6
Disyembre 2, 2013 - Lunes FILIPINO 2:30 – 3:10 I. Layunin Nauuri ang mga pangungusap ayon sa kayarian: payak, tambalan, at hugnayan II. Paksang Aralin Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian Sanggunian: BEC-PELC in Filipino 4, Pagsasalita Kagamitan: larawan, tsart III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na padamdam, pasalaysay, patanong, at pautos 2. Pagganyak a. Anu-ano ang batayan mo ng pagiging mabait na bata? b. Kung may nangangailangan ng tulong, tutulungan mo ba siya bakit? B. Paglalahad 1. Basahin ang kwento Ang Alamat ng Rosas Noong unang panahon, may mag- asawang nakatira sa paanan ng bundok. Wala silang anak kaya humiling sila na bigyan ng anak. Dininig ng Panginoon ang kanilang dalangin. Isang napakagandang sanggon ang isinilang ng babae at ito ay pinangalangan nilang Rosa. Si Rosa ay naging mabait at madasalin. Matulungin siya kaya nakaibi-gan niya ang lahat pati mga ibon at hayop. Minsan, namitas sa Rosa ng gulay sa kanilang bukid. Nakita niya ang isang batang hinahabol ng malaking ulol na aso. Lumapit siya upang iligtas ang bata. Siya ay sinalakay ng ulol na aso. Nakaligtas ang bata subalit namatay si Rosa dahil sa kagat ng matalim na ngipin ng asong ulol. Kinabukasan nagulat ang mga tao nang Makita ang isang halamang may bulaklak na kulay rosas at mabangung-mabango pa. Alam nila agad na si Rosa iyon. 2. Pagtalakay Talakayin ang binasang kwento 3. Suriin ang mga pangungusap sa tsart na galing sa kwento. Pangungusap Uri ng Pangungusap 1. Noong unang panahon may mag- asawang naka-tira sa paanan ng bun- dok. 2. Nakaligtas ang bata subalit namatay si Rosa sa kagat ng asong ulol. 3. Wala silang anak kaya dumalangin silang bigyan sila ng anak. Payak Tambalan Hugnayan 4. Bigyang katuturan ang payak, tambalan at hugnayan C. Paglalahat Ibigay ang katuturan ng bawat kayarian ng pangungusap. D. Paglalapat Kumuha ng pangungusap mula sa kwentong binasa at uriin ito ayon sa kayarian IV. Pagtataya

Banghay Aralin sa Filipino 4

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Banghay aralin sa Filipino para sa Ikaapat na baitang

Citation preview

Page 1: Banghay Aralin sa Filipino 4

Disyembre 2, 2013 - LunesFILIPINO2:30 – 3:10

I. Layunin Nauuri ang mga pangungusap ayon sa

kayarian: payak, tambalan, at hugnayan

II. Paksang Aralin Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian Sanggunian: BEC-PELC in Filipino 4,

Pagsasalita Kagamitan: larawan, tsart

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balik-aralMagbigay ng halimbawa ng pangungusap na padamdam, pasalaysay, patanong, at pautos

2. Pagganyaka. Anu-ano ang batayan mo ng pagiging

mabait na bata?b. Kung may nangangailangan ng tulong,

tutulungan mo ba siya bakit?

B. Paglalahad1. Basahin ang kwento

Ang Alamat ng RosasNoong unang panahon, may

mag-asawang nakatira sa paanan ng bundok. Wala silang anak kaya humiling sila na bigyan ng anak. Dininig ng Panginoon ang kanilang dalangin. Isang napakagandang sanggon ang isinilang ng babae at ito ay pinangalangan nilang Rosa.

Si Rosa ay naging mabait at madasalin. Matulungin siya kaya nakaibi-gan niya ang lahat pati mga ibon at hayop.

Minsan, namitas sa Rosa ng gulay sa kanilang bukid. Nakita niya ang isang batang hinahabol ng malaking ulol na aso. Lumapit siya upang iligtas ang bata. Siya ay sinalakay ng ulol na aso. Nakaligtas ang bata subalit namatay si Rosa dahil sa kagat ng matalim na ngipin ng asong ulol. Kinabukasan nagulat ang mga tao nang Makita ang isang halamang may bulaklak na kulay

rosas at mabangung-mabango pa. Alam nila agad na si Rosa iyon.

2. PagtalakayTalakayin ang binasang kwento

3. Suriin ang mga pangungusap sa tsart na galing sa kwento.

Pangungusap Uri ng Pangungusap1. Noong unang panahon

may mag-asawang naka-tira sa paanan ng bun-dok.

2. Nakaligtas ang bata subalit namatay si Rosa sa kagat ng asong ulol.

3. Wala silang anak kaya dumalangin silang bigyan sila ng anak.

Payak

Tambalan

Hugnayan

4. Bigyang katuturan ang payak, tambalan at hugnayan

C. PaglalahatIbigay ang katuturan ng bawat kayarian ng pangungusap.

D. PaglalapatKumuha ng pangungusap mula sa kwentong binasa at uriin ito ayon sa kayarian

IV. PagtatayaIsulat ang P sa patlang kung ang pangungusap ay payak, H kung Hugnayan at T kung Tambalan._______1. Nasira ang telebisyon nila dahil sa

kalikutan ni Roel._______2. Bibili ka ng gulay o maiiwan ka dito sa

bahay?_______3. Si Melba ang nangunguna sa klase._______4. Maganda para sa akin ang bahay na

yari sa bato._______5. Aalis sana si Nini nang biglang

umulan.

V. Takdang AralinSumipi ng 5 pangungusap mula sa isang kwento at uriin ito ayon sa kayarian

Page 2: Banghay Aralin sa Filipino 4

Disyembre 3, 2013 – MartesFILIPINO2:30 – 3:10

I. Layunin Nagagamit ang mga pangungusap ayon sa

kayarian.

II. Paksang Aralin Kayarian ng Pangungusap Sanggunian: BEC-PELC in Filipino 4,

Pagsasalita Kagamitan: tsart, larawan

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. PagsasanayPunan ng angkop na pangatnig ang bawat bilang.a. Hindi pumasok si Gng. Cruz _____

may sakit ang kanyang anak.b. Nanonood ng programa sa telebisyon

si Mark _____ gumagawa ng takdang aralin.

c. Kailangan nating kumain ng mga gulay at prutas _____ maging malusog tayo.

2. Balik-aralPabigyang katuturan ang mga kayarian ng pangungusap.

B. Paglalahad1. Pagganyak

Nakapanood na ba kayo ng paligsahan sa pag-awit?

2. Ipabasa

3. Ipabasa ang mga sumusunod na pangungusap at paghambingin ang kayarian ng bawat pangungusap. Napukaw ang pansin ng magkapatid. Masayang nakikinig ng balita si Rona

habang naglilinis ng sala si Rina. Umaawit lamang si Jose kung kasama

niya ang kaniyang kaibigan.

C. PaglalahatAnu-ano ang pagkakaiba ng bawat kayarian ng mga pangungusap?

D. PaglalapatMagbigay ng mga halimbawang pangungusap sa bawat kayarian

IV. PagtatayaIsulat sa patlang kung ang pangungusap ay Payak, Tambalan, o Hugnayan_______1. Kami ay magbabakasyon sa Cagayan

de Oro._______2. Dadalawn naming sina Lolo at Lola._______3. Si Ate ay mamimili ng mga

pasalubong._______4. Masaya naming binitbit an gaming ga

bagahe kahit mabigat._______5. Kami ay sumakay sa Cebu Pacific na

eroplano.

V. Takdang AralinSumulat ng 3 payak na pangungusap, 3 tambalan, at 3 hugnayan. Ilagay sa kwaderno.

“Ang Bagong Kampeyon”Araw ng Sabado, masayang nakikinig ng balita si

Rina habang naglilinis ng sala si Rina. Inaabangan nila ang pagbabalita ng resulta ng PINOY CHAMPION Season 8. Isa kasi sa mga kalahok sa grand finals si Jose na kaniyang matalik na kaibigan. Mahilig sa awiting Ingles si Jose ngunit mas nais niyang umawit ng awiting Filipino. Ang awiting Ingles para sa kaniya ay mahirap maunawaan. Umaaawit lamang siya ng awiting Ingles kapag kasama ang mga kaibigan.Napukaw ang pansin ng magkapatid. Ibabalita na ang resulta ng paligsahan. Si Bernadette Sison ang magbabalita nito. Agad naupo si Rona at nanatiling nakatayo sio Rina upang makinig sa balita.

Natuwa si Rona nang inanunsyo ni Bernadette Sison na si Jose B. Rosales ang nagwagi sa paligsahan at itinanghal na bagong kampeyon. Ipinaawit ni Bernadette kay Jose ang

Page 3: Banghay Aralin sa Filipino 4

Disyembre 4, 2013 – MiyerkulesFILIPINO2:30 – 3:10

I. Layunin Nagagamit ang mga pangungusap ayon sa

kayarian Naisusulat ang mga impormasyong nakuha sa

binasa o narinig na balita

II. Paksang Aralin Kayarian ng Pangungusap Sanggunian: BEC-PELC in Filipino 4,

Pagsasalita Kagamitan: tsart, larawan

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balik-aralTumawag ng mga mag-aaral upang magbigay ng mga halimbawa ng payak, tambalan, at hugnayang pangungusap.

2. PagganyakAno ang inyong balitang napakinggan kahapon o kanina bago kayo pumasok sa eskwela?

B. Paglalahad1. Itanong: Ano ba ang balita?

Ito ay lipon ng mga pangungusap na isang diwa o ideya at nagbibigay ng impormasyon.

2. Ipabasa ang maiklingg balita

3. Itanonga. Paano ang pagsulat ng balita?b. Anu-ano ang impormasyong inyong

nakuha mula sa balita. c. Anu-anong kayarian ng pangungusap

ang inyong nakita.

4. Ibigay ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng balita

C. PaglalahatAnu-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng balita?

D. PaglalapatIsulat ang balita ayon sa iyong pang-unawa

IV. PagtatayaPagsusuri sa kawastuhan ng pagkasulat ng balita.

V. Takdang AralinIsulat ang balita ng patalata

“Ang Bagong Kampeyon”Araw ng Sabado, masayang nakikinig ng balita si

Rina habang naglilinis ng sala si Rina. Inaabangan nila ang pagbabalita ng resulta ng PINOY CHAMPION Season 8. Isa kasi sa mga kalahok sa grand finals si Jose na kaniyang matalik na kaibigan. Mahilig sa awiting Ingles si Jose ngunit mas nais niyang umawit ng awiting Filipino. Ang awiting Ingles para sa kaniya ay mahirap maunawaan. Umaaawit lamang siya ng awiting Ingles kapag kasama ang mga kaibigan.Napukaw ang pansin ng magkapatid. Ibabalita na ang resulta ng paligsahan. Si Bernadette Sison ang magbabalita nito. Agad naupo si Rona at nanatiling nakatayo sio Rina upang makinig sa balita.

Natuwa si Rona nang inanunsyo ni Bernadette Sison na si Jose B. Rosales ang nagwagi sa paligsahan at itinanghal na bagong kampeyon. Ipinaawit ni Bernadette kay Jose ang

Sinabi ng Deparment of Trade and Industry na bababa ang presyo ng pan de sal sa P1. 00 kapag inalis ng gobyerno ang taripa sa mga imported na arina. Kapag nangyari tio, makapag-iipon ang mga may-ari ng panaderya ng halos 50% ng presyo ng arina.

Tandaan:1. Ginagamit ang malalaking titik sa

mahalagang salita ng pamagat at sa simulang salita ng bawat pangungusap.

2. Ginagamit ang tuldok sa katapusan ng mga pangungusap na paturol at pautos; tandang pananong sa pangungusap na pananong; at tandang pandamdam sa pangungusap na padamdam.

3. Ipinapasok ang unang pangungusao ng talata.

4. Bawat talata ay may paksang diwang inlalahad.

5. Isulat ang mga impormasyon na sumasagot sa mga tanong na ano, sino, saan, kailan, paano at bakit.

Patuloy ang ginagawang pagtugis sa grupo ng mga bandidong kumidnap sa ICRC volunteer na si Eugenio Vagni. Matatandaang kinidnap ang mga ICRC volunteers may higit kumulang dalawang buwan. Binihag sila ng mga Abu Sayaf. Kamakailanay matatandaang pinalaya ang dalawa sa mga bihag na sina Mary Jane Lacaba at Andreas Snotter. Pinaniniwalaang malapit ng makuha ng mga sundalo ang natitirang bihag.

Ano: Nakakalat na molasses

Saan: Roxas Boulevard, Pasay City

Kailan: Abril 24, 2009

Anong Nangyari: 10-wheeler trak tumaob, naging dahilan ng trapiko

Page 4: Banghay Aralin sa Filipino 4

Disyembre 5, 2013 – HuwebesFILIPINO2:30 – 3:10

I. Layunin Nakapagbibigay ng buod o lagom Nakasusulat ng isang lagom sa impormasyong

nakuha mula sa binasa.

II. Paksang Aralin Pagbuo ng Lagom sa pasaklaw at Pabuod na

Kaayusan Sanggunian: BEC-PELC in Filipino 4,

Pagbabasa, Pagsusulat

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Pagtalakay sa takdang aralin2. Balik-aral

Kayarin ng pangungusap

B. Paglalahad1. Pagganyak

a. Ano ang relihiyon mo?b. Alam mo ba kung bakit may mga

relihiyon tayo?c. Saan ang mga ito nagmula?

2. Ipabasa ang mga talata.a. Naniniwala ang mga Pilipino sa Daki-

lang Lumikha. Sinasamba nilat at tinatawag ito sa iba’t ibang pangalan tulad ng Bathala sa mga Tagalog, Lumawig sa mga Igorot, at Kabunian sa mga Ilokano. Bukod dito, suma-sampalataya sila sa mabababang diyos ng mga karagatan, ng pag-ibig, at apoy, gayundin sa mga anito at espiritu. Iginagalang din nila ang araw, buwan, hangin at uwak at ang mga punong balite at bangar.

3. Pagtalakaya. Ano ang tawag ng mga Igorot sa

kanilang Diyos?b. Anu-ano pa ang sinasamba ng mga

unang Pilipino?c. Anu-ano ang kanilang paniniwala?

4. Pag-aralan ang lagom ng binasang talata.

Ang paraan ng pagsamba ng mga unang Filipino ay hindi pa sibilisado, kung kaya kalikasan ang kanilang diyus-diyosan.

5. Magpabasa pa ng ibang talata at ibigay ang lagom nito.

6. Ibigay ang mga gabay at pamantayan sa paglalagom ng binasang talata/maikling kwento

C. PaglalahatAno ang lagom ng isang seleksiyon? Paano ito ginagawa?

D. PaglalapatBasahin at bigyan ng lagom ang talataa. Mga magulang ang unang guro ng mga

bata. Ang ama ang nagtuturo sa anak na lalaki ng paghahanapbuhay. Ang ina naman ang nagtuturo sa anak na babae ng mga gawain sa tahanan. Magandang halimbawang itinuturo ng magulang sa anak ang pagpapakita ng paggalang sa nakatatanda at pagsamba sa Diyos.

IV. PagtatayaIpabuod ang alinman sa mga sumusunod na kwento:a. Si Pagong at si Matsingb. Ang Tipaklong at ang Langgam

V. Takdang AralinManood ng isang pelikula sa telebisyon. Ibuod ito at lagyan ng pamagat.

Disyembre 6, 2013 – BiyernesFILIPINO2:30 – 3:10

I. Layunin Natataya ang mga kaalaman at saloobin sa

mga araling natapos sa pamamagitan ng isang pagsusulit

II. Paksang Aralin Summative Test sa Filipino Kagamitan: Kopya ng pagsusulit

III. Pamamaraana. Balik-aralb. Paghahanda

Page 5: Banghay Aralin sa Filipino 4

c. Pagbibigay ng mga pamantayan sa pagkuha ng pagsusulit

d. Pagsagote. Pagtaya