13

Filipino 9 Aralin 1.4

Embed Size (px)

Citation preview

ANG SANAYSAY

SANAYSAY-ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan

na nagpapahayag ng kuru-kuro at pansariling kaisipan ng may-akda hinggil sa isang paksa. Layunin nito na ang kanyang mga mambabasa ay higit na makapag-isip, mapalawak at mapalalim ang pang-unawa upang makabuo ng isang kaisipan o pagpapasiya.

Dalawang Uri ng Sanaysay

(Pormal at Impormal o di-pormal)

Pormal na Sanaysay-ay maaaring mapanuligsa,

makasaysayan, sosyolohikal at may pilosopiya.

-ang paksa nito ay hindi karaniwan at nangangailangan ng matiyagang pag-aaral at pananaliksik.

Impormal o di-pormal na Sanaysay

-ito’y karaniwang himig nakikipag-usap lamang. Ang mga pananalita ay karaniwan at hindi na nangangailanaan ng masusing pag-aaral upang makasulat ng ganitong uri ng sanaysay.

Ang maanyo o pormal na sanaysay ay nangangailangan ng mga sumusunod:

• maingat na pagpili at paghahanay ng mga salita• maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan• lubos na kaalaman sa paksa• mahusay at malinaw na pagbubuo ng mga pangungusap

Ang malaya o di-pormal na sanaysay ay higit na madali at magaang sulatin sapagkat simple at kadalasang natural ang paglalahad ng mga kaisipan. Ito ang dahilan kung bakit waring pamilyar o malapit ito sa damdamin ng mga mambabasa. Madali itong maunawaan at parang nakikipag-usap lamang.

Ang Pagsulat ng Sanaysay

Ang pagsulat ng sanaysay ay nangangailangan ng masusing pag-iisip. Dapat na isaalang-alang ang mga sumusunod:

• Tiyakin ang paksang susulatin at kung paano bubuuin ang mga kaisipan• Piliin ang paksang kawili-wili•Mahusay na pagkakabuo• Paghahanda ng isang balangkas bago sulatin ang sanaysay•Paggamit ng mga salitang may tiyak at malinaw na kahulugan