila sa Maynila upang sangkain ang mga pag-atake ng mga rebelde sa mga karatig probinsiya, kaya humina ang pwersa nila sa loob ng Intramuros.

Dahil sa mahusay na propaganda at pag-iinpiltra sa hukbo mismo ng mga Kastila, tinatayang may mga 100 gwardiya sibil ang sumama sa mga Katipunero. Nang nabatid ni Heneral Echalauche, Kastilang Kumandante ng Intramuros, na may 500 na katutubong sundalo na nasa impanteriya niya ay may balak din na magalsa ay pinatapon ang mga ito sa Mindanao. Ngunit, nagalsa din ang mga katutubong sundalo sa Marawi hanggang Zamboanga.

Dulot ng malawakang labanan sa Intramuros, nagbalak ang mga dayuhan ng mga konsulado at embahada dito(Aleman, Belgika, Ingles, Pranses at atbp) lisanin na ang Maynila upang iwasan ang kinakalang kaguluhan kung babagsak sa kamay ng Katipunan ang lungsod na ito. Naghanda silang sumakay sa mga barko na nakadaong sa Manila Bay upang makatakas at ang naging kitaan nila ay ang konsulada ng Alemanya.

Di napasakamy nina Bonficio ang Intramuros dahil sa di pag-sipot ng malaking pwersa inaasahan ng Katipunan mula sa timog, sa Cavite, sa ilalim ni Heneral Vicente Fernandez, upang sabayan ang pagatake ng hukbo manggagaling sa Tondo sa ilalim ni Guillermo Magsangkay at yun kina Bonifacio at Jacinto mula sa hilaga. Sa imbestigasyon na isinagawa pagkatapos mabigo ang pakuha ng Intramuros, inakusahan pa ni Heneral Fernandez, pinuno ng hukbo ng Cavite Viejo, na nakatulog daw si Gat Andres at nakalimutan bigay ang hinihintay na signales ng pagatake. Sa galit ni Gat Andres, pinapaaresto niya si Heneral Fernandez na ipinangtanggol naman ni Emilio Aguinaldo na sa kalaunan ay siyang nagutos sa pagpatay sa Supremo. Sa pagsalakay sa Intramuros, may 150 na Katipunero ang napatay, at 200 ay nabihag ng mga Kastila, na karamihan ay binaril.

Nahalal bilang Pangkalahatang Heneral ng Hukbong Hilaga ng Katipunan

Dahil sa katapangan at kahusayan sa estratihya militar, nahalal si Jacinto bilang Pangkalahatang Heneral ng Hukbong Hilaga ng Katipunan. Ito ang direktiba ni Gat Andres tungkol dito:

Page 14: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

M. Andres Bonficio Maypagasa Pangulo nang Haring Bayang Katagalugan, Maytayo nang K.K. Katipunan nang mga Anak nang Bayan at unang nag galaw nang Panghihimagsik.

Sa Pagkakilala sa tapat ng paglilingkod at pagtatanggol sa Bayang tinubuan ni M. Emilio Jacinto Pingkian itong Kataastaasang Panguluhan sa pagganap nang kaniyang kapangyarihang tungkol, minarapat na inihalal ang nasabing kapatid sa katungkulang Pangulong Hukbo sa Dakong Hilagaan ng Maynila.

Upang mapagkilala at sundin sa buong sakop nang Pamahalaan nang Panghihimagsik at gamitin sa kaniya ang nararapat na pitagan aking iginawad itong Katunayan dito sa Kataastasang Panguluhan nang Haring Bayan ngayong ika 15 nang Abril nang 1897.

Ang Pangulo ng Haring Bayan,

ANDRES BONIFACIO

MAYPAGASA

Iba Pang Gawain ni Jacinto sa Loob ng KKK

Si Jacinto sa larangan militar ay marunong din gumawa ng mga dinamita, pulbura at magtunaw ng mga patalim at bakal para gamitin ang mga ito bilang mga kasangkapan sa pandigma. Sa isang sulat niya noong ika-23 ng Disiyiembre, 1896, sa Mataas na Sanggunihan (High Council) ng distrito ng Hilaga, tinanong ni Jacinto kung mayroon silang tao pwede ipadala sa kanya na magaling sa baterya. Ayun kay Jacinto, padala din sa taong ito ang ilang dinamita, isang percussion cap na may kawad at isang walang kawad dahil may tatlong baterya siya at kanya munang susubukan ito bago gamitin sa digmaan. Kung anong balak niyang gawain sa tatlong baterya at mga dinamita, si Jacinto ang nakakaalam. Si Jacinto ang siya din namamahala ng mga kasangkapan pandigma ng KKK ng Hukbong Pang-Hilaga at namamahagi nito. Sa isang sulat, petsa ika-7 ng Mayo, 1897, sa kanya ng isang Katipunan na may alyas Maitem, na kumikikilos sa Manila-Bulacan, ito ay nagpasalamat kay Jacinto sa pangtanggap niya ng 50 ripleng Remington at

Page 15: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Mauser para sa pwersa sa naturing lugar na ito. Si Maitem ay humihiling din ng mga kasangkapan para sa paggawa ng pulbura at kapsula ng mga baril.

Si Jacinto ay naatasan pang gumanap na taga-hanap ng mga paraan upang lumago ang pinansiya ng KKK para suportahan ang higmagsikan at ang mga pangangailangan ng mga kasama lalo na ng mga pamilya na may namatay na kamag-anak dahil sa pakikibaka sa himagsikan. Pinahusay niya ang gawaing produksyon di lamang ng mga kasangkapan sa digmaan, kagaya ng riple(ang KKK ay may sariling pagawaan ng mga mahabang armas at de-sabog), dinamita, pulbura, itak, patalim(kagaya ng nabanggit), ngunit sa pagtulong sa mga pamilya ng mga kawal ng KKK na napatay sa digmaan. Pinangasiwaan niya ang pagtatanim ng mga gulay at palay sa mga sona na napalaya na sa mga Kastila. Nagtatag din ang KKK sa initisiyatibo ni Jacinto ng isang kooperatiba sa pangangalakal sa Santa Cruz, Laguna. Si Jacinto ang sumulat ng mga alintuntunin nito na ang pamagat ay Samahan ng Bayan sa Pangangalakal kung saan ang pagpapatabok nito ay alinsunod sa demokratikong pamantayan. Halimbawa, ang pondo ng samahan ay di maaaring gastusin kung di sasangayun ang lahat ng myembro ng kasapian na may hulog bawat isa para sa kapital nito. Ang 10% ng pondo ng samahan ay sasagutin ang pangangailangan ng mga nabalo at naulila sa pagkamatay ng mga kamag-anak nila dahil sa himagsikan.. Sinasabi na si Jacinto ay ang tatay ng kilusang kooperatiba sa kasaysayan ng mga Pilipino.

Ang Reaksyon ni Jacinto sa Pagkapatay kay Andres Bonifacio

Noong Oktubre, 1896, sinulatan ni Heneral Artemio Ricarte si Bonifacio kung pwede pangasiwaan niya ang takbo ng rebolusyon sa Cavite. Dalawang malaking Sagunihang Bayan (SB), ang SB Magdiwang at ang SB Magdalo ang kumikilos sa lalawigan ng Cavite. Ang SB Magdiwang, na pinamumunuan ni Mariano Alvarez, ay may huridiksyon sa bayan ng Noveleta, Naic, Ternate, Maragondon, Magallanes, Baylen, Indang at Alfonso. Ang SB Magdalo naman ay kumikilos sa bayan ng Kawit, Imus, Bacoor, Perez, Dasmarinas, Silang, Mendez, Nunez at Amadeo at pinapamunuan ni Baldomero Aguinaldo, pinsang-buo ni Emilio Aguinaldo. Ang dalawang SB na ito ay ayaw magtulungan upang sugpuin ang atake ng mga Kastila sa probinsiya ng Cavite at nagsisiraan pa. Ibig kasi ng Magdalo lusawin na ang Katipunan at palitan ito ng bagong gobyernong

Page 16: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

rebolusyonaryo, samantala ang Magdiwang ay gustong panatiliin ang liderato ng KKK.

Dahil puno ng gawain si Bonifacio sa pagmamando ng rebolusyon sa kanyang kampong-himpilan sa bundok ng Montalban at Marikina, sa palagay niya ay di nararapat iwanan ang kanyang katungkulan upang tignan lamang ang kalagayan sa Cavite. Ngunit, nagpapumilit ang Magdiwang at nagpadala ng dalawa pang liham kay Bonifacio para pumunta ito sa Cavite. Sa wakas, pumayag si Gat Andres at lumakbay siya noong noong ika-17 ng Nobiyiembre sa Cavite, kasama si Jacinto at ilang pwersa niya, at tumigil sa San Francisco de Malabon sa probinsiyang ito.

Noong maganap ang trahedya sa kasaysayan ng rebolusyong Pilipino sa tinatawag na kumbensiyon sa Tejeros, Marzo 22, 1897, kung saan si Gat Andres ay pinatalsik bilang Supremo ng rebolusyon sa pamamaraan ng isang huwad na eleksyon, hindi nakasama si Jacinto. Nagkasakit kasi siya at bumalik sa Maynila, ngunit inataasan pa rin siya ni Gat Andres na asikasuhin ang naiwang pagpapatakbo ng higmasikan sa lungsod na ito. Dahil sa di makatarungan na pagtanggal sa Supremo ng mga Magdalo na si Emilio Aguinaldo ang pinalit bilang pangulo ng bagong pamahalaang itinayo, di kinilala ni Bonifacio at karamihan ng Magdiwang ang resulta ng halalan sa Acta de Tejeros na nilabas nila noong Marzo 23, 1897. Inalipusta pa ng mga Magdalo si Gat Andres na di karapat-dapat daw manungkulan ng posisyon bilang Ministro ng Interyor, kung saan siya ay nahalal sa eleksyon na nabanggit dahil di siya edukado at walang diploma.

Pagkatapos ng eleksyon sa Tejeros na puno ng anomalya, sinulatan ni Gat Andres si Jacinto ng dalawang beses(16 at 24 ng Abril, 1897) upang ilabas ang kanyang mga hinaing sa pandaraya at pagaalipusta sa kanya sa naturang halalan. Sa pangalawang sulat, noong ika-24 ng Abril, nilahad niya mas detalyado ang tinuturing kataksilan ni Emilio Aguinaldo. Dito binanggit niya na bago pa ng pekeng halalan sa Tejeros, nagpapakilala na si Aguinaldo bilang presidente ng Republika ng Pilipinas sa isang sulat sa mga Kastila at ibig makipagusap sa mga ito tungkol sa kapayaan ng Pilipinas (peace talks) upang isuko ang rebolusyon. Mabuti na lamang nakakuha siya, patuloy ni Gat Andres, ng kopya ng sulat ni Aguinaldo sa mga Kastila, na tinawag niyang “kasuklam-suklam”. Banggit din ni

Page 17: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Gat Andres na handa na siyang bumalik sa Maynila sa madaling panahon, ngunit naabutan siya ng malagim na kapalaran bago pa magawa niya ito.

Pinaaresto ni Aguinlado ang magkapatid na Bonifacio, Andres at Procopio, sa Limbon, Cavite, kung saan nakahimpil si Gat Andres. Sa pagaaresto na ito ang isa pang kapatid, si Ciriaco, ni Gat Andres ay napatay ng pwersa ni Aguinaldo na pinamumunuan ni Koronel Agapito Bauzon at tinangka pang gahasain ang kanyang asawa si Gregorio de Jesus. Nasugatan din sina Andres at Procopio sa pagtataga sa kanila ng mga kawal ni Bauzon. Sa pamamagitan ng mabilis na paglilitis sa magkapatid sa salang may balak silang ipapatay si Aguinaldo, binaril sila sa bundok Magpatong sa Cavite, noong Mayo 10, 1897.

Di pa nasiyahan si Aguinaldo sa pagligpit kay Gat Andres para maaalis ang oposisyon laban sa kanya sa paghawak sa rebolusyon na isinuko niya sa mga Kastila sa Pakto ng Biak-na-Bato noong Nobyiembre, 1897, na natupad nga ang hinala ng Supremo. Inutusan ni Aguinaldo na todasin ang lahat na malalapit na opisyal kay Gat Andre, primarya si Emilio Jacinto at si Julio Napkil, isa din mataas na heneral sa Hukbong Hilaga ng KKK. Nalaman ni Jacinto ang maitim na balak ni Aguinaldo at nakatakas, bagaman nang hindi siya natagpuan ng mga mamatay-tao sa kanyang dampa, sinunog nila ito.(Interbyu sa mga kamag-anak ni Jacinto.) Nakatakas din si Julio Napkil.

Matinding kalungkutan ang nadama ni Jacinto sa sinapit ng kanyang Supremo. Isang araw, noong 8 ng Oktubre, 1897, nang siya ay nasa Santa Cruz, Laguna, sa pangangasiwa ng pwersa ng KKK doon, habang nagpapahinga sa ilalim ng punong niyog, sinulat ni Jacinto ang isang tula sa Kastila “A La Patria” para sa alaala kay Gat Andres. Sinasabi ng mga makata na ang tulang ito ay mapaparis sa “Mi Ultimo Adios” ni Jose Rizal. (Ang salin sa Pilipino ng tulang ay kasama sa huli ng akdang ito.)

Ipinagpatuloy ang himagsikan ng KKK ngayon sa pamumuno nina Jacinto at Paciano Rizal,(Laguna-Rizal), Heneral Makabulos at Valentin Diaz, sa probinsiya ng Tarlac, Pampanga, Pangasinan, La Union at Nueva Ecija , Heneral Feliciano Jhocson sa Ka-Maynilaan, at ng iba pang heneral ng Katipunan. Sa kanila walang saysay ang direktiba ipinalabas ni Aguinaldo noong Junyo, 1897, pagkapatay kay Gat Andres na nilulusaw niya ang KKK sa pagtayo ng bagong pamahalaan niya. Habang ang pwersa ni Aguinaldo ay nasa Hongkong, dala-dala ang unang bayad

Page 18: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

ng mga Kastila na P400,000 ayun sa kasunduan ng Pakto ng Biak na Bato upang itigil ang himagsikan, ang mga Katipunero sa Pilipinas ay ipinaigting ang pakikibaka laban sa mga dayuhang mananakop.

Ang Pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano at Kamatayan ni Jacinto

Nang dumating ang mga Amerikano kasama si Aguinaldo at ilan na mga opisyal niya sakay ng barkong McCulloch, malapit nang bumagsak ang Intramuros sa kamay ng mga rebolusynaryong Pilipino. Nasakop na ang mga probinsiya ng mga pamahalaan ng KKK at napalibutan na ng pwersa ng mga rebelde ang Intramuros. Pinutol ng mga rebolusynoryo ang suplay ng tubig at kuryente ng lungsod, at hinarang ang mga dumarating na probisyon, kasama na ang mga pagkain para dito. Nauubusan na ng makakain ang mga nasa loob ng Intramuros at pati tubig ng Pasig ay iniinom na ng mga residente nito. Marami na ang nagkakasakit dahil sa gutom at karumihan ng kapaligiran sa di pagkolekta ng mga basura sa lungsod. Ang mga dayuhan sa mga embahada at konsulado ay naghahanda na mag-alsa baluta muli upang tumakas sakay ng mga barko sa Manila Bay.

Nang pinigil ni Aguinaldo ang pinal na opensiba para kunin ang Intramuros ng Hukbong rebolusyonnaryo, nagprotesta ang ilan heneral nito, lalo na si Heneral Artemio Ricarte. Ang dahilan ni Aguinaldo, ay tutulungan daw ang mga rebelde ng mga Amerikano sa pagsalakay sa Intramuros at pagkatapos bumagsak ang gobyerno ng mga Kastila ay aalis na ang mga bagong dayuhan. Sagot ni Ricarte, di niya pinagtitiwalaan ang mga Amerikano, at kayang-kaya ng mga rebolusyonaryong Pilipino pabagsakin na ang lungsod. Ayun kay Ricarte, kung sasangayun ang mga Pilipino sa utos ni Aguinaldo na papasukin muna ang mga Amerikano sa loob ng Intramuros, ay baka tumagal nang tumagal at dumating pa ang maraming pwersa ng huli at ang mga rebelde naman ang salakayin. Nagpapumilit si Aguinaldo na tigilan ang pagatake ng mga Pilipino at siya ang mananagot mismo kung babaliin ni Admiral Dewey ang pangako na bibigyan ng lubos na kalayaan ang mga katutubo. Bakit sinunod sa wakas ang utos ni Aguinaldo ng mga rebolusyonaryong Pilipino, na binubuo ng mga kawal ng KKK at ang natitirang hukbo ni Aguinaldo, ay isang malaking palaisipan, ayun sa istoryador na si Leon Wolfe sa kanyang librong “Little Brown Brothers”. Ang palagay ni Wolfe ay dahil di nawala ang pagiisip padrono ng mga katutubo na

Page 19: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

kinikilala at sinusunod ang utos mula sa kinkilala nilang matagal na na lider. Isa pa, sina Jacinto at iba pang malalapit kay Gat Andres ay nasa mga karatig probinsiya ng Maynila upang pangasiwaan ang mga pamahalaan na itinayo ng KKK doon.

Alam na sa kasaysayan kung paano nagkunyari maglabanan ang pwersa ng mga Kastila at Amerikano sa “huwad na labanan” noong 1ka-13 ng Agosto, 1898. Ang swerte ng mga Kastila nang pinigilan ni Aguinaldo ang mga rebeldeng Pilipino sa pagpasok sa Intramuros, dahil nagkaroon ng lihim na pagkikipagusap ang mga Kastila sa mga Amerikano na sa huli sila susuko dahil ayaw nilang mapahiya batay sa kanilang mataas na “honor” kung susuko sila sa mga katutubong Pilipino na malapit na masakop ang Intramuros. At naganap nga ang “huwad na labanan”, ngunit di pinaalam ng mga matataas na opisyal ng mga Kastila at Amerikano ang tungkol dito sa kanilang mga karaniwang kawal na akala ay tunay na labanan ang nagaganap. At may mga napatay na mga ordinaryong kawal sa bahagi ng mga Kastila. Nang sumuko ang mga Kastila, bukod sa Maynila, ang buong Luzon at ilang bahagi ng Visaya at Mindanao ay nasa ilalim na ng pamahalaan ng mga rebelde – ng mga Saggunihang Bayan.

Mula Agosto, 1898, hanggang Febrero 4, 1899,( ang huling petsa ay araw ng sumiklab ng bagong digmaan Pilipino-Amerikano) nagkaroon ng pasamantalang kapayapaan sa bayan sa pagasang aalis na sa madaling panahon ang mga bagong dayuhan. Lingid sa kaalaman ng mga Pilipino, nagkakaroon ng lihim na paguusap muli ang mga Kastila at Amerikano upang ibenta ang Pilipinas ng una sa kapwa-dayuhan ayun sa tratado ng Paris sa halagang $20 milyun, kasama na ang Marianas(ngayon ay Guam) at lahat na mga katutubo nakatira sa dalawang lugar. Nagpalabas si William Mckinley, ang presidente ng Estados Unidos, noong ika-21 ng Disyeimbre, 1898, na tinatawag niyang “Benevolent Assimiliation of the Philippines” pagkatapos daw nagpakita sa kanya ang Diyos sa isang pangarap na gawing kolonya ang Pilipinas para dalhin ang mga katutubo nito sa tunay ng landas ng progreso. Ito ay pagkatapos ng pag-lobby sa Washington ng mga malalaking negosyo sa Amerika na sakupin ang Pilipinas sapagkat mainam ang lugar na ito, ayun sa kanila, sa pangangalakal sa Tsina at buong Timog Asya.

Anong ginagawa ni Jacinto sa panahon ng relatibong kapayapaan mula Agosto hanggang Febrero 4, 1899? Nagsikap siyang ipagpatuloy ang kanyang naunsayming pagaaral ng abogsiya sa UST. Dahil patay na ang kanyang tiyo Jose,

Page 20: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

sumulat siya kay Apolinario Mabini upang tustusan ang kanyang matrikula sa Unibersidad. Sa isang liham, petsa ika- 17 ng Nobyiembre, 1898, sinagot siya ni Mabini na kailangan muna daw makakuha si Jacinto ng katibayan na siya ay natanggap na dati sa UST at ibig lamang magpatuloy mag-aral. Ngunit, di natuloy ang balak ni Jacinto tapusin ang abogasiya dahil sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano at siya ay namundok muli sa Mahayhay, Laguna, bilang isang lider ng mga gerilyang Pilipino laban sa mga bagong mananakop. Si Mabini nang sinulatan niya si Jacinto ay kasalukuyang pangunahing ministro ni Aguinaldo sa gobyernong tinatag ng huli sa Malolos, Bulacan, at darating din ang panahon na tatanggaliin ng huli si Mabini dahil di nagustuhan ang draft ng konstitusyon na sinulat nito. Imbes, ang konstitusyon na sinulat ni Felipe Calderon, isang mayamang taga-Maynila at mababa ang tingin sa mga heneral ng Katipunan, ay siyang pinaabruhan ni Aguinaldo sa pamahalaan sa Malolos na ang kalahati ng 136 delegado ay siya ang nagtalaga mismo at karamihan sa natitira ay di galing sa probinsiya na ninirepresenta nila.

Sinasabi ng ilang istoryador sa panahong ito samantala nanatili si Jacinto sa Laguna, upang suportahan ang kanyang pamilya ay pumasok siya sa pagtitinda ng karneng-baboy na si Heneral Miguel Malvar, dating negosyante, ang nagsusuplay ng produkto. Ngunit nang sumiklab ang bagong digmaan laban sa mga Amerikano, si Jacinto at Malvar ay sumabak muli sa labanan. Kalaunan, naging Pangkalahatang Kumandante ng Hukbong Rebulosyonaryo ng buong Pilipinas si Malvar noong 1901 at tinuligsa ang kautusan ni Aguinaldo na sumuko na ang Hukbong Pilipino sa mga Amerikano. Ang pwersa naman ni Jacinto ay patuloy kumilos sa Laguna.

Si Emilio Jacinto ay namatay sa edad 23 noong ika-16 ng Abril, 1899, sa sakit ng malaria na nakuha niya sa kabundukan ng Mahayhay habang nakikipaglaban sa mga imperyalistang Amerikanong mananakop. At dito nagwakas ang makasaysayan at puno ng sakripisyo para sa bayan na buhay ng batang heneral ng KKK na tinawag “henyo ng Himagasikan Pilipino” noong ika-labing siyam na siglo.

Ang Mga Ideya Tungkol sa Tao at Gobyerno ni Jacinto

Page 21: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Ang pilosopiya tungkol sa tao at gobyernor ni Jacinto ay nakaugat sa tatlong batayan – una, ang inpluwensiya ng mga ideya ng mga pilosopo sa Pransiya na ginamit ng 1789 rebolusyon sa bansang ito; pangalawa, ang pagunawa niya ng tunay na turo ni Jesu Kristo; at pangatlo mula sa kultura ng masang Pilipino na nadama niya sa pagkakasalumaha sa mga ito lalo na sa mga lalawigan at pagaaral niya sa kasaysayan ng bayan. Ang pagaaral ni Jacinto ng rebolusyon sa Pransiya ay nakahubog ng paniwala niya hinggil sa karapatan ng mga tao na umaayun din sa kanyang sariling pangangatuwiran at mapagbigay-loob. Masusing din pinagaaralan niya ang Bibliya at nalaman niya na ang mga turo ng simbahan Katoliko ay labag sa tunay na nais ni Kristo. Ang pagtatag naman ng mga balangay at Sanggunihang Bayan ay natanto ni Emilio sa mga ugali ng mga Pilipino sa mga pook nila at sa pagaaral niya sa mga istruktura ng mga kommunidad ng mga katutubo bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Sa huling punto, kagaya siya ni Gat Andres na masusing sinisiyasat ang kultura ng mga katutubo bago pa dumating ang dayuhan at ito ay mababatid sa tula ng Supremo ng KKK na “Pagibig sa Tinubuang Lupa” at sa unang tanong sa mga naghahangad maging kasapi ng Katipunan.

Ang mga ideya ni Jacinto tungkol sa tao ay nakalahad sa kanyang “Liwanag at Dilim” at ang tungkol naman sa istruktura ng pamahalaan na itatatag kapag na pabagsak na ang pamamayani ng mga dayuhan ay mababasa sa kanyang “Pagkatatag ng Pamahalaan sa Hukuman ng Silangan”. Bagaman, ang pagamit ng mga ideya na nakalahad sa dalawang kasulatang ito ay makikita din sa ibang akda niya, kagaya ng “Kartilya” at “Sa Mga Kababayan”, ang tatalakayin dito ay mga pananaw galing sa” Liwanag at Dilim”(LD) at “Pagkatatag ng Pamahalaan sa Hukuman ng Silangan”(PPHS).

Kalayaan at Pagkapantay-pantay ng mga Tao

Si Jacinto, kagaya ng pilosopo na si Voltaire at Jean-Jacques Rousseau, mga pilosopo na ang mga ideya ay ginamit ng rebolusyon Prances noong 1789, ay isang tinatawag na deista ng mga teorista ng relihiyon. Naniniwala si Jacinto na ang kalayaan at katuwiran(reason) ng mga tao ay mula mismo sa Diyos at ang paggamit ng katuwiran ay ninanais ng Diyos para sa kabutihan ng tao. Kaya itinakwil niya ang relihiyon Katoliko, lalo na yung turo ng mga prayle na pinagkikitaan pa ng pera ang mga ritwal nito, kagaya ng binyag, kasal, at iba pa,

Page 22: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

na ayun kay Jacinto ay labag mismo sa tinuro ni Ksristo. Di ba, sabi ni Jacinto, tinumba ni Kristo ang mga paninda ng mga mangangalakal sa harap ng templo ng mga Judeo dahil mahigpit na tutol siya na pagkitaan ng pera ang paniwala ng tao sa Diyos. Di ba, patuloy ni Emilio, nangako si Kristo na gugunawin niya ang mga magagarang templo na marmol ng mga Judeo na ginagamit sa pagsamba sa Diyos. Ang mga prayle ay nagpapangap na taga-dala ng tunay ng mensahe ni Kristo, samantalang pinagsasamantalaan nila ang mga alagad nila sa pamamagitan ng paghingi ng mga donasyon para daw sa magagarang simbahan nila.(LD)

Ayun kay Jacinto, kagaya ni Rousseau, lahat na tao ay pantay-pantay sa harap ng Diyos, binyagan man o di- binyagan. Ang tanging nais ng Diyos ay gamitin ng tao ang kanyang kalayaan at katuwiran sa kabutihan ng kapwa at bale-wala sa kanya ang mga ritwal, seremonya at magagarang simbahan para purihin siya. Ayun kay Jacinto: “Sinabi ni Jesukristo sa nagsisipigag-alita sa kanya ng mga kayamaman at magagandang batong hiyas ng simbahan: ‘Ang lahat ng iyang nakikita ninyo, ay darating ang araw na walang matitira na di malililpol.’ (Cap. XXI) At kayong binubulag ng kadiliman, na mga binyagan kay Kristo, sa inyong mga simbahang lipos ng ningning at kapalaluan, di baga ninyo nakikita na ang inyong mga gawa ay nalalaban kay Kristo,l pagka’t siya niyang itinakwil at isinumpa?”(LD) Kaya nga maraming ipokrito sa simbahan ng Katoliko, lalo na yung mga nasa mataas na posisyon at mayayaman, na sinusunod ang mga ritwal nito ngunit mapang-api at mapang-samantala sa iba.

Ang Maling Pagsampalataya

Ang maling pagsampalataya, at ito ang pamagat ng isang seksyon sa LD, ay yung di pagamit ng katuwiran at likas na kalayaan ng tao at ang bulag na pagsunod sa mga pari. Ang tamang pagsampalataya sa Diyos ay nakabatay sa mabuting gawa ng tao.

Sinasabi ng mga prayle, na ang lahat ng nangyayari ay ayun sa kagustuhan ng Diyos. Tinuya ni Jacinto ang turong ito sa LD dahil kung totoo nga ito, di na nangangailan parusahan ang mga magnanakaw dahil nang nagnakaw sila ay nakalathala na ito sa kasaysayan ng Diyos para sa daigdig. Ang kasamaan ay galing sa tao mismo sa pagamit ng mali ng kanyang kalayaan at hindi galing sa Diyos. Ang tao di kagaya ng mga hayop ay may kapasidad sa pamamagitan ng kanyang pangangatuwiran malaman ang mali sa mabuti. May kapasidad siyang

Page 23: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

kontrolin ang mga maka-sariling tendensiya niya na di isinasa-alang-alang ang interes ng iba, lalo na yun sa mga nakakarami. Di na nagpapasikot-sikot si Jacinto sa paniwalang ito, kagaya ng mga teologika sa simbahan Katoliko na di mapagdugtong ang kanilang paniwala na ang lahat ay nakatakda na sa Isip ng Diyos, ang tinatawag na Dibino Probedensiya(Divine Providence), ngunit may kalayaan daw ang taong gumawa ng masama o mabuti. At sinabi ni Jacinto kung pinaparusahan natin ang isang indibidwal ng gumawa ng krimen sa kapwa, di pa lalong kailangan parusahan ang isang buong gobyerno na gamagawa ng pangaabuso at pangaapi sa libo-libong tao?

Binatikos din ni Jacinto sa LD ang maling paniwala na ang gawa ay kaparusahan ng Diyos para sa kasalanan ni Adan at Eba. Dahil sa paniwalang ito, ang mga mayayaman ay ayaw gumawa na nararapat daw ito sa mga mabababang uri. Ang mayayaman na tinatalikuran ang gumawa ay mabubulok sa buryong at sa walang kahulugan ng kanilang buhay. At binanggit ni Jacinto ang kasabihan ni Francisco Baltazar (Balagtas) na “Ang laki sa layaw karaniwang hubad – sa bait ay inuni’t sa hatul ay salat.” Sulat ni Jacinto “Iniibig ng Diyos na tayo’y magtrabaho, sapagkat kung tayo’y nilibiran ng buong kailangan at kasaganaang aabutin na lamang natin at sukat, tayo’y walang salang lalung malulugmok, sa lalung kahamak-hamak at kasuklam-suklam na kabuhayan, na tungo sa pagkalipol ng ating pagkatao.”(LD)

Ang Pag-ibig

Paniwala ni Jacinto, kagaya ni Rousseau sa konsepto nito na “marangal na taga-bundkok”, ang tao ay may likas na magmahal ng kapwa, ngunit ito ay nasisira ng mga maling asal at paniwala. (Kay Rousseau ang likas na pagmamahal ng tao ay nasira sa pagdating ng lipunan inimbento ang ideya ng pribadong pag-aari.)Kay Jacinto, ang kalayaan at katuwiran ay nararapat ibatay sa pag-ibig sa kapwa. “Ang katuwiran, ang kagandahan, ang Maykapal, ang kapwa tao ay siya lamang na mangyayaring maging sanhi ng pagibig, siya lamang na makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig.”(LD) Dito nagiiba si Jacinto at Rousseau sa mga tinatawag na rationalista-deista kagaya ni Voltaire na naniniwala na ang mga ginagawa ng mga tao, lalo na ang mga batas ng lipunan, ay kailangan ibatay lamang sa pangangatuwiran(reason). Kay Jacinto at Rousseau ang pakikitungo sa kapwa(ang pag-ibig) ay siyang kailangan maging batayan ng

Page 24: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

isang lipunan at mga batas nito. Ang batas na hindi inisaalang-alang ang pagibig, ngunit nakabatay lamang sa malamig na pangangatuwiran, ay parang isang malaking bato tinapon sa madla bahala na kung kanino tumama. May mga magagaling diyan sa mangangatuwiran, ngunit sa kapwa ay magpagsamantala. Samakatuwid, ang unang tungkulin ng isang gobyerno na iniisalang-alang ang pagibig sa kapwa, ayun kay Jacinto, ay palaganapin kung ano ang nakakabuti sa mga mamamayan nito. Lahat ng buwis manggagaling sa mga mamamayan ay nangangilangan ilaan para sa ikabubuhay at pagunlad ng madla, kaya nga mahalaga ang partisipasyon ng masa kung saan gagamitin ang pondo ng pamahalaan.

Ang pag-ibig sa kapwa, dahil nasisira sa impluwensya ng mga maling paniwala at mga maka-sariling interes na bumabangga sa kabutihan ng iba, ay maaaring buhayin sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang ugali at asal. Ang matupad ito ay ang hinahangad ng Kartilya ng Katipunan. Ang ideya ng pagkapantay-pantay ng mga tao na tumutungo sa pagrespeto ng karapatan ng iba ay nakabatay din sa pag-ibig. Ang pag-ibig kay Jacinto ay isang sentimiento ng tao na maaaring palaganapin sa gawa ng tao na gagabayan ng kanyang pangangatuwiran.

Ang Makatarungang Gobyerno

Ang lahat ng kapangyarihan ng mga namumuno sa isang gobyerno ay galing sa mamamayan na naghalal sa kanila. Kailangan maghalal ng isang Kongreso ng Bayan, ayun kay Jacinto, na matapat ipapatupad ang mga batas at gagamitin ang kaban ng bayan para sa kapakanan ng taong-bayan.(Ang tawag ni Jacinto sa mga taong-bayan ay mga “Anak ng Bayan” o mga “tagalog” na ibig sabihin “lahat na tumubo sa Sangkapuluan”. ) Ang sinumang hindi sumunod ng pamantayang ito ay magiging pasayaw sa kanyang tungkulin. Sulat ni Jacinto:

“Sa madaling salita, ay di dapat nating kilalanin ang pagkatao ng mga Pinuno na mataas sa madla. Ang pagsunod at pagkilala sa kanila ay dahil sa kapangyarihang ipinakaloob ng Bayan, samakatuwid ang kabuoan ng mga kapangyarihan ng bawat isa.

Sa bagay na ito ang sumusunod sa mga pinunong inilagay ng Bayan ay dito sumusunod, at sa paraang ito’y nakikipagisa sa kalahatan. At ang

Page 25: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

pakikipagisang ito ay siyang daang tangi ng kaayusang kinakailangan ng kabuhayan ng Bayan.”(LD)

Ang isang pamahalaan na nakabatay sa pwersa, sa pagamit ng baril, ayun kay Jacinto, ay kailangan itakwil dahil ang kapangyarihan ng mga pinuno ay kailangan nakabatay sa pagibig sa kapwa at katuwiran. May mga pinuno na panay salita na tunay nilang hinahangad ang kabutihan ng Bayan, ngunit kulang sa gawa. Kay Jacinto, ang tamang gawa ay siya lamang pagpapatunay ng sinseredad ng mga pinuno. Kaya nga, pagkatapos magwagi ang rebolusyon ng Bayan, huwag nang magpapabulag muli sa mga “maririkit na talumpati’t pangungusap” ng mga huwad na pinuno.

Ang Kolektibong Demokrasiya ng KKK

Sa “Pagkatatag ng Pamahalaan sa Hukuman ng Silangan”(PPHS) na sinulat ni Jacinto noong mga unang buwan ng taon 1897, nilahad niya ang magiging istruktura ng isang probinsiyal na pamahalaan na itatatayo pagkatapos ng rebolusyon. Bagaman may umiiral na na Pamahalaan Pangkahalatan noong itinayo ng Katipunan ang Republika ng Katagalugan noong Mayo, 1895, nang napatay si Gat Andres, hindi agad napalitan ang pamunuan nito. Dahil sa ginawa ni Aguinaldo at kanyang mga pangkat di agad nangyari ang pagbuo ng bagong pamunuan ng KKK. Marami din sa mga ministro ng Kataastasang Sangunihan kung saan si Gat Andres ang Supremo o Presidente ay naaresto o di kaya ay napatay ng mga Kastila. Kaya ang ginagawa ni Jacinto nang isulat niya ang PPHS ay upang maging batayan ito ng isang pamahalaan panlalawigan na alinsunod lamang sa istruktura ng Katagulugan Republika na mayroon na ng mga Sugunihang Bayan at mga balangay na kumikilos. Si Jacinto ay siya lamang pormal na nakasulat sa PPHS tungkol sa anong uri ng pamahalaan panglalawigan na itatatag na batay sa istruktura ng Republikang Katagalugan, isang akda na naglalaman din ng mga tungkulin ng mga mahahalal na mga pinuno nito, paano magkakapondo ang gobyerno, ang pamamaraan ng paggawad ng katurungan nito, at iba pa. Dahil sa PPHS, nalalaman natin kung anong uri ng demokrasiya papairalin ng Katagalugan Republika nina Gat Andres kung nawagi ang Himgasikan Pilipino.

Sapagkat isa siya sa pinuno sa pamahalaan ng KKK sa Laguna, ang minungkahi niya sa PPHS ay isang panglalawigan gobyerno na tinawag niyang

Page 26: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Hukuman ng Silangan, na sinasakop ang apat na pook na kinabibilangan ng iba’t-ibang bayan ng lalawigan ng Laguna. Ang pinakamaliit na samahan sa mga pook ay ang balangay, bagaman maaaring umabot sa daang-daan tao ang sinasakop ng isang balangay. Ang istruktura ng isang balangay ay nakuha ng KKK, partikular sa pag-aaral ni Gat Andres at Jacinto, sa mga komunidad ng mga katutubo bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Mayroon demokratikong partisipasyon sa paghubog ng mga patakaran sa mga sinaunang balangay na ito. Ang nag-iiba lamang ay lahat ng mga lider ng mga balangay na itinayo ng KKK ay halal, samantala sa mga sinaunang balangay ang pinakamataas na pinuno ay isang datu na minana ang kapangyarihan niya sa kanyang ama. Ngunit, kung ang isang datu ay hindi sinusunod ang nagkapagkaisahan ng mga kasapi ng balangay niya, maaaring siyang palitan ng mga ito at maghalal ng panibagong datu. Bagaman kumuha ng inspirasyon ang KKK sa mga paraan ng pamamalakad ng mga sinaunang balangay, binabalaan ni Jacinto na huwag gayahin ang mga pamanhiin at maling paniwala ng nakaraan, kahit na sa mga trandisyong ng sariling magulang.(LD)

Kung lumaki na ang isang balangay ng KKK maaaring gawing ito na tinatawag na Sangunihan Bayan (SB), o maaaring pagsama-samahin ang mga maliliit na balangay at gawin isang SB. Ngunit, bago mangyari ito, kailangan muna ng pasiya ng Kataastasang Sagunihan(KS)(Supreme Council) ng KKK na nabanggit na natin. Maghahalal ang mga SB at balangay ng mga tatayong representante nila sa isang tinatawag ni Jacinto na Pinakakatawang-Bayan (PB)(Kongreso panglalawigan) na siya namang maghahalal ng mga pinuno ng Sangunihang Hukuman(SH). Ang SH ay magkakaroon ng isang Pinuno, Pangalawang Pinuno, Kalihim at Ingat-Yaman na lahat ay ihahalal din ng PB. Ang pagamit ng pondo ng pamahalaan ay nasa kamay ng SH, bagaman kailangan mag-ulat tuwi-tuwina kung paano ginagastos ang kaban ng bayan sa PB na maaaring daluhan ng sinumang mamamayan ng Hukuman at usisain ang pagastos ng pera ng Bayan. Mahigpit pinapatupad ng mga Katipunan ang patakaran na demokratikong pagamit ng pondo ng kilusan, sapagkat natatanto nila ang lantarang korupsyon sa gobyerno ng mga Kastila at sa simbahang Katoliko. Halimbawa, hinggil sa pondo ng KKK na sinulat ni Jacinto, sinabi niya: “Ang salaping ito’y ipinagbibigay alam ng nagiingat sa tuwing kapanahunan, bukod pa sa magpagsiyasat ang sinoman kalian ma’y ibigin. Di makikilos ang salaping ito, kundi pagkayarian ng karamihan.”

Page 27: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Ang pagbuo ng Pangkalahatang Hukbo sa lalawigan ay tungkulin din ng SH, bagaman mayroon din na maliiit ng hukbo ang mga balangay at SB na binubuo ng mga mamamayan nito (people’s militia). Ang lahat ng hukbo ng balangay man o SB ay nasa papangasiwa din ng SH na magtututulungan sa mga lider ng mga balangay at SB sa bagay na ito.

Nagmungkahi din si Jacinto ng pagbubuo ng isang tinatawag niyang Hatulan na mangangasiwa sa paglapat ng katarungan at kaparusahan sa mga nagkasala o gumawa ng krimen, lalo na ng pagtataksil. Sa katunayan, umiiral na ang mga hukuman ng bayan(peopls’s court) sa mga balangay at SB sa kapanahunan ng rebolusyon, bagaman wala pang itinatayo ng masasabing pangkahalatang hukuman panlalawigan na tinawag ni Jacinto na Hatulan.

Ang SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular ang alpabetiko na nahubog nito. Masusing ipinapatupad ng KKK ang pagamit ng diyalektika ng mga Pilipino at ang pagaaral ng mga akda na nasa mga wikang ito, halimbawa sa Tagalog na mga sinulat ni Balagtas. Alam na natin, na bagaman ang unang wika na naging magaling si Jacinto magbigkas at sumulat ay sa Kastila, sinikap niyang maging mahusay sa Tagalog at nagawa nga niya ito at nalampasan pa ang kakayahan ni Gat Andres sa wikang ito, ayun mismo sa huli.

Sa pagpapakailam ng mga Amerikano sa Pilipinas, di natuloy ang pagtatatag ng pamahalaan ng Hukuman ng Silangan na sana’y naging gabay ng pagtatayo ng isang Pangkalahatang Gobyerno sa Pilipinas na may demokratikong partisipasyon ang mga mamamayan sa pagawa ng batas at pagamit ng pondo ng bayan. Masasabi na nilalatag nito ang mas direktang partisipasyon ng masa sa mga gawain ng gobyerno, kaiba sa liberal na demokrasiya ng ibang bansa, kasama na ang sa Estados Unidos, na walang ginawang istruktura kung paano maaaring makialam ang karaniwang tao sa mga polisiya ng gobyerno, sa partikular sa pagamit ng pera mula sa buwis ng mamamayan. Sa mga bansang ito, pagkatapos ng eleksyon, maaari nang gumawa ng sari-saring pagtatakip ang mga pinuno nito sa mga katiwalian na ipinapairal nila.

Bagaman isang panglalawigan pamahalaan lamang ang tinalakay sa PPHS, nakakatiyak tayo na ang pamaraan ng pagpili sa mga myembro ng isang gabinete ng Presidente para sa isang Pangkalahatang Pamamahalaan ay kagaya din na

Page 28: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

minungkahi ni Jacinto tungkol sa mga opisyal ng Hukuman sa Silangan na inihahalal ng PB (Kongreso panlalawigan). Maaari ang mga ito ay pagbotohan ng mga representante ng mga balangay at SB na pinatawag ng isang Kataastaasang Kapisanan(KK) na ginagawa na ng KKK. Ang mga myembro ng gabinete ng Pangulo ng KKK sa Kataastasang Sagunihan(KS), kagaya ng Ministro ng Interyor at Ministro ng Hustisiya ay hinahalal lahat ng mga representante ng mga SB at balangay sa KK. Pati na ang mga heneral sa militar ay hinahalal din sa loob ng Pamahalaang Katagalugan. Ang pamamaraan na ito ay iba sa ginagawa sa loob ng isang liberal na demokrasiya kagaya sa kasalukuyang gobyerno ng Pilipinas at kahit na sa Estados Unidos kung saan ang mga myembro ng gabinete ng Pangulo ay mga pawang pinili niya. Laging sinusunod ng KKK ang kolektibong pamaaraan sa pagpapatakbo na tinuturing nilang isang demokratikong republika. At kung nawagi ang rebolusyon ng KKK laban sa mga Amerikano sana’y ibang-iba ang uri ng pamamalakad ng lipunang Pilipino sa kasalukuyan.

Sa kasamaang palad ang minana ng mga Pilipino ay ang liberal na demokrasiya ng mga Amerikano at hindi ang kolektibang demokrasiya na nilatag ng KKK na ang magiging pormal na pamantayan ay si Jacinto ang naatasan sumulat, lalo na sa PPHS. Ang mga kasulatan na ito ay maaaring gamitin bilang gabay sa pagbuo ng isang bagong konstitusyon para sa itatatyo na Republika ng Pilipinas na layun mismo ni Jacinto. Ang liberal na demokrasiya na batayan ngayon ng gobyerno ng mga Pilipino ay sa katunayan isa lamang ilusyon na demokrasiya na napapanggap na ang kapangyarihan ay nagmumula sa mga mamamayan, ngunit ang pagpapiral nito ay walang kasamang kongkretong pamamaraan, hindi siyentipiko bagkus isang idealistang demokrasiya, na puno ng kahirapan at kalungkutan ng masa.

Pangwakas na Pananalita

Ang buhay ni Jacinto ay parang isang tala ng magagabay sa kanyang mga kababayan sa paglakbay nila sa madilim at mapurok na daan tungo sa tunay na kalayaan at kaginhawaan. Inalay niya ang buhay , katalinuhan at lahat na kakayahan upang paglingkuran ang lupang tinubuan. Sinakripisyo niya ang lahat, pamilya at karer, pagibig, mga pangarap,(sana’y naging bantog siyang abogada sa kanyang katalinuhan) nang sumanib siya sa rebolusyon. Tinalikuran niya ang mga

Page 29: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

kasarapan sa buhay upang ipataw sa kanyang sarili ang masusing disiplina sa katawan nang maging kasapi siya ng KKK hanggang nagkasaki-sakit siya sa kapaguran ng pagawa ng maraming trabaho sa loob ng kilusan. At bagaman may sakit siya, sinisikap pa niyang gawaiin ang kanyang mga tungkulin na hinahangaan ni Gat Andres.

Kahit na napakabata pa siya, siya ang naatasan sumulat ng mga pamantayan ng asal at ugali sa ilalim ng KKK at ng istruktura ng gobyerno na itatayo nito. Pinapalawak niya ang kanyang kaalaman di lamang sa pagsubsob sa pagbabasa, ngunit, higit sa lahat, sa pagsasalumuha sa masa, lalo na sa mga dukha, kung saan siya ay nagmula. Kagaya ni Gat Andres, ang pag-ibig sa bayan (ito’y makikita sa kanyang tula “A La Patria”, na ang salin sa Pilipino ay kasama sa huli ng akdang ito) ay inuna niya sa lahat ng pag-ibig na nadarama niya.

Si Jacinto ay isang tunay na uliran ng mamamayang Pilipino, lalo na para sa mga kabataan na sa kasalukuyan ay subsob sa paghahanap ng kaligayahan ng katawan at maka-sariling emosyon. Ang katatagan at katapangan ni Emilio Jacinto upang labanan ang mga kasamaan ng lipunan ay kahanga-hanga. Hanggang ngayon, tumatataginting pa ang tawag niya sa mga kababayang inaapi: “Mangagsipanandata kayo mararangal na puso! Mangagsipanandata kayo! Siana ang mga pagtitiis!”(Pahayag)

***

PARA SA BAYAN

ni Emilio D. Jacinto

(Salin mula sa Ingles ni Edberto M. Villegas ng “A La Patria” )

Pagbati! Kagiliw-giliw kong lupang tinubuan!

Di mo mababatid kung gaano kita minamahal;

Sa mga kaginhawaan mong binigay ng kalikasan,

Isang Eden kung saan ang bulaklak mo’y mas mahalimuyak

Kaysa ibang hardin, at dahil sa iyong mas magandang kulay,

Page 30: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Pininpintahan ang langit mo ng dumarating na bukang-liwayway,

Kung saan ang makata ang kanyang mga pangarap ay nanaranasan.

Pagbati! O reyna kong nakakabighani! Mahal kong Pilipinas,

Kagandahan ni Venus na nakakahalina, walang kapantay,

Mahal kong bayan! Lugar ng tula, halimuyak, saya at kulay,

Lugar ng mga masasarap na prutas at matamis na harmoniya,

Ihip ng hangin at alon ng dagat para matulog ka ikaw ay nilulunday.

Perlas na pinakamahalaga at nakakasilaw sa Dagat ng Silangan,

Paraiso itinayo ng ilaw ng makinang na araw,

Marubdob na binabati kita at sinasamba,

Inihahandog ko sa iyo ang aking nagpupuyos na kaluluwa

Upang makita kang malaya sa mabigat na kalungkutan,

Malaya sa pangaapi ng mga Kastila.

Ah! Sa gitna ng kawalhatian mo, nakaposas ka at nakalugmok,

Ang pinakamahalaga sa iyo, ang kalayaan, sa iyo wala!

Ah! Upang dulungan ka, bayan ko, sa iyong pagdurusa,

Ang sakit ay titiisin ko, dugo sa dibdib ko ay dadanak,

Sa pinakahuling patak, hanggang kamatayan at wakas.

Ang nararapat sa iyo na katarungan, likas na karapatan

Ay wala, bagkus mga mababaw lamang na salita, pagkukutya,

Page 31: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Ang hustisiya ay panlilinlang sa iyong kawawang kalagayan,

Alila ka, ngunit karapat-dapat sa iyo korona ng reyna,

Sa manlulupig nagbibigay ka ng ligaya,

Ngunit sinusuklian ka ng pagkaalipusta.

Anong pakinabang sa iyo, bayan ko, nakatungo sa pagdurusa

Kung ang langit mo’y makikinang, malinaw at kahalina-halina,

Kung ang mala-pilak na buwan mo ay napakaganda;

Anong matutulong sa iyo ng paghihinagpis sa iyong pagka-alipin,

Nang sa loob ng apat-na-raang taon naghihirap ka,

Ano ang kabuluhan ng lahat na mga ito?

Ano sa iyo ang mga mahahalimuyak na bulaklak ng iyong bukid,

Ano sa iyo kung sa gubat mo’y may ibon na matatamis ang awit,

Ah, mismo ang simoy ng bulaklak at nakakaaliw na awit

Ay nagdadala sa pakpak nila ng mga iyakan at hinagpis,

Mga malakas na paghagulhol ng kalungkutan,

Na binabalot ang kaluluwa sa matinding kadalamhatian.

Ano sa iyo ang kasaganahan, O, perlas ng sariwang kagandahan,

Ano sa iyo ang kalikasan nakakabighani dito sa Silangan,

Kung lahat na grasya at kagandahan mo nilalaspatangan ng dayuhan,

At kinadena ka sa makapal na bakal, mahigpit na pagkatali

Habang natutuwa sila sa iyong kalulunos na paghikbi?

Page 32: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Ano ang pakinabang ng mga mayayaman mong lupa,

Na walang kapantay sa kanyang kasaganahan,

Nagdadala ng masasarap at maraming prutas,

Kung ang iyong langit ay kumukubkob ng mga Kastila na kinakamkam

Ang lahat mong kaginhawaan, mayabang sa kanilang mga kasamaan

At kinikilala lamang ang kanilang mga karapatan?

Ngunit mawawala din ang katahimikan ng pagtitiis

Ngayon, dulungan ka, kami ay tinatawagan

At walang takot, walang awa at bukas

Naming pupugsain ang pagiisip mala-alipin

Na sa kamandag nito ay nilalason ang buhay,

Inangbayan, naan dito kami, handa at nagpupuyos

Upang para sa iyo magpakamatay.

Ang aming minamahal na ina at asawang sinasamba,

Kahit na sanggol na tinuturing ng ama bahagi ng kanyang kaluluwa,

Para ipagtanggol ka, iiwanan namin sila,

Iiwanan ang kaligayahan, pag-ibig at pagasa,

Lahat sa aming buhay na mahalaga,

Lahat na matatayog naming pangarap, lahat ng aming ilusyon.

Masdan mo! mga bayani sa buong kapuluan

Dumarating na naliwanagan ng katotohanan,

Page 33: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Nagaapoy ang katatagan, malulupig lamang ng kamatayan,

At kahit na sa kamatayan bibigkasin ang iyong pangalan

Sa kanilang pinakahuling hikbi,

Inangbayan, na sana’y makamit mo ang kaligayahan.

Kasing-rami ng tala sa langit, libu-libong marangal na bayani,

Hinahandog sa altar mo kahit kanilang kamatayan,

At kung mabalitaan ninyo ang mga labanan

At walang takot na pagsasalakay,

Dasal sa langit ipaabot ninyo, kayong mga bata,

Kababaihan at matanda na ang tagumpay atin makamtam

Sa gitna ng karudumal-dumal na magagawa ng kalupitan!

Dahil lamang mahal ka nila at nais nila ang kabutihan mo,

Di mabilang ang mga martir na nagdusa,

Ngunit sa gitna ng kanilang kalagayan, benediksyon para sa iyo

Nagmula sa kanilang matapat na kaluluwa,

At kahit na yung nasawi, ikaw ang huling hikbi.

Anong kabuluhan kung daan-daan, libo-libong mga anak mo

Malagutan ng hininga sa di pantay na labanan,

Sa kagimbal-gimbal na digmaan,

At kung ang kanilang dugo ay umagos parang dagat?

Di ba ito ay umagos para ipagtanggol ka at iyong sagradong lupa?

Page 34: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Ang kamatayan ay yayakapin kung ito ay para sa iyong ikagagaling.

Walang kabululuhan kung ipapatapon kami sa malayo at bilangguan,

Kahit na matinding tortyur na galit na ipapataw ng kalaban,

Dahil sa iyong sagradong lupa, mula sa puso ng mga bayani ng bayan,

Ito ay inaalay, at kaming lahat ay sumusumpa ng katatagan

Sa aming adhikain at ang dangal namin ay tinataya.

At kung kami ay manggagaling sa pakikibaka

Na may korona ng laurel ng tagumpay,

At ang aming di-makasariling ginagawa ng pagwawagi ay biyayaan,

Ang mga susunod na henerasyon ikaw ay pararangalan,

At kokoranahan ka, Reyna ng mga malaya,

Walang dungis at magiting na mahal naming reyna,

At ang lahat na tao sa daigdig ay mananahimik

At sa iyo sila ay hahanga.

Sa di kalayuan ay naaaninag na ang bukang-liwayway na nagninining

Nang bagong araw ng kalayaan, pag-ibig at kasaganahan,

At yaong nalupig sa malagim na gabi ng labanan

Kailan man sila ay hindi makakalimutan

At sa malamig at nakatagong nilang libingan

Sa paghimbing nila, sila ay magiging masaya,

Dahil, o aming reyna, ikaw ay aming napalaya!

Page 35: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Kung ang korona ng tagumpay ay mapapasakamay ng mga kaaaway,

At kung ang mailap na kapalaran ay tatalikuran ka,

Tayo ay laging magiging magkasama

Kahit ano man ang ating kakahatnan,

Ang kalayaan ay laging magkakaroon ng mga bagong kampeon,

Habang may mga manlulupig,

At ang aming paniwala sa iyo ay di mawawala,

Hanggang may buhay, hanggang may pagasa.

May mga masamang pangat na nagbabalak

Samantala ang animong katahimikan ay namamayani,

Isang katahimikan bago dumating ang bagyo,

Hahampas din ang malakas na hangin,

At magiging mas matatag at maingat kami sa patuloy na laban,

At sisimulaan namin ang pakikipangtunggali,

Ngayon mas malakas at mas masidhi,

Hanggang sa wakas kami ay magwawagi,

Hanggang ang lahat ng luha mo ay mapawi.

O Inangbayan, sinasamba, pinakamahalaga,

Samantala ang kalungkutan mo ay lumalago,

Lumalago din ang pag-ibig namin sa iyo,

Huwag kang mawalan ng pagasa at katapangan,

Page 36: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

Sapagkat mula sa bukas naming sugat,

Ang dugo namin ay laging dadanak, hanggang kami ay may buhay

At hindi-hindi ka namin iiwanan magpakailan man.

***

Mga Akda ni Emilio Jacinto

“Sa Mga Kababayan”, editoryal ng Kalayaan, Marzo, 1896.

“Pahayag”, Kalayaan, Marzo, 1896.

“Gomez, Burgos at Zamora”, Abril 30, 1896, para sa pangalawang isyu

ng Kalayaan.

“Kasalanan ni Cain”, walang petsa, maaaring para sa pangalawang isyu ng Kalayaan.

“Sa Bayang Tinubuan”, walang petsa, maaaring para sa pangalawang isyu ng Kalayaan.

Page 37: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

“Katipunan nang manga A.N.B. Sa may nasang makisanib sa Katipunang ito”(Kartilya), 1895.

“Liwanag at Dilim”, walang petsa, dokumentong panloob ng KKK.

“Pakatatag ng Pamahalaan sa Hukuman ng Silangan”, 1897, dokumentong panloob ng KKK.

“Samahan ng Bayan sa Pangangalakal”, walang petsa, dokumentong panloob ng KKK.

“Gising na mga Tagalog”, Oktubre 23, 1895, matatagpuan sa Archivo General de Militar sa Madrid, Caja 5677, leg. 1.83.

“A La Patria”, tula, Oktubre 8, 1897.

“A Mi Madre”, tula, walang petsa.

BATIS

“Katipunan: Documents and Sudies”, compiled by Jim Richardson, Inernet, 2014.

“Buhay at mga Sinulat ni Emilio Jacinto”, Jose P. Santos, 1928.

“Little Brown Brothers”, Leon Wolfe, unang nilathala 1962, nilabas uli ng Amazon Books.

“The Revolt of the Masses”, Teodoro Agoncillo, 1956, College of Arts and Science, UP.

“Malolos, Crisis of the Republic”, Teodoro Agoncillo, 1960, UP Press.

“A Past Revisited”, Renato Constantino, 1966, Foundation for Nationalist Studies.

Page 38: · Web viewAng SH ay siya ring magkakaroon ng katungkulan paggawa at paghahanay ng kasaysayan ng mga bayan. Isang layon ni Jacinto ang palakasin ang katutubong kultura, partikular

“Malvar and the Philippine Revolution”, Karganilla and Abaya, 1998.

“The Civil and Religious Ethics of Emilio Jacinto”, John M. Schumacher, Landas 9, Ateneo Press, 1995.

Mandirigma. Org, mandirigma research organization, internet.

Ka taong na balawkasaysayan, internet.

Emilio Jacinto, “Ang Utak ng Katipunan”, internet.

“Emilio Jacinto, Utak ng Katipunan”, Markano Phil., Filipino Community, enero, 2009, internet.